AGKWC 40 - THE MEET UP
KRYSTAL FORTALEJO
"Looking for me?"
A voice that is not familiar to me.
But I didn't bother to look. Hindi naman ako interesado to meet new people. Tss.
"Zelo!" Masayang sigaw ni Ina na narinig ko.
I saw in my peripheral view na niyayakap ni Ina ang isang lalaki. So-called "Zelo". Nakatalikod sa akin yung lalaki kaya hindi ko nakita ang mukha. Tss. Di rin naman ako interesadong makita.
Narealize na rin ni Ina na medyo OA ang kinikilos nya at the way we look at the two of them, naging dahilan siguro kung bakit nya naitulak agad yung lalaki.
"Ehem Debena, nakachansing ka kay brader ah hehehehe" Silva said.
Pero walang pumansin sa kanya. Lol. Poor monkey.
"Hehe. Pasensya na Zelo, nabigla lang ako." Nahihiyang sabi naman ni Divina.
Oh crap. The scene here is so cringe! I just wanna leave! And so I did.
"Uy Krys! San ka pupunta?" I heard Alexa asked.
Hindi ko na sila hinarap. Tinaas ko nalang yung kanang kamay ko then I told them "Somewhere. Somewhere far from y'all."
At tuluyan ko na silang iniwan.
----
ZELO ANGELO
Matagal kong tinitigan ang likod ng babaeng tinawag nilang 'Krys' habang paalis at papalayo sya sa amin.
She's quite weird.
She's same as me, perhaps.
Sya ba yung sinasabi nilang kaibigan nila na matagal na nilang gustong ipakilala sakin?
Is she the miss freezer they're talking about?
Whoever she is, i don't give a damn care.
"Hay yang babaeng yan talaga kahit kailan. Napaka loner at napakasungit. Hahay!" Rox stated.
"Tama ka dyan Crocs! Kaya nga hindi ko na sya crush eh! Iba na crush ko hehehe." And agad naman nyang tinignan si Alexa while wearing his weird and creepy smile.
And I can clearly see Alexa blush. Tss.
"Malandi ka lang talagang unggoy ka." Sagot naman ni Rox at agad binatukan si Silva.
"Aray naman Crocs! Nako isa pa talaga ha! Kahit babae ka papatulan kita!" sigaw ni Dric.
Which makes me irritated!
"Shut the fuck up Silva! You're fcking loud!" I shouted at him.
"S-sorry naman brader" And I suddenly felt a guilt nung nakita ko ang mukha nilang apat. Oh darn it!
I just rolled my eyes and fcking left.
Dahil pag hindi pa ako umalis, baka kung ano pa magawa at masabi kong mas masakit sa kanila.
Narinig ko pang tinatawag ako ni Divina but I didn't bother to look back. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa favorite part ko ng school.
Junior's Park
Oh great! Bakante ang puno na tinatambayan ko. Mabilis kong pinuntahan ang puno at agad sumandal.
I looked for my earphones and when I saw it, agad kong sinuot ito.
Ugh damn it. It's so relaxing.
Nanatili akong nakapikit at ineenjoy ang lamig ng hangin at ang kantang tumutugtog. I have no plans to go back at the gymnasium and watch. Mas masarap dito. Pft.
Lemme fcking sleep here ugh.
----
KRYSAL FORTALEJO
Nakasandal ako ngayon sa pinakamalaking puno dito sa Junior's Park. Malapad ang katawan ng punong ito kaya hindi nila ako makikita kahit dito ako manatili at matulog.
I want to relax.
I want to be with myself....alone.
Ang lamig ng simoy ng hangin
Ang katahimikan dito dahil lahat ng mga estudyante ay nasa gymnasium
Ugh. Heaven!
Matagal akong nanatili dito nakasandal at nakapikit nang may maramdaman akong may isang taong papunta rin dito sa punong kinaroroonan ko.
At dahil malapad nga ang punong ito, mukhang hindi ako napansin ng taong ito.
