Kingdom 9: Save them
Papadilim na ng mag pasya kaming kumilos na upang ang ilan ay mailigtas. Plinano namin ang lahat ang dapat naming gawin, dahilan narin kasi marami ang kalaban.
Kasama ko si Aina, Phoebus, at Christ sa paghahanap ng kasama, habang ang ilan ay gagawa ng paraan para maibaling ang atensyon ng kalaban sa kanila.
Papalapit kami sa hotel na pinagstayhan namin ng may sumabog malayo sa amin.
Rinig ko ang yapak at ingay ng mga kalaban, habang sila ay tumatakbo.
"Bilis! Kaylangan na natin silang mahanap agad." Sabi ko.
Pumasok kami sa loob, at may nakita kaming ilang mga bantay, kaya dali daling pinatulog ni Phoebus ito.
"Ayun! May kulungan!" Sigaw ni Aina ng nagtungo kami sa basement ng hotel.
"Xylem!" Sigaw ko.
"Pres!"
"Kayo lang dalawa dito?" Aina
"Oo! Hindi na namin nakita ang ilan" sabi ni ashly.
"Kaylangan na natin umalis." Christ.
Tahimik lang kami habang pinapalabas sila xylem.
Nilibot na namin ang buong gusali, pero walang mahanap na ilang kasama. Kaya ay lumabas kami at hinablot ang mga papalapit na kalaban.
"Nasaan ang iba?!" Sigaw ni Phoebus habang hawak ang isang lalaki.
"Hu-huli na ka-kayo. Nailabas na ang ilan nyong kasamahan, ng-ngayon ay ibebenta na sila sa malapit na bayan."
Walang sabing pinugutan ni Phoebus ang kaharap. Nakita ko ang galit nitong mga mata, at dali daling tumakbo pa layo sa amin.
"Phoebus!" Sigaw ko.
"Pres!" Sigaw ni princess zara.
"Kasama namin sila emphre and greigo pres. Nahanap namin sila sa malapit sa pasukan." Alex
"Bilisan nyo! Sundan natin si Phoebus!" Sigaw ko.
Tumakbo kami upang ito ay sundan, ngunit may ilan na humarang sa aming daan.
"Hindi kayo makakatakas sa amin mga maglalakbay." Sabi ng isang lalaking, may ngiting demonyo.
"Hindi din kayo masisikatan ng araw." Cold na sabi ni reixhen.
Tumakbo ang babaeng kalaban sa akin at sisipa na sana, ngunit ay naunahan ito ni aina na tinaponan ng maraming knife.
Sumigaw si aina na sundan ko si phoebus kaya ay sinunod ko siya. Alam ko naman na kaya na nito ang kalaban eh, hindi naman marami di tulad nuong una.
Takbo ako ng takbo habang pinapatulog ang mga nasasagupang kalaban.
"Phoebus!" Sigaw ko ng makita ko siya sa malayo.
Marami itong sugat dahil narin sa maraming kalaban nito.
Tinulungan ko siyang patayin ang mga ito, at talagang maraming sugat na ang natamo.
"Phoebus baliw kaba? Hindi ka ng iisip. Pano kung may ilan pang mga kasamahan nasa luob, wag kang padalos-dalos." Sigaw ko dito.
"Wala na tayong oras para ilibot ang lahat sa bayan pres. Ito lang ang paraan upang sila ay mahabol, hindi pa sila nakakalayo."
"Kaya nga phoebus. Hindi pa sila nakakalayo, kaya mahahabol parin natin sila. Hindi sa lahat ng oras ay maglalakad sila upang marating ang bayan na ipagbibinta nila."
"Tsk. Galit ako pres. At hindi gumagana ang utak ko sa nangyari."
"Makinig ka sa akin phoebus. Maliligtas ang lahat maniwala ka."
"Sana nga pres. Dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan niya." Sabi nito bago umalis.
Napatingin ako sa kanya. Anong ibig sabihin nun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top