/73/ Sa Lalong Madaling Panahon
ANG NAKARAAN:
Samantala'y nang magising si Yumi ay unti-unting naging malinaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Salamat sa mahikang gamot ni Master Yogi ay hindi tumalab ang pagbura ng mga alaala kay Yumi. Kaagad niyang hinanap si Leo upang tulungan sa pagkakataong ito si Arki.
Kabanata 73:
Sa Lalong
Madaling
Panahon
MAY isang babae sa kanyang panaginip ang paulit-ulit niyang nakikita. Hindi maipaliwanag ni Karl kung bakit pero kakaiba ang kanyang kutob doon, pakiramdam niya'y winawasak ang kanyang puso sa hindi siguradong alaala na napawalay siya sa misteryosang babae.
"Si Rahinel?" tanong niya sa kanilang kasambahay noong umagang 'yon subalit wala siyang natanggap na sagot.
Kahit na hindi sigurado'y naghanda siya papasok sa eskwelahang pansamantala niyang tinuturuan. Lubhang takang-taka siya kung bakit nanakit ang kanyang katawan at may mga peklat siyang nakita. Mas lalong nanaig ang mga katanungan, naalala niya ang kanilang misyon ni Rahinel subalit ang tanging huling naalala niya'y naging guro siya sa St. Rose High School
"Good morning, Sir Karl!" Nilagpasan lamang ni Karl ang mga estudyanteng nakasalubong. Nanatiling nakapako sa sahig ang kanyang tingin habang nagmamadali sa paglalakad.
Huminto siya sa isang klasrum at sumilip doon subalit nabigo siyang makita si Rahinel.
"Rah, where are you?" bulong na tanong niya sa sarili habang nililibot ang bawat sulok ng campus.
Alam niyang may nangyari, base sa nakita niya sa kanyang katawan at base sa kanyang kutob at mga panaginip noong nagdaang gabi.
"Mr. Ocampo, umpisa na ng klase, bakit nandito ka? You're supposed to be in your class." hindi niya namalayan na nakasalubong niya ang principal ng eskwelahan.
"A-Ah... P-Pasensiya na po, masama kasi ang pakiradam ko..." nagdahilan siya upang makaalis. Nabigo siyang hanapin si Rahinel at sa sobrang daming gumugulo sa kanyang isipan ay nagpasya siyang umuwi sa kanilang bahay.
Sa loob ng sasakyan ay napasubsob si Karl sa kanyang manibela. Pilit na hinahalukay sa kanyang memorya ang mga naaalala niyang naging pag-uusap nila ni Rahinel.
'Si Mayumi Garcia.' Inangat niya ang kanyang ulo nang maalala ang mga katagang 'yon ni Rahinel, inaakala nito na si Yumi ang hinahanap nila.
Subalit may sumisigaw na maliit na boses sa kanyang kalooban na hindi si Yumi ang huling binukot. Alam ni Karl ang totoo subalit hindi niya matukoy kung ano.
"I need to try," sabi niya sa sarili sabay ibis ng sasakyan. 'Kailangan kong makausap si Yumi.'
*****
HINDI nga nagkamali nang hinala si Yumi, natagpuan niya si Leo sa kanilang paboritong tambayan, ang rooftop ng lumang building. Galing siya sa canteen kanina at hindi ito nakita roon kung kaya't nagpasya siyang magtungo rito.
"Leo, pwede ba kitang makausap?" tanong niya nang makalapit. Halatang nagulat si Leo dahil kanina pa ito lutang at hindi man lang nakakain.
"Yumi... Malapit nang mag-time, male-late tayo sa klase," pagdadahilan ni Leo na halatang may pinuproblema.
"Leo, may mga kakaibang panaginip ka rin ba?" sa tinuran niyang 'yon ay natigilan si Leo. Bumakas sa itsura nito ang pinaghalong pag-aalala at takot.
Umupo si Yumi katapat nito at nanataling nakaupo rin si Leo habang nakapako pa rin ang tingin sa sahig.
"Alam ko na kumakalat ang mga kakaibang tsismis, hindi lang tayo ang nakaranas ng mga tila bangungot," kalmado niyang sabi. "Pero ang sigurado ako... Hindi panaginip ang mga nakita natin noon kasama si Arki."
