AGKWC 36 - ALENDRIC

DIVINA MARIEL

Nang dahil sa nangyari kay Zelo, nagkaroon ako ng ideya kung paano ko tatapusin ang EWIH.

Dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya dahil sa nangyari, ay nagkaroon ako ng scenario na bumuo sa utak ko para patapusin ang EWIH.

Laking pasasalamat ko nang mabalitaang nagising na si Zelo. Grabe, labis ang tuwa ko na hindi ko naman alam kung bakit. Ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Ngayon lang ulit.

Kaya pagkatapos ng exam week, ay naging sunud-sunod na ang updates ko sa story. Araw araw akong may update. Na ikinatuwa naman ng mga readers ko. Ang isang linggong sembreak ay ginugol ko sa pagsusulat. Kaya ngayon ay narating ko ang wakas.

Kahapon ko pa na-publish yung last chapter ng EWIH at halos sumabog ang notifications ko sa facebook, messenger at wattpad!

Ang daming nagsasabi na bakit ko daw pinatay si Zaki, kawawa daw si Kyra, at bakit daw nagkaroon ng Phoebe!

Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa mga feedbacks na nakikita ko.

Grabe. Sobrang minahal nila ang EWIH to the point na iniyakan nila yung story ko. And I'm very touched.

EWIH Official Group

Tulips: LUIGIIIII!!! 😠😠😭😭💔💔

Gumamela: Wahhh!! Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon! Skl huhuhu

Rose: Ang sakit sakit ng puso ko huhuhu @Zaki BAKIT MO KAMI INIWAN HUHUHU

Cloudy: Hoy wag naman kayong spoiler!

Windy: NAMATAY KA?! @Zaki?!

Sunny: Ate Ina whyyyy? 💔

Rose: Ate @Kyra halika hug kita huhuhuhu

Divina: Hi Inamalditaaaaas. Hehehe. Sorry na huhu

Gumamela: Ate Ina di tayo bati! You just broke our hearts huhuhu

Luigi: Yes my tulips? Hehehe.

Sunny: 8:45pm na. Huhuhu hate ko na itong oras na to!!!

Rose: Ate Ina lab pa rin naman kita pero si Zaki bat mo talaga pinatay 😭

Tulips: TAKSIL KA!! SINO SI PHOEBE HUHUHU

Zaki: @Divina uhm, can I still chat here? Patay na ako diba.

Gumamela: WAHHHH KUYA ZAKI!!! SIGE LANG CHAT KA LANG DITO KAHIT PATAY KA NA

Rose: OO NGA! WILLING KAMING MAKIPAGCHAT SA PATAY HEHE

Kyra: Darling....

Divina: Haha! Oo naman Zaki. You may be dead in my story, but you are  and always will be alive in the hearts of my Inamalditas. ❤️

Windy: Okay alis na muna ako at babasahin ko na talaga. Masyado na akong naspospoil! huhuhu

Cloudy: Same!! Arat Windy.

Zaki: Darling

Sunny: POTANGINA MAH HEART DARLING DAW HUHUHU DARLING DARLING!

Rose: Tama si Ate Ina, Zaki. you will always be alive sa puso namin huhu

Kyra: Why do you have to leave... me?

Gumamela: HALA HANGGANG DITO BA NAMAN PAIIYAKIN NYO AKO HUHUHU KYRA AT ZAKI NAMAN EH HUHUHU

Zaki: I'm sorry darling. But leaving you doesn't mean I don't love you.

Zaki: I love you, Kyra Devon.

Kyra: Balik kana please? I miss you. I love you too. 💔

Zaki: I may not be with you physically, but always remember that I'm always here. By your side. Forever.

Divina: Teka nga.

Divina: Ang sakit ha.

Divina: Parang bubuhayin ko nalang ata si Zaki.

Divina: Want? HAHAHA

Sunny: OMG YES PLEASE MISS A HUHU

Gumamela: It's a yes for me Ate!!!

