AGKWC 7 - EXES AND WHYS
ZELO ANGELO
Today is Freakin' Friday! C'mon dude, my most awaited day of the week.
Nakakapagod na rin kaya mag-aral. Pero kailangan. Kailangan kong maging successful. Not only for Divina but also for myself.
Ako daw kasi ang magmamana ng business namin sa States sabi ni Dad. Since dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay.
Speaking of kapatid, miss na miss ko na ang kapatid ko.
Ang mga lambing niya sa'kin tuwing kinukulit niya ako. Ang mga halik niya sa pisngi ko. Ang mga 'I love you Kuya Z!'. Men, I miss her so bad.
Maaga akong umalis ng apartment ko with MonsterX, my baby. Yeah, It's my motorcycle. Sabi naman sainyo. It's a gift from my dad because I'm now 18.
I arrived at Bridson on time. Mas maaga pa nga eh. Thanks to my MonsterX.
Did I already mention that I am wearing a black hoodie, pants, and a white puma shoes?
Yeah, it's one of my reasons why I love fridays, it's because FRIDAY is also FREE DAY. We can wear anything we want during friday, but of course, no spg's.
Naglakad na ako sa loob ng campus while putting my hands inside the pockets of my black hoodie. Iwas hiyaw na rin from my fans. Haha. Kidding.
Nagulat ako nang biglang nagring ang Iphone X ko..
Sino naman ang tatawag ng ganito ka-aga??
Number lang ito kaya't hindi ko alam kung sino ito.
Wala na akong nagawa kundi ang sagutin na lamang ito.
"Hello."
"Kuya Z!!!!!!" Agad kong nilayo ang Iphone X ko sa aking tainga dahil sa sobrang lakas at tinis ng tili na nanggagaling sa may ari ng boses. Takte masakit kaya!
T-teka... K-kuya Z??
"B-briana?" Oh shit! It's my lil sis!
"Yes kuya! Your favorite pretty and sexy sistah! Hihihi." Yeah, it's really my sister. That 'hihihi' really gives me goosebumps! Nakakairita talaga pag gumaganun siya. Tss.
"C'mon Briana, you're my only sister. So kindly disregard the word 'favorite'."
"Whatever Kuya Z." And I can really imagine na iniirapan niya ako.
"Tss. I miss you though." Yes.... a lot.
"Huhuhuhu, I miss you too Kuya Z! Wala na akong ma-away dito. Bakit ba kasi you wanted to study there ulit? Dahil ba sa kaniya?"
Nakarating na ako sa aming classroom at mabuti na lang at wala pang katao-tao.
"If you are thinking about her, Well, it's not because of that girl. Matagal na kaming walang communication so it's not about her." Believe me or not. Hindi talaga.
She's referring to my ex.
"And Bri, two years have passed already pero galit ka pa rin at dito ko gusto mag-aral? Look, I'm already on my third year. Isang taon na lang, babalik na ako ulit diyan." And I'll make sure na kasama kong babalik diyan si Divina. Isasama ko siya at diyan na kami magpapakasal at magkakaroon ng pamilya.
"Yeah, isang taon na lang. Pero till now hindi mo pa rin siya nakakausap. Kuya Z, sana habang andiyan ka sa Pilipinas, make an effort to find her and explain her everything. Why you left."
Bigla nalang akong nakaramdam ng guilt sa puso ko.
"Alright Bri. Cut it out. I don't want to talk about it. Matagal na yun. And sure naman akong moved on na yun sa'kin."
Sana. Sana moved on na siya.
"Pero ikaw kuya? Moved on ka na ba?"
Napatahimik akong bigla sa tinanong niya sa akin. W-why am I feeling guilty?
Mga bata pa kami nun! Wala pa kaming ka-alam alam!
But, moved on na nga ba talaga ako?
Oh cut that crap Zelo! Of course you are! Remember Divina? You love her right?
Yes. Tama. Moved on na ako.
"What kind of question is that? Of course Briana. In fact, I'm inlove with someone right now."
"Siguraduhin mo lang Kuya Z. Make sure you already have moved on before entering into a relationship again. Babae rin ako. Masakit maging rebound. I should know. Been there."
Rebound?
Panakip-butas?
Of course not! Mahal ko si Divina. And matagal na akong naka-move on sa past relationship ko. I was a mere boy that time. Ang bata bata ko pa nun! But now? I'm already matured. I know every decisions that I'm about to do. At alam ko kung talagang mahal ko ang isang tao o hindi.
