3

"SIR, pinatawag nyo daw po ako," bungad ko pagpasok ko pa lang ng room nya. Wala siyang sinabi. Itinigil niya ang pagsusulat at inilapag ang class card ko. Parang bumilis ang ikot ng paligid ko. The F!

"What the F!!" mura ko nang makita ko ang grade ko sa card. F. Pure F. Agad kong nasapo ang ulo ko.

"Sir ano pong ibig sabihin nito?"

"Tinatanong mo pa kung ano ang ibig sabihin niyan? Mr. Batumbakal iyan na nga ang sinasabi ko sa iyo. Kaya nga pinipilit kitang sumayaw kahit alam kong di ka masyadong marunong. " Tiningnan ko ulit ang class card ko ng di makapaniwala.

"Ee, sir baka pwede namang gawan ‘to ng paraan. Please ayoko pong bumagsak," pagmamakaawa ko kaya tinitigan ako ni Sir bago magsalita.

"In one condition, kailangan mong sumayaw ng El Bimbo. Since dance class naman ito, make it as pambawi sa grade mong F." Halos malaglag na naman ang panga ko dahil sa sinabi niya. Ano ba namang klaseng pambawi yan?! Mukhang mas babagsak ako neto eh.

"Sir pwedeng iba na lang? Kakantahan ko na lang kayo," alok ko. Baka sakaling magbago ang isip niya.

"No, Mr. Batumbakal. Take it or just take the F?" nanghahamon na sambit ni Sir. Bagsak balikat akong napatango.

"I'll take it."



Bagsak ang balikat na pumasok ako sa audio room kung saan kami nagpapraktis ng banda. Agad naman akong sinalubong ng mga nagtataasan nilang kilay.

"Anyare sa'yo pre? Pasan mo ata ang buong mundo ngayon." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Kung masyado mong dinaramdam dahil hindi ka pinapansin ni Jenny, huwag kang mag-alala. Di ka matitiis nun." Sinamaan ko ng tingin si Axel.

Tss. Mas lalo lang akong namomroblema dahil sa kanila.

"Pwede ba? Hindi kayo nakakatulong sa problema ko," naiirita kong sambit atsaka sumandal sa upuan. Nagsilapitan naman sila sa akin.

"Bakit? Ano bang problema mo?" sabay-sabay na tanong nila kaya napakamot ako sa ulo.

"Tatawanan n’yo lang ako pag sinabi ko." nakangiwi kong saad. Oo. Alam kong tatawanan lang nila ako pag nalaman nilang sasayaw ako ng nakakairitang El Bimbo. Ugh.

"Makikinig kami." seryoso nilang sagot. Seryoso sila? Apelyido ko nga pinagtatawanan nila. ‘Yun pa kayang sasabihin ko? Psh.

"Talaga lang ha?" sarkastiko ang pagkakasambit ko.

"Oo nga kasi, ano na?" naiinip nilang tanong. No choice. Mababaliw ata ako nito pag kinimkim ko pa. Humugot muna ako ng hangin bago magsalita.








"Anooo???!!!" chorus na sigaw nila matapos kong maipaliwanag ang nangyari. Ngumiwi naman ako at tiningnan sila.

"Okay, alam kong kanina pa kayo natatawa kaya uunahan ko na kayo. Tumawa na kayo ngayon na," sambit ko pero di sila umimik. Masyadong seryoso ang awra nila ngayon.

"Dude hindi kami tatawa. Hangga't di ka namin nakikitang sumayaw ng El Bimbo," walang reaksyon na sabi ni Axel.

"Oo pre. Ise-save na lang namin yung tawa namin sa next month." Lalo lang akong naasar dahil sa mga sinasabi nila. Pusheet. Wala naman silang naitutulong na maganda eh. Sinamaan ko sila ng tingin na alam naman nila ang ibig sabihin.

"Seryoso na oh, paano mo magagawa ‘yung El Bimbo ee hindi ka nga marunong sumayaw?" napaisip ako dahil sa sinabi niya. Yun nga ang problema ko. Ugh., Napakamalas talaga.

"Mukhang kailangan mo ng tutor." Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may marinig kaming usapan sa labas.
"Ang galing talagang sumayaw ni Jenny noh?"

"Yup.  Sinabi mo pa Sis. Lalo na ‘yung El Bimbo na sinayaw niya kanina? Nakakabilib!!" Sa isang iglap ay bigla silang lahat tumingin sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Ano na namang iniisip niyo?" nakangiwi kong tanong.

"I think alam na namin kung sinong makakatulong sayo," sabi ni Axel na may pahawak-hawak pa sa baba niya.

"Si Jenny? No way!" tanggi ko at napatayo dahil sa sinabi nila.

"Yun nga pre. Si Jenny lang ang makakatulong sa iyo. Magaling siyang sumayaw at the same time, nung El Bimbo pa!" napapalakpak na sagot ni Axel na parang napakagandang ideya naman ang naisip niya.

"Teka nga? Alam nating magaling nga siya, pero kahit kailan di ako magpapaturo sa Maculapnit na yun!" naiirita kong sabi sa kanila.

"Bakit naman? Waka kang choice ee. Kesa naman sa bumagsak ka." bumuntong-hininga ako at napaiwas ng tingin. Ang totoo, nakakahiya na bumagsak ako. Pero mas nakakahiya ang magplease sa babaeng yun. Nangako akong hindi ako hihingi ng tulong sa kanya. Tss.

"Hindi. Ayoko," matigas kong sabi.  Pero di pa rin nila ako tinitigilan.

