AGKWC 8 - MEET HER FRIENDS

ZELO ANGELO

Malapit nang magring ang bell na maghuhudyat na lunch break na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ng baklang Vendric.

Tangna. Anong problema neto?

"Dric." I called him, but he's still looking at his notes as if he doesn't hear me.

"Hey. What's the matter?" I tried to ask once again but still, no response.

Tangina, daig pa ang babae kung magtampo ah!

Ano bang nangyari?!

"Tangina. Sige, Don't try me Dric. If that's what you want, then I'll give it to you." Nakakabanas ah! Bahala siya! Kung ayaw niya akong kausapin, then fine. He's so gay. Tsk.

*bell ringing*

Nagsimula na akong magsinop ng mga gamit at inunahan si Dric sa paglabas ng classroom.

I went to the cafeteria alone. At sa kamalas-malasan nga namang pagkakataon, walang bakanteng table!

Nilibot ko ang tingin ko. Nagbabakasakaling may makita akong vacant table nang may sumigaw na pamilyar na boses.

"Zero!"

Hindi ko ito pinansin nung una dahil malamang hindi naman Zero ang pangalan ko. Tsk.

"Zero!"

Mas lumakas at mas naging pamilyar ang boses niya kaya kahit di naman ako ang tinawag ay lumingon na rin ako.

And to my surprise... it's Divina.

It's Divina!!

But wait...

Z-zero??

Wtf?!

"Zero! Dito ka na lang maki-table sa amin!" She offered.

But I just rolled my eyes and tried to find a spot pero wala talaga!

"Doon ka nalang kasi sa table namin. Wag nang pabebe Zero. Haha!" Divina.

Daheck?!

Paano siya nakalapit sa akin ng di ko nararamdaman?!

My heart starts beating faster than it's normal beat.

A-ang lapit namin sa isa't-isa. I can clearly see her beautiful eyes, nose, lips, that adorable smile. Ugh!

And I've got no choice at nagpahila na lang talaga ako sa papunta sa table nila.

Nakaupo ako sa tabi ni Divina while the other two ladies are seating in front of us.

"Girls! This is Zero. Sya yung sinasabi ko sa inyo before. Hihi" Pagbanggit ni Divina.

So, they're talking about me huh?

"Ah! Yung sinasabi mong gwapong masungit? Haha! Omg! Ang pogi nga! Hi there cutie! I'm Alexa!" Sabi ng katapat kong babae na medyo maliit na may pagkachubby ng konti. Konti lang naman. Yung pisngi niya kasi ang fluffy. Oh cmon, what am I saying.

I just nodded at Alexa.

"Ay. Sungit. Hmp!" Narinig ko pang pagmamaktol niya.

"Haha! Tumigil ka nga Alexa, nashoshock siya sayo eh. Anyways, Zero, siya si Alexa and siya naman si Roxie." Divina said referring to the girl beside Alexa.

Unlike the girl called Alexa, mukhang mas matino naman itong isa. Parang chill lang sa life.

"Yow." She said and I just nodded.

"Putol ba dila niyan girl? Bakit puro tango lang? Hala! Baka may sapi yan ah!" Tss. That Alexa girl speaking.

"Baka ayaw tayong kausap. Baka si Ms. Freezer ang gusto. Baka magkaintindihan pa sila. Lol." Roxie replied with a smirk.

Ms. Freezer? Who's that?

"Who's that?" I asked.

"Woah! May dila naman pala eh. Gwapo ng boses mo Zero huhuhu." Alexa. Tss, another fangirl of mine eh?

"Uhm Zero, wala kasi siya ngayon dito dahil may klase pa siya. Mamaya pa breaktime niya eh kaya pasensya na di mo siya mamemeet ngayon." Divina said again with her sweet smile.

Oh well, wala naman akong pakialam kung sino man yun. Ang mahalaga, magkalapit tayo ngayon, Divina.

Tumayo na ako nang pigilan ako ni Divina sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.

Fck! Fck this chills!

"San ka pupunta?" She said while looking straight into my eyes. Sht! Di ako makatingin sa kanya.

