AGKWC 50 - AXEL (Part 1)
ROXIE CASTRO
Nakakainis naman! Alam niyo kung bakit? Eh nagising kasi ako ng maaga! Alam niyo naman na always late ako tuwing may klase. I'm very proud of that mwehehe. Pero ngayon?! Ugh! Saktong 6am ako nagising! Badtrip naman oh!
Tsaka ang bagal naman ng araw putakte! Tuesday palang?! Wala na bang ibibilis 'to?! Pwedeng Sabado na? At bakit andami kong reklamo? Eh kasi iritado talaga ako ngayon! Kung bakit naman kasi mas nauna pa akong nagising kesa sa pagtunog ng alarm ko. Ano oras alarm ko? 7:30am. Pasok ko? 7:30am din. Pag pinipikit ko naman yung mata ko, hindi na rin ako makatulog. Peste.
So no choice, padabog akong bumangon. Hindi pa gaanong maliwanag nang sumilip ako sa may bintana, pataas palang ang araw. Ugh, di ako sanay. Mas sanay akong tirik na ang araw pag nagigising ako. Kinuha ko muna ang cellphone ko to check if may notifications ako or texts or calls.
Hmm, okay wala. Mukhang hindi ako important huhu. Charot.
Padabog kong binitawan ang cellphone ko sa kama at dumeretcho sa CR. Naghilamos na muna ako bago naisipang bumaba para i-check kung nakapagluto na ba si kuya ng agahan.
Pagbaba ko sa hagdan ay naaamoy ko na ang mabangong niluluto ni kuya. Naramdaman ko agad na kumulo ang tiyan ko. Senyales na nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
Napaluwa ang mga mata ko ng makita ko si kuya.
He's topless for hella sake!
Kitang kita ang mga tattoos niya sa katawan which made him look even hotter. Ang yummy niya. Kaso kuya ko siya eh. So, ewwww.
He's on his manbun at naka suot lang siya ng apron and his muscles are on point. Samahan mo pa ng mga astig na tattoos niya. Nakakapagtaka tuloy kung bakit wala pa siyang pinapakilalang jowa sa akin. Bukod sa pangit na ex niya. Kala mo kagandahan. Mukhang uod naman. Ano na bang pangalan ulit nun? Balyena? Valenya? Ahh basta uod.
"Kuya! Wear a shirt for goddamn sake! Walang pokpok dito na susunggab sa'yo." Iritadong sabi ko sa kanya at umupo na ako sa may dining area.
Halatang nagulat naman si kuya dahil nakita kong napadami ang lagay niya ng paminta. Pfft.
"Oh shit! Xie! The fuck?! Do you really need to scare the shit out of me? Tignan mo ginawa mo. Parang tanga e."
Pfft. Ang aga aga, badtrip na din siya hahaha! Yes! At least di lang ako ang masama ang umaga! May kasama na ako!
"Ako? Ginawa ko? Wala naman akong ginagawa ah. Pinapasuot lang kita ng shirt dahil ang laswa mo tignan. Di pa ako kumakain, nauumay na ako pag nakikita kita." Bara ko sa kapatid ko. Ganito talaga kami mag usap. Siya lang naman 'tong pasweet sa' kin kung minsan. Diring diri nga ako pag nilalambing niya ako. Kadiri kasi.
Mukhang patapos naman na si kuya sa pagluluto dahil nilalagay na niya ang niluto niya sa plato.
"Umay ka kamo? Sige wag kang kumain." At inirapan ako ng kuya ko. Wtf? Bakla ba 'to.
Nilagay na ni kuya ang niluto niya sa hapagkainan at umupo na siya sa tapat ko.
Napatitig naman ako sa niluto niya.
"Ano naman tong niluto mo kuya?" Tanong ko sa kanya.
Sa halip na makakuha ako ng matinong sagot, eh kabaliktaran ang nakuha ko.
"Wag mo nang tanungin. Hindi ka rin naman kakain. Panoorin mo nalang ako." at sumubo na siya.
Ngayon ko lang napansin, wala pa akong plato, kutsara, tinidor at baso! Bwisit talaga to!
"Kuya!!"