Tulips: Sige nga ate. Tapos si Luigi nalang patayin mo. Gigil nya ako. 😡

Luigi: Hoy bat ako. Huhu. Kasalanan ko bang gwapo ako? 🤔 Yow pre! I miss you!

Zaki: Make me alive again, Ina.

Zaki: Because I want to continue loving Kyra each and every moment of my life.

Zaki: I wanna treasure every moment with her. And this time, I will be the one who will take care of her.

Kyra: Fck. Darling. *hugs you tight*

Zaki: *hugs back*

Luigi: Hindi nanaman ako napansin. Tampo nako kay Zaki. ☹️

Divina: 🙄

Divina: Bubuhayin lang kita

Divina: Pag bumalik na si Koykoy.

Divina: 😊

Rose: Ha

Rose: Sino po si Koykoy ate?

Gumamela: KUNG SINO KA MAN KOYKOY, BALIK KA NA KAY ATE INA PARA MABUHAY SI ZAKI!!!

---

EWIH Operators

Kyra: Seriously Ina?

Zaki: Tss. Who's koykoy?

Luigi: OY PRE DAYA NETO DI AKO PINAPANSIN SA GC ☹️

Divina: Haha yeah Kyra. Seryoso ako. 😊

Divina: Bubuhayin ko lang si Zaki kapag bumalik na si Koykoy.

Divina: Which means....

Kyra: That will never happen. 😑

Divina: Haha tama. 😊

Luigi: HAYNAKO

Luigi: SINO BA KASI YANG KOYKOY NA YAN

Zaki: Tss.

Zaki: Are you trying to say that

Zaki: My life depends on that fcking Koykoy?

Zaki: What the fck.

Kyra: Chill Zaki. Lol.

Divina: Umayos ka Z. Kung ayaw mong tanggalin kita as op.

Divina: Stop calling him 'fck' cuz he's not.

Divina: You don't know him. Wala kang karapatang tawagin syang fck.

Divina: And I don't even know you too. Sino ka ba? I'm sure I know you.

Kyra: Tss. Chill Ina. Ang highblood mo naman.

Kyra: Napakasensitive mo pa rin basta si Koykoy ang usapan. Tss.

Zaki: I'm sorry.

Divina: Hindi sa nagpapakasensitibo ako.

Divina: I just don't want someone calling names to someone I love. Specially pag hindi ko naman kilala.

Luigi: Woah ngayon ko lang nakitang galit si Miss A.

Luigi: Mas nakakatakot pala kesa kay Kyra. Haha!

Kyra: Wag mong ibunton kay Z yang inis mo, Ina.

Kyra: Relax ka nga!

Kyra: Nang dahil sa Koykoy na yan, nasira na ang mood nating lahat.

Kyra: Tss

Divina: Okay fine. I'm sorry

Luigi: Teka nga.

Luigi: Kanina ko pa napapansin eh.

Luigi: Magkakilala ba kayo K at Miss A?

Luigi: Parang magkakilala kasi kayo eh. Tapos parang alam na alam ni K yung tungkol sa koykoy na yan.

Zaki: I think magkakilala nga sila.

Zaki: And regarding to your question awhile back

Zaki: Yeah. You know me, Divina.

Zaki: K, thank you.

Kyra: Why are you thanking me, Z?

Zaki: Wala lang.

Zaki: Gusto lang kitang sabihan ng salamat.

Zaki: Next time, it would be 'mahal kita'

Zaki: Haha

Luigi: ^Landi. Mahiya nga kayo. Andyan si Miss A!

Divina: Magkakilala nga kami ni K, H.

Divina: Don't worry. Makikilala nyo na rin naman ang isa't isa.

Divina: Oh. It's making me excited to know who you are, Z.

Kyra: Dami mong alam, Z.

Kyra: Haha

Kyra: Baka hindi mo kayanin pag sinagot kita ng 'mahal din kita'

Luigi: PAKENSHET! SERYOSO KA MISS A SA MEET UP?!?!