Sinilip ko sya at hindi ko naaninag ang mukha nya dahil nagtatago rin talaga ako. Pero base sa hubog ng katawan, ayos ng buhok at porma nya, he's a fcking guy.
Tuloy tuloy lang nyang binaba ang mga gamit nya at sumandal na rin sa puno na kinasasandalan ko.
O-okay?
Magkatalikuran kami ngayon. Nasa gitna ng likod namin ang punong ito.
So hindi nya talaga ako napansin or naramdaman? Psh.
Akala ko pa naman masosolo ko itong Junior's park!
Damn it.
Pero mukhang hindi rin naman maingay itong lalaking ito so, yeah I think I can manage. Psh.
Hindi ko na sya pinansin at tulad nya, I get my earphones and plugged it on my both ears and closed my eyes.
----
THIRD PERSON
Nanatili sa ganoong posisyon ang dalaga at ang binata. Ilang oras din silang nagpahinga at nakatulog sa Junior's park.
Sa kabilang banda naman ay nag umpisa na ang Battle of the Bands. At nanatili sa gymnasium sina Vendric, Alexa, Divina at syempre, si Roxie.
Bakas pa rin sa mukha ni Divina ang lungkot dahil sino ba namang matutuwa kapag naging thirdwheel ka sa dalawang sweet na tao? Take note, hindi naman magkasintahan ang kasama nya pero they're acting like one! Geez!
Si Roxie naman ay damang dama na ang kaba dahil ilang oras nalang ang iniintay at magsisimula na ang kanyang pagpeperform.
Hindi alintana ni Vendric at Alexa ang maraming tao sa paligid nila at patuloy lang sila sa pagiging sweet sa isa't isa. Which makes Divina irritated.
"Hoy kayong dalawa. Wag kayong maglandian dito! Respeto naman oh!" At kita sa mukha ni Divina na naiinis sya.... or naiinggit?
"Hehehe si Debena naiinggit." Pang aasar pa lalo ni Vendric.
"Bakit naman ako maiinggit, duh?" Pagtanggi naman ni Divina. Ngunit halata mo naman sa kanya na totoong naiinggit sya.
"Haynako Ina, ba't kasi hindi mo sinundan kanina si Zelo? Edi sana kayo magdate diba. Hihi" Kilig naman na sabi ni Alexa.
"Date agad? Hindi naman kami tulad ninyong dalawa na sobrang bilis ng set up! Baka bukas may anak na kayo ah" sarkastikong sabi ni Divina na ikinatawa ng dalawa.
"Pwede din. Hehehehe" Sagot ni Vendric na dahilan para hampasin sya ni Alexa.
Napabuntong hininga na lamang si Divina dahil sa mga kasama nya.
Dahil sa totoo lang, hindi naman kasi sya sigurado sa nararamdaman nya. Maaaring gusto nga nya si Zelo. But she feels that it is wrong.
Mali ang kanyang nararamdaman nya dahil alam nyang, iisang lalaki lang ang laman ng kanyang puso.
Koykoy
"Babalik ka pa ba, Koy? Miss na kita. I.... I love you."
----
*SUNDAY (MEET UP)*
DIVINA MARIEL
6am palang ay gumising na ako.
Gosh! I don't know what I'm feeling right now!
Excited and kinakabahan at the same time!
This is it!
My first ever meet up.
My first ever meet up with my operators slash readers!!!
Ano kaya itsura nila sa personal? Haha!
Si Harry medyo pogi yun eh. Ganun din naman si Lorenzo. Haha!
Si Patricia naman, parang artista rin ang ganda. Morena pero maganda at sexy. Sigurado akong pagnanasaan sya ni Lorenzo haha! I ship Mia and Clyde eh. So why not pati yung operators nila? Haha!
Si Krystal, nako. Ewan ko pero sana magenjoy sya sa meet up ngayon. Ilabas nya ang totoong sya. Ilabas nya ang Krystal na hindi pa namin nakikita. I want to see her soft side. I want to see her laugh so hard. Ako na siguro ang pinaka masayang kaibigan pag nakita ko syang sobrang saya.