"Whatever lil sis. Tsaka anong been there ka dyan? Hoy! 15 ka pa lang! Kabata-bata mo, may mga paganyan ka na? May rebound ka pang nalalaman?"
Pambihira!
"Wow! coming from you Kuya Z ha, nahiya ako sa 12 years old na nagka-girlfriend na." At sinigawan talaga ako pabalik!
"Oo na! Tong batang 'to. So why did you call? Alam mo bang mahal ang overseas call?! So get straight to the point para ma-end na tong call!"
Tinignan ko ang relo ko at malapit nang mag-8 o'clock.
Dumadami na rin ang mga estudyanteng dumadating dito sa classroom kaya lumabas muna ako saglit para dun ipagpatuloy ang pag-uusap naming magkapatid.
"Akala ko ba miss mo'ko? Tapos ngayon gusto mo nang i-end?! Kuya Z nakakatampo ka na talaga! Huhuhuhu."
What the?! Talagang inartehan pa ako ha.
"Fine fine! Stop crying. I really missed you. But may klase ang Kuya Z at malapit nang magstart ang klase ko kaya sabihin mo na kung ano yung sasabihin mo."
"Sige. I'll call na lang ulit after your class. Kasi gusto ka ring maka-usap ni Dad eh."
Great! Kakausapin daw ako ni Dad. Ano nanaman kayang sermon ang maririnig ko? Tsk.
Ididikta nanaman niya kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Mga bagay na siya lang ang may gusto. Mga bagay na wala siyang pakialam kahit nasasaktan ako basta ang mahalaga ang gusto niya.
Hindi ko naman talaga gustong makipaghiwalay sa girlfriend ko noon.
It was him.
It was him who told me to leave that girl and go with them sa States.
Gusto ko mang ipag-laban ang relasyon namin, ano naman ang magagawa ko diba? I was only 13 years old for Pete's sake!
Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin pero hinadlangan ito ni Dad.
Sobra ang galit ko kay Dad noon dahil dun. But I've decided to obey all he wants. Lahat ng gusto niya ginagawa ko.
Kaya ang alam ni Dad ngayon ay okay kami. Na he is my loving father and I am his loving son. Pero hindi niya alam na nandito pa rin sa puso ko ang galit.
"Okay Bri. Tell him, I miss him too. Goodbye."
And I ended the call.
I turned my gaze on my left side and saw Vendric staring at me.
"Yes Dric? What's your problem?"
----
VENDRIC SILVA
Ang ganda ganda ng gising ko ngayong umaga whoooo!!
Paano, eh FRIDAY NA EH!! TAPOS WALANG PASOK BUKAS AT SA ISA PANG BUKAS! WHAAAA! ANG SAYA SAYA! HEHEHEHE.
Nauna akong nagising kesa sa alarm ko dahil na rin siguro sa napaka-gwapo ko talaga.
Mukha mang tanga, ay pumunta na ako ng CR nang naka-ngiti.
'Ang pogi pogi mo talaga Vendric!' Sabi ko sa harap ng salamin sabay kindat. Shet! Nababading na ako sa sarili ko!
Sinimulan ko na ang magtoothbrush ng napaka-gwapo kong mga ngipin at minouthwash ang napakagwapo kong bunganga.
Tapos sinimulan ko na ring paliguan ang napaka-gwapo kong katawan at napaka-gwapo kong buhok.
Oo. Lahat ng parts ng katawan ko ay napaka-gwapo kaya gwapo talaga ako. Hehe!
Natapos na ako sa lahat ng mga dapat gawin sa CR.
Sinuot ko na ang aking dark blue polo shirt na pinaresan ko ng gray shorts at white shoes.
Bumaba na ako sa bahay at agad binati si Mimi at Didi
"GOODMORNING MIMI! GOODMORNING DIDI! FROM YOUR NAPAKA-POGING ANAK HEHE!"
Hindi ko pa rin inaalis ang ngiti ko sa mga labi hanggang sa naupo na ako sa aming lamesa na punung-puno ng mga pagkaing masasarap!
"Nako Didi! tignan mo nga tong anak mo oh! Mukhang ang ganda ng gising ah. Haha!" Sabi ng napaka-ganda kong mimi habang nagtitimpla ng kape at ng milo ko.
