/27/ Ang Pagbabalik


Kabanata 27:
Ang Pagbabalik


NAKARAMDAM siya ng kaunting kirot nang magkaroon siya ng malay. Nang subukan niyang igalaw ang kanyang katawan ay nagulat si Shiela nang mapagtantong nakagapos siya sa isang upuan. 

"A-Anong..." nilibot niya ang tingin at nakita ang isang lumang silid na tinatanglawan ng isang mahinang dilaw na ilaw. Bigla niyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng ulirat, sinalakay niya ang taong pinaghihinalaan at nagsagupaan silang dalawa, subalit sa huli'y mas nanaig ang pwersa nito.

Sinubukang ikalas ni Shiela ang pagkakatali sa kanya pero masyado iyong mahigpit.

"Pinai?" tawag niya sa diwata na kanyang kasama noon subalit mukhang wala ito ngayon.

Narinig niya ang yabag mula sa kisame at doon niya napagtanto na nasa ilalim ang kanyang kinaroroonan. Maya-maya'y narinig niya ang paglangitngit ng pinto at mga yabag pababa.

"Gising ka na pala," boses ng bagong dating. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya si Karl na may dalang tray na may laman ng pagkain. "Heto at dinalhan kita ng hapunan." nilapag nito sa kalapit na kahoy na mesa ang tray at umupo kaharap niya.

"Sa tingin mo paano ko makakain 'yan kung nakatali ako rito. Pakawalan mo ako," giit niyang utos at masama ang kanyang tingin dito.

"Susubuan naman kita."

"Pakawalan mo 'ko!" sigaw niya sa galit.

"Pasensya ka na," napakamot si Karl sa batok at kita niya sa mga mata nito ang kunsesnya, "hindi ko talaga gustong gawin 'to sa'yo pero ikaw ang nanguna na magbanta sa buhay ko. Kaya hindi kita pwedeng pakawalan dito hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung ano ang pakay mo sa akin."

Hindi siya nakapasalita. May punto ito, siya ang nanguna sa pagsalakay. At ngayon, mukhang seryoso si Karl sa gusto nitong mangyari. Subalit hindi siya pwedeng magtagal dito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin sa bagay na 'yan, Mr. Ocampo, ano ang pakay mo sa Lola ko?"

"Bago ko sagutin 'yan ay kailangan mong magpaliwanag sa ginawa mo sa'kin Miss, ano ang tinatago n'yo ni Barbara Salamanca? Sino ka ba talaga?"

Mas lalo siyang nagtagis bagang sa narinig at sinabing, "Wala akong rason para ipaliwanag ang sarili ko sa'yo."

Napahilot sa sentido si Karl, inayos niya ang salamin pagkatapos. "Mukhang masyado kang matigas, Miss, pasensiya na ulit pero iiwanan muna kita rito. Ayaw mo ba talagang kumain?" akmang susubuan siya ni Karl pero tinignan niya ito ng masama.

Napahinga nang malalim si Karl at umalis dala ang tray. Nang mawala ito'y napapikit si Shiela.

'Kailangan kong makaalis dito.'


*****


SAKTONG kakaakyat lang ni Karl mula sa silong nang dumating si Rahinel. Mabuti na lang ay kaagad niyang naabot sa dumaang katulong ang dala niyang tray, wala rin itong kamalay-malay sa babaeng nasa ibaba. 

"Oh, bakit ngayon ka lang?" taranta niyang tanong kay Rahinel, napansin niya na madumi ang uniporme nito. "Anong nangyari sa'yo?"

"Napalaban lang," matipid na sagot ni Rahinel. "Ikaw, ano'ng ginawa mo sa silong?"

"Ah, ano, may tiningnan lang akong lumang libro," palusot ni Karl at kaagad niyang hinila si Rahinel patungong kusina upang maiba ang usapan. 'Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na inabduct ko ang kapatid ng kaklase niya. Diyos ko, patawarin ninyo ako sa kasalanang 'to pero para rin 'to sa hinahanap namin ni Rahinel.'