And si Z. Ang pinaka mysterious and suspicious sa kanilang lahat. Ang tanging operator ko na even his name and face, hindi ko alam. I don't even know if he's a guy or baka naman tomboy ito! Gosh!
Pero sa tingin ko, kilala ko talaga sya. Hindi ko lang mapinpoint kung sino sya exactly but I have this gut feeling na kilala ko sya.
Pano kung sya si Koykoy?
Agad kong sinabutan ang sarili ko. Ano ba Divina? Imposible naman yang sinasabi mo! Hindi naman mahilig magbasa si Koykoy eh! So how would he be interested sa wattpad?! Argh! Sumasakit ang ulo ko.
I have decided na bumangon na nga lang at start na ng morning routine ko. 10am ang sinabi kong call time sa kanila. Para mas mahaba haba ang time na makapagbonding.
At mukhang excited na rin naman sila. Hindi na nga ata natulog ang mga baliw. Haha!
Kinuha ko sa drawer ko ang mga binili ko kahapon na mga bracelet at inayos ko at dinagdagan ko ng mga pendant na may pangalan at pirma ko. Remembrance nila para di nila makalimutan ang araw na ito. Ang araw na nameet namin ang isa't isa.
Napangiti ako ng makita ang limang bracelet na ginawa ko. Sana magustuhan nila at wag nilang mawala.
Nilagay ko muna ito sa ibabaw ng lamesa ko at pumunta na sa CR para simulan na ang pag aayos.
----
KRYSTAL FORTALEJO
Tangina.
Sinong walang tulog?
Walang iba kundi ako. Sht.
Bakit ba kasi hindi ko makuha yung tulog ko kagabi?!
Am I that excited?! Oh cmon cut that! Bakit ako maeexcite sa meet up?! Duh. Baliw ka Krystal. Sadyang sinumpong ka lang ng insomnia mo. Tss.
Time check 4am. Kailangan kong matulog kahit 2-3 hrs lang! Mygod!
Pinikit ko muli ang mata ko at nagtalukbong ng kumot. Kailangan kong matulog!!! Argh!
Umikot ikot ako sa kama ko at nagbabakasakaling makuha ko ang tulog ko. But I think it's already 6am nung makatulog ako.
----
ZELO ANGELO
Okay. So today is Sunday.
Yeah, meet up, folks.
Pero ang magaling na langit eh bigla ba naman akong tinext and he's asking me to come with him. Nagpapasamang tumingin ng isusuot raw nya para sa pageant sa school nila. Sya daw kasi ang napiling magrepresent ng course nila. Tss.
So dahil I'm so fcking kind, pumayag ako. But I said, 1hr lang. 9-10am dahil may lakad ako after. And hindi naman na sya umangal dahil wala naman syang magagawa. Sya na nga may kailangan, sya pa demanding? Ugok nya.
I'm wearing a simple black longsleeves paired with black jeans and white addidas shoes and blue cap.
I'm now here at the mall kung saan kami magmemeet ng ugok na yun. This is also the mall na pagmemeet upan namin nila Divina later. Syempre para di na hassle. Tss.
It's already 8:45pm pero wala pa rin akong nakikitang anino ni Sky. Pag ito wala pa ng 9am mauupakan ko to.
Tangina ayoko ng pinaghihintay.
Maya maya lang ay narinig ko na ang gago.
"Angelo beybe!" Nakakairitang sigaw nito sa akin at nag-aayang mag fist bump kami pero tinignan ko lang ang kamao nya at binigyan ko lang sya ng death glare.
"Sabi ko nga, ayaw ng fist bump. Sige fistbump kami ng sarili ko" At ang gago mukhang tangang finistbump ang sarili.
"You look dumb. Time is running. Let's fcking get started." Sabi ko bago nagsimulang lumakad.
"Hoy Angelo teka lang. Sino bang kasali sa pageant ha?! Ikaw ikaw?! Makamadali ka pre ha!" Sigaw nya na parang Silva pt. 2. Tss.
"Daldal mo." Sabi ko.
