AGKWC 42 - PLAN
VENDRIC SILVA
Maaga akong umalis ng bahay at kamuntik pa akong madapa dahil yung tsinelas ni Didi eh paharang harang sa daan. Haynako. Buti nalang at gwapo ako kaya hindi natuloy. Hehehe
"Anak san punta mo at ang aga mo yata?" tanong sa akin ni Didi.
"Sa police station Didi." sagot ko naman habang nagsusuot ng medyas.
"Police Station? Anong gagawin mo dun? May nagawa ka bang krimen ha?! Nako naman anak! Wala kaming pangpiyansa sayo!" At ayan nanaman po ang aking Mimi na naghihysterical nanaman.
Natapos nakong mag medyas at magsapatos kaya naman tumayo ako at lumapit kay Mimi tsaka hinawakan ang magkabilang balikat nya.
"Ang OA mo nanaman Mimi eh. Ipakukulong ko lang naman si Didi." At pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong binatukan ni Didi.
Aray ah?! Galet na galet? Usto manaket?!
"Aray naman Didi! Yung buhok ko! Hirap kong inayos to ih. Ano ba yan Didi" At pilit kong inayos yung nahawi kong buhok. Kasi naman si Didi! Nagpagwapo ako ng sobra ngayon tapos babatukan lang ako? Huhu.
"Kung anuano kasing pinagsasasabi mo. Anong pakukulong ka dyan" Sabat naman ni Didi habang kumuha ng tubig sa ref. Yep opo nasa kusina na kami realquick. Kanina sa sala lang. Ganun dapat. Speed lang. Hehehe.
"Pakukulong ko si Didi kasi muntik na akong mamatay kanina dahil natisod ako sa tsinelas nyang paharang harang." At tinitigan ko si Didi ng masama. At gaya ng ineexpect ko, dalawang batok nanaman ang natanggap ko. Isa kay Didi at isa kay Mimi.
Huhuhu! Tulungan nyoko! Child abuse mga magulang ko!
"Aray! Nako talaga irereklamo ko na kayong dalawa ng child abuse! Isusumbong ko kayo sa Bantay Bata! Humanda kayo Mimi at Didi!" Kawawa naman ako sa mga magulang ko huhuhu.
Paano na si Aleksa pag mag asawa na kami, tapos makikita nyang ginaganito ako ng mga magulang ko. Waaaahhh! Nakakahiya!
"Lumayas ka nalang nga. Jusmiyo sumasakit ang ulo ko sayong bata ka. Hala sige layas." Sabi ni Mimi. Huhuhu tignan nyo! Ngayon naman pinapalayas ako. Grrrrr.
"Hehehe walang ganyanan Mimi. Joke lang naman yon huhu. Sige na aalis na ako. Bye Mimi Bye Didi! Uuwi pa din ako dito ha! Walang magiimpake ng gamit ko hmp!" Hinalikan ko sa pisngi si Mimi at ganun din si Didi at pagkatapos eh umalis na ako ng bahay.
Sumakay na ko sa kotse ko.
Yep. Sa gwapo kong kotse na may pangalan na Repapips.
"Eyow wazzup wazzup Repapips! It's been a while since huli kitang nagamit ah. Hehehe." at hinimas himas ko ang kotse ko.
Sumakay na ako at inistart ang engine.
"Ayos. Gwapo mo pa rin Repa! Manang mana ka sakin! Hahaha. Ay teka. Wala ka na palang gas."
Pinaandar ko na ang kotse at dumeretcho sa pinakamalapit na gas station.
Pagkarating ko sa gas station ay nagpafull tank ako. You know naman me, I'm so yaman. Yaman sa kagwapuhan. Kaya ng mai-full tank na ng gas boy si Repapips, sinenyasan ko sya na lumapit tsaka ko binulong "Boss, pwedeng utang muna? Hehehe" ys
Nakita ko naman na nag iba yung mukha nya, kaninang nakangiti, ngayon ay mukhang gulat at hindi ko na sya pinagsalita at agad ko nalang binigay ang papel.
"Eto pangalan ko. Utang muna ah. Babye!" At humarurot na ako paalis ng gas station ng may malaking ngiti.
Nakita ko pa sa rear view mirror ng sasakyan na binasa nung gas boy ang nakasulat sa papel 'Zelo Angelo'.
Hehehehehehehe.
Ngayon nagtataka siguro kayo kung san ang lakad ko ngayon? Well, sige lang. Magtaka lang kayo.