Alam ni Karl na mali ang ginawa niya at nakukunsensya siya sa ginawa niya kay Shiela. Pero alang-alang sa kanilang misyon ay kailangan niyang lamunin ang kunsensya lalo pa't malakas ang kutob niya na may alam si Barbara Salamanca at si Shiela sa kanilang hinahanap.


*****


DAHAN-DAHANG pumasok si Arki sa loob ng kanilang bahay, alam niya kasing yari na naman siya sa kanyang Lola at Ate Shiela dahil ginabi na naman siya sa pag-uwi. Pero nagtaka siya nang makita si Lola Bangs, Shawie, at Mawi sa sala na parang nababalisa.

"L-Lola mano po." alanganing lumapit at nagmano si Arki dahil hindi niya mawari kung galit ba sa kanya si Lola Bangs. Ni hindi nga nito napansin na ang dumi ng uniporme niya. Napatingin siya kila Shawie at Mawi. "Bakit parang mukha kayong natatae?"

"Eh kasi naman, Arki, we're so worried!" maarteng sagot ni Shawie.

"Hindi pa umuuwi si Shiela!" bulalas naman ni Mawi.

"Ha?" napasulyap siya sa orasan at nakitang hindi pa naman gano'n kagabi. "Kayo naman, masyado pang maaga, baka naman gumala lang saglit si Ate Shiela."

Alam nila na hindi palaalis si Shiela, wala itong ibang pinupuntahan madalas kaya labis ang pag-aalala nila. Si Arki naman ay ayaw nang mabahala pa dahil madami siyang pinagdaanan ngayong araw at gusto na niyang matulog 'agad.

"Bueno," tumayo bigla si Lola Bangs, "baka nga gumala lang si Shiela, dalaga rin naman 'yong tao, hayaan na muna natin siya."

Nagkatinginan si Shawie at Mawi nang sabihin 'yon ni Lola Bangs. Si Arki naman ay walang imik, hinihintay niyang mapansin ng kanyang lola ang kanyang anyo.

"Arki, may pagkain sa kusina, kumain ka na at magpahinga pagkatapos." pero nagulat siya nang iyon lang ang sabihin sa kanyang Lola.

"S-Sige po." medyo nakahinga siya ng maluwag at sinunod niya ang utos nito.

Naiwan sa sala sila Lola Bangs, Shawie, at Mawi.

"Pa'no na, Lola Bangs?" nag-aalalang tanong ni Mawi.

"Hindi na dapat mag-alala pa si Arki. Magtiwala tayo kay Shiela na magtatagumpay siya sa kanyang misyon." ani Lola Bangs.


*****


KINABUKASAN...

Balik normal ang takbo ng buhay ng mga mag-aaral ng St. Rose High School. Wala silang kamukat-mukat na may nangyaring kababalaghan noong nagdaang araw at ang mga tanging saksi nito'y hindi pa rin makabawi sa bilis ng mga pangyayari.

Si Yumi na parang nagdahilan lang ang sakit, ngayon ay magaling na magaling na. Nawala ang bigat sa kanyang dibdib at nakapasok na sa eskwela. Ngayong araw, handa na niyang ibigay ang kanyang kwintas ayon sa utos sa kanya nito.

"Good morning, Yumi!" bati pa sa kanya ng mga kaklase at nginitian niya lamang ang mga 'to.

Samantala, sa labas ng silid-aralan ay naglalakad papasok si Jaakko nang biglang may bumunggo sa kanya.

"S-sorry, Jaakko—" pero dahil iritable siya ngayong umaga'y kaagad niyang kinwelyuhan ang kaklase niyang lalaki.

"Hindi mo ba kilala kung sino'ng binabangga mo?!" bulyaw niya rito habang hawak ang kwelyo nito.

"S-Sorry talaga—"

Hindi maganda ang umaga ni Jaakko, sunud-sunod na araw na kasi siyang binabangungot at isabay pa ang malamig na pantratrato sa kanya ng ama na para siyang basura, nakahanap siya ng mapagbubuntungan ng galit.