Zaki: Really K? You sure? Lol.

Zaki: Try me.

Zaki: Humanda ka sa meet up.

Zaki: Baka unang kita mo palang sa'kin, ayain mo na akong magpakasal.

Divina: Yeah. 😊 Seryoso ako dun.

Divina: Gusto ko rin kasi kayong makita lahat personally. Para personal na rin akong makapagpasalamat sa inyong lahat. 😊

Kyra: Kapal naman ng mukha

Kyra: Isang lalaki lang ang aayain ko ng kasal.

Kyra: At hindi magiging ikaw yun, Z!

Zaki: Tss.

Zaki: Walang imposible K.

Zaki: I can be the man you'll beg to marry.

Zaki: Try me. Haha

Luigi: MALALANDI

Luigi: MEET UP ANG MAGAGANAP. PURO KAYO KASAL KASAL TSS.

Luigi: Teka antagal namang magsipag-on ni Clyde at Mia!

Divina: Hahaha! Bagay talaga kayo K at Z.

Divina: Can I ship you both? 😜

Kyra: Kadiri.

Zaki: Kadiri pero gusto akong kainin? Lol.

Kyra: Ewan ko sayo! Bwisit.

Clyde: Yow nandito na ang pogi.

Clyde: Anong ganap?

Luigi: TOL!!! TULOY ANG MEET UP!

Zaki: You're really cute when you are pissed. Fck.

Clyde: legit tol?!

Luigi: Oo legit. Mas legit pa kesa sa kasarian mo. hehe

Clyde: Namo gago! Straight ako legit. Baka ikaw bakla.

Clyde: Wala ka ngang girlfriend eh.

Kyra: I'm cute? Lol. I'm not.

Kyra: If you see me personally, baka lumayo ka pa sa akin.

Kyra: The word cute doesn't fit me.

Luigi: Bat ikaw ba merong girlfriend ha?!

Zaki: Then what word would fit you?

Zaki: Ahh alam ko na

Zaki: I think my surname would fit you. 😏

Luigi: Ang landi ng emoji. Pero mas malandi yung gumamit. 💯

Clyde: May girlfriend ako.

Clyde: Ipapakilala ko sa inyo sa meet up.

Kyra: Nah. I think iba ang magkakasya sa akin. 😏

Divina: Pota. Kelan ka pa naging manyak, K?

Kyra: Tangina?

Zaki: Pft. Hahaha!

Zaki: Sige ituloy mo K. Ano ang magkakasya sayo?

Zaki: Sure kang kakasya sayo?

Kyra: Bahala kayo dyan! Kung anuano nanamang dumi ang nandyan sa utak nyo!

Zaki: Hahaha

Zaki: Wag ka mag-alala

Zaki: Kahit naman hindi kasya, pilit nating ipagkakasya. 😏

Luigi: ^SHET HAHAHAHAHAHAHA

Luigi: Kahit dumugo Zaki???

Mia: ANG GANDA NG BUNGAD AH

Mia: ANO ANG DUDUGO?

Mia: ANO ANG IPAGKAKASYA?

Divina: Mga gago talaga kayo. Haha! So take note of this date. Cuz this date will be our meet up! 😊

Divina: October 14, 20**

Divina: That's Sunday. Para available lahat. 😊 I'm expecting that all of you will be able to go. Walang mawawala. Okay?

---
VENDRIC SILVA

Nakakabitin talaga yung sembreak!

Sino ba kasi ang nagpauso na isang linggo lang ang sembreak?! TATANGGALAN KO NG MATA!!

Hehe joke lang. Pero kasi naman eh!! Huhuhu.

Sunday na ngayon. Last day of sembreak. Pasukan nanaman bukas. Huhu. Results na din ng mga exams!

SYEMPRE PAPASA AKO SA LAHAT. DUHH, KAHIT NUNG NASA OSPITAL AKO AT BINANTAYAN SI ZELO, MAY STOCK KNOWLEDGE KAYA AKO. HEHEHEHE

Ano kaya ang magandang gawin ngayon? Ano magandang puntahan?
Last day ng bakasyon kaya dapat masulit ng kagwapuhan ko! HEHE

Yayain ko kaya si Brader? Oo tama!