Sa pagkakataong 'yon ay nag-angat ng tingin si Leo at sinalubong ang titig niya. Napansin ni Yumi na may malaking pagbabago sa aura nito, nawala ang palaging mapaglaro at matatakutin—isang malaking pagbabago na naranasan din niya nang dahil sa 'panaginip' na alam niya'y totoong nangyari.
"Nalilito rin ako," sabi ni Leo sabay kuha ng isang luray-luray na sketchpad sa bag nito. "Ang daming mga drawing dito na hindi ko maalala kung kailan ko iginuhit. Bukod sa panaginip... Pakiramdam ko'y naranasan ko lahat ng nandito!"
Ipinakita sa kanya ni Leo ang laman ng sketchpad. Hindi maikakaila na magaling talaga ang kanyang kaibigan sa pagguhit. Mas lalong namangha si Yumi nang mapagtanto niya na ang bawat nakaguhit sa pahina ng sketchpad ay ang pinagdaanan nila eo sa Ibayo, mga paglalakbay, pakikipaglaban, at mga tagumpay. Lahat ay para lang mailigtas siya.
"Sobrang weird talaga, Yumi. Nakaka-freak out nga tapos alam mo ba may weird na sandata sa bag ko—" natigilan si Leo sa pagsasalita nang makitang tuluy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. "H-Hala, Y-Yumi! Bakit?"
Pinahid muna niya ang luha sa mga mata bago sinara ang sketchpad at saka iyon binalik kay Leo.
"N-Natutuwa ako dahil mukhang naging masaya ang paglalakbay n'yo," sabi niya sabay ngiti. "At sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil tiniis n'yo ang mga paghihirap para lang sa'kin..."
"H-Huh? Yumi... Sorry, hindi ko gets."
Sumeryoso ang mukha niya. "Nasa panganib ngayon si Arki, kailangan niya ng tulong natin." Tumayo siya at lumapit kay Leo na nanatiling nakaupo. "Hayaan mong subukan ko 'to."
Bago pa makapagtanong si Leo ay nilagay niya ang mga kamay sa gilid ng sentido nito.
"Yumi?"
Pumikit siya at sinubukang ibahagi kay Leo ang mahikang gamot na binigay sa kanyang katawan noon ni Master Yogi.
Tila inantok si Leo at napapikit ito nang dumaloy sa kamay ni Yumi ang isang enerhiya. Ilang sandali pa'y halos sabay silang nagmulat ng mga mata.
"Leo?"
"Y-Yumi?" nanlaki ang mga mata ni Leo. "Ahhhh!!!" Halos umalingawngaw sa paligid ang sigaw ni Leo. Tumakbo ito sa gitna ng rooftop at muling sumigaw habang nakahawak ang kamay sa ulo.
"Leo, okay ka lang?" natatawa pero nag-aalala niyang tanong. Hindi niya sukat akalaing magagawa niyang ipaalala rito ang mga alaalang sinubukang burahin ng mga Maharlika.
"Totoo lahat! Isa akong bayani! Hahaha!" parang nababaliw nitong sabi sa sarili, pumanewang at tumawa. Natigilan bigla si Leo. "Pero si Arki? Si Arki! Ahhh! Yumi! Kailangan natin siyang—"
"Hoy, ang ingay mo." Parehas silang natigilan nang makita nila sa water tank area ang isang estudyanteng lalaki. "Badtrip,sira na tulog ko." Walang kahirap-hirap 'tong tumalon sa ibaba at naglakad papalabas.
"Roni! Hoy! Hindi mo kami naalala?!" sigaw ni Leo.
"Wala akong oras sa inyo." Diretso itong naglakad pero muling sumigaw si Leo.
"Tikbalang! Tikbalang! Alam kong isa kang tikbalang—" Sa isang iglap ay kinuwelyuhan ni Roni si Leo. "U-Uy, kelan ka pa napikon, Roni?!"
Bago pa tuluyang magkaroon ng gulo ay kaagad na siyang namagitan.
"Please, Roni, bitawan mo siya," pakiusap niya at sumunod naman ito. "Alam kong weird pero hayaan mo ako na ibalik sa'yo ang alaala mo."