"Ilang beses na kitang pinagbibigyan—"

"Jaakko!" napatingin siya sa tumawag sa kanya at nakita niya ang kanilang guro na si Miss Anita. Binitawan niya ang kaklase at kaagad itong pumasok sa loob. Naiwan siyang kaharap ang guro. Akma siyang papasok sa loob nang pigilan siya nito sa kanyang braso.

"Mag-usap tayo sandali, Jaakko," sabi nito. Wala siyang nagawa at hinila siya ni Ms. Anita. Nakasimangot lang siya at humalukipkip. "Matagal ko nang napapansin ang mga ginagawa mo sa mga kaklase mo, Jaakko. Pero kailangan mong malaman na sumosobra ka na, hindi maganda ang pananakit ng mga kaklase. Ikaw ang salarin kung bakit napahamak si Arki noon, hindi ba?"

Sa inis ni Jaakko ay inirapan niya ang guro. "Ano naman kung ako? May magagawa ka ba?"

"You need to fix your behavior, Mr. Lazano. Papuntahin mo ang tatay mong senador sa eskwelahan para kausapin ako," mariing sabi ng guro, umismid siya nang marinig 'yon.

"Bakit, Ma'am? Para saan? Kahit kausapin mo ang dad ko ay walang magbabago, baka nga bigyan ka pa niya ng pera para manahimik ka na lang. O 'di kaya'y siguro iyon naman talaga ang habol mo, gusto mong magkapera kaya pinapatawag mo ang dad—" isang sampal ang natanggap niya mula sa kanyang guro na labis niyang kinagulat.

Napatingin si Jaakko sa paligid at nakitang walang ibang nakakita sa ginawa nito sa kanya. Sapu-sapo niya ang kanyang pisngi.

"H-how dare you..."

"Go back to your class, Mr. Lazano."


*****


THIRD period nang nakapasok sa eskwela si Arki at Leo. Parehas silang tinanghali ng gising dahil sa sobrang pagod noong nakaraang araw, at parehas din silang may 'hang-over' sa mga pangyayari.

"Oh, Arki at Leo, bakit ngayon lang kayo?" tanong ng isang usisera nilang kaklase.

"Nag-cutting sila!" pang-aasar pa ng isa pero walang kibo ang dalawa.

Si Yumi naman ay napaupo nang matuwid nang makita ang dalawang kaibigan. Ngumiti si Arki sa kaibigan at ngumiti lang din ito. Lutang si Arki dahil nagising siya kaninang umaga at narinig ang pag-aalala ni Lola Bangs, Shawie, at Mawi dahil hindi pa rin umuuwi ang kanyang Ate Shiela.

"A-Arki—" pagkatawag ni Yumi sa kanya'y saktong tumunog ang announcement speakers kaya hindi iyon napansin ni Arki.

"Attention to Arissa Kim Bonifacio, Rahinel Montoya, Roa Nikolo Corpuz, Leonardo Makusug, Jacintha Emilio, kindly go to the office of Student Council Vice President immediately."

Nagkatinginan si Arki at Leo, nawala ang pagkalutang nila parehas at sabay silang umalis, sumunod din sa kanila si Rahinel. Ang mga kaklase naman nila ay takang-taka, lalo na si Yumi.

Nang dumating sila Arki, Leo, at Rahinel sa opisina ni Vivienne, naroon na rin si Jazis at Roni.

"Very well, you all came," sabi ni Vivienne na nakahalukipkip habang nakaupo sa kanyang trono. "Don't worry, I asked the teachers to excuse you on class, sinabi kong mayroon tayong charity work na gagawin."

"Charity work?" nakakunot na sabi ni Arki. "Bakit ba pinatawag mo kami rito?"

"Ikaw ang nagsabi kahapon na ngayon natin pag-uusapan ang mga nangyari," tumingin si Vivienne kay Jazis na nag-peace sign, "pero hindi tayo dito pwedeng mag-usap."

