/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao

ANG NAKARAAN:

Sawakas ay nagbalik na rin ang mga alaala nila Leo, Roni, Jazis, at Karl, salamat kay Yumi na ibinahagi ang mahikang gamot ni Master Yogi sa kanyang katawan.

Matagumpay na nahanap ni Jaakko sina Rahinel at Vivienne matapos makita si Shiela at Raneah na dalhin kung saan sila hahatulan. Nag-anyong daga ang tatlo at dali-daling nagtungo sa kinaroroonan ni Arki.



Kabanata 74:
Sa
Isang
Kidlat
ng Balarao


HABUL-HABOL ang hininga nang tumigil sila sa pagtakbo sa gilid ng isang madilim na pasilyo. Malayo rin ang tinahak nila sapagkat maliliit ang kanilang mga hakbang, at mabuti na lamang ay walang nakasuspetya sa kanila sa anyong daga.

"Nasa silid na 'yon si Arki, hindi ba?" nagsalita si Vivienne na nakatingin sa dulo ng pasilyo, bumaling ito sa mga kasama. "I got an idea, Jaakko will go with me, Rah, ikaw na ang bahala kay Arki."

"Wait,wait. Why should I go with you?" maang na tanong ni Jaakko.

"You'll me save our companions, Arki's sister and her friend," sagot ni Vivienne. "They'll be executed any minute now, we need stop it."

Sasagot pa sana si Jaakko nang mabilis na nagsalita si Rahinel. "Jaakko, maraming salamat sa tulong mo, sumama ka kay Vivienne dahil malaking tulong ang mahika mo."

"Yeah, right," sabi na lang ni Jaakko.

"Teka lang!" pigil ni Rahinel sa dalawa. "Ibalik mo muna ako sa normal kong anyo."

Sa isang iglap ay kaagad na bumalik sa normal na anyo si Rahinel gamit ang mahika ni Jaakko. Medyo nahilo pa siya at napahawak sa pader. Yumuko si Rahinel at nakita ang dalawang daga.

"Sige na, iligtas n'yo na sila Shiela. Ako nang bahala kay Arki," sabi niya habang sapo-sapo ang noo. Kaagad na umalis ang dalawa habang siya'y pilit na binabalanse ang sarili. 'Hindi na 'ko uulit na maging daga.'

Nang manumbalik ang buong lakas ay tumakbo siya sa dulo ng pasilyo subalit saktong may dumating na isang kawal ng kampo. Kinuha kay Rahinel ang kanyang sandata kung kaya't bago pa mabunot ng kawal ang espada nito'y mabilis niyang pinadapo ang kanyang kamao sa mukha nito.

Hindi rin mawari ni Rahinel kung saansiya humugot ng lakas nang sunod-sunod siyang umatake sa kawal. Huminto lamang siya nang mamalayan na dumudugo ang kanyang kamao at hindi na gumagalaw ang kalaban. Natauhan siya bigla kung kaya't tiningnan niya ito. Buhay pa naman ang kawal subalit malala ang tinamo nito sa mukha, humingi na lang siya nang paumanhin at kinuha ang espada nito.

Nang makalapit siya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim. Pinilit niyang pakalmahin ang puso niya sapagkat naalala niya ang huling tagpo nila ni Arki sa balwarte ni Magwayen.

'Ako ang huling binukot!' awtomatikong umalingawngaw ang boses ni Arki sa kanyang isip.

Pinagtibay ni Rahinel ang loob bago dahan-dahan munang sumilip sa loob ng silid. Halos tumalon ang kanyang puso nang makita ang tanging nilalang na kay tagal niyang hinanap sa loob ng napakaraming taon. Halo-halo ang naramdaman niya subalit mas nangibabaw ang pag-aalala nang makita niya ang kalagayan nito.

"Arki!" hindi niya mapigilang isigaw ang pangalan nito at saka dali-daling lumapit dito.

