AGKWC 38 - INVESTIGATION

ZELO ANGELO

I was walking at the hallway of our Business Ad Bldg. here in Bridson, nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid.

Ay t*ngina.

Ngayon na nga pala ang resulta ng Preliminary Exams namin. Shit, hindi pa pala ako nakaka-exam.

Pagpasok ko sa classroom, as usual, they are still the noisy and irritating classmates I have. Tss.

"Oh my god Zelo baby! Nabalitaan ko yung nangyari! Okay ka naba ha? Kumusta ka may masakit pa sayo?" an overreacting girl stated.

"Zelo babe kiss kita para maging okay kana you want?" another one.

"Tigilan nyo nga si Zelo! Lalo lang syang naiistress sa inyo eh. Come Zelo, dito ka sakin." and another one.

Hindi ko sila pinagpapansin dahil wala ako sa mood and I fcking have to review dahil nga hindi pa ako nakaka-exam.

Maya maya ay nakita ko na rin si Vendric na habang naka earphones ay pasayaw sayaw pang pumapasok sa classroom at kumakanta pa! Wow. Mukhang good mood ang isang 'to ah.

"Goodmorning my super duper fabulous pero hindi gwapong tulad ko na mga classmates!!! Vendric the gwapo is here!!" What the f is wrong with him.

Wala namang ibang pumansin sa kanya kung hindi ang mga girl fans lang din nya at ang iba naman, tulad ko, ay hindi nalang sya pinansin.

Naramdaman ko na lamang na nakaupo na pala sya sa tabi ko. He tapped my armchair at sinabing "Good morning brader!! Gusto ko lang sabihin sayo na ang gwapo ko talaga. You need to start your day with my kagwapuhan kaya eto, sayo na yan hihihi"

Inabot nya sa akin ang isang piraso ng 2x2 ID picture nya. Really?! Yeah I'm aware that this fcking friend of mine is a weirdo, pero bakit sobra yung pagkaweird nya ngayon?

What the heck is going on with him?

Pinitik ko nalang yung picture nya kaya agad itong kinuha ng mga fangirls nya. Tss. Mas gwapo pa ako sa nilalang na ito pero bakit sya tinitilian. Tss.

"Hoy brader bakit mo pinitik?! Sayo yun e! Nubayan!" Pagtatampo nya sa akin and he's acting like a child again. Potang--.

"What the fck is going on Dric." Malumanay kong tanong sa kanya.

"Ha?" Tanong nya pabalik kaya naman tinitigan ko sya with no emotions.

"Mukha kang tanga ngayong araw, I just want you to be aware of that." Sabi ko sabay kuha ng reviewer.

"Gwapo ko namang tanga, hehehehe, magreview ka na nga lang dyan! Mamaya ma-zero ka pa. Nakakahiya ka brader hahaha!"

Wtf?

Is he nuts?! Ako pa talaga ang nakakahiya ah.

"Will you fcking shut up? Pag ako na-zero dahil sa kaingayan mo, ako mismo magpapatahimik sayo. You know what I mean, Dric." Pagbabanta ko sa kanya. Gaya ng sabi ko kanina, I'm not in the mood for fun!

"Regla days mo ba brader, sige bili ako napkin mamaya with wings para fly fly ka lang ganon hehe"

I glared at him and he just pouted.

Fck!!!

After a few more minutes, our instructor has arrived. "Good Morning Class, are you ready for the results?"

"And by the way, Mr. Angelo, I heard what happened. It's good to see you okay now. Just give me your excuse letter and proceed to the faculty room to take your exam. Nasa lamesa ko yung exam paper na pagsasagutan mo."

And as I was instructed, binigay ko yung excuse letter ko sa kanya and tumungo na ng faculty room.

---

SOMEONE

I am standing behind the trees near her house. Their old house. Waiting for her. Waiting to see the most beautiful woman that once I had but now is..... gone

Ilang araw na din.

Ilang araw na rin akong palaging pumupunta dito sa bahay nila, araw araw inaabangan ko siya. Nagbabakasakaling..... baka makita ko syang muli.

Nagbabakasakaling, madatnan ko sya at makita.

Pero wala.

Ni anino nya ay hindi ko matagpuan.

Dito.

Dito sa bahay na ito kami madalas magkasama nung mga bata pa lang kami. Dito kami madalas maglaro, at ang nakakatawa, lagi syang natatalo sa bawat laro na nilalaro namin kaya lagi syang umiiyak. Iyaking bata. Haha.