Kahit na nagtataka at nagulat si Roni ay hindi ito kumilos nang ilagay niya ang mga kamay niya sa gilid ng sentido nito. Si Leo naman ay natulala lang sa nasaksihan at namangha nang makita ang mapusyaw na liwanag sa kamay ni Yumi.
Nang magmulat silang dalawa'y kaagad nanghina ang kanyang katawan at napasalampak siya sa lupa.
"Yumi!" kaagad siyang inalalayan ni Leo.
"Ayos lang ako," sabi niya habang habol ang hininga. Sabay silang napatingala kay Roni at nakita ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon nito.
"Leo? Yumi?"
"Hay, salamat! Nakaalala ka rin!" bulalas ni Leo.
Napangisi si Roni. "Salamat, akala ko mababaliw na ako sa pag-alala ng mga alaalang hindi ko alam kung ano." Natigilan ito nang may pumasok sa isip. "Si Arki! At si... Vivienne... Kailangan natin silang iligtas! Pati si Rahinel!"
"Hay nako, iyan nga ang plano namin, Tikbalang boy."
*****
NAGMAMADALI silang tatlo sa paglalakad sa hallway dahil malapit nang tumunog ang bell at muling magsimula ang klase. Hindi na nila mahihintay ang uwian.
"Ang alam ko ito 'yung klasrum ng babaitang 'yon," sabi ni Leo habang sumisilip sa loob ng silid-aralan na hinintuan nila.
"Parang wala si Jazis sa loob," sabi naman ni Roni na nakasilip din.
"Ayun siya," sabi ni Yumi at nakita nilang tatlo ang babaeng may hawak-hawak na nakakatakot na manika.
Bago pa ito makalapit sa silid-aralan ay hinarangan na nila ito.
"Uhm... Excuse me? Dadaan ang diyosa?" mataray nitong sabi.
Napailing si Leo sabay halukipkip. "Kahit kailan GGSS talaga 'tong babaeng 'to."
"Huh? Sino ba kayo—ey! Don't touch me, gorl!" pinalo nito ang kamay ni Yumi.
"Leo." Sumenyas si Roni kay Leo at hinawakan ni sa magkabilang kamay si Jazis para hindi ito pumalag. "Dali, Yumi." Tinakpan din ni Leo ang bibig ni Jazis para hindi makasigaw.
Noong una'y medyo nag-alangan si Yumi dahil nasa gitna sila ng hallway, mabuti't walang ibang tao dahil halos lahat ay nakabalik na sa mga silid-aralan. Binilisan ni Yumi ang pagkilos.
*****
TAWA nang tawa si Roni habang tumatakbo silang apat sa hallway, paano'y hinahabol sila ngayon ng gwardiya ng kanilang school dahil nahuli sila ni Mrs. Janathan, ang guidance counsellor, na nagka-cutting. Oras na kasi ng klase at pagala-gala pa rin sila sa campus.
"Hoy, manahimik ka nga!" inis na sigaw ni Leo. "Sobrang patay na tayo nito sa guidance!"
"Leo, akala ko ba nakapatay ka ng dragon? Tapos takot na takot kang ma-guidance!" tatawa-tawa pa ring sabi ni Roni.
"Huhuhu! I'm so happy! Akala ko talaga I'm all alone na naman!" si Jazis naman ay mangiyak-ngiyak.
"Ikaw naman! Imbis na paiyak-iyak ka diyan baka naman gusto mong anuhin 'yung humahabol sa'tin?!" pagkasabi no'n ni Leo ay muling pumito ang gwardiya na humahabol sa kanila.
"Haler?! Ano gusto mong gawin ko? Tamaan ng kidlat 'yung guard?!"
Nakalabas na sila ng building pero mukhang mahihirapan na silang pumuslit sa gate dahil kanina pa naradyo ng humahabol sa kanila na harangan sila.
Bigla ring tumigil sa pagtakbo si Yumi upang habulin ang hininga, kanina pa kasi ito nawalan ng enerhiya sa sunud-sunod na pabigay ng mahikang gamot kila Leo, Roni, at Jazis.
