7

SIMULA ng araw na yon, pinigilan niya akong bisitahin siya sa bahay nila. Siguro ayaw niyang mahusgahan na naman ako ng dahil sa kanya. O ayaw niyang makita ko ang hirap na dinaranas niya ng anak niya. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit ano pa atang malaman ko tungkol sa kanya, mahal ko pa rin siya at di magbabago yun. Tanggap ko kung ano at sino man siya ngayon.

Nang gabing ‘yun, pagkatapos ng pagtugtog ng banda namin, nagpasya akomg dumiretso kina Jenny para bumisita. Dumaan muna ako sa bakery at bumili ng isang plastic ng siopao. Paborito nila’ to. Tiyak na matutuwa sila.



Rinig ko ang busina ng mga sasakyan at mabibilis na pagdaan nito. Pag-abot ko ng bayad ay agad akong napalingon sa babaeng humihingi ng tulong sa madilim na parte ng kalsada.

"Tulong! maawa na kayo! Pambayad ko ho ng utang ang perang ‘yan!" Nagpantig ang tenga ko dahil ang pamilyar ang boses na yun.

"Jenny?"

"Tuloongg!!"

"Jenny!" Agad akong napatakbo sa kabilang lane papunta sa eskinita pero di pa ako nakakalapit nang mabilis na tumakbo palayo ang snatcher dala ang bag niya.

"Tulong!!"

"Jenny sa likod mo!!"

Nasigaw ko na lamang dahil sa sobrang frustration nang makita ko ang isang paparating na truck. Mabilis itong rumagasa at tiyak masasagasaan si Jenny.

"Eeeeehhhh!!!!"

"Jenny!!!!!"

Sigaw niya ang tanging narinig ko at ang pagbusina ng truck na nakabangga sa kanya. Binitawan ko ang dala kong supot saka dali-daling nilapitan ang nakahandusay niyang katawan sa may eskinita.

Duguan. Naghihingalo. Napahikbi na ako at hinawakan siya sa pisngi.
"Jenny... lumaban ka. Jenny huwag mong ipikit ang mata mo. Please..."

Ibinuka niya ang bibig nya. Kahit hirap magsalita dahil sumusuka na siya ng dugo ay nagawa pa niya.

"M-Mr. B-Batumbakal...."

"Huwag ka na munang magsalita. Mabubuhay ka, tatawag ako ng ambulansya. Wait lang." Aligaga kong kinapa ang bulsa ko para sa cellphone pero pinigilan niya ako.

"’W-wag na..." umiiyak siyang umiling-iling.


"Di ka pwedeng mawala. Jenny naman. Paano na ang anak mo? Ms. Maculapnit, sasayaw ka pa ng El Bimbo di’ba?"

"I-iwan na naman  kita." Dire-diretsong tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Napatungo ako.

"P-paalam..." naghihingalo niyang sambit saka dahan-dahang pumikit.
"Jenny!!!!!" Napasigaw ako at nayakap na lamang siya ng mahigpit. Doon nagtapos ang lahat.

Ang buhay niya. Lahat ng pangarap ko. Parang bumagsak. Lahat-lahat. Pakiramdam ko gumuho na ang mundo ko. Nawala siya noon.
Pero ngayon, tuluyan na siyang nawala. At hindi na siya muling babalik pa. Wala na ang babaeng magaling sumayaw. At malakas mang-asar.








ARAW-ARAW kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Sobrang daming SANA pero alam kong di na maibabalik ng SANA ang buhay niya. Makalipas ang ilang buwan, mahal ko pa rin siya. At sobrang sakit na masaksihan ang mga totoong nangyari. Na parang wala man lang akong nagawa.

"Pre okay ka lang?" Tumango-tango ako saka nilagok ang natitirang alak na laman ng baso.

"Tayo na. Moment natin to," nakangiting sambit ni Axel saka inihanda ang drum stick n’ya. Magpeperform kami ngayong gabi. Parang mini concert ng banda namin kahit di pa masyadong sikat.

Nang makatungtong ang banda namin sa stage ay naghiyawan at palakpakan ang lahat.

"Good evening, everyone. Tonight we're gonna entertain you with our The Shuffles Band!" panimula ni Axel at itinaas pa ang drum stick n’ya. Bilang vocalist, ako ang nasa harapan ng microphone. Tiningnan ko ang buong audience na naghihintay ng sasabihin ko.