And take note, topless pa rin siya.
Sa inis ko, sinipa ko ang kung anuman ang masipa ko sa kanya since magkatapat naman kami. Tumayo ako at ako na ang kumuha ng sarili kong plato at kutsara.
"Oh anong ginagawa mo? Bitawan mo yan. Hintayin mo nalang akong matapos kumain tapos ikaw na maghugas." Dagdag pa niya. Inaasar niya talaga ako! At nagtatagumpay siya!!
Hinarap ko siya. "AXEL CASTRO!!"
Nakita ko naman siyang di na makahinga kakatawa. Habang ako eh umuusok na ang ilong sa sobrang bwisit ko sa lalaking to. Bakit ko ba naging kuya to.
"Mabilaukan ka sana letche ka!" bulyaw ko at kumuha ng Pancit Canton sa cabinet sa kusina.
Magluluto nalang ako ng sarili kong pagkain!
"Hahahaha! Sis, you look so awfully cute. Specially when you're pissed." Rinig kong sabi niya pero di ako humarap o sumagot. Nakatalikod pa rin ako sa kanya habang nagpapakulo ng tubig. Tinaas ko nalang ang ring finger ko. Middle finger sana kaya lang baka mabugbog ako ng kuya ko kaya ring finger nalang. Same meaning naman for me eh. Lol.
"Omelette. That's what I cooked. Puro ka nalang kasi scrambled egg. So plain. Don't you think you need to add a little spice to spice it up?" Ahh. Omelette pala.
Ano yun? Teka search ko nalang mamaya. Pero mukha din lang naman siyang itlog. Pakaarte.
Matapos maluto ng pancit canton ay nilagay ko na to sa bowl tsaka ako bumalik sa dining area at umupo. Nandun pa rin si kuya.
"Ba't nga pala ang aga mo ngayon? Himala ah. May lagnat ka ba?" At aktong chineck niya ang temperature ko sa pamamagitan ng pag lagay ng likod ng palad niya sa noo ko. Agad ko naman itong iniwas.
"Wala akong lagnat." Sagot ko na base sa tono ko, bwisit pa din ako sa kanya.
Sinimulan ko nang lantakan ang pancit canton ko at shet ang sarap huhu or gutom lang ako. Sinabay ko na rin ang pagkain ng omelette.
At dahil sa inaasta ko. Nginitian lang ako ni kuya at ginulo ang buhok ko.
"Bilisan mong kumain, ihahatid pa kita. I'll drop you off your school before I'll get to work."
Napatingin naman ako agad sa kanya with matching taas kilay.
"Ano ako, bata? Ba't kailangan mo pa akong ihatid?! Para kang tanga"
Sasagot pa sana siya nang biglang magring ang phone niya.
Kinuha niya ito at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Ang kaninang mapang asar na mukha niya ay napalitan ng seryoso at nakakatakot na awra.
Tumayo siya at lumabas ng bahay, mukhang ayaw niyang malaman ko kung sino kausap niya.
May jowa na kaya si kuya?
Luh, kawawa naman yung babae.
Hmm. Kinalikot ko nalang din yung phone ko. At nagulat ako dahil may notif nanaman ako.
1 message unread.
May feeling na ako kung sino to. Si foreigner. Pfft, haaay, lakas talaga ng alindog ko.
Blue Collins
Good Morning Beautiful Lady.
Luh sya. Pafall!
Roxie Castro
Morning.
Blue Collins
Why? Is there something wrong?
Roxie Castro
Huh?
Blue Collins
Based on your chat, you don't seem so well today. What's wrong?
Ay wow. Fortune teller ka teh? Sige pahula naman kelan ka malalagutan ng hininga!
Roxie Castro
No, I'm good.
Blue Collins
You sure?
Roxie Castro
KULIT NAMAN NG LAHI MO
Blue Collins
Hmmm, I guess it's a yes.
Roxie Castro
What do you want
Blue Collins
???
Roxie Castro
Chatting me eary this morning? It seems that you needed something from me.
Blue Collins
Ohh, you really think I needed something from you? That hurts huh.
Roxie Castro
Why? Am I wrong?
Blue Collins
Nah. You're right. I needed something from you.
