SPECIAL CHAPTER: For Baaaabsters

I made this chapter para sa mga sumali sa palaro ng mga operators ko nung 9th monthsarry ng AGKWC Official Gc sa facebook. ❤️

Next month may palaro ulit!! Since next month, DALAWA NA ANG ICECELEBRATE NATIN!!

September 25, 2019 = AGKWC Official GC's 10th Monthsarry!

September 20, 2019 = AGKWC Anniversary!!!! ❤️❤️

ISANG TAON NA ANG STORY NA ITO NEXT MONTH AAAAAAA! 😍 SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASAAAAA! ❤️ I LOVE U ALL! EXCITED NAKO NEXT MONTH! 😘

PS. Sa mga di pa kasama sa AGKWC Official GC at gusto pang sumama, don't hesitate to PM me on Facebook! ☺️ And also yung page natin sa facebook, don't forget to join FOREVERBAAAABSTERS OFFICIAL 😊

So eto na nga, simulan na natin itong special chapter! 😊

~~~~~
CHARACTERS:

Ayen
Catherine Joyce
Nicole
Danica
Alliyah Jane
Pia
Mico
Mirah
Jazmin

~
AYEN'S POV

Mag-aalas dose na ng tanghali pero potek naman! Bakit wala pa si Mico at Nicole?! Gutom na gutom na ako!! Lintek na yan. Pag dating ng alas dose at wala pa silang dalawa, sinasabi ko sainyo, ifrefriendship over ko na sila!!!

Panay ang tingin ko sa relo ko habang nakaupo dito sa terminal dahil sabi ni Nicole, pupunta raw kami ng Manila ngayon para sa concert daw ng favorite boyband nya. Ewan ko ba sa babaeng yan. Panay ang pagfafangirling sa kung sinusinong mga boybands. Tsk.

Ewan ko ba kung paano ako napilit ng gagang yun na sumama. Pati nga yung bestfriend kong lalaki gusto na ding sumama kasi daw gusto nya kami magkatabi sa bus mamaya. Ew, so clingy af, jowa jowa? Tss.

Time Check: 11:58am

2mins.

2mins bago ko tuluyan wasakin ang pagkakaibigan namin.

11:59

"Ayeeeeeen!!!"

Ohh.

Boses palang. Kilala ko na.

"Shut the fck up Nics. Tagal mo."

Pagsusungit ko sa kanya. Damn it! Gutom na gutom na kaya ako.

"Sungit ha. Inintay ko pa kasi si Pia at Catherine. Sama daw sila eh." Sagot naman nya sa akin.

Wtf?

Sasama sila?

Jusko.

Grupo ng mga maiingay na fangirls.

I'm out.

"Alis nako." I said.

Pero pinigilan ako ni Nicole.

"Hoy walang ganyanan! Walang iwanan!" Sigaw ni Nicole.

"Onga! Ba't ba kayo ganyan?! Hilig hilig nyong mang-iwan?! Tapos sa huli pagsisisihan nyo. Tapos babalik kayo kasi iniisip nyo may babalikan pa kayo tapos kami namang mga tanga, iwewelcome pa kayo with matching pompoms and banners!!!" 

Tangina. Ang OA.

"Humuhugot ka nanaman Pia. Jusme. Oh eto. Lumamon ka nalang." Sabay abot ni Joyce kay Pia ng pandesal.

Hindi pala inabot. Kasi pinasok na nya agad sa bunganga ni Pia. Pft.

"I am hungry as fuck." Malamig na sabi ko sa kanila.

Sumagot naman si Pia pero diko naiintindihan dahil nginunguya pa nya yung pandesal sa bunganga nya.

Kaya si Nicole nalang ang nagsalita.

"Hintayin nalang natin si Mico. Inutusan ko na syang bumili ng pagkain natin eh. Para deretcho na tayo sumakay ng bus pagdating nya."

Ahhh. Kaya pala wala pa si gunggong.

*sa bus*

"Ayen baka nilalamig ka." Sabi ni Mico habang inaalis nya yung suot nyang jacket at ipinatong nya sa shoulders ko.

Wtf. Ang cringe sa feeling!

"Anong ka-ek-ekan yan Mico? Tigilan mo nga." Pagsuway ko sa kanya.

Di naman ako tanga.

Alam ko naman na may feelings para sa akin yang bestfriend kong yan.

Torpe nga lang, di marunong umamin. Pft.

Siguro ang motto nya sa buhay ay "actions speak louder than words" Pft.

Pero ang totoo, manhid din yan si Mico. Halata namang may gusto sa kanya si Nicole. Pero ewan ko ba bakit ako pa nagustuhan netong Mico na to. Eh di hamak na mas jowable pa si Nicole.

Hay bahala na nga.

~
*sa kabilang banda*

"Brader! Nakita mo ba kung saan ko nailagay yung pin?" Tanong ni Vendric sa kanyang kabanda na si Zelo.

