AGKWC 35 - FAREWELL
ZELO ANGELO
Two weeks have passed after the incident. And yeah, one week akong nanatili sa ospital kasama ang dalawang ugok. Ang isang linggong bakasyon lang dapat ni Blue at Briana ay naging dalawang linggo dahil nga sa nangyari dahil patuloy pa rin ang pulisya sa pag-iimbestiga kaya naman yung isang linggong extension ay ang pagsusulit nalang nila ng bakasyon dito sa Pinas. After kasi ng exam week ay nagkaroon kami ng sembreak.
"Dude. I'll miss you." Paalam sa akin ni Blue bago ako niyakap at tinapik. We're at the airport right now dahil ngayon ang flight nila pabalik ng States.
Tinapik at niyakap ko rin naman pabalik si Asul dahil aaminin ko, sobrang namiss ko rin itong tukmol na to at ngayon nga't aalis nanaman sila ay siguradong mamimiss ko nanaman sila.
Matapos magpaalam kay Blue na ngayon ay mangiyak ngiyak na dahil mahihiwalay na sya sa napakagwapo nyang kaibigan which is no other than me, ay si Briana naman ang pinuntahan ko na humahagulgol na ngayon.
"K-kuya wahhhh!! Huhuhu" iyak nito na humagulgol pa lalo ng niyakap ko sya. Tss. Ang mapagmahal kong kapatid nga naman.
Hinigpitan ko ang yakap kay Bri dahil mamimiss ko talaga ang kapatid kong ito. Kaming dalawa lang naman ang magkaramay sa buhay dahil ang mga magulang namin ay masyadong busy specially dad, na wala na ring oras para sa amin. Kaya ganito nalang kami ka-close sa isa't-isa.
"Sshhh. Stop crying my princess. Hindi pa naman ako patay ah." Sabi ko at hinimas ang likod ng kapatid ko.
Naramdaman ko naman ang pagpalo nya ng likod ko dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko nalang.
"Haha I was just kidding. I'll miss you sis. Love you." Seryoso ko nang saad ng may ngiti sa aking labi. Na binawian rin nya ng isang ngiti.
"I love you too kuya! See you next year!" Sabi nito at ngumiti na lang ako sa kanya bago ko hinalikan ang kanyang malapad na noo. Kidding.
Tinignan ko ang oras sa monitor ng airport at nakita kong mag-aalas otso na ng umaga.
"Sige na. Malalate na kayo sa flight nyo. Go now. Blue, take good care of my sister. If something bad happens to her, you're dead." Pagbabanta ko kay Asul na ginantihan lang ako ng ngisi.
"I'd prepare myself then." Ngisi nito sa akin na ginantihan ko naman ng deathly glare.
"Haha I was just kidding." At ginaya pa yung way ng pagkasabi ko kanina kay Briana. Putek talaga.
"Fvck you." Sabi ko sa kanya
"Sorry. I'm no gay." Sabi ulit ni Blue na tumatawa na ngayon palayo dahil akmang susuntukin ko na sya.
Pareho nalang kaming tumatawa sa kagaguhan namin at naglalakad na sila palayo.
For the last time ay lumingon pa ulit sila sa akin and they waved goodbye. And I waved back.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay tumalikod na rin ako at naglakad na paalis.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako lang ang naghatid kila Bri, it's because may gagawin daw kasi si Sky ngayong araw na mas importante pa daw kesa kay Blue. Lol.
So here I am waiting for a taxi cab. I'm off to somewhere.
EWIH Operators
Luigi: Uy grabe mga tol! Last chapter na! Shet! Kakaexcite!
Mia: Wahhh! Oo nga! Huhuhuhu. Mamimiss ko yung story :(
Clyde: Oy Luigi, congrats ah.
Luigi: Haha! Salamat pare! Kilig aq. Hahaha!
Mia: sa wakas may lablayp ka na. Haha!
Clyde: Mia, can't wait for our wedding. ;)
Luigi: Thank you, Miss A. Haha! @Divina. My Phoebe. ♡
Clyde: Tagal mong inintay si Phoebe. Kapitbahay mo lang naman pala. Haha! Tol, kasal muna bago honeymoon ah. Haha!