Roxie Castro
Ay bilis umamin ah. May kailangan pala ampota.
Blue Collins
Won't you ask what is it?
Roxie Castro
Virginity ko ba
Blue Collins
Pfft. You're getting naughty huh. No I wasn't referring to that. Though, I am willing to get it, if you'll let me? Haha.
Kita mo na bastos.
Roxie Castro
Pervert!
Blue Collins
Haha I'm just kidding. Anyways, I called the number you gave me last night.
Ay hala tinawagan si kuya hahahahhaahahahahahha
Roxie Castro
and?
Blue Collins
Is your voice really manly?
Pfft.
Roxie Castro
HAHAHAHAHAHA! Tangina! HAHAHAHAHA
Blue Collins
Are you a transgender?
Roxie Castro
Hahahahahhahaha! Kingina sakit mo sa tiyan!
Blue Collins
Great, now you laughed. I made you happy in an instant. I can make you happy for the rest of your life too. ;)
Roxie Castro
Ulul.
Blue Collins
Hey, can I request something?
luh may parequest, ano to, gig?
Roxie Castro
What
Blue Collins
Can we have a video call later? I badly wanna see you. :(
Hoy alam ko na mga ganyan ah, baka ipakita mo lang si taguro mo. Ay jusko umay!
Roxie Castro
Ayoko nga. Why would you like us to vc?
Blue Collins
To make sure you're not a guy or transgender?
Roxie Castro
Gago ka ah!
Blue Collins
Kidding. I just wanna see you. That's all. I wanna see how my future wife looks like.
Roxie Castro
Mama mo future wife nga
Blue Collins
I gotta go. Will video call you later. Have a good day ahead milady. :*
"Xie."
Agad akong nabalik sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni kuya.
Shit, kanina pa ba siya nandito??
"K-kuya" taena ba't ako nauutal?!
"Sino ka-chat mo at abot tenga ang ngiti mo?"
Ngiti ampota. Ako? Ngingiti dahil sa foreigner na asul na yon? Duh.
"Utot. Anong ngiti. Wala akong kachat." Pagtanggi ko.
Tinignan lang ako ni kuya.
"Okay lang magkajowa ka. But please, make sure he would be in the same level as me. Taasan mo naman standards mo. Sa sobrang hot ng kuya mo, mahiya ka naman kung mukhang tubol ang jojowain mo"
Napakahangin.
Bakit ba ganyan ang mga lalaki? Pag-untugin ko sila ni Dric e. Parehas mahangin.
"Wala akong balak magkaroon ng jowa. Alam mo yan kuya. Sakit sa ulo lang mga lalaki." Sagot ko. Totoo naman eh. Halos lahat, mababaliw na dahil lang sa pag ibig. Duh, eh sila din naman dahilan ng heartache nila. Nagpakatanga sila sa lalaki. Parepareho lang naman silang lahat. Tss.
"So you consider me that way?" Napairap nalang ako.
Iniba ko nalang ang usapan.
"So sino yung kausap mo kanina? May jowa kana? Sana naman hindi na kasing panget ni Valyena."
Sinamaan niya ako ng tingin
"It's Valerie. Valyena the fck?" Tatawa tawa niyang banggit.
Eh malay ko kung ano pangalan ng uod na yon.
"And I don't have a girlfriend. I don't have time for that. It's my boss." At muli nanumbalik ang awra niyang nakakatakot.
Tumingin siya sa akin ng seryoso kaya bigla akong natakot.
"Xie, I know you heard everything last night. I also know that you got curious about it. Wanna end that curiosity?"
Bigla akong kinabahan.
Sasabihin na ba ni kuya ang totoo?
Kung ano ang trabaho niya?
Pero bakit natatakot ako?
Diba gusto ko namang malaman ang lahat?
Walang pagdadalawang isip na sinagot ko siya.
"Yes. I wanna know everything."
Sana hindi ko to pagsisihan.
"But let me warn you. Once you know the truth, you will already be part of it and there's no turning back." Pagpapatuloy ni kuya.
Shit, ano ba to?! Krimen ba to ha
"Kuya parang tanga nananakot. Ano na kasi! Pabitin pa e" Pag aalis ko ng nakakatakot na tensyon.
