AGKWC 51 - AXEL (Part 2)

SKY LAWRENCE

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Putangina sobrang sakit! Pag mulat ko ng mata ko ay nandito pa din ako sa labas ng kwarto ko. Ang gulo gulo. Nakakalat yung mga pinag-inuman ko ng bote pati yung abo ng yosi ko kanina nagkalat.

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakadungaw sa lamesa at napa ungol ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Fck this hangover!

Nilibot ko ang tingin ko at nagulat ako ng makita ko si Vendric sa sahig nakabulagta at tulog. And what the fck is he wearing? Mukha siyang abnoy amputa.

Teka anong oras na ba? Agad hinanap ng mata ko ang cellphone ko ngunit wala ito sa ibabaw ng lamesa. I checked kung nasa bulsa ko to pero wala din naman. Shit, may pumasok bang magnanakaw dito?

"You're looking for this?" Narinig kong may nagsalita mula sa likuran ko at pag lingon ko ay nakita ko si Zelo na nakasandal sa pader habang nakapamulsa at nakayuko habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone ko.

"Tol! Nandito ka..Nasayo lang pala yan. Akala ko pinasok na'ko ng magnanakaw hahaha" Sagot ko at sinalo ko ang cellphone ko ng hinagis niya ito papunta sa akin.

Mabuti nalang magaling akong sumalo.

"Nice catch." Rinig kong sabi niya habang nakangisi.

Ako lang ba? Pero parang may kakaiba kay Angelo ngayon.

"Syempre. Magaling ako sumalo. Siyangapala, salamat sa pagpunta niyo dito ni Dric. Kailangan ko talaga ng kasama ngayon tol, sobrang sakit kasi tangina."

Sht naalala ko nanaman.

Kamusta kaya si Ina? Nakauwi kaya siya ng maayos sa kanila kagabi? Fck. She won't answer my texts nor my calls. I'm worried as hell.

Pero sa halip na sumagot si Zelo ay tinitigan lang niya ako ng matagal, without expression. Hindi ko mabasa kung ano nasa isip niya. Pero isa lang alam ko, hindi maganda ang kutob ko.

"Uhh, tol, may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko nanaman siyang ngumisi at unti unting lumapit sa akin.
Nang nasa tapat ko na siya ay nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Who's Ina." Agarang tanong niya which left me startled.

Never did I mention to anyone what's between me and Ina.

So how did he know about her?

Wait,

"Pinakealaman mo phone ko?" Medyo mataas na boses ang ginamit ko sa pagtatanong sa kanya dahil hindi ko nagugustuhan ang ideyang pinakealaman niya ang gamit ko ng walang paalam.

He just looked at me with a smirk while I look at him with anger.

"I asked you first, Lawrence. Who's Ina. I don't remember you mentioning her."

Naikuyom ko ang kamay ko.

"Since you already opened my phone, siguro naman alam mo nang sagot." sagot ko sa kanya with a sarcastic smile.

Ang hindi ko maintindihan, ano bang pake niya? Why is he acting so weird like sht?

"You really won't answer my question Lawrence, don't you?" and I heard his silent laugh.

"Siya ba ang dahilan ng pag-uulol mo sa sarili mo ngayon?"

Napatiim bagang ako dahil hindi ko na kinakaya ang tensyon sa aming dalawa sa di ko malamang dahilan.

"Gusto mo malaman ang totoo? Sige. Divina Mariel. She's my first girlfriend. Una't huling minahal ko. Isang araw nagkahiwalay kami, pero ngayon nagkita ulit kami. Siya ang dahilan kung bakit ako nagbago. Nang mawala siya sa akin dahil pinaghiwalay kami, natuto akong mag inom, manigarilyo, mambabae. Natutunan ko lahat ng katarantaduhan dahil nawala siya sa akin."

Tumulo ang isang luha sa mga mata ko nang ikwento ko ang lahat kay Zelo.

Parang may tinik sa lalamunan ko na pilit kong inaalis pero hindi mawala yung sakit.

Pero sa hindi ko inaasahan ay nakaramdam agad ako ng malakas na suntok. Dumugo ang labi ko at pinunasan ko ito gamit ang aking hinlalaki.

"What the fck Zel--"?! " Bago ko pa naituloy ang sasabihin ko ay isang suntok nanaman sa kabila kong pisngi ang natanggap ko mula sa kanya.

