AGKWC 34 - FINALLY AWAKE
ALEXA SUMERA
"Huy girl, seryoso ka ba? Pupunta talaga tayo ng Baguio ngayon? Anong oras na oh. Hapon na. Gabi na tayo makakarating dun. Exams pa natin bukas." Akmang pagpipigil ko sa pag alis namin ni Divina.
Kung papanoorin mo ang mga kinikilos ni Ina ngayon, sobrang aligaga at sobrang worried ang itchura nya. Di mapakali, na akala mo naman jowa nya yung napahamak.
"Lex kung ayaw mong sumama, okay lang. Di naman kita pinipilit. Basta ako, pupunta pa rin ako" sagot naman nya sakin. Huhu sungit. Sinasabi ko lang naman yung totoo eh huhu.
Iniwan ko pa si bebe Greg dun huhu. Nakakahiya di manlang ako nakapagpaalam ng maayos. Nagmamadali naman kasi itong si Ina na umalis kanina kaya hindi ko na nakausap si Greg ng maayos.
Yes. Nagtry ako ng dating app. Hihi. Kasi naman, masakit pa rin sa akin yung pagkaka-taken ni Leon huhuhu. Tapos mas maganda pako sa babae!
Kaya I tried using dating app para naman makalimutan ko na si Leon. At ngayon nga ay nakilala ko si Greg. Hihi. Sa una, nung nakita ko yung mga pictures ni Greg, medyo natakot ako ng konti haha! Kasi naman may tattoo sa may leeg na hindi ko maintindihan if it's a creature or something. But when I get to chat and meet him, mabait naman pala. Hehe. Tapos sweet at hot at sexy at ughhhhh hehehehe.
"Ba't iniwan mo si Del Pilar?" Tanong ni Ina na nagpakunot ng noo ko.
"Del Pilar?!" Nakakunot ang noong sabi ko sa kanya.
Napagrin naman sya at binatukan ako.
"Gaga. Yung Gregorio mo" sabi nya sakin.
Yieeee Gregorio ko daw hehehehe pero bwisit pa din bat nambabatok!
"Eh ikaw kasi eh! Nagmamadali ka kanina, di tuloy ako nakapag babye ng maayos huhu. Dibale, we got each other's contact. Haha! Tetext ko nalang sya mamaya hihi" sabi ko naman.
Nandito kami ngayon sa bus station papuntang Baguio. Yeah, wala manlang kaming dalang kahit na ano na gamit. Ewan ko ba kay Ina! Masyadong nagmamadali.
"Ina, it's not yet too late to backout. Jusmiyo Ina! Hapon na, and wala tayong jacket or anything. Please, yes I know nag aalala ka kay Zelo but don't you think na masyado ka namang OA? I mean, Freakin'cheese Ina! Kung mag-alala ka sa kanya akala mo naman jowa mo sya. Eh it's been months palang na magkakilala tayo nila Zelo. Gumising ka nga. It's okay to be worried but damn Ina, wag OA." Sabi ko sa kanya tsaka sya inirapan.
Gosh nakakairita na kasi eh! Sobra kung mag-alala, at talagang gagastos pa sya papuntang Baguio just because nag-aalala sya? Mygod! Pag nangyari ba sa isa saamin nila Krystal yun, will she react that way?
Napatulala naman si Ina sa mga binitiwan kong salita. Marahil ay nahimasmasan sya at nalinawan sa kanyang pagka-OA.
Hinawakan ko naman ang mga palad nya.
"Cmon beshy. Makibalita nalang tayo sa kaibigan nyang unggoy. No need to worry that much. I know masyado ka lang napalapit dahil nga kaibigan na natin sya but please learn to control your emotions--" diko nanaman natuloy yung pagsasalita ko dahil nagsalita sya bigla.
Bwisit naman eh! Ang seryo-seryoso na nga ng sinasabi ko huhuhu
"Wow. Coming from you pa yang control your emotions na yan ha" sabi nya sa akin at tsaka tinaasan ako ng kilay at tinawanan.
Tinignan ko naman sya ng masama tapos inirapan.
"Haha! Okay okay. I'm sorry. I've been overreacting ng di'ko namamalayan. Nahawa ako kay Kyra. Haha!" Aniya.