Sana hindi nalang ako umalis sa tabi nya.

Sana hindi ako pumayag.

Sana pinaglaban ko ang pagkakaibigan namin.

Para hindi ko pinagsisisihan yun ngayon.

Para na rin hindi ako naging, playboy.

----

ZELO ANGELO

"Brader!!!!!"

Wtf.

Lumingon ako sa buong paligid pero hindi ko makita ang pagmumukha ng Vendric na yon.

T*ngina ganun ba kalakas ang boses nya at rinig na rinig pa rin kahit malayo sya?!

"Brader ano kumusta ang exam?! Hahaha!"

To be honest, it is not what I expected.

Ang dali lang ng exam. Kahit siguro hindi ako nag review, I can answer it.

I'm not boasting, I'm just being honest. Kahit sino naman siguro masasagutan yun as long as you are listening sa discussion.

Well, except for Silva.

"Damn easy." sagot ko sa kanya.

But I received a make face from Dric.

"Alam mo brader hindi na talaga ako naniniwala sayo ah. Feeling ko magaling ka lang talagang magtago ng kodigo. Tsk"

Wow.

What a nonsense.

"Shut up Dric. Wag mo nga akong itulad sayo."

We are on our way to the canteen dahil pota nakakagutom ang exam na iyon!

Nang makarating kami ay bigla bigla nanamang sumigaw ang walang hiyang kabute.

"Debena!!!! Debena Debena Debena!!"

At mabilis pa sa segundong pumunta si Vendric sa table nina Divina.

Wait. What is wrong with me?

I should be feeling butterflies in my stomach right now.

Hindi ba dapat malakas ang tibok ng puso ko ngayon dahil nakikita ko nanaman si Divina?

Hindi ba dapat, I am now feeling nervous and awkward at the same time?

What the hell?

Why am I not feeling anything?

Lumapit nalang ako sa table nila.

"Debena dito na kami mauupo ni brader ah! Hehehehe." Tsk

"Sure. Pinag-tabi talaga namin kayo ng upuan. Haha. Dito na kayo umupo." Divina habang inaayos ang dalawang upuan na nireserve nya.

"Thanks" Sabi ko naman.

Napansin kong parang may hinahanap ang ugok kong kasama.

"Ah, Debena...." Vendric.

Hmmm, I smell something fishy.

"Oh?"

"Nasaan si Aleksa?"

Bingo.

I knew it.

He's looking for that fluffy lady.

"Ayun na nga. Mukhang nagkakamabutihan na nga ang dating aso't pusa" Sabi ng babae na nakaupo sa tapat ni Divina.

What was her name again?

"Hoy hindi ikaw kausap ko Crocs ah." Pagsusungit ni Vendric dun sa babae.

Oh I remember, she's Roxie.

"Bakit? Hindi rin naman ikaw kausap ko ah? Nakita mo ba akong nakatingin sayo kanina? Dugang."

And she also rolled her eyes at Vendric.

Alam niyo kasi, si Vendric yung tipo ng tao na maiirapan ng lahat ng tao once you talked to him. Sadyang nakakabwisit lang talaga sya kapag kausap mo sya.

Roxie      *vacant*     *vacant*

Divina        me       Vendric

"Tama na yan. Haha. Nako Vendric, Parating na rin si Lex. Nag CR lang." Sagot naman ni Divina.

"Mukhang totoo nga yung mga kwinento sa akin ni Lex kagabi. Pffft" Roxie.

"Anong kwento?" Curious na tanong ni Divina.

Hmmm, I think I knew it.

The reason why he is more weird today than the past days.

"Shatap Crocs! Baka mamaya bogus ka dyan! Bogus story maker!" Sigaw ni Vendric.

Lol, look who's overreacting and nervous. Psh.

"Hahahaha! Masusunod, BABY MONKEY. Hahahaha!" Pang-aasar ni Roxie kay Vendric.

Baby monkey?

Pfftt. What an endearment.

"Pakyu." Okay, mukhang he is now pissed. Pfft.

"Hi girls!" Oh, so nandito na pala si Alexa. The fluffy lady.

"Oh ayan na hinahanap mo." Saad ni Roxie at tinignan ng may halong pang-aasar si Vendric.

"V-vendric? B-bat nandito kayo" Wow. why the stutter Lex? pfft.

