Kingdom 13: bayan ng terena
-Venus's POV-
Napatingin kami lahat sa isang bayan na alam naming ito na ang bayan ng terena. Ngunit na nangunot ang mga noo namin nang makitang may bandiritas sa bayan at nagsasayang mga tao, at kung titignan mo ay nakasuot sila ng isang simpleng damit na tutuusin mo ay dapat halos walang damit ang ihahambing mo dahil masasama ang nakatira sa bayan na ito. Ngunit ano itong nakikita namin, ibang iba ang inexpect namin, sa totoong nakikita.
"Anong maipaglilikod namin mga bisita?" Tanong ng isang parang guard duon.
Nakanganga ang aking mga kasama sa pinapakita ng taong kausap.
Isa lang nasa isip namin lahat, tama ba ang napuntahan namin?
"Bayan ng terena po ba ito?" Tanong ni aina.
"Oo binibini. Ito ay ang terena, may kaylangan ba kayo dito?"
"Pinapaimbestiga ang bayan na ito nang mahal na hari" pres
"Ang pinakamalakas na hari ba ang sinasabi mo?" Tanong nito.
"Ang hari po ng kahariang altra" pres
"Matagal na kayong hinihintay ng aming pinuno"
"Pinuno?" Lance
"Oo. Dito tayo"
Pumasok kami sa luob ng hut na tinutuluyan ng kanilang pinuno.
May nakita akong babaeng nakatalikod sa amin, may mahabang buhok na kulay itim at nakasuot ito ng mamahaling damit.
"Pinuno nandito na sila" sabi nito bago umalis palabas.
"Kayo poba ang pinuno ng bayan na ito?" tanong ni pres.
"Oo" sabi nito bago humarap sa amin. "Ako pala si Clara ang pinuno ng bayan ng terena."
Napanganga ako ng makita ko ang mukha ng kanilang pinuno, hindi ako makapaniwala.
"Ikaw" mahina kung sabi, ngunit alam kung narinig parin nila iyon.
Napatingin sa gawi ko ang babae at nanlalaki ang kanyang mga mata ng nakita nya ako.
"RHEA?" gulat nitong sabi.
"Ina!" walang buhay kung sabi.
"Bu-buhay ka aking anak. A-akala ko, a-akala ko wala kana." iyak nitong sabi.
Umiling ako at ngumiti ng mapait.
"Buhay po ako ina. Ngunit nawalan narin ng buhay ng ako iyong iniwan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top