/34/ Salidumay
Kabanata 34:
Salidumay
MAG-IISANG oras nang tinitiis ni Jaakko ang init at kakulangan sa hangin, kasabay pa ng pag-alog ng sasakyan ay halos sumakit na ang kanyang ulo. Tagaktak ang kanyang pawis habang nakahiga sa madilim na compartment ng sasakyan.
'Saan ba papunta 'to?' naiinis na may halong kaba na tanong ni Jaakko sa sarili habang nakahiga.
Ilang sandali pa'y huminto ang sasakyan at pinakiramdaman niya ang paligid. Umibis ng sasakyan ang nagmamaneho at naglakad palayo, base sa tunog ng inaapakan nito ay tila nasa masukal itong lugar.
Nang lumipas ang limang minuto ay hinila ni Jaakko ang emergency trunk release ng compartment at kaagad siyang nakahinga ng maluwag nang mabuksan 'yon. Pagkababa niya ay kaagad siyang sumalampak sa sahig habang hinahabol ang hininga.
Nang makabawi'y tumingin si Jaakko sa paligid, hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon, nasa isang masukal na kagubatan sila at kitang kita niya ang maliwanag na buwan.
Hinubad niya ang jacket sa sobrang pawis, kinuha niya sa loob ng compartment ang kanyang binaong bag at kinuha mula roon ang flashlight. Hinanap ng kanyang paningin si Khalil at natanaw niya na dalawampung metro na ang layo nito, may dala ring ilaw.
'Sabi ko na nga ba at may something sa taong 'to,' sabi ni Jaakko sa sarili. Sinimula niyang maglakad, maingat ang bawat hakbang.
Buong araw na minanmanan ni Jaakko si Khalil dahil mayroon siyang natuklasan. Hindi sinasadya na narinig niya ang sinabi nito sa isang kausap na hindi niya nakita.
"Naunahan na tayo ni Anita dahil nakuha na niya ang prinsesa."
"Hindi na ako nagulat sa kataksilan ni Anita."
"Sino ang prinsesa? Isa rin bang estudyante sa eskwelahang 'yon?"
"Estudyante ni Anita na nagngangalang Mayumi Garcia."
Napagtagpi-tagpi ni Jaakko ang mga pangyayari, ang hindi maipaliwanag na pag-atake ng mga halimaw sa kanilang eskwelahan, ang pagpupulong ng mga kampon ng kadiliman sa kanilang bahay. Hindi panaginip ang lahat. May kinalaman ang kanyang ama at marami siyang tanong subalit mas nangibabaw ang kagustuhan niya na iligtas si Yumi ngayon.
Kaya naman palihim siyang sumakay sa compartment ng sasakyan ni Khalil upang sundan kung saan ito pupunta. Malinaw na rin sa kanya na isang alagad ng demonyo si Miss Anita at ito ang dumakip kay Yumi.
Hindi alam ni Jaakko kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob kung bakit niya ito ginagawa. Pero huli na para umatras siya. Nagtago siya sa likuran ng isang malaking puno habang pinapanood ang ginagawa ni Khalil.
Nagsindi ng mga kandila si Khalil at nagpausok din ito ng insenso. Naglabas ito ng patalim at sinugatan ang sarili, pumatak ang dugo sa lupa. Lumuhod si Khalil sa lupa at nagsimulang mag-orasyon gamit ang isang 'di maintindihang lenggwahe.
Hindi malaman ni Jaakko kung mawiwirdohan ba siya o matatatakot sa kanyang nasasaksihan. Nagtagal ng tatlong oras ang orasyon at maya-maya pa'y nasindak si Jaakko nang makita niya na may itim na liwanag ang sumulpot, ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan ni Khalil.
Tumayo si Khalil at pumasok sa loob ng itim na lagusan. Nanigas sa kinatatayuan si Jaakko pero mabilis siyang nag-isip. Mas nangibabaw sa kanya ang kanyang layunin.
Dali-daling tumakbo si Jaakko at pumasok din sa loob ng itim na lagusan.