"Yumi, pumasan ka na lang kay Roni!" natatarantang sigaw ni Leo. Papalapit na kasi sa kanila ang mas maraming guard galing sa gate.
Bago pa pasanin ni Roni si Yumi ay may kotseng huminto sa kanilang gilid.
"Hop in, kids!"
"Sir Karl!" sabay-sabay nilang bulalas.
Mabilis silang nakasakay bago pa sila maabutan ng mga gwardiya. Mabilis ding napaharurot ni Karl ang sasakyan bago pa tuluyang masara ang gate ng school. At nagdiwang sila nang makalabas ang sasakyan.
"Sir Karl, naalala n'yo kami?!" kaagad na tanong ni Jazis.
"Actually... I've been looking for Mayumi," sagot nito habang nagmamaneho. "But my intuition quickly kicked in noong makita ko kayong hinahabol."
"Great timing, Sir Karl! Kaya ni Yumi na ibalik sa'yo 'yung memories na binura nila noon!" masayang sabi ni Leo.
Nang makalayu-layo sa eskwelahan ay ipinarada muna ni Karl ang kotse sa gilid at bumaba sila upang magamot ni Yumi si Sir Karl.
Sa ika-apat na pagkakataon ay nagtagumpay si Yumi na ibahagi ang mahikang gamot. Naging malinaw na rin ang lahat kay Karl.
"Kailangan nating magbalik sa Ibayo, I have a hunch na nasa Kampo Uno sila Shiela," sabi ni Karl nang makabawi mula sa pagbalik ng kanyang alaala.
"Paano po si Arki?" tanong ni Yumi.
"Kailangan muna nating iligtas sila Rahinel bago natin iligtas si Arki, she's... she's probably at the hands of Sitan now."
Tila may kumirot sa puso ni Yumi nang marinig ang pangalan ni Rahinel. Naisip niya na hindi talaga siya ang prinsesang hinahanap nito. Mahirap man para kay Yumi pero pilit niyang inisip na hindi mahalaga ang nararamdaman niya dahil mas mahalaga ang buhay ng kanyang matalik na kaibigan na si Arki.
"So... Paano tayo makakabalik sa Ibayo?" basag ni Roni sa namayaning katahimikan. "Si Mari nga pala?"
Sabay-sabay silang napatingin kay Leo.
"Huh?" noong mga sandaling 'yon ay tila natamaan ng kidlat si Leo. "Ahhhh! Si Mari!"
"Hoy, bakit?!" si Jazis.
Kaagad kinuwento ni Leo ang nangyari. Noong hindi pa naalala ni Leo ang lahat ay takang-taka ito sa bayong na inuwi sa bahay nila dahil naglalaman iyon ng isang kakaibang manok. Laking tuwa naman ng nanay ni Leo dahil mayroon na raw silang uulamin.
Hindi mapigilang makutusan ni Roni at Jazis si Leo. Kaagad silang pinasakay ni Karl sa kotse nito at nagmaneho papunta sa bahay ni Leo upang iligtas si Mari sa pagiging adobong manok.
"Hay, naku, Leo! Kapag talaga naging ulam si Mari, kukulamin kita!" pagbabanta ni Jazis. Si Roni ay muling natawa. "Roni, walang nakakatawa!"
Nanatiling tahimik si Yumi at hindi maiwasang mainggit sa pagkakaibigang nabuo nila Leo sa paglalakbay. Nakaramdam siya ng kakaibang lungkot subalit pinangibabaw niya ang pagnanais na makabawi sa kaibigan.
'Oras ko naman para magsakripsiyo, Arki.'
*****
PALIPAD-LIPAD si Jaakko sa premihiso ng Kampo Uno habang nasa anyo pa rin ng pagiging langaw. Hindi niya mahanap-hanap ang kinaroroonan ng mga taong dapat hihingan niya ng tulong para maligtas si Arki.
Hindi na niya namalayan ang oras, namamanhid at nasasanay na ang kanyang pagkatao sa pagiging maliit na anyo. Maingat siyang huwag makaengkwentro ng mga tao na maaaring ikapahamak niya.