Walang malay na nakagapos ito sa upuan at may mga aparato na nakakabit sa ulo at batok nito, isang bakal na parang helmet at transparent na tubo. Nagliliwanag ang aparato at tila may hinihigop na enerhiya sa katawan ni Arki. Nakakonekta ang mga 'yon sa isa pang mga aparato, may apat na malalaking garapon na pinupuno ng liwanag.

Nang hawakan niya ang aparato sa batok ni Arki upang tanggalin ay naramdaman ng kanyang katawan ang libo-libong boltahe. Hindi natinag si Rahinel at muling hinawakan ang aparato upang tanggalin, para iyong saksakan na nakaturok sa batok ni Arki.

"Arrghhh!" sigaw niya habang buong lakas na tinatanggal ang aparato, ininda niya ang sakit ng kuryente at naramdaman niya ang init na tumutuklap sa kanyang balat.

Nang matanggal niya ang aparatong nakasaksak kay Arki ay halos hindi na niya maramdan ang kanyang mga kamay sa sobrang hapdi nito. Hindi iyon mahalaga sa kanya, nawala ang mga liwanag.

Nang tanggalin niya ang mga tali sa mga kamay at paa nito. Hindi niya mapigilang hawakan ng isa niyang kamay ang pisngi nito.

"Arki?" tawag niya. "Pakiusap gumising ka, nandito na ako." Subalit nagdaan ang ilang sandali'y hindi pa rin ito nagkakaulirat. "Arki?" Marahan niya itong niyugyog pero wala pa rin itong malay.

Hindi nawalan ng loob si Rahinel lalo pa't muli niya nang nakapiling si Arki. Napayuko siya habang nasa gilid nito, pinipigilan ang luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.

'Huwag kang panghinaan ng loob.'

Napapitlag si Rahinel nang marinig ang hindi pamilyar na tinig. Maingat niyang sinandal si Arki sa upuan bago siya tumayo upang hanapin kung saan 'yon nanggagaling.

'Naririnig niya tayo!' bulalas naman ng isang babaeng tinig.

'Hindi siya pangkaraniwan... Hindi siya Indio... Isang maginoong may sumpa!'

Nilibot ni Rahinel ang tingin sa silid pero wala naman siyang ibang nakita bukod sa mga magagarang aparato ng parang isang laboratoryo.

'Isang maginoong may dugong bughaw?! Siya ang matagal na nating hinihintay!'

'Maaari mo ba kaming tulungang makakawala rito?'

'Matutulungan namin ang huling binukot upang magkamalay siya!'

Naging samu't sari ang mga tinig, sabay-sabay iyong nagsasalita at humihingi sa kanya ng tulong. Hanggang sa nabaling ang kanyang atensyon sa isang estante 'di kalayuan, kagaya ng aparatong nakita niya kanina ay may mga magagarang garapon doon na puno ng mga liwanag.

Mas lumakas ang mga tinig sa kanyang isip nang lumapit siya sa estante. Tumama sa kanyang mukha ang mga liwanag sa garapon na tila buhay at gumagalaw. Malakas ang kutob ni Rahinel na kung sino man ang mga nagsasalita ay nasa loob ng mga garapon.

Akma niyang hahawakan ang garapon nang marinig niya ang pagsuway ng mga tinig.

'Huwag! Isang nakamamatay na mahika ang pumuprotekta sa estanteng 'to.'

"Anong dapat kong gawin?" tanong niya sabay baba sa kamay niya na unti-unting naghihilom.

'Kailangan mo lang din hugutin ang aparato ha tinanggal mo kanina sa prinsesa. Sa likuran ng estante na ito nakakabit 'yon.'

'At sa oras na matanggal mo 'yon ay basagin mo ang mga garapon!'