[To: Brader Zelopotpot

Brader! Tara labas tayooooooooo hehehehe 😎

sent]

Pagkatext ko kay brader ay nagreply din naman sya agad hehehe. Gwapo ko kasi hihi.

[From: Brader Zelopotpot

Labas ka mag-isa]

Hala?!?!

Ang bad talaga sa akin ni brader kahit kailan huhuhu

Kailangan ko syang mapilit na samahan ako! Kasi ayokong lumabas ng walang kasama huhuhu

*Brader Zelopotpot ringing*

"I said you go alone."

"Ay grabe brader ah. Uso maghello muna hehehe"

"Bye."

"Huy teka lang naman! Brader naman eh, tara na ah! Huhuhu di ka ba naaawa sakin? Mag-isa kong aalis?"

At nagpaawa effect pa ako ng boses para talagang mapa-oo ko si brader

Sandaling naging tahimik ang kabilang linya kaya feeling ko nag-iisip na si brader hehe

" Still, no."

Ay pota naman eh!

Magsasalita pa sana ako kaya lang pinatay na agad ni brader yung call kaya heto ako mag-isang aalis huhuhu.

Lumabas na ako ng bahay at dahil tinatamad ulit akong magdrive, nag-abang nalang ako ng taxi. Hehehe.

Pagkasakay ko ng taxi ay sinabi ko agad kay manong na dalhin ako sa SM. Magsisine ako. Hmp

Nakarating na rin ako sa wakas kahit na nakakabwisit ang traffic at mas nakakabwisit yung playlist ni manong sa taxi nya! Puro kalumaan mga panahon pa yata ng lolo at lola ko sa tuhod. Tapos dagdag mo pa ang init tapos mag isa ko lang. SINO ANG HINDI MABIBWISIT?! ARGH!!

Maglulunch time na at nagugutom na rin naman ako kaya dumeretcho muna ako sa isang kilalang fast food chain. Hmmm, ano kayang magandang panoorin?

Dahil ang gwapo ko, sumingit ako sa pila hehe. Hindi nyo ba alam na bagong rule yun? Pag gwapo ka, pwede kang sumingit. Hehehe.

At sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman, nasa likod ko pa ang pinaka pandak at pinaka pangit na nilalang na nakilala ko.

"SINONG MAY SABING PWEDE KANG SUMINGIT?!" Ayan nanaman. Bunganga nanaman nya naririnig ko nakakairita!!

Nako pigilan nyo ako baka kung ano magawa ko sa pandak na ito!!

Dahan dahan akong humarap sa kanya bago nagsmirk "Di mo ba alam, may rule na nagsasabing... pag gwapo, pwedeng sumingit?"

Inirapan naman nya ako bago bumalik ulit ang tingin nya sa akin pero this time, matalas na ang tingin nya. Mukhang kakainin ang birdie ko huhu. Dejoke hehe

"Kailan pa nagkaroon ng ganong rule? At kung totoo man yan, edi bawal na bawal sayo ang sumingit dahil mukha ka namang singit!" Sigaw ni Aleksang pandak sa akin bago ako tinulak paalis sa pila.

"Hoy anoba! Kung mag-aaway din lang kayong magjowa, pwede bang dun kayo sa labas?! Nakakaperwisyo kayo oh!"

"Oo nga! Ang iingay! Pero mamaya makikita nyo yang mga yan nasa motel na. Tsk"

Nagsisisigaw na ang mga tao sa paligid namin at sinasabi ba nilang jowa ko itong pandak na ito?! AKO?! MAGJOJOWA NG PANDAK? HINDI AKO BALIW PARA GAWIN YON HEHE

"Mawalang galang na po Ateng, pero una sa lahat, hindi ko po jowa ang unggoy na ito. Dahil di ko trip ang mga unggoy. Pangalawa, kung may dapat na umalis dito, eh sya po yun at hindi ako kasama kasi ako po nakapila dito while itong unggoy na to, pasingit singit lang. At pangatlo, HINDI KO IMOMOTEL ANG ISANG UNGGOY. YUCK HA. YUCK TALAGA. "sinigaw nya pa talaga ang huli nyang sinabi.

