AGKWC 44 - DRUNK

VENDRIC SILVA

Ano kayang nakain ni brader at biglang nag-aya uminom yon?

Broken ba siya?

Nako napaka-imposible naman non! Wala pa naman syang pinapakilala na babae sakin. Bakla nga yata si brader eh.

Broken ang bulsa?

Nako imposible din! Sa yaman ng pamilya ni brader? Hahahaha baka nga kahit ibenta ko yung IphoneX nya, kinabukasan may kapalit agad yun.

Eh bakit ko nga ba kasi prinoproblema yung dahilan??? Jusko ka Vendric the gwapo Silva!!! Ang importante, manlilibre si brader!

Pero teka, paano si Babypanda??!

Date dapat namin ito eh huhuhu.

Help naman dyan!

Bestfriend or Girlfriend?!

(A/N: Hoy ang speed mo nanaman Silva. Girlfriend ka dyan)

Ay hehehehe. Hindi ba? Hehehe. Baka naman otor nini?

(A/N: Heh! Hangga't wala akong jowa, hindi ka rin magkakaroon!)

Aba! Napakadaya naman eh!

Hmp.

"Hoy unggoy! Para kang tanga dyan. Tapos na ang misa. Saan na tayo pupunta?" Bigla akong bumalik sa huwisyo nang marinig ko na ang iritadong boses ni babypanda.

Shet.

Saan daw kami pupunta.

Huhuhuhu!!

"Ah....eh.... kasi ano.... hehe"

Shet selp!

Bilisan mo mag isip ka ng palusot!

Nakita ko nang umarko ang isang kilay ni Aleksa kaya mas lalo akong nataranta.

"Kasi what?" Pag uulit nya ng sinabi ko kanina.

Shit. Pak pak pak.

"Kasi....."

Nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Takte kasi si brader! Ngayon pa tumayming!

"Kasi nagtext sakin si Mimi!"

Nanginginig ang buo kong katawan dahil nakakatakot talagang tumitig si Aleksa lalo na pag galit huhuhu.

"Your mom?" Tanong nya na medyo sarcastic.

"O-oo" Utal kong sagot.

Tinaasan lang nya ako ulit ng kilay at nag cross arms pa.

"O tapos?"

"Ano daw.... kasi...."

Matagal lang syang nakatitig at hinihintay lang talaga nya akong magsalita.

Taena naman! Ngayon pa ako nabobo! Huhuhu!

"Naano... na..."

ano?!?!

Kitang kita ko sa mga mata ni Aleksa na hindi na sya natutuwa sa inaakto ko.

"Nasira daw yung electricfan namin! Kailangan ko daw ayusin." phew! Nakaisip din ng palusot sa wakas!

Ang tanong, gumana kaya?

Huhu!

Tinaasan nanaman ako ng kilay ni Aleksa.

"Seriously? Hindi ba kayang ayusin ng mga maid nyo yun?"

Argh! Oo nga naman. Ang tanga ko din talaga magpalusot e.

"Kasi ano... choosy kasi yung electric fan namin! Namimili ng gustong umayos sa kanila ganon hehehe. Sakin lang gusto ng electric fan."

Hayop ka Vendric. Ang sagwa mo talaga magpalusot hays.

Inirapan naman ako ni Aleksa tsaka padabog na umalis.

"Huy Babypanda! San ka pupunta?" Pagpipigil ko sa kanya.

Nilingon naman nya ako ng may panlilisik na mata.

"Sabihin mo nalang kung hindi tuloy yung date natin ngayon! Magsasabi ka na nga lang ng palusot mo, katangahan pa!" Bulyaw nya sa akin tsaka dere deretchong umalis.

Hala nagalit na talaga sya sakin!

Huhuhu!

Kasalanan to ni brader!!!

Mukhang kailangan kong damihan ang pag-inom ko ah.

Pero teka...

Ano sabi niya?

Date daw namin??

So para sa kanya, it's a date sana?

shet ba't ako kinikilig

Naiihi ako.

Aish!

Makapunta na nga kay Brader! Baka napano na yun. Itext ko nalang mamaya si Aleksa.

----

ZELO ANGELO

Habang hinihintay ko si Silva, nakahawak lang ako sa IphoneX ko at di ko inaalis sa chatbox namin ni Kyra. I am using Zaki's profile right now and di ko namalayang tinatadtad ko na pala si Kyra ng chat. Or should I say, Faye.

Zaki Clint

Hey

Kyra???

Talk to me. I fvcking need you.

Ughh shit.