Kaagad na sumunod si Rahinel para sa kamakanan ni Arki. Humugot muna siya ulit nang malalim na hininga bago buong lakas na hinugot ang aparato. Umalingawngaw sa silid ang sigaw niya sapagkat mas triple ang sakit na naramdaman niya. Subalit hindi bumitaw si Rahinel kahit na tila sinusunog ang kanyang kamay.

Hanggang sa bumagsak siya sa sahig, nahugot ang aparato, at naglaho ang hindi nakikitang mahika na bumabalot sa estante.

Nanghihina man ay pilit niyang tumayo, alam niyang hindi na niya magagalaw ang kaliwang kamay sapagkat tinupok ito. Dumampot siya ng bakal na upuan at hinagis sa direksyon ng mga garapon.

Ang hindi niya inaasahan ang impact ng liwanag nang kumawala iyon sa garapon. Kumalat ang liwanag sa paligid at halos masilaw siya. Natumba siya sa sahig habang nakapikit dahil sa mahiwagang pwersa mula sa garapon.

Hindi alam ni Rahinel kung gaano katagal siyang nakasalampak sa sahig. Naramdaman niya ang pamilyar na presensyang nakahawak sa kanyang pisngi.

"Rah! Gumising ka!" malabo noong una hanggang sa unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. "Rahinel!"

"A-Arki?" mahinang tawag niya rito. Isang magandang panaginip, iyon ang naisip noon ni Rahinel. Lihim niyang hinihiling na nagwakas na lamang ang lahat sa isang panaginip. "Patawarin mo ako... Kung ngayon lang ako dumating... Kung ngayon ko lang—"

"Sshh... Ayokong marinig ang mga pagsisisi mo," sagot nito. "Salamat sa pagdating." Naramdaman niya ang yakap nito kung kaya't muli siyang napapikit, umaasa na hindi panaginip ang lahat. "Anong nangyari sa kamay mo? Rah—"

At doon niya napagtanto, hindi panaginip ang lahat. Naramdaman niya ang kirot ng pagkakatupok ng kanyang kamay pero mas nangibabaw ang ligaya sa kanya. Bigla siyang nagkaroon ulit ng lakas at sa pagkakataong 'yon ay siya yumakap ng mahigpit dito.

"Hoy, ano ka ba—" natigil sa pagsasalita si Arki nang makita ang kanyang pagluha. "B-Bakit ka umiiyak?"

Nanatili sila sa gano'ng posisyon, bumitaw siya sa pagkakayakap habang nakaalalay pa rin si Arki sa kanya.

"Nang marinig kong sinigaw mo ang katotohanan kay Magwayen gusto kitang sunggaban para mahigpit na yakapin. Dahil... Dahil... Nakakatawa na ikaw lang pala ang matagal kong hinahanap," nakangiti niyang sabi sabay pahid sa luha. "Mukha man akong katawa-tawa pero hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon at kung gaano kasakit sa'kin na wala man lang akong magawa nang kuhanin ka ni Magwayen."

Hindi na nakatingin ng diretso si Arki sa kanya. "S-Sorry kung pinili kong hindi sabihin sa inyo ang totoo—"

"Alam na nila Leo ang totoo, at naiintindihan namin na kung ano man ang dahilan mo sa paglilihim ng katotohanan ay para 'yon sa ikabubuti ng lahat, para kay Yumi."

"T-Tinago ko sa'yo ang totoo dahil alam kong mahal mo si Yumi," pagkabanggit nito sa pangalan na 'yon ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Si Yumi! Ligtas na ba siya? Nasaan sila Leo?"

Hindi na tuloy nasabi ni Rahinel ang dapat pa niyang sasabihin nang tanungin 'yon ni Arki. Tumayo siya na may pag-aalalay ni Arki.

"Rah? Anong nangyari?" tila nabasa nito ang mukha niya na may hindi magandang nangyari.

Kinuwento niya nang mabilis ang pangyayari hanggang sa naalala rin ni Arki ang binanggit ni Benjamin Aquinas.