"Ahhhh!!!!" sigaw niya sapagkat tila nahulog siya sa isang walang hanggang kadiliman.
*****
MATIWASAY na narating ng grupo ang bundok ni Maria Makiling. Nakalapag nang maayos si Mari sa isang patag na damuhan at ngayon namalayan nila ang kanilang sarili na muling naglalakad sa loob ng kagubatan.
"Ghad, kaumay ang mga halaman, kanina pa tayo stuck with mother nature huh," reklamo ni Jazis habang hinahawi ang mga malalaking dahon na tumatama sa kanyang mukha.
"Pakiramdam ko ito na ang pinakamahaaaaabang gabi na nangyari sa buong buhay ko," sinundan 'yon ni Leo habang dala ang bayong.
Makalipas ang ilang sandali'y huminto sila sa paglalakad nang marating ang isang malaking bakanteng lote na napapaligirang ng mga puno, muli nilang nakita ang buwan sa langit.
"For what I can remember, we need to offer what we caught to the entities," sabi ni Vivienne nang nilapag ang bag sa lupa.
"Leo, ilabas ninyo 'yung mga garapon," utos ni Arki at sinunod 'yon ni Leo, tinulungan ito ni Roni.
Nilapag nila ang mga garapon na naglalaman ng mga elemento sa lupa, nakahilera at medyo magkakalayo ang mga 'yon.
"Kailangan nating mag-alay ng kanta para mapalabas ang mga engkanto na magtuturo sa atin ng lagusan," sabi naman ni Rahinel habang nililibot ang paligid.
"Kanta?" sabay-sabay silang napamaang.
"Ay! I volunteer! I have a beautiful voice!" maligalig na sabi ni Jazis sabay taas ng kamay.
"Okay, gets ko, ano naman ang kakantahin natin?"tanong ni Arki sa mga kasama.
"We found love by Rihanna!" sigaw ni Jazis pero walang pumansin dito.
Nagsimulang magkaroon ng diskusyunan tungkol sa kung anong kakantahin. Samantala, abala si Leo 'di kalayuan sa pag-aayos ng mga gamit nila, inayos nito ang laman ng bayong ni Lola Bangs, tinanggal nang lahat ng laman at isa-isang inaayos pabalik. Una nitong nilagay sa loob si Mari, pangalawa ang mistikal na dahon at huling nakita ni Leo ang parihabang pulang tela.
"Para saan ba 'to?" bulong ni Leo sa sarili habang hawak ang tela"Hmm... Parang ang cool nito sa ulo."sinuot ni Leo ang pulang tela at ginawa itong bandana sa kanyang noo.
Wala silang kamalay-malay na hawak ni Leo ang Birang ni Haring Laon, isang mistikal na tela na nagtataglay ng kapangyarihan.
"Leo! Ano 'yang suot mo?"
"Ahh... Ehh nakita ko sa bayong—"
"Sige na guys, kakantahin ko na 'yung We found love para tapos na 'to, ehem ehem, yellow diamond in the lights, and we're standing side by side—"
"Aish! Kala mo ang ganda-ganda ng boses mo," reklamo ni Leo.
"Sa tingin ko mas magagalit sila kapag kumanta tayo ng kung anu-ano," sabi ni Roni habang nakahalukipkip.
"Sang-ayon ako," sabi naman ni Rahinel.
"Guys, hello?" wala ng pumapansin kay Jazis. "Bahala kayo itutuloy ko 'tong song number ko, hmp! As your shadow crosses mine. What it takes to come aliveee-yahahhhh."
"Bakit hindi tayo kumanta ng medyo oldies tapos may kinalaman sa nature?" suhestiyon ni Arki at tumango ang mga kasama niya.
"Aha! Magkaugnay!" sabi ni Leo pero tinitigan lang siya ng mga kasama niya. "Ang lahat ng bagay ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat." Kinanta ni Leo ng paulit-ulit na sinabayan pa ng sayaw pero hindi ngumingiti ang kanyang mga kasama.
