/37/ Si Anitung Tabu at ang Kanyang Balita
Kabanata 37:
Si Anitung Tabu
at ang Kanyang Balita
MALIWANAG pa rin ang sikat ng buwan. Binabaybay ni Arki at Dayang Sulu ang madilim na kagubatan, hinahanap ang iba pang mga piitan upang mapakawalan ang mga kaibigan ni Arki.
"Oo nga pala," sabi ni Dayang Sulu nang huminto sa paglalakad. Huminto rin si Arki. "Nakuha ko ang mga armas n'yo."
"Yehey! Ang arnis ko!" masayang sabi ni Arki pero kaagad ding napawi 'yon nang mapansin na wala ang mga iba pa nilang gamit. "'Yung mga gamit namin? Atsaka nasaan 'yung bayong at 'yung manok namin?"
"Pasensiya ka na, Arki, 'eto lang ang kaya kong dalhin," malungkot na sabi ni Dayang Sulu.
"'Di bale, mas nag-aalala langa ko sa manok namin na si Mari."
"Susubukan ko 'yong hanapin para sa inyo."
"Talaga? Grabe ang bait mo naman!"
Nagpatuloy sila sa paglalakad at ilang sandali pa'y isa-isa nilang nahanap ang mga selda ng mga kaibigan ni Arki. Hanggang sa nakumpleto silang lahat at nagtipon.
"I-Ikaw 'yung Dayang Sulu?!" hindi makapaniwalang sabi ni Jazis nang sabihin 'yon ni Arki, halos umalingawngaw sa paligid ang boses nito.
"Sshhh!" saway ni Arki rito. "Hindi mo naman kailangang sumigaw, Jazis."
"Sorry nemen, siya kaya 'tong may pakana na ipakulong tayo," sisi ni Jazis.
"Tama si Jazis," nagsalita si Roni. "Bakit mo kami tinutulungan ngayon?"
"I think it's better than killing us," biglang sumabat si Vivienne at sinamaan siya ng tingin ni Roni.
"Teka nga, makinig kasi muna kayo—"pinutol ni Dayang Sulu ang sasabihin ni Arki ng hawakan siya nito.
"Arki, ako na ang bahalang magpaliwanag," sabi ni Dayang Sulu at tumingin sa mga kasama niya. "Gusto kong humingi ng paumanhin kung sinabi ko sa aking ama na ipakulong kayo sa isla na 'to. Ginawa ko 'yon upang hindi nila kayo patayin."
"Salamat, Dayang Sulu," sabi ni Rahinel. "Ngunit bakit?"
"Makinig ka nga muna kasi—"nauubos na ang pasensya ni Arki pero muli siyang pinutol ni Dayang Sulu, ngumiti ito sa kanya na para bang nanghihingi ng paumanhin.
Pinaliwanag ni Dayang Sulu sa kanila ang sinabi nito noon kay Arki. Nang maintindihan nila kung bakit ay nahihiya silang nagpasalamat dito.
"This is good news," sabi ni Roni. "Ang kailangan lang nating gawin ay hanapin si Bantugan sa kabilang isla, tama ba? Dahil may Bangka siya na magtatawid sa'tin sa ilalim ng dagat."Tumango si Dayang Sulu.
"Let's not waste any more time, let's go," sabi ni Vivienne at akmang maglalakad nang biglang tumili si Jazis.
"OMG! 'Yung bag natin?! Nando'n 'yung phone ko!" nagpapanic na sigaw ni Jazis at kaagad na tinakpan ni Arki ang bibig nito. "Mmmpffft!"
"Sabing huwag kang maingay!" nanggigigil na sabi ni Arki habang nakatakip pa rin ang kamay kay Jazis.
"Ahh!!!" si Leo naman ang biglang sumigaw.
"Problema mo?" tanong ni Roni.
"Nasaan si Mari?!" nag-aalalang tanong ni Leo.
"Leo, hahanapin ni Sulu si Mari, chill ka lang—"si Arki.
"Paano kung nakatay na si Mari at ginawang fried chicken?!" hindi na nakatiis si Arki at kaagad niyang binatukan si Leo upang tumahimik ito. Si Jazis naman ay natahimik na rin.
"May paparating!" biglang sabi ni Rahinel nang maramdaman ang presensiya ng mga kawal na naglalakad sa gubat.