Tangina?! Anong problema ng gagong 'to?!

Hindi na ako nagsalita at agad kong sinubukang bumawi ng suntok sa kanya ngunit napigilan niya ako.

Hawak hawak niya ang kamao ko at ramdam ko na pinipilipit niya ito kaya napaungol ako sa sakit.

Binitawan niya ang kamay ko kaya agad ko itong inalalayan.

"You're an asshole, Lawrence. You're a dumbass. " Malumanay pero may galit na tugon ni Zelo.

"Ano bang kinakagalit mo Angelo ha?! Bakit ba galit na galit ka?! Inano ba kita?!" Sunud sunod kong sigaw sa kanya dahil tangina hindi ko na siya maintindihan.

"Napakagago mong tarantado ka. Mas gago ka pa sa lahat ng gago Lawrence! Tangina mo fuck you!" Sunud sunod na mura ni Zelo.

"Oo tarantado ako! Gago ako! Pero nagmahal ako ng totoo Angelo. At least alam ko sa sarili ko na isa lang ang mahal ko! Eh ikaw? Naranasan mo na bang magmahal ng totoo ha? Eh parang ikaw nga ang pinaka gago sa ating apat eh. Feeling cool pero ang totoo, takot kang magmahal! Duwag ka Angelo! Duwag!"

Nakaramdam ako ng sunod sunod na suntok galing sa kanya at hindi ako nagdalawang isip na gantihan din siya ng suntok kaya at puro dugo na ang mga mukha namin pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagsuntok namin sa isa't isa.

"My turn to tell the truth Lawrence." Wika niya ng matigil kami sa pakikipagsuntukan namin sa isa't isa.

Pinunasan ko ang dugo na lumabas sa bibig ko. Fck ang lansa.

"I know Divina."

Nagtaka ako nang sabihin niya iyon.

Kilala niya si Ina?!

Paano?!

"And not only knew, but more than that." Tuloy niya sa sinabi niya na agad ng pakulo ng dugo ko dahilan para bumalik nanaman lahat ng galit na nararamdaman ko.

Nakita ko siyang ngumisi kaya lalong dumagdag ang galit na nararamdaman ko.

"I liked her, Lawrence." He smirked.

"Remember the girl I mentioned before? It was her." Inayos niya ang nagulo niyang polo at buhok at pinunasan ang dugo sa labi niya.

"So in short, nung panahon na nambabae kang tarantado ka, I was with Divina. And you know what? She confessed her feelings for me."

Hindi mag sink in sa akin ang lahat ng sinasabi sa akin ngayon ni Zelo. Putangina... All this time?! Sa lahat ng magiging ahas, kaibigan ko pa?!

"Tarantado ka!" Akmang susuntukin ko siya ng isanggi niya ang braso niya sa kamay ko at tsaka niya ako sinuntok sa tiyan.

"Tell that to yourself motherfcker. Wala kang kwentang lalaki. Napakabait ni Ina para saktan mo lang ng ganun. At napakagago mo para sisihin pa siya sa pambababae mo."

"Gumising ka sa kahibangan mo Lawrence. Kalalaki mong tao pero wala kang bayag. Ina doesn't deserve someone like you, dumbass."

"At sino deserve niya, ikaw?! Haha! Ulol mo Angelo!" Sigaw ko sa kanya.

"She deserves anyone, but not a fcking whore like you."

Napalingon naman kaming dalawa ng biglang nagsalita si Vendric.

Nag-unat unat pa siya dahil ka gagaling niya sa pagtulog.

"Brader... langit.... TEKA, HALA BAKIT DUGUAN KAYONG DALAWA?! NAG AAWAY BA KAYO HA?! BAKET?! SALI AKO!!! HUHUHU"

Masamang nagbalik ang tinginan naming dalawa ni Zelo.

Nginisian lang niya ako bago niya kinuha ang gamit niya bago umalis.

Pero bago umalis ay tinawag ko muna siya. Tumigil naman siya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod.

"Tandaan mo Angelo. Simula sa araw na ito, hindi na tayo magkaibigan. Dahil wala akong kaibigang ahas!"

Saglit na nanahimik ang lahat bago ko narinig ang tugon ni Zelo.

"Funny, I never treated you as one." Huling sabi nito bago tuluyang umalis ng apartment ko.

-----

VENDRIC SILVA

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sigawan na parang nag aaway. Akala ko nga nananaginip lang ako eh.