Mia: Wedding ka dyan Clyde. Hindi pa nga nagigising si Zaki eh. Kalma muna tayo mylabs.
Clyde: Yes mylabs. Excited lang talaga. Love u.
Mia: Love u too. 😊
Luigi: PAKIGAWAN SI PHOEBE NG ACCOUNT. NANGGIGIGIL AKO. HAROT PA. TAENYO.
Zaki: Wtf?
Zaki: What's with your capital letters, Lui?
Luigi: Ay hello tol hehe
Luigi: Eh eto kasing dalawa eh! Naghaharutan sa harap ko huhuhu.
Zaki: Anong problema dun?
Zaki: Edi humarot ka din.
Clyde: Yow Zaki boy!
Mia: Zaki!!!
Zaki: Yow.
Luigi: @Zaki yun nga problema! Wala akong maharot dahil wala pang account si Phoebe. Huhu.
Kyra: Phoebe? Phoebebe. Pabebe. Tss.
Zaki: Tss.
Zaki: Hey my Iron.
Mia: Hala shet my iron daw! Potaaaaa. Kinikilig ako! Huhu ♡
Clyde: Lol Mia, sa akin ka lang dapat kiligin. Gusto mo tawagin din kitang plantsa?
Mia: Ulul. Sige tawagin mokong plantsa, tatawagin kitang uling! 😠
Kyra: Hello Mr. Hepa. :)
Luigi: Kahit pabebe, mahal ko naman. Hehehe.
Luigi: Ayun. Nagharot na din ang hepa at plantsa. Nanyo.
Clyde: Sige tawagin mo akong uling. Hindi kita pipigilan. Kahit ano naman itawag sakin okay lang. Basta ba Mia Frost eh. ❤
Zaki: @Luigi mamatay na nagtanong.
Zaki: I missed you, Kyra.
Luigi: Alam mo Luigi Parker? Isa kang dakilang gwapo! 😍
Mia: Sweet mo naman Spencer. Pasapak nga. Isa lang. 👊
Kyra: Lagi na nga tayong magkausap, miss mo pa rin ako? Hehe.
Clyde: Isang sapak, isang kiss kapalit. 😘
Zaki: iba ang usap sa chat. Lagi tayong magkachat, hindi magkausap. Tss.
Luigi: SA SOBRANG GWAPO MO LUIGI, PWEDE KANA MAGING MODEL NG BENCH UNDERWEAR.
Mia: Ayoko nga. Sapak lang. Walang kiss. Baka iba na sumunod eh. Mahilig pa naman akong bumukaka.
Mia: Joke! Hehehe.
Kyra: Edi magkachat! -_- Tss. Pareho lang naman yun eh! 😠
Luigi: HANEP! ALAM NYO YUNG PM? POGING MASARAP. AKO YUN.
Clyde: Haha! Love you Mrs. Spencer. ♡
Zaki: Hindi pareho yun.
Mia: Wag ka nga! Kinikilig ako nyeta ka.
Clyde: Love you love you love you! 😘
Kyra: Odi hindi! Bahala ka dyan! Kabwisit! 😠
Luigi: ETO PO SI LUIGI NA NAGSASABING POTANGINA NYONG LAHAT. HUHU.
Mia: Hahaha! Kumusta ka naman Luigi? Okay ka pa? 😅
Zaki: Haha
Zaki: Damn cute.
Luigi: Hindi ako cute. Gwapo ako. Hehe.
Mia: ......
Zaki Clint removed Luigi Parker from the group
Mia: Hala. HAHAHAHAHA!
Clyde: Haha! Gago ka pre.
Kyra: Haha! Ingay kasi. Yan tuloy.
Zaki: We can now enjoy silence.
Mia: ^ HAHAHAHA gagi ka talaga Fafa Zaki! Balik mo na! Baka magalit si Miss Author!
Kyra: Wag nang ibalik. Tapos na nga, tapos babalikan? Para saan pa? To let yourself be hurt again?
