AGKWC 43 - SKY'S REASON
SOMEONE'S POV
Pagkababa ko sa aking sinasakyang motorsiklo ay inalis ko agad ang suot kong helmet at agad pinasok ang police station.
Agad kong hinanap ang pinaka head chief of police nila at saka ko kinausap ng pribado.
Nagtungo kami sa kanyang opisina.
"Dahil ngayon kilala mo na kung sino ang boss ko, siguro naman naiintindihan mo ang mga sinabi ko at alam mo na ang gagawin mo?" Wika ko sa kanya.
Agad naman syang tumango at sumagot "Sige ho. Makakaasa kayong hinding-hindi sya masasangkot sa imbestigasyon."
Lumawak naman ang ngiti ko sa kanya at agad inabot ang cheke sa kanya.
"I think this is enough. Alam mo nang mangyayari sayo at sa pamilya mo pag sumablay ka. I'll go ahead."
Tumayo na ako at sinuot ko na muli ang helmet at lumabas na ng opisina.
-----
ZELO ANGELO
*ringing*
"Answer the fvcking phone, Silva!" I clenched my fist in anger.
Kanina ko pa kasi tinatawagan si Vendric pero hindi nya sinasagot tawag ko.
Sinubukan ko ring tawagan si Lawrence kanina pero tulad din ni Sliva, hindi rin sumasagot.
Mga walang kwentang nilalang.
Tangina.
Mukhang iinom nalang ako mag-isa.
Kilala nyo ako. Hindi ako mahilig uminom at magpakalasing. But damn! I feel like I wanted to drown myself in liquor right now. To numb the pain inside.
As I rode on my MonsterX, binilisan ko ang patakbo ko. Wala yung ingay ng motor ko ngayon sa hingalo at hinagpis ng puso ko. It feels like I'm drowned on my own tears. Yung kahit na anong labas ng luha mo, nalulunod ka pa rin sa loob.
Faye....
Nang makarating ako ng bar ay lahat ng nakaharang sa dinadaanan ko nababangga ko na pero wala akong pake. Damn them! Bakit kasi paharang harang!
Nang makarating ako sa counter ng bar ay umorder ako agad ng hard drink. "Give me your hardest drink. Gusto ko yung malalasing ako kaagad." Ani ko sa bartender.
Maya maya pa'y binigay na nya ito sa akin kaya agad ko itong tinungga.
Ramdam ko yung pait at init sa lalamunan ko hanggang sa sikmura pero wala akong pakialam. I just wanna forget what had happened. Kahit manlang ngayon lang!
"Give me 5 more bottles." sabi kong muli.
Tuluy tuloy lang ako sa pag-inom ko nang napansin ko na medyo lumalabo na yung paningin ko. Medyo natatamaan na rin yata ako. Bakit parang ambilis naman yata?
"Sup, parang pamilyar ka." rinig kong wika ng isang boses. Boses ng isang lalaki.
Nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses. Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaking kinakausap ako pero fuck, sobrang labo talaga at nahihilo na ako kaya hindi ko na ito maaninag.
"Familiar? Tss. This handsome face of mine can't be seen anywhere. Just fuck off. Get lost. " Sabi ko nalang sabay tungga sa bote ng alak.
Narinig ko namang tumawa ang lalaki
"Lasing kana pero mayabang ka pa din. Gago talaga."
Nag-init naman ang ulo ko sa narinig ko. Tangina hindi ba to marunong makaintindi?! Sinabi ko na ngang get lost!
"What the hell do you need, dumbass?! I asked you in a calm way earlier to get lost, pero parang mas gusto mong pisikalan tayo magtalo." Didn't I tell you that kahit lasing ako, I can win a fight? Tss.
"Hindi na kailangan. Hahaha! Hindi naman ako nandito para makipagbugbugan sayo." sagot naman nito na lalo kong kinainis.
"THEN WHAT THE FUCKING HELL DO YOU WANT?!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako sa sobrang inis ko.
Narinig ko nanaman syang tumawa ng mahina. Tangina baliw na yata.
"Kalma ka lang pare. Nandito ako para magbigay babala sayo."
I literally frowned. Babala? What kind of a joke is this.