Aray, ang sakit ng likod ko. Taena bat naman kasi nasa sahig ako! Ang lamig lamig pa!

"She deserves anyone, but not a fcking whore like you."

Rinig kong may nagsalita, hmmm, parang boses ni brader eh.

Napadilat na ako at nagulat ako ng makita ko sila na may mga pasa at dugo sa mukha!

Hala!!!

Para akong nasa live action movie!!!

Teka, artista na ba kami?! Bakit di ako ginising?! Hmp! Mas magaling kaya ako maging badboy kaysa sa dalawang yan hmp!

"Brader... langit.... TEKA, HALA BAKIT DUGUAN KAYONG DALAWA?! NAG AAWAY BA KAYO HA?! BAKET?! SALI AKO!!! HUHUHU" Agaw ko ng atensyon sa kanila dahil parang di pa nila napapansin na gising na ang bida sa movie na ito hehehe.

Pero sa halip na pansinin ako ay bumalik lang ang tingin nilang masama sa isa't isa.

Hala! Ang intense ah. Pwede na, pwede na silang maging artista papasa na, pero mas magaling pa rin ako hehehe.

Ano kayang title ng movie na ito?

"Bugbugin mo ako at tutuhugin kita"

"Away now, Bati later"

"Ang gwapong si Vendric pinag aawayan ng dalawang panget"

Hehehehehe. Parang mas bagay yung pangatlo hihihi.

"Tandaan mo Angelo. Simula sa araw na ito, hindi na tayo magkaibigan. Dahil wala akong kaibigang ahas!" Ay hala inpernes ang galing ng script writer neto ha.

"Funny, I never treated you as one."

Woah, nice brader ah. Ikaw na ikaw ang datingan hehehe! Ay teka eexit na si brader!

Mukhang kailangan na din ang acting skills ko! Eto na ako!

"Listen, Sky. Sa lahat ng ayaw ko, yung mga umaahas sa mga kaibigan ko. Mali ka ng kinalaban pre. Ulol talo ka sa larong 'to." Sabi ko tsaka umexit.

Hehehehe galing ko mag improvise ng  speech ah! Kasi naman! Wala namang binigay na script sa' ken eh. Buti nalang pinanganak na akong talented hehehe.

Sinundan ko si brader at buti nalang naabutan ko pa sya bago pa nya paandarin ang motor niya.

"Brader sandali!" Hindi niya itinuloy ang pagpapaandar at inalis niya muna ang suot na niyang helmet.

He waved his head para umayos ang kanyang buhok. Luh akala mo naman nasa commercial hmp!

"Anong title ng movie naten? Hehehe" Tanong ko sa kanya kasi nacucurious na talaga ako eh hehehe.

Pero sinamaan niya ako ng tingin. Hays, in character pa rin ba siya? Huhu.

"Hala, brader nagtatanong lang e. Hmp, sige na nga hahanapin ko nalang yung direktor, siya nalang tanungin ko anong title." Damot talaga ni brader! Pati title pinagdadamot!

"Tss. Tanga talaga." Rinig kong sabi niya at hindi na ako nakapagsalita dahil sinuot niya na ulit ang kanyang helmet at pinaandar na ang makina ng motor niya bago humarurot paalis.

Kainis naman!

Hmp!

Sesearch ko nalang sa google mamaya yung mga upcoming movies this year baka lumabas itong movie namin hehehe.

Sumakay na ako kay Repapips at tuluyan na naming iniwan ang apartment ni langit.

----

ROXIE CASTRO

Nakatulala lang ako kay kuya matapos kong marinig ang sinabi niya kanina. Naguguluhan ako.

Secret Agent?

Sa mga palabas ko lang nakikita yun ah. May ganun ba sa totoong buhay?

"Ha? Di kita gets kuya. Artista ka?" Sinubukan kong ibahin yung ideya ng sinabi niya pero hindi ako nagtagumpay dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.

Nakita kong may kinuha siya mula sa kanyang bulsa.

Cigarette?

Oo pala, naninigarilyo si kuya.

Sinindihan niya ang yosi niya bago ako sinagot.

"I'm serious Roxie. I am a secret agent. The illegal one." bago bumuga ulit ng kanyang yosi.

Shit.

Tama ba ako ng narinig?

"Teka teka teka, illegal? You mean, hala sindikato ka kuya?!" I hysterically said.