Pero wala, nakakatakot pa rin si kuya ngayon.
"I'm dead serious Xie. These tattoos represents what kind of game I'm playing."
Bawat salitang binibitawan ni kuya ay hindi ko maintindihan.
Naguguluhan ako pota.
"Tattoo artist ka?" tanong ko.
Napaface palm naman si kuya. Eh kasi sabi niya ung tattoo represents blah blah eh!
"Castro. I am fcking serious here. Are you sure about this?"
Yes??
No??
Ugh!
"Fcking yeah."
I saw him smirked and he patted my head.
"That's my girl."
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Xie."
Hinintay ko ang susunod na sasabihin ni kuya.
At nagulantang ang buo kong pagkatao ng marinig ko ito mula sa kanya.
"I'm a secret agent."
----
ZELO ANGELO
Matapos kong maligo ay binilisan ko nang magbihis bago maagang umalis.
If you're thinking that I'd be in school right now then you're fcking wrong. Fuck school, I am already smart. Tss.
I was about to go to Faye's apartment today. I am dead serious when I said that I won't give up on her. I gave up once, I don't have the right to make it twice.
Pero baka wala akong maabutan sa apartment niya dahil Tuesday palang ngayon, baka pumasok na siya. Damn.
So I called Vendric.
"Yow yow wassup brader ma prend"
I rolled my eyes cause I can clearly imagine his gorilla face right on my mind.
"Stop making too much noise. Where are you?" I asked.
"Nasa loob na ni repapips. Papasok na, ikaw ba brader?"
Tss. Pasok pasok pa, bobo pa din naman.
"Ditch your class and come with me." Maawtoridad kong utos.
"Ha??? Oy brader kailan ka pa naging BI?" rinig kong pag angal niya.
I rolled my eyes again as a sign of my stress everytime I get to speak with him.
"Wag ka nang mag inarte. Gustong gusto mo naman talagang iditch ang klase mo. Wag mo akong artehan di ka babae, bakla ka."
Narinig ko pang may sinabi siya pero binabaan ko na agad siya ng telepono. I just texted him kung saan kami magkikita.
Before I rode my motorcycle, I received another text. It came from Sky.
Fr. Sky Lawrence
Tol, saan ka?
Nireplyan ko naman siya.
To: Sky Lawrence
Don't know yet. But I'll skip class. Why?
Fr: Sky Lawrence
Tara shot. Tangina tol broken ako.
To: Sky Lawrence
Sa dami ng babae mo, broken ka pa? Tubol ka ba.
Fr: Sky Lawrence
Gago seryoso ako tol. Nagkita na kasi kami ulit.
To: Sky Lawrence
Fine. But unfortunately, we'll be with Silva.
Fr: Sky Lawrence
Anak ng. Ge ge. Sige. See you bro.
Hindi ko na siya nireplyan. Tangina naman, magsisimula na nga akong suyuin si Faye, mauudlot pa.
Tarantado ka talaga langit panira.
Tinext ko naman si Silva
To: Vendric
Lawrence's apartment.
Fr: Vendric
Ha????? Bakit tayo pupunta kay langit?! Ano gagawin nanaman naten don ha?!
To: Vendric
Pupunta ka or I'll block you on facebook.
Fr: Vendric
Oy wag ganyan brader huhuhu. Sige na pupunta na hmp!
Pupunta din pala eh. Kaartehan.
I rode my MonsterX and drove off to Lawrence's Apartment.
Kumusta na kaya si Faye? I hope she feels way better now.
Pagkarating ko sa apartment ni Sky ay naamoy ko na agad ang alak na nanggagaling sa loob.
Fck. I think he is already wasted.
He is really damn heartbroken.
Pumasok ako ng gate niya dahil bukas ito.
Nagtataka ako kasi napaka-mausok ng buong apartment niya.
Is he now smoking?
"Lawrence." tawag ko sa pangalan niya at dun ko siya nakitang nakayuko sa lamesa at may limang boteng wala nang laman na nakapatong.
Napaangat ito ng ulo at bakas sa mukha niya na galing ito sa pag iyak because his eyes are swollen and he really looks like hell.