"Three years ago, may nakilala akong babaeng kolehiyala. Kaklase ko pa to be exact. Isip-bata, baliw, at nakakaasar." Nagtawanan sila kaya napatungo ako.

"Pero kahit ganoon, maganda siya, mabait at magaling sumayaw."

"Lagi niya akong inaasar sa apelyido kong Batumbakal. Pero dahil nga pikunin din ako, madalas rin akong gumanti. Tinawag ko siyang Ms. Maculapnit." Napangiti ako sa mga naalala ko nung college pa kami ni Jenny.

"One time dahil nga ayokong bumagsak sa Dance class namin, sa kanya ako lumapit para magpaturo ng El Bimbo. Doon ko napagtanto na sa bawat paglipas ng araw na nagkakasama kami, nahuhulog na ata ako sa babaeng ‘yun."

"Nakakalungkot isipin na hindi naging maganda ang buhay nya rito sa mundo. Malayo sa pinapangarap niya. Hanggang sa pagtatapos ng buhay niya, alam kong di ko pa naiparamdam kung gaano siya kahalaga para sa akin."

"Ang awiting ito ay para sa babaeng nagpapaalala pa rin sa akin ng nakaraan na  hinding-hindi ko makalimutan. Ms. Maculapnit, kung nasaan ka man ngayon, para sa’yo ‘to..."


Sa isang pukpok ng drum stick niya ay nagsimula na akong kumanta.

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Cha-cha


Naalala ko noong kolehiyala pa siya.  Kahit asar na asar ako kay Jenny, para sakin siya pa rin ang pinakamaganda at pinakamagaling sumayaw sa campus.

"Mr. Batumbakal marunong akong sumayaw. Anong gusto mong ituro ko sayo? Boogie? Chacha? Ano?"

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El bimbo,
Nakakaindak
Nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

Pero alam nyo ba’ yung pinakapaborito kong itinuro n’ya sa akin? Yung pagsayaw ng El bimbo. Iyon ang sobra kong natutunan dahil sa kanya.

Pagkagaling sa 'skwela ay
Didiretso na sa inyo
At sa buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Halos araw araw ko ng routine na dumiretso sa bahay nina Jenny para lang magpaturo nun. Minsan pa nga kapag araw ng Sabado, buong maghapon ata akong nasa bahay nila.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay malay.
Na tinuruan mo
Ang puso ko na umibig ng tunay

Hindi ko namamalayang sa tinuturuan niya akong sumayaw, ay may isa pa akong natututunan dahil sa kanya. At yun ay ang mahalin ang isang kagaya ni Jenny Maculapnit. Sa bawat paghawak niya sa kamay ko, pakiramdam ko sobrang saya ko na. Siguro ganun lang talaga ang epekto niya sa akin.

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Sana nga noon pa man inamin ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Para hindi na s’ya umalis pagkatapos ng prom namin.


Lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita.
Balita ko'y may anak ka na.
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita

Ilang taon din na di kami nagkita. At nagulat na lang ako nang makita siya sa sitwasyon na yun. Isang waitress. Inaapi ng amo. Umuuwi sa barong-barong. Maagang nagkaanak. Iniwan ng asawa. Sobrang sakit. Awang-awa ako pero wala akong magawa man lang.


At Isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita.


Hanggang sa gabing yun, isa pa palang pangyayari ang makakapagpabago sa lahat.

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw.
Sa panaginip na lang pala kita
maisasayaw

Wala na siya. Isa na lang malaking alaala ang lahat. Parang lahat ng pangarap ko naglaho sa isang iglap. Hindi ko na pala sya maisasayaw. Hanggang alaala na lang ang lahat. Hanggang sa panaginip na lang. Hindi ko alam kung paano ako makakalimot.
Dahil hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko. Nakamarka na sa isip ko ang tatak El Bimbo Girl.


Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng
tunay


Pagkatapos ng awit namin ay pinahid ko ang luha ko sa gilid ng mata at tumingala. Nakarinig na naman kami ng hiyawan. Sa likod ng mga nagsisigawang audience ay nagulat ako. Naroon si Jenny at sumasayaw ng El Bimbo. Ngumiti sya sa akin at kumaway.


"Ms. Maculapnit," sambit ko saka nangingiting umiling-iling.

Namamalikmata na naman ako.



-W A K A S-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top