At ako na ang sumagot "Why? What's wrong? Ayaw mo bang nandito kami ni Silva?"

And she immediately gestured 'no'.

"H-hindi naman. N-nagulat lang ako haha" Okay, nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan ng dalawang ito.

Uupo na sana si Alexa sa tapat ko ng pigilan ito ni Roxie.

"Nope. Ayaw kitang katabi. Si Krys dito mamaya. Dun ka sa tapat ni Vendric" At binigyan nya ng makahulugang ngiti si Alexa.

Sinamaan naman niya ng tingin si Roxie. Pfft. I think I like what Roxie's thinking now.

Walang nagawa si Alexa kundi umupo sa tapat ni Vendric and ang Vendric naman ay hindi kumikibo at hindi makatingin sa tapat nya.

Ang kaninang maingay at magulo, ngayon ay tahimik at di gumagalaw. Lol. Really Dric? Ganyan ka pala pag natatamaan. Pft.

"Tama na ang asaran, umorder nalang tayo. Ano mga order nyo?"

And nagsabi na sila isa isa ng mga order nila.

And tumayo na si Divina para umorder kaya't sinamahan ko nalang sya.

"So kumusta pala practice nyo Lex? Kelan ang resume?" Divina.

"Mamaya. Magstart na ulit kaming mag practice ng cheerdance lalo na at malapit na ang intrams."Alexa.

I am having a lasagna for lunch.

So yummy.

"Nice nice. Eh ikaw Rox? Sumali ka ba ngayong intrams?"

"Oo. Sa Battle of the bands. Guitarist."

Talented din naman pala mga kaibigan ni Divina. Just like her.

"Ay so may practice din kayo mamaya?" Tanong muli ni Divina.

Tumango naman si Roxie bilang sagot.

Patuloy lang ako sa pagkain ng aking lasagna habang si Vendric ay kanina pa walang kibo.

Matapos naming kumain ay pumunta muna kami ni Vendric sa Men's CR at doon ay dineretcha ko na sya.

"Silva." Paunang tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ito sa akin na tila namumutla.

"Y-yes brader?" tanong nito sa akin.

Sinara ko muna ang zipper ng pantalon ko bago ko sya hinarap.

"I think, meron kang dapat aminin sa akin." Tinignan ko sya ng deretcho sa mata. But he was avoiding my eye contact.

"P-pinagsasabi mo brader? Haha! W-wala ah." Vendric with his awkward laugh.

Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat at tsaka ito piniga dahilan para sumigaw sya sa sakit.

"Aray ko brader!! Aray ah ah!"

Pagbitaw ko sa balikat nya ay tinanong ko sya ulit.

"I'm gonna ask you one last time, Dric. What's going on between you and that fluffy lady."

And this time, he let out a big sigh.

Pumunta sya sa may sink at naghugas ng mga kamay.

"Wala. Wala pa." Sabi niya.

"Wala pa? You mean, you have plans to court her or something?" I asked him again.

Tinignan nya ako sa mata.

"We dated yesterday brader. Ikaw kasi eh! Nireject moko kahapon ayaw moko samahan!" He's acting again as if he's upset.

"May importante akong pinuntahan kahapon kaya hindi ako pumayag na samahan ka na magliwaliw."

"And isa pa, you should be thanking me dahil kung hindi ka mag-isa, hindi mo makaka-date yung Alexa na yun. She's your type right?"

Akalain mo nga namang hindi naman pala to bakla. Tinubuan na rin pala ng  t***.

"Hindi naman sadya yung date namin! Nagkita lang kami sa mall tapos sakto kasing pareho kaming walang kasama edi I decided na kaming dalawa na lang magkasama! Walang bigdeal dun ah!" O-okay?

He sounded so defensive pfft.

"Whatever Dric. Then what's with your effin' endearment? Baby Monkey? The fuck?"

So corny asf.

"Joki joki lang yun ni Crocs! Naniwala ka naman! Wala kaming endearment noh!" Vendric being defensive again.

"If you keep on denying everything, I would probably think na may gusto ka na talaga sa babaeng yun." Pang-aasar ko sa kanya.

Nginisian ko sya at binatukan bago biglang nagring ang Iphone X ko.

Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko at iniwan muna si Dric sa loob ng CR.

"Hello" Saad ko.

"Hello Mr. Zelo Ford Angelo?" sabi ng lalaking nasa kabilang linya.