"S-Si Ate Shiela! Kailangan natin silang iligtas!" Akmang kikilos si Arki nang matigilan silang dalawa nang mapagtanto na kanina pa pala may nagmamasid sa kanila.

Halos mapanganga sila parehas nang makita nila ang mga nilalang na pinakawalan kanina ni Rahinel. Kasama roon ang apat na nilalang na pamilyar kay Arki.


*****


NAKAHANDA na ang pagbibitay at sa isang senyas na lamang ng supremo ay alam ni Shiela na magiging katapusan na nila ng kanyang kaibigan na si Raneah. Sa bingit ng kamatayan ay nanatili silang kalmado at hindi nagpakita ng anumang takot.

Tiningnan ni Shiela ang mga nanunuod sa kanilang pagbibitay, ang mga karanggo nilang mandirigma sa Kampo Uno. Karamihan sa kanila'y mga nakasama niya sa pagsasanay at sa mga iba't ibang misyon, ang iba'y hindi makatingin sa kanila at ang iba naman ay may galit sa mga mata dahil sila'y nahatulan ng pagiging traydor.

Sa ikalawang palapag na balkonahe ay nakatayo ang supremo, si Benjamin Aquinas, nakalagay ang mga kamay sa likuran habang nakatingin din sa kanila.

Alam ni Shiela na malaki ang pagkadismaya ng supremo sa kanya sapagkat isa sila ni Raneah sa nagpakita ng katapatan sa organisasyon. Pero dahil mas nananaig ang galit nito kay Barabra Salamanca, alam ni Shiela na hindi na sila nito hahayaang sikatan pa ng araw.

"Any last words from the traitors?" nagsalita ang supremo at mas namayani lalo ang katahimikan sa atrium ng punong-gusali ng Kampo Uno. Sinadya na doon ganapin ang kanilang bitay upang masilbing leksyon sa lahat.

Naramdaman ni Shiela ang tingin ni Raneah sa kanya ngunit bago siya makapagsalita'y may sumigaw mula sa madla.

"Bakit ka naging traydor, Shiela?!" sigaw ng isang Maharlika trainee, naalala ni Shiela na ang batang 'yon ay minsan niyang sinanay sa kampo. Umugong ang bulungan sa paligid.

"Dahil alagad siya ng traydor na si Barbara Salamanca," si Benjamin Aquinas ang sumagot. "Si Barbara Salamanca lang naman ang minsang naging pinuno ng isang kilusang naglalayong repormahin at pabagsakin ang organisasyon na tinayo ng aking ninuno. Pinadala siya rito ni Barbara Salamanca upang ipagpatuloy ang kilusan. Apparently, all of their accomplices just fled, that's why we'll chase them at all cost and death will be upon them like their leaders."

"Oo, traydor si Barbara Salamanca," sagot niya. "Ginawa niya ang lihim na kilusan sa Kampo Uno dahil hindi sang-ayon ang supremo sa repormang protektahan mula sa mga naghaharing elemento ng Hilusung ang mga mortal dito! Nais ni Barbara Salamanca na buksan ang Kampo Uno para sa lahat ng mga gustong maging mandirigma sa Ibayo!"

Muling natahimik ang paligid nang isigaw niya 'yon.

"Alam din ni Barbara Salamanca na sinusuhulan ng hari ng mga duwende ang supremo ng Kampo Uno ng limpak-limpak na ginto bilang kapalit sa paghuhuli ng mga taong tumatakas mula sa kanila. Nagbubulag-bulagan tayong mga maharlika rito sa Hilusung sa mga pang-aalipin ng mga elemento sa mga kapwa natin tao!" tumingin si Shiela sa direksyon ni Benjamin Aquinas. "Ginagamit ng supremo ang mga ginto upang ipamudmod sa'ting mga mandirigma—at ginagamit niya ang labis na yaman sa pansariling interes sa politika sa labas ng Ibayo, tama ba, your excellency?"

