AGKWC 33 - REVEAL THE OPs?
DIVINA MARIEL
Kanina ko pa sinusubukang kontakin si Zelo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nya sineseen ang mga chats ko simula pa kagabi.
Matapos kasi akong i-chat ni Vendric kagabi tungkol sa hindi nya makontak si Zelo ay nakaramdam na rin ako ng kakaiba pero hindi ko nalang pinahalata sa kanya dahil alam nyo naman ang future hubby ni Lex, may pagkapraning din. Haha.
Dahil hindi na talaga ako mapakali, hinanap ko ang pangalan ni Vendric sa 'Active Now' pero wala pa rin kaya sinearch ko nalang sya.
Ah shit naman! Active 1hr ago!
Alas diyes (10am) pa lang naman pero bakit hindi na yun online?
Divina Mariel
Dric! Kumusta anong balita? Nakauwi na ba si Zelo? Hehe. Sabi mo i-uupdate mo'ko :(
Sent
Sana naman mag online na yon tapos i-update ako agad. Kainis naman kasi. Ba't ba hindi ko naalalang hingin yung number nya!
Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ng matagal ang phone ko.
Woah, ang agang pang-gugulo naman!
Wala akong nagawa kundi sagutin na lamang ang tumatawag.
"Yes?" Paunang bungad ko.
"Wala manlang bang 'hello pretty lex!'??" May pagtatampong sagot nya sa akin kaya't inirapan ko nalang siya kahit di naman nya nakikita.
"Obviously, wala. Hehe. So ba't ka tumawag?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Yun na nga, samahan mo naman ako Ina. Hihi"
"Saan naman?"
"Sa mall! May imemeet ako. Hehehe."
I-memeet?
"Ha? Sino naman?" Tanong ko sa kanya.
"Si Gregorio hihihi" may pagkamalandi nanaman nyang sabi (What's new? Haha)
Luh? Sino nanaman yun?
"Sino nanaman yan Alexa Sumera? Gregorio pa talaga pangalan haha ampangit! Mahilig ka ba sa mga sugar daddy?" May pang-aasar na sabi ko sa kanya.
"Sugar daddy your face! Gwapo kaya yon! 20 years old na. Hehe. Nakachat ko sa isang dating app. Hehehehe" Naiimagine ko si Alexa ngayon na nakangiti at mukha nanamang tangang nilalaro yung buhok nya.
"Hoy ikaw, hindi porket gwapo, papatulan mo na! Lalo na't sa dating app mo lang naman pala nakilala yan. Baka mamaya, may balak na masama yan sayo." Panenermon ko sa kanya. Narinig ko naman syang napabuntong hininga.
"Eihhhhh, kaya nga isasama kita eh. Syempre di naman ako makikipagmeet ng ako lang. Baka mamaya reypin pa ako sa ganda at sexy kong to!" Kahit kailan talaga, napakahangin din nito eh. Haaaay.
"Isasama mo'ko para maging thirdwheel mo? Napakagaling." Thirdwheel/Protector ang role ko jusko.
"Hehehe hindi naman sa ganun, pero parang ganun na nga. Hehe. Sige na please? Pumayag ka na Inaaaaa. Ayaw mo namang mapahamak ang nag-iisang sexy at cute at pretty mong friend diba? Hihi" Pangungumbinsi nya sa akin.
Haaaay! Ano pa nga bang magagawa ko. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw. Tutal nagreview na kami kahapon. Okay na yun. Haha!
"Anong oras?" Tanong ko.
"Wahhh! Payag ka na???" Paninigurado ni Alexa.
"Parang gusto ko nang humindi." Pang aasar ko ulit.
"Ina naman eh! Mga lunch pa naman yung meet up namin. So magkita nalang tayo sa mall ng mga 11am" sabi niya.
"Nako Alexa Sumera. Pag sinabing 11am, 11am! Wag filipino time ah. Pag ako pinaghintay mo, iiwanan kita! Bahala kang ma-rape dyan." Nako talaga.
"Haha! Yes girl! Don't worry. Thank you Ina! Hihihi." Halatang kinikilig ang gaga. Jusko, exam na exam week kinabukasan, heto sya't makikipagdate pa sa di nya kilala. Tsk.
Nandito na ako sa loob ng mall at mag aalas onse (11am) na and yet, wala pa akong nakikita ni anino ni Alexa.