Mabilis silang umaksyon ,tinapon ni Dayang Sulu ang gasera upang mamatay ang apoy, kaagad silang umupo at nagtago. Ilang sandali pa'y dumaan ang tatlong kawal, may dala ang mga 'to ng isang maliit na sulo.
"Sshhh..." si Arki na sumenyas sa mga kasama na walang gagalaw at walang magsasalita.
"Narinig n'yo na ang balita?" boses ng isang kawal. "Matutuloy na ang rebolusyon na lihim na binabalak ni pinunong Basaam."
"Ito na ang tamang pagkakataon para sa ating grupo, ang pagbagsak ng imperyo ni Sultan Amundagung ang magiging simula."
"Tiyak kong malaking gantimpala ang naghihintay sa atin."
Laking gulat ni Dayang Sulu nang marinig ang pinag-uusapan ng tatlong kawal, hindi makapaniwala na may nagbabantang panganib sa kanilang kaharian na ang pasimuno ay ang pinagkakatiwalaang heneral ng kanyang ama na si Basaam, bukod pa ro'n ay nakatakda silang ikasal sa susunod na buwan.
Tumingin si Arki kay Dayang Sulu at nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. Samantala, si Leo ay may naramdamang kakaiba, habang nakadapa ay naramdaman niya na may gumagapang sa kanyang paanan.
"L-L-Leo..." nakita ni Jazis kung ano 'yung gumagapang sa paa ni Leo.
"Ano ba—"nang tingnan ni Leo ang paanan niya ay halos manigas siya sa nakita. Isang maliit na ahas ang gumagapang. "A-A-Aha—mmmmphhht"bago pa siya makasigaw ay mabilis na natakpan ni Roni ang bibig nito.
"Don't shout—"saway ni Vivienne pero nagulat siya nang makita na may malaking gagamba sa balikat niya at hindi na niya napigilang tumili.
Naalarma ang tatlong kawal sa tili ni Vivienne.
"Ang mga preso!" sigaw ng mga kawal nang makita kung nasaan sila.
"Ano ka ba, Vivienne!" sigaw ni Arki.
"I-I'm afraid of spiders!" sigaw na mangiyak-ngiyak ni Vivienne.
"Hulihin sila!" sigaw ng isang kawal. Nakita ni Rahinel na tumakbo ang isang kawal palayo.
"Nagtawag sila ng mga kasama, tumakas na tayo sa isla na 'to!" sigaw ni Rahinel sa kanila at kaagad silang kumaripas ng takbo. Hinila ni Roni si Leo at hinila naman ni Arki si Vivienne.
"Hulihin ang mga bihag!" mabilis na dumating ang iba pang mga kawal at tinutugis na sila ng mga 'to ngayon.
"Arki, mauna na kayo!" sigaw ni Dayang Sulu nang huminto, tumigil din si Arki sa pagtakbo at nilapitan ito.
"Bakit?!"
"Kailangan n'yong makapunta sa kabilang isla, hanapin n'yo si Bantugan. Ako na ang bahala sa mga kawal."
"P-Pero... Paano ka? Ang kaharian n'yo?" nag-aalalang tanong ni Arki.
"Hindi mo na 'yon dapat intindihin pa, Arki. Alam kong kailanga n'yo pang iligtas ang kaibigan mo."
Niyakap ni Arki si Dayang Sulu bilang pasasalamat, kahit na ngayon lamang sila nito nagkakilala ay hindi niya maiwasan na maging magaan ang loob sa anak ng sultan, marahil ay nararamdaman niya na tunay itong mabuting tao.
"Salamat!"
"Sige na, humayo kayo."Tumango si Arki at kaagad siyang tumakbo. Nahuli na siya dahil sa pag-uusap nila ni Dayang Sulu.
Mabilis na tumatakbo si Arki subalit hindi niya maabutan ang kanyang mga kasama. Mula sa kung saan ay sumulpot sa kanyang kanan ang sampung kawal, muntik na siyang matamaan ng mga sibat nito.
"Guys!" sigaw ni Arki sa mga kasama subalit huli na dahil nagkahiwahiwalay sila ng landas. Lumingon si Arki, nakita niya na hinahabol pa rin siya ng mga kawal. Nagdadalawang isip siya kung haharapin niya ang mga 'to. 'Arki, kapag naabutan ka nila at hindi ka lumaban, patay ka! Kaya harapin mo na sila!'
