AGKWC 31 - DRUGGED?

KRYSTAL FORTALEJO

"Mga sisterakas! Bago tayo bumalik sa pagrereview, maglaro muna tayo!! Hehehehe" That punk named Vendric.

Katatapos lang kasi namin kumain and as usual, after kumain, nabubusog. And pag nabubusog, natural aantukin ka. So we need to make a way para hindi antukin. So I think, I have to agree to him on this.

"Bumalik sa pagrereview?! Talaga lang huh? Eh tulog mantika ka nga lang kanina. Wala kang nireview unggoy!" Sigaw ni Lex kay Dric.

Bakit ba kanina pa tong dalawang tong nagsisigawan dito sa pamamahay ko?!

Bigyan ko kaya sila ng tig-isang kutsilyo dyan nang magpatayan nalang sila. Tangina.

"Talaga? Sigurado ka? Bat nakikita mo ba laman ng utak ko ngayon?!" Pabalik na sagot naman ni Vendric.

"Wala. Walang laman ang utak mo kundi puro hangin! Che!" Busangot at padabog na umalis si Alexa at pumasok muna ng CR habang kaming apat ay naiwan dito sa sala.

"Haynako pikon ang panda na pandak!!" Pahabol na sigaw ni Vendric na sinagot ulit ni Alexa ng isa ring sigaw "Pisot ka namang unggoy ka!!"

What the heck is pisot?

"Tama na nga yan Dric. I-explain mo nalang kung anong laro ba yang sinasabi mo." It's Divina.

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Roxie at Divina matapos makita ang facial expression ni Vendric na maka-tindig balahibo.

That smile is so creepy that I wanna pluck out his teeth!


"Krystal, it's your turn. Truth or Dare?" Tanong sa akin ni Roxie.

Yes. We are playing Truth or Dare. Papaikutin ang plastic bottle sa gitna at kung sino ang maituro nito, ay syang mapapapili kung truth or dare ang kanyang sagot.

Tapos na si Roxie kanina na ang pinili ay Dare kaya naman inutusan sya ni Vendric na kumuha ng tubig para sa kanya dahil daw nauuhaw sya.

Odiba? Napakawalang kwenta ng dare nya. Tangina di manlang pinahirapan, makasarili talaga.

And isa pa, hindi talaga ako komportable sa lalaking yan! Iba kung tumitig. Kinikilabutan ako!

Sumunod na naituro si Vendric at truth naman ang pinili nya kaya si Divina ang nagtanong sa kanya.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Zelo? Kayo lang ba ang magkaibigan? Or may iba pa sa grupo nyo?"

Bigla naman nawala ang pagkasigla ng mukha ni Vendric.

"Since first year college, magkaibigan na kami ni brader. So mag-3 years na pagkakaibigan namin." Sagot nya na nanatili pa ring malungkot at nakatingin sa sahig.

"Parang dugang! Bat malungkot ka dyan?" Tatawa-tawang tanong ni Roxie.

Itinaas namang muli ni Vendric ang ulo nya at nagsalita.

"Kasi naman, hindi lang ako ang kaibigan ni brader. May dalawa pa. At mas nauna sila na nakilala si brader."

Anong nakakalungkot dun?

"Sino yung dalawa? Bat kayong dalawa lang ni Zelo ang magkasama? LQ kayo nung other two?" Sa wakas ay nagtanong na rin si Divina.

Mula kasi ng nagstart kaming maglaro, hindi na sya umiimik at nananatiling tahimik.

Although, ganoon rin naman ako. Lol.

"Si Blue, ang kaibigan ni Zelo since nasa States pa sya. At si Sky naman, ang kababata nya. Si Blue ay nasa States kaya di namin sya nakakasama at hindi pa namin sya nakikita ni Sky. Si Sky naman, ibang school kasi sya kaya tuwing weekends lang namin sya nakakasama."

Napatango nalang silang lahat sa sinabi ni Vendric.

Samantalang ako.....

May naalala bigla sa kanyang sinabi.

Aish! Krystal shut your utak out!

"Tapos ngayon, inagaw nanaman ni Sky si Zelo!!! Huhuhu. Dapat kasama natin sya dito eh!" Pagmumuryot ni Vendric.

