1

ANG HULING EL BIMBO




"ISA siya sa pinakahinahangaan kong babae. O baka nga higit pa sa paghanga. Ang galing kasi niyang sumayaw. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Ang araw na natuto ako. Dahil sa kanya, natuto akong sumayaw. Natutong sumayaw sa saliw ng musika ng buhay. At natuto akong... magmahal."

Natatandaan ko pa. Na-late akong pumasok ng araw na 'yun at nagmamadaling tumakbo mula sa ground floor hanggang 3rd floor ng school building namin. Hindi ko talaga akalain na magagawa ko itong akyatin gamit lang ang hagdan. Pero dahil nga ayokong ma-late sa Rhythmic Activities namin, ay nagawa ko na.

"Sorry Sir---" pero parang napakalupit nga talaga sa akin ng tadhana. Dahil hindi pa ako nakakapasok ng gym ay masama na ang tingin sa'kin ng Dance Instructor namin. All eyes on me.

"Mr. Batumbakal, late ka na naman. Siguraduhin mo lang na makakahabol ka sa mga dance step na ginawa namin or else, you'll get an F!" Nakarinig ako ng mga tawanan sa paligid ko. Grr. Tama bang pagtawanan ang apelyido ko?! Ano bang mga problema nila sa buhay? Pero iisa ang agaw pansin. 'Yung babae sa may gitna na parang mahihimatay na sa pagtawa.

"Batumbakal. Hahahahaha!" Nakakainis. Maganda sana kaso mukhang baliw. Tss.

"Enough! Okay, back to our business! Step 4!" Pumalakpak ang instructor at kanya-kanyang pwesto ang lahat. Nag-step forward naman 'yung babaeng baliw na siya palang ka-partner ni Sir para i-demo yung step 4.

"Na-gets ba?" tanong ng D.I naming  pagkatapos.

"Opo Sir," chorus na sagot nila. Paborito ata ako ngayong ipahiya ni Sir dahil ibinaling naman niya ang tingin sa akin.

"Ikaw, gusto kong idemo mo lahat ng steps. From the start. Get your partner," nanghahamon na utos niya. Bigla naman akong namutla. Nagbibiro ba s'ya?!

HINDI NGA KASI AKO MARUNONG SUMAYAW! TAENA! Nakatingin ang lahat sa akin at naghihintay ng susunod kong gagawin. Paktay. Gusto ko ng maglaho ngayon din! Paulit-ulit kong sinulyapan si Sir at gustong magmakaawa na huwag niyang gawin sa'kin ‘to.

"Ano? Matagal pa ba yan?" masungit nitong tanong. Magsasalita pa sana ako nang biglang mag-ring ang bell. Yess! Dismissal na! Parang nagdiriwang na ang kaloob-looban  ko.

"Time is over, Mr. Batumbakal, hindi pa tayo tapos," pagbabanta ng D.I namin kaya napanganga na lamang ako. Salamat naman sa bell at nakaligtas ako. Nagsialisan na ang iba hanggang sa konti na lang ang natira sa loob ng gym. Isinukbit ko na ulit ang gitara ko at lalabas na sana ng pinto nang humarang naman sa daraanan ko 'yung nakakairitang babae.

"Batumbakal!" pagkasabi niya nito ay humagalpak siya ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Nilampasan ko lang siya. Grr. Pasalamat siya at di ako pumapatol sa babae.

"Batumbakal!" sigaw ulit niya nang makalayo ako. Narinig ata nung mga nakatambay sa hallway kaya napatingin sila sa akin sabay tawanan. Bwisit. Kaya nga ayaw ko ng may nakakaalam ng apelyido ko. Dahil sa sobrang inis, humarap ako sa kanya at sinamaan ulit siya ng tingin.

"Pwede ba Miss, hindi ka nakakatawa." Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa locker ko pero nakabuntot pa rin siya. Tengene. Ano bang problema ng isang ‘to?

"Hey Batumbakal! Hahahaha!" Padabog kong isinara ang locker ko saka nilingon ulit siya.

"Miss, kung wala kang magawa sa buhay, tumalon ka na lang sa bangin at huwag mo na akong bwisitin. O kaya pasagasa ka na lang, pwede?" naiirita kong sambit. Bwisit talaga. Ngumiti lang siya at tinaasan ako ng kilay.

"Mr. Batumbakal, masyado pa akong maganda para mamatay. Hahaha!" humagalpak na naman s’ya ng tawa. Konti na lang. Iisipin ko na talagang takas ‘to sa mental. At isa pa hindi ko ‘to kilala. Kahit pa ata kaklase ko siya, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pili lang ang mga kilala ko sa section namin.

"Sino ka ba--" naudlot ang pagtatanong ko sa kanya nang maaninaw ko sa ID n'ya ang apelyido at pangalan n'ya. Sa isang iglap ay humagalpak ako ng tawa sabay hawak pa sa tiyan.

"What's funny Batumbakal?" taas-kilay niyang tanong.

"Jenny Maculapnit?" basa ko sa ID niya at tumawa ulit ng pagkalakas-lakas. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa ID niya. Dali-dali niya itong tinakpan at nakitawa rin sa'kin. Shet. Baliw na talaga ang isang ‘to. Tinatawanan ang sarili niyang pangalan. Mayamaya ay tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ako ng masama.

"Batumbakal."

"Maculapnit."

"Deo Batumbakal!"

"Jenny Maculapnit! Hahaha!" dinuro-duro ko siya at pinagtawanan. Hindi na maipinta ang itsura niya. Ano s'ya ngayon ha? Lakas niyang  mang-asar, pikunin rin naman.

"Then quits na tayo. Ikaw naman si Batumbakal! Bleeh!" Umirap siya at asar na nagtatakbo palayo. Muntanga. Hindi ko maintindihan ang ugali niya.

Magmula noon, hindi natatapos ang araw na di ako makakatanggap ng asar mula sa babaeng yun.  Madalas niya akong abangan sa may hallway at tawagin sa apelyido ko. Madalas ko rin siyang tawaging Ms. Maculapnit dahil nakakapikon na talaga! Hindi ko alam kung bakit ang lakas-lakas niyang mang-asar. Yung ugali niya, hindi bagay sa edad at itsura niya.

I mean, c'mon. College na kami pero isip-bata pa rin s'ya.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top