"Piliin mo yung taong pagkakatiwalaan mo. Hindi lahat ng mahal mo, mahal ka rin. At hindi lahat ng nagpapakita ng kabutihan sayo, ay talagang mabuti ang intensyon. Mag-iingat ka, Zelo Ford Angelo." Matapos nyang sabihin yun ay naaninag ko na lamang syang palayo.
What the fuck is he talking about?
Is that a sort of a threat?
Tumawa ako ng mahina.
"Tanginang yan. Kitang nagmomoment ako dito, biglang manggagago amputa. Hey get back here! Middle finger raised just for you asshole!" at tinaas ko ang dalawang gitnang daliri ko at tinapat sa kanya.
Dahil medyo lumilinaw naman na yung paningin ko, kinuha ko ang cellphone ko to check if may mga texts or calls.
Nagmissed call si Vendric. Tss.
Nagtext pa ang gago.
From: Vendric
Bakit Brader? Ano meron? Himala yata na ikaw ang tumawag sa akin? Miss mo na ako kaagad? Hehehe. Ikaw naman brader. Nasa date ako ngayon eh. Pasensya na. Wala eh, gwapo ng kaibigan mo kaya bukas tignan mo, may Girlfriend nako. Hahaha! 😎
I sarcastically replied to his nonsense text.
To: Vendric
Miss kita? Over my fucking hot body.
Iwanan mo na yang lalaking yan at samahan mo ako dito. Let's get fvcking wasteeeeeed.
Uminom ulit ako at inubos ung isang bote. Bale pang-anim na bote ko na yata ito. Nang magtext ulit si gago.
From: Vendric
Lalaki ampota. Babae ka-date ko! Hoy brader ikaw kaya ang bakla sa ating dalawa! Wag mo ipasa sakin! Atsaka, nakadrugs ka ba? Diba hindi ka naman umiinom? Tapos ngayon gusto mong magpakalasing?
To: Vendric
Dami mong satsat. Kung ayaw mo then fine. Mukhang mas maganda namang maglasing dito mag isa kesa kasama ka pa.
From: Vendric
Seryoso brader? Naglalasing ka talaga ngayon? Hehehe. Send pic nga kung totoo. Parang hindi naman eh. Di ka nga nagddrunk text oh. 🙄
Kagaguhan mo Silva.
To: Vendric
I don't need to prove to you that I'm here right now at the bar getting wasted. And let me remind you, incase you forget, hindi ako mabilis malasing at kung malasing man ako, I still know what I'm doing. Hindi ako kagaya nyo ni Lawrence. Tss.
From: Vendric
Oo na oo na! Dami ding sinatsat eh 🙄
Intayin mo na ako dyan. Saang bar ka ba? Ihatid ko lang si babybabe ko then punta na ako dyan. Libre mo ah? Hehehehehehe.
Tinext ko na kay Silva kung saang bar ako and while waiting for him, bigla nanamang pumasok sa isip ko si Faye.
I suddenly felt the pain inside..... again.
------
KRYSTAL FORTALEJO
Pagdating na pagdating ko sa apartment ko ay tsaka ko naramdaman ang panghihina at bugso ng damdamin kong umiyak.
And which I did.
Umiyak lang ako ng umiyak. Arms hugging my knees. Nakadungo ako dito sa may pinto at iyak lang ng iyak.
Parang gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong basagin lahat ng gamit na nandito sa loob ng apartment!
S-sya si Ford.
Hahaha! Tanginang mundo nga naman.
Si Z na operator ni Zaki at si Ford na ex boyfriend ko ay iisa.
Tangina diba? Haha! Napakagago ng mundo.
Hanggang Wattpad World ba naman, pinagtatagpo kami?!
Para ano? Para mahulog akong muli sa kanya?! Pagkatapos iiwan nya ako uli?! Damn you Angelo!
Tumayo ako at pumunta sa kwarto.
Binuksan ko ang drawer at kinuha yung box.
Box na naglalaman ng bagay na hindi ko alam kung bakit hindi ko maitapon tapon.
Binuksan ko ang box at kinuha muli ang kwintas.
Habang tinititigan ko ito ay sya rin namang tuloy tuloy na buhos ng luha ko.
"B-bakit sa kabila ng lahat, sinaktan mo ako, iniwan mo ako, at sa hinaba haba ng panahong naging mag-isa ako, bakit sa kabila ng lahat ng iyon, bakit m-mahal pa rin kita? Bakit bumalik ka lang, bumalik na rin ang dating ako na marupok pag dating sayo?"