Clyde: Hala. Parang iba na ata yan Kyra. Haha.
Mia: Besh, may hugot? May jowa? May ex? Haha!
Kyra: Nvm. Baliw lang siguro ako.
Zaki: Shh. You can only drool your craziness over me.
Zaki: Stop that 'hugot' of yours. Di pa nga nakakapasok, hinuhugot mo agad.
Mia: Pakeningteyp! Zaki ugh!
Clyde: Marunong ka palang maging manyak Zaki noh? Haha
Zaki: I'm no maniac. I'm....gentle.
Mia: *gulp*
Kyra: ???
Zaki: Damn the fckin' signal! Na-late yung man. It should be 'gentleman'. Tss.
---
Luigi Parker
HOOOOOOY!
BAT MOKO INALIS?!
HUHUHU
BAD KA ZAKI!
SUMBONG KITA KAY PHOEBE
BUNGANGERA PA NAMAN YON LAGOT KA
✅seen
Luigi Parker
HOOOOY!
BALIK MO NAKO AH!
WALA NANG GWAPO SA GC!!
✅seen
Luigi Parker
USO MAGSEEN PRE
PAKYU HUHU
SIGE WAG MOKO PANSININ!!
PAG AKO TALAGA!!
😠😠😠
✅seen
Zaki Clint
Shut up.
Luigi Parker
Nako tol wag moko mashut-up shut-up!!!
Luigi Parker
Nanggigigil ako.
Zaki Clint
Wag kang magulo.
Luigi Parker
Sumbong talaga kita!!
Zaki Clint
Wag ka sabing magulo.
Luigi Parker
Isa!!
Zaki Clint
Potangina.
----
EWIH Operators
Zaki Clint added Luigi Parker
Zaki: Happy now?!
Zaki: Tanginang kakulitan yan.
Mia: Hahaha! Kinulit ka ba besh. Haha! WELCOME BACK LUIGI!
Kyra: Lol haha.
Luigi: HEHEHEHEHE THANK YOU TOL.
Luigi: Namiss nyo kagwapuhan ko diba?
Luigi: Alam ko yon. Hehe.
Clyde: Pota. Alisin nalang sya ulit.
Kyra: Want me to remove you, Parker? Ako naman mag-aalis sayo. Nanggigigil ako!
Luigi: Uy walang ganyanan!
Luigi: Ang bad bad nyo talaga sakin. :(
Luigi: Kawawa naman ako.
Zaki: You shut up
---
Zaki Clint
My iron...
Kyra Devon
My hepa...
Zaki Clint
Have you eaten?
Kyra Devon
Not yet.
Kyra Devon
Wala ka pa kasi sa mesa. :<
Kyra Devon
Charot hihi
Zaki Clint
...
Kyra Devon
Joke lang.
✅seen
Kyra Devon
Ay seen? :(
✅seen
Kyra Devon
Hmp! Hepa ka talaga! Hepaasa!
Zaki Clint
Calm down.
Zaki Clint
Nawala lang ako saglit, nagtampo kana
Zaki Clint
I was just trying to go there at your place.
Kyra Devon
Ha? Dito sa apartment ko?
Zaki Clint
Ay hindi. Sa apartment ko siguro?
Zaki Clint
Tss.
Kyra Devon
Eh malay ko ba?!
Kyra Devon
Pero bat ka naman pupunta dito?
Kyra Devon
Zaki, kailangan mong magpahinga.
Zaki Clint
Eh kasi hindi ka pa kumakain diba
Kyra Devon
Eh? Anong konek?
Zaki Clint
Eat now. I'm already at your table.
Zaki Clint
Enjoy pfft
Kyra Devon
Baliw!!!
Zaki Clint
No I'm not.
Kyra Devon
Yes you are!!
Zaki Clint
I'm not crazy
Zaki Clint
Not yet.
Zaki Clint
Not until you make me one, honey.
Kyra Devon
Ay shet! Honeyng malagkit!
Kyra Devon
Harot mo ah huhu
Zaki Clint
It's okay to be harot. You are worth the harot naman eh.