"Hay, kung ang problema ay di ka iniimikan, ikaw na mismo ang kumausap. Ganyan  talaga ang mga babae." Tinapik nila ako sa balikat at binigyan ng makahulugang tingin. Nasapo ko naman ang noo ko. Ugh. Paano na ‘to?






Parang lutang na lutang ako habang naglalakad dito sa hallway. Paano ba naman hindi ata ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa task ko. Nakakabwisit talaga. Isinusumpa ko talaga ang sayaw na yan! Grr.

"Magpaturo ka na lang kasi kay Jenny." Parang nagflashback ‘yung mga sinabi nina Axel sa akin nang makita ko si Jenny sa may tapat ng locker niya di kalayuan sa akin.

"Magpaturo ka na. Ikaw rin." Ipinilig ko ang ulo ko. No way Deo. Nakakaasar ang babaeng yan. Hindi ka niya matutulungan. Wala siyang magandang idudulot sa buhay mo. Sabi ng konsensya ko.

"Lapitan mo na kasi. Matutulungan ka niya para sa grades mo rin," dikta naman ng isip ko. Agad akong napakamot sa ulo. Ano bang susundin ko? Babagsak ako pag di ako natutong sumayaw. Pero hindi ko kayang kainin ang pride ko para lang magpaturo kay Ms. Maculapnit. Tss. Bahala na nga.





"J-Jenny," tawag ko sa kanya nang mapansin kong maglalakad na siya palayo. Nilingon niya ako nang nakapamewang.

"Ano yun Mr. Batumbakal?" Imbes na makaramdam ako ng pagkaasar ay parang sumaya pa ako. Hindi ko alam. May mali na sa sistema ko. Tinawag na ulit niya ako sa apelyido ko!! Teka? Bati na ba kami? Aish! Kailan ba kami nag-away? Alinlangan akong ngumiti at napakamot sa kilay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Eto na.

Kakainin ko na ang pride chicken ko. Sana mabusog ako netooo. Huminga muna ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Siya naman nag-aantay ng sasabihin ko.

"Pwede bang turuan mo akong sumayaw ng El Bimbo?" diretsang tanong ko. Inantay ko ang reaksyon niya pero wala.  Nakatitig lang siya sa akin. Bakit na naman ba? Sige. Alam ko namang tatawanan ako nito ee.

"El Bimbo? Magpapaturo ka?" tanong niya. Dahan-dahan akong tumango. Nag-isip muna siya saka nagsalita ulit.

"Naalala mo noong inalok kitang ako mismo ang magtuturo sa’yo? Tapos tumanggi ka naman?" Tumango ako ulit. Tengene. Bakit kailangan pa niyang balikan yun? Kinokonsensya ba niya ako? Oo na! Kasalanan ko nang nagpabebe pa ako noon.

"Ee paano kung ako naman ang tumanggi ngayon?" Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Sorry Mr. Batumbakal. Ayoko." pagkasambit niya ay tuluyan na siyang naglakad palayo at naiwan akong di makapaniwala.

"Sige na please. Turuan mo na ako," pangungulit ko kay Jenny at nakabuntot pa rin ako sa kanya kanina pa.

"Ayokooo. Wala akong naririnig." Tinakpan niya ang tenga niya habang naglalakad. Napangiwi ako.

"Please. Maawa ka naman. Babagsak ako pag di ako nakasayaw ng El Bimbo!!" problemado kong sambit. Ugh. Ilang beses pa ba akong magmamakaawa rito? Gasgas na gasgas na ang pride ko.

"Tulungan mo na ako.."

"Ayoko nga."

"Sige na."

"Ayoko sabi eh. Kasalanan mo rin ‘yan kaya ka bumagsak," asar na sambit niya kaya napakamot ako sa ulo.

"C'mon, alam kong galit ka sa akin kasi nasigawan kita noon kaya sorry naaa." Nagcross-arm siya dahil sa sinabi ko.

"Ayoko pa rin." Marahas kong nasapo ang noo ko at sinundan siya papunta sa tapat ng locker niya.

"Kahit ano gagawin ko. Ililibre kita ng recess, hindi na kita aasarin sa apelyido mo. Anong gusto mo? Kakantahan pa kita rito? Ano? Sabihin mo lang. Please turuan mo na ako," pagmamakaawa ko. Desperado na kasi akong matuto. Pag ‘di ko to nagawa, tiyak na di ako makakagraduate! Tiningnan niya ako at ngumisi ng nakaloloko.

"Ulitin mo nga lahat ng sinabi mo?" panunubok niya pero umiling-iling ako.

"One word is enough to a wise man, Ms. Maculapnit," seryosong sabi ko. Mas lalong lumapad ang ngisi niya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Alam ko. Buti na lang nirecord ko ang mga pangako mo." Nanlaki ang mata ko nang ipakita niya sa akin ang phone niya.

"Nirecord mo?!" bulalas ko at tumango-tango lang siya.

"Bakit? May angal ka ba Mr. Batumbakal?" nakataas kilay niyang tanong.

"Sabi ko nga wala," sarkastiko akong ngumiti. Bwisit. Naisahan ako ng babaeng to ah. Isinuksok niya ang phone niya sa bulsa at ngumiti ulit sa akin.

"Apology accepted. At para dun sa hinihiling mo, kung gusto mong magpaturo, dumiretso ka na lang sa bahay after school. Bye Mr. Batumbakal! May klase pa ako."


Nagtatakbo na siya palayo at kinawayan pa ako. Okay. Tuturuan niya ako. Pero ano ba ‘tong napasok ko?


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top