"At least masarap. Haha!" Oh fck. What do you expect from a fckboy. Tss.
And so we started looking for his attire. At sa wakas, natapos na din kami.
"Tangina pre! Dadami nanaman chix ko neto after pageant. Haha! Ang pogi ko sa lahat ng to oh! Haha! Salamat pare." Masayang sabi nito sakin.
"You're not fcking welcome." Sagot ko naman sa kanya.
"It's already 10am. Get lost." Pagpapalayas ko sa kanya.
"Teka lang pre! Pwede muna ba akong sumama sa lakad mo? Namiss kasi kita pre. Baka lang naman pwede diba?" Pagtatanong nya sa akin.
Tinignan ko naman sya ng matagal bago sumagot.
"No. Get lost." Sagot ko sa kanya.
At nagsimula nang lumakad papunta sa isang restaurant dito kung saan ang meet up.
"Ano ba yan pre. Sige na nga. Alis nako. Salamat nalang ulit" Halata sa boses nya na nagtatampo sya but what the hell I care? Sya na nga itong sinamahan eh. That's enough.
-----
KRYSTAL FORTALEJO
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang liwanag. Napatalukbong agad ako ng kumot at itutuloy ko na sana ang pagtulog ng may maalala ako.
Shit!
Agad kong hinanap at kinapa yung cellphone ko dito sa ilalim ng unan ko at pagkabukas ko
9:45am
Putang--
Fifteen minutes nalang! Oh damn it! Malalate pa ako sa meet up! I don't wanna make a fcking scene!
Agad akong bumangon at pumasok na sa CR. Oh god! Bakit ba kasi natulog pa ako!
Binilisan ko ang pagtoothbrush, pagligo, pagbihis at pag aayos.
Pero parang hindi pa rin effective dahil natapos ko lahat lahat ng pag aayos sa sarili ko: 10:30am.
Halos isang oras rin pala akong nag-ayos ayos. Tangina. Tawag na ng tawag sa akin si Ina pero diko sinasagot kasi nagmamadali ako.
At dahil tapos na ako mag-ayos, tinext ko na si Ina.
To: Ina
I'm on my way.
sent
I'm wearing a white long sleeves polo topped with a green blousy sando and a sling bag.
Sumakay na ako ng taxi and I feel so fcking nervous right now. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Maybe because nakakahiya dahil late ako? Oh crap.
Bahala na! As if I fcking care about what others would say. Tss.
----
DIVINA MARIEL
Nandito na ako sa mall kung saan namin napagplanuhang magmeet.
Time check it's 9:30am. Napaaga ako ng 30 minutes. Haha! It's okay. Mas maganda naman talagang mas mauuna ang author kesa mga operators sa meet up noh. Nakakahiya kang author pag ikaw pa late! Haha!
Papasok na sana ako sa loob ng mall ng may mahagip ang mata ko.
S-shit.
Si K-Koykoy ba yun?
Lumabas sya ng mall ng maraming paperbags na dala. At dere deretcho syang pumunta sa may parking lot.
Oh shit! Tell me namamalikmata lang ako?! Tell me hindi si Koykoy ang nakita ko!
Divina namamalikmata ka lang! Ano ba, it's been years ng huli mong nakita si Koykoy! Malamang marami ng pagbabago sa mukha at katawan nya! Hindi porket kahawig o kamukha nya, eh sya na yun!
Nakapasok na ako ng mall pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa lalaking nakita ko na kamukha ni Koykoy. Shit!
Sinampal ko ng mahina ang sarili ko. Nagbabakasakaling tumino ang pag iisip ko. Pero natalo ako. Nakita ko nalang ang sarili ko na palabas ng mall at papunta sa may parking lot.
Sana maabutan ko sya! Wala namang mawawala kung masigurado kong si Koykoy yun or hindi diba?
Pero pagdating ko sa parking lot. No traces of him. Hindi ko na sya naabutan. Shit.
Paano nalang kung si Koykoy yun?
Argh Divina ang tanga mo! Sinimulan kong sabunutan ang sarili ko!