Eh sino bang hindi maghihisterikal sige nga?! Malaman mong isang sindikato ang kapatid mo?!

Nakita ko naman siyang tumawa. Nakakainsultong tawa to be exact.

"Alam mo sis, minsan gusto ko nalang talagang sabihan ka ng tanga." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Agad naman niyang tinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa police.

"Chill sis, I've got to explain a lot to you so paki handa na ang utak mo na minsan lang magkalaman."

Gago!

Huminga muna ako ng malalim bago tumango kay kuya, tanda na ready na ako sa kung ano mang sasabihin niya.

"A secret agent is someone who is employed for someone to do illegal jobs such as finding out the secrets of the government. Ang kaibahan lang ng akin, hindi gobyerno ang pinagtatrabahuan ko. Kundi isang malaking persona. I'm an undercover agent."

Sinimulan niyang i-explain pero gulong gulo pa rin talaga ako kaya patuloy lang akong nakinig sa mga sinasabi ni kuya.

"At gaya ng sabi ko, malaking tao ang pinagtatrabahuan ko. At hindi biro ang trabaho ko. Marami kami dito at kung ano ang iutos ng pinakaboss namin, wala kaming magagawa kundi sumunod lang dahil pumirma kami sa kontrata."

Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang kontrata.

"Kontrata? Ano namang laman ng kontrata na yan? At bakit ka kasi pumayag! Kuya naman!" Inis na sabi ko sa kanya.

Humigop muna siya ulit sa sigarilyo niya. Ugh, ang baho ng usok.

"I have no choice Roxie. Sabi ko nga sa'yo, dalawa nalang tayo na magkasama. Hindi naman nakakauwi si mama. Malay ba natin kung may ibang pamilya na pala siya dun. We need a lot of cash Roxie. Kaya ko pinatulan itong trabahong ito."

Napakuyom naman ang ng kamay sa ideyang may ibang pamilya na si mama sa ibang bansa.

"So ano na ngang laman ng kontrata?" Kulit kong tanong.

Naubos na ang yosi na hinihipa ni kuya kaya nakakahinga na rin ako ng maluwag.

"Once we back out or try to have a treason in our group, death of our loved ones are on line."

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni kuya.

Fck, hindi ko akalain sa buong buhay ko na malalagay sa panganib ang buhay ko! Huhu! Parang kailan lang nagMML lang ako huhu ngayon nasa panganib na buhay ko!

"Kaya karamihan sa mga kasama ko ay mga wala nang pamilya, mag isa lang nila ang binubuhay nila. Kaya wala silang inaalalang manganganib ang buhay."

Tinignan ko naman si kuya ng may lungkot sa mata ko.

Ako ang naaawa sa sitwasyon ni kuya.

Alam ko deep inside, he doesn't want his job. But he doesn't have a choice. Dahil siya na ang tumatayong nanay at tatay ko, para mabuhay kaming dalawa.

"Sorry kuya. Sorry if dahil sa akin, kailangang manganib ng buhay mo." At di ko na napigilang umiyak sa harap ni kuya.

Shit nakakahiya. This is the first time na makita ako ni kuya umiyak. Hindi naman kasi ako umiiyak eh. Ewan ko ba bakit ang drama ko ngayon.

Pero nagulat ako ng lumapit si kuya sa akin at agad akong niyakap.

I felt his body like literally wrapped around mine. Taena kinikilabutan ako! Bakit kasi di mag tshirt! Ramdam ko tuloy yung init ng katawan ni kuya.

"I should be the one saying sorry. Sorry if I'm not the kind of brother that you'll be proud of. But always know that I love you, Roxie. Gagawin ko lahat para protektahan ka." Niyakap ko pabalik si kuya at tuluyan nang umiyak.

Hindi ko ito nagagawa sa kanya noon dahil hindi ako showy pero ngayon, yung yakap namin sa isa't isa ang tanda na ang pagmamahalan ng magkapatid ay ang magiging sandigan namin.

"No kuya. I'm always proud of you. Kahit ano pang trabaho mo, I am proud of you. I love you kuya." Sabi ko at naramdaman kong hinagod ni kuya ang buhok ko habang nanatili sa yakap.

Humiwalay ako sa yakap ng may maisip ako.

Alam kong mali pero kailangan kong gawin. Gusto kong gawin ito dahil gusto kong makabawi kay kuya.

"Kuya."

"Hmm?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tsumempo at nagsalita.

