4

PAGKAGALING ko sa eskwela ay diretso na sa bahay nina Jenny. Muntikan pa akong maligaw dahil sa binigay niyang address. Psh. May balak pa ata siyang iligaw ako. Kumatok ako at unang bumulaga sa akin ay ang mukha ng matandang babae.

"Anong kailangan mo iho?"

"He-hello po. Ako ho si Deo Batumbakal. Andyan ho ba si Jenny?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis ako. Ngumiwi na lang ako. Mayamaya ay may tinawag siya sa loob.

"Neng,  may naghahanap sa’yo!"

"Po? Sino raw?"

"Hindi ko alam kung sino’ to. Tumbang Bakal ang apelyido." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa pag-iiba niya ng apelyido ko. Inaasar ba ako ng matandang ‘to?

"Uhh.. Lola, Batumbakal ho. Hindi Tumbang Bakal." pagtatama ko.

"Lola sino ho---" Nakita kong napatigil si Jenny sa may terrace nang makita ako sa may gate nila.

"Kilala mo ba ang damuhong na ‘to?" taas-kilay na tanong ni Lola sabay palo ng tungkod niya sa ulo ko. Ouch.

"Lola naman, kaklase ko ‘yan. Ang harsh mo naman." Napakamot siya sa ulo at lumapit sa amin.

"Eh bat naparito yan?" usisa ni Lola.
"May practice kami," sagot niya sabay hawak sa braso ko. "Tara. Pasok tayo sa loob." Hinatak-hatak niya ako papasok sa bahay nila.





Isinalpak ni Jenny yung tape at tumugtog yung El Bimbo song. Oh shit. Kelangan ko ba talagang sayawin to?
"C'mon!" Aya niya sa akin.

"Hindi ako marunong." Sabi ko kaya ngumiwi siya.

"Natry mo na ba?" Umiling-iling ako bilang sagot.

"’Yun naman pala e. Then try on," seryosong saad niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ready?"

"Ready." Bawat step parang gusto ko nang maglaho. Alam ng lahat na hindi ito ang mundong gusto ko.

"Lagyan mo kasi ng rhythm yung paa mo," payo niya kaya ginawa ko naman. Hanggang sa mapangiti ako dahil bawat galaw ko, sumasabay na sa tugtog.

"Yes! Nagawa ko!" bulalas ko nang matapos yung tugtog. Pumalakpak si Jenny at tumalon talon.

"Kaya mo naman pala ee. Congrats Mr. Batumbakal! Haha!" "Thanks Ms. Maculapnit!" Para kaming tanga na nag-apir pa saka nagtawanan.

"Tama na muna yan. Magmeryenda muna kayo." Biglang pumasok sa pinto si Lola na may dalang tray ng pagkain. Nagtawanan ulit kami bago lumapit kay Lola.

"Konti na lang mapeperfect mo na! Good job!" puri sa akin ni Jenny. Natatawa kong inilibot ang paningin ko sa sala nila at nakita ko ang isang picture frame. May isang pamilya doon. Isang bata at mag-asawa. Masaya sila.

"Sino sila? Parents mo?" tanong ko pero di siya sumagot at ngumiti lang ng tipid.

"Tara na. Practice na tayo." Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang kahit gusto ko pang malaman kung bakit ganun ang reaksyon niya.












Halos araw-araw didiretso ako sa bahay nina Jenny para magpaturo ng El Bimbo. Hanggang sa dumating yung araw na hindi lang El Bimbo ang pinunta ko dun. Hindi ko alam. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.

"Iho, nililigawan mo ba ang apo kong si Jenny?" Halos mabilaukan ako ng iniinom ko dahil sa naging tanong ni Lola. Dahan-dahan akong tumawa.

"Haha! Hindi po."

"Hahaha. Sayang naman. Bagay pa naman kayo ng apo ko." Nakita kong parang nadismaya siya. Hindi ko naman talaga nililigawan. Trip ko lang siyang asarin na Miss Maculapnit. Ang cute niya pag naiinis.