Joke hehe.
Papunta ako ngayon sa simbahan.
Magsisimba ako.
Syempre, kahit gwapo ako, Godly man naman ako noh. Hehehe.
Pero syempre, kilala nyo naman na ako. Ayokong mag-isa.
Galaan man yan, simabahan, o kahit kakain lang, gusto ko may kasama ako. Kaya lagi kong inaaya si brader. Hehehe.
Pero may lakad daw kasi sya ngayong linggo eh. Ewan ko ba dun. Masyadong nagiging busy these past few days, wala namang jowa. So sino kaya pinagkakabusyhan non.
Or baka yung sa investigation pa din ng kumidnap sa kanila? Ay ewan. Di ko na aaksayahin pa kagwapuhan ko para mastress dyan.
So syempre, dahil hindi pwede si brader ngayon na sumama sakin.... iba nalang yayayain ko.
Ops. Nandito na pala ako eh. Nandito na ako sa tapat ng bahay nila.
Pinark ko na ng maayos si Repapips bago lumabas.
Tinanaw ko ang bahay nila at mukhang gising naman na ang mga tao sa loob. Tinignan ko ang oras sa suot kong relo.
7:38am
Ngumiti ako dahil naeexcite na ako. Hahaha!
Lumakad na ako papunta sa bahay nila at tsaka ko pinindot ang doorbell.
Habang nag iintay ako na pagbuksan nila, ay inayos kong muli ang buhok ko, nagpabango ako ulit at inayos ang suot kong damit. Ayan! Gwapo ka na ulit Vendric!
Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at ang yaya pala nila na si Yaya Emang ang sumalubong sa akin.
"Ay harinawa! Andito nanaman ang gwapong binata! Pasok ka pasok!" At iginaya ako ni Yaya Emang papasok ng bahay at pinaupo ako sa sofa nila.
"Iho, ano gusto mo, kape? juice? o ako? hihihi" Nako naman talaga. Itong matandang ito oo. Haha nako Yaya Emang. Mas matanda ka pa kay Mimi eh.
"tubig nalang po" sagot ko naman sa kanya ng may ngiti.
"Ahhh, sila Tito at Tita andyan po ba?" Tanong ko kay Yaya Emang bago sya dumeretcho ng kusina.
"Oo iho. Wait ka lang dyan, bababa din mga yun..... Pero teka..... sila ba talaga hinahanap mo ha?" At binigyan ako ni Yaya Emang ng nakakatuksong ngiti at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.
"Hehehe. Gising na po ba si Aleksa?" Tanong ko sa kanya.
"Ayuuun! Sabi na eh. Yung alaga ko ang sadya mo. Nako iho, tulog pa yun. Pero sige gigisingin ko para sayo. Wait ka lang dyan."
Pumasok na si Yaya Emang sa kusina para kumuha ng tubig at nang makakuha na sya ay inabot nya yun sa akin bago sya umakyat para gisingin si Aleksa.
Habang nakaupo at nililibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay nila Aleksa ay di ko maiwasang mamangha sa bahay nila.
Hindi man ganun kalaki ang bahay nila, eh makikita mo pa rin dito ang ka-elegante ng pamilya nila. Sobrang linis ng bawat gamit. At pati ang ang floorings, madudulas ka sa linis.
Napansin ko ang isang picture frame na merong tatlong katauhan. Dalawang babae at isang lalaki. Mukhang ito ang family picture nila.
Bata pa si Aleksa dito. Hihi. Ang cute nya. Liit nya talaga. Haha!
Habang hawak hawak ko ang picture nila at nakangiti, ay nakarinig ako ng nagsalita.
"She was 7 years old that time." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko na pababa ng hagdan si Tita Sheila.
Hala ang ganda ng mama ni Aleksa. Mas maganda pa sa kanya. Charot hehe.
"Ay hello po tita. Goodmorning po." Kinakabahang sabi ko at tsaka lumapit sa kanya at nagmano. Nginitian naman nya ako.
Agad ko namang binalik ang picture frame at tsaka umupo sa tapat ni tita.
"Parang kailan lang nung ang bata bata pa ni Alexa. She's the greatest gift we've had. Sobrang mahal namin ang anak namin na yan. Kaya nga minsan pinagagalitan na kaming mag-asawa ng mga kumare at kumpare namin eh. Why are we spoiling Alexa daw. Haha" Panimulang kwento ni tita. Naupo naman ako ng maayos at nakatingin lang kay tita habang hawak nya ang picture frame na hawak ko kanina. She's smiling while telling me those things. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kanyang anak.
