AGKWC 53 - SIDERO

ROXIE CASTRO

Sitting right here in my cozy bed, hugging both my knees, staring blankly at the white wall with my mind thinking about what just happened.

Tama ba itong pinasok ko?

Well, tama man o mali, I really have no choice. Kung saan ang kuya ko, doon ako.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Iisa sila?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Unregistered number.

Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello? Sino to?"

I just heard a low deep chuckle.

"How are you milady?"

"I'm fine but--"

Napatigil ako sa pagsagot ng may napagtanto.

[Flashback...]

"Kuya.. I mean, Greg. Matagal pa ba tayo? Parang ang layo naman ng pupuntahan natin. O baka naman niloloko mo'ko at magroroadtrip lang tayo?"

Inip na inip kong tinitignan ang bawat kotse na dumadaan kasalungat namin. Kanina pa kasi kami nandito sa loob ng kotse at hindi ko alam kung anong oras kami makakarating sa pupuntahan namin.

Ang init init pa man din nitong suot kong pang secret agent. Tsk.

At dahil dito ako nakaupo sa likod, ay tumayo ako ng konti para maabot yung aircon at tinodo ito dahil para akong nileletchon sa sobrang init ng suot ko.

Nakita ko namang napatawa ng mahina si kuya.

Anong nakakatawa sa sitwasyong to ha?!

"Chill, Xie. I mean, Ms. Mara. We'll get there soon."

Tinitigan ko lang ng masama si kuya sa rear view mirror at inirapan ko nalang.

Hay, ano kaya itsura ng headquarters nila?

Siguro ung parang mga napapanood din sa movies. Lol, ang corny naman pag bodega. Haha!

Tsaka, ano kayang itsura nung Sidero at Odysseus? Napaka-feeler nila ah? Maypa-mystery mystery eme pang nalalaman, baka pangit lang talaga sila hahaha!

Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay huminto na yung sasakyan. So malamang, nandito na kami sa headquarters nila.

Naramdaman ko na ulit ang kaba.

Wala nang atrasan ito Rox. Secret Agent ka na talaga.

Nauna nang lumabas si kuya ng kotse at pinagbuksan din ako.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas na rin ng kotse.

Pag labas ko ay nilibot ko ang tingin sa buong lugar.

Namangha ako sa nakita dahil hindi ito ang inaasahan ko.

Building?

Bakit building?

Woah, ganun ba kalaki ang grupong sinalihan ni kuya?

Ay wait.

Ay tanga ka Rox. Agent nga diba? So malamang agency yan. So malamang nasa building.

Dapat talaga di ko madalas makasama si Lex eh. Nahahawa na ata ako sa katangahan ng bruhang yon.

"Mara. Just stay behind me. Okay? Don't do anything. Just follow me."

Huling habilin sa akin ni kuya bago kami pumasok.

Pagpasok namin sa building ay halos lumuwa ang mata ko.

Ang lawak at ang ganda dito sa loob!

Ang liwanag tapos parang hightech lahat ng gamit! Puro touch screen, tapos may mga parang lumulutang na images pa.

Astig!

Pero ang pinagtataka ko, ay bakit sa laki at lawak ng building na ito, wala ni isa pa akong nakakasalubong na tauhan or agent din?

Patuloy lang ako sa pagsunod ko sa paglalakad ni kuya nang bigla syang huminto at nasa harap namin ang isang hightech na steel door.

Nakaukit dito ang 'Sidero'.

So.... Is this his office?

May pinindot si kuya na isang transparent button at bigla nalang nagbukas ang steel door.

Sinenyasan ako ni kuya na sumama kaya sumama na rin ako sa loob.

Pagkapasok namin ay lumaki ulit ang mga mata ko.

Teka, office ba to?!

Para akong nasa loob ng isang auditorium sa sobrang lawak!

At yung mga agent at tauhan na hinahanap ko kanina? Kaya naman pala wala kasi nandito silang lahat!

Pagkapasok palang namin ay lahat sila ay nakatingin sa amin ni kuya na animo'y we interrupted a meeting.

Ang creepy kasi lahat talaga sila naka black.

Nakita ko na lamang si kuya na yumuko.

I think he's giving respect to the boss?

Pero wait, nasaan yung boss?

Nasaan si...

"I'm sorry, sir. For being late."

Narinig kong sabi ni kuya.

Nakita ko ang isang matangkad na lalaki, naka-navy blue american suit. Nakatalikod ito at may hawak na.... baril?!

