2

"HEY Mr.Batumbakal!" Napangiwi ako nang madatnan ko na naman si Jenny sa tapat ng pintuan ng room para bwisitin ang araw ko.

"Padaan Ms.Maculapnit," pang-aasar ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay at mas lalong idinipa ang braso niya para harangan ang pintuan.

"Ayoko nga," pagmamatigas niya.

"Oy kayo diyan. Baka mamaya magkatuluyan kayo diyan ha." Pareho kaming napalingon nang magsalita ang class president namin. Nagkatinginan kami at kapwa napangiwi.

"Eww."

"Yuck." Umalis siya sa harap ko kaya nakapasok ako. Diretso akong umupo sa assigned seat ko.

"Jenny, paano nga yung steps na tinuro ni Sir? Nalimutan ko na."

"Geh, tuturuan ko kayo." Pinanood ko lang sina Jenny at ang mga kaklase ko na magrefresh nung mga dance steps.

"Step backward. Count 8 times." Aba. Magaling nga pala ang baliw na ‘to sa pagsayaw. Di mo aakalain na sa seryoso niyang awra sa pagsasayaw, may kabaliwan rin ang isang to.

"Pre,’ wag pakatitigan. Baka matunaw."

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko sa tabi ko ang isa sa mga ka- banda ko na si Axel. Asar akong napangiwi sa kanya.

"Edi matunaw sya. Atsaka hindi naman sya ang tinitingnan ko," depensa ko pero parang ayaw niyang maniwala.

"Hay,okay lang yan pre. Nasa denial stage ka pa lang," may panunukso sa boses niya.

"Tss. Kung anu-anong iniisip mo." Tumayo ako at nag-inat inat. Lalabas na lang ako ng room dahil wala namang masyadong ginagawa. Pero hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay may bumato sa akin ng eraser.

"Anak ng---"

"Hoy Mr.Batumbakal may dance session pa tayo! Saan ka pupunta?!" Rinig ko ang boses ni Jenny. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ugh.

Boring akong nakikinig at nanonood sa bawat galaw ng Dance Instructor namin. Ayoko talagang sumayaw. Wala nga sa bokabularyo ko ang pagsasayaw. Kaya nga mas prioritize ko ang banda namin. Kung hindi lang talaga part to ng activities namin sa P.E, naku...tss.

"Mr.Batumbakal,nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang lumakas ang boses ni Sir.

"P-po? Yes naman Sir," sagot ko kahit di ko naman talaga napakinggan.

"Sige nga, stand-up at idemo mo yung mga steps na pinerform namin ni Jenny." Napanganga na naman ako dahil sa sinabi niya. Utang na loob! Kailan ba matatapos ang paghihirap ko?! Ilang minuto ang lumipas at nakatayo lang ako sa harap nila. Hindi alam ang gagawin.

Bakit? Simple lang. Kasi parehong kaliwa ang paa ko. Mapapahiya lang ako kapag sumayaw ako na parang nababaliw. Nakita kong napailing-iling ang D.I namin.

"Dismiss."







"Mr. Batumbakal sandali!" Hindi ako lumingon. Dire-diretso akong naglakad palabas ng gymnasium at agad pinasak ang headset sa tenga ko.

Nakakabadtrip. Bakit pa kasi nauso ang sayaw na yan? At bakit hindi ako nabiyayaan ng talent para dun? Tss.

"Hoy! Ang suplado mo rin eh noh?" Kinalabit na naman ako ni Jenny.

"Ano na naman bang kailangan mo ha?" iritado kong tanong. Ngumisi lang siya.

"Galit? Pasalamat ka,tutulungan pa kita eh. Tsk." Sarkastiko akong tumawa.

"Ha-ha! Tutulungan? Saan naman?"
Napapalakpak siya at tumaas-baba ang kilay.

"Sa sayaw. Tuturuan kita, ayaw mo nun?" Nakangisi na siya pero tumawa lang ulit ako.

"No thanks. Hindi ko kailangan ng tulong mo," tanggi ko at nagpatuloy sa paglakad.

"Ang pa-hard-to-get mo naman! Willing nga akong turuan ka! Anong gusto mo? Marunong akong mag-Boogie, Cha-cha! El Bimbo---"

"Ang gusto ko lang ay lubayan mo ako!" bulyaw ko sa kanya. Nagulat ata siya kaya nanlaki ang mata niya pagkatapos.

"F-fine." Ngumiti siya ng tipid at bagsak ang balikat na umalis sa harapan ko. Bumuntong-hininga ako atsaka nagpatuloy sa paglalakad.