Parang tangang kinakausap ko na yung kwintas. Baka sakaling makakuha ako ng sagot sa mga tanong. Ang sakit. Sobra.
"Hindi ka na dapat bumalik. Hindi na dapat kita nakita ulit. Ugh fck!"
Binitawan ko ang kwintas at kinuha ang cellphone ko sa bag ko para i-text si Divina.
To: Ina
I quit. Sign off na ako kay Kyra. I'll no longer be her. Hope you understand.
sent.
Huminga ako ng malalim.
I admit. I admit na mamimiss ko ang paggamit ng account ni Kyra. Pati.... pati ang kulitan sa gc.... at..... oh fck alright! I'm gonna miss flirting with Zaki.
But I can't continue anymore. Knowing that my ex boyfriend is behind Zaki's account!
As much as possible, kailangan ko nang umiwas. I don't wanna end up being weak and fragile again.
Ayoko na.
Pagod na ako.
Takot na ako.
I'd rather be a stone, being hard and being strong until the end than to be a glass, hard and strong at first but brittle in the end.
Let me choose myself now.
----
SKY LAWRENCE
Kumalas na si Ina mula sa pagkakayakap sakin at tinulak ako palayo.
Hindi sya makatingin ng deretcho sa akin kaya nagsalita na ako.
"I-I'm s-sorry, Ina." Mahinang sabi ko.
Kinakabahan ako ngayon. Dapat lang naman kasi e. Dapat lang naman talaga syang magalit sa akin dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya ng walang sabi. I deserve her hatred and anger.
Pero nanatili lang syang nakadungo at tahimik.
Maya maya ay nakita ko nalang na basa na ang kumot nya.
Shit! She's c-crying.
I can hear her tiny sniffs.
"B-bakit"
patuloy pa rin sya sa pag iyak and it hurts me seeing my love in this situation. And it hurts me more knowing that I'm its cause.
"B-bakit mo ako iniwan, Koykoy?" This time, her eyes met mine.
Her eyes full of tears, Her eyes that are now red and puffed.
Wala akong nagawa kung hindi ang hawakan ang kanang kamay nya.
"I'm sorry, Ina. Alam ko na kahit ano man ang rason na ibigay ko sayo, hindi magiging sapat na dahilan yun para iwanan kita. Kaya humihingi ako ng tawad sayo." I said, tears pouring down my cheeks.
"But still, I need it, Koy. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan! 6 years Koy! 6 years mula ng iwan mo ako ng walang paalam. Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan nun ha?" mas lalong bumuhos ang iyak nya at ramdam na ramdam ko sa bawat bitaw nya ng mga salita na nasasaktan sya. And kasalanan ko iyon.
"Bakit naman kasi ganun Koy, bakit kailangang mang-iwan? Bakit ha bakit? Para na akong tanga kakaisip ng mga posibleng dahilan kung bakit ka nawala. Kung nagalit ka ba sakin, sawa ka nang maging kaibigan ko, sawa ka na sa ugali ko, hindi mo na ako m-mahal...." natahimik sya pero patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Akala ko kasi noon, mahal mo ako. Kahit bilang kaibigan lang. Kahit bilang bestfriends lang eh. Pero nung umalis ka? Pakiramdam ko non, nawalan ako ng buhay. Kasi Koy alam mo ba? Simula ng dumating ka sa buhay ko? Nag iba eh. Naging makulay ang buhay ko."
"Kung ano ang kinabilis ng pagganda ng buhay ko ng dumating ka, ganun din kabilis naglaho ang buhay ko nung nawala ka." Shit. Kung alam mo lang Ina, kung alam mo lang kung gaano nagkanda letche letche ang buhay ko mula ng iwanan kita.
"Ina, hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo, mapatawad mo lang ako" mangiyak ngiyak ko ding sabi sa kanya.
But what she said afterwards made me burst into tears.
"Matagal na kitang pinatawad, Koy. Kaya sana, mapatawad mo rin ako."
Tinignan ko sya ng may pagtataka
"Patawarin mo ako kasi hindi ako naging sapat na rason.... para manatili ka sa tabi ko"
And that made me realize that I'm so fucking dumb and fucking asshole.
