AGKWC 4 - FIRST SIGHT
ZELO ANGELO
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko na kinausap ako ni Divina kanina.
Pakshet! Nakaka-bakla ka talaga Ina!
Time Check: 1:40pm
Maaga pa pala. 2:30 pa next class ko kaya napag-desisyunan kong sa Juniors Park pumunta.
Itutuloy ko na lang basahin ang Even When It Hurts.
Nakaka-10 chapters pa lang si Divina sa story niyang ito. And kanina ko lang naumpisahang basahin pero dahil sa gunggong na Vendric na 'yon, na-udlot pa.
Nakarating na ako sa Juniors Park at umupo na sa may paborito kong puno. Akmang kukunin ko na ang Iphone X ko nang...
"Yow brader!!!"
P*tangna.
"Sabi na nga ba't dito kita makikita eh."
"Dric, are you a mushroom?"
"Hala ka Zelo! Bakla ka na ba talaga? Alam kong magandang lalaki ako pero pre, di tayo talo. Chicks pa din ang gusto ko. Hanggang kaibig--"
Da-ef?
"What the fck are you talking about?"
"Eh diba magpipick up line ka sa'kin? But sorry, hindi 'yan tatalab. Hehe"
"Stupid. I'm not giving you any pickup lines. I'm asking you if you're a mushroom kasi pasulpot sulpot kang tangina ka"
"Oh easy easy! Binibiro lang kita brader. Hehe. Pero ikaw ha. Nakita ko yung kanina."
"Spill it"
"N-A-K-I-T-A K-O Y-U---"
"What fck are you doing again?"
"Ha? Eh sabi mo i-spell ko, edi iniispell ko sa'yo." At sabay kamot sa ulo.
Binibuwisit talaga ako ng baklang 'to.
"Tanga. Sabi ko spill it. Meaning, sabihin mo na kung anong nakita mo!"
"Ahhh. Yun pala yun. Hehehe. Pwede naman kasing itagalog ine-english mo pa."
"Sasabihin mo ba o magdadaldal ka lang?"
"Eto na nga! Nakita ko yung kanina. Magkasama kayo ni Debena. Pupuntahan dapat kita pero nakita ko andun si Debena, eh ayaw ko namang maka-istorbo sa labing labing niyo. Hehe bait ko diba. So ano? Naka-points ba ang bespren ko?"
"She just asked my name."
"Ha? Yun lang? Hindi mo manlang hiningi yung number? Wala ka pala brader eh! Ang kupad mo. Baka maunahan ka diyan sige ka."
Hindi pa. Dahil hindi pa dapat.
"That won't happen. I won't let that happen."
It was during my 1st year as a college student when I first saw Divina.
----
Flashback
Naglakad na ako palabas ng apartment ko dahil ayaw kong ma-late sa first day of class as a college student.
Yes. Hindi ko kasama ang mga magulang ko dito sa Manila dahil nasa States sila ngayon.
Ako lang naman ang nagpumilit na umuwi ng Pinas at dito mag-aral ng college.
3 years ago nung napagpasiyahan ng mga magulang ko na sa States na tumira. And I was only 13 years old that time.
Sumakay na ako ng taxi para pumunta na ng school. Gustong gusto ko na magkaroon ng motor kaya lang I'm only 16 years old and hindi pa daw ako pwede sabi ni Dad kaya kahit as much as I want, wala akong magawa.
Nakarating na ako dito sa school at ang laki pala talaga ng Bridson. Papunta na sana ako ng classroom pero dahil maaga akong nakarating ng school ay naisipan kong maglakad lakad nalang muna.
Hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot dito sa Bridson University kaya pag nawala ako, ay magtatanong tanong na lang ako.
Simple.
Wala pa masiyadong tao dito sa University maybe because it's only 7:00am. And 8:00 am pa naman ang start ng general orientation for freshmen.
Nasa gitna ako ng paglalakad ng may umagaw ng atensyon ko.
Isang babae na nakaupo sa may puno at nagsusulat.