Napagpasyahan nilang magtungo sa lugar kung saan walang makakarinig at makakaistorbo sa kanila, sa rooftop ng lumang building ng kanilang eskwelahan. Tanghaling tapat kung kaya't nasa ilalim sila ng munting lilim. Nakaupo sila maliban kay Arki at Vivienne na nakatayo at nakahalukikip parehas.

"A-Ano... tungkol sa nangyari..." basag ni Leo sa katahimikan.

"Let's hear Ms. Jacintha's side," sabi ni Vivienne at tinuro si Jazis at wala naman itong nagawa kundi tumayo.

"H-Hi, ako nga pala si Jacintha, Jazis na lang ang itawag niyo sa'kin, fifteen years old, pinanganak noong—"

"Just get to the point already," mataray na utos ni Vivienne.

Wala nang nagawa si Jazis at kinuwento nito sa kanila ang kanyang buhay at kung paano siya nagkaroon ng itim na mahika. Pagkatapos ay yumuko si Jazis.

"S-Sorry sa inyo, muntik na kayong mapahamak nang dahil sa akin," paghingi ng pasensya ni Jazis at halatang nahihiya pa rin sa nangyari. "Pero pramis mabait talaga ko, ewan ko ba kung bakit hindi ko na nakontrol 'yung sarili ko huhu." at ngumalngal ito.

"Aish! Huwag ka ngang umiyak, mas nabubwisit ako sa'yo lalo," sabi ni Leo at bumelat sa kanya si Jazis.

"Dahil kampon ng kasamaan ang anito na napunta sa'yo," napatingin sila kay Rahinel na biglang nagsalita, "binigyan ka nito ng kapangyarihan subalit ang kapalit nito'y ang pagkontrol nito sa'yong katawan at kaluluwa. Kung hindi nasira ni Vivienne ang anito na 'yon ay tiyak na hindi tayo makakalabas sa ilusyon."

Napatingin naman si Arki kay Vivienne at naalala ang nangyari, ito ang pumana kay Jazis at mabuting asintado nito ang anitong suot.

"Pero teka... ibig sabihin totoong may lahi kayo ng mangkukulam?" sabi ni Leo na napalitan ng kuryosidad ang boses.

"Oo, secret lang ha, kayo lang ang nakakaalam sa buong school," sagot ni Jazis.

"Wow, totoo pala talaga 'yun?!" bulalas ni Leo at napatingin siya sa katabi niya. "Sabagay, si Roni nga tikbalang eh—aray!" biglang binatukan ni Roni si Leo.

"Ha?! Tikbalang?!" bulalas ni Jazis.

Tahimik lang si Arki, iniisip kung para saan nga ba ang usapang ito, mas nangingibabaw ang pag-aalala niya kay Shiela na hindi pa rin umuuwi. Namayani ulit ang katahimikan, lumakas ang ihip ng hangin. Napasipol si Leo.

"So... Ano nang gagawin natin?" tanong ni Leo sa mga kasama. "Pero teka..." napaisip bigla si Leo at sumigaw.

"Leo, ano'ng problema mo?" tanong ni Roni.

"Isipin ninyo guys! Lahat tayo dito!" tinuro niya ang mga kasama. "Ang astig!!!"

"Leo?" si Arki.

"Si Roni, tikbalang. Si Jazis, mangkukulam. Si Vivienne, parang hunter sa pagiging archer niya. Si Rahinel may humahabang magic sword. At si Arki! Si Arki na may super arnis! Ang galing lahat tayo may powers?!"

Parang kumuliglig nang hindi magsalita ang lahat sa sinabi ni Leo. Nakatingin lang sila rito.

"Ikaw, anong powers mo?" bored na tanong ni Roni.

"Ah.. .eh..." napakamot si Leo. "Ako? Magaling akong magdrawing!" Tila kumuliglig ulit nang sabihin 'yon ni Leo. "'Di ninyo ba naisip na pwede tayong mga tigapagtanggol ng mga naaapi?"

"The real question here is, saan nakuha ni Jazis ang kwintas na 'yon at bakit mayroong gano'ng bagay sa school?" sumingit si Vivienne at walang pumansin kay Leo.