Napagdesisyunan kong tumambay muna sa isang milk tea shop at umorder nalang ng isang peppermint milk tea para may iniinom ako habang hinihintay ang bruha.
Umupo muna ako at nilabas ang phone ko upang itext na siya.
To: Alexa
Pag 11am at wala ka pa, ingat nalang sa pp mo ah. Always protect the garden at all cost!
Sent
Pagkasend na pagkasend ko ay agad naman siyang nagreply.
Fr: Alexa
Haha! Oo naman girl! Protektado ang hardin. Safe and sweet. Hahaha! Btw, nasaan ka na ba? Kakapasok ko lang ng mall. Papunta na ako sa meeting place namin ni Greg. Sunod ka nalang.
Safe and sweet amp haha! Utak talaga ng babaeng 'to.
To: Alexa
Wow naman. Lakas maka-yamanin ng Greg ah. Pinasosyal mo lang yung Gregorio nyang pangalan hahaha! Tsaka paano ako makakasunod kung hindi mo naman sinasabi sa akin kung saan?!
Sent
Ilang sandali lang din ay tinext na rin nya ang fastfood chain kung saan sila magkikita.
Tsk.
Tumayo na ako tsaka pumunta sa nasabing fast food chain. Pagdating ko dun ay nakita ko na si Alexa na nakaupo na sa may pang-apat-an na table. Nakita ko syang nagmamake-up na ng sarili nya.
Lumapit ako ng dahan dahan upang di nya ako mahalata. Nakatalikod kasi sya from where I am kaya hindi niya ako nakikita. Nang makarating na ako malapit sa kanya, ay agad kong tinakpan ang mga mata nya gamit ang aking mga kamay.
Nabitawan naman nya ang kanyang make up brush at hinawakan ang mga kamay ko bago nagsalita "Greg?" Kinikilig nyang sabi.
Bwisit!
Greg?!
Panlalaki na ba kamay ko ngayon?! -_-
"Greg mo mukha mo" sabi ko tsaka inalis na sa mga mata nya ang aking kamay at padabog na umupo sa may tapat nya.
"Huy bat ka dyan uupo? Si Greg dyan. Dito ka sa tabi ko." Pagsaway naman niya sa akin.
Aba!
Tinignan ko naman siya ng masama
"Ayaw kitang katabi" pagsusungit ko sa kanya.
Maganda rin pala sa feeling magpaka-Krystal Fortalejo eh. Hahaha!
"Eih Ina naman eh. Sorry na! Jinojoke lang kita kanina. Alam ko namang ikaw yan eh. Sa gaspang ba naman ng kamay mo. Hahaha!" At humalaklak pa ang bruha na akala mo naman eh kami lang ang tao sa loob ng fastfoodchain na to.
"Gago. Nasaan na ba yang Gregorio na yan? Ang cheap ng pagdadate-an nyo ah. Di nyo affort mag resto?" Pang-uuyaw ko sa kanya. Kainis eh.
"Maka-cheap ka naman girl. Masarap din naman dito ah. Hihi." Inangat nya ang kamay nya para tignan ang oras sa kanyang relo.
"11:30 naman na. Sabi nya papunta na daw sya eh. He's wearing green polo daw eh tapos may tattoo daw sya sa may leeg."
Tumango nalang ako bilang sagot.
Tinatamad na akong sagutin sya lalo na kung tungkol lang naman sa mga boylet nya. Tsk. Pwera nalang kung si Vendric. Haha! I ship them kasi. Parang Mia at Clyde lang sa story ko. Haha!
Ano kaya kung sila yung naging op ni Mia at Clyde noh? Mygash! Ngayon pa lang kinikilig na ako sa kanila. Haha!
Speaking of characters ko, makumusta nga sila.
So hindi ko na pinansin pa si Alexa na mukhang pinagpalit na yung Leon, na naghihintay sa lalaki nya at nagphone nalang ako.
EWIH Operators
Mia: CLYDE!!!!!!! 😠😠😠
Luigi: Oops. I smell World War 1234567 ah. Hehe. Goodluck pre! Condolence!
Clyde: Miss mo nanaman ako agad mylabs? Hehe.
Clyde: Namo Luigi! Sinusumpa kong tatanda kang birhen!
Kyra: Hello
Mia: Hi beshy Kyra!
Mia: Miss mo mukha mo! Naiinis ako sayo.
