/15/ Kaibigan


  Kabanata 15:
Kaibigan



NAGING kakaiba ang kilos ni Roni magmula nang makasabay nilang kumain si Rahinel sa canteen. Minsan na lang itong sumama sa kanilang grupo tuwing vacant period at hanggang sa hindi na nila ito nakikita sa campus.

Naging madalas naman ang pagsama ni Rahinel sa kanilang grupo kahit na nagngingitngit ang kalooban ni Arki dahil para lang kasi itong buntot na nakasunod sa kanilang tatlo. Katulad na lamang ngayon, vacant period nila noong hapong 'yon at nasa tambayan sila sa may school garden. 

"May assignment nga pala tayo sa math ano? Gawin na natin para mamayang pag-uwi sa bahay hindi na tayo gumawa," sabi ni Yumi sabay labas ng mga gamit mula sa bag.

"Ang GC talaga nitong ni Yumi," kakamut kamot na wika ni Leo. "I hate math talaga. Ikaw, Rah?" tanong nito sa katabi.

Nilabas ni Rahinel ang kanyang kwaderno at inabot kay Yumi. "Pwede niyo nang kopyahin."

"Wow, tapos ka na?!" gulat na gulat na tanong ni Leo.

Nahihiya namang kinuha ni Yumi ang kwaderno, ngumiti at nagpasalamat. Si Arki naman ay nakatayo lang sa gilid nila, nakapamewang habang nakatanaw sa malayo. Bukod sa iniisip niya kung bakit ba nila kasama si Rahinel ay may isa pang bagay na bumabagabag sa kanya.

"Arki? Okay ka lang?" puna ni Yumi dahil kanina pa kasi nakatayo si Arki. Hindi niya nilingon si Yumi.

"Yumi, hayaan mo na 'yan, namimiss niya lang 'yung boyfriend niya," bulong ni Leo.

"Sinong boyfriend?" tanong ni Yumi.

"Edi si Roni," sagot nito, humagikgik pa si Leo nang bigla siyang binatukan ni Arki. "Aray!"

"Pinagsasasabi mo," aniya at umupo sa tabi nito. Katabi niya si Rahinel sa kanan at tiningnan lang siya nito.

Kumopya na sila ng assignment at habang nagsusulat ay nakatingin lang sa kanila si Rahinel, tumikhim ito upang subukang magbukas ng usapan.

"Kamusta naman pala kayo?" biglang tanong ni Rahinel, napahinto sa pagsusulat sila Yumi at Leo.

"Ha? Okay naman!" masiglang sagot ni Leo. "Excited na kasi akong matapos 'yung costume ni Arki, hehe!" sa sobrang sabik ni Leo'y nakalimutan niya na 'ata ang insidente na nangyari sa kanila noong nakaraang linggo.

Si Yumi naman ay ngumiti muna bago sumagot, "Pasensya ka na kay Leo, hyper talaga 'yan lagi."

Si Arki naman ay nagsusulat pa rin pero sa isip lang nagsasalita, 'Kamusta raw? Ano namang keme nitong kumag na 'to?'

Wala silang kaalam-alam na iniimbestigahan ni Rahinel ang pangyayari kung saan naka-engkwentro sila ng mga halimaw, at iyon ang balak nitong buksan na usapan.

"Bakit? Ano ba 'yung costume na ginagawa mo, Leo? Para saan ba 'yon?" tanong ni Rahinel kay Leo.

"Ah! Battle costume ni Arki, siya kasi ang magiging frontman namin kapag lumusob ulit—hmffpft..." Bigla kasing tinakpan ni Arki ang bibig ni Leo.

"Leo! Ano bang mga pinagsasasabi mo!" bulong niya rito, at saka lang napagtanto ni Leo na muntik na siyang madulas. Binitiwan na niya si Leo nang masigurong hindi na ito dadaldal.

"Hehehe, b-balak kasi naming pasalihin si Arki sa beauty pageant kaya gumagawa ako ng costume niya," palusot na lang ni Leo. Si Arki naman ay halos mapasampal sa noo.