Maya maya ay may lumapit na sa aming crew ng fastfood chain na ito at pinapaalis kaming dalawa ni pandak. Wag daw kaming mag eskandalo.

Aba! KASALANAN KO BANG HINDI NILA ALAM ANG RULE KO?!

" hey stop! bitiwan mo nga ako! Bat mo ba ako pinapaalis?! customer nyo ako!" panay pa rin ang pagbubunganga ng pandak na ito.

Nakakairita! Kaliit liit na tao, ang ingay ng bunganga. Teka, tao ba sya?

"Pasensya na po mam. Pero nagrereklamo na rin po kasi yung iba naming customers. So mas magandang sa iba nalang po kayo mananghalian. Have a nice day po." Sabi ni kuyang crew bago kami iniwan ni Aleksa.

"OH MY FREAKIN'CHEESE!! Have a nice day ka pa dyan?! Palalayasin nyo ako tapos have a nice day?! SINONG GINAGAGO NYO HA!! Aaahhh!!! BWISIT!!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa tinis ng tili ng katabi ko.

Ugh. Bakit sa kamalas malasan nga naman at si pandak pa ang makakasama ko?!

"Alam mo pandak tumahimik ka na nga lang. Di ka ba nahihiya pinagtitinginan ka na. Mukha ka kasing tanga hehehe" Wika ko sa kanya habang nakapamulsang nasa likuran nya.

Humarap naman sya sa akin ng nanlilisik ang mga mata.

Lumapit sya sa akin at agad hinila ang buhok ko. Sinasabunutan ba nya ako?!

Pakeningshet?!

"Aray aray ahhh!!" pagrereklamo ko dahil ang sakit sa anit ng ginagawa nya!

"Kasalanan mo ito unggoy eh!! BWISIT KA BWISIT!!" Sa wakas ay binitawan na rin nya ang pagsabunot sa akin.

Tangina huhuhu. Sayang yung pagwax ko!

"Aleksa!!! Tignan mo ginawa mo?! Sayang yung wax ko!! Tsaka anong kasalanan ko?! Kasalanan ko bang bungangera ka?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Aba kanina pa sya sumisigaw edi dapat ako din! Hehehe.

Matagal nya akong tinitigan ng masama at halata mo ang pagpipigil nya ng galit base sa mukha nya at kita ko kung paano rin nakakuyom ang kanyang mga palad.

" I. HATE. YOU." Bawat bigkas nya sa tatlong salitang yan ay may diin.

Edi wow. Hehehe.

"Di ko tinatanong. Hehehe" Pangbabasag ko sa kanya.

Kinuha nya yung phone nya mula sa sling bag nya bago ako tinalikuran. Wala naman akong lahing chismoso dahil lahing gwapo lang ang meron kami. Pero sinubukan ko pa rin silipin kung anong meron sa phone ni pandak.

Agad naman nyang tinago yung phone nya para di ko makita at tinignan lang ako ulit ng masama bago inangat ang phone papunta sa tenga nya.

Maya maya pa ay narinig ko na syang nagsalita.

"Hello baby, where you na?"

Aba?!

May baby tong pandak na to?!

Bakit naiinis ako?!

"Yes baby I miss you na huhu"

Potangina.

Ang pabebe ng pandak na ito ah. Nakakabwisit.

Ang landi landi!

"Malapit ka na ba baby? Please make it faster ha? May bwisit kasi dito eh. Naiinis nanaman ako. I need you to calm me. Hihihi"

Wow!

Siningit pa ako sa kalandian nila?!

