/72/ Ang Unang Maharlika
ANG NAKARAAN:
Nakaharap na rin ni Arki ang apat na pinuno ng mga elemento subalit nagulat ang mga ito sa naging kundisyon niya na tatalunin niya si Sitan kapalit ang pagpapalaya nila sa mga aliping mortal sa Hilusung. At bago pa makumbinsi si Makiling ay biglang umabala ang supremo ng mga Maharlika at siyang bise-presidente ng Pilipinas, si Benjamin Aquinas, dinakip nito si Arki patungong Kampo Uno.
Kabanata 72:
Ang
Unang
Maharlika
SA isang kisapmata'y nag-iba ang kinaroroonan ni Arki. Nang bitawan siya ni Benjamin Aquinas ay kaagad siyang sumalampak sa malamig na sahig. Madilim ang paligid na kinaroroonan nila kung ikukumpara sa pinanggalingan niyang makulay na palasyo.
"Ani—" subalit bago pa niya matawag ang mga diyosa'y biglang kusang tumayo ang kanyang katawan at nagdikit ang kanyang mga kamay sa likuran. Nakita niya ang pagkumpas ng kamay ni Benjamin Aquinas at nakita ang mahikang sinulid sa kamay nito na nakatali sa kanya.
"Please, don't try to struggle, it'll make it worst." Hindi niya ito pinakinggan at sinubukan niyang kumawala pero mas humigpit ang mga mahikang sinulid sa kanyang katawan. Nahulog sa sahig ang kanyang arnis at gumulong 'yon sa direksyon ng supremo.
"B-Bakit mo po ako kinidnap?" galit niyang tanong dito. Hindi na inalintana ni Arki kung bise-presidente pa ng Pilipinas ang kanyang kaharap at nawala na ang kanyang pagkagulat. "Kampon ka ni Sitan!"
Pumitik si Benjamin Aquinas at biglang umilaw ang mga sulo na nakasabit sa silid. Lumitaw ang mga magagarang aparato at karamihan doon ay mga babasagin, tila nasa isang laboratoryo sila.
"Alam kong maraming tanong sa iyong isip, but what you said is not true, I'm not Sitan's follower," kalmadong sagot nito sa kanya.
"Kung gano'n po pakawalan n'yo ko rito, kailangan ko ng basbas nila para magwakas na ang kasamaan ni Sitan!" pakiusap niya, hindi pa rin makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Hilusung would appreciate your help but I do not believe in prophecies just like what they told in myths. I am the one who will end Sitan." Walang bakas ng kahit anong pagdududa ang itsura ni Benjamin Aquinas. Inayos nito ang salamin bago muling tumayo at lumapit sa kanya. "Do you know why?"
Hindi sumagot si Arki, mas lalong hindi niya nagustuhan ang presensiya nito, punum-puno ng kaarogantehan at pangmamata ang pagtingin nito sa kanya. Masama niya lang tiningnan ang taong kaharap.
"I am a direct descendant of Bathala," buong pagmamalaking sabi nito. "My great-grandfather, the first Maharlika, is Bathala's son. Hindi mo ba narinig sa iyong lola Barbara ang kwentong iyon?"
"Paano mo nalaman ang lola ko—"
"Oh, well, hindi naman tayo nagmamadali, how about a little story time?" Bumalik ito sa kaninang trono at muling umupo roon. "Once upon a time, Bathala created Ibayo to save some mortals from the western conquerors, he made this place in order for mortals and gods and other elementals to co-exist in peace."
Pamilyar si Arki sa unang bahagi ng kinukwento nito, kung bakit nilikha ni Bathala ang Ibayo. Subalit ay naganap ang unang digmaan sa Ibayo, hindi matanggap ni Sitan ang ginawa ni Bathala kung kaya't tinipon nito ang mga kampon ng kadiliman at mga selestiyal upang mapatay si Bathala.
Yumanig ang langit at lupa sa naging unang digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang diyos. Ginamit ni Bathala ang buong lakas upang isumpa si Sitan na hinding-hindi ito makakatapak sa mundong ibabaw at mananatiling nakakulong sa ilalim na mundo. Pagkatapos ay pinatulog ni Bathala ang mga selestiyal at saka nilikha ang mga ugod upang mamagitan sa bawat mundo.
Hindi roon nagtatapos sapagkat bago matalo si Sitan ay nahawakan nito si Bathala at nagawaran ng isang sumpa—ang sumpa ng pagiging mortal. Dahil sa sumpang 'yon ni Sitan ay nagkaroon ng karamdaman si Bathala.
