Kingdom 12:Moment
Nakatingin kaming lahat sa gawi nila venus.
Pinapatulog ni venus si phoebus, habang ito ay nakahiga sa lap nito. Ngayon lang namin nakita ang side na yun ni phoebus, na takot na takot sa isang bagay. Parang bata itong umiyak at nagsorry sa babaeng iniibig nito.
Tinignan ko si aina at nagtanong.
"Akala ko kayo yung may relasyon aina" tanong ko.
"Hindi pres ah, ang sungit kaya nun. At chaka kala ko rin may relasyon kayo pres"
"Ano? Bat mo naman yan nasabi, e parang galit yun lage sakin"
"Ewan ko" kibit balikat nito.
"Hindi ako makapaniwala may ganyan pala silang side ano? Akala ko laging tipid at hindi ngumingiti si Venus at lagi namang galit o kaya bored itong si
Phoebus, minsan cold. Hindi talaga ako makapaniwala" sabi ni xylem.
"Ako rin." Ako
"Nalaman ko pres kung bakit sumama si phoebus, dahil yun kay venus." Aina
"Kaya pala nagalit ni phoebus sa akin nung kina usap ko si venus" napatingin kaming tatlo sa nagsalita, nakita ko si prince lance nakatingin sa gawi rin nila.
"Chismoso karin pala prince lance." Aina
Sinamaan naman ito ng tingin ng prinsepe.
"Maka alis na nga" lance
Tumawa naman si xylem.
"Pero talagang nagalit si prince phoebus kay lance? Baka nagselos. Playboy kasi. Hahaha" xylem
Napangiti naman ako. Kahit isang cold at tahimik na tao pwede palang magmahalan.
"Wag na lang natin estorbuhin yung dalawa. Magligpit na lamang tayo, malapit narin tayong makarating sa ating distinasyon." Ako
"Tama ka nga pres. Maghahanda na ako" xylem
"Matutulog muna ako" aina
Napailing na lang ako, at nagpasyahan na magligpit na lamang.
-Venus's POV-
Sinusuklay ko ang buhok ni phoebus habang ito ay nakahiga sa kandungan ko. Kanina pa ito natutulog at kanina pa ako nakatingin sa kanya.
Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko.
"Phoebus" mahina kung sabi.
"Alam mo bang natakot ako kung hindi kita makita sa nasurvive, natakot ako na baka mawala ka sa akin. Kaya nasuntok ako, duon ko sinabi sa sarili ko na ililigtas kita. Kaso hindi na naman kita nakita nung nagplano kami. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Sumama ako sa iba ng magpunta kami sa kira, duon daw kayo dinala kasi yun yung pinakamalapit na bayan. Hindi na ako nag aksaya, hinanap kita sa lahat ng lugar. Nakita nga kita, pero galit ako ng nakita kung hinaharas ka at sinaktan ng matanda na yun. Hindi ko na nacontrol ang lahat mahal. Patawarin mo sana ako" nakita ko ang galit at pagsisi sa mukha nito. Napansin ko pa ang paghigpit ng pag hawak ng kamay nito sa akin.
"Phoebus hindi mo kasalanan ang lahat. Wag kana magalit mahal ko, nandito na ulit ako sa tabi mo."
"Sorry prinsesa ko. Hindi kita naprotektahan, at nalaman rin nila ang gusto mong maitago, ang ating relasyon."
"Phoebus. Alam mo namang isa kang prinsepe kaya kaylangan nating itago ito. Pero hindi ko rin naman matiis na hindi ka pansinin. Nagseselos ako phoebus." Sabi ko.
Bumangon ito sa pagkakahiga.
"Selos? Sino naman pinagseselos mo mahal ko. Ikaw lang naman nag iisang babaeng pinag iinteresan ko, at mahal ko."
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Nagseselos ako sa ibang babae na nakatingin sa iyo lage. At parang close ka sa iba." Nakapout kung sabi.
Bigla niya akong kiniss, kaya nahampas ko siya.
"Ouch mahal!"
"Ikaw kasi!"
"Ang cute mo talaga. Pero mahal wag kang magselos ha. Hindi ko naman sila tinitignan. At kakausapin lamang pagkaylangan kaya ha, ngumiti kana."
Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Sa pisngi lang?"
"Wag kang ano, baka may makaka kita." Tumawa lang ito sa inasal ko.
"Mabuti pang maghanda na lamang tayo sa pag alis. Malapit na tayong makarating." Tumayo na ako at aalis na sana, ngunit ay hinila niya ako ulit. At hinalikan ng malalim.
Nagresponse ako sa halik niya. Namiss kong kasama sya palagi, sana ay ganito na lamang kami habang buhay.
"Mahal na mahal kita Venus Ria"
"Mahal na mahal rin kita Phoebus Leighton"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top