AGKWC 37 - DATE
ALEXA SUMERA
"Babypanda, akala ko ba gutom ka? Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?" tanong sa akin ng unggoy na nasa harapan ko.
Sa totoo lang, GUTOM NA GUTOM NA AKO!! HUHUHU
But the fact na nasa harap ko ngayon ang unggoy na to at tinatawag pa akong 'babypanda'?! Tell me, sino ang makakakain?!
" Ah alam ko na. Iba ata gusto mong kainin eh. Hehehe. Wait, higa na ba ako dito?" at nagtaas baba pa ang kilay nya! Argh! Kamanyak!
"Kadiri kang unggoy ka manahimik ka nga!" Sigaw ko sabay bato sa kanya ng table napkin.
Hinarang naman nya ang dalawa nyang kamay kaya hindi ito tumama sa mukha nya. Sayang!
"Haha! Kumain ka na kasi babypanda. O gusto mo pa atang masubuan ng isang Vendric the gwapo eh hehehe" At kumindat pa sya sa akin.
Kailan ba mawawala ang kahanginan nito sa katawan?!
Nakita ko namang naglagay sya ng pagkain sa kutchara nya at unti unting nilalapit sa akin.
"Say Ah baby" may halong pang-asar na sabi nya. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Okay fine kakain na! Just stop acting like my b-boyfriend." bakit feeling ko namumula ako ngayon? Argh!
Binaba na nya ang kutchara at sumandal sa upuan nya.
"Edi hindi na acting. Totohanin nalang natin." Napatingin ako agad sa kanya dahil sa sinabi nya. Muntik na akong mabulunan dahil dun! Tinitigan ko naman sya ng maigi at naghahanap ako ng pruweba na nagjojoke lang sya.
Pero wala akong makita! Lintek ang seryoso ng mukha nya! HE'S NOT SERIOUS, IS HE?!
Maya maya pa'y nakita ko nalang syang humagalpak sa kakatawa.
Argh! Sabi na eh! Nang-aasar lang nanaman ang gorilla na to!
"Hahaha! Ampanget mo talaga Aleksa." Sabi nito sakin at hinawakan pa talaga ang kanyang tiyan na punung puno ng taba.
Sa sobrang inis ko ay inabot ko na ang kanyang buhok at pinagsasabunot sya.
"Di ka titigil?! Nanggigigil ako sayong unggoy ka kanina ka pa!"
Pero imbes na masaktan eh tumatawa pa rin sya at pinipilit makawala sa pagkakahawak ko ang buhok nya. Pero sorry sya! Malakas ako noh! Rupok nga lang hehehe.
"Hahaha! Osige na titigil na babypanda! Bitawan mo na ako." sabi nito kaya tinigilan ko na rin ang pagsabunot sa kanya at tinuloy nalang ang pag kain ko. Kabwisit!
"Pwede mo akong bitawan..... pero wag ang puso ko." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. What the heck?!
"Ops hoy panda, wag kang mahuhulog sa akin ha. Alam kong gwapo at maganda akong lalaki with lots of humor pero.... chill ka lang. Di kita masasalo." Pagmamayabang nya sa akin.
Freakin' cheese?! Ako pa talaga mahuhulog sa kanya?! Ang yabang talaga sarap ibitin ng patiwarik!
" Excuse me?! You're not my type. Kaya tigilan mo yang imahinasyon mo dahil take note. N E V E R. NEVER! Ini-spell ko pa para magets mo! Never will I fall for you, monkey!" Sigaw ko sa kanya na ginantihan lang nya ng pagsmirk.
"Okie dokie! Mabuti nang malinaw babypanda. Hehehehe. Osige na bilisan mong kumain dyan ang bagal bagal mo. Anong oras na oh. Manonood pa tayo ng sine!"
Napatingin naman ako sa aking relo. Mag-aalas tres na pala! Ang bilis ng oras! 4pm yung schedule ng papanoorin naming horror movie.
Yeah, pumayag ako na magkasama kaming manonood ng movie. Dahil kami nga daw ang magdadate ngayong araw. Tsk!
At ako naman ang namili ng papanoorin namin which is a horror movie! Yay! Favorite ko kasi ang manood ng mga ganun, kahit na takot ako. Hehehe. Yung 80% ng movie eh, nakatakip ako ng mata. Haha! At least yung 20%, bukas yung mata ko!