"Obviously, I'll order my food." Pagsabi ko nang di sila tinitignan para maitago ang kaba at kilig na nararamdaman ko ngayon. Ew! Ang bakla ng 'kilig' ah.

"A-ahy. S-sorry." Sabay pagbitaw niya sa kamay ko at umiwas nang tingin.

Tuluyan na akong pumunta sa counter at tumingin ng kung anong bibilhin.

Natataranta ako. I don't know what to order! Hindi ako makapag-decide. Di pa rin ako maka-get over sa paghawak niya sa kamay ko.

Bumuga lang ako ng malakas na hinga para mabawasan ang kabang nararamdaman ko bago umorder.

I ordered.....food. yeah.

Pabalik na ako sa table namin ng maabutan ko silang nag-uusap.

"Naiimagine ko talaga beshy eh! Siya si Zaki sa story mo haha!" Alexa while chewing her food. No table manners. Tss.

And who's she referring to?

Sino ang naiisip niyang si Zaki?

Nang makaupo na ako ay nagsalita nanamang muli si Alexa.

"Zero, nagbabasa ka ba ng wattpad?"

B-bakit niya natanong? Nakita ba niya akong nagbabasa? Sht! Hindi pwede!

"Of course not. I don't even know what's that." I replied. Thank God I managed to speak without stuttering.

"Ay. Sayang, bagay mo pa naman si Zaki." Alexa again, speaking while pouting. Woah. How did she do that?

"Who's Zaki?" Tanong ko. Hindi nila pwedeng mahalata na alam ko naman kung ano talaga yun.

"Character sa story ni Divina." Roxie. Nakakagulat din to ah. Bigla bigla lang talagang magsasalita pag gusto niya.

"Story? You're a writer?" Pagkukunwari kong walang alam.

"Ah eh, oo. Hehe. Sa wattpad. Aspiring writer pa lang naman." Divina. What?! Aspiring ka dyan! You're great!

"Sus! Pa-humble ka pa girl! 29k na nga followers mo oh! Aspiring ka pa dyan! Haha!" Unti unti na rin talaga akong naiirita sa kaingayan ng Alexa na to ah.

"That's great. Keep it up." Sabi ko na lang kay Divina tsaka tinuloy ang aking pag kain.

Patuloy lang silang nag-usap usap at nanatili na lang akong hindi nagsasalita. I'm not into long conversations. Tss. Nakakapagod magsalita. Mas maganda pang makipagtitigan.

Maya maya pa ay natapos ko na rin ang aking pag kain at nagsimula na akong magpaalam.

"I have to go. The bell's about to ring. And..... well, thanks." Ngumiti naman ang mga ito.

"Thank you din Zero. Alam kong hindi ka masyadong nakikihalubilo sa mga tao at alam kong napilitan ka lang talagang umupo kasama namin but, still thank you." Divina replied and I, again, just nodded.

Wala kayong paki. I can nod as much as I want! Tss.

Naglalakad na ako palabas ng cafeteria nang nakita ko nanaman ang walanghiyang Dric na hindi ko alam kung ano bang problema niya na nakatingin nanaman sa akin ng masama.

I just rolled my eyes and pinagpatuloy ang paglalakad pabalik sa building namin.

Naramdaman ko namang sinusundan niya ako kaya't tumigil ako without looking at my back.

"Spill it." I said at alam kong tumigil rin siya sa paglalakad at ngayon ay nasa likod ko na siya.

Hindi pa rin siya umiimik kaya't hinarap ko na ito.

"What the fck is your problem?!" I can't but I'm loosing my temper right now!

"ZELO NAMAN KASI EH!" He shouted and began to cry.

Dafck? D-did he just shouted at me?! And bakit umiiyak to?! Tangna ang bakla ah!

"NAGTATAMPO AKO SAYO! HUHUHU. MAGBESTFRIEND TAYO DIBA? BAKIT KA NAGLILIHIM SA AKIN! HUHUHU" He again shouted at umiyak nanaman na parang bata. Tsk.

Malilintikan ka talaga sa akin Vendric pag may makakita sa atin dito!