Ngumisi lamang si Benjamin Aquinas at walang nakapansin sa mga ugat nito sa noo at pagkuyom ng mga palad nito sa likuran. "Magaling na kwentista si Barbara Salamanca, Shiela. Lahat ng ating ginagawa ay ayon sa kagustuhan ni Bathala at ako—at ang mga nagdaang supremo ang mga anak niya ang nagpapatupad ng tradisyon ng mga Maharlika."

"Para saan pa't naging mandirigma tayo kung tinatalikuran natin ang mga nangangailangan?! Ilang beses na ba tayong nagbulag-bulagan sa mga alipin ng Hilusung?!" muling kinausap ni Shiela ang madla.

Nauubusan na ng pasesnsiya si Benjamin Aquinas at sumenyas na ito na ituloy na ang pagbibitay upang hindi na makapagsalita pa si Shiela.

At bago pa bumagsak ang inaapakan nila Shiela'y nawindang ang lahat nang sumulpot mula sa kawalan ang isang dambuhalang dinosauro. Natutulala ang karamihan dahilan upang hindi nila mapansin ang paglapag ng isa pang nilalang sa kinatatayuan nila Shiela.

"Vivienne!" sigaw ni Shiela.

Mabilis na napatid ni Vivienne ang mga tali sa leeg, kamay, at paa nila Shiela at Raneah. Pagkatapos ay sumipol ito sa dinosauro.

Kaagad lumapit si Jaakko na nag-anyong dinosauro sa kanilang upang makasakay sila Shiela. Pero bago pa mangyari 'yon ay napalilibutan na sila ng mga maharlika at nakatutok ang kanilang mga armas sa kanila.

"These imbeciles—" bago pa matuloy ni Benjamin Aquinas ang sasabihin ay naramadaman niya ang patalim sa gilid ng kanyang leeg.

"Hello, Sir Vice-President." Laking gulat nito at laking gulat din nila Shiela nang makita si Arki at Rahinel na nasa likuran ng supremo.

"How did you—" sa isang iglap ay nakaposas na ang mga kamay nito, gamit ang napulot ni Rahinel sa kawal kanina. Pilit pinaluhod ni Rahinel ang supremo habang nakatutok pa rin ang patalim sa leeg nito.

Humakbang si Arki at humarap sa madla, mas nagulat ang mga tao nang mapagtanto ang mga nilalang na nakasunod kila Rahinel. Mga kamangha-manghang nagliliwanag na nilalang na alam sa isang tingin pa lang ay mga hindi pangkaraniwan.

"O-Oy! 'Y-Yung mga... mga diyos at diyosa!"

"Y-You freed them!" galit na sigaw ni Benjamin Aquinas nang makita ang mga patron na diyos ng Hilusung. Nakita nito si Rahinel at napagtantong ito ang may kagagawan kung bakit nakakawala ang mga diyos.

"Ito ang katibayan ng korupsyon ng supremo n'yo!" sigaw ni Arki at lumingon saglit sa mga diyos. "Ang mga diyos na naging patron niyo ay matagal nilang kinulong sa mga garapon upang gamitin ang mga mahika nito sa mga armas n'yo."

"A-Arki..." Naluluhang bulong ni Shiela habang nakatingala sa kinaroroonan ni Arki.

"Pero sa tingin ko hindi ito ang oras para maglaban-laban. Habang nandito tayo nasa labas ang mga alagad ni Sitan na patuloy na sinisira ang Ibayo! Hindi lang kabilang mundo ang nakasalalay pati ang mundong 'to! Kailangan ko ng tuloy n'yo para wakasan ang kasamaan!" Mas umigiting ang presensiya ni Arki nang makita ng lahat sa likuran niya ang apat na diyosa na sina Anitung Tabu, Aman Sinaya, Magayon, at Lakapati.