Hala oo nga! OA din yun si Kyra eh. Just like Divina, kakakilala palang naman niya kay Zaki, sobra na kung mag-alala. Tss. Kung may 'like mother like daughter', meron na rin palang 'like author like character'. Lol hahaha!
"Like author like character tsk. Haha! Gusto mo lang ata na makatuluyan si Zelo eh. Just like how you will let Zaki and Kyra be together." Pang aasar ko sa kanya.
Nakita ko naman syang namula at hindi makatingin ng deretcho sa mga mata ko. Hala guilty?
"H-ha? D-di ah. Parang timang 'to." And she let out a fake laugh. More like awkward laugh. Haha!
"Sus nagdedeny pa, eh obvious naman. Haha! Tara na nga at umuwi na tayo. Wag mo na masyadong prinoproblema si Zelo okay?" Sabi ko sa kanya at tsaka tumayo at hinila na si Ina paalis ng bus terminal.
Walang nagawang nagpahila nalang din sya.
Nakooooo ang kaibigan ko, mukhang ipagpapalit na rin ang Koykoy nya parang ako. Ipagpapalit na rin si Leon. Haha!
#FriendshipGoals? Lol haha!
---
ZELO ANGELO
"Ughhh babe"
"Shit!"
"Fck"
"Thanks babe, nag enjoy ako"
"Ano lalaban ka pa?!"
"Tangina matigas ka ha! *boogsh*"
"Ano pare, bubuhayin pa ba ang mga 'to?"
"Enough. Umalis na kayo."
"Zel--"
Napamulat ako bigla ng mga mata at habol habol ang hiningang nilanghap ang hangin.
Fck! Sobrang sakit ng ulo ko!
Napadaing ako sa sakit. Ng mapansin ko na may nakadantay sa kanang kamay ko.
Ngayon ko lang napagtanto na nasa ospital pala ako. And there is this girl who's I think sleeping under my arms at nakaupo sa upuan.
Lumingon ako sa paligid and I saw Vendric on the couch, sleeping. At nakanganga as always. Tsk.
Lumingon pa ako muli sa kabilang banda at nakita ko ang dalawa pang hospital bed at doon nakahiga sila Blue at Sky.
Wait. What the fuck did just happened?!
Why are we on a damn hospital?!
Bakit naka benda ang mga ulo namin? And puno rin ng pasa ang katawan ko. Tangina?!
Gumalaw naman ang babaeng nakasubsob sa higaan ko. Napatingin sya sa akin at gulat na kinusot ang mga mata na akala mo'y nakakita ng multo.
Tss. Gwapo ko namang multo.
"K-kuya Z?! G-gising na you??!" Halos hindi makapaniwalang sabi ng kapatid ko.
But wait, bakit nandito ang kapatid ko? Diba iniwan namin sya sa hotel? Bakit magkasama na kami? And why the heck is Silva here?!
Fcking shit. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Bri" tanging nasabi ko bago nya ako sunggaban ng yakap na dahilan para dumaing ako dahil sa sakit.
"Ay! Sorry kuya huhu." Paumanhin ng kapatid ko na sinenyasan ko naman ng 'okay lang'
"Wahhhhh! Kuya buti gising ka na huhuhu. Halos mamatay na ako sa sobrang pag-aalala. Lalo na ng makita ko kayo nila Kuya Blue na nakatali at puno ng dugo at pasa." Napatingin naman ako kay Briana dahil sa kanyang mga sinabi.
"What? Nakatali?" Paninigurado ko sa narinig.
"Yes kuya. Teka, ano ba nangyari talaga kuya kagabi? Kindly please explain? What really happened?" Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Paano ko sasabihin sa kapatid ko na even I, can't remember anything?! Just fcking bullshit.
Magsasalita na sana ako ng napalingon kami ni Briana sa dalawa pang hospital bed dahil biglang nagsiubuhan ang dalawang ugok.
Mukhang magkakamalay na rin ata sila ah. Tss.
Sabay na napadilat at tila ubos din ang hiningang nagkamalay na rin si Langit at si Asul.
Biglang bumangon si Sky kaya naman napahawak ito sa ulo nya dahil sa sakit "Aray tangina!" Angil nito.
