AGKWC 9 - DEAL
KRYSTAL FORTALEJO
Today is Saturday and as usual, nandito ngayon sila Divina, Alexa at Roxie sa apartment ko. Lagi nalang nilang ginagawang tambayan ang lugar ko. Nakakaasar -_-
Pag tinatanong ko naman kung bakit sila dito tumatambay ay iisa lang lagi ang sinasagot nila sa akin. At yun ay 'ANG SARAP MO KASING MAGLUTO HEHE FEED US GIRL YES CMON FEED US'
Parang mga timang diba? Ay hindi pala parang. Timang na talaga!
"Hay! Ang sarap talaga mag-invade ng kama. Haha!" Sabi ni Alexa na ngayon ay nakahiga na sa aking malambot na kama. Gumulong gulong pa ito dahilan para gumulo ang maayos kong hello kitty bedsheet.
Yes. Hello Kitty is my obsession. Wala kayong magagawa dun!
"Hey Alex! Will you stop that! Ayusin mo yan!" Pagsigaw ko sa kanya pero ginantihan lang nya ako ng pag-irap.
May kalakihan din naman itong apartment na binili sa akin nila Mr. and Mrs. Fortalejo. Yeah, ayaw ko silang tawaging mom or dad dahil they don't deserve it. Tss.
"Akin nalang itong hello kitty stuff toy mo girl!" Pagsigaw sa akin ni Alexa.
The hell?! Hindi mo kailangang sumigaw!
"No. You can't" malamig na tugon ko dito.
Kunin niya kahit ano. Wag lang ang stuff toy ko. May sentimental value kasi ito.
Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Alexa habang si Roxie naman ay nasa sala at mukhang nanonood na ng TV at si Divina naman ay nasa may kusina at inaayos ang mga grinocery nila.
Yeah. Yan ang deal ko sa kanila. They can go here in my apartment anytime they want basta sila ang bahalang bumili sa kakainin nila. Ako lang ang magluluto, but the ingredients? Aba! Sila na ang bumili! Ako na nga magluluto, ako pa gagastos? Hell no!
Lumabas na kami ni Alexa sa kwarto ko at dumeretcho ako sa kusina habang si Alexa naman ay sinamahan si Roxie sa panonood niya.
Tinulungan ko na si Divina sa pag-aayos ng grinocery nila.
"Ang dami naman. Isang buwan nyo ba balak manggulo dito?" Malamig na tanong ko kay Divina habang hinihiwalay ang mga chichirya sa mga pang-ulam.
"Yung iba dyan, kakainin natin ngayon, at yung iba naman, syempre sayo na. Stocks mo na. Para naman lalo mo pa kaming i-welcome dito. Haha!" Pagsagot ni Divina sa tanong ko habang tinitiklop ang mga plastics na pinaglagyan ng mga pinamili.
"Wow. Ang kind-hearted nyo naman." Please note my sarcasm there. Psh.
"I know right!" Kasabay ng pagtawa niya na sobrang hinhin.
"Krystal!!! Divina!!! Dalian nyo na dyan at nagugutom na kami!" Rinig na sigaw ni Alexa sa amin.
Wow? Ano ako? Katulong nila?!
"Hoy Alexa tumigil ka nga. Dinamay mo pa ako, ikaw lang naman gutom dito!" Rinig din na pagsalungat ni Roxie kay Alexa.
Hindi na lang namin pinansin ni Divina at nagsimula nang magprepare ng lulutuin for lunch.
Yung mga chichirya ay nilagay ko na sa iisang plastic at nilagay ko sa may sala.
"Nandito ang mga chichirya." Pagsabi ko ay nilapag ko ito sa may lamesahan sa sala.
"Thanks nanny!" Pang-aasar sa akin ni Alexa at binigyan ko ito ng masamang tingin bago ako bumalik sa kusina.
Chicken adobo ang lulutuin namin ngayon dahil hindi naman sila mahilig sa pasta tulad ko. So I have no choice kundi mag-adjust at mag kanin.