Luigi: Sino bang may sabing virgin pa ako. Hehehe.
Luigi: Hi Kyra. Pustahan tayo, alam ko nang isusunod mong ichat. Haha
Kyra: What again Mr. Parker.
Clyde: Hala, parang si pareng Zaki ah. Goodluck din tol, condolence!
Mia: Akala ko virgin ka. Akalain mong may pumatol sayo Luigi. Haha!
Luigi: Hahanapin mo si Zaki noh? Yieeeeeeee pakyu kayo mga malalande
Luigi: Baka gusto mo ding pumatol, Mia? Hehehe alam mo naman pag sinabing Luigi, rapsa!
Kyra: Hindi ko sya hahanapin. Lagi namang wala yun. Tsk.
Clyde: Gusto mo pa bang mabuhay, Luigi?
Luigi: oh chill lang bro! Highblood ka kaagad. Haha! Mia, maybe next time, pag wala na guwardya mo hahaha
Mia: Gago namo!
Clyde: Tangina gago!
Kyra: Parang mga tanga.
Luigi: Miss mo naman Kyra? Hahaha! Ako nalang kaya? Hehe 😎
Divina: Hello! Kumusta na guys? Haha
Mia: Mabalik tayo sa usapan! CLYDE SPENCER PAPATAYIN TALAGA KITA. PAKYU
Luigi: Yow Miss A! Hehe ano, nakapag isip isip ka na ba?
Luigi: May lablayp na ba ako ha? Umoo ka!!
Clyde: Hi Miss Ina. Inaaway ako ni mylabs huhu.
Clyde: Sige Mia. Let's pak each other. Pakyu too. Hehehe 😘
Kyra: Hi Ina. @Parker Hindi ako pumapatol sa supot.
Divina: @Luigi Parker mamatay ka nalang sa story hehe.
Divina: @Clyde Spencer Oh ano gagawin ko? Patayin nalang din kita? Hehe
Divina: Nasaan nga pala si Zaki? Is he on yet?
Luigi: Supot pero malapot hehehe
Mia: Dugyot mo Luigi!
Luigi: Nako Miss A wag mo akong papatayin. Maraming iiyak dahil mawawalan ng gwapo sa story mo 💔
Clyde: Ba't pati ako? Si Parker nalang. Tutal wala naman siyang ka-loveteam. Haha!
Luigi: Personalan ba to, Spencer?
Kyra: @Divina Mariel matagal na syang hindi nag-oon. I think it's been one week.
Mia: Mas mabuti pa, dalawa nalang silang patayin mo Miss A haha! Tutal puro kalokohan at landi lang alam mga yan.
Divina: Parang maganda nga yang idea mo, Mia. Haha!
Divina: @Kyra Devon Ohh, don't worry, i-chat ko nalang mamaya. Thank you. Sabihin ko i-chat ka nya agad. Alam kong miss mo na eh. Haha!
Mia: ikr miss A haha!
Luigi: Author pag pinatay mo ako, papatayin ko din si Mia.
Mia: luh? Bat nadamay akong hayop ka?
Clyde: Subukan mong galawin si mylabs, patay ka saken.
Luigi: Patay na nga ako kay author, patay pa ako sayo? Double dead ganun? Sa gwapo kong to? Tss. Daming ingget hays.
Kyra: Ako? Miss si Zaki? Lol. Kahit hindi na sya mag-on forever, la akong pake.
Clyde: Hindi kami ingget pre. Naaalibadbaran kasi kami sayo haha
Mia: Aysos Kyra beshy! In denial pa! Haha ayos lang umamin, wala naman si Zaki dito. Di kita ibubuking.
Divina: Talaga lang Kyra ah? I just opened Zaki's Account awhile back. And I saw your convos. 😜
Luigi: Woahhhh, ano meron Miss A? Chika mo here hehe.
Clyde: Chika talaga? Bakla mo talaga tol haha
Luigi: Wala kang pake. Di tayo bati.
Mia: Miss A makikichika na rin ako haha! Ano meron sa convo nila?
Kyra: Oo na!
Kyra: Tinadtad ko na sya ng mga messages.
Kyra: But not because I miss him! I just....I...uh... I was just worried na baka hindi na nya ginagawa trabaho nya as op. Oo tama. That's it.
Kyra: And syempre op ako ni Kyra, so I was just doing my part. Uh! Why am I explaining?! Fck it.
