AGKWC 39 - INTRAMURALS

ALEXA SUMERA

Kanina pa nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. I am standing right now at the center of the gym wearing our cheerdance costume. Nakatali ng dalawa ang buhok ko at naka taas ito. Oh my god, pwede ko naman kasing sabihing 'pigtails', pinahirapan ko pa sarili ko. Hehe medyo nabobobo na ata ako.

Haha! Bakit nga ba ako nagtataka, ikaw ba naman makasama palagi ang unggoy na yun, sinong hindi mabobobo? Hehehe.

Oy oy oy! Chill lang kayo hmp! Alam ko iniisip nyo ah! HINDI KAMI NAG-DADATE NOH! MAGKASAMA LANG, DATE NA AGAD? HUHU.

Ewan ko ba kasi sa unggoy na yun! Lagi lagi nalang sumusulpot sa mga oras na hindi ko sya inaasahan!

Katulad nung isang araw, nakaupo ako sa may bench sa Junior's park at naramdaman ko kasi na parang medyo mapupuno na yung napkin ko. So tumayo ako and I checked kung may tagos ba ako, wala kasi akong kasama that time dahil may practice si Rox for the Battle of the Bands. At sa kamalas-malasang pagkakataon, malaki yung tagos! Huhuhu!

Agad akong umupo ulit at tumingin tingin sa paligid para tignan kung may nakakita ba sa tagos ko, pero parang wala naman. Haaaay! Buti nalang! Tsaka ko tinext si Roxie para humingi ng tulong na puntahan nya ako at dalhan ng napkin. Pero nakaraan ang 10 minuto pero wala pa ring Rox akong nakikita at wala ring reply. Mygosh, busy yun sa practice!

Paano na to?! So no choice ako at naisipan ko nalang na tumayo dahil mukhang wala namang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.

I was about to stand ng may anino akong nakita sa harap ko. Kaya agad akong lumingon sa likod and to my surprise, nasa likod ko lang naman si Vendric at nakaladlad ang kanyang white polo uniform!

Nakataas ang kilay at may pagtataka ko syang tinignan "Anong kagaguhan yan unggoy ha? Anong ginagawa mo dito?"

Agad naman syang ngumiti ng super ngiti na nakakairita! "Hi Aleksa beybi hehehehe"

Nandito nanaman sya para asarin ako!!! Oh gosh please not now!!! Meron ako ngayon at pag ako sobrang napikon, baka sa kanya ko maibuhos!

"Hindi mo ako anak so stop calling me baby! Tsaka sagutin mo nga tanong ko, bakit ka ba nandito?! Pasulpot sulpot ka bigla!" Believe me or not, kontrolado pa ang galit ko sa lagay na yan ha.

"Aleksa kumalma ka nga. Init agad ng ulo eh. Ikaw na nga tong tutulungan, ikaw pa tong galit hmp! Dapat nga kiligin ka ngayon eh! Kasi ang gwapo ng tutulong sayo!" Lumaki naman ang mga mata ko at tinitigan sya ng 'Are you fcking serious' look.

"Oh eto, kahit sobrang nakakahiya at pinagtinginan ako kanina sa canteen." And tinignan ko ang mga kamay nyang may inaabot na isang pack ng.........napkin.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Wtf is going on? Anong nangyayari sakin?! Don't tell me natotouch ako sa ginagawa ng unggoy na to ngayon?!

"P-pano m-mo? B-bakit" Ugh! Kailangan umuutal Alexa?!

"Kanina pa kasi kita minamasdan sa malayo. And nakita kong may dugo ka sa may palda mo. So agad agad akong umalis para bilhan ka nyan." Sunod sunod na paliwanag niya.

Sht. Why is it so hot all of a sudden?

Pero agad din syang napakamot ng ulo "Wala nga daw silang with wings eh. Hehehe pasensya na. Masaya sana pag may wings para fly fly ka. Hehe" Tinititigan ko lang sya habang nageexplain sya and I find him.... cute?