"Greg, greg, greg. You know I hate waiting."

Sa boses palang nito eh alam mong may awtoridad ito at hindi siya basta basta.

Nakaramdam ako ng takot.

"Paumanhin, Sidero."

So siya si Sidero....

Humarap ito sa amin at sa inaasahan ko, nakasuot nga ito ng black mask na tanging mata lang niya ang nakikita.

Lumapit siya sa kuya ko at hinawakan ito sa balikat.

At sa isang iglap ay nagulat ako nang bigla nalang nakahilata si kuya sa sahig.

"Kuya!"

Sigaw ko at agad tinulungan si kuya na tumayo.

Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko manlang nakita na nasuntok na pala si kuya sa sikmura.

Nakaramdam agad ako ng tension at galit na gustong kumawala sa katawan ko.

At naramdaman yun ng kuya ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at sumenyas na huwag bago tumayo.

"Now tell me, who do we have here? Who's this attractive lady you brought? Is this a gift for me? Hahaha!" Nanginig ang mga kamay ko sa galit ng marinig ko nanaman siyang magsalita.

Seriously?! Magiging amo ko tong gagong to?!

"She's my sister, Sir."

Tanging sagot lang ni kuya.

"Ohhh. So siya yung tinutukoy mong nag eavesdrop? Diba ang sabi ni boss, kill her?!" sabat ng isang lalaki na hindi ko kilala pero mukha siyang kulugo.

Sabat ng sabat di naman kausap, tuhugin ko ilong neto eh.

Sasagot na sana ulit si kuya pero ako na ang nagsalita.

"Good morning, Sidero. I'm Mara. And from now on, I'll be one of your loyal servant. Let me serve you as much as I can." and I bowed to show some respect that he didn't deserve!

Nakarinig lang ako ng isang nakakarinding tawa.

Pota? Matapos kong mag english tatawanan ako ng damuhong to?!

"Greg, sure you never really fail to impress me. You didn't kill your sister but you let her join you? What a best brother you have here Ms. Mara." At patuloy lang siya sa pagtawa.

Konti nalang talaga bibigwasan ko to!

"Very well then. I accept the offer. From now on, Mara. You will be my person. My human."

At lumakad siya papalapit sa akin bago ito bumulong.

"Milady."

----

"S-sidero?"

Hindi ako pwedeng magkamali.

Yung boses, at yung tawag niya sa akin.

"Would that supposed to make me flutter? Knowing that my person knows me by my voice?"

Paano niya nalaman ang number ko?

At bakit niya ako tinatawagan ngayon?!

"What can I do for you, sir. Why did you call?" I tried as much as I can to be professional kahit na gusto ko talaga siyang pagmumurahin dahil di ko pa rin makalimutan ang panununtok niya sa kuya ko dahil lang sa late kami!

"Ohhh, drop that 'sir' please. It makes us both uncomfortable. Just call me Sidero."

Arte mo! Pasalamat ka nga ginagalang pa kitang hayop ka!

"I understand, Sidero."

"I'll send you the address. Let's meet there. Don't tell this to your brother. I want you to meet me alone. At exactly 7pm"

Nakaramdam ako ng kaba.

Part pa ba ito ng pagiging agent ko?

First task ko na ba ito? Omg!

Pero bakit di pwedeng malaman ni kuya?

Hala baka rape-in ako gago.

Pero, ok lang din naman since tigang na ako. Dejk hehehe.

"Noted, Sidero."

I said before he dropped the call.

Actually, I still really have no idea sa goal ng agency na to.

Like, what should we do?

Sino bang target namin?

Mahirap ba talaga to?

Kakayanin ko ba?

Masamang tao na ba talaga kami ng kuya ko?

Tapos kagaya ngayon, wala ulit si kuya umalis ng maaga may pupuntahan daw. Di naman sinabi sa akin kung saan. Akala ko ba part na ako neto.

Tsk.

Babangon na sana ako mula sa kama ko ng nag vibrate ang phone ko.

Sino nanaman kaya itong nagchat tsk

2 unread messages

Blue Collins

Hey?

Why aren't you replying?

Busy? hmm.

Roxie Castro

Hi. Sorry to say this but from now on I'll be more busier and I suggest don't tryna flirt with me anymore cuz you'll just waste your time. Ciao.

Hay, oks lang. Marami pa namang foreigner dyan. Hahahhaha. Trabaho at pag aaral muna intindihin mo Rox. Aja!