"Who's this?" tanong ko.

"This is Chief Inspector Romualdo Perez. Regarding sa pinag-usapan natin kahapon sa police station."

After ko kasing ihatid sila Blue sa airport kahapon, dumeretcho ako sa police station and si Perez ang nakausap ko regarding sa kaso.

Kahapon ay wala pa raw silang nakikitang lead patungo sa kung sino ang mastermind ng pagddrug sa amin at pangingidnap.

So I told them to ask the bar and the hotel for the CCTV footage dahil importante ang mga ito. Dahil kahit kaunti ay malakas ang kutob kong malaki ang maitutulong nito sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

"Any updates?" tanong ko muli.

"Actually, meron. And hindi ko ito pwedeng sabihin through phone call dahil masyadong confidential. So I hope we can meet later to talk about it."

"Fine. 7pm at the coffee shop near Bridson."

I ended the call.

I let out a smirk.

Makikilala na din kita.

Too bad you messed up with the wrong guy, asshole.

Once we caught you, mata mo nalang ang walang ganti.

----

KRYSTAL FORTALEJO

Bwisit na alarm yan.

Kanina pa tunog ng tunog!

And I keep on turning it off pero letche tunog pa rin ng tunog!

7:30am

Kinuha ko ang alarm clock ko at tinanggal ang batteries.

Oh sht I can now continue my sleep peacefully!

Humiga ako ulit sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

And katabi ko ngayon ang pinakacute kong hello kitty.

"Why do you have to be so cute little fella? huh?" I spoke holding my hello kitty as if she would answer.

I started kiss and hug this cute thing as I'm about to continue my sleep when I suddenly felt my cellphone vibrate.

Kinuha ko ito at tinignan.

Aish istorbo!

From: Mercy

Classmate! hindi ka papasok?

I just rolled my eyes and decided not to reply.

Obvious ba?!

Wala naman syang nakikitang Krystal Fortalejo sa katabi nyang upuan diba? So obviously I'm not gonna go to school!

Aga aga andami nang bumibwisit sa akin ha.

At dahil nawala na rin naman ang antok ko dahil sa mga letcheng yan, bumangon na lang ako at kinuha ang diary at ballpen na bigay ni Divina nung nag group study sila dito.

Hindi ako pumasok ngayong araw kasi tinatamad ako. Katatapos pa lang naman ng exam week kaya for sure wala pang gagawin kundi magcheck ng testpapers and mag compute ng mga grades.

What's bothering me these past few days ay ang pag announce ni Divina ng meet up ng mga operators!

What the hell!

I don't know why but I am nervous!

Kinakabahan ako at hindi ko naman ito dapat maramdaman. Dapat wala akong pake. Dapat poker face lang ako but simula ng inoperate ko ang account ni Kyra Devon, I've changed a bit.

Oh cmon Krystal! Don't fool yourself. You're not changing. You're just coming back. Back to your old self.

Nagkakaroon nanaman ako ng emosyon. And for fcking sake hindi ako natutuwa!

And by thinking, after the intramurals  which will be held next week, ay ang meet up na ng operators.

I'm gonna see Mia, Luigi, Clyde..... and...... Zaki.

Zaki Clint.

I don't know what's wrong with me pero kinakabahan akong ma-meet ang taong nasa likod ng account ni Zaki Clint.

Ano kaya itchura nya?

What is his attitude?

Kaugali nya kaya si Zaki?

Or sweet ba sya in person? Kind? Gentleman?

And why am I even thinking about these things?!

Crap Krystal! Shut your brain! Tigilan mo yan!

Argh!

Binuklat ko nalang itong diary at nag sketch nalang ulit.

Yes. I know how to sketch.

But walang nakakaalam na may talent ako sa pagssketch.

Ako lang..... at si.... nevermind.

You don't need to know him. He's a part of my past. A trash of my past to be specific.

This is my third time sketching the face of Zaki Clint.

And I fcking hate it!

Dahil sa tuwing sinusubukan kong isketch ang mukha ni Zaki Clint, mukha nya ang nagiging resulta.

I don't know why.

I have fcking moved on.

I really do.

Pero bakit....

Argh!

Sa tingin ko talaga merong kumulam sa akin. Dahil sa mga nararamdaman at nangyayari sakin.

Binato ko ang diary at ang ballpen na hawak ko at nagtalukbong nalang ulit ng kumot.