"Battle costume, that's interesting," sabi nito sabay ngiti. "Will you show me?"

Si Arki naman ay pinanlakihan ulit ng mata si Leo. Alam niya kasing natutukso itong ipakita sa iba ang obra nito pero nakasasalay dito ang sikreto nila. Minsan na silang napahiya sa buong St. Rose High School at ayaw na nilang muling mabuhay ang usapan na 'yon.

"Ah! Si Ma'am Anita oh!" biglang may tinuro si Leo, nabaling ang atensyon nilang lahat doon. Nakita nila sa may corridor ang kanilang class adviser, naglalakad ito habang kausap ang bago nilang EP teacher na si Sir Karl. "Hello, ma'am! Bakit kayo magkasama? Ayieeeee! " pinusuan sila ni Leo at nailing lang ang dalawang guro nila habang naglalakad.

"Tito mo si Sirl Karl, hindi ba?" tanong ni Yumi kay Rah, halatang nagulat ang huli.

"Paano mo nalaman?" balik tanong ni Rah.

Si Arki naman ay nakahinga nang maluwag dahil nawala na sa usapan ang tungkol sa costume.

"Tita ko kasi 'yung Filipino teacher natin, nakwento niya lang sa bahay na pamangkin daw ng part-timer faculty 'yung transferee," nakangiting sabi ni Yumi.

"Gusto niya lang kasi masigurong magiging mabuti ang kalagayan ko rito kaya nagturo muna siya rito pansamantala."

"Ang bait naman pala ng tito mo."

Kanina pa napapansin ni Arki ang kakaibang ngiti ng best friend niya magmula nang makasama nila si Rahinel pero hindi niya lang pinupuna. Napatingin na lang siya sa malayo at saktong nakita niya na naglalakad sa pasilyo si Roni!

"Si Roni," bulong niya.

"Ha?" si Leo naman.

Nakita niyang sumusunod si Roni kay Vivienne, ang Vice-President ng Student Council. Napakunot siya at hindi maiwasang magtaka.

"Saan ka pupunta, Arki?" tanong ni Yumi nang ayusin niya ang kanyang gamit.

"Sandali lang, guys, susunod na lang ako mamaya sa classroom," nagmamadali niyang saad at saka siya umalis. 'Hindi ko alam kung bakit ang sama ng kutob ko. Pakiramdam ko may maling nangyayari.'


*****


"PAGPASENSYAHAN mo na 'yung estudyante ko, sadyang makulit lang," sabi sa kanya ni Miss Anita habang naglalakad sila. Nililibot siya nito sa St. Rose High School dahil ito ang naatasan ng kanilang principal, dama niya ang special treatment sa kanya dahil galing siya sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila.

"Okay lang, ganyan talaga ang mga kabataan, halos lahat ng bagay ay may malisya," nakangiti niyang sagot dito. 

"Bakit ka nga ulit nagpasyang magturo rito pansamantala? I heard you're a well-known professor from UP, pero nagtataka pa rin ako kung bakit ka nandito," tanong sa kanya ni Miss Anita. 

May mga estudyante silang nakasalubong  at binati naman sila ng mga ito.

"It sounds irrational but I'm here to take care of my nephew," sagot niya naman. "Babalik pa rin naman ako sa UP pero may kailangan lang akong gawin dito."

"Rahinel Montoya, your nephew is a mysterious one."

Natawa sila parehas.

"Yeah, that's why I'm worried," sabi niya. Huminto sila sa paglalakad nang humarap si Karl kay Anita. "Those three students with him, do you know something about them?"

"Sila Arki, Yumi, at Leo?"

Tumango siya. "Are they good kids?"

Marahang tumawa si Anita at hinimas ang sentido. "Ang alam ko'y magkakaibigan ang tatlong 'yon since first year. Si Arki ang nagsisilbi nilang 'protector' kaya ayon madalas lagi ma-guidance ang batang 'yon dahil napapaaway."

"What do you mean by 'protector'?" mausisa niyang tanong. Natigilan saglit si Anita, may inalala.