"Let me join you. I also want to be a secret agent."

Bakas ang gulat sa mga mata ni kuya at napaawang pa ang labi nito.

Natawa naman ako sa ekspresyon ni kuya.

"Roxie, am I really hearing what I'm hearing?!" di makapaniwala niyang tanong sa akin.

I smiled and nodded.

"I was about to invite you to become one of us, I never thought that you'd volunteer." Paliwanag ni kuya.

"Hindi ka naman dapat madadamay dito Xie eh. Pero kasi kilala kita, dahil narinig mo ang usapan namin, alam kong pilit mong aalamin ang lahat. At nalaman yun ng boss ko. To be frank, gusto ka niyang ipapatay."

Lumakas ang tibok ng puso ko sa rebelasyon na sinabi ni kuya. Hala patay siz! Papatayin ako jusko!

"Pero syempre, dadaan muna sa akin lahat ng susubok manakit sayo. Hindi ako papayag na mapahamak ka kaya sabi ko gagawa ako ng paraan. Kaya ito ang naisip kong paraan. Ang maging isa ka sa amin. Akala ko hindi ka papayag. Salamat at pumayag ka." Natouch naman ako sa sinabi ni kuya.

Haaaay, sarap pala magka kuya.

"But don't worry. Hindi ko hahayaan na madungisan ang kamay mo. I'll do the dirty job. Mamaya, ipakikilala na kita sa grupo."

Agad naman akong kinabahan don. Hala, may pagpapakilala na kaagad! Baka patayin nila ako pag nakita nila ako!

"Hala! Baka barilin naman ako agad kuya ah?!" Nag-aalala kong tanong. Wag nyo akong sisihin kung napaparanoid ako noh!

"Haha, they won't. Akong bahala sa'yo. Ditch your class muna for today, para makapagready ka to meet them."

Saan ka nakakita ng kapatid na pinagdiditch ka sa klase? Yeah Axel Castro everyone. The one and only pfft.

"Oh, and one more thing Xie. I need to tell you something."

Nakakakaba na talaga kung magsalita si kuya kainis!

Ano nanaman ba sasabihin neto?!

"You should control your emotions once you become an agent. Walang lugar ang awa, pagmamahal at takot sa trabaho natin. We should be hard as a rock, cold as snow, brave as a lion."

Tumango tango naman ako sa sinabi ni kuya.

"At isa pa, mag isip ka na ng codename mo. Dahil dito, hindi tayo pwedeng makilala sa tunay nating mga pangalan. They only know us as our codenames. So come up with a codename. "

Woah, astig naman non. May pa-codename. Hahaha! Hmm, ano kaya?

Mag search nalang ako mamaya.

Natapos na kaming kumain ni kuya kaya naman ako na ang naghugas ng mga plato.

Matapos nito ay naligo na ako agad at naghanda dahil nga sa imemeet ko na ang mga kasamahan ni kuya.

Di ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko pero naeexcite ako. Hahaha!

Naghanap na ako ng maayos na isusuot para pag nakita naman ako ng mga kasamahan ni kuya ay di ako patayin agad. Kailangan ako pinaka astig dun!

Ay teka, nakalimutan kong itanong kay kuya kung ako lang ba ang babae sa grupo? Hmm. Sana hindi para naman may ka girls talk ako kahit di naman ako girly hahaha!

Nakahanap ako ng black vneck long sleeves na teternohan ko ng black fitted pants with matching black boots. Odiba! Pwede na akong masama sa mga men in black! Hahaha!

Sinuot ko na ito at naglagay na rin ako ng konting make up at dark red lipstick. Grabe, this is not so me. Di ko makilala sarili ko, parang ibang tao na ang kaharap ko sa salamin. Well, parte to ng plano ko para naman matanggap ako sa grupo. Kailangan magmukha akong maldita haha!

Nagspay na din ako ng paborito kong pabango. Oh yes, I'm fcking ready!

Ay wait! Magsesearch pa pala ako mg codename ko.

Hmmm, kinuha ko ang phone ko at nagsearch na sa google.

'Names with unique and cool meaning'

scroll down

down

down

down

down

down

The name Mara is a girl's name of Hebrew, Czech origin meaning "bitter". Mara is the evocative ancient root of Mary.

Hmm, mukhang astig na to ah. Tutal bitter naman ako hahahaha!

Sige, Mara na ang codename ko.