Pagpasok ng nurse ay agad naman kaming nagsipunas ng mga luha.
"Ma'am gising na po pala kayo. Ma'am inumin nyo na po itong gamot nyo." nakangiting sabi ng nurse kay Ina.
Kinuha ko naman ito sa kanya.
"Thank you miss. Ako nang bahala sa kanya."
"Pinapasabi din po ni doc na if gising na po ang pasyente, pwede na po sya madischarge tomorrow morning."
Tinignan ko naman si Ina at nakahiga na ito at nakapikit. Ang ganda nya talaga.
"Alright. Thank you." Huling sabi ko bago umalis ang nurse.
Habang natutulog si Ina ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang ako magdamag sa kanya while stroking her soft and smooth hair.
Habang nakatitig lang sa kanya ay isa isa nanamang bumabalik ang alaala ng nakaraan...
flashback:
"Koykoy! Halika dali! May ipapabasa ako sayo!" Tawag sa akin ni Ina habang nandito ako sa may sala nila at pinapapunta sa kwarto nya.
"Ano ba yun Ina? Teka lang naman umiinom pako e" Sagot ko sa kanya na ikinatawa nalang nya.
Pagkatapos ko uminom mg tubig ay dumeretcho na ako sa kwarto nya.
"Ano ba yun Ina? Sobrang ganda ba nyan at pinagmamadali mo talaga ako ha?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Na lalo naman syang tumawa.
Ganyan talaga si Ina. Mas natutuwa pag naiinis nya ako.
Pilya.
"Ito naman ang sungit sungit! Sige ka sungitan mo pako, papangit ka lalo! Kamukha mo na si Damulag hahaha!"
Pang-aasar nya sa akin.
"Tss."
"Joke lang! Ito di mabiro. May regla ka ba? Hahahaha!"
At dahil sa napipikon na talaga ako, ginulo ko nalang ang buhok nya na kina-inis naman nya.
Hahaha! Yun kasi ang pambawi ko sa kanya pag nang aasar sya.
"Koy naman eh!" sigaw nya na ikinatawa ko naman.
"Ano na kasi yung ipapabasa mo? Nang aasar ka pa e haynako" Sabi ko sa kanya.
At bigla namang lumabas ang ngiting lalong nagpapabighani sa akin.
Tumakbo sya at kinuha sa bag nya ang isang papel at tsaka ito inabot sa akin.
"Basahin mo" nakangiti nyang sabi sa akin at hinihintay nyang kunin ko ito mula sa kamay nya.
Kahit nagtataka ay kinuha ko naman ito.
Inalis ko ito mula sa pagkakatupi at binasa ang nakasulat
"Angel"
"Angel?" Tanong ko sa kanya pagkabasa ko ng pamagat.
Ngumiti lamang sya sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa
Angel
An angel that was sent from above
To take care of you and guard you
To be with you wherever you go
To make you smile when your sad
To comfort you in times of pain
To motivate you when you're down
To make you feel that you are loved
All I thought, an angel is someone with wings and is able to fly
But now, I think I know who's an angel
No wings, no halo
But is always there for you.
And I'm thankful that it is you.
Matapos kong basahin ay agad akong niyakap ni Ina.
"Ikaw ang angel ko Koy. Sabi ni mama wag daw ako maniwala sa mga anghel dahil hindi naman daw yun totoo. Pero alam mo? Nung dumating ka sa buhay ko, alam kong ikaw na talaga ang angel ko. Salamat Koykoy!"
Di ko na napigilang ngumiti at may tumulo nang mga luha sa mga mata ko. Niyakap ko pabalik si Ina bago nagsalita
"Corny mo Ina"
Kaya naman napabitaw sya sa pagkakayakap sakin at tsaka ako hinampas.
"Heh! Effort ko nga yan sayo. Kahit wrong grammar pa e!" Hahaha cute talaga ni Ina.
Maya maya ay narinig ko ang boses ng kanyang ina.
"Sky"
Hindi ko alam ngunit sa tuwing tatawagin ako ng nanay ni ina sa aking pangalan ay inaatake ako ng takot.
Siguro dahil na rin sa masungit talaga ito at ayaw na ayaw nyang magkaroon ng kaibigan ang kanyang anak.
"Po?" nanginginig na sagot ko sa mama nya.
