/16/ Panganib


Kabanata 16:
Panganib


NANG masiguro ni Roni na wala na si Arki ay nagpasya siyang pumasok sa loob ng opisina ng Student Council kung saan naroon ang taong nagbabanta sa kanyang buhay. Madilim ang silid, nangangapa siyang naglakad para hanapin si Vivienne.

Magmula nang ipakita sa kanya nito noon ang video na nakitang nagpalit siya ng anyo'y parang siyang aso na hawak sa leeg ni Vivienne, pinagbantaan siya nito na sa oras na hindi siya sumunod sa kanya ay ikakalat nito ang video.

Galing sa kapiranggot na liwanag mula sa maliit na bintana ay naaninag niya ang Vice-President's Office at pagpasok niya'y umilaw ang isang lampara. Nakatayo si Vivienne subalit nakatalikod ito sa kanya.

"What are we doing here?" malamig niyang tanong.

"Your question is wrong, Roa Nikolo," sagot ni Vivienne habang nakatalikod pa rin sa kanya. "The right question is, 'What do I need to do?'"

Namayani saglit ang katahimikan sa pagitan nila, hanggang sa hindi na siya nakatiis.

"You know what, fine, tikbalang ako, sige, ikalat mo ang video na 'yan, tingnan natin kung may maniwala sa'yo-"

Natigilan siya nang makitang naghuhubad si Vivienne ng pang-itaas na uniporme, nakatalikod pa rin ito subalit gulat na gulat pa rin siya.

"H-hey, anong ginagawa-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang tuluyang matanggal ang blusa ni Vivienne, tumambad sa kanya ang likod nitong may kahindik-hindik na peklat.

"These scars," narinig niyang sambit ni Vivienne sa pinakamalamig nitong tinig. "I got it when I was a kid."

Napalunok lang si Roni dahil hindi na niya naiintindihan ang mga nangyayari ngunit nandoon pa rin ang tensyon.

"It was one simple night, my father invited his friend to our house. In the middle of our dinner, suddenly my father's friend transformed into a wild beast," nakikinig lang siya sa sinasalaysay ni Vivienne habang nakatingin pa rin sa likuran nito. Lumingon bigla si Vivienne kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "The beast killed my father."

Hindi pa rin siya makatingin kay Vivienne at naaninag niya na muli na itong nagbibihis. Paulit-ulit niyang iniisip na dapat na siyang umalis pero parang nanigas na lang siya sa kanyang kinatatayuan.

"Luckily I survived the attack, and when I told the police what happened, they didn't believe me. Of course, sino bang maniniwala sa isang bata na nakasaksi ng karumaldumal na pangyayari kapag sinabi niyang isang tikbalang ang pumatay sa kanyang ama," sa pagkakataong 'to ay parang hindi na siya makahinga, "and that friend of my father-that beast... is Ronald Corpuz."

Nanlaki ang kanyang mga mata at kaagad siyang napatingin kay Vivienne, nagkamali lang ba siya ng dinig?

"I-imposible-" ang tanging namutawi niya.

"Your father killed my father."

Sunud-sunod siyang napailing, tinakpan pa niya ang tainga dahil tila umalingawngaw ang mga salitang binitiwan ni Vivienne.

"From that day, even at death, my father received humiliation because of his work. Hindi ako tumigil hangga't hindi ko nahahanap ang mga kasagutan. Your father was one of my father's subject, napag-alaman ko sa journal niya na napapasa ang pagiging tikbalang sa dugo niyo. That's why when I heard that your father died, hindi ako nawalan ng pag-asa na maipaghihiganti ko ang aking ama."

Hindi emosyonal na tao si Roni pero nang marinig niya 'yon ay namuo ang luha sa kanyang mga mata, nagbabadyang bumagsak subalit pinigilan niya.

"Well, sometimes fate is funny. Nalaman ko na may anak si Ronald Corpuz na nag-aaral din sa St. Rose High School. Magmula noong first year, hindi ko tinigilang subaybayan ka at alamin kung nasa dugo mo ang pagiging halimaw. Nito lang nagbunga ang matagal kong pagmamantyag, I was right all along, a monster;s blood runs in your veins, Roa Nikolo."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ni Roni. Pinilit pa niyang ngumiti ng sarkastiko at humalukipkip.

"So, anong gusto mong gawin ko? Papatayin mo na ba ako rito ngayon na?"

