AGKWC 6 - EVEN WHEN IT HURTS (Part 2)
Chapter 10
Third Person's POV
Nakarating si Zaki sa kanyang tinutuluyan nang bigla itong nakaramdam ng pagkahilo.
Hindi niya ito ininda at agad na lamang nagtungo sa kanyang kama.
Nagvibrate ang kanyang cellphone kaya't agad niyang binasa ang natanggap na text message.
From: Miss Iron
Hoy Mr. Hepa! Maayos ka bang nakauwi?
Agad namang napawi ang masamang pakiramdam ni Zaki at agad niya itong ni-replyan.
To: Miss Iron
Yeah. How 'bout you? Uhmm, can I... call?
Wala pang isang minuto ay nagreply na ito
From: Miss Iron
Ha? Uhmm, s-sige.
*Miss Iron ringing*
"Hello?"
"Hi Miss Iron."
"Uhm. Hi. Bakit ka tumawag? Tiyaka, bakit parang nanghihina ka? Okay ka lang ba?"
Abot tenga ang ngiti ni Zaki ng maramdaman ang concern ng dalaga sa kanya.
"Hello? Hello Zaki. Huy! Okay ka lang? Zaki!"
Nanataling tahimik si Zaki at pinapakinggan lang ang boses ni Kyra.
"Hoy Mr. Hepa! Magsalita ka nga."
"Isa. Zaki!"
Sasagot na sana ang binata nang bigla na lamang itong nawalan ng malay at nabitawan ang kanyang phone.
"Zaki! Ano nangyari? Huy! Zaki!!"
Dahil sa sobrang pag-alala ay agad pinuntahan ni Kyra si Zaki sa kanyang tinutuluyan
Hindi mapaliwanag ng dalaga ang kabang nararamdaman niya habang tinatahak ang daan papunta sa binata.
At nadatnan nga niya si Zaki na walang malay at sobrang mainit ito.
Sobra ang pag-alala ni Kyra sa hindi malaman na dahilan. Binanyusan niya ito at inalagaan buong gabi.
'Zaki. Please, be okay.'
Sabi nito sa isip niya.
Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang kabang nararamdaman niya. Kung tutuusin, may lagnat lang naman si Zaki kaya bakit sobra ang pag-aalala nito sa binata?
Habang natutulog ang binatang si Zaki ay hindi maiwasang libutin ni Kyra ang tinutuluyan nito.
'Sobrang linis naman pala ng lalaking 'to, eh bat may hepa?' Sabi nito sa sarili na agad din niyang tinawanan
Malinis ito at maayos sa gamit. Daig pa ang babae sa sobrang organized.
Bumalik na si Kyra sa kwarto ni Zaki at pinagmasdan ang kabuuan ng binata.
'Gwapo ka din naman pala eh.' Sabi nito sa kanyang isip.
Inikot nito ang paningin sa buong kwarto nang may pumukaw ng atensyon niya.
I-isang envelope?
Hindi ito basta-bastang envelope dahil kulay itim ito at napakaraming staple at tape na tila confidential ang laman nito.
Wala namang lahi nang pakialamera ang dalaga ngunit dahil na rin sa kuryosidad ay kinuha niya ito at tinanggal ang pagkaka-tape at pagkaka-staple ng envelope.
Nang mabuksan ay kinuha niya ang nasa loob na mga papel at agad niya itong binasa.
Nanlaki ang mga mata ni Kyra nang mabasa ang nakasulat sa mga papel.
'N-no.'
Hindi na niya napigilan sa pag-uunahan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
----
ZELO ANGELO
What?!
Anong meron sa envelope?!
Gahd! Ayoko ng nabibitin!
Aish! Takte naman oh!
Hay. Siguro nga kailangan ko na itong itulog. Bawal sa gwapo ang nagpupuyat.
Can't wait for the next update, my divina.
---
DIVINA MARIEL
Kanina ko pa gustong ituloy at mag-update ng Chapter 11 ng EWIH pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maikondisyon yung utak ko sa paggawa ng next chapter.
Tulala lang akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.
Halos ilang minuto rin akong nakatulala lang sa kisame ng kwarto ko nang bigla akong may naisip na ideya!
Gosh! Talino mo talaga Divina!
Kinuha ko ang laptop ko na nakapatong sa bedside table ko at binuksan ito.
Tumungo ako sa wattpad account ko
Divinaaaa
@inamaldita
2 works 29.3K Followers
Nagtungo ako sa notifications ko at naipon nanaman ito sa sobrang dami. May mga comments sa EWIH, may mga votes and yung iba ay updates din ng mga kapwa ko authors.
Bago ko simulan ang ideyang naisip ko ay binuksan ko muna ang aking facebook account at tumambad sa akin ang napaka-ingay naming groupchat.
Nakakaloka talaga si Alexa. Tuwang tuwa talaga ako sa ugali ng babaeng yun. Napaka-kwela na may pagkashunga. Haha!
Siya nga lang ang bumubuhay ng gc namin. Ano pa bang aasahan mo sa kakulitan ng Alexa na yun. Pero nagpapasalamat pa din ako dahil siya ang naging una kong kaibigan.
K.A.R.D
Lex: Girls! Check niyo ito!
Alexa sent a photo
Rox: Ano iyan?
Lex: Kaya nga i-check diba? Haynako Roxie.