At bago pa tuluyang mawalan ng pag-asa si Jaakko ay may nakita siyang mga tila kawal at dalawang babae na nakaposas. Nagkaroon siya ng kutob at bahagyang lumapit doon.
Narinig niya na tinawag ng isang babae ang isa pang babae sa pangalan na 'Shiela'.
'It's Arki's sister!' sa loob loob niya. Subalit narinig niya ang iba pang mga salita ng mga nagbabantay at narinig na hahatulan ang dalawa ng kamatayan.
'It's too risky to save them here. Where's the other guy?' Napansin ni Jaakko na wala si Rahinel kung kaya't nagpasya siyang sundan ang isa pang kawal sa kabilang direksyon at matagumpay niyang napasok ang isang piitan.
Biglang nanghina si Jaakko sa piitan dahil lubhang madilim doon. Nang makaramdam siya na walang ibang tao ay kaagad siyang bumalik sa pagiging normal na anyo.
"Fuck, I won't do that again," bulong niya sa sarili.
Susuray-suray siyang naglakad sa madilim na pasilyo ng piitan at isa-isang tiningnan ang seldang walang laman.
"Finally—" huminto siya sa isang selda kung saan ay may lalaking nakaupo lang sa papag. "Ikaw si Rahinel, right?"
Kaagad napatayo si Rahinel. "Ikaw si..."
"Jaakko, boyfriend ni Yumi."
"The son of Senator Lazano? How did you get in here?!" halos mapatalon siya sa gulat nang biglang nagsalita ang isang babae sa katapat na selda.
"Vivienne, calm down, nandito siya para tulungan tayo," kampanteng sabi ni Rahinel sabay tingin sa kanya. "Tama?"
"Tch, hindi ka man lang ba curious kung paano—"
"Wala tayong panahon para magkwentuhan," seryosong sabi ni Rahinel.
"—I did an amazing job to save Arki's ass many times."
"A-Anong sabi mo?!" sa gulat ni Rahinel ay kaagad siya nitong nahila kung kaya't humampas ang katawan niya sa bakal.
"You,shit! Bitawan mo nga ako!" kaagad siya nitong sinunod.
"Sorry, nabigla lang ako. Nasaan si Arki? Pakiusap, sabihin mo sa'king ligtas siya," nakikiusap na sabi ni Rahinel.
Napahinga nang malalim si Jaakko.
"Tama ka—"
Nakaramdam sila ng taong paparating at sa pagmamadali ni Jaakko'y mabilis niyang ginamit ang mahika ng kabibe ni Kaptan.
"Huh?" gulat na gulat ang isang kawal nang makitang walang laman ang selda ni Rahinel at Vivienne. "Nakakawala ang mga preso!" dali-daling tumakbo palabas ang kawal.
"Great!" bulalas ni Jaakko nang maiwan silang tatlo. Ni hindi sila napansin ng kawal kanina.
"P-Paanong nangyari 'to, bakit tayo naging—"
"We're fucking rats, literally." Putol ni Vivienne kay Rahinel.
"Tch, pasalamat kayo sa'kin, and wow! We're talking kahit na mga daga pa tayo!" natatawang sabi ni Jaakko.
"Seryoso ang sitwasyon, Jaakko?! Nasaan si Arki?!" nauubos na pasensiya na sabi nito.
"Calm down, Rah," sabi naman ni Vivienne. "It seems like this is his magic, though it's freaking disgusting, this is a brilliant idea."
"Yeah, yeah, saka na tayo magkwentuhan, sa ngayon sumunod muna kayo sa'kin."
Sa anyong daga ay nagsimula silang tumakbo sa pangunguna ni Jaakko patungo sa kinaroroonan ni Arki.
-xxx-
A/N: Maraming salamat sa pagbabasa! Excited na ba kayo sa katapusan? Tho, konting-konting kembot pa heheh, hula ko'y baka abutan pa ito ng bagong taon. Huhu.
Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng isang MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON! Nawa'y matupad ang inyong mga kahilingan, stay safe always!
Any Christmas message to me or to any AHB characters? hehe. Ano rin pala wish n'yo ngayong Pasko?
#PADAYON
Featured comment, maraming salamat kay leshlie07 sa nakakataba ng pusong comment sa nakaraang kabanata:
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top