AGKWC 49 - SECRET REVEALED

ROXIE CASTRO

Nakakapagod naman 'tong araw na' to takte. Hayop kasi. Ikaw ba naman makasama mo ang dalawang aso't unggoy sa loob ng isang araw. Sinong hindi mapapagod sa kaingayan nilang dalawa?!

Pero aaminin ko masaya naman maging third wheel nila. Saya nilang panoorin pag umiiral katangahan nila. Hahaha!

Nakauwi na ako dito sa bahay.
Mag-isa ko lang dito ngayon dahil ang  mama ko ay nasa HongKong. DH or Domestic Helper ang Mama ko sa HongKong. Si Papa naman, maaga syang namaalam sa mundo. Sabi ni mama, nung ipinagbubuntis pa lamang nya ako ay nawala na si papa. Namatay daw dahil sa car crash. Nagmamaneho daw si papa pauwi galing trabaho nang bigla daw nawalan ng preno ang minamaneho nyang sasakyan ayon sa imbestigasyon.

Kaya kami lang ng kuya ko ang magkasama ngayon dito sa bahay. Almost 10 years na din na hindi umuuwi si mama ng Pinas. Hirap daw kasi siya na makauwi. Hindi daw siya pinapayagan ng amo niya. Pero okay lang naman sa amin ni kuya yun. Sanay naman kami na walang magulang.

Teka, asan nga ba si kuya? Gabi na, san naman pupunta yun.

"Kuya Axel?"

Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot.

Hmm, asan kaya yun.

Nagpunta ako sa kusina dahil nagugutom ako, nagbabakasakaling nagluto si kuya

Pag-alis ko ng cover sa may mesa ay may naluto nang adobong manok at kanin.

Hay, sakto nagugutom na ako.

Napagpasyahan kong kumain na muna bago magbihis dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom ko.

Eh kape lang naman inorder namin dun sa coffee shop eh. Sinong mabubusog dun tsk.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na rin agad ang pinagkainan ko at umakyat na sa taas.

Sinubukan ko munang magpunta sa kwarto ni Kuya Axel.

Kakatok na sana ako ng may marinig akong mahinang mga bulong kaya naisipan kong mag eavesdrop sa kwarto niya.

Nilapit ko ang tenga ko sa pinto.

'Oo, wag kang mag-alala. We're safe.'

'Ako pa ba? Wala ka bang bilib sa akin boss haha.'

'Oo oo, basta walang madadamay sa pamilya ko, walang magiging problema'

Hindi na ako nakapagpigil, pinihit ko nang pabukas ang pintuan.

"Kuya? Sino kausap mo?"

Nakita ko naman si kuya na nakasuot ng earpods nya at hawak ang phone nya. Nakatingin sya sa akin na halatang hindi niya ako inaasahan.

Pero nawala din ang gulat sa mukha niya at napalitan ito ng ngiti.

"Oh Xie kanina ka pa dyan? Miss mo ba si kuya ha?" At akmang lalapitan nya ako para halikan pero tinulak ko lang sya.

"Lumayo ka nga kuya kadugyot mo!" Umupo ako sa kama niya at hinihintay pa rin ang sagot niya.

"Sino nga kausap mo kuya? Ano ba yang trabaho mo?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni kuya na dahilan para makaramdam ako ng konting kaba.

Lumapit siya sa may pinto at hinawakan ang doorknob bago magsalita.

"Don't bother on things which you don't belong. Ang mahalaga, nabubuhay tayo ng tayong dalawa lang. Pagkatiwalaan mo ako, kuya mo ako. I won't let anyone harm you. Okay? Just trust me."

Hindi.

Hindi ko pa din maintindihan.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay kuya ko pero, alam kong may tinatago siya. At gusto ko yun malaman.

At gagawin ko ang lahat, malaman ko lang ang sikretong yun.

Pinihit na nya ang pinto.

"Now respect my privacy. Leave, Xie."

Wala na akong nagawa kundi lumabas na lang ng kwarto ni kuya.

Inirapan ko siya bago lumabas.

Aalamin ko ang tinatago ni kuya.

Kung hindi nya sasabihin sa akin, pwes gagawa ako ng paraan para malaman ko yun.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagshower.

Nagbihis na rin ako ng pantulog ko.

Pagod ako ngayon pero hindi ako makaramdam ng antok. Ugh!

Nakakainis sa pakiramdam na gusto mo nang matulog pero di ka makatulog dahil hindi ka inaantok.

Hay, magpapaantok nalang ako.