Divina: Hahahaha!
Mia: Defensive ka masyado beshy haha!
Luigi: Napaghahalataan.
Clyde: #ClyMi pa den.
Luigi: Tangina brad, di maka move on sa hashtag?
Mia: Hayaan mo sya Luigi, dyan sya masaya lol.
Divina: Bingo.
Kyra: Bingo??
Luigi: Bingo? Sure! Pero teka, paano tayo maglalaro ng bingo dito?
Divina: Baliw, what I mean is, nabuking ko si Kyra. Haha!
Clyde: Bingo biscuit hehe
Kyra: ????
Divina: Hindi ko naman binuksan yung account ni Zaki. Hinuhuli lang kita. Hahaha!
Divina: At ikaw na mismo umamin hahaha!
Mia: hahaha! Wala na Kyra. Alam na namin. May gusto ka nga talaga hahaha!
Luigi: @Zaki Clint mention ko pa din kahit offline hehe
Kyra: Tangina mo @Divina Mariel
Mia: Hoy Kyra, makamura ka kay Miss A!
Clyde: *goosebumps*
----
Napatigil ako sa pagchachat dahil may biglang lumapit na lalaki sa table na inuupuan namin ni Alexa.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaking naka green polo at may tattoo sa may leeg.
"Hey, you're Alexa, right?" Panimulang tanong ng lalaki habang nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Alex.
"G-greg?" Ay wow? May pautal talaga? Haha!
Nakangiti silang dalawa sa isa't isa na parang mga tanga at ako dito ay thirdwheel. Just wow.
"Walang mangyayari kung magtititigan lang kayo. Kung may mag-order na sana ng pagkain diba?" Pagtataray ko sa kanilang dalawa.
Tinitigan naman ako ng masama ni alex na parang sumesenyas sya na tumigil ako dahil napapahiya sya. Lol.
"Ahhh, pasensya na Greg. Hehe. Oo ako nga. I'm Alexa, and she's Divina. Friend ko." Aniya sa lalaki
"Oh, hi there Divina. Nice to meet you." Nakangiting inabot nya ang kamay nya para makipag-shake hands pero tinitigan ko lang ito at tinapik.
"Umorder na kayo." Huling sabi ko bago bumalik nalang sa pagchachat.
Wala na akong balak panoorin pa ang magiging landian ni Alexa at ng Gregorio na yon.
EWIH Operators
Luigi: Siyangapala Miss Ina, kailan ud mo? Hehe.
Mia: Oo nga po Miss A? Hehe. Miss ko na basahin huhu reread lang ako ng reread eh haha!
Clyde: Baka busy pa ata kasi si Miss Ina.
Mia: Ano kaya mangyayari kay Zaki? Huhuhu
Luigi: Magready na tayo ng mga tissue natin. Tingin ko tragic ending eh 😢
Kyra: Tragic ending kasi si Luigi mamamatay. Lol.
Mia: Happy ending kaya pag si Luigi ang namatay. Haha!
Luigi: gago kayo ah huhuhu
Divina: Sorry guys huhu. Busy kasi ako this week and next week dahil exams namin. But don't worry, may draft naman na ako. Maybe after exams, mag-uud na ulit ako. Hihi.
Divina: And, tatapusin ko na agad yung story. Magiging short story nalang sya :)
Mia: Hala? Matatapos na agad Miss A? Huhu 😢
Luigi: Tatapusin mo na pero wala pa rin akong lablayp? :'( tampo na talaga ako sayo Miss A. :(
Clyde: Nakakalungkot naman :( Mamimiss ko mga characters lalo na si Mia :(
Luigi: May nagtanong?
Luigi: Hehe joke lang tol.
Divina: Haha! Hindi matagal tagal pa namang matatapos dahil busy ako haha. So wag muna kayong malungkot. :) for now, just enjoy being them
Kyra: Pag natapos mo na yung story, what will happen to the rp accounts? To us?
Mia: Ay oo nga mamshy? Ano na mangyayari? Idedelete mo ba? Wag naman please!
Clyde: Reveal reveal! Haha! Reveal mo kami mga operators! 😅
Luigi: Pag ako na-reveal, baka mamatay mga girls sa sobrang kilig. Sa gwapo ko ba namang to.
Mia: Hala. Hoy H, nahahawa ka na sa ugali ni Luigi haha!