Biglang may dinampot sa sahig si Vivienne, at sa isang iglap ay dumaan ang isang pana sa gilid ng ulo ni Roni, tumama 'yon sa pader.

"I can kill you right now," banta ni Vivienne habang nakatutuok pa rin sa kanya ang pana nito. "I can get justice for my father at this moment if I want to."

"Killing me at school?"

"It will be easy to dispose your body."

Naramdaman ni Roni ang lamig sa kanyang likuran. 'She's crazy.' ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Fine," tinaas pa ni Roni ang mga kamay na tila pagsuko, "patayin mo na 'ko."

Biglang binaba ni Vivienne ang pana at sinabing, "Pero hindi 'yon ang priority ko."

"Kung ganoon ay anong gusto mo sa akin?" nawawalan na si Roni ng pasensya. Parang mababaliw na kasi siya sa mga nalaman niya kay Vivienne.

"Bibigyan kita ng isang araw. Ibigay mo sa'kin ang kaalaman na mayroon ang tatay mo tungkol sa mga nilalang na katulad mo at sa lugar na tinatawag nilang 'Ibayo'."

"I don't know what you're talking about," angal niya.

"Wala akong pakialam sa rason mo. Isang araw lang, Roni. Kung ayaw mong may mapahamak na tao na malapit sa'yo."


*****


"ALAM niyo hindi na ako natutuwa," bulong ni Arki habang naglalakad. Katabi niya sa kanan si Yumi at sa kaliwa naman niya si Leo. "Bakit ba sunud nang sunod sa'ting 'yang kumag na 'yan?" naiirita niyang wika at bahagyang lumingon.

"Hayaan mo na, Arki, tayo lang 'ata ang tinuturing niyang friends sa classroom. Kawawa naman kasi wala siyang ibang makakasama," malakas na sabi ni Leo kaya siniko niya ito. "Aray naman."

"Tama si Leo, Arki," mahinang sang-ayon ni Yumi. "Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan natin siya."

"Natin? Baka kayo lang, hindi kami friends niyan."

"Arki, bakit ba ang init ng ulo mo ha, dahil pa rin ba 'yan kay 'makaRoni boy'?" biglang sambit ni Leo.

"Hindi ah! Pake ko dun," kaagad niyang tanggi.

"Wushuu, kunwari ka pa." tinusuk-tusok ni Leo ang tagiliran niya at sa inis niya'y sinuntok niya ito sa braso kaya kaagad itong tumalsik.

"Good afternoon, kids!" bigla nilang nakasalubong ang 'always smiling' EP teacher nila na si Sir Karl kaya bigla silang umayos.

"Good afternoon po, sir!" sabay-sabay pa nilang wika hangang sa malagpasan na nila ito.

"Arki, ang sakit nun ah!" reklamo ni Leo.

Huminto si Arki sa paglalakad dahilan para huminto rin ang kanyang mga kasama. Lumingon siya at nakitang wala na si Rahinel. Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos ay hinila niya palapit sa kanya ang mga kaibigan.

"Guys, makinig kayo sa'kin," seryoso niyang sambit. "Please, kahit anong mangyari huwag na huwag niyo ng sasabihin sa iba o bubuksan ang usapan tungkol sa nangyari sa engkwentro natin sa aswang."

"B-bakit, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Yumi.

"Wala naman, pero may kutob lang kasi ako. Simula nang mangyari 'yon, hindi na naging normal ang takbo ng lahat," napahinga siya ng malalim. "Guys, kahit anong mangyari, akong bahala sa inyo."

"Oo nga, bakit ba natin kailangan si Batman kung nandiyan naman si Arki?" biro ni Leo.

Napailing na lang si Arki, si Yumi naman ay natawa, saka sila muling naglakad.


*****


"HINDI pa ba umuuwi si Arki?" tanong ni Shiela pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay. Kaagad siyang sinalubong nila Shawie at Mawie para tulungan siya sa mga dala niya, galing kasi siya ng palengke.

"Pauwi pa lang siguro ang batang 'yon," sagot ni Lola Bang habang nakaupo sa tumba-tumba at nananahi.

Dumiretso si Shiela sa kanyang silid para magpalit ng damit. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang maliit na nilalang na nakaupo sa kama.

"Pinai!" bulalas niya at napatakip siya ng bibig. Kaagad lumingon sa kanya ang maliit na diwata, abot tainga ang ngiti nito.