I tried to calm myself dahil hindi pwede to. May meet up ka pa Ina. So kumalma ka. Mamaya mo na isipin ang tungkol sa Koykoy na yan. Ang isipin mo ngayon ay ang readers mo.
Inayos ko na ang kaninang ginulo kong buhok at naglabas ng buntong hininga. Tinignan ko ang relo ko at Mag aalas diyes na pala kaya nagmadali na akong naglakad pabalik sa loob ng mall.
Pagkarating ko dito sa restaurant na nireserve ko para sa meet up, ay naabutan ko nang nandito sila Harry, Lorenzo, at Patricia.
Nang makita nila ako ay agad nagsilakihan ang mga mata nila at tumayo agad.
"Oh my god! Miss A?! Omg si Miss A nga!!!" Sigaw ni Patricia. Halata sa mukha nyang kilig na kilig at tuwang tuwa syang makita ako. Nakakatuwa.
Nginitian ko silang tatlo at lalapit palang sana ako sa kanila nang naramdaman kong may yumakap na agad sa akin. And si Patricia na pala yun.
"Omg Miss A naiiyak ako huhuhu! Ang ganda ganda mo talaga! Pwede na ako mamatay sa totoo lang kasi nakita na kita hahaha!" Sabi nito habang nanatiling nakayakap sa akin.
Niyakap ko rin sya ng pabalik.
"Ang cute mo talaga Pat. Haha. Salamat. Salamat at pumunta kayo ngayon ha. Mahal na mahal ko kayo" At muli nginitian ko sila.
"Author, ako nga pala si Harry, ang gwapong operator ni Luigi. Haha! Ang ganda mo author. Pwede manligaw? Haha!" Sabi naman nitong si Harry. Haha. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pagiging Luigi. Sobrang mahangin! Haha!
"Hoy Harry, hindi mo pwedeng ligawan si Miss A. Hindi kayo bagay. Haha! Hi Miss A, I am Lorenzo, ang gwapong operator ni Clyde." At niyakap rin nya ako at niyakap ko naman din sya.
"Ay so si Lorenzo may yakap tapos ako wala? Andaya mo naman author eh hmp" Natawa naman ako kaya niyakap ko nalang din si Harry.
"Hoy kayong mga lalaki kayo, ang lalandi! Mahiya nga kayo kay Miss A!" Pagsusungit naman ni Patricia.
Haha. Natatawa ako sa kinikilos nilang tatlo. Para tuloy akong isang artista na pinagkaguluhan nila haha.
"Haynako kayo talaga. Tara na nga at maupo na tayo doon." Pag aaya ko sa kanila at bumalik na sa kanina nilang table.
At dahil anim nga kami, long table na ang pinareserve ko kaya't ito ang position namin
vacant Lorenzo Patricia
vacant Ako Harry
"Dito ako sa tabi ni Miss A!" Sigaw ni Harry at umupo na talaga sa tabi ko.
"Edi tumabi ka. Wala namang nagpipigil haha! Basta gusto ko kaharap ko si Miss A tapos katabi ko ang Mia ng buhay ko" Saad ni Lorenzo sabay tingin kay Patricia. At si Patricia naman ay inirapan lang ito. Haha jusko hanggang dito may landian?!
"Ipisin sana kayong dalawa tsk" Bitter na sabi ni Harry. Haha!
"Inggit ka lang bro haha! Wala ka kasing lovelife." pang aasar muli ni Lorenzo.
"Ops tama na yan. Baka magkapikunan pa kayo ha. Halina at umorder na muna tayo. Ano gusto nyo? Tsaka nandito na ba si Z at K?" Tanong ko sa kanila.
Si Patricia naman ang sumagot. "Si K wala pa po eh. And si Z, nandito na po sya kanina. Ang pogi nga eh hihi! Miss A ah, sya lang pogi na nakuha mong operator huhu why is that." Kilig na kilig na sabi ni Patricia na dahilan para simangutan sya ng dalawang lalaking nandito. Haha! Cute.