"Kaya ang sinasagot naman namin ni Gabriel, we're not spoiling her. We're just giving her what she deserve. Kasi kung sa mata man ng lahat eh naiispoil namin sya, ang totoo, ay disiplinado pa rin namin si Alexa. And kaya nabibili namin lahat ng gusto nya, it's because hindi nya kami sinusuway sa pagdidisiplina namin sa kanya. Masunurin ang batang yan." At biglang tumingin sa mga mata ko si Tita Shiela kaya nakaramdam agad ako ng ng takot at kaba.
"Wala pa akong nakikilalang nagbalak manligaw sa anak kong yan." Sabi nya ng hindi manlang kumukurap.
"Ikaw palang" At binigyan nya ako ng nakakakilabot na ngiti kaya napalunok naman agad ako ng laway kahit wala naman akong nalunok kasi wala akong laway! Ayun! May tubig pala ako. Kaya agad ko itong kinuha at nilagok ang tubig.
"Ahh ehh tita..... di naman po ako manlili..." Nahinto ako sa pagsasalita ng magsalita ulit si tita.
"Boto ako sayo." At kinindatan ako ni Tita bago sya umalis papuntang dining area.
"Yaya tawagin mo na nga si Alexa at sabihin mo may bisita sya." At muli kinindatan ako ni Tita.
"Ay oo pala! Ay jusko nakalimutan kong tawagin ang alaga ko. Pasensya na iho ha. Opo madam tatawagin ko na po!" Natataranta namang umakyat ulit si Yaya Emang.
Natawa nalang ako dahil nanggaling na nga sya kanina sa taas, di pa pala nya natatawag si Alexa.
"Come. Have a breakfast with us." Pag-aaya ni Tita. Sino ba naman ako para tumanggi? Gutom na ang mga bulate ko sa tyan. Hehehe.
Pagkaupo ko palang sa may dining table nila ay narinig ko na ang boses niya.
"Ha??! Sino??? Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon ah? Yaya sigurado ka bang bisita talaga yan??? Omg!!! Baka nabudol budol tayo yaya! Modus Operandi nila yan! May nabasa ako sa facebook ganyan na daw yung uso ngayon! Kunwari sasabihin nila bisita sila so papapasukin sila tapos yun pala kidnapper talaga sila wahhh!! Yaya!!!"
Nagkatinginan naman kami ni Tita at sabay lang kaming natawa sa narinig namin. Tatanga tanga talaga yang si Aleksa eh.
Narinig ko na medyo malapit na yung footsteps.
"Nasan na yaya? Wala naman ah?" Malamang ako hinahanap nun. Pft.
"Nandun na sya, kumakain kasama si Madam." rinig kong bulong ni Yaya Emang kay Aleksa.
"WHAT?! BAKA SI MI NA YUNG KINAKAIN NYA!!" Bigla naman akong nabilaukan at nasamid kaya nahirapan akong huminga at umubo ng umubo kaya naman kinuha ko ulit ung tubig.
Lintek Aleksa!!!
"Miiii!!!" At yun na nga. Pumasok na sya dito sa dining area nila at nakita ko kung paano lalong bumilog ang mga mata nya ng makita nya ako.
Nang maging okay na ang paghinga ko ay nginitian ko naman siya
"Hi Aleksa"
Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha nya kaya naman nagsalita na si tita.
"Umupo ka na dito babygirl! Mukha kang abnoy dyan. Kumain kana. Samahan mo kami ng boyfriend mo." At ngumiti si tita ng pilya.
"Mi?! Boyfriend ka dyan?! At ikaw unggoy, anong ginagawa mo dito ha?" Tanong nya sa akin at umupo sa tapat ko.
"Ano pa ba, edi sinusundo ka." Sagot ko habang di sya tinitignan at patuloy lang sa pag kain.
"Sundo?! Kailan pa kita naging driver?! At wala naman akong pupuntahan ngayon kaya makakaalis ka na. Shoo shoo!" Nako. Nagpapabebe pa tong Pandak na to. Tsk!
"Diba sabi mo babygirl pupunta ka ng park ngayon kaso wala kang kasama? Ayan bat di mo ayain yang boyfriend mo." At kinindatan pa ako ni tita. Haha!