I hate this feeling.

I hate what I'm thinking!

I hate what I'm doing!

and I hate what I'm feeling!

*doorbells*

At sino naman kaya ang gagambala ng ganito kaaga?!

Padabog akong umalis ng higaan ko habang patuloy pa rin ang pagring ng doorbell.

"Learn how to wait b*tch!"

Nakakabwisit ah.

Pagkabukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang aking ina.

"Hello anak!" At sinunggaban nya ako ng yakap. Sobrang higpit ng yakap nya kaya pilit ko syang inaalis.

Bakit sila andito?!

Akala ko ba next month pa?!

"Anak miss na miss kita sobra! Bakit lalo kang gumaganda ha? Siguro may boypren ka na ano? Nako Wilson tignan mo ang anak mo, dalagang dalaga na!"

Tinignan ko naman ng walang emosyon ang tatay kong nakapasok na rin pala sa apartment ko.

Nakabusangot at dala pa rin nya ang kanyang 'strict' face pagkapasok nya. Ni hindi manlang nya ako tinignan. Nilibot lang nya ang tingin sa buong paligid.

"Ah anak - -" magsasalita nanaman sana ang aking ina ng unahan ko ito.

"Bakit kayo nandito." Wala sa mood kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang dapat naming tanungin. Bakit ka nandito? Monday ngayon diba? You should be at school this day. Nag ccutclass ka?" Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitawan ng tatay ko. Nakakataas ng balahibo ang boses nya pero dahil ako si Krystal, di ako tinatablan psh.

"Wala kaming pasok" tamad kong sagot.

Lol Krys, you're being a liar again to your dad.

"Huh really? You think I'll believe you?"

"Eh kelan ba kayo naniwala sa akin." pabalang kong sagot.

"Sasagot ka pa talaga ha! Wala kang modo! Nirvana pagsabihan mo yang anak mo!" Sigaw niya.

"Tama na Wilson. At ikaw naman anak halika na nga lang dito sa kusina" at hinila niya ako papunta sa kusina.

"Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo ha? Ganun lang talaga yun mainitin ang ulo."

Psh. Pagpasensyahan? Lol. Sanay naman ako. Ever since naman ganun na ang pakikitungo nya sa akin.

"I'm used to it. Nothing to worry about." Saad ko tsaka ako kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa ref.

Nginitian lang ako ni Mrs. Fortalejo bago sya may inilabas mula sa dala dala nyang bag.

"Ay anak ito pala oh, pinagluto kita ng paborito mong carbonara" Masayang masaya nyang inabot sa akin ang nasa tupperware na carbonara.

Oh damn, ang sarap nya ugh.

But I managed to stay calm.

"Nag-abala pa kayo." Pagtataray ko.

"Nako anak, hindi yan abala ano. Masarap yan anak. Sinadya ko talagang lutuan ka. Miss talaga kita anak. Hay." At muli nanaman nya akong niyakap ng mahigpit.

Sa totoo lang, aaminin ko, gustong gusto ko pag niyayakap nya ako. Dahil kahit sa ganoong paraan, mafeel ko namang mahal nya ako.

"T-thanks" Ano ba yan nautal pa!

"Nirvana bilisan mo dyan at malalate pa ako sa meeting. Antayin na kita sa kotse." Sigaw ni dad.

Ugh! Did I just call him 'dad'?!

"Sorry anak pero mukhang kailangan na namin ulit magpaalam ha. Mag-aral kang mabuti. Mag-iingat ka palagi dito. Text or tawag ka lang kapag may kailangan ka ha?" Aniya.

"Yeah. I know. Got it."

Pagkatapos nya akong ngitian ay hinalikan nya ako sa noo ko at niyakap muli bago sya magpaalam.

"Bye anak! I love you!" At nag abot pa ng flying kiss.

I just smiled a bit and said "love you too, mom."

Sandali syang napatigil sa paglalakad at lumingon sa akin.

And with her teary eyes, ngumiti syang muli.

Yeah, it's my first time to reply on her i love yous.

And mukhang gulat na gulat nga sya. I felt an ache inside my heart when I saw her crying. And telling her that i love her was quite.....satisfying. Nakakagaan sa loob.

She continued walking palabas ng apartment at tinitigan kong muli ang dala nyang carbonara.

I suddenly felt a hot liquid pouring down my cheeks. Umiiyak na pala ako.