Nandito na kami ngayon sa loob ng sinehan. Este, ako palang pala dahil yung unggoy na yun eh bumibili pa ng memeryendahin namin. Ewan ko ba dun! Kakakain lang namin eh, gutom nanaman ulit!
Dito na ako umupo at pumwesto sa may taas ng sinehan. Mas enjoy kasing manood pag nasa itaas ka. Mas kita mo ng full view yung screen.
Maya maya ay nakita ko nang pumasok sa sinehan ang unggoy na may dala dalang isang piging ng saging..... hehehe charot.
Teka...
TAENA?!
Sinenyasan ko naman si Vendric na lumapit sakin ng mabilis at minulagatan ng mata.
Nang makalapit na sya ay piningot ko naman ang tenga nya.
"Aray!!" reklamo nito sa akin.
"Bakit nanaman ha pandak?!" reklamo nanaman nya.
Tinuro ko naman yung tatlong plastic bags na dala nya.
"MAGTATAYO KA BA NG TINDAHAN DITO SA SINEHAN HA?! BAKIT ANDAMI DAMI MONG BINILI?!" sigaw ko sa tenga nya.
ANG SABI NYA MERYENDA LANG ANG BIBILHIN NYA TAPOS NGAYON BABALIK SYA DITO NANG MAY DALA DALANG TATLONG PLASTIC BAGS NA PUNUNG PUNO NG MGA CHICHIRYA AT TINAPAY?!
"Hehehehehe" napakamot naman sya ng batok nya
"Kasi naman, ang hirap pumili ng masarap na kakainin. Kaya kesa mahirapan pakong mamili, edi binili ko nalang lahat!" At proud pa nya talagang sinabi sa akin yan ha?!
Jusko!!! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito argh!
"Sumasakit ang ulo ko sayo! Umupo ka na nga lang dito" At ngumiti naman sya ng ngiting tagumpay at tumabi sa akin.
Gulat naman ako ng bigla nyang inilahad ang palad nya sa harap ko.
"Ano yan?!" pagsusungit na tanong ko sa kanya.
"Kamay ng gwapo" sagot nito kaya sinamaan ko ng tingin.
"Hehehe."
"Ano nga kasi! Bakit nakalahad yang palad mo?!"
"Bayad mo."
"Bayad?!"
"Oo. Anoka sinuswerte?! Bayaran mo meryenda mo dito oy! Di mo ako boypren para ilibre kita noh! Aba!"
Feeling ko yung dugo ko sa tiyan umakyat hanggang sa ulo ko. BWISIT KA TALAGANG SILVA KA!!!
"SINABI KO BA KASING BUMILI KA NG MEMERYENDAHIN NATIN HA?! TSAKA BAKIT ANG DAMI DAMI MO KASING BINILI?! TAPOS NGAYON IPAPABAYAD MO?! EH KUNG ISUNGALNGAL KO SAYO ISA ISA YANG MGA YAN?!"
My gosh! Bigyan nyo ako ng tubig nahihighblood ako!
"Hehehe joke lang! Ikaw kapandak mong tao, bilis bilis magalit. Ang cute cute mo tuloy." Sabi nya sa akin.
"Cute talaga ako!" sigaw ko ulit sa kanya. Ay basta nakakainis sya!
"Cute nga. Mukha kang gasul lalo na at naka blue ka ngayon hehehe"
Gasul?!
What the?!
"Op op op! Mananabunot ka nanaman! Bad yan babypanda ah."
Mabuti nalang at nag on na yung malaking screen sa harap na nagpahiwatig na magstastart na yung movie.
Dun lang kami natigil sa kakabangayan.
Nagsimula na ang palabas at binalot ng katahimikan ang buong sinehan at ang tanging maririnig mo lang ay ang nakakatakot na mga sound effects at nababalot ng kadiliman ang buong atmosphere.
Nakita ko naman ang katabi ko na nilalantakan na ang binili nyang malaking cracklings. Hayop na yan! Napaka-agaw eksena nya talaga kahit kailan! Isipin mo, ang asim asim ng amoy nyan tapos naka-aircon pa dito sa sinehan. Sakit sa ilong bwisit!
Nahuli naman nya akong nakatingin sa kanya habang isusubo na nya sana ang isang piraso ng cracklings nya. Tinignan nya ito bago ako inalok.