"Tss. Anong gwapo dun kay Z, eh kabadtrip ngang kasama. Di nagsasalita amp! Zaki na zaki! Nako!" Painis na sabi ni Harry.
"Well said bro. Pero baka kasi syempre first meet kaya ganun sya. Pero malay mo mamaya, makaclose din pala natin sya." Sagot naman ni Lorenzo.
Eh pero asan na si Z? Bakit wala sya dito?
"Eh nasaan na sya? Bakit di nyo kasama?" Tanong ko sa kanila.
"Eh kasi Miss A nung nagchat ka sa gc natin na malapit kana dito, agad naman syang umalis tapos sabi nya CR lang muna daw sya." Sagot sa akin ni Patricia.
Ohhhh. Okay?
"Sus, baka nagpapogi lang yun para maakit sa kanya si Miss A! Pero ang totoo, sa akin naman talaga naakit si Miss A eh. Diba Miss A? Haha!" At siniko siko pa ako ni Harry para lang umoo sa sinabi nya kaya wala na akong nagawa kundi batukan sya.
"Baliw kana. Haha!" Sabi ko sa kanya.
"Baliw sayo Miss A..... Yieeeeee!" so feeling nya talaga kinikilig ako sa kanya eh. Haha!
"Natanong nyo ba name nya? What is his name?" Tanong kong muli.
Si Lorenzo na ang sumagot "Yes Miss A. Ang name nya is Ze--"
"Zelo." Another voice from a guy coming in our table. Na dahilan para mapatingin ako agad sa kanya.
Oh shit.
"Zelo Angelo, miss author. The handsome operator of Zaki. Nice to meet you, miss." And hindi ko alam kung grin or smirk ang ginawa nya pero holy muffins!
Tumaas hanggang batok ko ang kaba at lamig na nararamdaman ko.
I--I can't believe it!
Si Z-zelo?!
Si Zelo si Z?!
Matagal akong natulala sa harapan ni Zelo at tila nagtataka na ang ibang operators sa ikinilos ko.
"Uhh... N-nice to m-meet you, Zelo." Hindi ko sya tinignan at naramdaman ko nalang na umupo sya sa tabi ko.
Shit!
Si Zelo..... Si Zelo ang op ni Z for fcking sake!
"Nastartstruck ata si Miss A sa kagwapuhan mo Zelo ah? Tignan mo o, hindi na sya mapakali hahaha! Bakit kasi ang gwapo mo crush haha" Saad ni Patricia.
Sinilip ko naman ang itchura ni Zelo at ngumisi lang sya.
"She can't believe what she's seeing right now. Right miss author?" At tinignan akong muli ni Zelo. Hindi ko nagugustuhan ang kinikilos ng katawan ko ngayon shit!
"W-wala pa ba si K? Guys order muna kayo. Pili na kayo dyan. Kahit ano. Uhmm, Zelo? Can I talk to you? Somwhere private?" Sabi ko at tsaka ko sya nilakihan ng mata para alam nyang gustong gusto ko syang kausapin. Nanggigigil ako!
"Ay jusko animal, private daw! Easyhan mo pare ha! Gentle. Haha!" Sabi ni Harry kaya nakatikim sya ng batok galing kay Patricia.
"Sige Miss A, kami na bahala dito mag order. Sige usap muna kayo ni Z." Sabi na lang ni Pat.
Tumayo na ako at hinawakan na ang braso ni Zelo tsaka sya hinila palayo.
Nang makalabas kami ng restaurant ay tsaka ko sya kinausap.
"What the fck is this, Zelo?" Deretchahang tanong ko sa kanya.
"What do you mean, Divina?" Nginingisian pa rin nya ako na dahilan para lalo akong mainis!
"Anong what do you mean?! Zelo all this fcking time, ikaw si Z?! Pero bakit hindi mo sinabi?! Bakit hindi ka nagpakilala?! Shit Zelo! Alam mo nararamdaman ko ngayon? Feeling ko ang tanga tanga ko. Kasi all this time ang lalaking nagugustuhan ko at ginawa ko pang operator ng character ko ay iisa!"