Thanks mom.

Thank you because ikaw ang nagpaparamdam ng pagmamahal na di ko maramdaman sa tatay ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha at dahil nakaramdam na ako ng gutom, ay napagdesisyunan kong kumain na ng carbonara.

---

ZELO ANGELO

7:15pm

Damn it. Anong oras na bakit wala pa rin yung Perez na yun.

I can't fcking wait to know who's behind that incident.

Wala naman akong alam na nakaaway ko. Well, except for the guys who's envious about me tss.

I sipped on my coffee while holding my Iphone X, waiting for a call from that Perez.

*Perez ringing*

"Where the fck are you?" Medyo inis na rin kasi ako eh diba fck.

"Relax Mr. Angelo, I'm on my way."

"You're on your way?! Holy crap! 7pm ang usapan diba tapos sasabihin mong papunta ka palang?!" Kingina mong panot ka.

"I said relax boy. May inasikaso pa kasi ako sa presinto kaya natagalan. But like what I said, papunta na ako at malapit na so chill. Orderan mo nalang ako ng cappuccino para mabilis na tayo mamaya"

wtf?! inuutusan ba nya ako?!

"Inuutusan mo ba ako?!"

"Dali na wag nang maarte. Bye."

At binabaan ako?!

Gago to ah!

Wala akong nagawa kundi umorder ng cappuccino para sa panot na iyon.

After 10 minutes ay nakita ko na syang pumasok dito sa coffee shop. Pagkakita nya sa akin ay agad itong ngumiti na akala mo eh close kami. Psh.

"Hey Mr. Angelo! Napag antay ba kita hehe"

"Are you fcking kidding me" sagot ko sa kanya.

He took a sip of his cappuccino before answering back.

"Sarap talaga. Well, I'm not kidding. Meron na kaming lead." Sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya with my eyes getting a little interested.

"Spill every details." I told him

"Hingi ka muna ng service water. Nangangati lalamunan ko eh."

Tangina inuubos ng panot na to pasensya ko!

Dahil sa inis ko ay hinila ko ang damit ng dumaan na waiter.

"Get a goddamn water here right now!!!!"

Yung waiter naman ay nagpanic at agad tumakbo papunta sa counter at mabilis na itinakbo ang tubig at inabot sa amin.

"Hoy umayos ka nga. Calm down. Init init ng ulo mo." Eh kung ikaw kaya ang pakalmahin ko gamit pagputol ng mga ugat mo?!

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo panot. My precious time is fcking wasted because of your fcking errands. Now you will spill everything out or I'll punch your face?!"

He gestured me to calm down

"Eto na nga. We already have the CCTV footages of both at the bar and at the hotel." Nilabas nya ang kanyang laptop at ininsert ang kanyang dalang flashdrive at tsaka plinay ang CCTV footage.

Una nyang pinakita ay ang footage sa bar sa may entrance.

Pinakita doon yung oras na pumasok kaming tatlo ni Blue at Sky at matapos ang ilang oras ay may lumabas na dalawang lalaki na inaalalayan ang walang malay na lalaki.

"Wait, is that Blue?!" tanong ko kay panot and he nodded.

Oh fck, oo nga pala, sa bar kami nawalan ng malay. But who the fck are these guys na may hawak sa amin?!

Sumunod kay Blue ay si Sky naman ang dala dala ng dalawa pang lalaki then sumunod ako na isang lalaki lang ang umalalay sa akin.

After me, yung tatlong babae which is naalala ko na sila yung mga babaeng nireserve ni Blue na makakasama namin for the night.

Naikuyom ko nanaman ang mga kamay ko dahil sa galit ng makita ko ang pagmumukha ng mga babaeng yun. Lalo na si Klaire.

That bitch.

Nakita doon na pinasok kami sa loob ng itim na van at sumakay din doon ang tatlong babae.

"And ito naman ang cctv footage sa hotel."

Unlike sa naunang footage, mas malinaw yung kuha dito pero hindi pa rin kita ang mga mukha ng mga lalaki at maging nung tatlong babae dahil sa layo na rin siguro sa  distansya ng cctv.

Pero alam kong sila Klaire yun based on the clothes they're wearing.

Or should that even be considered as clothes?!

"So what can you say about these footages?" tanong niya sa akin.

"Do you have any lead on where those prostitutes are right now? Where they live? at nagtatrabaho pa ba sila sa bar na yun?" tanong ko pabalik.