"T-tol nandito ka na hehehe" Lasing na sabi niya. Hawak ang isang bote ng alak sa kaliwa habang ang kanang kamay niya ay may hawak na sigarilyo.
Tss. Alagain.
"Lawrence that's enough. You're already drunk." Sabi ko sa kanya pero hindi siya nagpapigil.
Yumuko siya ulit at kinapa kapa ang lamesa, hinahanap ang isa pang bote ng alak para ialok ito sa akin.
"Bro, take a shot" he told me while he tried to give the bottle to me.
Kinuha ko ito at tinungga.
Ugh, the spirit feels good.
Umupo ako sa tapat ni Lawrence as I watch him look like an idiot.
I twisted the bottle for like multiple times as if I am playing with it. As much as I want him to tell me what happened, I don't think I can get an answer from him at his state now.
Later on I heard a car parked in front of Lawrence's apartment. I think it's the gorilla.
"Brader??? Langit???? Bakit mausok?! nasa langit na ba ako ha? "
See?
Tss.
"Pumasok ka na tanga" I calmly said.
I heard his footsteps all the way inside. And then he saw us.
"Brader! Teka, anyare kay langit? Bangag? tsaka ba't ang usok? hala naninigarilyo si langit?! " he shouted. Minsan talaga hinihiling ko nalang na maputol nalang bigla yung dila niya para mabawasan maiingay sa mundo.
Binaba niya ang dala niyang bag. And for pete's sake, he's still in his crap uniform. Di manlang nagpalit. Tanga talaga.
Lumapit ito sa amin at akmang kukuha na sana ng isang bote when I stopped him.
"Magbihis ka muna gago. Kung maglalasing ka, siguraduhin mo namang hindi ka magmumukhang nag ditch." Kabadtrip katangahan ah.
Bumusangot nanaman siya and he fcking crossed his arms as if he was a kid.
"Damot Zelo damot!" He repeatedly said while making his way to the CR with his bag.
Tss. Bibihis din naman pala.
Binalik ko ang tingin ko kay Lawrence at sa di sadyang pagkakataon ay napatingin ako sa cellphone niya.
Mainit pa ito so meaning he just used it. Hmm, him being asleep right now doesn't mean I could no longer get information.
Kinuha ko ito at tinangkang buksan and unfortunately it has a passcode.
Oh jeez, sino nga namang tao ang hindi lalagyan ng passcode ang phone.
I tried to unlock his passcode but I failed two times. One left and his phone will be totally locked.
I tried to remember something important to him that he shared with me.
Ahh!
Wala siyang kwinekwento badtrip.
Pati nga yung dahilan ng pagiging playboy niya, di ko alam eh. Tapos ngayon madadatnan ko siya dito na broken? Nakakagago diba.
I tried his birthday as the passcode and boom! It opened.
Lol, really Lawrence?! You used your birthday as a passcode? Idiot.
As his phone unlocked, bumungad sa akin na nasa convo siya ng nagngangalang "Ina".
I suddenly felt chills as a thought came into my mind. Hindi. That's impossible.
Sa mga huling bahagi ay si Sky lang ang nagsesend ng texts. He's begging this 'Ina' to let him explain. He's begging for them to meet in person and he'll explain everything and multiple sorrys.
Cringe feels, but then I realized, we were on the same situation. We are begging for someone to open their ears and listen. But ganun ba talaga ang mga babae pag nasasaktan? Nagiging sarado na sa kahit anong eksplenasyon.
Hindi naman siguro tama ang iniisip ko sa Ina na yun?
Baka kapangalan lang talaga ni Divina.
Speaking of Divina, since the meet up, I never had the chance to talk to her again. After what happened, after she confessed her feelings about me, and how everything got messed up. Few days ago, I was so madly interested and inlove with Divina since the day we met. And now, I got to meet my first love again, and my feelings came back.
The fck I'm gonna do?! I'm totally screwed up as fuck.
I like Divina, but I love Krystal, I still do.
And you know what the funny thing is? They're bestfriends for damn sake! Sa talino kong ito, hindi ko manlang narealize na ang Krsytal na sinasabi nilang kaibigan was the Krystal Faye that is my first love.