Sinimulan ko na ang pagbalat ng patatas habang si Divina naman ay sinimulang linisin at hugasan ang manok.
"Ah Krystal." Pagbasag niya sa katahimikan.
"What?" Pagtanong ko sa kanya.
"About doon sa tinext ko sayo."
May sampung segundong katahimikan bago niya tinuloy ang kanyang sinasabi
"Busy naman kasi yung phone mo nung triny kitang tawagan kaya tinext na lang kita. Pero hindi ka naman nagreply."
Yes. Yun yung araw na kausap ko sa telepono ko si Mrs. Fortalejo. At yung text niya sa akin? Well....
"A-YAW KO." Binigyan ko ng diin ang bawat pagbigkas ko dito.
"Pero Krys--"
"Ayaw ko nga. And that's final." I cut her off.
Pano naman kasi! Tinext niya ako at alam niyo kung anong sinabi niya?!
'Hey Krys! Ikaw ang gusto kong maging operator ni Kyra. Hihihi'
Gaga ba sya?! Unang una sa lahat, I'm not into reading wattpad stories, mas gusto ko pang matulog na lang kesa magbasa. Pangalawa, NAG-IISIP BA SYA?! Ni personal account ko nga minsan ko lang inoopen, tapos bibigyan pa niya ako ng responsibilidad na maging operator ng character niya?!
"But Krystal, let me explain first. Hindi mo manlang ba tatanungin kung bakit ikaw yung napili ko?"
Exactly! Bakit nga ba ako?! Bakit ako?! Paki ko ba dyan?!
"Exactly! Bakit ako Divina? Akala ko ba magpapa-apply ka? And for your information, hindi ako nag-aapply. Ayan si Alexa, siya ang interesado diba? Bakit hindi siya ang kunin mo?"
"Hep hep! Bakit naririnig ko pangalan ko dyan?! Binabackstab mo ba ako Krys?!" Sigaw nanaman ng Alexa na yun. Bakit ba ang ingay ingay ng babaeng yan?!
Hindi ko na lamang ito pinansin at tinuloy ko ang paghihiwa ko sa mga patatas.
"Ikaw ang pinili ko kasi ikaw ang nakikita kong fit sa role ng pagiging operator ni Kyra. Kaya please, pag-isipan mo muna before mo ako tanggihan. Please bestfriend?" Pagmamakaawa nito sakin. At talagang binitawan pa niya ang mga manok at humarap sakin.
Ugh! Bakit ba ako napapaligiran ng mga makukulit na tao!
"Fine! Let's make a deal then." Panghahamon ko sa kaniya.
"What deal?" She asked.
"Magpapa-apply ka pa rin ng operators for Kyra. And pag wala ka talagang nakitang fit, then I'll take it."
Nung una ay ang tagal lang niya akong tinitigan, but sa huli...
"Deal!! Thank you Krystal!" At pagkatapos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Yah! Enough! Ang lansa mo!" Pagsigaw ko dito.
"Grabe ka naman!" Pag-singhal niya sa akin at mas lalo pang nilalapit ang kamay niyang amoy malansa.
-----
Natapos na naming lutuin ang chicken adobo kaya naman tinawag na namin si Roxie at Alexa para mag-ahin.
"Omg! Ang bango! The best ka talaga magluto Krys!" Pagpuri sa akin ni Alexa na ngayon ay nagsisimula nang maglagay ng mga plato sa lamesa.
"Mukhang mabubusog ang mga bulate ko sa tiyan!" Dagdag pa niya.
"Ang dugyot mo. Dun ka nga!" Pagsabat naman ni Roxie. Itong dalawang ito talaga parang aso't pusa kung magbangayan.
"Rule #2 if you're in MY apartment, Bawal ang mag-away." I reminded them.
Yeah. I have implemented three rules na dapat nilang sundin pag nandito sila sa apartment ko.