"Tama ka," pag-sangayon ni Rahinel.

"Aish! Ang dami mong alam Vivienne!" sigaw ni Leo. ""Da real kwestyon hir is bakit lahat kayo may powers ek ek tapos ako wala!" binatukan ulit ni Roni si Leo. "Aray, Roni! Kanina ka pa!"

Nakukuha nila ang pinupunto ni Leo subalit ayaw nilang ipaliwanag sa isa't isa kung ano ang meron sila.

"May masamang elemento ang pakalat-kalat sa eskwelahang 'to," halos pabulong na sabi ni Rahinel.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Arki dahil naalala niya bigla ang mga sinabi sa kanya noon ni Ate Shiela at Lola Bangs, kaya siya nito tinuruang makipaglaban upang protektahan ang kanyang sarili dahil sa mga masasamang elemento na maaaring umatake sa kanila.

Parang unti-unting nabubuo ang palaisipan kay Arki subalit hindi pa rin malinaw ang lahat.

"Hala, Arki! 'Yung mga nakita natin noon sa gubat! 'Yung aswang—asddfffgg" hindi na nakapagsalita si Leo dahil tinakpan na ni Roni ang bibig niya.

"Kung pakalat-kalat ang masamang elemento rito sa school, kung gano'n nasa panganib din ang iba pang mga tao rito?" sabi ni Roni.

"Parang gano'n na nga," sabi naman ni Jazis. 'Mygad, I kennat belib dis, may powers eme rin sila layk me?!' "OMG, ano'ng gagawin natin?!" maarteng sabi ulit ni Jazis.

"Huwag kang mag OMG OMG dyan kala mo tropa ka namin?" pambabara ni Leo rito.

"Kung kulamin kaya kita?!" sagot ni Jazis.

"Walang maniniwala sa'tin," sabi ni Arki at bumaling ulit siya kay Vivienne. "Anong sa tingin mong dapat nating gawin, Ms. Vice President?" may himig 'yon ng pagkasarkastiko.

"I suggest is that we don't talk to each other again and never tell anyone about what happened," sagot ni Vivienne at napamaang sila. "You're right, Arissa. Walang maniniwala sa'tin, kaya mas mainam pa sigurong kalimutan natin ang mga nangyari." tumalikod si Vivienne at akmang aalis.

Sa inis ni Leo ay tumayo ito at sumigaw, "Hoy! Vivi! Ikaw ang nagpatawag-tawag sa'min dito tapos ikaw 'tong magwo-walk out ngayon?! Woi!" inawat na ni Roni si Leo at naiwan silang natulala sa kawalan.


*****


MABILIS na sumapit ang uwian. Hindi pa rin makakuha ng tiyempo si Yumi na makausap si Arki, parang nahiya siya bigla na kausapin ang kaibigan. Si Arki naman ay nagmamadaling nag-ayos ng gamit nang tumunog ang bell, kailangan niyang umuwi kaagad para malaman kung nakauwi na ba ang kanyang Ate Shiela.

"Arki, wait!" tawag ni Leo nang lumabas siya 'agad ng classroom, sumunod kasi ito sa kanya. "Natatae ka na ba?!"

"Sorry, Leo pero kailangan ko nang mauna—"

"Sandali!" parehas silang natigilan ni Leo nang marinig nila ang sigaw.

"Yoh, sabay ako sa inyo," siyang sulpot naman ni Roni.

"Arki!" nakita nila si Yumi na tumatakbo palapit sa kanila.

"Y-Yumi?" sabi niya na parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaibigan. "Bakit?"

"Pwede ba kitang makausap sandali?" nakita niya na mukhang may importanteng sasabihin si Yumi sa kanya. Hindi siya nakasagot 'agad kaya si Roni ang nagsalita.

"Arki, hintayin ka namin sa labas," sabi ni Roni at hinila si Leo. Naiwan silang dalawa ni Yumi. 

"Sige," payag niya at nagtungo sila ni Yumi sa may garden kung saan madalas silang tumambay noon. "Ano nga palang sasabihin mo, Yumi?"