Kinuha ko ang gitara ko na nakasabit sa wall.

Namiss ko ding maggitara talaga.

At isa sa mga paborito kong tinutugtog ay ang Still The One ni Shania Twain.

I started playing the guitar.

Looks like we made it

Look how far we've come my baby

We mighta took the long way

We knew we'd get there someday

They said, "I bet they'll never make it"

But just look at us holding on

We're still together still going strong

You're still the one I run to

The one that I belong to

You're still the one I want for life

(You're still the one)

You're still the one that I love

The only one I dream of

You're still the one I kiss good night


Missed singing tho. Haha.

Itinabi ko na muna ang gitara ko at kinuha ang phone ko.

Balak ko sanang magML nang biglang may magnotif sa facebook ko.

I opened my Facebook Account at nakita ko may 1 friend request ako.

Huh?

Who the hell this might be.

Pinindot ko ito at litrato ito ng isang lalaki.

Gwapo naman. Pero di ko trip.

Blue Collins

Wow. Foreigner?

Jowain ko kaya to para instant yaman.

Hahaha! Charing!

I chose to accept his friend request dahil mukha naman siyang matino.

At wala pang isang segundo eh nagpop up ang chathead nya.

Wtf?

Bilis naman.

So sige pinindot ko ang ulo niya.

Blue Collins

Hey, thanks for accepting.

Gusto ko sanang replyan ng "Sure no problem, gusto mo pati sa buhay ko pumasok ka na e" Kaya lang foreigner nga pala, di nya rin maiintindihan Hahahaha!

Roxie Castro

Hi, you're welcome. :)

Blue Collins

I'm Blue btw. 🙂

Replyan ko to ng "Alam ko, di ako bulag" eh.

Roxie Castro

Oh yeah hi Blue, I'm Rox. 🙂

Blue Collins

Yeah obviously, I can see your name haha.

Nakngputa. Gago to ah.

Roxie Castro

Oh really? Sorry, I thought you are blind. Lol.

Blue Collins

Before, maybe. But not anymore. Since I already found you. 😉

Ampucha. Malandi! Hoy Rox, wag kang gumaya kay Alexa na marupok! Baka poser yan! Matanda na pala tapos naghahanap lang ng mag aalaga sa kanya!

Roxie Castro

Ha ha. I think you're too old for that corny stuffs.

Blue Collins

You think I am?

Roxie Castro

Ay hinde. Taena kanina pa dumudugo ilong ko sa'yo ah. Pati utak ko! Letcheng pag-eenglish to!

Blue Collins

Huh? Are you mocking me?

Mabuti nalang hindi nakakaintindi to ng tagalog hahahaha

Roxie Castro

No. I said I really am grateful to meet you. Thanks for adding me.

Blue Collins

Oh, haha. You're welcome. I find you attractive btw. I think we can make a good couple.

Ay tangena. Wala manlang preno. Napakabilis ng galawan ng hilaw na to.

Roxie Castro

Ha ha. Sorry to spoil your thoughts but I don't think so, Yes I know I'm attractive. But we can't make a good couple.

Blue Collins

Why not?

Roxie Castro

Kasi mukha kang hilaw.

Blue Collins

????

Roxie Castro

Malandi kang gago ka.

Blue Collins

Hey?

Roxie Castro

I gotta go. I have an important thing to do.

Blue Collins

What's more important than talking to your future man eh?

Roxie Castro

Ulul mama mo future man

Blue Collins

I'm starting to think that you're saying bad things.

Roxie Castro

No I'm not. I really gotta go, Mr. Blue.

Blue Collins

Hmmm. Okay, can I get at least your phone number?

Roxie Castro

Number ng kuya ko gusto mo

Blue Collins

Is that a yes?

Roxie Castro

0906*******

Blue Collins

Woah. Thanks! Gotta call you later, milady.

Roxie Castro

Sure, enjoy kayo ni kuya ko. hahahahaha

Blue Collins

😘😘

Hahahaha! Mukhang magkakalove life na kuya ko. Pfft.

Hay makapag ML na nga! Istorbong hilaw yan.

------

AXEL CASTRO (Rox's brother)

Shit!

Lintek na yan.

Narinig ako ng kapatid ko.

For sure narinig nya ang lahat.

Tangina naman.

Kilala ko si Xie.

Alam kong di pa rin maalis sa isip nya ang narinig nya and when her curiosity strikes, hindi sya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo.

Agad kong tinawagan si boss ng makalabas si Xie sa kwarto ko.