Bigilang humupa ang tensyon nang magkaroon ng realisasyon ang lahat at binaba ng mga maharlika ang kanilang mga sandata nang mapagtantong tama si Arki, kailangan nilang magkaisa upang matalo ang kalaban na si Sitan.

Hindi maiwasang mapangiti ni Arki nang makita ang pagbabago, saktong nagtama ang tingin nila ni Shiela.

"Fools," bulong ni Benjamin Aquinas at walang anu-ano'y kumawala ito sa posas. Hindi 'yon nakita ni Rahinel dahil may tinataglay na mahika ang supremo dahil sa dugo ni Bathala

"I am a direct descendant of Bathala, I am the one who will rule!" nilabas nito ang balarao at kasing bilis ng kidlat na binato sa direksyon ni Arki.

"Hindi!" sigaw ni Rahinel nang makitang natumba si Arki habang nakatarak sa dibdib nito ang balarao.

"Aquinas!" dumagundong ang sigaw ng mga diyos at diyosa.

Ngumisi ang supremo. "Mas mababa kayong mga diyos kaysa sa aking ninuno. This is not the end," sabi nito sabay kumidlat at naglaho.

"Arki!" kaagad na tumakbo sila Shiela papunta sa itaas subalit nadatnan nila si Arki sa malalang kundisyon.

"Pakiusap, tulungan n'yo siya!" pakikiusap ni Rahinel sa mga diyos at diyosa.

"Mapulon, mahal ko, pagalingin mo ang binukot!" pakiusap ni Lakapati sa kanyang asawa.

Yumukod ang makisig na diyos upang tingnan ang kalagayan ni Arki subalit walang bakas sa mukha nito ang pag-asa.

"Dumadaloy sa dugo ni Aquinas ang dugo ng kataas-taasang diyos na si Bathala, may mahika ang balarao nito," malungkot nitong sabi. "Hindi sapat ang aking panggagamot upang maibsan ang kanyang tinamong pinsala."

"Arki!" dumating sila Shiela, Vivienne, at Jaakko (na nag-anyong tao na ulit), kaagad dinaluhan si Arki.

Napayuko si Rahinel at kinuyom ang mga palad, dinudurog ang puso niya habang nasa kanyang bisig ang lumalamig na si Arki.

"Mapulon, wala na bang ibang paraan?" tanong ni Magayon.

"Sa kapangyarihan ni Bathala... Maaaring maghilom ang kanyang sugat."

Pagkasabi no'n ay biglang nakuha an kanilangg atensyon nang marinig ang sigaw ng mga maharlika habang nakaturo sa langit. May isang bumubulusok na nilalang paibaba at halos mapanganga sila nang makita 'yon nang malinaw.

"Isang Sarimanok?!"

Kaagad nag-angat ng tingin si Rahinel at nakita si Mari, nakalapag iyon nang matiwasay sa gitna ng atrium at sa likuran nito'y bumaba ang kanilang mga kaibigan.

"Arki, where na youuu, dito na us?!" sigaw ni Jazis.

"Arki! Nasaan ka?!" sigaw 'yon ni Leo.

Gumalaw bahagya si Arki nang marinig ang boses ng mga kaibigan.

"S-Sila Leo ba 'yon?"

"Oo, Arki, dumating sila," sagot ni Rahinel. "Please, Arki, huwag mo kaming iiwan. Huwag mo akong iiwan."




-xxx-



A/N: OMG, Team Binukot is complete again?! Kaso fatally wounded si Arki! Abangan! Tantiya ko'y may natitira pa itong five or less chapters! Maraming salamat sa pagbabasa! Grabe, di ko rin expect makakapag-update ako here bago mag-Pasko! Merry Christmas ulit! 

Ano, handa na ba talaga tayong lahat sa nalalapit nitong katapusan? T_T


GLOSSARY:


Featured comment last chapter from leigh_down. Maraming salamat!

#PADAYON

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top