So nang mapagpasyahan ko nang maayos na ang suot ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at dun ko nakita si kuya sa baba na mukhang ready na din.

Omfg. Ang hot ng kuya ko shems!

Para siyang isa sa mga men in black!

Naka tuxedo na black with necktie. Nakashades pa! Tae, agent na agent ang datingan hahaha!

Bumaba na ako ng hagdan at nagulat si kuya sa itsura ko.

"Woah, Xie? Ikaw ba yan?" Gulantang na tanong ni kuya.

Napasmirk naman ako.

Tss, small thing.

"Nah. Mara. My name's Mara." Sabi ko sabay suot din ng shades at umawra na animo'y isang agent.

Shet nakakaexcite! Feeling ko nasa movie ako hahaha.

Napangiti naman si kuya, di halatang proud saken ah? Hahaha!

"Nice." Sabi nito bago ako inaya palabas.

"Shall we, Ms. Mara?" Tanong nito, kinuha ko naman ang kamay niya bago tumango.

Sumakay na ako sa kotse ni kuya.

At nang paandarin na niya ang sasakyan ay naalala ko ang tanong na dumapo sa isip ko kanina.

"Kuya! May tanong pala ako." tanong ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako mula sa rear view mirror. Siya kasi nag ddrive habang ako ay nasa likod.

"Ano yun?"

"May babae ba bukod sa akin? I mean, you know, para hindi ako ma-OP?" Hehe, sana meron.

"Sorry, wala. Ikaw ang only rose among the thorns. Haha" Sagot ni kuya.

Nalungkot naman ako bigla. Hay, OP na this.

Napatingin na lamang ako sa bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan.

Hanggang sa may pumasok ulit na tanong sa isip ko.

"Kuya, ano pala codename ng mga boss natin? I mean, you know para naman hindi ako clueless pag dating natin doon." Nakakahiya naman kasi kung pagdating ko dun, di ko sila kilala diba.

Sumagot naman si kuya at inisa isa ang mga pangalan ng lahat ng kasama pero dalawang pangalan lang ang tumatak sa akin.

Odysseus at Sidero.

"Kuya sino na nga ulit si Odysseus at sino si Sidero?"

"Si Odysseus ang pinaka boss natin. Hindi pa namin siya nakikita personally. Si Sidero, siya ang kumbaga assistant ng pinaka master natin. Siya rin yung nakakausap namin. Pero tulad ni Odysseus, masyadong secretive din si Sidero. He always wear his black mask everytime na magtatawag siya ng meeting. So in short, hindi ko or namin kilala ang itsura nila"

Woah, astig. Grabe, nakaka overwhelmed naman. Parang ang thrill neto. Di namin makikita ang mukha ng mga boss namin? Hmm, pero itong si Sidero pag nakita ko yun nako tanggalin ko agad maskara non hahahaha charot.

Ay siyangapala, hindi ko pa alam codename ni kuya ah.

"Teka nga kuya, eh ikaw? Ano codename mo? Daya mo ha. Di mo sinasabi hmp." Kala mo makakalagpas ka ah.

I saw him wear his smirk before he answered my question.

"Greg. Codename's Greg."

-----

Waaahhh!!!! Nareveal na!!!! HAHAHHA! yes po opo tama po kayo, nawindang kayo? HAHAHA! Yes. Si Axel Castro na kapatid ni Rox at ang Greg na nameet ni Alexa sa tinder ay iisa. :)

Mindblown ba? HAHAHA! Umpisa pa lang yan sa mga big revelations q. HAHAH!

If you want to backread kung saan ang first exposure ni Axel aka Greg, it's on chapters 33 and 34. :)

May pahint na kaya ako. Yung tattoo sa leeg, may binanggit ako sa chapter 33 regarding doon. Tapos portayer ni Axel, may tattoo sa leeg. So akala ko may makakahula pero mukhang wala HAHAHA! so yun!

CODENAMES WITH THEIR MEANINGS.

Mara - The name Mara is a girl's name of Hebrew, Czech origin meaning "bitter". Mara is the evocative ancient root of Mary.

Sidero - The name Sidero is a Latin name which means 'evil nymph'.

Odysseus - The name Odysseus is a boy's name of Greek origin meaning "wrathful"

Greg - The name Greg short for  Gregory comes from the Greek Gregōrios, derived from the verb “gregōrien” meaning 'watchful, vigilant'.

Hope you like this UD!

~foreverbaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top