*ringing*

"What now?"

"Boss, may problema."

Narinig kong nagkasa ng baril si boss. Nasa shooting range ata sya ngayon.

"Akala ko ba sabi mo you can handle it, na we're safe and there's nothing to worry about? Are you nuts?! Want me to blow your fcking head off?!"

Puta naman kasi.

"Narinig ng kapatid ko ang usapan natin kanina. And knowing her, mukhang kakainin sya ng curiosity nya at di sya titigil hangga't di nya nalalaman ang lahat ng to."

Narinig kong nagmura si boss. Malilintikan ako pag hindi ako nakaisip o nakagawa ng paraan.

"Kill her."

Nagulantang ako sa sinabi ni niya. Putangina. Gago ba sya?!

"Boss huminahon ka. May naisip akong paraan. Huwag na huwag mo ipapapatay ang kapatid ko."

I tried to remain calm while talking to him. Kahit gusto ko nang basagin ang bungo nya dahil sa huli nyang sinabi.

"What's more effective than kiling an obstruction."

Napakuyom ako ng kamao bago sinabi ang naiisip kong paraan.

Panandalian syang natahimik at mukhang nag isip.

Hanggang sa nagbigay na sya ng pasya.

"Alright then. But if this plan of yours fail? Ako mismo papatay sa kapatid mo. Mark my words, dumbass."

Agad kong binaba ang telepono.

Sorry Xie.

Hindi ko gustong madamay ka.

Pero wala akong choice.

Kundi papatayin ka nila.

Patawarin mo si kuya.

Mahal kita kaya kailangan kitang protektahan.

Sana maintindihan mo.

----
DIVINA MARIEL

Tahimik kaming kumakain na dalawa ni Sky. Hindi ko alam kung nakakaramdam siya sa akin dahil sa biglaan kong pag tahimik at pag iwas ng tingin sa kanya.

Hindi ko maitatanggi na masarap magluto si Sky. We're eating tuna pasta which he cooked. Ang sarap. Kung hindi lang dahil sa nakita ko kanina, malamang naeenjoy ko ang pag kain ko ngayon.

Napaparanoid ako. May nilutuan na rin kaya sya na iba liban sa akin? Oh cmon Ina. Sa tagal nyong di magkasama. Malamang! And ano bang big deal doon? Pinagluto lang naman.

Ughhh! Mamamatay na ako kaka overthink!

"Hey baby, you okay?" Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Sky.

Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang halo halo na. Kaba, takot, galit.

"O-of course. B-bakit naman hindi haha" Still awkward as fck. I'm so horrible at acting!

Kinuha at hinawakan ni Sky ang kamay ko dahilan para magkatitigan kami.

"Does anyone told you that you're horrible at lying?" Napataas ang kilay ko dahilan kaya napatawa sya ng mahina.

"Tell me Ina. What's bothering you?" And his eyes being sincere. Begging for my answer.

Sasabihin ko ba ang totoo?

Tatanungin ko ba?

Pero natatakot ako.

Natatakot ako sa isasagot nya.

Ayoko.

Ayokong masaktan nanaman.

"I told you, I'm okay. K-kinakabahan lang siguro ako dahil kay Mama. Dalawang gabi na akong hindi umuuwi diba."

Okay Ina. Mukhang okay naman ang palusot mo ngayon. Medyo realistic. Congrats.

Lumapit si Koy sa akin at hinagod anf buhok ko.

"Wag kang kabahan. Kung pagalitan ka man nya, so what? Wala ka namang ginagawang masama. Tandaan mo, sya ang may ginawang masama sayo Ina. She made your life miserable. Our life miserable. Sorry Ina for hating your mom. I'm really sorry."

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Pero hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako, masama ang loob ko sa nanay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyang sirain ang buhay ko. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng pagpapahiwalay niya sa amin ni Koy.

At alam kong malapit ko nang malaman yun.

Kukumprontahin ko si mama pag uwi ko.

"It's okay Koy. Hindi kita masisisi. I should be the one saying sorry. Kasi nadamay ka. Nadamay ka sa kasamaan ng nanay ko." I hugged him. To let him feel that I'm sorry.

He hugged me back.

Sana ganito nalang lagi.

Ang sarap sa pakiramdam.

Mayakap yung taong mahal mo at importante sa'yo.

Sana lang talaga walang ibig sabihin yung hikaw.

Sana nagooverthink lang ako.

I'm already okay now.

I don't think I can bear another heart ache.