Ang sarap kaya ng Milo! Kesa sa kape na ang pait pait!
"Nagtaka ka pa. Eh lagi namang mataas ang energy palagi niyang anak mo. Mana sayo. Haha!" Sagot naman ng hindi masyadong gwapo kong didi na nakaupo na rin sa lamesa at hinihintay na lang si mimi para kumain.
Natapos na si mimi magtimpla kaya umupo na rin ito at inabot sa'kin ang favorite kong Milo.
"Wahhh! Mimi thank you!"
At sinimulan na namin ang pag kain ng almusal.
Ako lang ang kaisa-isang anak ni Mimi at Didi. Kaya minsan nalulungkot ako sa iba na may kapatid kasi parang ang saya. Pero hindi naman ako nalulungkot kasi pinupuno naman ako ng pagmamahal ni Mimi at Didi.
Ang gulo ko ba kausap? Hindi diba? Kasi hindi mo naman ako kausap. Hehehe.
Si Zelo na ang tinuring kong parang older brother ko. Kaya nga 'Brader' na ang tawag ko sa kanya palagi kahit na iritang irita siya nung umpisa. Pero nasanay naman na siya sa kakatawag ko sa kanya ng ganun.
Wala naman siyang magagawa eh. Sa gwapo kong to, may makakatanggi ba?
Natapos kaming kumain at nagpaalam na ako kay Mimi at Didi.
May sarili naman akong sasakyan pero ayokong gamitin kaya nagcommute na lang ako. Tinatamad kasi akong mag-drive. Hehe.
Tumingin ako sa relo ko at 7:30 na pala! Akala ko maaga pa! Huhuhu! Napasarap ata ang pagkain ko kaya na-late na!
Pagkadating ko sa school ay tumakbo na ako papunta sa classroom nang bigla akong may nakabangga.
"Aray! SINONG WALANGHIYA ANG BUMUNGGO SA AKIN?!?!?!?!"
Takte naman oh! Ang sakit sa tenga ah! Halos lumuwa na ang ngala ngala ng babae sa sobrang lakas ng sigaw niya.
"S-sorry!! Late na kasi ako sa klase ko. Hehehe. Pero hindi ako walanghiya ah! Gwapo lang!"
Tinignan lang niya ako ng masama habang nakaupo pa rin sa lupa.
Bakit hindi pa siya tumatayo? Enjoy ba niyang umupo sa lupa? Eh ang dumi dumi kaya!
"S-sige! Alis na'ko ha! Malalate na talaga ako eh. Hehe. Sorry ulit! Sige, babye! Enjoy ka lang sa sunbathing mo dyan! Hehe."
At tumakbo na ako papunta sa classroom. Narinig ko pa ang sigaw nung babae pero hindi ko naintindihan dahil medyo nakalayo na rin ako sa kanya.
Cute niya pero. Para siyang panda. Haha!
As in Pandak. Hahaha!
Nakarating na ako sa building namin at naabutan ko si Zelo sa labas ng classroom namin kaya't agad kong tinignan ang relo ko
7:48am
Hay buti naka-abot ako!
"Okay Bri. Tell him, I miss him too. Goodbye."
Teka. Sino si Bri?
May bago na bang bestfriend si Zelo at hindi na ako?
Huhuhu.
Tsaka 'Tell him, I miss him too'? May boyfriend si Zelo?!
Oh my Gaaaaaahd!
Yung bestfriend ko, bakla! Huhuhu.
Napalingon na ito sa akin.
"Yes Dric? What's your problem?"
What's your problem mo mukha mo! Ang daya daya mo!
Hindi mo manlang sinabi sakin na may bagong bestfriend ka na! Tapos may boyfriend ka pa!
Pero imbes na sagutin siya ay kinusilapan ko na lang siya at nauna nang pumasok sa classroom.
Nakakatampo talaga! Argh!
Porket ayaw ko siyang patulan sa kabaklaan niya ay naghanap siya ng iba at may nahanap naman talaga siya?!
Hoy Bri at kung sino ka man na boyfriend ni Zelo! Humanda ka! Magtutuos tayo!
----
HAHAHAHAHAHAHA BWISIT SUMAKIT ULO KO SA POV NI VENDRIC. HAHA!
ANYWAYS, DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE!
PS. Rank #2 na tayo sa Krystal Category! Yay! ❤ Thank youuuu!
-foreverbaaaabs ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top