AGKWC 45 - TATTOO

ZELO ANGELO

Ughh. Why does my head fcking hurt?

And why can't I open my eyes? Nananaginip ba'ko. Tsaka why am I in pain right now? My whole body feels like it's about to break its bones.

Nakipag s*x ba ako kagabi? Wtf. What are you even thinking Zelo?! Virgin kapa gago.

Pero paano kung totoo nga? Tapos wala lang talaga akong maalala? Sht. Sayang naman. Di ko manlang naenjoy yung first experience ko.

Hahaha. Gago Zelo, lasing ka pa rin yata. Yeah I think so. Because talking to myself isn't normal. Stupid.

Unti unti kong binuksan yung mga mata ko at dahan dahang kinusot ito. At nang luminaw na ang paningin ko, agad akong napabangon nang mapansing hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Kaya agad kong hinawakan ang ulo ko dahil sumakit nanaman ito dahil sa biglaan kong pagbangon.

"Fuck ugh." I groaned in pain.

"Where the hell am I?" I asked myself, with my eyes roaming around the whole apartment. Yeah, based on the structure, it is an apartment.

And whose shirt am I wearing?! Nasaan ang polo ko? And what the actual fck! Is this a black shirt with a fcking cat design?! A cat with a ribbon?! Who the hell gives their cat a ribbon. Unbelievable.

Huling maalala ko kagabi was there was this guy who fcking threatened me, then after a bitch talked to me. And then... Silva?

Oh yeah, Silva. I remembered dumating siya. Pero hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari.

So meaning, I was with Silva the whole time, before, maybe, I passed out. Pero ngayon mukhang wala namang unggoy na pagala gala dito.

Hinanap ko ang aking polo at nakita kong nakahanger ito at nakasabit sa may pintuan.

"Why is this wet." asked myself. Inamoy ko ito at amoy bagong laba.

"Wow. They even washed my clothes."

I walked back to the sofa and grab my IphoneX.

"Damn it!" Ngayon pa namatay.

Teka, wala ba talagang tao dito?

Lumapit ako sa isang pinto at akmang bubuksan but it was locked.

Tangina anong oras na ba?

There's no fcking clock in here. Tao ba nakatira dito.

I need to get the fck out of here.

----
VENDRIC SILVA

Maaga akong gumising ngayon dahil kailangan kong bumawi kay baby panda.

Time check: 4:00am

Palakpakan niyo naman ako. Achievement ko kaya 'yan. First time kong gumising ng maaga para pumasok.

Kadalasan kasi 7:25am na ako gumigising tapos start ng klase ko 7:30am hehehehe.

Ako lang to ano ba kayo hehehe. 😎

So ayun na nga.

Gumising ako ng maaga kasi plano kong sunduin si Aleksa para sabay kaming pumasok ngayon.

Tsaka baka galit pa rin yun hanggang ngayon kasi diba iniwan ko siya kahapon. Si Brader kasi. Si Brader talaga may kasalanan kaya dapat kay brader siya magalit!

Bumaba na ako para maligo at magtoothbrush ng mga gwapo kong parte ng katawan.

Pagkatapos kong maligo ay umakyat na ako ulit sa kwarto ko at nagbihis.

"Hay. Kahit sa uniform, napaka gwapo mo talaga Vendric Silva." Sabi ko habang nakatingin sa salamin at kumindat.

Shet. Posible bang kiligin sa sarili? Gwapo ko kasi pakshet.

Inayos ko na ang bag ko at nagsuklay bago bumaba.

"Oh anak, himala ang aga mo yata ngayon?" Rinig kong sabi ni Mimi na ngayon ay naghahanda ng umagahan.

"Ganun talaga pag gwapo Mimi. Hehehe" Sagot ko bago nagmano at nagkiss.

Sunod ay narinig kong bumaba na rin si Didi at tulad ni Mimi ay gulat din siyang bumaba.

Yung totoo, nakakagulat bang maaga ako ngayon - _-

"Ops! Alam ko na sasabihin mo Didi kaya wag mo nang ituloy. Opo maaga ako ngayon. May susunduin kasi ako" Paghaharang ko sa sasabihin ni Didi.

"Susunduin? Aba. Kailan ka pa naging driver anak? Sabagay, mukha ka namang driver ngayon sa itsura mo" Pang-aasar ni Didi nang umupo na ito sa hapag kainan.

"Didi!!" Sigaw ko naman. Lakas talaga mang asar ni Didi. Naooffend yung kagwapuhan ko hmp.