Well, not him. But his gestures. *rolls eyes*

"Aleksa, bawal mangalay ang gwapo. Kaya please kunin mo na. Hehe" Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko yung napkin na nasa palad nya o hindi. Pero dahil sa no choice ako, padabog kong kinuha mula sa palad nya yung pack ng napkin.

At yung ngiti nya kanina ay mas lalong lumawak. Tsk!

"T-thanks" May medyo pagalit ko pa ring sabi sa kanya without looking at him.

"Welcome!!! Tapos itong polo ko, itali mo dyan sa may bewang mo para matakpan yang red mark"

Pero pinigilan ko sya.

"No need. Mamantsahan pa yan. Puti pa man din."

"Kesa naman mapahiya kang naglalakad ng may tagos diba? Tsaka I have my extra white tshirt. Hehehe. Kaya wag ka nang kumontra at ibalot mo na ito."

Wala na akong nagawa kundi kunin ang polo at ibalot sa akin.

Matapos kong mabalot ito ay si Vendric na ang naghawak ng bag ko at sinamahan nya pa akong pumunta sa CR para makapagpalit.

Oh diba?!

Unexpected ko syang makikita don! Tapos eto pa, kagabi, nung final practice na namin ng cheerdance, nung pauwi na ako, nagulat ako nang makita ko nanaman syang nakaupo sa may bleachers ng gym at ng makita nyang nagsisi-alisan na ang mga kasama ko, agad na syang lumapit sa akin.

"Aleksa!! Tara sabay na tayo umuwi!" Again with his signature smile and energy.

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko din eh. Hehe. Tara na gabi na, sabay na tayong umuwi."

Kahit punong puno ng pagtataka ay sumunod na lamang din ako sa kanya.

"Students of Bridson University! Welcome to our Intramurals week! May we enhance and share our talents, sports and wit with our fellow students and faculties. All we want is for all of you to enjoy and remove all the stress from the exam week. So goodluck participants and athletes! Enjoy!"

Matapos mag-announce ng dean ng school namin, ay nagstart na ang competition para sa Cheerdance. Dahil ngayong umaga gaganapin ang cheerdance at mamayang hapon hanggang gabi naman ang battle of the bands.

Then bukas naman ang pageant para sa Mr. and Ms. Bridson 2018. Then the rest of the week ay ang mga laban sa sports. Volleyball, Basketball, Badminton, Pingpong at Chess.

Patuloy pa rin sa pagnginig ang mga tuhod ko habang andito kaming lahat na mga kalahok ng cheerdance. Lahat ng grupo from the different courses ay nandito sa gitna ng gym.

And ang tawag sa group namin which is from the Engineering Course, ay FLY MAROONS.

Dahil maroon ang color ng Engineering sa Bridson and all we want is to aim and fly high. Kaya it came up with FLY MAROONS.

After a few more minutes, ay isa isa na kaming pinaupo sa bleachers per group. And as I was expecting, nakita ko nanaman sya, waving his hands at nagthuthumbs up pa.

----

KRYSTAL FORTALEJO

Hindi ko alam kung bakit ba ako pumasok ngayon. Tss. There's nothing fun to watch right now. Kung hindi lang dahil kay Alexa at Roxie na kailangan 'daw' naming i-cheer, eh I won't fcking waste my time here.

I'm sitting beside Divina and katabi nya si Rox. So basically, nasa gitna namin ni Rox si Divina. Si Alexa naman ay nandun na sa gitna ng gym kasama ang iba pang mga kasali sa cheerdance.

Kinuha ko nalang muna yung phone ko dahil I'm really bored! Mygod. Hindi pa ba magsisimula yung cheerdance competition?! Mamamatay nako dito. Cause of death? Boredom. Psh.

I opened Kyra's account dahil sa hindi ko mapaliwanag na dahilan, I'm enjoying her account. Oh jeez, I'm enjoying being her.