"Malay ko sayo. Pakialam ko sa pin mo?" Singit na sagot ni Sky na dahilan para sumimangot at maasar si Vendric.

"Ikaw ba si brader?! Brader ba kita?" Asar na tanong ni Vendric sabay kusilap kay Sky.

"Sisingit singit sa usapan. Palibhasa mukhang singit." Pahabol pang sabi ni Vendric.

Na pinatulan naman ni Sky "At least ako mukha lang singit, ikaw hindi ka lang mukhang singit, amoy singit ka pa! Hahahaha!" Tumawa ng tumawa si Sky kaya naman lalong naasar ang gitaristang si Dric.

"Hey you two, stop that catfight. Our concert is about to start. Both of you are too old for that quarrel shits. Grow up fvckers." Tatawa tawang sabi ng bassist nilang si Blue.

Sila ang bandang FVCK 4.

Zelo Angelo as the leader and vocalist
Vendric Silva as the guitarist
Sky Lawrence as the drummer
Blue Collins as the bassist

Maya maya pa'y tumayo na si Zelo sa kanyang kinauupuan at may pinulot na kung ano sa ilalim.

Lumapit sya kay Vendric.

"Sa susunod, mata ang gamitin sa paghahanap. Hindi ang bunganga." Cold na sabi ni Zelo nang di tumingin kay Vendric at tsaka nakapamulsang umalis.

"Hoy teka brader san ka pupunta?"

Tumigil sandali si Zelo bago nagsalita.

"Hell. Wanna come?" At binigyan nya lang ng ngisi si Vendric at tuluyan ng umalis.

"Gago nakakakilabot talaga yang si Zelo noh. Weirdo." Bulong ni Sky kay Blue.

"Yeah he's weird. But not as weirdo as you are, Lawrence. Pft." Tinapik nya ang balikat ni Sky bago tatawa tawang umalis din.

Naiwan si Vendric at Sky sa backstage room nila.

"Oh baka ikaw din magwalk out? Di kita pinipigilan, tulak pa kita." Saad ni Vendric.

"Nah. Hihintayin ko dito si Mirah. Ikaw ang lumayas dito. Magba-babe time kami dito kaya lumayas ka." Balik na sagot ni Sky.

"Aba! Dun kayo sa hotel! Tangina mo talaga gago ka dugyot. Dito pa talaga." Vendric.

"Inggit ka? Wala ka kasing babe. Torpe mo kasi hahaha!"

"Torpe ka dyan?! Mas lalaki pa kaya ako sayo!"

"Ay talaga ba? Eh bakit di mo pa ligawan si Jazmin?"

Natameme naman si Vendric pagkasabi palang ng pangalan ni Jazmin.

Si Jazmin kasi ang first love ni Vendric. Sya rin ang bestfriend nito. Kaya naman natatakot syang umamin sa kanya dahil baka masayang ang pagkakaibigan nila.

"Wala kang pakelam." Sabay talikod ni Vendric at umalis na rin ng kwarto.

"Woohoo! Ayos! Wala na silang lahat! Haha! Mirah ah ah ah! Lika na ah ah ah! Let's go pak pak!" Tawag nito kay Mirah na nasa loob pala ng cabinet buong magdamag. Pawis na pawis itong lumabas ng cabinet tsaka nakipaglaplapan kay Sky.

~

"Boys. Get ready. The show is about to start. Ayusin nyo. Think of this performance as your last. Give your best shot! You understand?!" Sigaw ng kanilang manager na si Alliyah.

"Aye aye Miss Sexy" Sagot ni Sky sabay kindat sa kanilang manager.

Kinusilapan lang ni Alliyah si Sky.

"Teka nga. Bakit dadalawa lang kayo? Nasaan si Blue at Zelo?!"

~~

"Baby" Malambing na sabi ni Danica sa nobyo nyang si Blue.

"Baby, I better go ahead. Late na ako. My manager's gonna kill me. I' so fvcking late." Nag aalangang sabi ni Blue. Dahil ayaw pa nyang mawalay sa piling ng kasintahan.

"I understand, baby. Alam mo naman kung gaano ako kasuportado sa pagbabanda mo. Galingan mo baby! I love you!" At hinalikan nya si Blue. Smack lang wag kayong ano.

"Thanks baby. Love you too." At umalis na si Blue at binilisang makabalik ng MOA para sa Concert.

~~~

At kung tatanungin nyo kung nasaan si Zelo?

Well, palakad lakad lang sya ngayon dito sa loob ng MOA. Naka-mask at naka cap ito ng itim kaya naman hindi sya nakikilala ng mga tao at hindi sya pinagkakaguluhan.

