6

MULA noon wala ng komunikasyon.

Wala ng Jenny Maculapnit na lalapit sa akin para asarin ako. Wala ng magaling sumayaw. Wala na yung babaeng gusto ko. Hindi na nga siya umattend ng graduation. Kung saan siya pumunta? Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Lumipas ang maraming taon. Hindi na talaga kami nagkita.

Grumaduate ako ng college.
Nagkabanda na nagpeperform sa kung saan-saang resto bar at events. Walang siya na nagchecheer-up at sumisigaw para sa akin, para sa amin.
Nakakatawa lang isipin na kahit ilang taon na ang nagdaan, siya pa rin ang laman ng puso ko. May pagkakataon na maaalala ko siya, kaya mapapangiti na lang ako bigla.



Tulad ngayon. Mag-isa akong kumakain rito sa restaurant pero siya ang iniisip ko. Napasulyap ako sa relo ko at akmang tatayo na para umalis pero napalingon ako sa counter kung saan may nagsisigawan.



"My goodness! Ganito ba talaga ang service ng restaurant nyo?! O sadyang tanga ka lang talaga?!" asik na sabi noong costumer doon sa babaeng nakatalikod. Waitress ata nila.

"Sorry Mam. Hindi na po mauulit."

"What's happening here?!"

Nagmamadaling lumapit sa may counter ang manager dahil sa nangyayaring commotion.

"Eto kasing waitress nyo! Tatanga-tanga! Natapunan tuloy ako ng sabaw! Yuck! Walang kwenta!" nanggagalaiting sigaw ng costumer.

"Wait Maam we can explain--" Magpapaliwanag pa sana yung manager pero agad-agad itong nagwalk-out palabas ng restaurant.
Pare-pareho kaming natulala sa nangyari. Isang malutong na sampal ang narinig ko nang sampalin ng manager yung waitress nila.

"Sorry po. Hindi ko sinasadya."

"You. Ruin. Everything. Alam mo bang regular costumer namin ang isang yun ha?! Pero dahil d’yan sa katangahan mo..." Dinuro-duro n’ya ang ulo nito.

"Nawala na! Alam mo, nagkamali talaga kami ng pagtanggap sayo eh. Bukod sa palpak ka lagi, ang tanga mo rin! You're fired!!" bulyaw pa ng manager.

"Ma'am, please. Kailangan ko ho ng trabahong to." Napaangat ang tingin ko dahil naging pamilyar ang boses ng waitress.

"Sana naisip mo ‘yan bago mo nagawa yun," walang emosyon nitong tugon.

"Bayaran mo ang mga nabasag mo. Makakaalis ka na at---" Hindi ko napigilan ang sarili ko na makialam kaya nilapitan ko na sila. Nakakaawa kasi yung waitress.

"Excuse me. Keep it." Inabot ko sa manager ang dalawang libong piso bilang bayad para sa mga nabasag na plato.

"Para saan to?" Takang-taka na tanong n’ya. Pero hindi ko na nasagot ang tanong ng manager dahil sa napagtanto ko. Pilit kong tinitigan ang nakatungong mukha ng waitress at nanginginig na nabitawan ang hawak kong panyo. Sa isang iglap ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

"J-Jenny?"

"Jenny?" nauutal kong tanong sa babaeng kaharap ko. Pilit nitong iniyuyuko ang ulo niya. "Sorry po," mahina niyang sambit. Kinuha na niya ang shoulder at dire-diretsong lumabas ng restaurant.

"Sandali lang!" Habol ko sa kanya pero sobrang bilis ng pagtakbo niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na eskinita.

"Sandali!" sigaw ko na siyang ikinatigil niya sa pagtakbo ng mabilis.

"J-Jenny?" Hindi siya lumingon.
"Jenny ikaw ba ‘yan?" Sa ikalawang tanong ko ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Doon ko ulit namasdan ang itsura niya. Yung taong di ko nakita ilang taon na ang nakararaan. Yung babaeng namimiss ko na.

"M-Mr. Batumbakal," alinlangan niyang sambit saka ngumiti ng pilit. Anong nangyari sa kanya?
Ibang-iba na siya sa Ms. Maculapnit na nakilala ko nung college. Mula sa suot at itsura niya, parang hirap ang dinaranas niya ngayon.

"Anong nangyari sayo?" nasambit ko na lamang. Sa halip na sumagot ay napaiwas na lamang siya ng tingin at napangiti ng tipid na waring hindi alam ang isasagot.





Natagpuan ko ang sarili ko na nakasunod kay Jenny habang papasok sa pasikot-sikot na eskinita.

"Jenny saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita," masaya kong alok at nginitian siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa loob ng maraming taon. Kumusta na kaya siya?