"Hala?! Di ka makakapunta? Why baby?" Bigla namang lumungkot ang mukha ni Aleksa.

Hehehehehe bakit natutuwa ako.

Diko namalayan napangiti na pala ang gwapo kong mukha.

Maya maya pa ay binaba na nya yung telepono at nakabusangot syang umupo sa may bench dito sa SM.

Di ko na namalayan na umupo na rin pala ako sa tabi nya.

Tinitigan nanaman nya ako ng masama.

"Bakit nandito ka pa?! Alis na! Naaalibadbaran ako sa mukha mong unggoy ka!" pananaboy nya sa akin. Pero di pa rin ako umalis.

"Wala ka kasing kasama eh." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"Sino ba yung baby mo at bakit di mo kasama? Di ba nya kayang makasama ang pandak na tulad mo? Hahahaha!" At tumawa ako ng napakalakas.

Ewan ko pero gusto ko kasing mapalitan yung atmosphere namin ngayon. Masyadong malungkot eh.

----

ALEXA SUMERA

"Bakit nandito ka pa?! Alis na! Naaalibadbaran ako sa mukha mong unggoy ka!" Pagtataboy ko kay Vendric na ngayon ay nakaupo sa tabi ko.

Naiinis ako!

Bakit kasi hindi makakapunta si Greg?!

Huhuhu

Napakamalas naman ng araw na to!

Hindi na nga ako nakakain ng lunch, tapos nakita ko pa tong unggoy na to tapos hindi pa ako sisiputin ni Greg?! Argh!!

"Wala ka kasing kasama eh." Narinig kong sabi niya.

"Sino ba yung baby mo at bakit di mo kasama? Di ba nya kayang makasama ang pandak na tulad mo? Hahahaha!" Sabi nya bago tumawa ng malakas.

Letche!!

Nakakabwisit talaga! Kalalaking tao ang lakas mambwisit!

"Hindi nakakatawa." Pagsusungit ko sa kanya.

"Joki joki lang ito naman. Hehehe masyado ka kasing malungkot dyan. Di mo bagay. Mas bagay mo yung maingay." Nanatili lang akong nakayuko at tahimik.

Nasasaktan talaga ako.

This is our supposed to be date. Pero may aasikasuhin daw kasi sya ng biglaan kaya di sya makakarating.

So ano nganga ako ngayon?! Huhuhu!

" Maingay o tahimik, maganda at cute pa din ako. May consistency bleh" At nag tongue out pa ako. Haha.

"Sige maging malungkot ka nalang pala ulit. Pangit ka pa din naman eh hahaha "sabi nya kaya kinusilapan ko nalang sya.

" Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May date ka din ba dapat? " tanong ko sa kanya.

" Oo may date ako ngayon. Dalawa sila. Hehehehe. Gwapo ko kasi kaya dalawa ang gusto akong maka-date. "

Aba! Napakahangin talaga ng unggoy na ito.

Pero infairness, habang tinititigan ko sya ngayon, medyo pogi nga sya hihihi.

Pero Greg at Leon pa din bleh.

" Yabang mo talagang unggoy ka" bulong ko.

Namuo ang katahimikan sa aming dalawa kaya rinig na rinig na ang kumakalam naming sikmura.

Oo nga pala, di pa kami kumakain.

"Aleksa" tawag nito sa pangalan ko at hindi ko alam kung bakit uminit ang pakiramdam ko sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Yung boses nya ang..... hay ano ba! Magtigil ka Alexa!

"Oh bakit?" pagtataray ko kunwari sa kanya.

"Kainan tayo." sabi nya na dahilan ng paglaki ng mga mata ko at gulat syang tinignan.

Agad naman sya ngumiti ng nakaka-seduce. Pero h-hindi ako naseseduce ah!!

Napalunok naman ako at nanayo ang mga balahibo. Then nakita ko nalang na tumawa nanaman sya ng pagkalakas lakas.

I gave him a death glare at sinuntok suntok sya sa braso.