Pero nagduda si Arki noong mga sandaling 'yon sa kanyang sarili. 'Arki, ano ka ba! 'Di ba minsan mo nang nilabanan ang mga aswang noon?! Ano ka ba! Hindi naman mga aswang 'tong mga 'to, mga tao sila!' nagtatalo pa rin ang kanyang isip.
'Arki? Anyare sa basagulero mong self? 'Di ba ikaw lagi ang nagpapatumba sa mga bully ng St. Rose High School?! Baliw ka ba! May mga sibat sila! Handa ka nilang pugutan ng ulo!' Takbo lang siya nang takbo at sinisikap na huwag maabutan ng mga humahabol sa kanya.
Hanggang sa tumigil siya nang makita na narating niya na ang dulo ng burol, isang apak na lang ay mahuhulog siya sa bangin, naghihintay ang dagat at ang mataas nitong alon sa ibaba.
Hingal na hingal si Arki at nakita ang mga kawal, napapalibutan na siya ng mga 'to at wala na siyang malulusutan. Muli siyang tumingin sa bangin.
"N-No choice na ba 'ko?" bulong niya sa sarili. Ilalabas niya sana ang kanyang sandata subalit tila may pumigil sa kanya.
Umihip bigla nang malakas ang hangin at muntikan na siyang mahulog sa bangin. Papalapit na nang papalapit ang mga kawal sa kanya habang nakatutok ang mga sibat nito sa kanya, handa siyang tuhugin anumang sandali.
'Tumalon ka.' May bumulong sa kanya na boses ng isang babae, hindi siya makapaniwala nang marinig niya 'yon.
"A-Ano?"
'Sinabi nang tumalon ka.'
"A-Ayoko—"
'Talon!'
Muling umihip nang malakas ang hangin at nawalan ng balanse si Arki. Akmang susunggaban siya ng isang kawal nang bigla siyang tumalon sa bangin. Maririnig ang kanyang sigaw habang bumubulusok siya pababa, napapikit si Arki nang makita na malapit na siyang humampas sa dagat.
"H-Huh?" subalit napadilat siya nang mapagtantong hindi siya bumagsak sa dagat. "Huh?!" gulat na gulat siya nang makita na lumulutang siya sa ibabaw ng dagat.
Muli siyang sumigaw nang umangat siya nang umalon ng malakas, muntik na siyang matamaan nito.
"P-Paanong nangyari 'to?!" sigaw niya habang nakalutang siya sa ere.
Tsaka niya napansin, nakita niya ang kulay asul na aura na bumabalot sa kanyang katawan, tila isang hangin at usok ang bumubuhat sa kanya ngayon.
'Huwag kang matakot.' Narinig na naman niya ang pamilyar na boses na narinig niya kanina. 'Hayaan mong dalhin kita sa kabilang isla.'
Walang nagawa si Arki at muli siyang tinangay ng pwersa. Dilat na dilat ang mga mata niya habang lumilipad siya patungo sa kung saan. Kinakabahan siya na may halong pagkamangha.
Ilang sandali pa'y dahan-dahan siyang nilapag ng pwersa sa lupa nang marating nila ang kabilang isla.
"S-Sino ka?" tanong niya nang humiwalay sa kanyang katawan ang kaninang bumabalot na aura.
Walang anu-ano'y bigla ulit umihip nang malakas ang hangin at ang pwersa'y unti-unting lumaki at nag-anyo 'yon na tao, hindi basta-bastang tao—malaki itong nilalang na may taas na labindalawang talampakan.
Nagpaikut-ikot ang hangin, nagkaroon ng liwanag na pinaghalong puti at asul, hanggang sa ang nilalang ay nag-anyong babae, hindi pangkaraniwan ang ganda nito, nakasuot ng magarang kasuotan na yari sa hindi pangkarinawang tela na kumikinang, mayroon itong korona, at dalawang pamaypay. Nakasuot sa balikat nito ang isang epaulette na may kulot na mga sangay, sa ibabaw nito'y may dalawang ibon, at nakasabit dito ang mahabang kapa. Kapansin-pansin din ang malaki nitong hikaw na hugis ng butil ng luha.