"Mi?! Anong park?! Tsaka boyfriend?! Mi hindi porket sinama ko sya dito nung isang gabi eh boyfriend na agad! Magkaibigan lang kami Mi!" Todo depensa naman to masyado tsk.
"Sige po tita. Sasamahan ko po yung anak nyo sa park mamaya. Salamat po." Ngumiti ako kay Tita. Ayos! Hehehe.
Masamang tinitigan naman ako ni Aleksa. At bigla nalang nag walkout.
Hahaha!
"Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Pakipot pa eh. Haha." At sabay kaming tumawa na lang ni Tita.
Tapos na kaming kumain at nandito pa rin ako sa sofa nila habang sila Tito at Tita ay nauna nang umalis dahil may date daw sila ngayong dalawa. Haha. Sweet nila kahit may edad na sila. Sana all huhu.
Tinext ko naman si Aleksa.
To: Babypanda
Tagal ka pa? Malalate na tayo sa simbahan. Bilisan mo kaya. Hehehe.
sent
After 10 minutes eh nagreply na sya.
Fr: Babypanda
Ginusto mong hintayin ako diba? Pwes mag intay ka! 😡
Napakasungit talaga kahit kailan. Kala mo naman chix. Tss.
Makaraan ang ilan pang minuto eh nakita ko na syang bumaba.
At....
at...
Ang ganda nya.
Shet.
Di ko namalayan na napatayo na pala ako mula sa pagkakaupo ko.
Matagal akong nakatitig sa kanya dahil sobrang ganda nya talaga ngayon. Fvck!
"Mukha kang tanga. Tara na." Rinig kong sabi nya bago sya naunang lumabas ng bahay nila.
Natauhan naman ako at sumunod na sa kanya palabas.
Pinagbuksan ko sya ng pinto ng sasakyan. Pinaupo ko sya sa passenger seat. Pero ang hinayupak, binuksan ang sa likod. So dun sya umupo sa likod. Tangina naman.
So ginawa nya talaga akong driver?!??!
Napakusilap nalang ako at pumunta na sa driver's seat.
"Talagang pinagmumukha mokong driver ngayon ha." Sabi ko at inistart na ang makina.
"Ginusto mo diba? Panindigan mo." Masungit nyang sabi sakin.
"Di manlang nagsabi na pupunta ng bahay. Trespasser nakakabwisit. nakichika pa kay mi, close sila agad?!" rinig ko pang bulong nya sa sarili nya.
Napatawa naman ako ng mahina habang nakatingin sa may gitnang salamin na nakikita ang repleksyon nya.
"Oo. Paninindigan talaga kita. Kahit pakipot ka." Sabi ko at kinindatan sya. Nakita ko naman syang namula at tsaka ako kinusilapan.
Napangiti naman ako.
Desidido na talaga ako.
I want to know her more.
Liligawan ko sya.
Liligawan ko si babypanda.
Pero sa ngayon, pupunta muna kami ng simbahan. Okay? Babye muna. Haha!
-----
DIVINA MARIEL
"I-ina?"
Tangina is this real?!
What the hell.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi rin ako makagalaw.
Nasa harapan ko na ba talaga sya?
Sya ba talaga?
Sya na ba yan?
Sya na ba si
"Koy-koy?" mahinang lumabas sa bibig ko kasabay ng pagpatak ng isang luha mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.
Gulat? Tuwa? Galit? Sakit?
All of the above?!
"Ikaw nga." Sabi nya at agad akong tinayo at sinunggaban ng yakap. Naramdaman kong basa na ang likod ko. Umiiyak sya?
Samantalang ako ay nanatili pa ring tulala at di nagsasalita.
Parang....parang nanghihina ako.
Parang lumalabo yata paningin ko....
Nahihilo ako.....
Hanggang sa.....
Naramdaman ko nalang na may sumalo sa akin.
Nahulog pala ako sa kanya.
Nahulog muli ako sa kanya.
------
KOY-KOY
Matapos mahimatay ni Ina ay agad ko syang binuhat at isinakay sa kotse ko bago humarurot papunta sa isang hospital.
Hindi ko akalain.
I never thought I'll be seeing her again.
Masyadong biglaan.
Mapaglaro talaga ang tadhana.
Sa panahong di mo inaasahan, dun mo pa makikitang muli ang taong miss na miss mo na.
Nasa loob kami ngayon ng private room ng hospital. Wala pa ring malay hanggang ngayon si Ina at ako ay nanatili lang dito sa tabi nya. Hawak hawak ko ang kanang kamay nya.