I'm kinda drunk rn.

Can u pls fcking see my messages?!

F-faye.

I-i'm sorry.

I know I'm such an asshole.

I am really sorry for being a coward.

I miss you

I fcking do.

I need you in my arms rn!

I wanna hug you so tight.. ughh shit!

But still? She's not active.
I started drinking again my almost 10th bottle of beer and tears are pouring down my cheeks.

I still love her. I fcking do.

But... I don't deserve her.

She's gold, I'm a trash.

"Hi baby, can't believe we met again." I hear a familiar voice.

I turned my gaze where the voice is coming from. At dahil nakainom na ako, sobrang blurry na ng paningin ko.

But one thing's for sure.

it's a woman.

"Who are you and what the fck do you need?" I drastically said.

And I hear her tiny laugh. An irritating one.

"Let's just say that, I don't need anything from you... well, aside from your hard.... hahaha!" I clenched my fist in anger. Kung hindi lang ito babae malamang kanina pa ito nakahilata sa lupa.

"I don't need anything from you baby, but YOU need something from me." Naramdaman kong lumapit sya sa akin tsaka ako hinaplos sa pisngi. She really made emphasis on 'you' which made me curious.

"Cut that shit! Get straight to the point bitch!" Tinabig ko ang kamay nya. Hindi ko na kaya. I'm so fcking pissed tapos nakainom pako tanginang yan.

Pero tawa lang ulit ang narinig ko mula sa kanya.

"I can tell you INFORMATIONS that you are dying to know. But of course baby, nothing is free now. Hahaha!"

Informations?

Puta, tungkol saan?

Pake ko sa informations na yan?

All I want is to goddamn rest and to get rid of my heartache!

She put something inside my pocket before leaving.

"Love you baby, see ya!" And she left me.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay tsaka namang pagdating ni gago.

"Uy brader sino yon? Ang hot nya ah! Chix na chix! Yummy!"

Pero imbes na sagutin pa yung sinabi nya ay binatukan ko na sya.

"Tangina ang tagal mo." Sabi ko.

"Aray naman brader! Eh?? anong ang tagal? Ambilis ko ngang nakarating eh! Aba teka, bakit nakakarami ka na?! Andaya ha! Di mo ako inantay! Waiter! Isang bucket nga po ulet nito!"

Hinayaan ko nalang sya dahil hilong hilo na ako. Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi nya. Basta ang gusto ko nalang ay matulog.

Hanggang sa wala na akong naririnig na ingay.

----

VENDRIC SILVA

"So brader bakit ka nga ba kasi naglalasing ngayon ha? Alam mo bang dapat date namin ngayon ni Aleksa?? Pero dahil sayo, iniwan ko sya?? Grabe! Pwede na akong awardan ng BEST BESTFRIEND OF THE YEAR! Tapos ang dadatnan ko dito, nakarami kana tapos ako di mo pa tinirhan?!" At nilagok ko ng nilagok ang unang bote ng beer na inorder ko.

Wahhhh! Sherep!

"Ang sherep pele nete breder eh! Dapat lagi mo nalang ako ilibre dito hehehe. Pero ba't ka nga kasi naglalasing ngayon? May babae ka ba ha? Ba't di ka nagkwekwento?! Tampo na'ko brader huhuhu."

Binuksan ko na yung pangalawang beer ko at salita lang ako ng salita pero hindi ko naririnig na sumasagot si brader.

Nang tinignan ko sya. Anak ng tokwa naman oh! Tulog na pala!

So kanina pako salita ng salita dito, hangin pala kausap ko!

Pinaderetcho nya pa ako dito tapos tutulugan lang din niya?!

Jusko kang Zelo ka!

"B-brader n-naman! T-tulog ka na?? W-weak ka naman pala! Hahaha! Tignan mo oh, 10 bote lang naubos mo, ako isa't kalahati! Hahaha"

Nilapitan ko si brader at tsaka tinapik tapik ang balikat nya.

"Oy brader, gumising ka dyan! Di ka pa nagbabayad. Bayaran mo na'to lahat"

Pero tulog na tulog ang hayop.

"b-bradeeeeer! Brader naman eh!! Bayaran m-moooo"

Sinubukan kong kapain ang bulsa ni brader pero wala akong nakapang laman. Kaya binuksan ko nalang ang dala nyang bag.

Kinuha ko ang wallet tsaka nagbayad sa counter.

Pagkabalik ko ay binuhat ko na si brader at pilit na pinatayo pero ang bigat nya!