"Well, well, well," nakangiting bati sa kanya ng nilalang. Nakatingala siya rito at napanganga lang. "Hello, there. Sawakas, matapos ang napakaraming taon, nagkita rin tayo."
"S-Sino ka?"may halong kaba na tanong ni Arki. Ngumiti at bahagyang natawa ang nilalang sa kanya.
"Ako nga pala si Anitung Tabu, ang diyosa ng hangin at ng ulan," elegante itong yumuko sa kanya, isang pagbibigay galang.
"D-Diyosa?"
"Yes, dear," sagot ni Anitung Tabu. "Mukhang hindi mo talaga ako kilala. Anak ako ng diyos na si Idiyanale at Dumangan."
Nakatitig lang si Arki kay Anitung Tabu habang may malaking tanong sa kanyang mukha. Umikot ang mga mata ni Anitung Tabu nang hindi pa rin siya makilala ni Arki.
"Hay nako, sinasabi ko na nga ba't hindi mo ako kilala dahil hindi ako tinuturo sa eskwelahan n'yong mga mortal!" may himig ng pagtatampo ang boses ni Anitung Tabu.
"O—kay, diyosa ng hangin at ulan, ikaw ang nagligtas sa'kin at dahilan kung bakit ako nakapalipad dito, hindi ba?" dahan-dahang sabi ni Arki.
"You got it right!" masiglang sabi ni Anitung Tabu.
'Bakit marunong siyang mag-english?' nagtatakang saloobin ni Arki. "S-Salamat po."
Akma siyang aalis nang bigla siyang harangin nito, mabilis itong napunta sa harapan niya at nagulat siya nang maging normal ang laki nito na parang mortal.
"Gano'n lang? Wala ka man lang bang saya na makita ako?" reklamo ni Anitung Tabu.
"Ah... Eh... Sorry po ah, may mahalaga pa po kasi akong misyon—"
"OMG," napatakip sa bibig si Anitung Tabu.
'Ang kikay naman ng diyosa na 'to.' Sa isip ni Arki.
"Hindi mo pa rin alam?"
"Alam ang alin po?"Nagtitigan silang dalawa, nakita ni Anitung Tabu sa mga mata niya na wala talaga siyang ideya.
"Na sa iyo ang Hatualu."
"Hatua—ano?" ulit ni Arki nang naguguluhan pa rin. Pakiramdam niya ay narinig na niya ang salitang 'yon pero hindi niya maalala kung ano.
"Arissa Kim, hindi mo pa rin alam kung sino ka?" seryosong tanong ni Anitung Tabu sa kanya.
Napaatras si Arki at nabahiran ng pag-aalala at pagdududa ang kanyang mukha. "A-Anong ibig mong sabihin? Sino ako?"
"Hangin, tubig, apoy, lupa—binasbasan ka ni Bathala ng kapangyarihan ng mga elemento. At isa ako sa diyos na binasbas sa'yo, ang kapangyarihan ng hangin. At ngayong nabuksan na ang isang elemento sa Hatualu sa 'yong katawan, nagpakita ako sa'yo ngayon upang gabayan ka."Mahabang paliwanag sa kanya ni Anitung Tabu subalit mas lalo lamang siyang naguluhan.
"T-Teka lang!" itinaas ni Arki ang kanyang kamay. "S-Sorry po, naguguluhan ako. Hindi ko magets. Bakit? Kapangyarihan? Ako?"
"Dahil ginising mo ang Mutya, unti-unti nang mabubuksan ang kapangyarihang binasbasa sa'yo ng mga sinaunang diyos." Sabi ni Anitung Tabu at tinuro nito ang kanyang kwintas.
Napahawak si Arki sa kwintas na suot niya, ang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Yumi.
"K-Kwintas 'to ni Yumi—"
"Alam mo ba na hindi Arissa Kim ang totoo mong pangalan?" tanong sa kanya ni Anitung Tabu.
Umiling siya dahil sa pagkagulo ng kanyang isip.
"Rajani,"tawag sa kanya ni Anitung Tabu. "Ikaw ang huling binukot."
-xxx-
A/N: This is how I imagine Anitung Tabu in this story, this was my classmate's entry to Architecture fashion show way back 2018. This was the grand winner by the way. :) All credits to Michael Madriaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top