Nasa may labas sya ng pinto ng kwarto.
"Halika sandali. May sasabihin ako sayo"
Lalo akong natakot at kinabahan.
Nagkatinginan kami ni Ina at ramdam at kita ko rin sa reaksyon nya na natatakot din ito.
Nginitian ko lang sya at sumenyas na magiging okay lang ako.
Kaya lumabas na ako ng kwarto nya at tsaka sumama sa mama nya.
Sinundan ko lamang si mama nya habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang kanyang sasakyan.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko.
Ngunit hindi nya ako nilingon.
"Sumakay ka nalang" Sabi nya ngunit hindi tumitingin sa akin.
Kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay sa likod ng sasakyan nya.
Hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop.
Pumasok kami sa loob at kahit nagtataka na talaga ako ay sumama pa din ako. Pinaupo nya ako habang sya ang oorder.
Nang maka-order na sya ay bumalik na sya sa table namin at umupo na sa harap ko.
Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Kaba at pagtataka.
"Ahhh, t-tita ano p-pong ginagawa natin dito?" tanong ko ulit sa kanya.
Ngunit tinaasan nya ako ng kilay
"Don't call me tita. You're not my nephew."
Yumuko nalang ako at pinipigilan ang sarili kong manginig.
Maya maya ay dumating na ang inorder niya na hot coffee and hot chocolate.
Sinimulan na nyang higupin ang hot coffee na inorder nya samantalang ako ay nakatingin lamang sa kanya.
Iniintay kong magsalita sya.
Kitang kita mo sa kanyang awra na isa talaga sya sa mga mayayaman.
"What? Inumin mo na yan bago ko pa bawiin." Sabi nito sa akin.
"Ano po bang sasabihin ninyo? Bakit dinala nyo pa po ako dito?" Di na ako nakapagpigil at naitanong ko na sa kanya.
I saw her smirked.
"Okay then. I'll get straight to the point." Sabi nya na nagpabuhay ulit sa kaba ko.
Tinignan nya ako ng matalim sa mata bago nagsalita.
"Stay away from my daughter."
Sabi na eh.
Tama ako.
"Tita, hindi ko naman po sasaktan ang anak ninyo. Magkaibigan po kami. Hayaan nyo po sana na magkaroon naman ng kaibigan ang anak ninyo. Tita please" Pagmamakaawa ko sa kanya. Ngunit tila bingi sya't walang naririnig.
"Do you think I'm stupid?" Pagtataray nya sa akin bago tumawa ng napakalakas.
"Hindi ako tanga. I know what will happen next. Sa ngayon oo, mga bata pa kasi kayo kaya magkaibigan lang. Pero I know that as you grow old, I know na magiging magkasintahan din kayo and I wouldn't let that happen!!" Sigaw nya sa akin.
Kita ako ang galit sa mga mata ni Mrs. Mariel.
Nakakatakot.
"Pero t-tita"
"No buts! Hindi kayo pwede! I wouldn't let a useless and a poor kid like you ruin my plans! Hindi ikaw ang pinangarap kong mapangasawa ng anak ko. Hindi ang katulad mo ang sisira sa buhay na pinangarap ko sa anak ko."
That choice of words.
That choice of words broke my heart into pieces.
Hindi lang ako ang minaliit at inalipusta nya
Kundi pati ang estado ng pamilya ko.
"Mawalang galang na po tita pero sumosobra na po kayo. Hindi ko matatanggap yung pagmamaliit nyo sa estado ng buhay namin."
I clenched my fist in anger
"Aba sumasagot ka pang bata ka? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng tamang asal? O baka naman pati sa ugali e, mahirap kayo"
"Kung estado sa buhay ang pagbabasehan, oo mas mayaman nga kayo at mas nakaka angat. Pero kung ugali ang pagbabasehan? Mas edukado pa kami kesa sa inyo."
Nakita ko naman ang pagtiim ng bagang nya kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita
"As much as possible, gusto ko po kayong igalang dahil ina pa rin kayo ng kaibigan ko. Ngunit ngayon sa ipinakita at mga sinabi nyo? Patawarin ako ni Ina pero parang hindi ko na yata kaya pang respetuhin kayo."
Tatayo na sana ako ng magsalita pa sya.