Narinig ko namang tumatawa si Mimi habang dala na ang niluto niyang pancakes at pritong itlog.

"Tigilan niyo na nga yan. Mag-ama talaga kayo. Ang sutil sutil." Sabi ni Mimi at nagulat ako nang hilain siya ni Didi kaya napakandong siya kay Didi.

Ako lang ba ang naaawkwardan?

Magulang mo naghaharutan sa harap mo.

"Sweetheart naman eh. Nandyan ang anak mo. Mamaya nalang pag-uwi mo" Sambit ni Mimi at kinindatan si Didi.

Muntik na akong maduwal.

Binilisan ko nalang ang pag kain ko dahil hindi ko na talaga kayang makita pa ang kaharutan ng mga magulang ko.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at tinignan ang relo ko

Okay maaga pa. 6am palang.

"Yow yow Repapips!" Sumakay na ako kay Repapips at mabuti nalang at may gasulina pa siya. Thanks to Zelo. Nabayaran na kaya niya yun? Hehehehehe

Pagdating ko sa bahay nila Aleksa ay pinark ko na muna si Repapips at tsaka nagpasya na pumasok muna sa bahay nila.

Nagdoorbell ako at lumabas si Yaya Emang.

Ngumiti naman ako ng wagas at kumaway.

"Naku iho! Kay aga mo naman. Diba't may pasok pa kayo ng alaga ko?" Tanong ni Yaya Emang.

Naku. Akala niya ata yayayain ko nanaman ng date si Baby Panda. Well, pwede din naman hehehe.

"Opo Yaya Emang. Kaya nga po nandito po ako ngayon para sunduin si Aleksa para sabay nalang po kaming pumasok. Uhm, nandyan po ba sila tita?" Tanong ko sa kanya.

Pinapasok naman niya ako ng gate bago sumagot.

"Naku talagang bata ka. Gwapo ka na, mabait ka pa! Botong boto ako sayo para sa alaga ko! O siya pumasok ka muna sa loob at kumain. Nasa loob din sila Sheila."

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko na si Tita Sheila, Tito Gabriel at ang aking baby panda na kumakain ng umagahan.

"Good Morning Tita Sheila, Tito Gabriel." Magalang na pagbati ko sa future mimi at didi ko. Hehehehe.

"Oh, iho. Halika, samahan mo kaming mag agahan." Yaya sa akin ni Tita Sheila.

Napakabait talaga nila.

Pwera lang sa may matang naglilisik na nakatingin sa akin ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit at mataray na tanong sa akin ni Aleksa.

Huhuhu, galit pa nga yata siya.

"Alexa. Hindi ganyan ang itinuro namin sayo ha. Hindi ganyan bumati ng bisita." Rinig kong suway ni Tita Sheila.

"Di!!" Tawag ni Aleksa kay Tito Gabriel na mukhang naghahanap ng kakampi.

Kaya agad naman itong lumingon sa akin.

"Iho, ano ang iyong sadya dito?" Ma-awtoridad na tanong niya sa akin.

Huhuhu nakakatakot.

Mautal utal naman akong sumagot.

"Uh-eh, s-si A-alexa po. Sinundo ko po siya ngayon para sabay po sana kaming p-pumasok. K-kung okay lang po"

Please please please! Pumayag po kayo!

"Ganun ba. Ayun lang naman pala babygirl e. Sige, isabay mo na ang anak ko sa pag pasok" Tila musika sa tenga ko ang naging sagot ni Tito Gabriel!

Wahhhh! Pumayag siya! Hehehe.

"Didi?! Are you even serious?! Diba sabi mo ihahatid mo ako ngayon!!" Angal ni Aleksa. Haaaays, kailan ba siya sasama sa akin ng hindi galit.

"Oo nga, eh kaso anong oras na rin. Kung ihahatid pa kita, malalate ako sa opisina. Mabuti nalang nandiyan si Vendric. Salamat iho." At kinindatan ako ni Tito Gabriel. Lumingon din ako kay Tita Sheila at kinindatan din ako.

Ayos! Saakin kampi ang magulang ni Aleksa hehehe.

"Walang anuman po tito. Salamat din po hehehe" sagot ko.

Tinignan ko si Alexa na nakabusangot nanaman dahil natalo nanaman siya hahaha.

Matapos nilang kumain ay nauna na kaming umalis ni Alexa dahil malapit na mag 7.