Kyra Devon
Worth the harot amp! Hahaha!
Kyra Devon
Pag di ka pa tumigil baka harotin na din kita ah. Kahit may hepa o leukemia ka pa!
Zaki Clint
Go ahead.
Zaki Clint
Let's harot each other haha
Kyra Devon
Haha! Wag nga Zaki! Ang bakla!
Zaki Clint
Bakla? Who? Me?
Kyra Devon
Ay hindi. Ako siguro. May pepe na bakla. -_-
Zaki Clint
Pffft. Cute.
Kyra Devon
Cute ako? Hihi
Zaki Clint
Nah.
Kyra Devon
HINDI KA UMAAGREE?! 😠
Zaki Clint
The word 'cute' is not enough to express how fckin' adorable you are.
Kyra Devon
.....
Kyra Devon
Nakakarami kana ha hehe
Zaki Clint
Want more? Then beg for more. ;)
Kyra Devon
Haha! Hooooooy
Kyra Devon
Namiss kita.
Zaki Clint
Thanks.
Kyra Devon
Pota?! Thanks?!
Kyra Devon
Bwisiiiiit! Kbye!
Zaki Clint
Huh? What? Why?
Zaki Clint
Do you want me to answer you with 'I missed you too'?
Kyra Devon
HEH!!!
Kyra Devon
BAT MAY SINABI BA AKO?!?!
Kyra Devon
WALA NAMAN DIBA?! -__-
Zaki Clint
Haha
Kyra Devon
TAENA NANGGIGIGIL AKO SAYO HA
Kyra Devon
TAPOS HAHA LANG IREREPLY MO?! 😠😠😠
Zaki Clint
You know what? Hindi naman kasi kita namiss.
Kyra Devon
AY TANGENA
Kyra Devon
ANG PRANKA HUTEK
Kyra Devon
DI MANLANG DINAHANDAHAN JUSME
Zaki Clint
Hey, stop swearing. I don't want you swearing.
Kyra Devon
PAKI MO BA HA?!
Kyra Devon
PAG NANGGIGIGIL AKO NAGMUMURA AKO EH!
Kyra Devon
GINIGIL MO KASI AKO HMP
Zaki Clint
I don't want you swearing. I want you....sweating.
Kyra Devon
hayf aaAaAahHhHhh
Zaki Clint
Haha
Zaki Clint
Hindi lang kita miss.
Zaki Clint
Misis pa kita
Kyra Devon
O-okay?
Kyra Devon
Teka...hindi ako kinikilig ahhhh. Hindi talaga hehehe
Zaki Clint
Talaga ba
Kyra Devon
Hindi naman talaga hehe
Zaki Clint
Prove it to me.
Kyra Devon
Haaa? Paano?
Zaki Clint is calling you on messenger
Accept Decline
----
KRYSTAL FORTALEJO
Wtf?!
Sasagutin ko ba?
Syempre hindi! Ayaw ko.
---
Zaki Clint
Why did you fckin' declined it?
Kyra Devon
Kasi hindi ko inaccept. Hehe
Zaki Clint
Tss.
Zaki Clint
Anyways, hey. Kaka-update lang ni author ng last chapter. Let's read it together.
Kyra Devon
Oo nga eh. Pero maglalaba pako. Mauna ka na haha
Zaki Clint
Nah. Hintayin na kita
Zaki Clint
Gusto ko sabay tayo
Kyra Devon
Alam mo?
Kyra Devon
ANG PA-FALL MO!! 😕
Zaki Clint
Bakit? Na-fafall kana ba? Haha
Kyra Devon
Di ah!! Asa!!
Zaki Clint
We'll see haha
Zaki Clint
Dalian mona. Finish your laundry and let's read the last update...together.
Kyra Devon
ANDAMING CHENES!!
Kyra Devon
Ge na!! Sige byebye! Maglalaba na hihi
Zaki Clint
K
---
EWIH Last Chapter
Chapter 20
Kyra's POV
Bawat araw na dumaraan
Bawat oras at minutong lumilipas
Bawat pagpikit ng mga mata ko
Ikaw ang laging nakikita nito
Bawat pagtibok ng puso ko
Isa lamang ang hinihiling nito
Ang makita kang muli
Ang mayakap kang muli
Ang mahagkan muli ang iyong matamis at malambot na labi
Mahal....kailan ka ba babalik?