Yumuko si Yumi at hindi niya napigilan ang sarili na umiyak.

"Y-Yumi? Bakit?" nag-alala siya bigla. "May masakit pa rin ba sa'yo?"

Sunud-sunod na umiling si Yumi, pinunasan ang luha at tumingin ito sa kanya.

"I'm sorry, Arki."

"Sorry? Bakit?"

"Alam kong mali 'yung ginawa ko sa'yo, sa mga sinabi ko sa'yo noon. Sorry kung nagawa ko 'yon, sorry kung may nililihim ako sa'yo."

Siya naman ang umiling sa pagkakataong 'to. "Hindi ka dapat humingi ng sorry, wala kang ginagawang mali." ngumiti si Yumi at muling pinahid ang luha.

"Sobrang thankful ako na kaibigan kita. Napakabait mo, Arki."

"Grabe ka sa napakabait, lagi nga akong naga-guidance eh," biro niya at natawa sila parehas.

"Kaya mong ilagay ang buhay mo sa alanganin para sa mga kaibigan mo. Kaya naman... thank you... Thank you sa hindi mo pag-iwan sa'kin."

Napakamot siya sa ulo at hindi na malaman ang sasabihin.

"Hehe, bati na ba tayo?" tanong niya. 

"May ibibigay ako sa'yo," sabi ni Yumi at mula sa bulsa nito'y may nilabas itong isang kwintas. Pamilyar 'yon kay Arki dahil minsan niya na 'yong nahawakan. Isinuot ni Yumi sa kanya ang kwintas. "Simula ngayon, sa'yo na ang kwintas na 'to, sa'yo na ang Mutya. Ingatan at itago mo 'yang mabuti ha."

"Huh? Hindi ba importante 'to sa'yo? Bakit mo ibibigay sa'kin?"

Bago pa makasagot si Yumi ay parehas silang nagulat nang biglang lumiwanag ang kwitnas na suot na ngayon ni Arki. Hindi sila makapagsalita parehas. Si Arki naman ay tila nanigas dahil parang may lakas na biglang pumasok sa kanyang katawan na hindi niya maipaliwanag.

'A-ano 'to?' sa isip-isip ni Arki at narinig niya ang isang pagbati. 'Sinong prinsesa?'

"Yumi, anong nangyayari?" tanong niya sa kaibigan pero natulala lang din si Yumi.

"A-Arki..."

Parehas silang nagimbal nang makita nila 'di kalayuan na lumitaw ang isang halimaw mula sa kawalan.

Dahil sa pagbabalik ng Mutya sa tunay nitong nagmamay-ari, ang huling binukot o prinsesa na binasbasan ng mga diyos ng kapangyarihan, nabuksan ang lagusan sa pagitan ng mundo ng mga mortal at mundo ng hiwaga—ang Ibayo. Iyon ang sumpang ginawa ng diyos na kasamaan na si Sitan, kaya ngayon ay sasalakay ang mga kampon ng kadiliman sa mundo ng mga tao.

Hinanda ni Arki ang kanyang sarili, nilabas niya ang kanyang dalawang yantok habang si Yumi ay nasa likuran niya. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kanila at handa siyang lumaban, hindi na niya namalayan ang pagliwanag ng kanyang dalawang yantok. 


*****


PALABAS na si Rahinel ng campus nang makasalubong niya sila Roni at Leo. Tinanguan lamang niya ang mga 'to at diretso siya sa paglalakad. Kailangan niyang makausap si Karl pag-uwi, hindi kasi ito pumasok ng eskwelahan.

'Ang huling prinsesa.'

Subalit natigilan si Rahinel nang marinig niya ang isang bulong. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at kaagad niyang kinapa sa kanyang bulsa ang anito, nakita niya ang pag-ilaw nito.

Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa loob ng campus.

"A-ang huling binukot!"

Subalit may humarang sa kanya na isang halimaw.

"Hindi maaari!" bulalas ni Rahinela at wala siyang nagawa kundi muling ilabas ang kanyang nagbabagang espada. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top