"Tss. Dahan dahan lang kasi kuya Sky." Bored na saway ni Bri. Nagtataka namang napalingon si Sky sa amin. Mukhang pati sya ay nagulat na nandito si Briana at nasa hospital kami ngayon.
"Bri?! Nandito ka?! Teka, nasa ospital tayo?! Tangina tol di'ba nasa bar lang tayo nag-iinuman?! Ba't nandito na tayo sa ospital?!" Sunud-sunod na tanong ni Sky sa amin na tulad nya ay yan din ang mga putanginang gusto kong malaman.
"Calm your tits, Lawrence." Sabi ko sa kanya dahil napaka-OA nya. Kailangang sumigaw?
"And didn't I tell you to stop calling her 'Bri'?" Masamang tinitigan ko sya. Ang kulit eh. Ginigigil ako.
"Joke lang tropa! Hot mo pala pag bugbog sarado. Haha!" Pang-aasar nya sa akin habang tinignan ako mula ulo hanggang kumot (a/n: hehe nakatakip kasi ung paa ng kumot 😅). Na ikinatawa ng kapatid ko.
"Ulol. Gago." Pagmumura ko sa kanya.
"Lutong nun kuya ah. Haha!" Bri.
"Where the hell are we?" Blue na kamuntik na naming makalimutan na nagkamalay na pala.
"Nasa mental pre." Pambabasag ni Sky kay Blue na ginantihan na lang ni Blue ng pamamakyu.
"Gago kasi. Tatanong pa eh, malamang nasa ospital! Mukha ba tayong nasa motel?!" Kaingay ng hinayupak. Kung di lang ako nanghihina ay malamang sinugod ko na to ng suntok.
Sinamaan namin syang lahat ng tingin.
"Motel talaga? Gosh, ang cheap mo naman pala kuya Sky tsk." Pambabara ni Briana.
"Aba! Kahit cheap, ang importante, makaraos sa sarap! Haha!" Okay. He's back to his pervert self.
"Gross tss." Bawing sabi ni Bri.
Ako naman ay nanatili lang tahimik at sandaling pumikit dahil sumasakit ang ulo ko sa kaingayan nilang lahat.
"You don't need to shout Sky. Baka magising yung janitor dun oh." Pagsabi ni Blue na dahilan ng pagmulat ko ng mata.
Only to find out that he was referring to Vendric. Tangina kagago haha.
Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa pero I lost dahil nakita na nila akong tumawa.
Kaya agad naman akong bumalik sa pagiging seryoso.
"Whoa! Ngayon lang kitang nakitang tumawa tropa! Grabe mas nakakakilabot pala! Tumaas balahibo ko pre!" Sigaw muli ni Sky.
"Kuya Blue, ikaw lang pala makakapagpatawa dito kay Kuya Z eh. Haha!" Dagdag pa ng kapatid ko.
Damn, bigdeal na yun sa kanila? It's not even a 'laugh'. tss.
"Parang mga tanga" Pagsabi ko na ikinatawa lang nilang lahat.
"Ano ba yan! Ang ingay ingay!" Sigaw ng kabuteng natutulog. Yeah, he's sleep talking right now.
Nagtinginan naman kaming apat at mukhang gets na namin ang ngiti ni Bri kaya tumayo na sya at pumunta malapit kay Dric atsaka ginawa ang kanyang plano.
Walang pakundangang tumalon at tsaka dinaganan nya si Dric upang ang bigat nito ang magpapagising sa kanya.
Ang kawawang Dric naman ay napadaing dahil sa siguro bigat at sakit na dulot ng pagdagan ng kapatid ko sa kanya. Pfft.
"Araaaay!!" Angil nya.
"Breyna naman! Aray! Ang bigat mo! Alis shu shu!" Pagtataboy ni Dric kay Bri na hirap na hirap sa pagtulak paalis kay Bri dahil di rin naman ito papatalo sa pag dagan nito sa kanya.
"Tss. Tulog mantika ka kasi" sabi lang ng kapatid ko.
Napalingon naman si Vendric sa lugar ko at biglang lumaki ang mga mata nya at kinusot kusot pa ang mga mata.
The heck? Bakit pareho sila ng reaksyon ni Bri?! Do i really look like a ghost?! A fcking hella handsome ghost?!