Babalik ka pa ba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kyra let's go?" May ngiting saad sa akin ni Mia bago ako hinawakan at hinila papunta sa sasakyan.
Nginitian ko naman siya at nagpahila na lang din.
Kahit medyo malayo pa kami sa sasakyan ay rinig na rinig ko na ang ingay nila.
"Kanina pa sila naghihintay pero mukhang hindi naman sila nabagot. Haha" Saad muli ni Mia na ang tinutuoy ay sina Clyde, Luigi at Phoebe.
"Hoy Spencer!! Umayos ka nga ng upo! Ang sikip sikip na nga tapos di ka pa umayos!"
"Bahala ka dyan tol. Basta dito si mylabs sa tabi ko. Saved na ang upuan na to. Ayokong mahirapan ang mag-ina ko."
"Hayaan mo na nga kasi Luigi! Kanina pako naiirita sa kaingayan mo ha. Masasapok na kita isa pa!"
"Hehehe sorry na chocopie! Wag ka nang magalit huhu sige ka papangit ka nyan. Baka pati si baby madamay. Kiss na lang kita"
"O magtigil na kayo sa kaharutan nyo. Nandyan na sila. Hi mylabs!" Nang makalapit na kami ay bumaba at inalalayan ni Clyde si Mia papasok sa sasakyan. Medyo malaki na rin kasi ang tiyan nito.
Oo tama. Buntis na si Mia. Mahilig kasing bumukaka ang gaga. Pero ikakasal na rin naman sila next next month. Nauna nga lang ang honeymoon haha.
"Kyra, dito ka nalang oh. Sa tabi ni chocopie. Hehe" Ani Luigi.
Ang corny ng endearment nila huh. Lol. Chocopie amp.
Si Phoebe ay ang kapitbahay ni Luigi noon na palagi nyang kaaway. Aso't-pusa nga kung sabihin. Pero kita mo naman ang nagagawa ng tadhana...sila pa pala ang magkakatuluyan sa huli
At magkakaroon na rin sila ng supling.
Habang minamasdan ko sila ay hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo.
Buti pa sila....
Agad kong pinunasan ang luha ko para di nila mapansin ngunit nahuli na ako dahil nakita ito ni Mia.
"Haha tara na." At agaran akong pumasok at tumabi na sa tabi ni Phoebe nang di manlang tumitingin sa mga mata nila.
Ayaw kong makita nila ang kalungkutan at sakit na nasa puso ko
"Kyra, are you okay? Are you sure kaya mo nang sumama?" Nag aalalang tanong ni Mia sa akin.
Mabilis ko naman syang nginitian at tinanguan.
Wala naman na akong hindi kinakaya.
Kinaya ko ang lahat
At kinakaya ko pa rin hanggang ngayon
Magmula nang iwan mo........ako
One year ago....
(A/N: Play "Nightcore - After the heartbeak" para mas dama at ramdam yung scene. Haha gawin nyo dali haha )
"Ms. Devon, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." Paunang saad ng doktor na labis na ikinalakas ng tibok ng puso ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at takot sa kung ano man ang sasabihin ng doktor.
"Ilang buwan na rin na under medication and chemotherapies ang pasyente. We're doing everything we can para gumaling ang pasyente but..."
Sandaling tumahimik si Doc at malungkot akong tinignan habang ako ay nanatiling tahimik at nanlalamig na iniintay ang mga susunod pa nyang sasabihin.
"Hindi na kaya ng katawan ng pasyente mag-undergo ng chemotherapies and medications. I think you already know what I mean Ms. Devon." Seryosong sabi niya na tuluyang naging dahilan ng panghihina ko
"You must ready yourself Ms. Devon sa pwedeng mangyari. Again, I'm sorry. I'll go ahead." Huling sabi niya bago ako tuluyang iniwang durog dito sa hallway ng ospital.