"Hehehe meron dyan sa plastic kuha ka nalang. O gusto mo yung akin?"
Pero imbes na sagutin sya ay inirapan ko na lamang sya.
Narinig ko naman itong bumulong "tsk sungit sungit, pandak naman"
At dahil sa narinig ko, mabilis pa sa tren kong inagaw ang cracklings nya at pati yung isang pirasong isusubo na nya sana, kinuha ko rin at tsaka ko sinubo at kinain.
Bale ako na ngayon ang kumakain ng kinakain nya kanina. And it tastes.... good though.
Hindi naman na sya umapela at kinuha na lamang nya ang binili nyang mountain dew at ininom ito.
Habang iniinom nya ito ay biglang lumabas ang multo sa screen na dahilan ng biglaang pagsigaw ng buong tao sa sinehan dahil sa gulat!
Kaya naman ang kawawang unggoy ay naibuga ang iniinom nyang mountain dew at ngayon ay basang basa na sya kasama ang mga magjowang nasa harapan namin.
Uh-oh, mukhang magkakagera dito.
"What the fuck?!" Galit na galit na sabi nung lalaki habang tumayo at tinignan ang basa nyang kasuotan
"The hell!" sigaw din nung jowa nyang mas maarte pa sa artista. Tsk akala mo naman kagandahan!
Yung unggoy naman na katabi ko ay hindi mapakali. Di nya alam kung alin ba ang una nyang pupunasan. Kung ang sarili nya ba o ang mga biktima nya.
"You dumb! Sarili mo pa talaga uunahin mong punasan ha?! Wipe this off my shirt or you'll buy me a new one! Bet you can't afford this, fcker."
Pang-uutos at pag-iinsulto nung lalaking mukha namang ingrown na tinubuan ng mukha, kala mo naman porket mayaman! Nanggigigil ako! Bakit nya kailangang mang-insulto at mamahiya?!
Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil nagpipigil ako ng inis. Hingang malalim cutie Alexa! Wag padadala sa emosyon!
Lumapit naman sa amin yung guard at may dala dalang flashlight
"Mga mam and ser, kung maaari po eh pakihinaan naman po yung pag-uusap ninyo kasi nasa sinehan po kayo at nakakaistorbo po yung pagtatalo ninyo. Kung gusto nyo po, lumabas nalang po kayo ng sinehan at doon ninyo ituloy ang pagbabangayan ninyo. Salamat"
"Sige po kuya pasensya na po." Nginitian ko na lang si kuya guard at nagbow para humingi ng pasensya. Pagkaangat ko ng ulo ko at pagtingin ko sa kanya ay ngumiti sya pabalik at kumindat pa!
Freaking cheese! Kinilabutan ako huhu.
Umalis na si kuyang guard at umupo naman na kaming apat habang yung magjowa ay masama pa rin kaming tinititigan ni unggoy.
"Hindi pa tayo tapos." Pagbabanta nung babae, the hell I care?! Wala namang nasimulan so ano ang tatapusin?! Pag di ako makapagpigil, sasabunutan ko talaga buhok nito sa p*p* nya! Gigil ako ah!
"Tapusin mong mag-isa" Bulong ko naman na sinadya kong medyo malakas na maririnig nya. Bwisit bwisit!
Magsasalita pa sana sya ng hindi ko na sya kinibo at humarap ako kay Vendric.
"Baby okay ka lang? Malamig ba? Want me to hug you?" Sabi ko kay Vendric na napatingin sa akin ng sobrang laki ng mata at namumutla. Pffft. Kung wala lang kami sa sitwasyong ito, malamang kanina pako tumawa ng malakas. Haha!
Sinenyasan ko nalang sya na sumakay sa trip ko upang maiwasan na ang pag-papansin ng magjowa sa harapan namin.
Mukhang nagets naman nya agad kaya naman lalong lumaki ang ngisi nito.
"Baby nilalamig ako. I need a hug. A tight one please..." Medyo pinahusky at pinababa pa nya yung boses nya kaya nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam na ewan ko kung kinakabahan ba ako o malamig lang talaga ang aircon dito sa loob ng sinehan!
AaaAaaAahhhh!
Sht Alexa! Calm yourself! Yakapin mo nalang yung unggoy na yan ng walang malisya!