Natapos kaming kumain at ako na ang nagvolunteer na maghugas ng pinagkainan.

Nung una ayaw pa ni Sky dahil gusto raw nyang pagsilbihan ang prinsesa niya.

Corny pero kinilig ako. Pero hindi ako pumayag.

Ayoko naman na wala lang akong gagawin dito. Nakitulog na nga ako, ayoko naman na hindi manlang ibalik yung utang na loob ko sa kanya.

So it's almost 9pm already at nasa loob na rin ng kwarto si Sky dahil pinagshower ko na rin siya dahil nga hindi na siya nagshower kanina at deretcho na siyang nagluto.

Natapos na akong maghugas at punasan ang lamesa. Paakyat na sana ako ng biglang may nagdoorbell.

Tinawag ko si Sky pero pagtulo lang ng tubig mula sa shower ang narinig ko mula sa kwarto. Mukhang naliligo na siya at hindi niya ako narinig.

Nahihiya man ay ako nalang ang nagbukas ng ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko.

Isang babae.

Isang babae ang ngayon nasa labas ng apartment ni Sky.

Who. the. fuck. is. this. bitch?!

"Hi! Nandyan ba si Sky?" Maarteng sabi ng babaeng uod.

Oo mukha siyang uod!

Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, ay tinanong ko din siya pabalik.

"Sino ka?" Tanong ko na may halong pagtataray.

Pinaparamdam ko sa babaeng uod na 'to na hindi ako natutuwang makita siya.

Pero mukhang makapal ang balat ng babaeng' to kasing kapal ng blush on niya ngayon at hindi makaramdam.

Nakangiti lang siya sa akin bago nagsalita.

"I'm Valerie. Sky's girlfriend. Ikaw? Sino ka? Bago niyang maid?"

Bigla akong nakaramdam ng galit. Tila may kung ano sa loob ko na naghihimutok na lumabas. Parang anytime ay magwawala ako.

Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil sa tinawag niya akong maid or dahil sa sinabi niyang girlfriend siya ni Koykoy.

PUTANGINA?!

Do I look like a fucking maid?!

Pero sa halip na sampalin siya o sabunutan siya, eh may iba akong naisip na gawin.

Mula sa maitim na awra ko ay bigla akong ngumiti ng napakalawak sa kanya.

"Oh hi Valerie! Girlfriend ka pala ni Sky? Halika pumasok ka." At inaya ko siyang pumasok.

Umupo siya sa sofa at umupo rin naman ako sa tapat niya.

Nanggigigil ako sa buong katauhan ng uod na to pero nagpipigil ako dahil gusto kong malaman ang lahat.

"Thanks. Grabe, nasaan ba ang sir mo? Pakisabi nandito na ako. Tell him I miss his big crunch" Malandi niyang banggit. Galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon pero I still tried to remain calm.

"Uhh Valerie, I'm sorry but I'm not his maid. But naliligo naman na siya, maya maya ay lalabas na rin yun." Nginitian ko siya. Yung plastik na ngiti. Humanda ka sakin mamaya. Kakalbuhin kita!

Bigla naman siyang tumawa ng sobrang tinis at nakakairita!

"Oh! Omg! Hahaha! Sorry! I thought you're his maid. No offense girl ha? So, sino ka pala? Another girlfriend of his?"

Huh?

Bigla akong nagtaka.

Bakit parang hindi siya galit?

I mean, if she was really his gf, hindi ba dapat magagalit siya sa thought na may naabutan siyang babae sa apartment ng boyfriend niya and take note, iniisip pa niyang another girlfriend!

"N-no. I'm just a friend of his." Pagtanggi ko.

Ano nga ba kasi kami ni Sky?

Pero tumawa lang ulit siya bago nagsalita.

"You know what, hindi ka magaling magsinungaling."

Ano ba! Bakit ba kanina pa ako sinasabihan ng ganyan?

Alam ko naman eh! Kailangan bang ipamukha?!

Budburan ko to ng asin eh.

"Wag mo nang itanggi. Jowa ka rin niya noh? Nako wag ka mag alala. Di naman ako magagalit. Haha!"
Mas lalo akong nagtaka kaya tinanong ko na rin ang kanina ko pa gustong malaman.

"Bakit di ka galit?" Please, ayusin mo sagot mo.

Pero tinignan lang nya ako ng may pagtataka bago tumawa ulit.

Tangina, baliw ba to?

Kanina pa tumatawa.

"Bakit ako magagalit? Hahaha! Sanay na ako. Sanay na kami."