Bumuntong-hininga si Lola.

"Ayoko lang na mag-isa si Jenny. Ang tagal na niyang namumuhay mag-isa na wala ang magulang niya," biglang kwento ni Lola saka tumingin sa picture frame sa ibabaw ng cabinet. So parents nga yun ni Jenny.

"Matapos mawala ng mga magulang niya sa aksidente, ako na lang ang naging kasama Ng batang yan. Eh hindi naman natin hawak ang buhay tama ba?" Tumango ako.

"Matanda na ako. Gusto ko mang manatili sa tabi niya ng matagal, alam kong di na maaari."

"Sana lang may isang tao na mag-aalaga sa kanya kung sakaling mangyari yun," makahulugang sambit niya at napatingin sa akin.

"Lola, wag kang magsalita ng ganyan. Hahaba pa ang buhay mo at magkakasama pa kayo ng matagal ni Jenny," sabi ko bilang pampalakas ng loob niya.

"Sana nga. Pero alam mo? Ikaw pa lang ang lalaking pinakilala niya sa akin." Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

"Sana ikaw na ‘yun..." sambit niya ulit.

"Oy, seryosong usapan ba yan Lola? Deo? Sorry. Late akong gumising.  Maliligo pa lang!" Pareho kaming napatingin kay Jenny na may bitbit na tuwalya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako. Bakit ang cute niya kahit di pa siya naliligo?  Baka kasi bagay sa kanya ang messy ponytail. Tss. Ano bang sinasabi ko?



"Go. Kaya mo yan," pagchecheer sa akin ni Jenny nang mabanggit ko sa kanya na bukas na ang performance ko ng El Bimbo. Kinakabahan ako.

"Oo naman, gagalingan ko. Basta ba, manonood ang coach ko." Dahil sa sinabi niya ay napailing siya habang nangingiti. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kasiyahan dahil sa biglaang pagngiti niya.

"Oo rin, panonoorin kita," pagpayag niya kaya napasuntok sa hangin. Talo ko pa ang manliligaw na sinagot na ng kanyang nililigawan matapos ang ilang buwan na panunuyo.

"Yes naman! Oy, asahan kita ah? pag-uulit ko pa."

"Oo nga. Oo na."











"GREAT JOB! Congratulations, Mr. Batumbakal!" Sambit ng D.I namin. Nakarinig ako ng palakpakan matapos kong sumayaw. Kahit papano naman ay medyo nakatuto ako dahil kay Jenny.

"Thank you sir."

Pagkalabas ko ng gym ay agad kong hinanap ng mata si Jenny. Pero wala. Magpapasalamat pa naman sana ako.




"Yow bro! Ang galing mo ah! Nadevelop na talaga ang dancing skills mo!" bungad sa akin ni Axel pero di ko s’ya pinansin.

"Nakita n’yo ba si Jenny?" tanong ko.
"Hindi ba nanood?" tanong nila. Umiling lang ako. Parang agad nawala ‘yung excitement ko nang di ko s’ya makita. Ibabalita ko sana sa kanya na pasado na ang grade ko. At dahil yun sa kanya. Hindi man lang n’ya ako pinanuod.

"Sige bro, una na kami sa audio room. Sumunod ka na lang." Tinapik ako ni Axel sa balikat at lumakad na sila palayo. Inayos ko ang pagkakasukbit ng gitara ko saka lalabas na sana nang i-approach ako ng kaibigan ni Jenny.

"Uy..." sambit n’ya.

"Yow. Uhmm kasama mo ba si ..."

"Actually, nandito s’ya kanina nanonood. May emergency lang kaya umalis siya kaagad. Pinapasabi niya na ang galing mo daw," sambit nito na parang alam niyang si Jenny ang tinutukoy ko. Paalis na sana siya pero tinawag ko ulit.

"Sandali, anong emergency daw?" Dahan-dahan siyang lumingon at parang problemadong tumingin sa akin.



"Sinugod kasi sa ospital ang lola niya..."



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top