Napalingon ulit ito kay Briana at tsaka sa akin ulit at tsaka kay Briana ulit.
"Breyna!! Totoo ba to?! Gising na si brader?! O nananaginip lang ako?! Huwaaaaaahhh!" Okay, so I'm surrounded by overreacting people.
"BRAAAAAADEEEEEERRRR!!!" Pagkasigaw na pagkasigaw ni Dric ay malakas nyang naitulak si Briana kaya napatalsik lang ito sa pabalik sa couch.
Agad agarang tumakbo palapit sa akin si Dric at sinunggaban ako ng yakap na kamuntik ko na yatang ikamatay.
"Brader!!! Buhay ka nga!! Huhuhuhu sobra akong nag alala sayo!! Alam mo ba na walang gas yung sasakyan ko tapos ginastos ko yung nasa piggy bank ko para lang may pang-gas at makaakyat dito sa Baguio para lang masiguradong ligtas ka?! Huhu!" Sunudsunod na sabi nya habang di pa rin pumipiglas mula sa yakap nya sa akin.
"Why do I feel like nanunumbat ka? And please let go of me punk! Di ako makahinga." Sabay tulak kay Dric.
"Hehehe di naman sa ganun brader, pero parang ganun na nga. Hehehe." Sagot pabalik naman nito sa akin.
"Tss. Sino ba kasing nagsabing umakyat ka." Sabi ko nalang sa kanya. Though I have to admit na na-touch ako sa kanya. Fck, ang bakla ng 'na-touch'
"Eh kahit walang nagsabi! Gusto ko makita ng dalawang mata ko na okay ka. Ganun kita kamahal brader!" At nag-heart sign pa. Wtf!
"Wooooow! Pareng Asul, hangin lang tayo dito oh, hangin lang! Yuhooo! Ang gwapo ng nalalanghap nyong hangin!" Sigaw naman ni Langit.
Napalingon naman si Vendric sa pwesto kung nasaan nakahiga si Sky at Blue pero inirapan lang nya ang mga to.
"May kasama pa ba tayong iba brader? Wala naman na diba? Tayong tatlo lang ni Breyna." Diniinan pa nya ang pagsabi ng tatlo. Tss. Parang mga bata.
"Pareng Asul! Payag ka ba na yung janitor eh niyayakap lang yung kaibigan nating si Zelo?" Bawing sabi naman ni Sky at kausap si Blue.
Si Blue naman ay tulad ko, napapa-irap nalang din.
"JANITOR?! SINONG SINASABI MONG JANITOR HA LANGIT?!" Mukhang magkakarambulan na.
"Oh? Akala ko ba hangin lang tayo dito Blue? Bakit may kumakausap sakin? Kinikilabutan ako!" Na mas lalong ikinaasar ni Vendric
"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Pagpigil ni Briana sa kanilang dalawa. Si Vendric ay nakabusangot habang si Sky naman ay ngingiti ngiti dahil nagtagumpay sa pang aasar nya kay Vendric.
"So can someone explain how did we end up here??" Seryosong tanong ni Blue
Nagtinginan ulit kami at nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang magsasalita. Hanggang sa si Briana na ang bumasag dito.
"Okay. So ako muna. Then after ko, kayong tatlo ang kailangang mag-explain ng kung ano ba talaga nangyari." Panimulang sabi ni Bri.
Tahimik na ang lahat at naghihintay ng eksplenasyon na manggagaling kay Briana nang biglang tumunog ang phone neto.
Kaya agad nya muna itong kinuha at tinignan muna kami bago sinabing "It's dad"
Agad ko namang sinabi kay Briana "Don't tell dad about this. Tell him we're fine." Tumango naman sya sa akin bago sinagot ang tawag ni dad.
"Yes dad."
"Yes we're fine. Kuya's with me. We're actually having a great time."
"Okay dad. Yes dad. Bye. Love you."
At binaba na niya ang tawag.
"What did he say?" Tanong ko kay Briana.
"Kinumusta lang tayo. Yun lang naman." Maypag-dadalawang isip na sabi ni Bri.
Teka, is she hiding something?
"Briana." May pagbabantang tawag ko sa kanya.