EWIH Operators

Zaki: Wtf? May meet up?

Luigi: Oo tol, haha! Etong linggo na yun eh.

Mia: Naeexcite ako na kinakabahan. Haha! Omg makikita ko na si Miss A 🙈

Zaki: This fcking Sunday?! As in this week?!

Kyra: Nabasa mo naman diba? Kailangan pang ulitin? Tss.

Kyra: Tsaka diba alam mo naman na may meet up? You were online nung sinabi yun ni Miss A.

Clyde: Yow prends!

Mia: Haha oo nga Z. Sa Sunday na yung meet up. 😊

Zaki: I'm just making sure, K. Bakit ba ang sungit mo.

Luigi: Di ka nila pinapansin Spencer? Wawa. Lika dito hug kita. Mwa!

Clyde: Ulul! Hug tapos mwa? Tanga neto.

Kyra: Lakampake kung gusto kong magsungit, Z.

Mia: Miss A oh, yung mga operators mo nag-aaway away!

Luigi: Di kami nag-aaway away! Sumbungera tong si P!

Clyde: Halikan kita dyan P eh. Haha!

Zaki: Tss.

Zaki: btw

Zaki: Hindi ako pupunta sa meet up.

Luigi: Tangina tol?

Mia: Uy andaya! Bakit naman??!!!

Clyde: Hoy bro walang ganon! Wag kang scam bug!

Kyra: What the hell is scam bug?

Clyde: Yung hindi tumutupad sa usapan. Scam ganun. Haha!

Luigi: Sus san mo naman nakuha yang term na yan?

Mia: Imbento nya. hahaha!

Kyra: Parang gago.

Clyde: Eh basta yun na yon! Kaya hoy Zaki! Pumunta ka!

Mia: Oo nga! Punta ka please. Para naman makita na kita, crush. haha!

Luigi: Crush?

Clyde: Crush mo si Z?

Mia: Hehehe medyo pa lang naman 🙈

Kyra: Potangina.

Luigi: Luh ^may nagagalit oh. Haha!

Mia: Uy K, crush lang naman. Hehe.

Kyra: @Luigi wag ka ngang pabibo dyan. Hindi ako nagagalit. Why would I?

-----

Zaki Clint

Hey.

Kyra Devon

What?

Zaki Clint

Are you jealous? haha

Kyra Devon

Seryoso ka ba sa tinatanong mo

Zaki Clint

Yeah

Zaki Clint

I can sense and feel it.

Kyra Devon

Naman pala. Tinatanong mo pa? Tss.

Zaki Clint

So you really are jealous? Pft.

Kyra Devon

Hell no.

Kyra Devon

Not even a bit.

Zaki Clint

Hahaha

Zaki Clint

You can't fool me, sweetie.

Kyra Devon

Sweetie mong mukha mo!

Zaki Clint

Haha

Zaki Clint

I'll go.

Kyra Devon

?

Zaki Clint

Pupunta ako sa meet up.

Zaki Clint

Para kay P. Gusto nyako makita eh. She's flooding me messages rn.

Kyra Devon

Ge.

Kyra Devon

Enjoy kayo.

Zaki Clint

Kayo? Why? Di ka pupunta?

Kyra Devon

Pupunta sana. Pero ayoko na.

Kyra Devon

Ayoko makakita ng ikasisira ng araw ko.

Zaki Clint

Pft hahaha

Zaki Clint

Sayang naman.

Zaki Clint

You won't see a handsome guy like me.

Kyra Devon

Utot mo.

Kyra Devon

Ipalapa mo na yang mukha mo kay P. Tutal gusto nyo naman isa't-isa.

Zaki Clint

See? You're really jealous pft.

Zaki Clint

Haha cute mo.

Kyra Devon

Po t*ng i na mo.

Zaki Clint

See you on Sunday.

Zaki Clint

I'm getting excited because of you. Haha

Zaki Clint

Sana pumunta ka.