Tinignan ko ang karatula at ang nakalagay ay "Juniors Park"
Pinagmasdan ko lamang ang babae habang siya ay nagsusulat.
Napaka-ganda niya.
Is this what they call love at first sight?
Lalapitan ko na sana siya ng may lumapit sa kaniyang babae.
"Hi! Ikaw ba si Ina? InaMaldita sa Wattpad?"
"Hello! Hehe oo ako nga. Bakit?"
"I'm Alexa. And I'm one of your 1k followers. Ganda kasi nung stories mo. Hihi"
Wattpad?
Stories?
InaMaldita?
Tsaka 1k followers?
S-sikat siya?
"Ah, hihi salamat."
"Pwede ba kitang maging friend? Hehehe." Sabi nung Alexa.
"Yeah. Sure. I'm very honored to have a reader like you. Thank you ulit."
So, writer pala siya ng stories. Hmm. Ina Maldita. Maybe yun ang username niya sa Wattpad?.
Website ba yung Wattpad?
Aish bahala na. Basta i-ssearch ko na lang mamaya.
But why Maldita? Mukha naman siyang mabait.
"And since ikaw ang kauna-unahang friend ko dito, you can call me in my real name, Divina." She said with a sweet smile.
Divina.
What a lovely name.
But can I call you mine?
----
And that's how it all started. And now that we're in our 3rd year as college students, ngayon lang kami nakapag-usap.
Nakakapagtaka dahil pareho naman kami ng course and yet ngayon lang kami naging magkaklase.
Kaya ganun nalang ang gulat ko nang nasa entrance siya ng room kanina.
----
Sa wakas natapos na din ang last subject ko for this day.
At ang Vendric ay walang sawang nag-iiingay ngayon at kung anuano ang sinisigaw.
"Guys! Guys! Bago tayo umuwi, hayaan niyong bigyan ko kayo ng pagpapala!"
"Anong pagpapala naman Vendric?" Sigaw nung isang babae
"Mga jokes ko syempre! Hehehe."
"Gago bro, wag na. Kamalasan lang dulot niyan." Sabi naman nung isang lalaki.
"Wow maka-bro ah. Close tayo? At wag ka ngang epal. Ito na joke ko makinig kayo!"
At tumayo pa ang gunggong sa armchair at feel na feel ng p*ta.
"Anong tawag sa bampirang mahirap?"
Sunud-sunod naman ang nagsitaas ng kamay. Akala ko ba ayaw niyo tapos ngayon nakiki-cooperate kayo. Tss.
"Dracula" Sabi nung lalaki kanina.
"Eenk! Mali! Ikaw Zelo, may hula ka ba?" Teka ba't ako sinasali ng baklang ito.
"None."
"Sige na. Kahit isa lang Zelo. Hehehe"
At nakatingin na sa akin lahat ng nasa room at ang pesteng Vendric habang inaabangan kung anong isasagot ko.
Dammit.
"Fine. Hmm, Vampoor?"
A moment of silence
Tangina anong problema nila.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"HAHAHAHAHA NAGJOKE SI ZELO BABY!"
"OMYGHAD DAPAT NI-RECORD NIYO DAHIL MINSAN LANG IYON HAHAHAHAHA"
P*TA NINYONG LAHAT.
"HAHAHAHAHA ALAM MO BRADER, HINDI MO NASAGOT NG TAMA ANG JOKE KO PERO NAKAKATAWA YANG SAGOT MO AH. ZELO IKAW BA IYAN." Dric.
"Fcky'all! Just spill out the answer so that we can fckin' leave!"
"Chill brader! Okay, ang tawag sa bampirang mahirap ay...."
Pa-suspense pa Dric, masusuntok kita.
"Edi BAM na lang! Kasi wala na siyang, PIRA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHCKAKC--" Nasamid pa ang gag*
"Are you done? Okay. I'm leaving."
At iniwan ko na siya dahil gustong-gusto ko nang makauwi. Gusto ko nang mabasa yung EWIH.
Narinig ko pa ang pagmamaktol niya pero hindi ko na siya nilingon.
I can't wait to read your story, my Divina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top