"Wala nga kuya. Yun lang naman, so ano, you're gonna listen to me or not?" Napa-sigh nalang ako then she started explaining.
Inexplain na nya lahat, from the night na hindi raw kami umuwi sa hotel hanggang sa kaninang umaga na may nakita syang papel stating a room where she found us tied and full of blood.
"Tangina tol! Sinong gagawa sa atin nun?!" Tanong ni Sky.
"I have no one in mind. But whoever he/she is, he/she better hide." Blue.
"Si Krystal lang naman ang kilala nating K diba brader?" Tanong ni Dric sa akin.
Krystal?
"Kilala mo. I don't know her." Pagtatama ko sa sinabi nya.
"Eh kasi, kung sumama ka sana kahapon sa Group study at kung di ka sana nagpahila sa panget na Langit na yan, edi sana kilala mo na si Krystal at di na mangyayari sainyo ito!" Dric.
"Selos ka lang Dric, akin na kasi brader mo. Hahaha!" Pang-aasar muli ni Sky kay Dric.
"Hinde! Akin lang si brader ko!!" Sigaw pabalik ni Dric.
"No one owns me." Pambabasag ko sa kanilang dalawa.
"Hey dude, wanna go out? Dun na lang tayo mag-usap na tatlo. Iwan na nating yang dalawang daga." Pag-aaya ni Asul.
"Mabuti pa nga" Briana.
"Walang aalis! Kung meron mang aalis, ikaw yon Langit!"
"Enough." Sabi ko na nagpatigil sa kanilang lahat sa pagsasalita.
"Pero kuya, it's your turn. Can you explain to me what happened last night?" Tanong ni Bri na nagpatahimik sa akin.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala. Shit!
"I...I fckin' don't know." Frustratedly I said.
"Ako rin. Walang maalala. Ang huli kong naalala ay yung nag-iinuman kami sa VIP Room. At hanggang sa tinawag na ni Blue yung mga babae namin for the night." Pag-eeksplena ni Sky.
"Mga babae? You mean may tinable kayo kuya?!" Usisang tanong ni Bri sa akin na tinignan ko lang.
"ANG DAYAAAA! SABING AKO LANG MAY KARAPATANG MANGCHICKS EH!!!" Pagmamaktol nanaman ni Vendric.
"Walang papatol sayo Dricky hahaha!" Sky.
"Wait." Pagpipigil ko sa kanila.
Muli nanaman kasing nananakit yung ulo ko.
"K-kuya? Wait...NURSE!" Pinindot ni Briana yung button para tawagin ang nurse pero pinigilan ko ito.
"Wag na."
"I had this dream, na naging dahilan kung bakit ako nagising." Sabi ko na nagpadagdag ng kuryosidad sa kanilang mga mukha.
"What dream brader? Wet dreams? Hehehehe" tanong ni Dric.
"Haha kuha mo Dric! Lika nga dito tropa na kita dahil dyan!" Sky at pinapalapit pa si Dric.
"Ayoko. Di pa din tayo bati. Si Blue lang bati ko. Hi Asul. Hehe. Gwapo mo pala sa personal. Pero mas gwapo ako hehe." Ngiting saad ni Dric kay Blue.
"Alam ko naman yun haha! And correction, I'm the hottest man alive, dude." Blue. Taena, mga nabugbog na nga't, ang hahangin pa.
"Odi kayo na. Basta kami ni Zelo." Sky.
"Manahimik nga kayo! Di na natapos yung sasabihin ni kuya eh!" Pagsaway ni Briana sa kanila.
"Game kuya, ano na nangyari sa panaginip mo?"
"It's actually a nightmare. A shitty nightmare." Naikuyom ko ang kamao ko habang naaalala ang panaginip ko.
"I hear voices. Iba iba. Merong sa lalaki, meron ding babae." Panimula kong sabi.
Patuloy lang silang nakikinig kaya naman pinagpatuloy ko na rin ang pagsasalita.
"Yung sa babae, it seems like she's moaning. At yung sa lalaki naman, parang meron silang binubugbog." Paliwanag ko sa kanila.
"Hala! Na-rape ka brader?! Wahhhh!! Congrats brader! Di ka na berjen! Hehehe welcome to the pamili!" Masayang saad ni Vendric na naka open arms pa! Tangina.