Huhuhu!

Nilagay ko yung kamay nya paikot sa batok ko at tsaka ko sya pilit na pinatayo at sinimulan ko na ang paglalakad.

"Jusko ano ba to! Mas masarap sana kung si Aleksa ang kasama kong kainuman tapos sya nalang binuhat ko! Aish!"

Patuloy lang akong naghihirap sa pag buhat kay brader.

Nang maalala ko, anak ng pekeng gasul!

Sa may convenience store ko pala pinark yung sasakyan ko!

Ibig sabihin, malayo layo pa ang lalakarin ko buhat buhat si brader!

Nubayan! Naaawa nako sa sarili ko huhuhu.

"Humanda ka talaga sakin brader. Sisingilin kita ng napakalaki!"

Naglakad ako ng naglakad habang buhat buhat si brader.

Nakakapagod.

Nakaramdam ako ng parang vibration sa may tyan ni brader.

Uh-oh

Hindi maganda to.

At....

Ewww!

Ayun na nga eh!

Sumuka pa si brader.

Ang dugyot ko na! Tangina!

Kung hindi ko lang talaga mahal tong si brader, iiwan ko na to dun palang sa bar!

Aish!

Patuloy ako sa paglalakad at natanaw ko na ang sasakyan ko.

Sa wakas, malapit na!

Konting lakad nalang.

Nang palapit na ako sa sasakyan ko, ay parang may pamilyar na babae akong nakita sa loob ng convenience store.

Matagal ko syang tinitigan at inabangan habang palapit na ako sa sasakyan ko at sya naman ay palabas na rin ng convenience store.

Nang makalabas na sya...

Ay hindi nga ako nagkamali.

Sya nga!

Si excrush!

"Krystal!!! My ex labidabs!!!"

Sigaw ko na nakapagpahinto sa kanya mula sa paglabas ng convenience store.

Pero ang dating supladang mukha nya ay napalitan ng walang expression na mukha.

Na mas ikinataas ng balahibo ko.

Dahan dahan lang syang lumingon sa akin at tinitigan. Hindi sya nagsalita.

Weird.

Nakita kong may hawak syang tatlong pack ng ramen at.... limang bote ng soju?!

May balak ba tong maglasing?

Soju pa ha. Sosyal. Hehe.

"Kystal, baka pwede mokong tulungan? Si brader kasi..."

Matagal lang syang nakatingin na tila inaantay nya ang susunod kong sabihin.

Napunta ang kanyang tingin sa lalaking buhat ko.

Nang natagalan nyang titigan ay nag iba ang kanyang ekspresyon.

Napalitan ng gulat at.... pagkabalisa?

"A-anong nangyari sa kasama mo" Malamig na tanong nya sa akin without looking at me.

Pero dahil hirap na din ako sa pagbubuhat sa kanya...

"Bago ko sagutin yan, baka pwedeng tulungan mo muna akong ipasok sya dito sa kotse ko? Hehehe."

At hindi naman sya umangal at tinulungan din nya ako.

"Buksan mo yung pinto ex labidabs tapos mauna kana pumasok para mahila mo si brader paloob"

Tinignan nya muna ako ng kanyang signature look which is really really bad! Huhu.

"Drop that fcking nickname!" Kaya ang nagawa ko nalang is mag peace sign sa kanya.

Ipinasok ko na si Brader sa loob ng sasakyan at ipinahiga ko. Kaya nakahiga sya ngayon sa mga hita ni Krystal.

Kung hindi ko lang kailangan ang tulong nya ngayon e kanina pako tumawa ng malakas.

Hahahaha! Nakakatawa kasi itsura ni Krystal ngayon eh. Parang hindi makabasag pinggan. Ni hindi hinahawakan si brader.

"Would you fcking make it fast?! Dalian mo! At ihahatid mo pa'ko sa apartment."

Bulyaw nya sa akin.

Hmmmm.

Hehehehe.

I got an idea!

Hihihi.

----

KRYSTAL FORTALEJO

Kita mo nga naman.

Napakagaling naman talaga ng mundo!

Fucking shit.

Ang lalaking hindi ko na gusto pang makita ulit.

Ang lalaking nanakit sa akin ng sobra.

Ang lalaking nagpabago sa akin.

Ngayon nakahiga sa mga hita ko.

Tangina????

Pasimple kong sinulyapan ang mukha nya

Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya.

Basang basa sya.

Teka, sumuka ba sya?

Inalis ko ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nya.

Kitang kita ko na ang kanyang buong mukha.