Pag ako napagkamalang bakla dito sinasabi ko sayo papatayin kita!

"What the fck are you talking about?! Anong lihim sinasabi mo?!" I shouted back.

I don't have any secrets.

Well, except for me reading wattpad stories.

But I don't consider it as a secret. I just don't want to let anybody know it. Magkaiba yun.

"Sige Zelo! Deny pa! Huhuhu. Rinig na rinig kita kanina noh! Huhu." Kung hindi lang mainit ang ulo ko sa mokong na ito ngayon ay malamang kanina ko pa ito tinatawanan sa itsura niya ngayon.

Para siyang batang umiiyak dahil hindi binigyan ng lollipop. Shit! It's making me feel horrible!

"Just get straight to the point! Alam mong ayoko ng nagpapaliguyligoy pa. So just tell me what the fck is your problem." I managed to calm my self my closing my eyes while holding my temples and letting out a big sigh.

"Brader naman kasi. Hindi mo sinasabi sa'kin na may bago ka na palang bestfriend." Tumigil na siya sa pag-iyak. And what? New bestfriend?

"And where did you get that info huh?"

"Narinig nga kita kanina! Pa-ulit ulit?! Tsaka hindi lang yun! Hindi mo rin sinabi na may boyfriend ka na!" Bulyaw nanaman niya sa akin.

WHAT THE ACTUAL FUCK. ANONG BOYFRIEND?! IS HE SAYING THAT I'M GAY?!

"You know what, I have no time for this nonsense. Kung balak mo lang mangtrip, wag ako." And I started to walk away from him pero hinabol niya ako at nagexplain nanaman. Tss.

"Hindi ako nangttrip! Narinig kita kanina. Sa labas ng classroom. May kausap ka sa phone mo. May binanggit kang 'Bri'. So sino yun?! Bagong bestfriend mo?! Tapos may pa 'Tell him I miss him too' ka pa! Edi may boyfriend ka na! Sus Zelo! Aminin mo na! Bestfriend mo naman ako eh. Nakakatampo lang na bakit di mo sinasabi sakin. Porket hindi ako papatol, naghanap ka agad. Tatanggapin naman kita brader kahit ano ka pa. Kahit bak---" Pinutol ko na ang pagkahaba haba niyang sinasabi na p*tnginang di ko alam kung anong meron sa utak niya at ganun ang pagkaintindi niya.

Binatukan ko lang siya ng pagkalakas lakas.

"Aray! Aray naman brader ah!" Paghiyaw niya.

"You know what? Para kang tanga." As in ang tanga mo talaga Dric. P*ta.

"Bri is my sister. She's the one I'm talking to at my phone. At yung sinasabi mong boyfriend ko? It's dad. Pinapasabi ko lang sa kapatid ko na sabihin niyang namimiss ko rin si dad. Ano? Ang tanga mo diba? Tanga." Pagkasabi ko sa kanya ay inunahan ko nanaman siya sa paglalakad.

"Ehhh. Sorry na Zelo. Akala ko talaga eh. Hehe. So di ka bakla? Tapos ako lang talaga bestfriend mo?" Dric habang kinakamot ang batok niya. Tss.

"I'm not gay. You are."

-----

Katatapos lang ng last subject namin. Oh yes! I can now enjoy weekend.

Or maybe not. Dahil ngayon pa lang ay pinapapangit nanaman ito ni Vendric.

"My dear classmates! Dahil Friday ngayon at dalawang araw nyo nanamang mamimiss ang aking kagwapuhan, hayaan niyong bigyan ko kayo muli ng pagpapala!!" See? Tanginang pagpapala yan. It's not a blessing. It's a curse Dric! You should know that!

"Mukhang good mood ka na tol ah? Kanina nakakatakot ang aura mo eh. Haha!" The guy with a piercing on his right ear said.

"Kaya nga baby Dric, what happened ba kanina? Uwi ka na sa bahay. Di na ako galit. Hihihi." Malanding sabi naman ng babaeng di ko malaman kung espasol ba ang nailagay niya sa mukha niya.