-----

*crowd cheers*

Oh sht. Nagsisimula na pala ang competition. And ang unang grupo ay naiwan na sa gitna para mag perform at ang iba ay gumilid na sa kanyakanyang pwesto sa bleachers.

Pero sht! Pupunta ba ako sa meet up?!

Gosh. Yes I wanna meet them. The operators. Pero, si Z... aish!

"Huy Krys, bakit ganyan itchura mo? May problema ka?" naramdaman ko nalang na sinisiko na pala ako ni Ina.

Okay? Am I spacing out?

"None." I quickly replied.

Tinitigan nya muna ako ng matagal bago binalik ang tingin sa unang grupong nagpeperform.

Siguro alam nyang nagsisinungaling ako. Psh.

"Uh... Ina." mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot nya pero di pa rin nakatingin sakin.

"Are we really going to have a meet up on Sunday?" And that made her look at me.

"Yeah. Sama ka ha." Again with her widest smile.

Pero I just rolled my eyes at her.

"Alam mo, naeexcite ako sa darating na meet up. Makikita ko na in person mga operators ko. And at the same time, makikilala ko na rin si Z." Pahayag nya.

Lumingon naman ako sa kanya.

"Seryoso ka na hindi mo talaga kilala si Z? not even his face?" I asked her.

And she nodded.

"Pero malakas ang kutob kong, kilala ko sya." And that made my heart beats fast. And why the hell?!

Nanahimik nalang ako at di na nagsalita pa.

----

ZELO ANGELO

Where the hell would I start looking for Silva here at the gymnasium?!

Bakit ba kasi napakadaming tao. Damn.

After I checked Zaki's account, I opened my real account para ichat si Dric.

Zelo Angelo

Where the hell are you.

Vendric Silva

Nasa puso mo

Vendric Silva

yieEe33ee ❤️❤️❤️

Vendric Silva

Kilig ka ba brader

Zelo Angelo

Fck you

Zelo Angelo

Where the fck are you Silva.

Vendric Silva

Hindi ko sasabihin bleh

Vendric Silva

Kiligin ka muna hehehe 💕

Zelo Angelo

Once I see you, you're dead.

Vendric Silva

Eh patay naman na talaga ako ih.

Vendric Silva

Patay na patay sayo yieee33

Vendric Silva

*/insert unang araw palang minahal na kita*

Zelo Angelo

What the fuck?

Zelo Angelo

You're disgusting. Sht.

Vendric Silva

HAHAHAHAHAHA

Vendric Silva

Anoba. Practice lang yon brader.

Vendric Silva

I-pipickup line ko yun kay pandak

Vendric Silva

Ayos ba? hehehe

Zelo Angelo

Kung ako si Alexa? Hindi ka palang nanliligaw, binusted na kita.

Zelo Angelo

Corny mo gago.

Vendric Silva

Waw! Salamat sa support brader!! Bespren nga talaga kita!! 🤗

Zelo Angelo

I know. You're welcome.

Zelo Angelo

🙂

Vendric Silva

letche ka

Vendric Silva

dalian mo na! Susunod na sila Lexa mylabs magpeperform.

Zelo Angelo

Tangina mo kasi. Nasaan ka ba nakaupo?!

Vendric Silva

Dito sa may babang part ng bleachers. Left side.

Vendric Silva

Basta pag may natanaw kang gwapo, ako na yun.

Zelo Angelo

Gunggong

----

Gwapo daw eh wala nga akong matanaw ni isa na gwapo dito sa Bridson. Tsk.

Nang mahanap ko na si Vendric, naglakad na ako palapit sa kanya at umupo.

"Oh Brader bilis mo ah? Kita mo agad kagwapuhan ko? Haha!" Sa sobrang ingay dito sa gymnasium, ay isinisigaw na nya ang sinasabi.

"Kahayupan mo ang nakita ko." simple kong sagot bago inagaw sa kanya iinumin na sana nyang root beer.