"May pahabol akong question. Crush mo ba si Alexa?" Straightforward na tanong ni Roxie.

Yung mukha naman nilang dalawa ay biglang sumama at may usok pa atang lalabas mula sa kanilang mga ilong.

Haha. They look funny.

"DUH?! HINDI AH!"

"EWW! ANO BA ROXIE!"

Sabay na sigaw ni Alexa at Vendric. Psh, guilty.

Natawa naman sila at napasmirk na lang ako. Tss.

And now, it's my turn.

"Krystal, it's your turn. Truth or Dare?" Roxie asked me.

Hmm, what willI choose?

Oh damn, pinag-iisipan pa ba yan? Lol.

Dahil tinatamad ako....

"Truth" sagot ko kay Roxie.

Iniintay ko naman na magtanong si Roxie sa akin ng biglang sumabat si Vendric.

"Crush mo din ba ako, Krystal lalabs? Hehehehe." Na nakatingin sa akin ngayon.

Duh.

I don't have a crush.

Napaka-immature ng crush crush na yan.

Kunwaring crush tapos mauuwi sa love then pag minahal mo na, tsaka ka iiwan mag-isa.

Kaya, fck love!

"Hindi." Sagot ko kay Vendric tsaka sya kinusilapan.

Lumungkot nanaman ang mukha nya na parang batang inagawan ng lollipop. Psh childish.

"Krys" tawag sa akin ni Divina kaya naman napalingon kami sa kanya.

"Ako magtatanong sayo." Sabi nya ng nakangiti.

Bakit bigla akong kinabahan?
Ugh, stop that Krys. Walang nakakakaba. Tss.

"Okay." Sagot ko sa kanya.

"Krys, who is the real you?" Tanong ni Divina na nagpa-nganga sa aming lahat.

What the fck is her question?!

Anong klaseng tanong yun?!

Who is the real me?

What does she mean?!

"What do you mean?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"You know what I mean." Sagot naman nya sa akin.

Gosh!

Ano bang pinagsasabi nito?!

"What happened in the past that made you like that, Krys?" Sunod na tanong ni Divina.

Ahhh!

Hindi ko nagugustuhan ang atmosphere ngayon.

It feels like I'm in a hot seat!

And it feels like crap.

"Hindi kita maintindihan. This is the real me. Wtf are you talking bout." Sagot ko nalang sa kanya.

She's being weird out of the blue.

Parang gusto ko nalang atang tahimik na lang sya gaya kanina. Tsk.

"No. That is not the real you." Seryosong sabi sa akin ni Divina na nakatitig sa akin ng maigi.

Babalatan ba nya ako?!

Pero agad din naman itong ngumiti na dumagdag sa kacreepyhan nya ngayon.

"But don't worry. I'll make sure I can bring back the old you. And.... kung hindi ka handang sabihin samin kung ano nangyari sa past mo, we'll wait till you are ready." At ngumiti ulit.

Fck! Nauuhaw ako.

Tubig!

"Para kang tanga. Napaka weird mo." Sabi ko nalang tsaka tumayo at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

Napaisip ako bigla. Does she know something already? About my past?

Pero imposible!

Tsk. Napaparanoid ka lang Krystal!

Bumalik na lamang ako sa sala at si Alexa na pala ng naituro.

"Dare!!" Sigaw nya.

Oh, game na game talaga sya larong ito huh?

"Okay sige! Since dancer ka naman....." pabitin na sabi ni Roxie.

Naka-abang lang kami sa sasabihin ni Rox.

And napasulyap ako kay Divina na ngayon ay nakangiti pa rin. Shit, Divina why are you like this? Do you really know something?

"Sumayaw ka ng sexy dance sa harap ni Vendric."

Lumaki naman ang mga mata ni Alexa at ganun din si Vendric.

"What?! Hell no! Roxie nananadya ka na eh!" Reklamo ni Alexa.

"You chose dare. So dinadare lang kita. Arte neto." Pagkusilap ni Rox kay Lex.

Lol.

"Ayoko! Mag-isip ka ng ibang dare! Wag lang related sa unggoy na ito!"