*inhale exhale*
Okay okay!
"Sure baby! Let me hug you my monkey" Sabi ko rito nang may diin sa part na 'monkey'. Para ramdam nya kung gaano ako kasarcastic!
Sumandal ako sa may balikat nya at tsaka sya niyakap. At..... sht, ang bango nya huhuhu.
Nakakaadik yung pabango nya! Wait, am I attracted to him?! HAHA OF COURSE NOT! MABANGO LANG SYA. THAT'S IT!! HMP!!
Napapikit ako dahil naeenjoy ko ang amoy na nanggagaling sa unggoy na ito. Nang maya maya'y, biglang may parang nagflash sa mukha ko dahilan para mapaupo ako ng ayos.
Nahuli ko naman si Vendric na ngingiti ngiti na nagpipigil ng tawa habang hawak hawak nya ang cellphone nya.
Teka.....
"Pinicture-an mo ba ako?!" Napataas bigla yung boses ko na agad naman syang sumenyas na manahimik daw ako. Kaya nagpeacesign naman ako sa lahat ng napatingin sa amin.
"Hehehe ang cute mo kasi baby panda eh, parang sarap na sarap ka sa pagkakayakap mo sakin" may halong pang-aasar na sabi nya sa akin.
Arghhhh nanggigigil nanaman ako!!!
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Tapos panay pa ang singhot mo sa amoy ko. Am I a drug to you baby?"
Huminga muna ako ng malalim pampakalma bago ako nagsalita.
"Oo baby monkey eh. You're like a drug to me. You know why? Nakakasira ka kasi ng buhay!" Sigaw ko sa tenga nya.
Kakabwisit!
Natapos na ang movie at nakalabas na kami ng mall. Yung isang bag ng plastic, ay naubos na namin yung laman, more like... sya lang pala ang umubos letche. Kaya yung dalawang plastic bags ay iuuwi nalang daw namin. Tig-isa nalang daw kami. Naglalakad kami nang makita kong nakaabang at parang hinihintay pala kami nung magjowa.
Gulat naman ako ng biglang hinawakan ni Vendric ng mahigpit ang kamay ko.
"Paglabas natin, wag kang titingin sa kanila." Bulong nya sa akin bago ako nagpahila sa kanya habang sya ngayon ang nangungunang maglakad.
Dere-deretcho lang ang paglalakad namin at gaya ng binilin sa akin ni Vendric, ay hindi ako tumingin sa magjowang palaka.
Pero napatigil kami sa paglalakad nang muntik na akong madapa dahil tinisod ba naman ako nung lalaking palaka!
What the heck!!!
Mabuti nalang at nasalo ako ni Vendric dahil kung hindi, naging isa akong malaking kahihiyan!!!
Nag-iba naman bigla ang awra ni Vendric. Nakita kong naikuyom nya yung mga palad nya at nakita kong nag tiim bagang sya na halatang pagpipigil yun ng kanyang galit.
S-scary!
Inalalayan nya akong makatayo muli ng maayos "Ayos ka lang?" malumanay ngunit ramdam mong nagpipigil ito ng inis.
Natatakot ako sa kanya ngayon omg! sht!
Dahan dahan naman akong tumango at di makatingin sa kanya.
Hinarap nya naman ang dalawa
"Say what now fcker? Ano ha?! Bakit ganyan ka makatingin?!" Mayabang na sabi nung lalaki.
Habang ako naman ay nilapitan nung babae
"Tss. Serves you right, bitch! Pagsabihan mo kasi yang boyfriend mo na wag tatanga tanga" Bulong nya sa akin habang nang-aasar.
Papatulan ko na sana itong palakang babae na ito nang napakabog ng sobrang bilis ang puso ko dahil sa narinig kong sinabi ni Vendric.
"Messing with me is okay. But messing with my girl? Regrets will come after you, fcker"
At kita ng mga mata ko kung paano sinugod ni Vendric ng suntok ang lalaki na ngayon ay nakahiga na sa sahig at putok ang mga labi.
Narinig ko namang nagtititili na parang kinakatay yung babaeng jowa nya at akmang lalapitan na nya sana ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng pagsabunot sa kanyang buhok.
"Where do you think you're going?" Pagtataray ko sa kanya sabay hila sa kanya papalapit sa akin. Rinig ko naman ang pagrereklamo nya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa buhok nya.