"Hoy Brader! Akin yan!" Angal nya habang ako ay nakainom na sa kabubukas lang nyang root beer.

"Well, not anymore."Atsaka ko sya nginisian.

Maya maya pa'y hindi na magkanda-ugaga ang katabi ko. Panay ang sigaw, tayo, sayaw. Lahat na ginawa nya.

Supportive boyfriend eh?

Lol.

"Go babypanda!!!!!!!! Woohooo!!!! Isayaw mo yan!!!! Yes yes!!! Wooooow babypanda ko yan!!!" Dahil sobrang naiirita nako, hinila ko sya paupo.

"Tangina Silva umayos ka nga. Kahit konting hiya, maramdaman mo naman." Bulong ko sa kanya ng may pagdiin.

"Eh wala namang masama ah? Chinecheer ko lang si Alexa."

Yeah. There's nothing wrong with cheering. But the fact that you are already being overacting?! Jowa ka?

"Wag kang umastang boyfriend ka nya. Dahil baka yan pa ang maging dahilan why she'll get you busted."

Friendly reminder. Lol.

Pero sinamaan lang ako ng tingin ni Silva at tsaka ako inirapan. Tss.

----

ALEXA SUMERA

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, takot at excitement.

Tapos na lahat magperform ang mga cheerdance participants. And at this moment, the moment that we are all been waiting for!

Ang pag-aannounce ng winner!!

Huhuhuhu. Please please please! Sana manalo kami!!

Napatingin ako sa lugar kung saan nakakakuha ako ng lakas ng loob at pag-asa.

Ngumiti ako sa kanya.

Na never kong nagawa sa kanya!!

This is the first time I smiled at him. And ang sarap naman pala sa feeling. It's not awkward anymore.

Kita ko sa facial expression nya na gulat sya dahil sa pagngiti ko sa kanya, but agad yun napawi at mas lalo nya akong nginitian at mag thumbs-up pa both hands.

Cute hihi.

Napatingin din ako sa katabi nya which is si Zelo, at nakita ko ang famous cold expression nya at nakikita at nababasa ko sa mukha nya ang pagkadismaya kay Dric. Haha.

Sunod kong tinignan ang lugar nila Ina. Nakangiti sya sa akin at nabasa ko sa bibig nya ang mga katagang "I know you'll gonna win this". Nginitian ko sya pabalik at tumango ako.

Si Rox ay nakita kong nakapikit at magkahawak ang dalawang kamay nya. Omg, is she praying?

And si Krys naman, hawak hawak ang  phone nya at base sa mukha nya, mukhang napilitan lang talaga syang pumunta dito.

Haaaay, ano pa nga bang i-eexpect ko sa kaibigan kong freezer. Haha.

"And now the results are ready! How about the audience and participants?! Ready na ba kayong malaman kung sino ang mga grupong nanalo?!"

Nagsimula na muling umingay ang buong gymnasium. Napuno ng sigawan, hiyawan, ang iba ay tahimik na nananalangin, ang iba naman ay tahimik din na inaantay na lamang ang pag announce ng winners.

And I'm here, sobrang lakas ng tibok ng puso ko kasama ang mga kateam ko. Omg, pinaghirapan namin ito. Maraming nagkainjury sa amin tuwing practice pero hindi naman ganun kalala. Binigyan talaga namin ng effort ang cheerdance na ito. For the pride na rin of our course. Lalo na ang coach namin na si coach Patty.

Isa isa nang binabanggit ang mga nanalo. 3rd place ay ang WHITE EAGLES na galing sa School of Medicine. 2nd place ay ang BLACK PHOENIX na galing naman sa School of Accountancy and Business Administration.

Isang spot nalang.

At hindi pa rin namin naririnig ang team namin.

Base sa mga mukha ng mga kasamahan ko, ay mukhang nawalan na sila ng pag asang marinig pa ang pangalan namin.

