Kingdom 7: Ambush


Aina POV

3 days na rin kami sa mission namin, hanggang ngayon ay hindi parin kami nakarating. Ang layo naman kasi ng bayan na yun.

Pero ang pinagtataka ko lang kasi ehh, bakit gusto ng hari na malaman ang bayan na yun..

Ehh ang layo layo sa Altra, at lahat ng tao duon mga masasama. Alam naming dilikado, pero kaya naman namin ang sarili. At gusto naming maging isa sa mga matuturing na malakas na clan sa mga kaharian. Kapag kasi binigyan ng mission ng hari at naging successful ay bibigyan nya anong kahilingan mo, at isa na rin sa pinakamalakas sa lahat.

"Ayun may bayan. Kita ko ang malalaking bahay dito." Sabi ni xylem

"Anong bayan ba yan?" Sabi ko naman.

"Ewan ko wala namang bayan na nakalagay dito sa mapa." Xylem

"Talaga? Parang bago pa nga ang bayan, kunti lamang ang mga kabahayan." Ako

"Puntahan na lang natin upang makasiguro." Reina

Pumunta kami at marami rami din ang tao sa bayan. Ang sasama pa ng tingin sa amin.

Ano bang problema nila? Hmmmppp.

"Dito tayo" turo ni third nang may nakasulat na hotel sa bahay.

Pumasok na kami at, masamang tingin ang sumalubong sa amin. Nakakatakot silang tumingin.

Kumuha ng dalawang malaking kwarto si Pres, para sa lahat.

..........

Tulog na tulog na ang iba samantalang hindi ako makatulog.

Bumaba ako sa kwarto namin mga babae, at nagtungo sa kusina sa baba lamang ng kwarto.

Pagbaba ko ay nakita kung lumabas sa kusina si pres kasunod si phoebus.

?_?

Magkasama ba sila? Tanong ko sa isipan ko.

Nagmamadali namang pumaitaas si pres, at hindi ako na pansin. Habang nakatingin si phoebus dito.

"Nag away ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

Nagulat si phoebus ng magsalita ako.

"Hindi naman" tipid na sabi nito.

Tumahimik ako sa sinabi nito.

"Matulog kana" sabi ni phoebus sabay bigay ng gatas na dala nito.
"Makakatulong ang gatas para ikay makatulog."
Sabi ulit nito bago nag tungo sa kwarto nila.

-////-

Damn bat ba ang gwapo nito? Hehehehe.

-Venus POV-

Gabing gabi na, pero hindi parin ako natutulog.

Isang dahilan ay hindi pa ako inaantok. At ang isa naman ay mga taong nakapaligid sa amin, ay pawang may masamang gagawin.

Nasa taas lang ako ng bahay, nakaupo sa bubong. At tanaw na tanaw ko ang mga taong nag lalakad papunta sa tinutuluyan namin.

"Kumikilos ng palihim ang nasa luob Ve" sabi ni christ

Tumango lang ako bago bumaba sa bubong at pumasok.

Kitang kita ko naman ang dahan dahan pag bubukas ng pinto, ang isang taga bantay sa bahay.

"Gawin mo yan ay hindi kana masisikatan ng araw Miss" sabi ko.

Nagulat ito sa akin, at biglang binato ang usi na dala nito.

Bago pa ito tumakbo ay, nahablot ito ni christ sa kamay bago pinatulog.

Pumasok ako sa naka bukas na pinto at nagtungo sa kwarto ng mga babae, kaylangan na kasi naming umalis dito. Baka may mapahamak pa, habang nag tungo si christ sa kwarto nila. Alam na nya anong gagawin.

Ginising ko si pres, at sinabi ang sitwasyon namin. Galit pa ang iba dahil sa masarap nitong tulog, kaso hindi kami pweding magtagal.

Bumaba kami at kita naming marami ng nakatulog nga kalaban. At alam naming kagagawan ng mga lalaking kasama.

Sumigaw si Zara ng nakita nya ang apat na sundalo na kasama namin.

Sila yata ang inuna ng kalaban, tsk.

-Reina POV-

Tumatakbo kami, habang maraming humahabol na taga bayan sa amin.

Shit ano bang gusto nila.?

Bago paman kami makalayo ay may humarang na sa amin, isang babaeng may mga pasa sa mukha at parang adik kung makatingin, sama nyo pa ang mata nitong kulay pula. May kasama rin syang mga lalaki at babae na parang isa silang grupo.

"Anong kaylangan mo samin?" Tanong ko.

"Isa lang gusto namin, ang mga kayamanan nyo." Ngiti aso sabi ng babae.

"Wala kaming maiibigay na alahas sa inyo." Sabi naman ni aina.

"Kung hindi kayo mag bibigay ay, kukunin ko na lamang kayong mga babae para ibinta at gawing alipin" nakangiti parin nitong sabi.

"Hindi kami papayag sa sinasabi mo Miss" sabi ni xylem.

"Kunin nyo na lamang sila lahat", sabi ng babae sa kasama nito.

Hinawakan ako ng isang taong malapit lamang sa pwesto ko at kinaladkad.

"Pres!!" Sigaw ni aina.

Shit! Bago pa ako malayo sa kasamahan ko, ay sinipa ko sa paa ang lalaking humawak sa akin.

Kita ko naman ang paglalaban ng iba, kaso dehado kami kasi ang dami nila.. At isa pa ay hindi gaano magaling sa pakikidigma ang ibang princesa.

Tutulungan ko sana sila xylem ng may kamay na humawak sa akin.

"Umalis mo na tayo pres." Sabi ni venus.

"What?" Gulat kung sabi. Ano bang sinasabi nya?

"Hindi natin sila kaya" sabi nito ulit.

"Anong pinagsasabi mo? Aalis tayong magkasama lahat." Galit kung pahayag.

Umiling ito sa sinabi ko, bago nagsalita.

"Kaylangan natin ng plano pres, babalikan natin sila"

"Damn venus. Hanggat kaya natin silang tulongan gagawin natin" sigaw ko sa kanya. Nagagalit na ako.

"Pres. Nadakip na sila, at tayo na lamang ang pag asa, kaya tayo ay gagawa ng plano. At hindi basta basta susugod, mas lalo lamang tayo mapapahamak.", sigaw din nitong sabi.

"Kung gusto mo ay, ikaw na lamang aalis, tutulungan ko sila." Sabi ko pagkatapos ay tumalikod.

"Pasensya na pres" rinig kung sabi ni venus, bago ako na walan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top