Luigi: Wala tayong magagawa, pareho kaming gwapo eh. Haha!
Divina: of course not! Ba't ko naman idedelete? Haha. It will stay. Pati kayo, magsstay as Ops. :)
Divina: And about sa reveal thingy, i'll think about it. Haha!
Mia: omg! Baka pag nakilala nyo na ako, hindi nyo na ako pansinin huhu
Clyde: Bat naman, P? Haha
Mia: Kasi ang panget ko haha!
Kyra: Magpareveal kayong lahat, except me. Ayoko.
Luigi: why K? Ikaw pa naman gustung gusto kong makilala at makita. Haha! Nakaka-kilabot ang aura mo eh
Clyde: Sang ayon ako. Ikaw din gusto kong makita haha
Mia: Ikaw nalang ireveal ni miss A, K. Mukhang close naman kayo eh haha!
Kyra: Ayoko nga. Sorry but you'll never meet nor see me. ;)
Divina: Si Zaki actually ang gusto kong makilala.
Luigi: huh??
Clyde: Anong ibig mong sabihin otor?
Mia: Eh diba kilala mo naman kaming lahat? What do you mean na si Z ang gusto mong makita?
Kyra: You don't know him, Ina?
Divina: Sa inyong lima kasi, sya lang ang hindi ko alam ang name and face. Dahil sa wattpad ko sya nagmessage at nag-apply.
Kyra: Then why did you chose him as op?
Divina: it's because.... Actually I don't even know why.
Luigi: wala na. Swerte naman pala ni boi
Clyde: Okay, sya na rin ang gusto kong makilala dahil nacurious ako kay Miss A
Mia: Same
----
Naudlot nanaman ang chat-an namin nang may isang chat akong natanggap galing kay Vendric.
Nakaramdam ako ng kaba dahil naalala ko nanaman bigla ang napag-usapan namin kagabi.
Tinignan ko muna ang dalawang nasa harapan ko na busy na naglalandian at nagsusubuan ng pagkain.
Tangina ng mga neto, hindi manlang ako sinabihan na may pagkain na pala! Gigil talaga ako.
Tinignan ko naman na isang burger steak, rice at iced tea lang ang nasa harapan ko samantalang sa kanila, tig-2pc chicken sila na may spaghetti at rice pa! Mga animal!
Inirapan ko nalang sila at tinignan nalang ulit ang phone ko at nakitang mag-aala-una na pala ng hapon.
I opened Vendric's chat at this is what I saw
Vendric Silva
Hi Divina, sorry hindi na ako naka-update sayo. But I'm on my way to Baguio right now. Kaninang umaga ako bumyahe.
Oh shit, what's wrong? Bakit parang hindi sya si Vendric na kilala ko? I mean, is there something wrong? Ang seryoso nya masyado and it's creeping me out!
Divina Mariel
Baguio? Why? Anong gagawin mo dyan?
Vendric Silva
Pupuntahan ko si Brader.
Divina Mariel
Si Zelo?
Vendric Silva
May iba pa ba akong brader?
Divina Mariel
Sungit mo naman! Malay ko ba. Eh ba't nandyan si Zelo? Anong ginagawa?
Vendric Silva
Sabihin ko sayo buong details later when I get there. Nag-ddrive ako kaya mamaya na. Zelo's in the hospital.
Divina Mariel
WHAT?! O-ospital?! Bakit?! Anong nangyari?!
Divina Mariel
Hoy Vendric!!
Active 3m ago
Oh shit!
Napadabog kong nailapag yung phone ko sa may table na dahilan para mapagtinginan ako ng mga tao including the love birds in front of me.
"Huy Ina, anyare sayo? Ba't parang alalang alala ka? May problema ba?"
Tanong sa akin ni Alexa
Shit! Bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko
Anong nangyari kay Zelo?! Bakit sya nakarating ng Baguio at naospital pa?!
Shit!
Di kaya dahil sa hindi sya nagtagumpay sa pagpatay dun sa Langit kaya naman siya ang pinatay?!
Aish! Ano bang iniisip mo Divina!!
Tumayo na ako bigla at akmang aalis ng matigil ako dahil nagsalitang muli si Alexa
"Oh san ka pupunta? Yung pagkain mo di mo pa nagalaw"
Lumingon ako sa kanilang dalawa bago nagsalita
"Zelo's in the hospital. At nasa Baguio daw siya ngayon."