Alexa Sumera

Girl! Why di kita macontact? Si Ina! Need ka namin dito dali!

Wait, si Ina? Anong nangyari kay Ina?

Roxie Castro

Anong nangyari kay Ina?

Alexa Castro

Basta! Mahabang kwento! Kailangan niya ng kaibigan ngayon. Halika na!

Roxie Castro

Teka, Si Krys nandiyan ba?

Alexa Castro

Hindi siya sumasagot sa mga chats ko. Baka nasa apartment lang niya yun. Alam mo naman yun, never nagpakita ng pag alala sa'tin.

Roxie Castro

Okay. I'll be there in a minute.

Ano nanaman kayang nangyari?

Sinubukan kong tawagan si Krys para sanang sabay na kami pumunta kila Alexa kaya lang naka-off ang phone niya.

Aish!

Daanan ko nalang kaya sa bahay nila?

Tinignan ko ang oras, 6:30pm na pala.

Fuck!

30mins nalang.

Wag na.

Nagtaxi na lang ako para pumunta kila Alexa. Hindi na ako namili ng susuotin dahil gahol na ako sa oras.
Kumuha nalang ako kanina sa cabinet ko ng jeans at tshirt. Bahala na. Di naman siguro magrereklamo yung Siderong yon sa suot ko.

Pagkarating ko sa bahay nila Alexa ay agad na akong nag doorbell. At pinagbuksan naman ako ng maid nila at pumasok na ako dere deretcho sa kwarto niya.

Nagbigay galang naman ako syempre sa mga magulang niya na nandoon di naman ako bastos hehe.

Pagka-akyat ko sa kwarto niya ay kumatok na ako. Nakatatlong katok muna ako bago niya ako pinagbuksan at nakita ko doon na natutulog si Ina sa kama ni Alexa.

Agad nagsitaasan ang balahibo ko sa sobrang lamig ng kwarto ni Alexa!

"Ano ba yan napakalamig naman! Penguin ka girl?!" Asar na tanong ko kay Lex. Parang tanga kasi napakalamig. Kala mo di tao.

Sinenyasan naman niya ako na manahimik dahil nga sa may natutulog kaya tinaas ko nalang yung middle finger ko sa kanya and I mouthed 'gago ka kasi'

Umupo ako sa sofa na tabi ng kama niya at hinintay siyang matapos kakalakad na di ko alam kung anong trip niya.

"Tigilan mo nga yang kakalakad mo at nahihilo ako. Bilisan mo't ikwento mo na anong ganap. Bakit nandito si Ina?" Deretchong tanong ko dahil gahol na talaga ako sa oras.

Lumapit naman siya sa akin at mahinang tumugon.

"Gutom ako. Kain muna tayo sa baba"

Anak ng pesteng.

Hinila ko ng may diin ang buhok niya dahil nanggigigil talaga ako sa bruhang to!

"Gaga ka! Ano na! Sasakalin talaga kita puro ka kalokohan." At akmang sinakal siya.

Inalis naman niya ang pagkakasakal ko sa kanya at sumagot na ng matino. Sa wakas.

"Heartbroken ang lola mo."

Eh?

Kanino naman?

"Seryoso ka? Eh wala namang jowa yan pano maheheartbroken, automatic ka ghorl?" pambabasag ko sa kanya.

Pero tinignan niya lang ako with a serious face kaya mukhang legit naman yung sinasabi niya.

"So make kwento na. Dali. Sayang oras ko, di mo naman binabayaran." Pambabasag ko ulit sa kanya. Lol.

Inirapan lang niya ako at sinimulan nang ikuwento ang nangyari.



"Wait, so you're telling me, na nagkita na sila ni Koykoy?" I unintentionally shouted, wala nabigla lang talaga ako. Grabe, ganoon na ba ako ka outdated sa mga kaibigan ko? Hindi ko manlang alam mga ganap sa kanila. Even Krys, anyare na kaya sa freezer na yun.

"Not sure Rox. Pero I think so kasi siya lang naman ang bukambibig ni Ina nung naabutan ko siyang umiiyak sa labas ng gate namin."

Poor little Ina.

"Pero kung nagkita sila, diba dapat tears of joy yan? Eh bakit heartbroken kamo?" Weird ah.

"Hindi ko knows ang buong detalye kasi hindi pa naman nagkkwento si Ina pero for sure, something happened." Napatango tango nalang ako habang iniintindi ang mga sinabi ni Lex.