"Bitch! Bitawan moko!" Sigaw nya habang sinusubukang makawala sa pagkakahawak ko.
Okay, so I'm loving this scene. Sarap naman palang manabunot ng mga pokpok
"What if I don't want to? And please darling, don't call me bitch. It's your nickname. Not mine." Ngumisi muna ako sa kanya bago ko sya pabagsak na binitawan.
"Wish granted." ngisi ko ulit sa kanya
"Baby" rinig kong salita na alam kong galing kay Vendric.
Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko syang may kaunting galos pero mas napuruhan yung lalaki kanina.
"B-baby, m-may sugat ka" nahihiya kong sabi sa kanya
Pero nginisian lang nya ako
"Alam ko."
Tsk! Panget panget panget!
"Pero okay lang."
"Basta wag lang ikaw ang masugatan" pang-aasar nanaman nito sa akin. Argh!
Piningot ko nalang yung tenga nya dahil sa inis ko.
"Mukha mo! Tara na nga!"
Sigaw ko sa kanya. Pero bago kami umalis, tinignan muna namin yung dalawa
"Sa susunod, bago kayo manggago at manghamon ng away, siguraduhin nyong may ibubuga kayo. Para naman hindi sayang yung kagwapuhan ko sainyo. Tsk"
Pagkasabi nya nun ay inakbayan na nya ako at kinuha na nya yung nahulog naming plastic bags. Iniwan na namin yung dalawa na halatang bwisit na bwisit.
"Baby panda, saan na tayo nyan?" tanong nito sa akin habang patuloy lang kami sa paglalakad at nakaakbay pa rin talaga sya sa akin.
"Ewan, uwi na?" sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
"Nubayan, aga pa eh." pagtingin ko sa orasan ko, 6:30pm na.
"Dinner nalang tayo sa bahay" Sabi ko na dahilan para mapatingin sya sa akin.
"Ha?" tanong niya
"Hatdog" Pang-aasar ko din sa kanya.
Napabusangot naman sya at parang bata nanamang nagtatantrums.
"Ehhhhh hoy pandak ano nga kasi!! Seryoso ka?"
Pffft. Mukha syang tanga haha! But I find it.... cute.
"Oo o hindi? Time is ticking, mabilis magexpire ang offer ko." Sabi ko.
Mas mabilis pa sa puso kong nahulog na sa kanya ang kanyang sagot.
Lol joke lang, di po kaya ako marupok hihi
"Basta food baby panda, oo! Tara na baby! Excited nako mameet ang mga parents mo na magiging parents ko na din." Sabi nya sabay kindat.
Malandi! Pafall! Argh!!
"Duh! Never mangyayari yun. Di ka magugustuhan ni Mi at ni Di!" Sigaw ko sa kanya.
"Tss. Hindi daw. Eh ikaw nga, gusto mo nako. Sila pa kaya?" Mahanging sabi nya.
"Uuwi nakong mag isa. Bye."
"Oy joke lang heehehehe. Gwapo ko talaga. Tara na" At inakbayan na nya ako ulit at pumara na kami ng taxi papunta sa bahay.
----
SOMEONE
Ilang taon na rin ang lumipas, pero hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sayo. Kailanman ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo.
Kahit pinaglayo tayo ng tadhana, kahit na siguro eh may iba iba na tayong buhay ngayon, alam kong darating ang araw na magkikita tayong muli at sisiguraduhin kong ang araw na iyon ay ang pagsisimulang muli ng naudlot nating pagmamahalan.
At sana..... sana wala pang nagmamay-ari sayo.
Sana, ako pa rin ang nandyan sa puso mo.
Sana tulad ko, ay hinihintay mo rin ako.
Sana walang nagbago
Sana kasi hindi nalang ako lumayo
Sana kasi hindi nalang ako pumayag na paghiwalayin tayo
Pero ano nga bang magagawa ng isang bata kung magulang na ang nagpasya... hindi ba?
Sana kung ano man ang malalaman natin tungkol sa isa't isa, hindi masisira nito ang pagtinginan nating dalawa.
Sana.... makita na ulit kita.
I miss you so damn much.
And I still love you.
----
Happy 10.2k reads!! 🖤 I love ya'll!
~foreverbaaaabs 💛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top