Tahimik lang siyang nakaupo sa likod. Takte, sa likod talaga siya umupo! Nagmukha nanaman akong driver nya!

"Wala bang ibibilis yang pagddrive mo?!" Mataray na tanong niya sa akin ng hindi ako tinitignan at nakatingin lang siya sa may bintana.

"S-sorry na babypanda. Alam ko galit ka pa rin ng dahil sa kahapon. Huhuhu. Sorry talaga" Paulit ulit kong pagsosorry sa kanya pero di pa rin niya ako tinitignan.

"Babypanda, babawi ako. Pramis yung next date natin, hindi na maiistorbo. Tapos mas bongga!"

And sa wakas lumingon na rin siya sa akin.

"Sinong may sabi sayong sasama pa ako ulit sayo? Tsaka anong date? Yung labas natin kahapon, I don't consider it as a date. Because no one ever dumps me on a date. Lalong hindi ang katulad mo."

Pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang nag iwan ng tinik sa puso ko, ay agad na itong lumabas ng sasakyan.

Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa school.

Lalong hindi ang katulad mo...

Lalong hindi ang katulad mo...

Pa-ulit ulit na nagpplay sa utak ko ang huling mga salitang binitiwan niya.

Hindi ko alam pero nagdulot ito ng sakit na naging dahilan para pumatak ang luha sa mga mata ko.

Bakit ang sakit?

Anong katulad ko?

Ano bang mali sa tulad ko?

Shet Vendric di mo bagay magdrama.

Ughh tangina mababaliw na ako!

Kailangan ko ng kausap.

Brader... Tama si Brader.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at sinubukan tawagan si brader pero cannot be reached.

Mukhang tulog pa yata ah.

Inalagaan sigurong mabuti ni Krystal.

Hehehe. Virgin pa kaya si brader?

Pinunasan ko na ang mga luha ko at lumabas ng sasakyan.

"Tama. Hindi ako susuko. Hindi kita susukuan Alexa. Dahil papatunayan ko sayo, na ang isang katulad ko ang mamahalin mo habang buhay. "

Pumasok na ako sa classroom at wala pa si brader.

Maya maya pa'y dumating na si Mrs. Montreal.

Inisa isa niya kaming tawagin para sa attendance.

"Mr. Silva"

"Gwapo po ma'am hehe"

Nag roll lang siya ng eyes. Wow ha. Gwapo naman talaga ako eh.

"Where's Mr. Angelo? and Ms. Mariel?"

Hala? Sakin hinahanap? Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?

"Ma'am di ko po alam." Honest kong sagot.

Pero bakit pati si Debena wala din?

"Are you sure Mr. Silva? Diba kayo ang laging magkakasama?"

Hala pinagdududahan talaga ako ni Mam!!

"Ma'am porket ba laging magkasama, alam na agad ang whereabouts ng isa't isa? Edi alam mo din kung nasaan si kokey?"

Tumaas ang kilay ni Mrs. Montreal. Halatang hindi nagets sinabi ko. Haynako.

"What are you talking about Mr.?" Nako si mam kunwari walang alam.

"Si Kokey. Yung lagi mong kasama ma'am. Lagi mong kasamang kumain sa canteen."

Agad namang namula si ma'am.

"How dare you Mr. Silva! Anak ko yung kasama ko!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsitawanan na ang mga kaklase ko.

"Hahahahahaha!"

"Hahahahahha hayop ka dric!"

"The best! Hahahahhahahahaa"

"Hala kamukha nga ni Kokey anak ni Ma'am hahahahahahahaha!"

"Joker talaga Dric HAHAHAHA"

"Enough!!" Sigaw ni Mrs. Montreal.

"Mr. Silva, get out of my class. NOW!"

At ayown, napalabas na nga.

Hayyyy.

Nagsabi lang naman ako ng totoo hmp.

Nasaan na ba kasi si Brader?! Tsaka si Debena???

Nagtanan na ba yung dalawang yun?

Pano si Krystal?

-----
ALEXA SUMERA

As I was walking, napaisip ako bigla.

Tama ba ang inasta ko kay Vendric?

I mean, yes galit ako.

Galit ako kasi nagtatampo ako.

Nagtatampo ako kasi naiinis ako!

Naiinis ako kasi.....

Kasi....

Ugh! Kasi hindi natuloy yung date namin kahapon!

Iniwan niya ako at kung anuanong palusot pa yung mga pinagsasasabi niya!

Tapos pati sila Mimi at Didi at Yaya Emang! Inaagaw niya sa akin!