"Psh. Sasayaw ka lang naman pandak. Gawin mo na. Wag kang mag-alala, hindi ako tatayuan sayo." sabi ni Vendric.

Nagulat naman kaming lahat sa sinabi nya. What the fck. Casual lang talaga nyang sinabi na hindi sya tatayuan ah?

"Manyak!" Sigaw ni Alexa at namumula na sya ngayon.

Psh.

"Alam mo Lex, kung wala ka talagang malisya kay Vendric, gagawin mo ang dare ko. Kaya lang mukhang may malisya ka kaya sige iibah--" hindi na natuloy ni Roxie ang kanyang sasabihin kasi sumigaw na si Alexa.

"Oo na! Sige na! I'll do it! Argh!"

Lol. Gagawin din pala. Nag-inarte pa.

Tumayo na si Alexa at tumapat sa harap ni Vendric.

"Para mas better, dapat may music." Naka-ngiting pilya na Roxie.

Nagplay na ang music at nagsimula nang magsexy dance si Alexa sa harap ni Vendric.

Haha! Ang sarap tumawa ng malakas! But the heck I won't and I shouldn't. I don't want them to see me like that.

Mukhang tuod naman si Vendric ngayon na nakatingin lang kay Alexa pababa sa katawan ni Alexa na sumasayaw ngayon.

Nakakailang lunok na sya at namumutla na. Haha! Mukhang naaarouse pa ata ang ugok.

"Hep hep hep! Tama na yan Lex. Kawawa si Vendric. Mukhang sumisikip na ang pantalon. Pfft." Tatawa tawang sabi ni Rox at sabay sabay naming tinignan ang pantalon ni Vendric at sa may down there. Tangina, hindi pala tatayuan ah?

"C-cr lang ako" pagkasabi nya ay agad syang tumakbo na muntik pang matisod papuntang CR.

"Haha! Galing mo girl ah, mukhang naarouse mo. Lol" sabi ni Roxie habang siniko si Lex.

"I know right. No one can resist me noh. The best dancer yata to ng F4!" Pagmamalaki naman ni Alexa na inirapan ko lang.

"You're the only dancer Alex." Sabi ko na lang at umirap nalang ulit.

So ngayon ay hindi na pinaikot yung bote dahil si Divina nalang naman ang hindi pa nakakapagtruth or dare.

So sya na ang tinanong ni Rox.

"Truth." Sabi niya ng nakangiti.

This time, I think ako naman dapat ang magtanong sa kanya.

"Ako ang magtatanong." Inunahan ko na si Rox sa pagsasalita.

Napatingin naman sila sa akin at ako kay Divina.

"Why are you acting weird right now? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Then you asked me who's the real me. What the fck is happening?" Tuloy tuloy kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin na akala ko'y hindi nya ako sasagutin.

"Zelo has just confessed his feelings for me." Pagsabi ni Divina na talagang nagpanganga sa aming lahat.

Zelo??

Confessed his feelings?

Btw, sino na nga ulit si Zelo?

"Si brader?! Umamin na sayo?! Akalain mo nga naman!! Sa wakas! Nagkabirdie na rin sya!" Sigaw ni Vendric na kalalabas lang ng CR. Psh. Ang tagal ah.

"Umamin na sya? Omg! Anong sinabi mo? At, kelan pala umamin? Paano?" Alexa.

"Kasasabi lang nya. Kanina nga daw umamin!" Pasigaw na sabi ni Rox kay Lex.

"Sa chat. Umamin sya. Actually matagal ko na ring napapansin na nilalandi nya ako. But hindi ko lang masyadong pinapansin dahil ayoko namang mag-assume." Paliwanag ni Divina.

Odi sya na ang may lovelife. Psh. Don't get me wrong! Hindi ako naiinggit.

"Eh ano sinabi mo?" Rox.

"W-wala. Ano ba dapat kong sabihin?" Nauutal pa talaga huh? -___-

"May feelings ka rin naman ba kay Zelo?" Tanong ulit ni Rox na nagpatahimik kay Divina.

"I honestly don't know." Malungkot na sabi nya.

"I mean, oo gwapo sya, matalino, sweet kahit na maypagkacold ng madalas, but hindi ko talaga alam kung gusto ko rin sya. Kasi.... may gusto akong iba." Pagsabi ni Divina.