"Because of that mysterious illness, they said Bathala died," kwento ni Benjamin Aquinas. "But few people knew what Bathala did before he succumbed to his illness. They said Tala told him a prophecy, that's why Bathala sent the four goddesses to the other world and he even give a part of his power, the Mutya. We thought it was just a myth because the chosen princess was nowhere to be found—and that's you, because Barbara Salamanca hid you when you appeared in the modern world."
Magsasalita sana siya nang itaas nito ang kamay upang pahintuin siya at muling nagpatuloy sa pagkukwento.
"We're just getting to the interesting part. After having a curse of being a mortal, hundred years later, Ibayo is at peace, when Bathala decided to do something before he finally dies as mortal. He went to the Indio's world and there he bore a child with a mortal woman, Juan Sakay, the first Maharlikan."
Napaisip si Arki dahil sa dami ng mga kwento at alamat ni Lola Bangs ay hindi niya matandaan kung may nabanggit bang Juan Sakay si Lola Bangs. 'Juan Sakay, ang unang Maharlika?'
"Juan Sakay promised to fulfil his father's dying wish, to protect his people from the oppressors which are the Spaniards. Juan Sakay possessed some special powers because of his father, like he can teleport to Ibayo. When reached his teenage years, he went to Ibayo to appeal to the gods to help him."
Taimtim na nakinig si Arki sa kinukwento nito. Noong una raw ay inakala ni Juan Sakay na kung maraming mga katulad niyang kalahating-tao kalahating-diyos ay maaaring matalo nila ang mga espanyol sa kabilang mundo. Pumayag ang mga diyos at diyosa na makihalubilo sa mga mortal upang lumikha ng mga katulad niya.
Nilikom ni Juan Sakay ang anak ng diyos at diyosa na katulad niya at nilikha ang unang kampo ng Maharlika sa Ibayo kung saan ay sinanay niyang maging mandirigma ang mga bata. Subalit laking dismaya ni Juan Sakay na hindi sapat ang pwersang nilikha niya upang matalo ang mga espanyol.
"Juan Sakay finally realized that he needs the powers of the gods to aid the Maharlikan's mission. So, he asked again the gods to become the Maharlikan's patrons, and do you know what it means to become a patron?" tanong nito sa kanya subalit hindi siya sumagot. "The gods are allowed to embody a mortal's body to use their powers. Katulad na lamang ng mga apat na diyosa sa iyong katawan."
Muling tumayo si Benjamin Aquinas at nagtungo sa direksyon ng isang malaking estante kung saan ay may mga malalaki at magagarang garapon na may iba't ibang liwanag.
"But of course, the gods of Hilusung refused. Juan Sakay is really desperate to empower the Maharlikans, he really thought they are the only hope of the Filipinos enslaved by Spaniards. So, he went directly to the leaders of the four elements to grant him the power to get what he wants."
"H-Humingi rin siya ng basbas kila Maria Makiling?" halos pabulong niyang sabi.
"Yes, dear," sagot nito sabay lingon sa kanya. "The four elemental leaders agreed to help him in one condition, that is to—"
"Ang gawing alipin ang mga mortal dito sa Hilusung." Kusang lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang 'yon.
"Correct. You're a great listener," puri nito sa kanya. "Isn't it ironic? Juan Sakay wanted to free the Filipinos and yet he allowed the people of Ibayo to become a slave? Simply because he only cared about his fellowmen. When Juan Sakay was granted a special power from the elementals, it was easy for him to capture all the gods and lend him their power, after all, he's the son of Bathala." Hinawakan nito ang mga garapon at tumama sa mukha nito ang liwanag na naglalaro sa loob.
"Juan Sakay and his army of Maharlikan children succeeded in fighting the Spaniards—unfortunately, for a short period of time. The Philippines gained its independence in 1896 and the dawn of the Americans is finally coming." Naglakad muli ito palapit sa kanya. "Drunk with power, Juan Sakay realized that he could do so much with his power. He bore three sons from different women of upper-class society: the Aquinas, Santiago, and Dumagas. He passed them down the power and a new purpose, and they created the three kampos of Maharlika."