"And our champion for this year's intramurals......"

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa buong gymnasium dahil sa kaba at tensyon. Lahat ay inaabangan ang pagannounce ng champion.

Pumikit ako at nanalangin.

"Lord, please let us win this competition. Promise po pag nanalo kami, hindi ko na aawayin si Vendric. Bibigyan ko na sya ng chance."

"Congratulations because you are our cheerdance champion for this year.......... FLY MAROONS!"

😣

😳

😮

😭

Yes. Yan ang pagkakasunud sunod ng reaksyon ko.

Teka

NANALO KAMI!!!

FLY MAROONS DAW 😭

HUHUHU

Agad nagsigawan ang mga kasama ko maging ang mga taga engineering department dahil sa pride at tuwa na nanalo ang department namin.

Agad akong napayakap sa taong malapit sa akin. Hindi ko na tinignan kung sino ito dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman ko!

Umiiyak ako habang yakap yakap ang kung sino man ito.

Teka

familiar ang amoy nya

Mabango

Parang kilala ko ang pabangong ito.

Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap at gulat na makita ang unggoy sa harap ko.

"Congrats Baby panda. Sabi naman sayo, maipapanalo nyo yan eh. Hehe. Want more hug?" At nag open arms pa sya sa harap ko at ngumiti.

But natulala lang ako sa harap nya.

Dahil naalala ko yung pinanalangin ko kanina.

"Lord, please let us win this competition. Promise po pag nanalo kami, hindi ko na aawayin si Vendric. Bibigyan ko na sya ng chance."

Shit.

Lord, pwede mag backout? hehe.

"Walang mangyayari kung magdamag mo lang akong tititigan. Halika na." At agad nya akong hinila at naramdaman ko nalang na nasa loob na ako ng bisig nya.

H-he is hugging me again.

Oh my freaking cheese!

Mabilis nanaman ang tibok ng puso ko!

*ehem ehem*

Mabilis pa sa alas dose akong umalis sa pagkakayakap ni Vendric ng marinig ko ang pag-ubo ni Roxie.

Nanginginig kong sinalubong ang mga maiintrigang tingin sa akin ni Roxie, Divina at Krys.

"Hindi porket nanalo kayo, lalandi agad girl ha." May pang aasar na sabi sa akin ni Rox at siniko pa ako.

"Lex congrats! Sabi naman sayo kaya nyo eh! Alam ko na talagang mananalo kayo. I felt it. haha!" Sabi ni Divina at niyakap ako.

While Krys...

"Congrats."

Yan lang and she said it with her poker face. Which is sanay naman ako. Haha!

"Thank you Krys, Ina at Rox." Yan lang ang nasabi ko dahil di ko pa rin makalimutan na nahuli nila kaming magkayakap ni Dric.

"Hello ulit Debena, Crocs at Krystal hehehehe"

Tinitigan lang ni Krys si Vendric tsaka inirapan. Si Divina naman ay nginitian si Dric. Si Rox? Ayun nakakamatay ang titig nya kay Dric.

"Nasaan pala si Zelo, Dric?" Divina.

"Looking for me?"
----

OPS. HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA PABITIN MUNA. HEHEHE.

MAGKIKITA NA KAYA SI ZELO AT KRYS? HMMMM. GUSTO NYO NA BA? HAHAHA!

HAPPY 13.7K READS! SALAMAT SA NAPAKABILIS NA READS NA NATATANGGAP KO HUHU. MAHAL NA MAHAL KO KAYO BAAAABSTERS. ❤️

THANK YOU SA PAGHIHINTAY NG UPDATE KO. SALAMAT DAHIL HINDI KAYO NAGSASAWANG SUMUPORTA KAHIT NAPAKABUSY KO NA AT DI NA MASYADO NAKAKAUPDATE. BUT I PROMISE, TATAPUSIN KO ITONG STORY NA TO HAHA. :)

LUVYALL! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top