Nagulat naman kaming lahat sa sinabi nya dahil wala naman syang naikwekwento sa amin na may boyfriend or manliligaw sya. So who's that guy na tinutukoy nya?!

"Oy girl! Don't you dare make agaw to my Leon ha! Friendship Over tayo pag ganyan!" Sabat naman ni Alexa

"Anong my Leon ka dyan. Hindi sya sayo. May gf na yun. Wag kang nang-aangkin ng pagmamay-ari na ng iba." Sermon ni Roxie.

Ay wow.

"Sino naman yung nagugustuhan mong iba, Debena?" Seryosong tanong ni Vendric. Aww. Mukhang nalukungkot sya para sa kanyang kaibigan.

"It's my childhood friend. Na ngayon ay hindi ko alam kung nasaan. But, I still like him. Miss ko na sya." Ohhhh. Just like me, she can't love because nakatali pa rin sya sa nakaraan.

Haaaaay.




"Bye Krys! Thanks sa aampon mo sa amin ngayong araw! Hihi. Nag-enjoy ako sa group study!" Alexa.

Yeah, it's already 5pm at dahil napagod na ang mga utak namin sa pagrereview, ay ako na mismo ang nagpauwi na sa kanila.

"Saan ka nag-enjoy? Sa sexy dance?." Sagot ko kaya naman sumimangot syang muli. "Kidding"

"Wahhh Krys lalabs! Friends na tayo mula ngayon ah! Wag kang snob sa school pag nagkita tayo ah?! Hehehe. Alabyu!" Vendric. Psh.

"Whatever Silva." Sabi ko nalang.

"Bye girl!" Rox at bineso beso pa ako. Wow. Tinulak ko tuloy.

"Aray naman Krys! Haha!" Sigaw nya sakin. Kinusilapan ko na lang.

"Krys..." And now magkatinginan nanaman kami ni Divina.

"Yung sa sinabi ko kanina. I mean it. Ibabalik ko talaga ang tunay na ikaw. Gusto kong maging parte ako ng magiging dahilan ng pagbalik mo sa dating ikaw. Ang totoong ikaw." Nakangiting saad ni Divina.

Aish! Tumatayo nanaman ang balahibo ko.

Bakit ba ganito sya magsalita?!

"Kindly stop that Ina. Nakakairita." Pagrereklamo ko sa kanya pero tinawanan lang nya ako at tsaka niyakap.

"I love you bestie" bulong nya sa akin.

"Wooooy teka! Bat kayo lang ang nagyayakapan?! F4 diba?!" Nagtatampong saad ni Alexa.

Tumawa lang si Divina at inaya na rin sila na mag group hug.

Nag group hug naman kaming apat.

"Oh Dric, sali ka na. Dito ka sa tabi ni Lex haha!" Pang aasar ni Divina. Haha.

Hanggang ngayon kasi, hindi nagkikibuan si Alexa at Vendric. Unlike kanina na todo kung sigawan ang isa't isa. Lol.

"H-hindi na. D-dalian nyo nalang dyan. Nauuwi na ako." Nauutal na sabi ni Vendric. Halaaaaa haha.

Natawa nalang kaming apat. Well except kay Lex na namumutla na rin.

Lumabas na si Rox, Lex at Vendric ng apartment ko pero bigla kong hinarangan si Divina.

"Bakit?" Tanong nito sa akin.

Napasmirk naman akong tumitig sa kanya.

"You're forgetting something." Sabi ko sa kanya at nanatiling nakasmirk.

Nagtaka naman sya at tinitigan ako ng may question mark sa mukha nya.

Dahil mukhang hindi nya talaga maalala, inilahad ko nalang ang kamay ko sa harap nya.

"Ibigay mo na." Sabi ko sa kanya back to my cold aura and face.

Mukhang naintindihan na nya.

"Haha! Akala ko makakalimutan mo. Grabe ka talaga. Adik." Tatawa tawang sabi nya. Tsaka naghalungkat sa bag nya at nang nakita na nya ay inilagay na nya sa kamay ko na nakalahad.

Inilagay nya ang hellokitty ballpen at hellokitty small notebook.