Kinabukasan, walang Jenny Maculapnit na sumalubong sa akin. Walang nang-aasar sakin sa apelyido ko. Walang nangungulit. Hay naku naman Deo, siguro nasanay ka lang sa presensya ng baliw na babaeng ‘yun. ‘Wag ka ng magtaka. Sinigawan mo siya kahapon kaya natural na lalayo siya.




"Mukhang nag-day off si Jenny sa pang- aasar sayo, ahh, sambit sa akin ng isa sa mga kabanda ko nang minsan ay napansin nilang hindi na ako kinukulit ni Jenny.

"Tss, buti nga wala nang nambubwisit sa akin ee," sambit ko na lamang pero tinawanan lang nila ako.

"Mukhang may quarrel kayo, bro. Dapat nang maayos ‘yan." Nginiwian ko naman sila. Ang lalakas ng trip nila. Asarin ba naman ako sa Maculapnit na yun. Grr.

Ipinagpatuloy ko na lamang and pagkain dahil narito pa naman kami sa cantin at walang next period.




"Uyy, bes. Tara nood tayo sa gym. Sasayaw daw ng El Bimbo si Jenny!!"
"Talaga? Shet kailangan kong mapanood yun! Idol ko pa naman si Ate Jenny!!"

Pareho naming nagkatinginan nang marinig namin ang usapan sa may counter. Nagpeke ng ubo si Axel at ngumiti naman ng nakaloloko and iba naming mga kabanda.

"Ehem! Ehem! Tara mga guys. Nood din tayo?"

"Ako? Manonood? Asa. Alam naman ninyong hindi ako mahilig sa pagsayaw," tanggi ko atsaka isinukbit na ang dala kong gitara.

“Pare ang KJ mo naman," reklamo ni Axel pero hindi ko na sila pinansin. Bwisit. Makikita ko lang ang baliw na babae na yun.

"Manood kayo kung gusto n’yo. Teka oy------" pero bago pa ako makapalag ay hinatak na nila ako patungo sa direksyon ng gym.

"Ayoko nga sabi ehhh!"

"Mr. Batumbakal, kailangan mong mapanood si Ms. Maculapnit," sambit ni Axel saka humagalpak ng tawa. Hindi na ako nakatanggi pa lalo na nang kaladkarin na nila ako papasok.





Marami nang estudyante ang narito sa gym. Napakaingay. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko talaga sa lugar na maingay, maliban na lang kung gig namin kasi kami ang center of attraction roon. At teka? Ano nga ba talagang ginagawa ko dito? Nandito ba ako dahil gusto kong mapanood kung paano sumayaw si Jenny? O gusto ko lang s’yang makita? Err. Mukhang pareho lang ‘yun.

"Yieee. Manonood si Deo ohh. Wait. Kailangang malaman to ni Jenny!" Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ‘yung isa sa mga kaibigan ni Miss Maculapnit. Tiningnan ko sina Axel ng masama. Ang mga ugok, nagpipigil pa ng tawanin. Mga sira talaga. Pinanlisikan ko sila ng mata.

"Kasalanan nyo toh," matigas na sambit ko pero mas tumawa lang sila. Nakakaasar. Tumahimik na kami dahil magsisimula na yung performance. Siniko-siko pa nila ako bago lumabas ng backstage si Jenny.

Okay. Maganda s’ya. Bagay sa kanya ‘yung costume. Pero------baliw pa rin s’ya sa tingin ko. Mayamaya ay nagsimula na silang sumayaw.

"El Bimbo!" Sobrang bilis nung rhythm na di ko maintindihan. Pero shet. Bakit kayang-kaya niyang sumabay? Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Axel at may sinigaw.

"Hooooo!!! Jenny ang galing mo daw sabi ni Deo!" Lahat nagtinginan sa amin lalo na sa akin. Arghr. Sobrang lalakas ng tama nila.

Pagkatapos ng performance ni Jenny ay nagpalakpakan lahat. May standing ovation pa.

"Sorry tol, gusto ka lang naming pagtripan. Hahahaha!"

"Walang nakakatawa. ‘Pag inulit n’yo pa yun, kalimutan n’yo na ang friendship natin." Binigyan ko sila ng nakamamatay na tingin. Asar eh. Iisipin lang ng lahat may gusto ako sa Maculapnit na ‘yun.

"Ay grabe s’ya, ohh. Hindi naming makakalimutan ang Batumbakal naming kaibigan! " Nagtawanan ulit sila. Grr. Dumaan sa harapan namin sina Jenny at nilampasan lang kami.
Nilagpasan lang niya ako. Hindi katulad noong dati. Hays, bakit ba ako nakokonsensya na sinigawan ko siya noong nakaraan?

"Mr. Deo Batumbakal, tawag ka ng D.I natin. " Napalingon ako sa kaklase ko.

"Sige mga bro, susunod na lang ako sa practice natin." Paalam ko kina Axel at nagtungo sa room ni Sir.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top