Pagkaalis na pagkaalis ng doktor ay bigla na lamang akong napaupo sa sahig at nagsimulang humagulgol.
H-hindi
N-nagbibiro lang naman si doc diba?
H-hindi pwede
A-ang sakit
A-ang s-sakit sakit!!
Nagsimula na akong magsisigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso ko
B-bakit?
B-bakit a-ang bilis mong sumuko?
L-lalaban pa tayo eh. Zaki naman! Sakit lang yan eh. Diba sabi mo...kakayanin natin? Kakayanin mo?!
Pero bakit sumusuko ka na?!
Nakarinig akong tunog ng takong ng sapatos na papalapit sa pwesto ko
"K-kyra? Kyra!!" Si Mia pala.
Agad syang tumakbo papalapit sa akin at agad nya akong niyapos ng kanyang yakap na dahilan para ang mga luha ko ay rumagasang muli
"S-sabi nya, lalaban k-kami. S-sabi nya gagaling sya. S-sabi nya yun Mia eh. Sinabi nya yun" walang tigil ang mga mata ko sa pagluha. Pero kahit ganun, bakit hindi manlang nababawasan ang sakit na nararamdaman ko?
H-hindi ko kaya
H-hindi ko pa kaya
H-hindi pa sya pwedeng mawala
"M-mia never naman akong nagreklamo eh...Kahit nahihirapan na ako, kinakaya ko Mia. Kahit na pagkatapos ko sa klase, wala akong tulog, okay lang. Maalagaan ko lang s-siya" patuloy lang ako sa paghagulgol habang si Mia ay niyayakap pa rin ako at hinahaplos ang aking balikat.
"K-kaya ko pa Mia. K-kaya ko pa. P-pero bakit siya...bakit sumusuko na siya? M-mia....m-mahal ko sya eh. M-mahal na m-mahal."
Ramdam ko na ang pagmaga ng mga mata ko dahil sa walang tigil kong pag-iyak pero kahit ganun ay walang bawas ang sakit sa puso ko
"Kyra. Maging matatag ka. Wag mong ipakita kay Zaki na nanghihina ka nang dahil sa kanya. He needs to see you strong. Para pati sya, makitang it'll be worth his fight. Kyra. Please, whatever happens, be strong. Mahal ka rin ni Zaki. Alam ko yun. At alam kong alam mo rin." Tinignan nya ako ng may awa sa kanyang mata.
S-sana ganun lang yun kadali
Paano ako magiging matatag kung ang kinakapitan ko ay ang kusang bumibitaw?
S-shit.
Z-zaki...
My h-hepa....
Pumasok na ako sa kwarto kung saan iniwan kong tulog si Zaki. Na ngayon ay gising na pala.
Si Mia kasi ay umalis dahil pinuntahan muna sila Clyde at sabay sabay nalang daw silang babalik dito mamayang gabi.
"K-kyra" Ang boses nyang napakasarap pakinggan.
Lumapit ako sa kanya at tinignan ang kabuuan nya.
Nagkaroon nanaman ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ko siya. Ang kanyang buto't balat na katawan...ang malalim na mga mata...ang mga karayom na nakatusok sa kanya...at ang mga pasa nya sa katawan.
"U-umiyak k-ka b-ba" Nahihirapan na rin syang magsalita. At muli, ang traydor kong mga luha ay nagsilabasang muli.
Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at pinunasan ang mga luha ko
"H-haynako. Ano kaba. Lumalabo na mata mo. Magsalamin ka na. Di ako umiiyak noh haha" pagtawang sabi ko na halata namang pilit.
Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti mula sa mga labi ni Zaki.
Ang dating mapulang labi na ngayo'y maputla...
"K-kyra. C-come c-closer please. I w-wanna hug y-you" I managed to understand what he's saying kahit na nahihirapan na siya sa pagsasalita.
Sumunod naman ako sa kanyang sinabi at niyakap ko sya. Yakap na puno ng pagmamahal.
Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon bago nya basagin ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa
"Please t-tell me...Am I...am I dying?" Halos mapunit na ang unan na hinihigaan nya dahil sa diin ng paghawak ko dito.
A-ang sakit.
H-hindi ko alam p-pero ang tatlong salitang yan na kanyang tinanong ay nagdulot ng malaking sampal sa mukha ko.
Umiyak nanaman ako. Kailan ka ba titigil luha ha?!
"Z-zaki.... hindi ka mamamatay okay? Gagaling ka. Kaya p-please....laban pa ha? Laban pa." Sabi ko sa gitna ng pag-hagulgol ko sa harap nya.
Di ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw pag wala na sya.... no hindi pwede..hindi pa pwede!
"Lumaban ka pa Zaki! Kasi ako lumalaban pa eh. Di ako mapapagod na alagaan ka. Kaya bilisan mong gumaling at liligawan mo pa ako!" Pagbibiro ko sa kanya
Nakita ko naman na bahagya syang ngumiti dahil sa aking sinabi
"T-Thank you my Iron....Promise me you'll be strong..okay? W-wag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka sa oras...wag kang magpuyat...ayusin mo ang--" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi nya
"Zaki stop! Para kang namamaalam eh! Hindi ka mamamatay. Gagaling ka. W-wag ka namang sumuko please? Zaki.."
"I l-love you" Zaki
Tatlong salita.
Tatlong salita na dahilan ng iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Tuwa....saya....takot....sakit
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naramdaman ko na lamang na naglapat na ang aming mga labi.
Ang mga halik na nakakabaliw
Ang malambot nyang bibig
S-sana hindi na ito matapos
"W-wala m-manlang i love you too?" Kunwari pa nyang pagtatampo..
Hinampas ko naman sya ng mahina "kahit di ko naman sabihin yan...ramdam mo naman ang pagmamahal ko diba? Pero sige. I love you Zaki Clint! Mahal na mahal kita. Sobra." Bago ko sya niyakap muli.
"Kaya bilisan mo at bibigyan pa kita ng basketball team!" Pagbibiro ko muli sa kabila ng pagiyak.
Ngumiti sya sa akin ng mapait.
"Kyra.....Promise me one more thing." Saad nito na dahilan nanamang muli ng kaba sa dibdib ko
"Promise me...you'll live. Even if....I don't." Please....tama na..
"Zaki please."
"Promise me."
Kaya ko nga ba?
Kaya ko bang wala na sya?
Kaya ko bang mabuhay ng wala na sya?
Wala na akong nagawa kundi tumango
"Always remember...I love you so much, darling. Even if I die and been reborn, my heart will only choose to beat for you...only you."
"Ready...clear!"
"Again...clear!"
Tunog ng machine at ang pagsigaw ng doktor ang tanging naririnig ko dito sa labas ng emergency room
Tila nag-slowmo nalang ang lahat...ang mga kaibigan kong nagsisipag-iyakan dito sa tabi ko
Ang pag taas baba ng katawan ni Zaki sa loob ng emergency room
Hanggang sa.....
Nakarinig ako ng isang mahaba at matinis na tunog na nanggagaling sa monitor na may flat line na ngayon
"Time of death: 8:45pm"
Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi ng doktor ay dun lang naging normal ang pag iisip ko. Wala na ang slowmotion
T-totoo ba ito?
N-nananaginip lang naman ako diba?
Oo tama. Panaginip lang ang lahat.
Kyra! Gumising ka na! Ayoko nang ma-stock sa bangungot na ito!
Z-zaki.....
"Z-zaki...i..i love....you" huli kong sabi bago dumilim ang buong paligid
---
"Orayt! We're here!" Luigi.
Nandito na pala kami.
Ang lugar na isang taon ko na rin palang iniiwasan
Isang taon kong kinatakutan
Ngayon ay tinatapakan ko na
"Masaya ako na tanggap mo na." Sabi ni Mia na may ngiti sa kanyang labi.
Tanggap ko na nga ba?
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kanya
Nang makarating na kami ay matagal kong tinitigan ang pangalan nyang nakaukit sa isang......lapida
Isang taon....