Lex: Hi Krystal! Hehehe.
Krys: What?
Lex: Wala, sabi ko ang ganda mo. Hehehe.
Krys: I already know that.
Ina: Girls! May naiisip akong gawin. About sa story ko. Hihi.
Krys: What?
Lex: Hala Krys! Double sent?
Ina: Haha! Parang di ka naman nasanay kay Krys.
Lex: Pero teka, wala bang papansin sa sinend kong picture?
Lex: Tsaka nasaan na si Rox?
Rox: Andito ako dugang.
Ina: Ganito kasi. Dumadami na kasi yung reads ng EWIH ko.
Lex: EWIH? Ano yun? Ihi? Hehehe.
Krys: Even When It Hurts. Tanga.
Lex: Hala! Maka-tanga ka naman. Huhu.
Rox: Hahaha!
Lex: Anong nakakatawa, Rox?
Rox: Wala bes. Haha!
Ina: Since dumadami na yung reads ng EWIH ko, balak ko sanang gumawa ng Fb Accounts ng mga characters ko.
Lex: Ha? Eh sinong gagamit nun? Ikaw din lang? Tiyaga mo ah. Hihi.
Ina: Gaga! Siyempre hinde! Kukuha ako ng mga operators nila. Magpapa-apply ako.
Rox: Woah. Saya nyan. Haha!
Lex: Nako Ina, mahihirapan ka pa kung magpapa-apply ka. Andito naman ako oh! Pwede mo akong gawing operator! Hihihi.
Rox: Oo nga Ina, kunin mo si Lex, siya operator ni Zaki. Hahahaha!
Lex: Che! Papansin ka talaga Rox!
Ina: Hahaha! Kayo talaga. Pero magpapa-apply talaga ako. Syempre hindi naman ako basta basta kukuha nalang. May prusesong dapat daanin. Hihi.
Rox: O naman pala eh. Alexa ihanda mo na sarili mo. Yakang-yaka mo kaya si Zaki!
Lex: Eh kung ikaw kaya ang gawin kong handa?! Iluto kita dyan eh! Pero walang kakain kasi hindi ka naman masarap! Bleh!
Ina: Teka, nasaan si Krys? Offline na ba?
Lex: As usual. Girl naman, kelan ba yun nagtagal sa facebook. Napaka-boring siguro ng timeline nun!
Rox: Yeah. Kaka-check ko, offline na siya.
Ina: Sige. I have to go na. Thanks girls! Luvyuuuu!
Lex: Bye bye!
Rox: K girl!
Inexit ko na ang aming groupchat at nanlumo ako sa aking nakita.
100+ friend requests
30 unread messages
21 message requests
45 notifications
Grabe! Kaka-open ko lang kaninang umaga ng fb ah? Tapos andami nanamang notifs?
Pero lahat nang yan ay galing sa mga readers ko. Ang InaMalditas.
Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero ipagmamayabang ko na lang din. Dahil deserve nila ang maipagmalaki at maipagyabang.
I am very grateful to have my readers. Dahil sila ang pumuno ng kulang sa aking pagkatao.
Hindi ko naman talaga hiniling ang kasikatan ko ngayon. Mabuti na nga lang at disiplinado ang mga estudyante sa school at hindi nila ako pinagkakaguluhan.
Kung tutuusin, almost perfect na nga raw ang buhay ko ngayon.
Mayaman, May buong pamilya, at maraming nagmamahal sa'kin.
Nung wala pang 'InaMaldita' na nag-eexist, isa lamang akong simpleng babae na dinadaan sa pagsusulat ang mga napagdadaanan sa buhay.
Pag masaya... Magsusulat
Pag malungkot... Magsusulat
Pag nahihirapan... Magsusulat
Naging buhay ko na ang pagsusulat dahil nakakabawas ito ng stress para sa'kin. Mahal na mahal ko ang pagsusulat at bonus na para sa'kin ang magkaroon ng maraming readers at maraming suporta.
'Write to Express. Not to Impress'
Yan ang naging motto ko sa pagsusulat. Hindi ko kailangan ng papuri ng ibang tao sa aking mga gawa. But if it's freely given, then sino naman ako para hindi yun tanggapin hindi ba?
This is my way of expressing my life... towards my stories.
Kaya nga't ang mga nagiging characters sa story ko ay may pagkakapareho din sa mga taong nakapaligid sa akin.
Maging ang iba sa mga leading men na ginagawa ko ay ang ideal man ko. Gusto ko kasi yung may pangarap. Yung alam mong secured ang buhay mo pag siya ang nakatuluyan mo
At nakita ko yun sa kanya
Pero siya rin ang dahilan kung bakit ko nararamdamang parang may kulang
May kulang sa pagkatao ko
Na pakiramdam ko ay siya lang ang makakapagpuno nito
Pero nagbago ang lahat.
Hindi ko akalain na ganun kabilis ang mga pangyayari.
Kaya't ang InaMalditas ang pumuno sa pagkukulang na siya sana ang nagpuno.
---
Sinubukan kong tawagan si Krystal ngunit busy naman ang telepono nito.
Sino naman kaya ang kausap ng bruhang yun?
Well anyways, itetext ko na lang siya. Hindi naman ako maldita tulad niya eh. Haha!
Ah basta. Krystal....
Goodluck!
---
Vote. Comment. Share.
-foreverbaaaabs ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top