Ang gwapo nya pa rin kahit na wasted na sya.

Fck! What am I even saying?!

"Oy unggoy. May tuwalya ka ba dyan?" Tanong ko sa unggoy na nagmamaneho ngayon.

Tinignan naman nya ako ftom the rear view mirror at nginitian ng nakakaloko.

"Hehehe. Nagkakasala ako kay Debena pero parang ship ko kayong dalawa hehehe."

WTF?

"Divina?"

Agad namang napalunok si Vendric at saka iniba agad ang topic.

"Nandyan sa may bulsa ng upuan. May tissue dyan. Yan nalang gamitin mo." Sabi nya ng may pag-utal.

But what did he just say awhile ago?

What's with Divina?

Hindi ko nalang pinansin dahil I think it's not that of a big deal.

Kinuha ko ang tissue at tsaka sinimulang buksan ang butones ng polo na suot ni...... ugh, ni Ford.

Ng mabuksan ko na ay tinapal ko na ang tissue sa may dibdib nya para hindi sya matuyuan. The fck am I doing??

"Ehem. Sweet ehem. Wag nyokong sisihin pag dinaga kayo dyan"

Letcheng singit ng unggoy.

"Just make it fast you monkey! Daming daldal! Ihahatid mo pako remember?!"

Pero nang makita ko ang bintana at ang buong paligid ay agad na akong nagtaka.

Papunta na'to sa apartment namin ah?!

"Hoy! Ba't hinahatid mo na'ko? Pano tong kaibigan mo?"

He smiled at me.

An irritating smile to be exact.

"Yieeee gusto pa nya magstay."

Wtf!!

"Tanga! it's not about that! Argh! Whatever!"

Nakakaasar!

Nang hininto na nya ang sasakyan dahil nasa tapat na ng apartment ko, ay lalabas na sana ako ng sasakyan nya ng pigilan nya ako.

"Ops! Teka lang."

At sya ang unang lumabas ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa may paanan ni Ford at tsaka nya hinila at binuhat ulit si Ford.

What is he doing?!

Is he out of his mind?!

"Anong kagaguhan yan? Ba't mo binubuhat?"

Lumabas na rin ako ng sasakyan.

"Ano ka ba. Syempre hindi mo sya kayang buhatin kaya ako na nagbuhat hehehe"

And I raised an eyebrow at him.

Natatanga na ba sya?

"At bakit ko naman kasi bubuhatin aber?!" Tanong ko ulit sa kanya.

At nginisian lang nya ako.

"Kasi dyan sya sa'yo ngayong gabi." And with that he smiled at me again. Yung may halong pang aasar!

Tangina?!

This is not a good joke!

Ako???

Kasama ang lalaking 'to?!

Sa iisang bubong?!

Sa apartment ko pa?!

The hell!!

No!!

"HELL. FCKING. NO!"

Sigaw ko at dumeretchong pumunta sa gate at sinimulang buksan ang lock.

"Huy anong no ka jan. Krsytal naman."

Nilingon ko sya ng may galit. Oo galit!

"Tanga ka ba? Ni hindi nga kami m-magkakilala ng k-kaibigan mong yan tapos, papatulugin ko sa apartment ko?!" Ughhh! Sumasakit ang ulo ko!!

"Krystal, sya si Zelo. Si Brader ko. Diba matagal na namin syang nababanggit? O sya na yan. Sayang nga lang, di sya makakahello back hehe."

Pero hindi pa rin pwede! Fck!

"Dali na Krystal wag na maarte please??? Hirap na ako sa pagbubuhat dito. Sige na pumayag kana. I trust you. Wala ka namang gagawing masama kay brader diba? Alam kong hindi mo naman sya pagsasamantalahan. Pero keri lang naman if ever. Hehehe ninong ako"

And with that, binatukan ko sya.

Nakakabwisit talaga tong unggoy na to. No wonder na galit na galit din si Alexa dito eh. Pero bagay sila. Lol.

Ughhh! What to do now?!

Papayag ba ako?

Pag di ako pumayag, baka isipin nya na may something ako kay Ford kaya umiiwas ako?

Pag pumayag naman ako, para ko na rin pinakain sarili ko sa leon!

Ahhhhh! I need help!!

Hindi ko nalang namalayan na binubuksan ko na pala talaga ang apartment ko para sa lalaking ito.

Ng makapasok na kami sa loob ng apartment ay dere deretcho na sana si Vendric sa kwarto ko ng pigilan ko sya.

"Hoy! Not in my room. Leave him on my sofa."