Isang taon nang nakasulat ang kanyang pangalan sa isang lapida
Napangiti ako ng mapait
"Yow tol! Musta ka na dyan? Ayos ka lang ba ha? Tol...miss na miss ka na namin. Yung mga kasungitan at kapilyuhan mo...tangina tol, kahit nakakabakla, iniiyakan kita. Alam mo ba? Magkakaanak na kami ni Mia. Ikakasal na rin kami. Tol, best man kita eh. Kaya lang wala ka na....pero okay lang. At least dyan, di ka na nahihirapan diba. Mahal kita tol. Di ka namin makakalimutan." Matapos sabihin ni Clyde ang kanyang mensahe kay Zaki ay ipinatong na nya ang kanyang dalang bulaklak sa lapida.
Binigyan pa ni Mia ng panyo ang kanyang nobyo dahil umiiyak ito
Sumunod na nagsalita ay si Luigi
"Pre! Tignan mo oh, yung dating inaasar asar nyo lang na bakla at walang lablayp, eto! Magkakaanak na. Pre! Sayang eh. Ninong ka pa naman sana. Pre alam mo kahit bully ka sakin, pre miss na miss ko na pangbabasag mo sakin. Miss ko na yung pang aasar mo. Tae bakla na rin ata ako kasi iniiyakan din kita gabi gabi eh. Pre i miss you. I love you. Sana masaya ka dyan, kasi pag hindi? Hihilain kita pabalik dito sige ka. Haha! Pre, bantayan mo kami lagi ha? Nasa puso ka namin lagi." At inilagay na rin ni Luigi ang kanyang dalang bulaklak at tsaka sya niyakap ni Phoebe.
Nanatili lamang akong nakatingin sa lapida na ngayo'y may mga bulaklak na nakapatong
"M-my hepa" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang ang mga salitang isang taon ko na ring di nababanggit
"I m-miss you" at tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina pa gustong lumabas
Akala ko wala na yung sakit
Akala ko nabawasan na
Hindi pa pala
"Isang taon na darling. Isang taon na tinupad ko ang pangako ko sayo"
Hikbi lang ako ng hikbi dahil sa naipon na luha
"I promised to live....even if you're not living anymore"
Napansin kong wala na sila Mia sa tabi ko. Marahil ay iniwan na nila ako para makausap si Zaki
"Darling naiinggit ako eh. Naiinggit ako kasi sila Mia magkakaanak na. Magsisimula na ng bagong pamilya. Darling sana tayo din noh? Pero wala eh...madaya ka iniwan moko" nakakatawang isipin na sinusumbat ko pa sa kanya ang pag-iwan nya sa akin. As if he's listening...
"Pero alam mo....hindi ako nagsisisi. Hindi ako nagsisising minahal kita."
Hinding hindi.
Kahit ulit ulitin pa ang mga nangyari
Kahit mahirapan akong muli
Masaktan
Maiwan
Ayos lang
Dahil sayo din naman ako masaya
Ikaw ang lunas ko sa bawat sakit
Ikaw ang liwanag sa aking kadiliman
Na kailanma'y hinding hindi ko ipagpapalit
"Zaki Clint...Mr. Hepa....Darling....I love you. And I'll always will."
Loving you is worth the pain
Loving you is worth dying for
Loving you is worth my life
I am Kyra Devon
And I am proud to say that....
I love him....
I loved him....
I will still love him.....
Even when it hurts.
End
---
A/N: Kagabi pa dapat ito na-publish. Pero biglang nawala ng parang bula ang draft ko. So eto, I made a new one. Sayang talaga effort ko kagabi na iniyakan ko talaga. I hope you enjoyed reading...umiyak ba kayo? Haha!
Anyways, ipupub ko na as a story yung DAMIAN ❤ yes yes. Mystery/Thriller sya. So sa mga may bet sa ganung genre, go read it once na pub ko na haha! Sana suportahan nyo rin yun gaya ng pagsupport nyo dito sa AGKWC hehe.
Loveya'll baaaabsters! HAPPY CHINESE NEW YEAR! 💛
-foreverbaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top