"Shiela, nandito ka na!" lumipad ang maliit na diwata at kitang kita niya ang pagliwanag nito. Nilahad niya ang kanyang palad at doon ito dumapo.

"Paano ka nakapunta rito?" gulat na gulat pa rin siya. Umupo si Shiela sa kama habang nasa palad pa rin niya si Pinai, ang kanyang kaibigang diwata, isang dangkal lamang ang taas nito, may dalawang maliit na pakpak at kulay Lila ang kasuotan, may itim na buhok na hanggang balikat. Nagniningning sa puti ang aura nito.

"Shiela, naramdaman namin sa kabila ang isang kakaibang daloy ng liwanag! Pumarito ako upang itanong sa'yo," napalitan ng pagkabahala ang itsura ni Pinai,"Shiela, kailan ka babalik sa Ibayo? Maraming naghihintay sa'yo roon. Paano ang mga misyon mongn naiwan?"

Napailing lang siya. "Hindi ako pwedeng umalis dito hangga't hindi natututunan ni Arki ang mga dapat niyang matutunan, Pinai. Lalo pa't nagkaroon ako ng kutob..."

"Unti-unti nang lumalaganap ang lagim sa Ibayo, Shiela-"

Biglang bumukas ang pinto at laking gulat nito nang makita si Lola Bangs.

"Aba, si Pinai!" masayang bulalas ni Lola Bangs. "Long time no see, Pinai."

"Hello, Lola Bangs! Bagets na bagets ka pa rin, ah," masayang bati ni Pinai at lumipad ito patungo kay Lola Bangs.

"Tamang tama, 'eto at may tinahi akong bagong dress sa'yo," nilabas ni Lola Bangs ang kakatahi pa lang nitong dilaw na bestida.

"Wow! Thank you, Lola Bangs! Paano mo nalaman na darating ako?" tanong nito.

Bumaling naman si Lola Bangs sa kanya, hindi pinansin ang tanong ng munting diwata.

"Shiela, tama si Pinai, paano ang mga misyon mo sa Ibayo? Paano kung hinahanap ka na sa Kampo Uno?"

"Hindi ko alam, Lola Bangs," napasabunot sa buhok si Shiela, "mas nag-aalala ako kay Arki."

Umupo si Lola Bangs sa tabi niya at sinabing, "Mahabagin si Bathala Shiela, hindi niya pababayaan si Arki."

Ang alam ng lahat ay nagtatrabaho si Shiela sa ibang bansa subalit ang totoo'y nagpupunta siya sa kabilang mundo, ang Ibayo, kung saan ay nakakakuha siya ng mga ginto bilang gantimpala sa kanyang mga misyon.


*****


WALANG kaalam-alam sila Lola Bangs at Shiela sa mga mangyayari kay Arki sa hapong iyon. Mag-isang naglalakad si Arki sa gilid ng kalsada. Nataong hindi nito kasabay sila Leo at Yumi.

Natigilan sa paglalakad si Arki dahil alam niyang may kanina pa sumusunod sa kanya. Bago siya lumingon ay nilabas niya mula sa lalagyang nakasabit sa kanyang likuran ang dalawang yantok na bigay sa kanya ni Lola Bangs.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" pumihit paharap siya sa taong kanina pa sumusunod. "Vice-President ng Student Council, Vivienne Donohue. Anong kailangan mo sa akin?" bumwelo siya. Wala siyang inaatrasan na kahit na sino.

"Tell me what you saw that day," walang emosyon nitong utos sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang aswang, at tikbalang."

Binaba ni Arki ang kanyang bwelo. "Hindi mo ba alam, prank lang 'yon."

"Don't lie to me, Arissa Kim. Alam mo rin ang tungkol kay Roa Nikolo na isa siyang tikbalang."

"A-ano-"

"I saw both of you that day when he transformed into a monster. In fact, dapat magpasalamat ka sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo."

"A-anong ibig mong sabihin?" napaisip siya, at naalala ang pampatulog na tumama sa tikbalang. "I-ikaw ang may kagagawan non? Ikaw ang nagkulong sa amin ni Roni sa rooftop!" nanggigil siya bigla.

At bago pa siya muling makabwelo, may ini-spray si Vivienne sa kanyang mukha dahilan para bumagsak siya sa lupa at mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top