Nagsimulang manginig ang kamay ko dahil hindi nagsisink in sa akin ang sinasabi ng babaeng ito.

"S-sanay? H-hindi ko maintindihan." Shit nauutal pa ako!

"Seryoso ka? Hindi mo ba kilala yang jinowa mo ha? Girl! Si Sky Lawrence ang jinowa mo!"

Oh? Tapos? Shit nanginginig ako!

"He's one of the hottest playboy I knew in town. Napakaswerte mo pag naging jowa ka niya na tatagal ng ilang araw. I am his girlfriend for like 2 days but then he broke up with me. Ang dahilan? He got bored. Pero syempre, di ako papayag na ganun ganun nalang na iiwan nya ako basta basta! He had dumped so many girls at hindi ako papayag na kasama ako dun. I want to dump him. Ako ang mang iiwan sa kanya. That's why I'm here. Makikipagbalikan ako sa kanya. Because I know he can't resist me. Ako ang pinaka matagal niyang karelasyon. Ikaw ba? Pang ilang araw mo na?"

Hindi ko na namalayan na sunud sunod na palang tumutulo ang luha ko habang sinasabi ng babaeng to ang lahat lahat.

Ang sakit ng dibdib ko.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayon.

Ang sakit putangina!

"Baby ba't di ka pa pumasok dit--"

rinig kong pagbukas ng pinto ng kwarto.

Narinig kong nagsalita na rin si Valerie.

"Hi baby! I know you missed me. I missed fcking you too! Haha!"

Tinignan ko si Sky na ngayon ay nakadikit sa kanya ang uod na si Valerie.

Tinignan ko siya ng may galit sa mata ko habang patuloy akong umiiyak.

Hindi ko kaya.

Hindi ako makapaniwala na ang lalaking minahal ko ay napakaduming lalaki!

"I-ina. L-let me explain." Sinubukan niya akong lapitan at hawakan pero agad ko siyang sinalubong ng sampal.

Tumakbo naman agad si Valerie palapit sa amin.

"Hoy babae bakit mo sinampal si Sky?! Gusto mo bang mamatay ng maaga?! You bitch!" Akmang sasabunutan na sana ako ni Valerie ng nakita kong sakalin ito ni Sky.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

"Call her that one more time and I'll cut your throat. I told you we're fucking done. So I don't think you still have the right to be here. Now get lost or I'll kill you, bitch." Mabuti nalang at binitawan na ni Sky si Valerie. Kitang-kita ko sa kanya na kamuntik na siyang malagutan ng hininga dahil sa diin ng pagsakal sa kanya ni Sky.

Halos mamatay matay si Valerie sa pag ubo dahil sa pagkakasakal sa kanya.

Pero bago siya umalis, sinamaan niya muna kami ng tingin.

"You will pay for this Sky."

At tumakbo na ito palabas.

Nakatayo lang kami ni Sky at wala ni isa ang nagtangkang gumalaw.

Habang patuloy ako sa pag iyak ay hinawakan niya ang braso ko.

"I-ina"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Get your hands off me." Ma-awtoridad kong utos sa kanya.

Maging sarili ko ay hindi ko na nakikilala sa ikinikilos ko ngayon.

Pero hindi pa rin niya ako binitawan.

"Look I can explain!"

"I said. Get your filthy hands off me." Pag uulit ko.

Sobrang galit na nag uumapaw ang nararamdaman ko ngayon. Para akong pinaglaruan at pinagmukhang tanga.

"It's not what you think Ina. I can ex--"

Hindi ko na kinaya at hindi ko na siya pinatapos.

"TANGINA SINABI NANG BITAWAN MO AKO! HINDI KA BA MAKAINTINDE?!" sigaw ko sa kanya.

Halatang nagulat sya pag sigaw ko pero wala akong paki.

Nagsimula aking humagulgol ng malakas.

Hindi na kinaya ng katawan ko.

"Sky...what the fuck?!" Mahina kong iyak.

"Ano bang kasalanan ko.... Bakit mo'ko ginaganito? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito?! Bawal ba akong maging masaya ha?! Napakababoy mo Sky. Napakababoy mo!"

Tumayo ako at nagsimulang tumakbo. Ayoko syang makita. Ayoko syang lapitan. Masyado nang masakit. Parang gusto ko nalang tumalon sa tulay. Pagod na ako. Pagod na pagod. Sobrang miserable na ng buhay ko.

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo.

Naririnig ko pa din ang pag tawag sa akin ni Sky pero hindi ko pinapansin.