"Ballpen at notebook talaga? I'm not a writer like you. Tss." Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ito.

"Gamitin mo nalang. Haha! Write your own story. Parang diary ganun. Haha." Sabi nya sa akin.

Duh, sa katamaran kong ito, hindi ko forte ang pagdidiary.

"Whatever. Sige umalis ka na. Bye na. Salamat dito." At tinulak tulak na sya palabas ng apartment ko.

"Bye bye!!" Sabay sabay nilang sigaw palayo sa apartment ko.

------

ZELO ANGELO

7:10pm

"Mukhang andyan na sila" biglang salita ni Sky ng nakangiti ng abot tenga. Na hindi ko kinatutuwa.

Who the hell is he talking about? Sinong sila?!

Pagkaparada ng sasakyan na itim sa harap namin ay bumukas na ang pintuan at inilabas si....

Fck?!

"Hey Dude! It's been a long time!" Masayang bati nito sa akin na kumaway pa.

Samantalang ako ay nanatiling nakatayo at pinagpapalit palit lang ang tingin kay Sky at sa lalaking kakalabas lang ng sasakyan.

"C-collins?" Tangina?! Tama ba tong nakikita ko?!

Nandito na si Blue Collins?!

Nandito na ang womanhater kong kaibigan?!

But kailan pa?

"Ganun lang? Wala bang welcome hug dyan?" Ani nito at ipinapalapit ako sa kanya.

Taena?! Marunong na rin syang magtagalog?! But his accent still sucks. Lol.

"Ikaw ang yumakap gago!" At pagkasabi ko nun ay agad syang tumawa at agad yumakap sa akin ng napakahigpit.

"Oh God I missed you dude!" Sabi nito sa akin habang di pa rin umaalis sa pagkakayakap sa akin.

Nanatili rin akong nakayakap sa kanya at unti unti kong namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

Tangina, nakakabakla mang aminin, pero fck I missed this punk right here!

It's been 3 years since huli naming magkita. At yun ay nung nasa States pa ako. Siya ang tanging nakaintindi sa akin ng mga panahong galit na galit ako kay Dad at sa sarili ko. The night I broke up with Faye.

"Baka gusto nyo ding maghiwalay? Baka lang naman hehe." Narinig kong sabi sa amin ni Sky. Da fck! Andito nga pala sya.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Blue at agad tumingin ng masama kay Sky.

"Oh, bat ganyan tingin mo sa'kin tropa?" Tatawa tawang sabi ni Sky sa akin.

Narinig ko ring napatawa ng mahina si Blue.

Dahil sa inis ko, sinuntok ko sa sikmura ang dalawang ugok na ito.

"T-tangina?!"

"Shit dude!"

Sunod sunod nilang angil matapos ko silang suntukin.

"Tangina nyo! Lalo ka nang langit ka! Bat di mo sinabi sa aking umuwi na si Blue?!" Bulyaw ko kay Sky na hawak hawak pa rin ang sikmura at kita mo pa rin sa mukha nya ang sakit.

"Eh tol, surprise nga diba?! May surprise bang sasabihin?!" Sabagay. He has a point. But tangina nya pa din!

"So this is the surprise you're talking about?" Tanong ko kay Sky.

At nagtinginan sila ni Blue at parehong nag-grin. Okay? Calm me friends, I'll kill them!

"Actually there's more." Ani ni Blue at saktong pagsabi nya nun ay bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko kung sino ang nakasakay sa driver's seat.

"KUYA Z!!!!!!!!!" matinis nyang sigaw na dahilan para mapatakip kaming tatlo sa aming tenga.

Pero teka....

Is that Briana?!

Oh shit! Umuwi na rin si Briana?!

"Bri?! Umuwi ka din?!" Pasigaw kong tanong sa kanya habang nakasilip pa rin sa loob ng sasakyan.

"Bat parang ayaw mo kuya?" Napawi ang kanyang masayang ngiti at napalitan ng lungkot at pout.

"No it's not like that, God sis! I missed you so much! Halika nga! Let kuya hug you" at pagkasabi ko nun, agarang lumabas si Briana at niyakap ako.

Hinalikan ko naman ang buhok nya. Oh shit,namiss ko ang kapatid ko.