Lahat kampi sa kanya!

At alam niyo ba yung pinaka nakakainis?!

Yun ay hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis na hindi natuloy date namin!

Wala naman akong dapat paki diba?!

Pero ba't naiinis ako?!

Argh!!

Pero, sumobra na yata ako.

Nagtantrums ako na parang bata even though nakikita ko naman na nag eeffort siya para bumawi sa akin.

Pero eto ako, sinigaw sigawan pa siya.

Hays!

Anong gagawin ko?!

Hindi ako magsosorry!

Ayaw!

P-pero mali ako.

Pero ba't ako magsosorry?!

Aish!!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at sinubukan tawagan si Divina.

cannot be reached.

Sunod kong tinawagan si Krystal.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

"Bakit hindi nasagot tong mga to?"

Last. Rox.

"Oh baket"

Hays sa wakas sumagot.

"Wala manlang hi?" Sagot ko.

"Bakit pa? Di mo naman deserve" Aba! Masasabunutan ko talaga to!

"Hahaha charot lang. Umuusok nanaman yang panty mo" What the?!

"Teka anong connect nun? Tsaka ano bang pinagsasabi mo Rox?!" Nababaliw na yata to eh.

"Wala lang. Trip ko lang sabihin ba't ba. Oh eh ba't ka nga tumawag?" Hmm. Bakit nga ba ako tumawag.

"Nandito ka na ba sa Bridson?" Tanong ko.

"Sige isipin mo nga yung sagot diyan sa tanong mo. Kailan ba ako pumasok ng maaga? Teh, lagi akong late alam mo yan." Minsan talaga napapaisip ako kung bakit kasama to sa F4 eh.

"Oo na oo na. Pero Rox pwedeng pumasok ka na ng maaga? Kahit ngayon lang?" Kailangan ko ng kausap!!!

"At bakit kita pagbibigyan? Tsaka anong ganap mo? Weird mo din ngayon ah" Ay wow. Kung weird ako mas weird ka.

"Sasabihin ko sayo pagdating mo dito kaya please pumunta kana dito?"

"Fineee. Nandyan na din ba sila Ina at Krys?"

"Wala pa nga e. Di rin sumasagot sa tawag ko."

"Sana pala di na rin kita sinagot."

"Rox!!!"

"Hahahaha charot. Ge na, maliligo na'ko. Bye"

"Bye."

And binaba ko na ang tawag.

Hayyy. I need a drink!

----
SKY LAWRENCE

I was looking at her beautiful face the whole time she was sleeping.

Ewan ko ba pero there's just something in her na patay na patay ako.

Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.

Mga labi niyang ako lang ang makakahalik.

Ewan ko pero fck.

I want to own her.

I want her to be mine.

Nawala na siya noon.

Hinding hindi na yung mangyayari ngayon.

Ngayon na siya madidischarge from this hospital kaya hinihintay ko na lamang siyang magising para makaalis na kami.

"K-koykoy" A smile came out from my mouth as she called out my name.

Sino ba namang gago ang papayag na tawagin ka sa palayaw mo nung bata.

Pero if it's Ina? I don't fcking care. Kahit pagtawanan pa ako ng mga tropa ko. Ipakain ko nalang kamao ko sa kanila.

"Shh. Nandito ako." I said as I stroke her hair.

Nagtagpo ang tingin namin sa isa't isa.

Her tantalizing black eyes met mine.

Ngumiti siya habang naluluha.

"Masaya akong nandito ka na ulit Koykoy. Sobra. Sobrang saya ko." And she started to cry as she held my face.

I lost all my control.

And that's it.

I kissed her.

Her soft and red lips met mine.

We kissed as if there's no tomorrow.

Ramdam na ramdam ko sa bawat halik ang saya na nararamdaman niya ngayon.

Yung pangungulila namin sa isa't isa, nawala nang dahil sa isang halik.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng halik.

All I ever gave before was pure lust. But this time, with the woman I love, I  felt love and gave this kiss with love and care.

After the kiss. She hugged me real tight. And I hugged her back.

And finally, I got to say the three words I've been longing to say.

"I love you Divina."

Naramdaman kong humigit lalo ang pagkayakap nya sa akin.

"I love you too. My Koykoy."

After some time.

"Ina, ready ka na?" I asked her.

She held my hand.

"Y-yeah. Pero pwede bang isama mo muna ako sa'yo? Pagkatapos kasi lahat ng kwinento mo sa akin, parang ayoko pang makita si mama. Please Koy?"