"Asa ka namang kakainin kita! Hahahaha! Di ka masarap." Sabi pa nya sa akin. Nanggigigil ako!

"Che! Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" akmang aalis na sana ako pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pag hawak sa braso ko.

"Teka lang pandak, upo ka muna dito. May pagpapala ako para sayo hehehehe"

Pagpapala?

"What's that?" tanong ko sa kanya

"Basta umupo ka nga muna dito" sabi nya at pinapaupo ulit ako sa tabi nya.

Padabog naman akong umupo sa tabi nya "Bilisan mo at nagugutom na ako!!"

"Eto na nga! ehem ehem, ay teka, alam mo ba kung ano ang iba't ibang klase ng mga Korean Tea?" Tanong nya sa akin.

Ano ba yan!

Malay ko?! Mukha ba akong koryana?!

"Malay ko?! Hindi naman ako nag ti-tea!" bulyaw ko sa kanya.

"Hoy pandak umayos ka nga ng sagot!! Gigigil moko ah." bawing sigaw din nya sa akin.

"Maayos naman sagot ko ah! Hindi nga ako nagti-tea! Ano ipipilit mokong uminom ng tsaa?!" nanggigigil na talaga ako sa gutom!!!

"Anobayan! Nawala na mood kong magjoke! Kaasar ka talagang pandak ka!" sigaw nya

Eh?

"Nagjojoke ka na?" patay malisya kong tanong.

Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"I HATE YOU" aba! line ko yun kanina ah!

"Tara na nga lang at kumain na tayo!" Pagsusungit nya sa akin sabay hawak sa kamay ko bago nyako hinila.

Nakatulala naman akong napatingin sa kamay naming magkahawak ngayon.

Sht.

Ano tong nararamdaman ko?

Bakit parang nakukuryente ako? Omy!

Napatigil kaming dalawa sa paglalakad at humarap naman sya sa akin habang ako ay nakatitig pa rin sa kamay naming dalawang magkahawak.

"Oh bakit ka napatigil ha." tanong nya sa akin. Napatingin na rin sya sa kamay naming magkahawak.

"Ay dahil ba dito?" tapos tinaas nya ang kamay naming magkahawak.

Sht! Bakit hindi manlang ba sya nakakaramdam ng awkwardness?!

Kasi ako, hiyang hiya at feeling ko pulang pula na ako!!

"Dahil pareho naman tayong walang kasama ngayong araw, bakit di nalang tayo ang magdate ngayon?" Walang prenong sabi nya.

S-seryoso ba sya?!

Hoy Alexa! Unggoy yan paalala ko lang sayo!

"D-date?" wtf! bakit ako nauutal?!

Ngumiti naman sya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Where do you want to eat, babypanda?" Sabi nito sabay kindat.

Pwede na ba akong lamunin ng lupa?!

"Dahil di makakarating yang baby mo kung sino man yang panget na yan, hayaan mong ako na muna ang baby mo ngayon."

ANO BANG TRIP NITONG UNGGOY NA ITO?!

NANINIBAGO AKO SA KANYA AH.

AND....

NANINIBAGO DIN AKO SA SARILI KO!!!

B-BAKIT DIKO PA DIN INAALIS UNG KAMAY KO SA PAGKAKAHAWAK NYA?!

B-BAKIT PARANG AYAW KONG ALISIN?

AHHHHH!!

"Tara na baby. Kumain na tayo, bago magbago isip ko at ikaw ang makain ko. Hehehe" At nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad katabi ang isang unggoy na naka-akbay sa akin ngayon.

---

#ALENDRIC fans labas!!! HAHAHA

Nanibago din ako kay Dric dito sa chapter na to HAHAHA dunno whyyy.

anyways, HAPPY 3RD MONTHSARRY AGKWC Official Groupchat! 02/25/19 🖤

Sa mga gusto pang sumali, pm nyo lang ako sa fb: Klaire Samuelle Tanada. Yieeee luvyuall!

~foreverbaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top