Pinatos ko ang dalawang magkaibigan? Damn kid! You suck!
"Oh eto na brader! Happy kana??" I heard Vendric sarcastically said.
Sa gulat ko ay naitago ko agad ang phone ni Sky.
Nilingon ko si Vendric at muntik na akong mabulunan sa sarili ko laway ng makita ko ang itsura niya.
Can you believe this?
He's wearing pajamas. Ternong brown pa. Tangina mukhang pinanindigan na niya ang pagiging unggoy niya pfft.
"What the fuck are you wearing Silva?" Tatawa tawa kong tanong sa kanya.
Inirapan lang niya ako at padabog na lumapit para kumuha ng beer.
"Wala kang pakialam brader. Kung inggit ka, bumili ka rin. Sale naman sa department store nung Sunday ba't di ka kasi bumili, naiinggit ka tuloy sa'kin ngayon" Sabay tungga ng alak.
Pustahan, isang bote lang, malalasing nanaman to.
"Me? You really think I'd be jealous of your outfit? Tss. Patawa ka masyado. No thanks. It suits you well though, mukha ka nang isang ganap na unggoy."
Nakailang bote ako ng alak bago ako nakaramdam ng konting hilo. But I'm not yet wasted, tipsy lang.
Tinignan ko si Silva at nakahiga na ito sa sahig at may natira pang mga tsitsirya sa bibig niya. Dugyot ampota.
Nang makita kong tulog naman na yung dalawa, I think this is the right opportunity to see what is going on with Sky.
Bumalik ako sa convo nila ng Ina na yon at iniscroll ko pababa para makarating ako sa pinaka una nilang convo.
And I saw them flirting with each other, ugh, so cringe.
But napakakonti lang ng convo nila, so I'm sure, kakameet palang nilang dalawa. Kaya ang pinagtataka ko, bakit nagdadrama ng ganito si gago kung bago palang silang magkakilala?
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa kong pindutin ang call sign sa convo nila.
Nakaramdam ako ng kaba sa di ko malamang dahilan habang nakikita kong dinadial ko na ang number ng Ina na yon.
I am secretly wishing na hindi nalang niya ito sagutin. And akala ko hindi na niya ito sasagutin but with the last ring, she answered.
"Hindi ka titigil? Hindi pa ba malinaw sa'yo? Ilang beses ko bang sasabihing we're done? Hindi na ikaw si Koykoy. Hindi na ikaw ang lalaking minahal ko so please just leave me alone! Stop pestering me!"
Napatulala ako nang marinig ko ang mga sinabi niya.
Hinde.
This is not true.
What the fck is happening.
Tangina?!
Nanginginig ang mga kamay ko at di ako nakapagsalita.
"O tapos ngayon hindi ka magsasalita?! Bullshit Sky! Ano?! Pinaglalaruan mo pa rin ba ako ha?!"
Why does it have to be her?
Bakit?
Why is our lives so complicated as fck?!
"D-divina?" Sa wakas ay nakapagsalita ako.
At biglang tumahimik ang kabilang linya.
Pareho kaming natahimik ngunit wala ni isa sa amin ang nagtangkang patayin ang telepono.
Ilang minuto ang makalipas ng marinig ko siyang magsalita.
"Z-zelo?" Halata sa boses niya na nanginginig din siya ngayon.
Pareho kaming hindi makapaniwala.
"P-papaanong--" Maging siya ay naguguluhan na din.
"M-magkakilala kayo-? p-paanong-- bakit" Paputol putol niyang tanong.
Hindi na ako sumagot o nagsalita pa at binaba ko na ang tawag.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ba ako? Naguguluhan? Gulat?
Damn, gulung gulo na ang utak ko.
Paanong magkakilala si Sky at Divina??!
Bakit di ko alam?! Magkababata kami pero bakit di ko alam ang tungkol kay Ina?!
Lawrence.
You gotta wake the fck up and you really need to explain everything to me before I cut your head off.
----
Sorry delayed ang ud! Dapat kagabi pa huhu. At dahil diyan, I will have a double update!
Second update will be published later!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top