Aba! Balak pa nya ata kaming pagtabihin sa pagtulog ah?! No way!

"Okay po boss Krystal. Haha!" At tsaka nya inihiga si Ford sa sala ko.

Pagkahiga nya ay tsaka naman sya nag unat unat.

"Ughhhh ang sakit ng likod ko dun ah. Bigat talaga ni brader."

Dumeretcho ako ng kusina para ilagay yung limang soju sa ref at yung ramen ay lulutuin ko na lang mamaya.

Kumuha ako ng tubig galing sa ref at tsaka ko ito iniabot kay Vendric.

"Here. Baka sabihin mo pang napakasama ko at di ka manlang pinainom ng tubig" Pangsasarkastiko ko sa kanya.

Kinuha naman nya yun at ininom bago nagsalita.

"May anghel naman palang nagtatago sa itim na awra mo eh. Hehehe. Salamat Krystal."

And I just rolled my eyes.

Maya maya ay nagpaalam na rin si Vendric dahil kailangan na rin daw nyang umuwi dahil may susuyuin pa raw sya. I don't know who the hell he's referring to. I don't care tho.

So, okay?

I am now alone.

Oh, not really alone.

I'm with.... him.

I'm with my first love.

My first heartbreak.

Nagbihis muna ako ng pantulog bago ko sinimulang magluto ng ramen. Habang pinakukuluan ko yung tubig ay naghanap ako ng maluwag kong damit na pwede kong ipahiram sa kanya.

Good thing I saw one.

A black shirt and ohhh, wala akong mapahiram na pajamas sa kanya because for sure, it won't fit.

Sana lang ay nakaboxers sya para kahit yun nalang.

Dahan dahan ko nang inaalis ang pagkabutones ng polo nya.

Agad akong nakaramdam ng init sa katawan. Wtf?! What the hell is wrong with me? Ang init ng pakiramdam ko pero nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig pa! The hell?!

Tuluyan ko nang naihubad ang polo nya.

Fck. He's too hot not to be noticed!

Krsytal calm down!

Sinimulan ko nang banyusan ng basang tuwalya ang katawan nya. Mula sa mukha papunta sa katawan nya.

Sinuot ko na ang shirt ko sa kanya. Buti nalang at nagkasya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggalin ko ba yung pants nya para mas maging comfortable sya... But hell! If I did that, ako ang hindi magiging komportable!

So wag nalang! Play safe!

Nang matapos ko ay iniwan ko na sya at tsaka ko na niluto ang ramen ko.

Oh my fcking jeez.

Is this even real?!

I am eating my ramen while looking at the guy who broke my heart that is comfortably sleeping on my couch?!

Funny isn't it?

I just did took care of the one who didn't even take care of me during the times that I needed caring.

Zelo Ford Angelo.

I'm so fcking dumb not even noticing that "Zelo".

Hindi ko manlang naisip na yung Zelo na binabanggit nila at yung Zelo na kilala ko ay iisa.

"I hate you Ford.

I hate myself even more!

Why?

Because I can't stop loving you.

At ikaw pa talaga ang nagpapakalunod sa alak ha?

Hoy, ako yung iniwan mo!

Ako yung dapat nasasaktan at nag-iinom pero bakit parang ikaw pa ang kunwaring nasasaktan ha?!
Nasasaktan ka nga ba talaga?! O palabas mo lang yan para mag mukha kang nagsisisi?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos na ang mga luha ko.

Takte naman. Umiiyak nanaman ako.

Kinuha ko yung isang bote ng soju at tsaka ko nilaklak.

I just wanna get fcking wasted!

Ayoko na maramdaman yung sakit.

Sana naging manhid nalang ako.

Pero wala eh.

Sya pa rin talaga.

Sya pa rin ba dapat?

----

HELLO BAAAABSTERS! HAPPY NEW YEAR! FIRST UPDATE THIS 2020!❤️ HAHA. SORRY IF SOBRANG TAGAL KO NANG NAG-UUPDATE. TAMAD NA KASI SI OTOR BAAAABS HUHU. DEJK.

LOVE NYO PA RIN SANA AKO AT ANG MGA CHARACTERS HAHAHA.

TO MORE UPDATES THIS 2020! STAY TUNED! MARAMI RAMING GANAP PA ITO! HAHAHAHA. ❤️❤️

SANA MANATILI KAYO HANGGANG SA PAGTATAPOS NITO. MWA! ❤️

LOVE Y'ALL!

~FOREVERBAAAABS 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top