"Shut up Vendric!" Briana.
"It's KUYA. KUYA VENDRIC" Dric. Na inirapan nalang ni Briana.
"Actually, I had that dream too." Sabi ni Blue dahilan para mapatingin kami sa kanya.
"Pati ikaw na-rape Asul?! Eh diba ayaw mo sa babae?! Hala!!!" Dric
"Yes I don't like girls. But that doesn't mean that I don't play them. Yes to fun, no to commitment." May pagngising sabi ni Blue. Yeah, playboy. Pero iba pa rin ang fckboy na si Sky.
"Kuya Blue stop. Baka may babae dito diba? Tapos ganyan sinasabi mo tss" Bri.
"Oh sorry. Dibale. Iba ka naman sa kanila. You're one of a kind." At kinindatan pa ang kapatid ko kaya agad kong binato si blue ng tissue roll na nasa table na malapit sa higaan ko.
"Not my sister dude." Sabi ko sa kanya ng may pagbabanta.
"Ayan, kaharutan kasi eh." Dric.
"Ako lang ang hindi nanaginip ng ganun? Ay ano ba yan. Kadaya." Sky.
"But sa tingin ko kuya, yang panaginip mo ay hindi basta basta panaginip." Bri. And I have to agree on her on that.
"Maaaring may kinalaman talaga yan sa nangyari talaga sa inyo. And gaya ng sabi ni Kuya Sky na yung mga babae nyo that time, baka sila rin yung nasa panaginip nyo. And fuck them!" Inis na sabi ni Bri.
"Wag kang magmura. Pangit sa babae ang nagmumura." Saway ko sa kanya.
"Sorry Kuya. Pero naiinis talaga ako eh! Knowing na babae pa pala ang dahilan kung bakit kayo nagkaganyan." Naiintindihan ko naman ang kapatid ko. Kasi even I, hindi makapaniwala na maaaring mga babae lang ang gumawa sa amin nito.
Who the hell are you, K?
Wag na wag ka lang magpapakita at magpapakilala sa akin. Dahil you won't like it when I'm mad.
"So anong balak nyo?" Vendric.
"What do you mean anong balak?" Bri.
"I'll make sure na mananagot ang may sala." Blue.
"We'll find out who they are. Promise. They'll pay for what they did to us. Mark my words." Pagsabi ko ng may diin.
"Hehehehe ang kyut nyo naman. Paghihiganti na agad iniisip nyo. Ba't di nyo muna isipin yung exams natin bukas hehehe Zelo baka naman.hehehe" Dric.
Oh shit! Oo pala. Exam na namin bukas. At hindi pa ako nakakareview!
"Shit. Let's go. Umuwi na tayo." At akmang aalisin na sana amg dextrose ko pero pinigilan ako ni Briana.
"No kuya! Hindi tayo aalis dito hangga't di ka pa gumagaling. At ikaw naman Vendric, pinaalala mo pa yung exams. Eh kung ikaw nalang kaya ang bumaba tutal hindi ka naman maeexcuse eh." Nag ekis naman ng kamay si dric.
"Hmp andaya huhu"
"How's...uhm...how's Divina?" Nahihiyang tanong ko kay Dric. Na pinagsisisihan ko na dahil nag-iba na ang tingin nya sakin. Napalitan ito ng pang-aasar.
Sila Briana naman ay may pagtataka sa mukha.
"Who the hell is she naman kuya?" Tanong nito.
"Jowa na sana ng kuya mo, kung hindi lang totorpe torpe. Haha!" Pang-aasar sa akin ni Dric.
"D-divina?" Tanong ni Sky.
"Bingi ka ba? Kailangan pa ulitin ni brader?" Dric
"Why Kuya Sky? Kilala mo?" Bri.
Inintay ko naman ang magiging sagot ni Sky.
"W-wala. M-may naalala lang ako." Sabi nito na pinawalang bahala nalang din namin.
Fck.
So I'm gonna spend my week in this fcking hospital at hindi ko manlang alam ang totoong dahilan kung bakit ako nandito.
Humanda ka talaga kung sino ka man.
You'll pay for this.
----
Happy Birthday to me~ ♡
foreverbaaaabs ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top