I can't help myself but to shout at him! Tangina! Baka tinatawa-tawanan nalang nya ako everytime na nagchachat sya sa akin as Z tapos yun pala kilala ko talaga sya at sya pa si Zelo!
"What did you just say?" tanong nito.
Oh shit.
"W-wala. Wala kang narinig. Tara na sa loob." At akmang papasok na ako ng pigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"You like me?" Tatlong salita. Tatlong salita na hindi ko kayang sagutin dahil sa sobrang hiya. Did I just tell him my feelings?!
"Bumalik na tayo sa loob Zelo."Mahina ngunit madiin kong sabi. Pero hindi pa rin nya binibitawan ang braso ko.
"Tell me. Mali ba narinig ko?" He asked one more time.
Pumikit ako at humingang malalim bago nagsalita.
"Nasasayo kung paniniwalaan mo narinig mo." At inalis ko na ang pagkakahawak nya sakin at bumalik na sa table.
Hindi ko na kinakaya pa ang mga nalalaman at nakikita ko ngayon.
Kanina may kamukha si Koykoy, ngayon si Z at si Zelo ay iisa.
Mababaliw na yata ako.
Shit!
----
KRYSTAL FORTALEJO
Nakarating na ako dito sa restaurant sa loob ng mall. And nakita ko na ang likod ni Divina kaya alam kong sila na yun.
Kumakain na sila at nagtatawanan. Oh fck. So ano, eeksena ako dun?
Tangina wag nalang kaya ako pumunta?
Pero shit. Gusto ko makita si Z.
I mean..... Makita silang lahat.
Oh shit. Bahala na!
I wore my pokerface while papunta sa table nila.
"Sorry if I'm late." Yan lang ang sinabi ko at umupo na sa bakanteng upuan.
Wala akong tinignan na kahit na isa sa kanilang lahat. Not even Divina.
"Okay lang K. At ito na pala food mo. And by the way, dahil nandito ka na. Start na natin ang pag introduce ng sarili natin. It'll start with me." Rinig kong sabi ni Divina pero hindi pa rin ako tumingin sa kanila. Nakahawak ako sa phone ko para malessen ang awkwardness.
"Hi my lovely operators slash readers. I am Divina Mariel, author of Even When It Hurts. And I'm so happy meeting yall! I love you!" At pagkatapos nya magsalita ay nagsipalakpakan sila at panay ang 'syempre love ka din namin miss A' Tss.
"Oh next na." Divina.
"Hi mga panget. I'm Harry Domingo. Codename H. Ang gwapong operator ni Luigi Parker. Oops alam kong gwapo ako pero please, tama na baka matunaw ako sa kakatitig nyo" At sino naman tong mahangin na to? Sinilip ko ang mukha nya. And infairness, may itchura naman talaga sya. Luiging Luigi. Lol.
"My turn! Hi! I'm Patricia Suarez, Codename P. Ang maganda at sexy na operator ni Mia Frost. Nice to meet you all! Lalo ka na Miss A at Z hihi" Ughhh, napakatinis ng boses nakakairita. But well, yeah, she's pretty.
"What's up. This is Lorenzo Reyes. Codename L. Ang gwapong operator ni Clyde Spencer at ang mapapangasawa ni Pat." Wow. Ang lalandi ng mga put-- aish!
And then there's this silence.
Uh-oh, ako na pala next.
Magsasalita na sana ako ng biglang may nauna sa akin.
"I'm Z." Pagkarinig ko palang sa boses nya at sa sinabi nya ay agad ng lumakas ang kabog ng dibdib ko. Fck. Natatakot ako. Natatakot akong makita kung ano itchura nya.
Dahan dahan kong iniangat ang mukha ko at hindi ko inaasahan ang lalaking nakikita ko sa harapan ko ngayon.
Agad na nanlamig ang mga kamay ko at nagsimula na itong manginig. Nakatitig sya sa akin without even blinking!
Please God, tell me hindi tama ang nasa isip ko. Tell me he's not him.