Lumaki naman ang mga mata ni Alexa na halatang nagulat
"Hala?! Anyare kay fafa Zelo? Bakit nasa ospital? Bakit nasa baguio? At kanino mo nalaman mga yan?" Sunud-sunod nyang tanong sa akin.
"I don't know either. Kay vendric ko nalaman. He's on his way to Baguio."
"Oh eh san ka pupunta?"
"Diko din alam!! Argh! I just, need to go!"
Pagkatapos nun ay iniwan ko na si Alexa kasama si Greg patungo sa hindi ko rin alam kung saan.
Please naman, sana hindi malala ang nangyari kay Zelo.
---
VENDRIC SILVA
Pagtingin ko sa orasan ng aking sasakyan ay mag-aalas-tres na ng hapon.
Malapit na rin ako sa Baguio.
At gutom na din ako huhuhu.
Ba't kasi traffic pa dito?! Argh kung kailan nagmamadali ako eh!
Habang nakastop light pa, ay binuksan ko na muli ang phone ko.
Kita ko naman ang flood chat messages sa akin ni Debena at kinukulit ako kung ano daw ba ang nangyari at kung saang ospital daw.
Tss. Akalain mo, mukhang inlab na rin si Debena kay brader? Hahaha!
Sineen ko nalang sya dahil mamaya ko nalang sya rereplyan. Tinatamad ako hehe.
Maya maya ay nakarating na rin ako sa ospital na sinabi ni Breyna.
Pagkarating ko ay bumaba na agad ako ng sasakyan at dumeretcho sa nasabing room number kung saan nakaconfine sila brader
Habang naglalakad ako sa hallway ay napapatingin sa akin ang mga babaeng nurses na binabawian ko naman ng kindat tapos tsaka sila humahagikgik.
Jusko, hanggang dito ba naman may fangirls ako? Hehehehe. Gwapo ko talaga.
But sorry girls, wala ako sa mood makipagharutan ngayon hehe. Kaya hanggang kindat lang muna.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang room number na sinabi ni Breyna. At dun ko lang naramdaman muli ang kaba.
Huminga muna ng malalim ang gwapo na si ako bago pinihit pakaliwa ang doorknob para buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto, ay nakita ko ang tatlong kaibigan ko na nakahiga sa hospital beds at walang mga malay at.... puno ng mga pasa at benda ang katawan.
Napatulala nalang ako habang tinitignan sila at di ko namalayan na naikuyom ko na ang aking mga kamay at tumulo ang luha ko.
Tangina! Sinong gagawa sa mga kaibigan ko nito?!
Napalingon pa ulit ako sa may gilid at nakita kong nasa may couch ang isang babae habang natutulog.
Mukhang sya si Breyna. Ang kapatid ni brader.
Tuluyan na akong pumasok sa room at sinara na ang pinto.
Pagkasara ko ng pinto ay naalimpungatan ata si Breyna kaya naman nagising na ito.
Nang makita nya ako ay agad syang napabangon
"May I know, who are you?" Tanong nito sa akin at tinignan ako mula baba pataas.
"Ako si Vendric Silva. Kaibigan ni brader zelo at nilang dalawa. You must be Breyna?" Tanong ko rin sa kanya. Napatango naman sya
"Oh, so it's you. You look differently in pictures and in person." Sabi nito na kinataas ng kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin? Mas gwapo ako sa personal? Nako alam ko na yan, di mo na kailangan sabihin. Hehehe" Pagsasabi ko ng totoo.
Nagulat naman akong paunti unti syang tumawa hanggang sa naging halakhak na
Eh??
May nakakatawa ba sa sinabi ko ha?!
Hmp!
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.
"Have you seen yourself in the mirror right now? Pffftt."
Nagtaka naman ako sa tanong nya.
Alam kong gwapo ako at di ko na kailangan pang tumingin sa salamin noh! Hehe
N
agtatakang pinunta nya ako sa CR sa loob ng room at tinapat ako sa may salamin. Pagkabukas niya ng ilaw ay nakita ko ang itchura ko sa salamin.
What the paking cheese!