"Medyo na-tanga lang kanina. Hehe. Pero okay na ako ngayon! Kaya ready na ba kayo sa joke ko?"

"Go Vendric!" Yeah. It's Divina. Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na kaklase ko rin siya sa last subject? Swerte ko diba? Hehe.

And dahil na rin siguro sa awa, pumayag na rin sila kay Vendric.

And as usual, tumayo nanaman siya sa upuan na parang presidenteng magSO-SONA. Tangna.

"Ano ang first name ni Janno?"

Nagtaas naman ng kamay ang isa naming kaklase na babae "Gibbs!"

"Hala baliw ka! First name daw, hindi last name! Hahaha!" Sabi naman ng katabi niya.

"Haha! Mali ka Tin, first name hindi last name!" Dric. Eh kung sabihin na lang kasi niya kaagad diba. Papahula pa niya. Sigurado namang walang kwenta ulit.

"Debena! Since sumagot noon si Zelo sa joke ko, ikaw naman ngayon! Hehehe. Anong first name ni Janno?" Agad naman akong tumingin kay Divina na halatang nagulat dahil sa pagtawag sa kanya ni Vendric.

"Hala. Eh di ko alam Vendric. Hehe. Pasensya na" Nahihiyang sabi ni Divina.

"Hep hep hep! Hindi pwede Debena! Dapat may sagot ka." Angal naman niya. Wow. Makautos kala mo gwapo.

"Uhmm." Aktong nag-iisip ng isasagot si Divina nang sumingit na ako.

"Eduman. First name's Eduman." I coldly said. Para matapos na ang pagsasayang ng oras.

Nakita ko namang nakatulala ang mga kaklase ko na animo'y hindi naintindihan ang sinagot ko.

"Bes, nagets mo ba yung sinabi ni Zelo?"

"Hindi nga bes eh. Eduman?"

Tss. Napapaligiran pala ako ng mga slowpoke.

Napatingin naman ako ay Divina at nginitian lamang niya ako.

Tumingin ako kay Vendric na masama nanaman ang tingin sa akin.

"What?" I asked him.

"Nakakainis ka! Joke ko yun eh! Tapos bakit mo sinagot! Brader naman eh!" Singhal nito sa akin pero hindi pa rin siya bumababa sa upuan na kinatatayuan niya.

Wow, siya nga tong nagpapasagot tapos ngayong sinagot, magagalit. Gago lang?

"Ha? Yun yung joke? Di naman namin gets eh." Angal nung babaeng espasol.

"Oo nga. Paki-explain." Sabi naman nung isa niyang katabi.

"Bobo niyo naman. Eduman. As in Eduman Janno. Edu Manzano kasi yun." Sabi nung lalaking may piercing.

Salamat naman at may natitira pa palang hindi slowpoke sa klaseng ito. Kaibiganin ko kaya? Para makalayo na sa kabaklaan ni Dric.

"Ay oo nga noh! Hahahahaha!"

"Galing mo naman Zelo!"

"Witty mo dun! Hihi"

Tuloy tuloy na pagpuri nila sa akin.

"JOKE KO KASI YUN. HINDI KAY ZELO. KAYA PWEDE BA UMUWI NA NGA LANG TAYO! KAASAR!" Bulyaw ni Dric sabay pagbaba niya sa upuan.

Isa-isa nang lumalabas ng classroom ang mga kaklase ko at kami nalang tatlo nila Divina ang natira.

"Nice joke pala kanina. Bagay mo din pala magjoke kahit na masungit ka. Haha" sabay nang mahina niyang pagtawa at sumingkit nanaman ang kaniyang mga mata.

"I just said that para makaalis na tayo." I replied coldly.

"Hoy Zelo and Debena. Tara na at umuwi na! Maglalandian pa kayo matapos niyong basagin ang joke ko?!"

So galit ka na niyan pre? Lol.

"Let's go?" Pag-aaya ni Divina.

"Yeah." At nauna na akong maglakad.

-----

BORING BA? HUHUHU SORRY SORRY SORRY :(

Bawi ako sa next update!

-foreverbaaaabs❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top