"I'm Zelo Ford Angelo. Operator of Zaki Clint."
F-fck.
Z-zelo F-ford?!
F-ford?!
Naramdaman kong naluluha ang mga mata ko.
Shit. Hindi nila dapat ako makitang umiiyak. Lalo na si Divina.
"Aalis nako." Sabi ko at mabilis na tumayo at hindi na ako nagpapigil pa sa kahit na sino sa kanila.
Nagsimula ng sumakit ang dibdib ko.
----
ZELO ANGELO
Nagtatawanan ang lahat habang ako ay nanatiling pokerface at tahimik na kumakain. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang pag-amin na ginawa ni Divina kanina.
She likes me?
Damn. She did like me.
Dapat ikatuwa ko yun, diba?
Dapat kinikilig ako ngayon sa tuwa, but what's fcking wrong with me?
Bakit wala akong maramdaman?
Shit.
"Sorry if I'm late" A strange voice coming from a lady.
Oh, I think ito na si K.
Pagkaupo nya ay tsaka ko nakita ang mukha nya.
And it caused me to be in shock.
Hindi ako makagalaw.
Tumibok agad ng mabilis ang puso ko.
Shit. Tell me, am I dreaming?
Nah Zelo! Baka kamukha nya lang.
Wag kang bobo.
All throughout ng pagpapakilala ng lahat ay sa kanya lang ako nakatingin.
At sa hinaba at tinagal ng pagpapakilala ng lahat, never did she looked at me.
Natapos ng magpakilala si Lorenzo. And now, it's her turn to introduce herself.
Okay Zelo. This is it. This is fcking it. Malalaman mo na kung sya ba.
Magsasalita na sana sya ng unahan ko ito.
"I'm Z" Sabi ko. I wanna see her reaction pag nakita nya ako. Her reaction will tell kung tama ang nasa isip ko ngayon.
And she looked at me. And nakita ko na biglang lumaki ang mga mata nya habang nakatitig sa akin. She started being pale and nakita ko ang mga kamay nyang nanginginig.
"I'm Zelo Ford Angelo. Operator of Zaki Clint"
Bingo.
H-her reaction.
Tama.
Tama ako.
Fck.
Her eyes.
I can see pain in her eyes right now.
"Alis nako."
At nagmamadali syang tumayo at lumabas.
Nagsimula na ring sumikip ang dibdib ko.
Clueless ang lahat lalo na si Divina dahil sa nangyari. Halata sa mga mukha nila ang gulat at pagtataka.
"I better get going." Paalam ko rin sa kanila and mabilis na tumakbo paalis.
Kailangan ko syang maabutan.
Kailangan ko syang makausap.
Fuck!
Nakakabakla man pero shit naiiyak ako.
It's been a long fucking time.
Ang laki ng pinagbago nya.
G-gumanda sya.
But her eyes.
Her eyes isn't the eyes I've seen before.
Wala na ang masayahin nyang mga mata.
And it's all because of me!
"Faye."
Bulong ko at nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadya na lumabas sa mga mata ko.
Hindi ko akalain.
Hindi ko akalain na makikita ko syang muli.
Na makikita ko ang babaeng unang minahal ko.
Hindi ko pa nakokompirma kung sya nga yun pero malakas ang kutob ko.
Siya si Faye.
Sya ang ex ko.
Sya ang babaeng minahal ko at...... mahal ko pa rin pala hanggang ngayon.
Krystal Faye Fortalejo.
-----
Hi!!!!! 👋😁
So 1 out of many revelations is now revealed! Hihihi!
Ano, sino dito ang tama ang hula? Haha!
Sa mga may pasok na ngayon, galingan sa school ha! Love ko kayo mwa. Hehehe.
PS. Di ko akalain na nakapagreveal nako Hahahaha! Baka tuloy tuloy na this. Haha! 40 chapters na rin kasi e kaya kailangan ng magreveal haha!
PPS. 1hr and 30mins kong tinype hahaha kaya sorry kung pangit ung update huhu.
Sana nagustuhan ang update :)
~foreverbaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top