Hala nakakahiya! huhuhuhu
May panis na laway pa ako tapos puro muta huhuhu hindi na nga pala ako nakaligo kanina at nagbihis nalang agad dahil sa sobrang pagmamadali
Kaya naman pala ganun nalang tingin sa akin ng mga nurses sa hallway! Nakakahiyang kinindatan ko pa sila isa isa hutek! Huhuhu
Nagtoothbrush naman ako kanina ah. Bakit may bakas pa rin ako ng laway at muta?! Hmp!
Tumatawa tawang umalis si breyna at bago ako nagkulong sa CR para muna maghilamos.
Pagkatapos ko ay umupo na ako sa may upuan.
"Oh, alam kong di ka pa kumakain. Eat first. Baka magalit si Kuya Z pag hinayaan kitang magutom." Nakangiti at pangaasar nyang sabi.
Binawian ko naman ito ng ngiti at kinuha na ang nakastyro na pagkain.
Hehehe matutuwa nanaman mga bulate ko sa tyan!
"Salamat Breyna! Mabait ka naman pala eh. Akala ko mana ka sa kuya mo hehe." Pagkasabi ko at inirapan lang nya ako ulit.
Nang maubos ko na ang pagkain ko ay nagsimula na akong magtanong kay breyna sa kung ano ba talaga ang nangyare at anong sabi ng doktor.
Ayon sa kanya, naabutan nalang nya dun sa room na sinabi nung K sila brader na walang malay at nakatali at puno ng dugo at pasa. At ayon muli sa kanya, sabi daw ng doktor, maraming namuong dugo sa kanila at may fracture pa ang iba nilang buto.
Tangina! Sino ang pwedeng may gawa nun?!
Malaman ko lang kung sino, ako mismo bubugbog sa kanila o sa kaniya!
Naalala ko bigla na hindi ko pa pala nasasabi kay Debena ang tungkol kay Zelo.
Kinuha ko na ang phone ko at nakita ang huling chat nya sa akin
Divina Mariel
At dahil ayaw mong sabihin kung ano ba talaga nangyari, We're on our way to Baguio right now. I'm with Alexa. Text me the address of the hospital. Here's my number. 09156******
Shit! Debena naman!
----
SOMEONE'S POV
"Bakit hindi nyo pa tinuluyan?! Hindi ba't ang sabi ko sa inyo, bugbugin nyo hanggang sa mamatay?! Bakit binuhay nyo pa?! Mga wala kayong kwenta! Mga peste!" Sigaw ni boss sa mga tauhan nya.
Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw nya sa mga tauhan na nasa harapan nya ngayon.
"Sinong nagdala sa kanila dun sa hotel?! Tangina pano kung nahuli kayo?! Wag na wag nyong mabanggit banggit ang pangalan ko! Magsilayas na kayo bago pa ako mawalan ng kontrol at patayin kayo isa isa!" Huli nyang sigaw bago isa isang umalis ang mga tauhan nya.
Napahawak naman siya sa sentido nya at hinilot ito.
Lumapit naman ako sa kanya at kumandong.
"Relax lang. Wag kang mag alala, wala naman silang maaalala paggising nila." Sabi ko habang hinaplos ang mukha nya.
Ngumiti naman ako at ganun din sya. Sinigurado kong hindi maaalala nila Zelo ang lahat ng nangyari sa gabing yun.
Hinalikan ako ni boss kaya naman binawian ko rin ito ng mapusok na halik. Balak nanaman niyang punitin ang blouse ko nang pigilan ko ito.
"Not now boss, I'm still sore" sabi ko sabay smack ulit sa labi niya.
Napasimangot naman siya
"Naenjoy mo naman ata ang gabi kasama ang lalaking yon." May tampong saad nya
Niyakap ko naman siya at di nalang nagsalita.
Patawad boss.
Patawad dahil hindi ko hahayaang patayin mo sila just because of your fvckin' selfish reason.
----
HAPPY 5K READS!! ♡ Omg malapit nang mag1k votes! Huhu kilig nanaman ako :< SALAMAT NG MARAMI BAAAABSTERS! ♡
Ngayon palang magpapaalam na ako sa inyo, I have my work naaaaaa. So it means, bihira na ako makakapag update. :( BUT DON'T WORRY, AS MUCH AS POSSIBLE, EVERY MAY TIME AKO, MAGSUSULAT AKO NG UPDATE. DI NA AKO MAGPAPAHINGA. PARA SAINYO. GANON KO KAYO KAMAHAL HAHA! tnx for understanding! 😘
~foreverbaaaabs ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top