"Huwag 'yan, masyado na 'yang gasgas tuwing Buwan ng Wika," sabi ni Arki.
"Eh, ano?" tanong ni Leo.
"It's the way I'm feeling I just can't denyyyaahaaa... But I've gotta let it go," kumakanta pa rin ang may sariling mundo na si Jazis. "We found love in a hopeless place, we found love in a hopeless placeeee."
"Hoy!" bulyaw ni Leo kay Jazis.
"'Yung kantang mas etniko pa sana," sabi ni Arki sa mga kasama.
"How about we sing Salidumay?" biglang sabi ni Vivienne.
"Salidumay?"
"Yeah, kanta 'yon from Cordillera, it has no particular meaning pero may nabasa ko na it's somehow a way of saying thanks," sani Vivienne.
"Mas okay 'yan," sabi ni Roni at tumango si Rahinel.
"Mas maganda sana kung meron tayong actual instruments, 'yung tipong pinaghalong luma at makabago," sabi ni Leo sa sarili habang nakahalukipkip.
"Simulan na natin," sabi ni Rahinel na naglakad subalit biglang natigilan.
"Bakit?" tanong ni Arki nang mapansin si Rahinel at imbis na sumagot ito ay may itinuro ito 'di kalayuan sa kanila. Tumingin din ang mga kasama nila sa tinuro nito. Si Jazis ay huminto na sa pagkanta.
"OMG?" reaksyon ni Jazis at lahat sila'y nagtaka sa nakikita.
"Holy macaroni!" bulalas ni Leo. "Kakasabi ko lang!"
Tumambad sa kanilang paningin ang mga musikang instrumento, kaagad silang lumapit sa kinaroroonan ng mga 'to.
"Saan nanggaling 'to?" tanong ni Arki sa mga kasama pero pare-parehas nilang hindi alam ang sagot.
"Kudyapi." pinulot ni Rahinel mula sa lupa ang isang kahoy na instrument na may dalawang tali at may habang anim na pulgada.
"Leo? Ano 'to?" may paghihinalang sabi ni Roni kay Leo.
"Wala akong alam dito!" depensa ni Leo sa sarili pero lihim na namamangha sa pagdidilang anghel niya. "Teka, alam ninyo hindi na mahalaga kung saan nanggaling 'to, malay n'yo naman may mabait na engkanto ang nagdonate sa'tin para magperform."
"Guys, sorry to say pero agree ako kay Leo," sabi ni Jazis at pinulot ang dalawang pangkalog na hugis luha.
"Okay, may laban pa ba kami sa mga engkanto?" sabi ni Arki at pinulot naman ang isang tamburin.
Umayos sila ng pwesto. Si Rahinel ang may hawak ng kudyapi, natatandaan niya pa rin kung paano tugtugin 'yon. Si Roni naman ang may hawak ng gitara. Si Vivienne ay umupo sa maliit na upuan upang tugtugin ang kulintang. Si Leo naman ay ang tutugtog sa tatlong dabakan (isang uri ng tambol).
Tumingin silang lahat sa isa't isa bago bumilang. Unang pumalo si Leo, mabilis ang tempo na sinundan ng Kulintang ni Vivienne. Pagkatapos ng intro ay sabay-sabay nang tumugtog ang lahat at minutawi ang etnikong liriko.
https://youtu.be/EjYdpYjNFZE
"Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway!"
Paulit-ulit nilang minutawi ang liriko at hindi nila namalayan na unti-unting nabubuhay ang paligid sa kanilang masiglang pag-awit dahil nalilibang sila sa pagkanta at pagtugtog. Nakikisama ang mga instrumento sapagkat binibigay nito ang pinakamagandang tugtog na makakapagbighani ng mga elemento.
"Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway!"
Muling lumiwanag ang mga nilalang na nasa loob ng Garapon ni Maria, unti-unting bumukas 'yon at lumutang sa ere at nagpaikut-ikot sa kanila. Nagulat sila nang lumiliwanag ang isang direksyon.
"Huwag kayong titigil!" sigaw ni Rahinel sa mga kasama at nagpatuloy sila sa pagtugtog.