Rule #1 ay bawal ang magulo. Malinis at maayos ako sa mga gamit ko. Specially sa mga mahahalagang gamit ko kaya I won't let anyone na guluhin lang ang mga pinaghirapan kong ayusin.
Rule #2 ay bawal mag-away.
Ayaw kong maging referee. Para saan pa't nag-aaral ako kung magiging referee lang ako diba?! At ayaw ko nang maingay.
Rule #3 ay bawal mangialam ng mga gamit ko sa kwarto. Yung mga nasa sala at kusina lang ang pwede. But sa kwarto? IT'S A BIG NO NO!
Yan pa lang naman ang naiimplement ko. Pero hindi naman imposible na madagdagan ito lalo na sa ugali ng mga kaibigan kong yan. Tss.
----
Natapos na kaming kumain at ngayon ay si Roxie at Alexa naman ang tagahugas ng pinagkainan. Kami naman ni Divina ay nasa sala. She's doing something on her laptop na hindi ko na inalam kung ano iyon.
"Matutulog muna ako." Pagkasabi ko nun ay dumeretcho na ako sa kwarto ko.
Ang totoo'y hindi naman ako matutulog. Gusto ko lang na nandito sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong damhin muli ang pagiging mag-isa. Sabi nga nila, you can find peace and relaxation in a quiet place. And that is when you're alone.
Habang nakahiga ay naisipan ko nalang din basahin ang story ni Divina. I have no plans to take her offer but just in case na wala na talaga akong choice but to be Kyra's operator, then at least I should know something about her right?
----
DIVINA MARIEL
Nakapasok na si Krystal sa kanyang kwarto at narinig ko pa ang paglock niya sa kanyang pintuan.
Yang babaeng yan talaga. Kahilig magkulong. Kahilig mapag-isa.
Sabagay, lahat naman tayo may kanya kanyang paraan kung paano i-express ang sarili nating nararamdaman. At sa tingin ko, kung ako ay dinadaan ko nalang sa pagsusulat, marahil ay si Krystal ay dinadaan na lang sa pagiging secretive. Sobrang tahimik na sa totoo lang ay kami lang talagang tatlo ang nakakausap nito. Mapalad nga kami at tinuturing niya kaming kaibigan kahit papaano.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa nakaraan ni Krystal pero sa aking palagay, hindi naman siya ganyan dati. I have this feeling na may nangyaring masama sa past niya kaya siya naging cold and sobrang masikreto na animo'y galit sa lahat.
At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ko gusto na siya ang maging operator ni Kyra. Because I want her to express her true self. Gusto kong mabasag ang kung ano man ang harang sa totoong ugali niya. Sa totoong siya.
Dahil magkaiba sila ng ugali ni Kyra. Kung si Kyra ay palaban at maingay, si Krystal naman ay tahimik at mas nanaisin pang manahimik kesa ipaglaban ang alam niyang tama.
And I hope na pag naging operator na siya ni Kyra, bumalik na ang dating siya.
"So tayong tatlo lang nanaman ang nandito?" Roxie na natapos na pala sa paghuhugas.
"Yeah. Matutulog lang daw si Krys eh." I replied while typing. Tinutuloy ko na kasi ang pagttype ng next chapter sa EWIH.
Balak ko kasing mag-update muna ng isa pang chapter before magpost about sa pagpapa-apply ng operators.
"Woah! Nagsisimula ka na? Yieee! Babasahin ko na talaga yan agad agad pagka-update mo pa lang!" Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Alexa. May lahi ba tong kabute? Sumusulpot nalang bigla ah.
Hinayaan ko na lamang ito at pinagpatuloy ang pagtitipa sa aking laptop.
"Syangapala Ina, nabalitaan kong hinatid ka pala ni Zero kahapon sa bahay nyo ah?" Panimula muli ni Roxie na ngayon ay nakahiga sa mahabang couch habang hawak ang kanyang cellphone.
"Oh em ji! Is that true?!" Pagsusuring tanong sa akin ni Alexa na hinihintay ang aking magiging sagot.