Maya maya'y binatukan ko siya ng napakalakas na halos maalis yung utak niya kahit di ko alam kung meron ba talaga siya non.

"Aray punyeta naman Rox ano ba?!" Daing niya matapos ko siyang batukan.

"Sabi sabi ka kasi ng mahabang kwento kanina tapos yun pala di pa nakkwento sayo ni Ina. Sakalin kitang bruha ka eh"

Sasabat pa sana siya ng tumayo na ako at nagsalita.

"I have to go. May lakad pa ako. Pwede ka nang kumain. Bantayan mo si Ina. Balitaan mo'ko pag nagkwento na siya okay? At ako nalang pupunta mamaya kila Krys. Balitaan nalang din kita kahit di mo deserve." At inirapan siya.

Lumakad na ako at palabas na sana ako ng kwarto niya at pipihitin ko na sana ang doorknob nang bumalik ako at tumungo sa may aircon at pinatay ito.

"Uso makaramdam ng init din ano? Sanayin mo na, walang aircon sa impyerno gaga." At tuluyan na talagang lumabas ng kwarto niya.

Tinignan ko ang phone ko at 10 mins before 7pm na pala.

Nareceive ko na rin yung text ni Sidero kung saan kami magkikita.

Tinignan ko at may text din pala si Kuya sa akin.

Fr: Axel

Where are you? I just got home and wala ka dito sa bahay.

Oh sht. Anong ipapalusot ko? Damn.

To: Axel

Slr, malalate ako ng uwi. Nandito pa ako sa bahay ng kaibigan ko. Don't worry kuya. I can take care of myself. Love ya!

Please maniwala ka kuya.
Sorry di ko pwedeng sabihin sayo eh. Huhu.

Pumara na ako ng taxi at sinabi ang address kung saan kami magkikita.
Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil medyo madilim ang dinadaanan namin ni mamang driver.

Dahil di ako mapalagay ay tinanong ko na siya

"Uhh, kuya, sure po ba itong dinadaanan natin? Baka mali tayo ng pinupuntahan ah? Uso magwaze kuya hehe"

Pero ngumiti lang si mamang driver.

"Nandito na tayo iha." Laking pagtataka ko nang sabihin niya iyon dahil nandito kami sa isang mala-forest na lugar. Walang ka-ilaw ilaw at sobrang tahimik na lugar.

Oh my gosh. Agent ka Rox di ka dapat natatakot sa mga ganitong sitwasyon!

Nagbayad na ako ng taxi fare at dahan dahang lumabas sa taxi.

Nanginginig ang kamay at buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng lugar o dahil kinakabahan ako.

Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag ko at tinext si Sidero.

To: Sidero

I'm here at the location, sir.

Ilang segundo lang ay nagring na ang phone ko.

Sinagot ko naman ito.

"Yes sir."

"You are almost late."

"I'm sorry, Sir-- Sidero."

"I'll be sending an agent there in a while."

And he dropped the call.

Wtf?! Ang hilig nitong babaan ako ng telepono ah!

Putulin ko etits niya eh!

Ramdam ko na ang sobrang ginaw kagaya ng ginaw na naramdaman ko sa kwarto kanina ni Lex. Shit di ako nakadala ng hoodie.

Nakarinig ako ng footsteps na papalapit. Hmm, I guess siya na yung agent na pinadala ni Sidero.

Napansin kong may dala dala itong jacket.

Nagulat ako ng isinuot niya ito sa akin.

"Follow me, ma'am."

Sabi nito sa akin at nagsimula nang maglakad.

Wait,

A-anong nangyari?

Bakit may jacket na ako?!

Di na ako makapag-isip ng maayos. Kaya sinundan ko nalang yung mama.

At ilang minuto lang ulit ay nakarating na kami.

Woah.

Nakakalula.

Is this a secret vacation house?!

Ang ganda!!

Hindi ko akalain na may ganitong lugar sa gitna ng mala-forest na labas.

Pero wait,

Vacation House?!

Tangina rereypin ba talaga ako?!

"Hanggang dito nalang po ako ma'am. Hinihintay na po kayo ni sir sa loob." At yumuko siya sa akin at tinuro ang daan kung saan ako papasok.

Teka, bakit ba nila ako mina-mam?!

Eh agent lang din naman ako tulad nila.

It feels so umcomfy tuloy. Grr.

Anyways lumakad na ako papasok sa loob at lalo akong namangha sa ganda ng resthouse na ito.

Di maikakailang talagang mayaman ang may-ari neto.