"Last one!" sigaw naman ni Jazis at muli silang sabay-sabay na umawit. "Salidumay, eyyyy! Eyyy!"
"Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay! Ay! Salidumay Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway! Ay—Ay! Salidumay—Salidumay diway!"
Ilang sandali pa'y mas lumiwanag ang buong paligid, nakasisilaw 'yon kung kaya't lahat sila'y tumigil at nagdikit-dikit. Makalipas ang ilang sandali'y nawala ang liwanag.
"A-anong nangyari?" si Roni subalit natameme lang sila.
"Tinatanggap ng kalikasan ang inyong alay," napapitlag sila nang marinig ang isang malalim na boses, nakakatakot 'yon at tila galing sa ilalim ng hukay.
Napatingin sila sa paligid ngunit walang nakitang ibang nilalang. Umaalingawngaw lang sa paligid ang isang misteryosong tinig.
"Sino ka?!" matapang na tanong ni Arki sa paligid.
"Arki naman, baka magalit 'yan pag masyado kang maangas," bulong ni Leo.
"Ako si Makiubaya, ang bantay ng lagusan sa Timog ng Ibayo. Kayo mga tiga-lupang mortal, sino kayo?" tanong ng tinig sa kanila.
"Ako si Arissa Kim Bonifacio, o mas kilala bilang Arki, at sila ang mga kaibigan ko," sumenyas si Arki sa mga kasama na magpakilala rin.
"Ako si Rahinel pero Rakum ang totoo kong pangalan."
"Annyeong! I'm the beautiful Jacintha AKA Jazis."
"Leo Makusug in the house!" nagtaas pa ng kamay si Leo.
"Roa Nikolo Corpuz, Roni na lang."
"Vivienne Donohue."
"At ano ang pakay ng mga mortal sa pagpasok sa kabilang mundo? Bigyan ninyo ako ng sapat na dahilan kung karapat-dapat ninyong masilayan ang Ibayo. Marapat ninyo lang ding malaman na matutukoy ko kung bukal sa kalooban ang inyong mga imumutawi."
Nagkatinginan silang lahat sa isa't isa at saglit na nag-isip. Naunang sumagot si Arki.
"Nadakip ang best friend kong si Yumi ng teacher namin na si Miss Anita na kampon pala ni Sitan. Dinala si Yumi sa Ibayo at kahit ano'ng mangyari ay ililigtas ko siya." bukal sa loob na sagot ni Arki at sumunod si Rahinel.
"Katulad ng kanyang sinabi, kailangan kong iligtas ang huling binukot na si Yumi mula sa kasamaan, iyon ang dahilan ng buong pagkakabuhay ko sa mundong 'to. Wala ng iba." matapos magsalita ni Rahinel ay umabante ng isang hakbang si Vivienne.
"Minsan nang nakapunta ang aking ama sa mundo ng Ibayo, walang naniniwala mga natuklasan niya at tinawag siyang baliw. That's why I wanted to go there badly and see it for myself, to prove that my father is not crazy. Gusto kong pumunta sa Ibayo para sa aking ama."
"Yoh, sa totoo lang," nakapamulsang sabi ni Roni, "nandito ako dahil kaibigan ako nila Arki, Yumi, at Leo. Pero minsan kong narinig noon ang isang kwento ng alamat na mayroong mahiwagang bulaklak na nakakapaggamot ng kahit na ano. Nagbabakasakali ako na baka matagpuan ko ang bulaklak na 'yon para magamot ang sumpa ko—sumpa ng pagiging tikbalang."
Napatingin si Vivienne kay Roni matapos sabihin 'yon at sunod na nagsalita si Jazis.
"Ako? Actually ganda lang maiaambag ko sa grupo na 'to pero...narinig ko na rin noon sa lola ko 'yung salitang Ibayo, sabi niya destiny chorva ko raw na makapunta roon, eh 'di ko naman knows na totoo pala talaga, tapos na-meet ko sila Arki and then boom! Kidding aside, gusto kong pumunta ng Ibayo for the sake of my dear lola, labs ko 'yun eh," pinunasan ni Jazis ang namuong luha sa gilid ng mata.