Pumasok ang isang nurse kanina at ang sabi nya ay maya maya daw ay magkakamalay na rin si Ina. Overfatigue ang cause ng pagfafaint nya.
Siguro ay sa puyat at pagod kaya naoverfatigue.
May kumatok ulit sa pinto ngayon at ang doctor na pala ito.
"Ikaw ba ang boyfriend o asawa ng pasyente?" Tanong ng doktor.
Nakakagulat naman tong doctor na to. Ganun ba talaga ang dapat na itanong? Gg!
"O-opo. Boyfriend po. " Sagot ko nalang.
"Well, nasabi naman na siguro ng nurse sayo kanina ang cause ng pagfafaint nya. Which is overfatigue nga. So I advise na once bumalik na ang malay nya, please tell her na wag masyadong magpagod and wag abusuhin ang katawan nya. Wag din masyadong magpupuyat." Tumango naman ako sa mga sinabi nya.
"Good. Okay, alagaan mo muna yang girlfriend mo ha. Bagay kayo." At tinap pa nya ang balikat ko.
"I'll go ahead Mr..??" At mukhang iniintay nyang sabihin ko ang pangalan ko.
Kaya nagsalita naman ako.
"Lawrence po. Sky Lawrence doc."
Nginitian naman ako ng doctor.
"You got a good taste huh. Maganda ang nobya mo."
Kanina pa to ah.
Mukhang type pa yata nitong mokong na to si Ina ah.
Eh kung paduguin ko kaya nguso neto. Tangina.
"Yeah I am fvcking aware of that. No need to fvcking remind me. Now if wala na kayong sasabihin, you may now leave." At ayun sa wakas lumayas na din ang hinayupak.
Popormahan mo pa si Ina ha?!
Hoy kahit doktor ka, di ka papatulan ng Ina ko!
Akin si Ina!
Akin!
Once mine, always mine.
" ughh"
Lumingon naman ako kay Ina at nakita kong gumalaw na ito.
"Ina? Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Dahan dahan naman nyang iminulat ang mga mata nya.
At tumingin sya sa akin.
"Koykoy?" At nakita ko sa mga mata nya ang lungkot at saya at.... sakit.
Tumango ako bilang sagot.
At sinubukan nyang umupo kaya naman tinulungan ko syang makaupo.
Pagkatapos ay agad nya akong niyakap. At rinig na rinig ko ang paghagulgol nya.
Niyakap ko sya pabalik.
Hinayaan ko lang syang humagulgol sa bisig ko. Walang nagsalita ni isa sa amin dalawa. Patuloy lang syang umiiyak at patuloy lang din ako sa pagpapatahan sa kanya pero diko namamalayan na umiiyak na rin pala ako.
Sa wakas.
Sa wakas Ina nakita na ulit kita.
Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.
Ang mayakap ka ulit.
Kaya ngayon,
Pinapangako ko.
Hinding hindi na ako papayag na paghiwalayin tayo muli.
Tandaan mo Ina.
Magtiwala ka lang sakin.
Hindi kita bibitawan.
Not anymore.
----
SOMEONE'S POV
"So how is it going? Plantsado na ba ang lahat?" Tanong ko sa kausap ko sa telepono.
"Oo. Handa na ang lahat. Intayin nalang natin ang graduation. Then bingo! Our dreams would turn into reality."
Napangiti naman ako sa narinig ko.
Kung yung unang plano ko ay palpak, dahil sa tatanga tangang tauhan ko. Sisiguraduhin ko na itong pangalawa ay magtatagumpay!
"Good. Just make sure na matutuloy ang plano. Don't you dare back out. Because if you do, you know what will happen. You know what I'm capable of." Pagbabanta ko sa kanya.
"Of course not! Matagal na nating plinano ito. So you think magbabackout pa ako? Haha hell no!"
Ngumiti akong muli.
Everything's going as planned.
Pinatay ko na ang telepono at agad na tinawagan ang tauhan ko.
"Hello boss?"
"Pumunta ka sa police station at siguraduhin mong hindi tayo mailalantad. Alam kong nag iimbestiga pa rin si Zelo. Hindi nya pwedeng malaman na ako ang nasa likod ng nangyari sa kanila."
"Copy boss."
And I ended the phone call.
Malapit na.
Malapit ko na makamit ang tagumpay.
----
HAPPY 18K! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top