At kung hindi nyo na naitatanong, kumakain siya ulit ng chichirya. Gosh! Mukhang may bulate nga talaga itong babaeng ito!
"Ano ba kayo. You don't need to react like that Alex. Oo hinatid niya ako." Pagsagot ko naman sa kanila.
"Wahh! Si fafa Zero hinatid ka sa bahay nyo?! Bakit?! Nanliligaw ba siya?" Agad na tanong nanaman ni Alexa.
Itong babaeng ito talaga, napaka advance mag-isip. Tsk.
"Alexa, hindi siya nanliligaw. Ano ka ba! Hinatid lang, nanliligaw na agad? Eh bakit ikaw? Nakita kong binigyan ka ng bulaklak nung janitor sa Bridson, ano, nililigawan ka rin ba non?" Patanong na sumbat ko sa kaniya.
Totoo naman eh. Pag ba hinatid ka ng lalake, ligaw na agad? Yan kasi hirap sa inyo eh, hilig mag-assume. Hay.
Tapos mga kaibigan pa talaga kung minsan ang dahilan ng pagiging assumera ng isang tao eh. Sila kasi ang magkukumbinsi sayo na may something sa guy pero ang totoo eh wala naman pala!
Tsk.
"H-hindi ah! A-anong sinasabi m-mo dyan Ina?! Hindi siya nanliligaw. Pinapabigay nya lang yun sa yaya ko." Alexa.
"See? So wag kasing nagpapaniwala sa mga nakikita. Kasi aminin man natin o hindi, hindi sa lahat ng pagkakataon eh tama ang pagkakaintindi mo sa bawat nakikita ng mga mata mo. Don't jump into conclusions because there is still what we call hypothesis." Malalim na pagpapaliwanag ko.
"Huy, ayan ka nanaman. Napaka-lalim nanaman ng mga sinasabi mo. Author slash writer ka nga talaga! Haha!" Roxie na kumukuha na rin sa pagkain ni Alexa.
"Eh so bakit ka nga hinatid nun?" Alexa with here intriguing eyes.
"E-ewan ko din. Basta sinabi nalang niya na 'if you don't mind, I can drive you home'. Pagpapaliwanag ko naman.
"And pumayag ka?" Roxie.
"Y-yes. Why? What's wrong? Bakit ganyan kayo makatingin?" Ano bang masama? Hatid lang naman ah.
"Nako Divina, matalino ka nga. Pero bulag ka din eh." Alexa. Duh? Bulag? May mata po ako. Nakikita ko pa kapangitan nyong dalawa.
"May gusto sayo yun. Tss." Roxie with her emotionless face. Woah. Nahahawa na rin ata ito kay Krystal eh.
At wait... ano daw?
May gusto sa akin?
Si Zelo?
Nagpapatawa ba sila?
At oo. Alam ko nang Zelo at hindi Zero. Thanks to Vendric.
"C'mon. Ayan nanaman kayo jumping into conclusions. Walang gusto sakin yun. Nakita nyo naman kung gaano kacold diba? Tigilan na nga natin ang itopic sya." Irita kong pagkontra sa kanilang dalawa at nagpatuloy nalang ulit sa pagttype.
Oh yes! Malapit ko na matapos! Makakapag-update na rin ako!
"Bahala ka." Roxie.
And with that, gulat naman kaming napalingon kay Krystal na ngayon ay kalalabas lang ng kwarto nya at papalapit sa amin.
Ang bilis naman niyang matulog?
Or maingay ba kami?
Nope. Si Alexa lang naman maingay. Tss.
"Ayan sa wakas! Nandito ka na. Kumpleto na ang F4!" Tuwang tuwang sabi ni Alexa.
"F4?" Sabay sabay naming tanong na tatlo kay Alexa.
"O bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng maging F4? Aba, siyempre pati babae pwede! At tayo yun!" Whatever Alexa.
At sabay sabay lang namin syang kinusilapan.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top