"Ina! Mahal kita! Patawarin mo ako. Ina ikaw lang mahal ko! Maniwala ka." Sigaw niya kaya napatigil ako.

Habang umiiyak ako ay naririnig kong papalapit sa akin si Sky.

"Ina, inaamin ko nagkamali ako. Nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon dahil mahal kita. Halos mabaliw ako nung panahon na pinaglayo tayong dalawa. Kaya nagawa ko yun dahil sa pag aakalang makakalimutan din kita. Pero hindi Ina. Hindi kita nakalimutan. Hindi ko kaya. Ikaw lang ang tinibok ng puso ko. Ikaw lang Ina. Mahal na mahal kita. "

Habang umiiyak ay napatawa ako ng sarkastiko.

"Mahal? Mahal mo ako? Hahahaha! Putangina Sky. Isang malaking kagaguhan!"

Humarap ako ng dahan dahan sa kanya ramdam ko ang pamamaga ng mata ko.

"Pagmamahal ba ang tawag mo sa pambababae mo huh? Pagmamahal ba ang tawag mo sa pakikipag sex mo sa iba't ibang babae?! Sky!!! Kahit anong dahilan pa ang meron ka, wala akong pake! You still cheated on me. It will never change that fact. Hindi ang sarili mo ang binaboy mo Sky. Ako. Ako ang binaboy mo. Dahil nagmahal ako ng katulad mo. "

Sinubukan kong huminga ng malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"At alam mo yung mas nakaka-tangina? Yung parang ako pa ang sinisisi mo sa pagiging marumi mong lalaki. Napaka gago mo Sky. Tangina mo."

Nakayuko lang si Sky habang kung anuanong pagmumura ang sinisigaw ko sa kanya.

"Patawarin mo ako Ina. Patawarin mo ako." Paulit ulit nyang sinasabi habang umiiyak.

Wala syang karapatang umiyak!

Ako ang sinaktan niya.

Ako ang inagrabyado niya.

He just fucking satisfied his fucking d*ck.

"Siguro kung mapapatawad man kita, it will take a thousand years. Pero ang mahalin ka ulit? Parang hindi ko na kaya. Tama na Sky. Pagod na ako. Let my heart heal from the pain you caused. "

Matapos nun ay naglakad na ako palayo sa kanya habang umiiyak.

Ang sakit sakit.

Ngayon ko lang ito hiniling.

Na sana hindi ko nalang siya nakita ulit.

Sana hindi ko nalang siya minahal.

Pinagsisisihan kong nagmahal ako ng isang tarantado.

Sa tagal ng paglalakad ko ay nakarating na ako pabalik ng bahay.

Lumapit ako sa gate at nagdoorbell.

Maya maya pa ay nakita ko na si yaya.

Dali dali syang tumakbo papunta sa akin.

"Nako anak anong nangyari sayo! Gabing gabi na saan ka galing! Jusko ang nerbyos ko sayo! Halika pumasok ka muna sa loob"

Hindi ako umimik at hinayaan ko nalang na alalayan ako ni yaya papasok sa loob.

Sobrang nanghihina ako kaya bago pa makalapit sa may pinto ng bahay ay medyo lumalabo na ang paningin ko.

Hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

----

HAPPY 2ND YEAR ANNIVERSARY SA STORY KONG ITO!!! GRABE IT'S BEEN 2 YEARS NA. HUHU SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA KILA ZELO, KRYSTAL, INA, SKY, DRIC, LEX, ROX AT BLUE! 💖 SUPER LOVE NILA KAYO YIEEEE HAHAHAHA!

SISIKAPIN KONG TAPUSIN ANG STORY NA ITO SA PARAANG HOPEFULLY MAGUSTUHAN NYO. :)

SORRY KUNG LAGI KO KAYONG NABIBITIN AT LAGING NAGUGULO ANG UTAK NYO EVERY CHAPTER NA UD KO HAHAHA. ALAM KO LAGI KO NALANG NAPAPASAKIT ULO NYO SA MGA MYSTERYO NG LIBRONG ITO. PERO WAG KAYONG MAG ALALA. WORTH IT TO HANGGANG DULO. YIIII HAHAHAHA. I LOVE YOU MY BAAAABSTERS! 💖

MWA MWA MWA!

If may questions kayo na you would want to ask me. Specially sa mga naguguluhan, comment nyo na dito. I'll try to answer everything nang walang pagsspoil. Hahaha! Mwa! 💖

PS. Axel Castro on the media :)

~foreverbaaaabs 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top