Habang busy ang mga mata ko sa pagappreciate sa mga gamit na nandito sa resthouse ay narinig ko na ang kanyang pamilyar na boses.

"

Do you enjoy seeing the view?"

Nakita ko si Sidero, still wearing his famous mask. But he's in a robe, a black... hot... robe.

Oh shet! Ang inet!

Bakit ganito nararamdaman ko?!

Hoy Roxie!

Tigilan mong kaharutan mo ah!

"S-sidero"

Ayan sige mautal kang tanga ka!

Aish Roxie!

"I never expected you to come here though. I like how obedient you are."

His voice..... why is it sounding like a music in my ear?!

Ahhhh!!

Nababaliw na yata ako.

Pababa siya ng hagdan at unti unting lumapit sa akin.

May hawak siyang bottle of wine at dalawang wine glass.

"My sweater looks good on you." Nagulantang ako sa sinabi niya.

Wait what?!

S-sa kanya itong jacket na to?!

Agad ko itong hinubad at pinagpag at yumuko sa kanya habang binabalik ito sa kanya.

"S-sorry. I shouldn't have worn this." Pero imbes na kunin ito ay tumawa lang siya at dumeretcho sa sala.

Umupo ito at iginaya akong umupo.

Kaya't umupo ako across him.

He poured wine on both wine glasses.

I wonder how will he drink that nang nakamask hahahaha.

"Why are you so silent? Aren't you curious? I'm expecting you to be asking me why I met you at this time and at this place."

Tanga ka ba?! Syemprr curious talaga ako! Pero kasi ang hot mo huhu di ako maka-concentrate juskong mahabagin!

At dahil walang hiya ako, kinuha ko na yung isang wineglass at ininom ko na ito.

"I have a question for you."

Napatingin ako sa kanya dahil inaabangan ko kung anong itatanong niya sa akin. Kung may jowa na ba ako?! Ofcourse wala!

Ay haliparot ka.

"What is it that you wanted to ask." Tanong ko.

Wag sanang math hehe.

"Do you believe in friendship, betrayals, and love?"

Ay ang galing.

Di naman ako nainform, pageant pala ito ano?

Lakas maka-q&a portion ah.

I sipped on my wine before answering.

"Yes. I believe on those mentioned."

Ayan straight to the point tayo. Wala nang explain explain para uwi na Rox ok?

Ako lang ba nag-aabang na inumin niya yung wine niya? Oo ako lang.

"Why do you think of betrayals? Or why is there betrayals in the first place?"

I looked straight into his eyes before confidently answered

"Betrayals hurt because it was never from strangers. It was always the one you trusted the most, has the ability to betray you. And for me, betrayals can't be forgiven."

I can sense that he's smirking at me right now.

"So what if I ask you to betray your friends. Would you do it?"

Napasimangot ako nang tanungin niya ako.

Gago ba siya?!

Hinding hindi ko magagawang traydurin ang mga kaibigan ko!

"Are you out of your mind? Haha! Of course not. I'm not a traitor."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha ang kanyang wine.

Tumawa siya ng tumawa.

Nakakainsulto.

"You still didn't get it do you?"

Ang labo mong tae ka.

"You entered in this game voluntarily. Now there's no turning back. I'm your boss and you are my servant. And whatever I tell you, you must obey. Even if it's you.... breaking your friendship."

Nanginginig ang buong mukha ko at naramdaman ko na lamang ang mainit na luhang pumatak mula sa mga mata ko.

Ngayon ko lang naintindihan ang lahat.

Kung anong kagaguhan ang pinasok ko.

" Your brother, and the rest of the agents, are against your friends. We are here to ruin them. Specially, Zelo Angelo."

Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Zelo.

Anong kinalaman ni Zelo?

Bakit nila gustong sirain kaming lahat?!

"Who are you?" May halong galit kong tinanong sa kanya.

Nakatalikod ito sa akin at nakita kong inaalis niya ang mask niya.

Is this real? Ipapakita na niya ang mukha niya?

Naalis na niya ang kanyang mask at binitawan ito kaya nahulog ito sa sahig. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Dahan dahan siyang pumaharap at nanlaki ang mata ko nang makita ko siya.

Nakangisi ito sa akin.

Nanginginig ang mga luha ko at kamay ko nang nakatitig lang sa kanya.

"It's great to see you in person now, milady."

He smirked.

And ang pinakahihintay kong pag-inom niya ng kanyang wine.

"B-blue Collins?"

--------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top