"We're working on it. Wag kang mag alala, i-uupdate kita agad pag nakakuha na kami ng lead. Pero isa lang ang sigurado ako."

Tumingin naman ako sa mata ni Perez and waiting for him to speak.

"Lalaki ang nasa likod nito."

Tss. Akala ko naman kung anong nakakagulat na impormasyon ang sasabihin nya.

"Alam ko."

But the question is...... Sino?

"Give me the copy of the cctv footages." Sabi ko at binigay nya sa akin ang flashdrive.

"Okay Mr. Perez. Contact me as soon as you get another update. I'll go ahead." At tumayo na ako sa upuan at ganoon din sya at iniabot nya ang kamay nya na gustong makipagshake hands. I just stared at it and gave him a grin then walked out.



Kailangan kong malaman kung nasaan si Klaire. I need to talk to her.

Kailangan kong malaman kung sino ang nag utos sa kanila para gawin iyon at kung ano ang motibo. But where the heck would I find them?!

I rode on my Monster X at dali daling pumunta sa bar kung saan nangyari ang insidente. Pagkarating ko doon ay agad akong nagtanong sa may bartending station.

"Excuse me. Dito pa ba nagtatrabaho si Klaire at yung dalawa pa nyang babaeng kasama?"

I asked. And the girl replied,

"Ay sir simula po nung may insidenteng nangyari dito na sangkot po sila, ay hindi na po sila bumalik dito para magtrabaho."

"Do you have any informations about them? Like kung saan sila nakatira ngayon? saan na sila nagwowork? or kahit contact number?" I asked again.

Pero sa una ay naghesitate syang sumagot.

"Pasensya na sir pero hindi po kasi kami pwedeng maglabas ng mga co fidential infos ng mga nagtatrabaho dito."

Tangina. Letche.

"I am one of their victims. So please fcking tell me kung paano sila macocontact dahil I fcking need to know what pushed them to do that!"

I am losing my temper again, fck.

"Pasensya na po talaga sir. Hindi po talaga pwede."

Goddamit!

Sinipa ko ang upuan na nasa tapat ko sa sobrang inis.

Paano ko sila mahahagilap?!

Tangina naman!

Palabas na ako ng bar ng biglang magvibrate ang IphoneX ko.

I received a text from an unknown number.

"Looks like you're trying to find out who's behind everything huh? Man, don't rush things. Malalaman at malalaman mo rin naman when the time's right. Baka kasi pag nagmadali kang malaman lahat, baka hindi mo kayanin. Hahahaha! Good luck man. Take Care. Muah! Hahaha!"

Matapos kong basahin ang text ay mahigpit kong hinawakan ang Iphone X ko and I tried to call the number pero cannot be completed or dialed na sya.

Fck!

Are they making fun of me?!

They want game?

Then I'll give them game.

Another vibrate coming from my Iphone X.

Kyra Devon

Hoy. Busy ka?

Zaki Clint

Yeah, why?

Kyra Devon

Ah ganun ba. Sige nvm.

Zaki Clint

Tell me, what is it?

Kyra Devon

Nothing. Wag mo nalang isipin.

Zaki Clint

Alright. It's already 9pm, have you eaten?

Kyra Devon

Yep. Ikaw?

Zaki Clint

Hmmm. Hindi pa. Pakakainin mo ba ako?

Kyra Devon

Bakit di ka pa kumakain? It's late. Kumain ka na.

Zaki Clint

Kakain lang ako kung ikaw ang nakahain.

Zaki Clint

Kidding.

Zaki Clint

Pero pwede din naman. Hehe.

Kyra Devon

Zaki!!!

Zaki  Clint

Hahaha.

Zaki Clint

Have to go. Talk to you later. Bye. ILY.

Kyra Devon

ILY????

Zaki Clint

I'm leaving you.

Kyra Devon

😠💔

Zaki Clint

Haha.

Zaki Clint

Kikiligin ka na sana no?

Kyra Devon

Shut up! Alis ka na diba? Alis!

Zaki Clint

Aalis ako pero babalikan naman kita. Babalik ako kaya wag moko masyadong mamimiss. 😉

Kyra Devon

Hindi kita mamimiss wag kang mayabang dyan.

Zaki Clint

Haha. You'll never know. 😉

Zaki Clint

Ttyl. Ily. 😊

----


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top