"Deo, wag na," giit n’ya at tumigil sa paglalakad. Napaisip naman ako. Bakit waitress ang trabaho niya samantalang matalino naman siya noong college kami? Bakit sobrang laki ng pinagbago niya? Huwag niyang sabihin na dito siya nakatira?

Hindi pa ako nagtatanong nang makarinig naman ako ng palahaw ng bata.

"Mamaaaa!!" Pareho kaming napalingon. Sa isang iglap ay nagmamadaling pumasok si Jenny sa isang maliit na barong-barong. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang.

"Mama!!"

"Anak. Shhh.. tahan na. Andito na si Mama. Huwag ka ng umiyak ha?" pagpapatahimik niya dun sa bata. Anak? May anak na ba s’ya?

"D-Deo pakibukas naman ng ilaw." Agad kong pinindot ang switch ng ilaw dahil ayaw niyang tumigil ng bata sa pag-iyak. Tumambad sa harap ko ang kabuuan ng bahay.

Magulo. Makalat. Malayong malayo sa inaakala kong tinutuluyan niya.

"Deo pasensya na. Sobrang kalat ng bahay. U-upo ka muna." Aligaga niyang inasikaso ang mga natumbang yero, lata at mga papel na nagkalat. Natigalgal naman ako nang makita ang batang nasa tatlong taong gulang.
Bakit? tanong niya nang mapansinng tulala ako. Napalunok ako bago magsalita.

"M-may anak ka na?" Pagkatapos  nito ay hindi na siya nakasagot. Imbes na magsalita ay napahikbi na lamang siya.



Magkaharap kami ngayon at umiiyak pa rin siya. Pinahid niya ang luha saka nagsalita.

"Akala ko kasi pag umalis agad ako, magiging maganda yung buhay ko." Hindi ako nakaimik. Humalakhak siya ng mahina.

"Mali ako. Nagpadalos-dalos kasi. Naalala mo noong college tayo? Nawala si lola kaya naisip ko, bakit pa ako mag-aaral e wala na siya. Kaya umalis ako, para magtrabaho. Pero di rin nagtagal yon." Suminghot-singhot siya. Sa ikalawang pagkakataon ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Una, nung nawala sa kanya ‘yung lola niya. At pangalawa, ang kalagayan niya ngayon. Ibinaling ko ang tingin ko sa batang mahimbing na natutulog.

"Sinong ama niya?" Tukoy ko sa tinawag niyang anak kanina. Natahimik siya.

"Wala siyang kwenta." Kitang-kita ko ang galit sa mata niya. Mukhang alam ko na ang dapat na sagot sa tanong ko.

"Iniwan niya kami. Pinabayaan. Wala siyang kwentang ama---" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil paulit-ulit na siyang humikbi.

Nang araw ding iyon, nakita ko kung paano siya namuhay. Kung ano ang naging buhay nya ng wala ako. Sayang lang at di ko siya pinigilang umalis dati. Kung nagawa ko yun, edi sana hindi maliligaw ang landas niya.

Mahirap mang tanggapin, nangyari na ang nangyari. Masakit makita sa mata na ang babaeng gusto mo ay nakatira sa masikip na eskinita. Sa barong-barong kasama ang anak niya.

Minsan ay naisipan kong dalawin ulit sila. Naabutan ko si Jenny na naglalaba katabi ng umpok ng mga labahin niya.

"Kuya Deo!!" salubong sa akin ng anak niya. Nakipag-apir ako sa kanya sabay gulo ng buhok nito. Inabot ko sa kanya ang supot na may lamang groceries.

"Ms. Maculapnit," bati ko sa kanya.

"Salamat Mr. Batumbakal. Nakakahiya na sayo. Para kasing ikaw na ang lumalabas na ama ni Tristan," natatawa niyang sambit. Sasagot pa sana ako nang biglang lumitaw sa harap namin ang bungangera niyang kapitbahay.

"Hoy Jenny! Sino ‘yan? Bago mong kabet? Wow ha?! Bago ka lumandi magbayad ka muna ng utang mo! Para ka nang Pilipinas sa sobrang haba ng listahan mo sa akin!" bulyaw nito habang nakapamewang. Napatayo si Jenny at hinarap ito.

"Aba Aleng Berna sumusobra na ho kayo. Konting respeto naman para sa kaibigan ko." Bakas sa mukha ni Jenny na napapaiyak na naman siya.

"Aber ang galing mo ring sumagot ano? Yung palugit ko sa’yo hanggang bukas na lang!" Bubulong-bulong na umalis yung ale. Napabuntong-hininga si Jenny pagkatapos atsaka pinahid ang luha.




***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top