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Matitiis ba kita? Sure my pumpkin."

"Pumpkin?" She asked.

Tumawa naman ako.

"Yeah. Because you look like one. Kaya pagdating sa bahay, maligo ka." Tsaka ko ginulo ang buhok niya.

Nakita ko pang bumusangot siya.

Kaya kinuha ko na yung mga gamit namin at inalalayan na siyang tunayo.

Sa ngayon, I can tell that today,

I'm the happiest man on earth.

----

ZELO ANGELO

Kinuha ko na ang mga gamit ko pati yung polo ko kahit medyo basa pa. Sinuot ko na dahil hindi ako lalabas na suot ang tshirt na yun. Not gonna happen. Kahit patayin pa si Silva sa harap ko.

Palabas na ako ng apartment nang may narinig akong boses.

"Aalis kana? Hindi ka manlang ba magpapasalamat o magpapaalam manlang?"

Napahigpit ako sa paghawak sa doorknob nang marealize ko kung kaninong boses ang nagsalita.

"Fine. Hindi nga pala uso sayong magpaalam. Sige, umalis kana. Lock mo nalang yung gate paglabas mo."

Hindi ako makagalaw.

I'm stuck.

Fuck! What's wrong with me?!

Nilabanan ko ang sarili ko at lumingon sa lugar na pinagmulan ng boses niya.

At hindi nga ako nagkamali.

That's her.

"F-faye."

Marami mang nagbago lalo na sa ugali niya, I won't deny, she is still the same Faye that I loved.

"What are you still doing here? Umalis ka na. Hindi hotel ang apartment ko para maghanap ka pa ng breakfast mo."

I'm sorry

I'm sorry

Paulit ulit na binabanggit ko sa utak ko.

Tinitigan ko lang siya habang nagtitimpla siya ng kape niya.

She is still as gorgeous as she was before.

She never failed to amaze and amuse me.

My little tomato.

And suddenly our eyes met again.

"Ano ba? Ba't nakatayo ka pa dyan?! Gusto mo bang samahan pa kita palabas? Fine!"

Lumakad na siya papalapit sa akin.

Palapit ng palapit

hanggang sa

"Lumabas ka--"

I made her stop talking.

I wrapped her around with my arms.

I hugged her tight. I can smell her long and fragrant hair.

Binaon ko ang ulo ko sa leeg niya as I tighten the hug more.

She didn't hug me back but the hell I care. I am continuously whispering "I'm sorry" to her.

I wish I could remove her pain through this hug.

"I'm sorry Faye. I know I caused you pain. If only I could turn back the time. I would definitely do it and will never leave you."

Silence. All I can hear is her silently crying.

"Please Faye, I'm not asking for you to forgive me because I know it takes time. But what I'm asking you is to please let me pay for what I've done. Hayaan mong bumawi ako sa'yo. Sa mga panahong wala ako sa tabi mo. Please hear me out. I love you Faye, I still do. "

And she pushed me away from the hug.

"You love me? Huh? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Ford? Do you really know the meaning of what you just said?!" She asked me while looking into my eyes.

Both of us are crying but with different reason.

I am crying out of guilt and regret.

She was crying out of pain and anger.

I can't and will never blame her.

It was all my fault.

My goddamn fault.

"Tell me everything you wanted to tell me since the day I left. Curse me, hit me, do whatever you want. I don't fcking care. If that's what will make you feel better. Then do it. I deserve more than that."

But what she said just blow the shit out of me.

"No I won't." She wiped out her tears as she smiled to me.

"Nothing will make me feel better. Not even you dying right in front of me. The pain will never be gone. It's always here in my heart. Just like a tattoo. And you are the fucking tattoo artist who made my life miserable . Now if you may, please leave."

What she just said hurts like hell.

It hurts because it's the truth.

I made her life miserable.

I am her only hope in her entire life and I ended up leaving.

Siguro nga mas maganda nang lumayo muna ako.

"Fine. I will leave. But this is not the end Faye. Remember this. I will never give up on you. Kahit ilang beses mo pa akong itaboy. I will be that tattoo in your heart. I will prove to you that. I fcking promise you."

----

Ahhhhh! Bakit naccringe ako huhu. Tagal ko nang di kasi nagsulat, kinalawang na yata. HAHAHAHAA

I miss you baaaabsters! 😭

Miss nyo ba ako? Syempre hinde. HAHAHAHA

LOVE KO PA DEN KAYO MWA



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top