Naglalakad na sya pabalik ng Arena nang may makabangga sya.

"What the fuck Pia?!" Angil nito dahil naitulak sya ng malakas ng kanyang kaibigan.

Tumingin naman si Ayen sa kanyang nakabangga.

Nung una ay medyo nagtataka pa ang itsura nito dahil parang balot na balot ang nakabangga nya.

"Sorry." Yan lang ang sinabi ni Ayen at akmang aalis na ng pigilan sya ni Zelo.

Hinawakan nya ang kamay ni Ayen dahilan para mapalaki ang mata ni Ayen at nang iba pa nyang mga kasama.

Dahan dahang nilingon ni Ayen ang humawak sa mga kamay nya.
Ramdam nya ang kaba sa loob nya.

Kahit hindi kita, ay ngumisi si Zelo bago nag salita.

"Learn to focus on what's in front of you. Wag ka nang tumingin pa sa iba. Para hindi ka nahuhulog nang di mo namamalayan." Makahulugang sabi ni Zelo.

"Here, take this." Nilagay ni Zelo sa kamay ni Ayen bago nya ito sinara at kinindatan.

At pagkatapos ay umalis na ito.

Pagkaalis naman ni Zelo ay agad nagsikumpulan paikot kay Ayen ang kanyang mga kaibigan.

"Huy bes ano yon? Bat may paganon?" Pia.

"Oo nga? Nako ha. Tama si kuyang nakamask kung sino man yun. Wag ka nang tumingin pa sa iba. Malay mo yung taong hinahanap mo, nasa harap mo na pala." Sabay taas baba ng kilay ni Joyce.

Alam ni Ayen ang ibig na sabihin ni Joyce. Si Mico ang tinutukoy nya.

Si Mico ay nanatili lang na tahimik.

"Teka, hindi nyo ba napansin ang napansin ko?!" Out of nowhere na sabi ni Nicole.

"Ano naman?" Tanong din ni Pia.

"Yung mata nya, yung boses nya, yung kulay nya!!!" Nagtititili na sabi ni Nicole.

Samantalang silang apat ay nakatingin lang kay Nicole ng may pagtataka.

"Nakadrugs ka ba" Tanong ni Ayen.

"Mga beshywap!!!! SI ZELO YUN!!! ANO BA YAN!! TANGINA SI ZELO MYLOVE YUN!! WAHHHH! ANG SWERTE MO GAGA KA!" kilig na kilig na sigaw ni Nicole at sinabunutan pa si Ayen.

At tila matagal nagsink in kay Joyce at Pia ang mga sinabi ni Nicole at nang unti unti ay naabsorb na nila ang sinabi ni Nicole.

Nagsimula na rin silang magsisisigaw.

"Shit!!! Potangina si Zelo yun! Aaaaahhh! Tangina mo girl sana ako nalang tinulak mo!!" Sabi ni Joyce kay Pia at binatukan pa nya ito.

"Pota naman! Masakit yun ah!" Pia.

Habang kinikilig kilig ang tatlo ay dahan dahan namang lumapit si Mico kay Ayen.

"Uhhh, Ayen?" Nauutal at kinakabahang sabi ni Mico.

"Tangina. Bat ba kasi ang torpe mo?!" Sigaw ni Ayen kay Mico dahilan para magtaka at magulat si Mico.

"A-ano? P-pano"

"I like you." Pagpigil ni Ayen sa sasabihin ni Mico.

"Oh ayan. Siguro naman di ka na totorpe nyan dahil alam mong gusto na din kita? Ligawan mo na akong hayop ka!"

At nagwalk out na si Ayen ng may ngiti sa kanyang labi. Samantalang si Mico naman ay parang tangang di makapagsalita at di makagalaw sa sobrang gulat sa nangyari.

Di na rin nya namalayan na ngumingiti na pala sya ng sobra na halos mapupunit na ang kanyang mga labi.

Nang mabalik sya sa huwisyo nya ay tumakbo na sya at agad hinabol si Ayen habang nagsisisigaw ng "Mahal kita Ayen! Nakakabakla man pero puta kinikilig ako!!"

Si Nicole, Joyce at Pia naman ay dumoble ang kilig na naramdaman dahil sa nakikita nila at naririnig.

"Omg beshy! I'm so happy for the both of them! Sa wakas at nagkaaminan na rin sila yieee!!" Sigaw ni Nicole.

"Oo nga girl! Kilig to the hypothalamus!" Joyce.

"Spell mo nga" Pia.

"Taena mo. Di ka sana magkajowa grrr" Joyce

At dahil wala na ang dalawang love birds, napagpasyahan ng tatlo na sila nalang ang tutuloy sa concert ng FVCK 4. Dahil alam nilang magdadate ang dalawa kaya di na nila ito naisipang guluhin pa.

THE END.

~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top