At huling nagsalita si Leo na nangangatal pa.
"P-para rin kay Yumi kaya gusto kong pumunta—para iligtas siya. P-pero sa totoo lang din... Natatakot ako!" pumiyok pa si Leo. "G-gusto kong maging matapang!"
Natahimik bigla ang paligid. Nawala ang tinig at muling nagkatinginan sa isa't isa. Ano na ang susunod na mangyayari? Ang tanong sa kanilang isipan.
Walang anu-ano'y biglang umuga ang lupa kung kaya't napakapit sila sa isa't isa. Gumapang ang mga ugat ng mga puno at umusbong ito sa ibabaw at unti-unting bumuo ng malaking arko.
Sa loob ng arko ay lumitaw ang isang liwanag.
"Yesss!" tuwang tuwa sila dahil hudyat 'yon na nakapasa sila at napatunayan nila na karapat-dapat silang pumunta sa Ibayo.
Muli nilang narinig ang tinig.
"Bukas na ang lagusan sa Timog ng Ibayo na binabantayan ng Sama Dilaut. Pagpalain kayo sa inyong paglalakbay!" bati sa kanila ni Makiubaya.
Nagtalunan at nagyakapan sila sa sobrang tuwa maliban kila Vivienne at Rahinel na natiling nakatayo lang.
"Ready na ba kayo, guys?!" masiglang sigaw ni Arki sa mga kasama at humarap siya sa naghihintay na lagusan.
Kinuha nila ang kanilang mga gamit at lumapit sa lagusan. Pagkalapit ay medyo kinabahan ang ilan sa kanila dahil sa walang kasiguraduhang naghihintay sa kanilang magiging paglalakbay sa kabilang mundo.
"K-kinakabahan ako!" sigaw ni Leo.
"Ako rin!"sabi naman ni Jazis na nag-sign of the cross pa.
"Natural lang siguro kabahan," sabi ni Arki at nagulat si Leo.
"Ikaw? Arki? Natatakot?!" si Leo.
"Natatakot ako na what if kung hindi natin kayanin, tao pa rin ako para kabahan. Natatakot ako na what if hindi ako magtagumpay,"sagot ni Arki habang nakatitig sa lagusan.
"Walang dapat ikatakot,"biglang nagsalita si Rahinel. "Magkakasama tayong maglalakbay at hangga't lumalaban tayong magkakasama—sa atin ang tagumpay."
Hinawakan ni Rahinel ang kamay ni Arki at tumingin ito sa kanya, napangiti si Arki at mas lumakas ang kanyang loob, tama ito. Hinawakan ni Arki si Leo, si Leo ay humawak kay Jazis, at si Jazis ay humawak kay Roni.
Tumingin si Vivienne kay Roni dahil nakalahad ang kamay nito.
"Alam ko, hindi ka basta-basta nagtitiwala sa mga tao," sabi ni Roni kay Vivienne.
Tinanggap na ni Vivienne ang kamay ni Roni. Ngayon ay nakatingin na silang lahat sa lagusan.
"Yumi, parating na kami," bulong ni Arki. "Pagbilang ko ng tatlo, tatalon tayo—isa! Dalawa! Tatlo!"
Sabay-sabay silang tumalon sa loob ng lagusan at maririnig ang kanilang mga sigaw habang hinihila sila pababa ng lagusan patungo sa mundo ng puno ng hiwaga at pantasya...
...ang mundo kung saan naroroon ang mga diyos at diyosa.
...ang mundo na nilikha ni Bathala para sa mga alamat.
...ang kabilang mundo—ang Ibayo.
-xxx-
The musical instruments from Mindanao
GLOSSARY:
Makiubaya is the spirit of the gates, one of the minor gods assisting Kabunian, the highest entity in Ifugao.
Haring Laon it is believed that he owned a mystical Birang which can grant any wishes. King Laon is from Negros mythology
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top