"Hindi pa ako nagtuturo rito nang mangyari ang insidenteng 'yon," humina ang boses ni Anita at mas lumapit si Karl para marinig niya ang sasabihin nito,"first year high school pa lang sila nang minsang makidnap si Yumi. Sa kabutihang palad ay wala namang nangyaring masama sa bata. Pero simula noon ay palaging pinuprotekhana ni Arki ang mga kaibigan niya dahil ayaw niyang may mangyari sa kanilang masama."

Napatango na lang si Karl. Sumulyap siya sa kanyang relo at napagtantong may susunod pa siyang klase.

"Hey, thank you so much for the tour, may klase pa ako, I'll see you later."

Tumango lang si Anita sa kanya.

"And by the way, I like your necklace, I'm also a fan of Baybayin," iyon ang huling sinabi niya bago iwanan si Anita. At pagkaalis ni Karl, itinago ni Anita ang kwintas sa kanyang damit.


*****


"RONI!" hingal na hingal siya nang mahabol niya sila Roni. Nasa tapat sila ng office ng Student Councial, papasok pa lang sa loob.

"Arki?" gulat na sambit ni Roni sa kanyang pangalan nang makita siya. Si Vivienne naman ay walang paalam na pumasok sa loob ng opisina kaya naiwan silang dalawa sa  tapat ng silid. 

"Roni, okay ka lang ba? Bakit hindi ka na sumasama sa'min?" kaagad niyang tanong.

"Pasensya na, busy lang ako," dahilan sa kanya ni Roni, akma na itong papasok sa loob.

"Roni, sandali!" pigil niya. "Malakas ang kutob ko na may nangyaring hindi maganda sa'yo."

Nakatalikod si Roni kay Arki, rumehistro sa mukha nito ang takot, bago lumingon sa kanya si Roni ay pinilit nitong sumeryoso kahit na butil-butil ang pawis sa noo.

"Arki, may powers ka ba?" biro ni Roni at alanganing tumawa. "Nakakagulat ang mga assumptions mo."

"Kung ganon, bakit ka palaging sunud-sunuran sa babaeng 'yon?" natigilan sila parehas ng itanong niya ang bagay na 'yon. "Ilang araw na kitang nakikita na palaging nakasunod sa kanya."

Tumawa ulit si Roni at sinabing, "Iisipin ko na nagseselos ka."

Pero seryoso lang si Arki sa biro ni Roni. Iba ang pakiramdam niya sa nangyayari, isipin na ni Roni ang gusto nitong isipin pero nararamdaman niya ang kakaibang panganib.

Ganitong ganito ang naramdaman niya noon sa dating manliligaw ni Yumi na kumidnap dito. At ayaw niya lang maulit ang trahedyang iyon.

'Minsan ko nang hinayaan na hindi pansinin ang kutob ko, at dahil doon ay napahamak si Yumi. Ngayong naulit ang pakiramdam na 'yon, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kaibigan ko.'

"Roni, kaibigan kita," may sinseridad niyang saad. "Nangako ka sa akin, hindi ba? Mula noon tinuring ka na namin nila Leo na kaibigan. At hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo."

Halata sa mukha ni Roni ang pag-aalinlangan, halatang may itinatago ito sa kanya.

"Pwede ba, kaya ko ang sarili ko. At isa pa, babae ka lang, mahina at walang binatbat," biglang sabi sa kanya ni Roni, may halong inis ang boses nito.

"Anong sabi mo?!" napantig naman ang kanyang tainga.

"Hindi ko sinabi sa'yo na pakielaman mo ang buhay ko. Kaya pwede umalis ka na?" nasaktan siya sa sinabi nito, na tinawag siya nitong 'babae lang, mahina, at walang binatbat'.

"Bahala ka sa buhay mo!" sa inis niya'y iniwan na lang niya si Roni.

'Sorry, Arki. Salamat sa pagturing sa'kin bilang kaibigan mo. Ayoko lang ding mapahamak ka dahil hawak ni Vivienne ang buhay ko ngayon.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top