"500,000 pesos."
napatigil ako sa pagtayo
"I know your dad has cancer. And alam ko rin na namromroblema kayo sa panggastos."
Nanginginig ang mga kamay ko sa galit.
"500,000 pesos kapalit ng paglayo mo sa anak ko. Pag isipan mong maigi ang magiging desisyon mo."
"Hindi ko kailangan ng pera mo"
"Hahaha! Hindi mo kailangan? Pero kailangan ng ama mo."
Tumayo sya at nilapitan ako at pumwesto sa likod ko habang hinihimas ang balikat ko.
"Ang pagkakaibigan nyo ba ng anak ko? O ang pagiging anak mo sa iyong ama?"
"Pag pinili mo si Ina, maaaring mamatay ang iyong ama pag hindi nyo pa maipagamot. Makakaya mo bang maging masaya kapiling ang anak ko habang makita mo ang pamilya mong nagluluksa na sana ay nagawan mo pa ng paraan?"
"It's your decision to make, young man. the choice is yours. Just choose wisely."
Tumawa muli ito
"I know you will come up with a right decision. Matalino kang bata ka hindi ba? Mabait pa. So I know that you already know what's the best choice to choose."
Kinuha na nito ang kanyang bag at namaalam.
"Bye young man. Meditate on my words."
-----
Nagsituluan nanaman ang mga luha ko.
Napakatanga ko.
Nagpaikot ako sa babaeng yun.
Nagpadala ako sa pananakot nya.
I was a damn stupid kid!
Pinagpalit ko si Ina sa pera?!
Tanginang kagaguhan!
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko pa rin matanggap at hindi ko mapatawad ang sarili ko sa pag iwan ko kay Ina.
I envy her.
Kasi sya mabilis lang nya akong napatawad.
Pero ako? Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko hanggang ngayon.
Kung malaman kaya nya ang dahilan ng pag-iwan ko sa kanya, mamahalin at tatanggapin pa rin kaya nya ako?
Fck Lawrence!
"Koykoy? Umiiyak ka pa din?" Tanong ni Ina kaya naman agad agad kong pinunasan yung mga luha ko.
"Nope. Haha. I was just so happy na nakita na ulit kita. Tears of joy kumbaga" Palusot ko.
"Sabi pala ng nurse bukas na bukas, pwede ka nang madischarge. Kaya palakas ka na okay? Heto kumain ka." At kinuha ko ang porridge na kadadala lang din ng nurse kanina at tsaka sya simulang pakainin.
Habang pinapakain ko sya ay nakatitig lang ito sa akin.
Medyo naiilang ako kaya naman tinanong ko na sya.
" Baka malusaw ako nyan. Haha. Bakit mo ba ako tinititigan?"
Nginitian nya ako.
"Wala pa ring pinagbago. Gwapo ka pa rin." Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng init sa pisngi. Putangina. Namumula ba ako? Shit diba sa babae lang nangyayari yun?!
"Tigilan m-mo nga ako Ina. Trip mo ha. Di ka pa din nagbabago" Sabi ko at nag aktong naiinis para hindi mahalatang kinikilig ako.
Tumawa naman ito bago nagsalita "Ikaw din. Pikon ka pa din. Hahaha" At tinawanan lang nya ako ng tinawanan at ako naman ay ginulo nalang ulit ang buhok nya bilang pambawi.
"Alam mo Koy namiss ko ito. Namiss kita." Sabi nya while looking straight into my eyes.
Kaya inayos ko ang naiwang mga piraso ng buhok nya sa mukha and i cupped her face.
"I missed you too my Ina. And I am really sorry for hurting you. Promise, hindi na ako yung tangang Koykoy noon. Mula ngayon, ipaglalaban ko na ang gusto ko. Ipaglalaban kita."
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa nagdikit ang aming ilong.
"Because that's what you deserve"
And with that, my lips met hers.
A kiss that's longing.
A kiss that ease the pain away.
I love you Ina.
I really really do.
-----
AUTHOR'S NOTE:
SORRY SA TAGAL NG UPDATE HAHAHAHA. LOVE KO PA RIN KAYO. 😂
VOTES AND COMMENTS ARE APPRECIATED ❤️❤️
HAPPY 20.4k readssss!!! ❤️
I love y'all!
~foreverbaaaabs 💛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top