Lingid sa kaalaman ng lahat ay ginamit ng mga anak ni Juan Sakay ang kanilang kapangyarihan na nilikom sa Ibayo upang gamitin sa kanilang mundo, pinasok nila ang mundo ng negosyo at politika at naging lubhang matagumpay sa larangang 'yon. Walang kaalam-alam ang mga mandirigma ng mga Maharlika sa totoong kulay ng kanilang mga supremo.
Napagtanto noon ni Arki na nasa panganib ang buhay niya sa kamay ng taong kaharap ngayon dahil binulgar nito sa kanya ang katotohanan at mabahong lihim ng mga magigiting na Maharlika. Hindi niya maiwasang madismaya dahil inakala niya noong bata pa lang siya na tunay na bayani ang mga Maharlika dahil sa kwento ng kanyang Lola Bangs.
"Okay, salamat po sa pagkukwento, na-appreciate ko," naiirita niyang sabi. "Kaya baka naman po please lang pakawalan n'yo ako rito."
"I'm getting back what I said, hindi ka pala talaga nakikinig nang maigi sa mga kinuwento ko sa'yo," sabi nito na mas nagdilim ang mukha. "I can't let you ruin the ancient pact of Juan Sakay and the four leaders—"
"Nakikinig po akong mabuti kanina sa inyo!" sigaw niya. "Basta nagets ko na mga corrupt kayo! Mga ganid sa kapangyarihan! Akala ko pa naman tiga-protekta kayong mga Maharlika ng mga tao! Kaya sa'kin inatas ng propesiya na wakasan ang kasamaan ni Sitan dahil maging kayong mga Maharlika ay kurakot!"
Pagkasabi niya no'n ay 'agad na natawa si Benjamin Aquinas, kaagad din itong sumeryoso.
"I forgot to add another story—"
"Tama na 'yang bullshit history ninyo!"
"Oh? I thought you'd be delighted to hear a story about your dear Lola Barbara Salamanca." Natigilan siya nang marinig ang pangalang 'yon, napangisi ito at muling nagkwento. "She used to be one of us, but she's a traitor. Together with her lover, they conspired to make a revolution inside the kampos, to free the gods and the people of Hilusung. We tried to capture her but she vanished in the other world. We never expected that she'll be the one who will hide your existence and she even sent your slave sister to spy on us. Good thing she died—"
"A-Anong sabi mo?!" nagtagis-bagang siya at pilit na kumawala subalit mas humigpit ang mga sinulid at napaiyak siya sa sakit. "P-Pakawalan mo ako!"
"Oh, another thing, we captured Shiela and we made her talk, she confirmed the myth of last binukot." Muli siyang natigilan nang marinig naman ang pangalan ng kanyang Ate Shiela. "You don't need to struggle anymore, Arki. As I've said earlier, I will kill Sitan using the gods' powers. But first, I need to get the four goddesses of Hatualu from you. And regarding to your sister... Since she's a traitor, she'll be executed as well."
"H-Hindi!" Muling pumitik si Benjamin Aquinas at tila may magnet ang kanyang katawan at kusang umupo 'yon sa isang magarang upuan. Namalayan na lang niya na may mga kakaibang aparato na nakakabit sa kanyang ulo at batok.
Bago pa umalingawngaw ang sigaw ni Arki sa paligid ay nakalipad na nakalayo ang langaw na si Jaakko sa lugar na 'yon. Hindi nagkamali si Arki sa sinabi na may masamang mangyayari. Nakalusot si Jaakko sa maliit na butas sa pintuan habang paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Arki sa isip.
'I'm sorry, Arki! I can't fight that douchebag! But... But I have to do something! That's right... Maybe nandito 'yung Ate mo... I'll find her! Sa ngayon... I'm sorry to leave you behind for awhile!' at muling lumipad si Jaakko.
Samantala'y nangilabot bigla si Rahinel sa kakaibang presensiya na dumaan sa paligid.
"Arki..." bulong ni Rahinel at nagkaroon ng masamang kutob. 'Pagkatapos ng lahat ng 'to... Sinabi kong gusto ko nang magpahinga pero... pero alam ko ang totoo sa sarili ko na gusto pa kitang makasama nang matagal, mahal kong prinsesa...'
-xxx-
Abangan: Sa mga binulgar ng supremo ng Maharlika, alam ni Arki na nasa panganib ang kanyang buhay. Kukuhanin nito ang apat na diyosa sa kanyang katawan! Si Jaakko (the dakilang langaw) na lang ang kanyang pag-asa! Kamusta naman kaya sila Yumi?
Maraming salamat ulit sa pagbabasa!
#PADAYON
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top