"Pwede bang mamaya na magmoment? Gutom na ako eh." Sky. Yung totoo?! Wala naman si Vendric dito pero bat parang sinapian nya si Sky?

Tumawa nalang si Blue at Briana pero ako? Kinusilapan ko lang ang ugok.

Akmang babalik na sana si Briana sa may driver's seat ng hawakan ko ang braso nya para pigilan sya.

"Who told you to drive? You're still a minor. Tatabi ka sa akin." Pagkasabi ko nun ay nakita ko namang syang bumusangot ngunit hindi na umangal at nagpahila nalang sa akin.

Blue's now in the driver seat, Sky in the passenger's seat while kaming dalawa ni Briana ang nasa likod.

"So... begin." Sabi ko pagkaandar ng kotse.

Napatingin naman silang tatlo sa akin na parang hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Walang mag-eexplain?" Tanong ko muli at mukhang naintindihan naman na nila ang ibig kong sabihin.

Si Briana na ang sumagot.

"Ganito kasi yan kuya Z." At huminga muna ng malalim bago nagsalitang muli.

"Actually si Kuya Blue lang naman talaga dapat ang uuwi dito sa Pilipinas. Yun kasi yung hiningi nyang gift sa parents nya. Ang makarating dito sa Pilipinas. Eh itong cute at maganda mong kapatid, nakichismis at nalaman ang pag uwi ni Kuya Blue, edi ayon! Pinilit ko si dad na magbakasyon din ako dito. Hehe."

Ohh. So they're on their vacation na agad? Samantalang kami, mageexam palang for prelims next week!

Oh fck! Exam nga pala next week! Shit di ako nakareview ngayon. Dibale, I have my time to review tomorrow.

"And then?" Tanong ko ulit.

"And then, I pm-ed Sky on his facebook account to let him know that I'll be here in the Philippines." Sabi ni Blue.

Agad nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"What?! You informed Sky but you didn't inform me?! Tangina sino ba nauna mong kaibigan saming dalawa?!" Hindi ko na napigilan at napataas na ang boses ko. Hinawakan naman ni Briana ang dibdib ko

"Kuya, kalma ka nga. Di pa tapos mag-explain." Sabi nito sakin. Napasandal nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"I pm-ed Sky, because I want Sky to help me in surprising you. And I think it worked. Haha!" Sabi nito at tsaka naman ako napatingin kay Sky at nag peace sign nalang sakin at ngumiti.

Kung hindi lang sya singkit, malamang I plucked out his eyes sa sobrang inis!

"At sya rin ang nagsabi na sa Baguio tayo magkita kita, tama ba?" Tanong ko sa kanila.

"Tama! Hihihi!" Tawa ng kapatid ko.

"Tangina mo Sky. Gago ka." Pagmumura ko sa kanya.

"So kelan pa kayo dumating?" Tanong ko.

"Yesterday. " Sagot naman ni Blue

"Saan ka manunuluyan ngayon?" Tanong ko sa kanya at tinitigan naman nya ako at nagbeautiful eyes.

No! Not in my apartment!

"Tinatanong pa ba yan? Syempre sa inyo Zelo! Haha!" Tawa ni Sky na konti na lang tatanggalan ko na ng ability to breathe.

Pero mukhang wala na akong magagawa kundi patirahin si Blue sa apartment ko. Tsk.

"How many days?" tanong ko.

"One week" sabay na sagot ni Briana at Blue.

One week?! Oh Gosh. Ang tagal naman pala -__-



We have finished eating dinner at ngayon ay nandito na ulit kami sa loob ng sasakyan.

Time Check: 9:30pm

"So where to go next?" Tanong ni Briana.

Lihim na napangiti lang sila Blue at Sky na hindi ko nanaman nagugustuhan.

Mayamaya pa'y nandito na kami sa isang bar dito sa Baguio.

Oh shit, oo nga pala magbabar nga pala kami. Lalo na't nandito ang Langit na naghahanap ng langit na pakiramdam. Tss.

"Ibalik nyo ang sasakyan." Sabi ko na ikinataka ni Blue at Sky.

"Why dude?" Tanong naman ni Blue.

"Gago ba kayo? Briana's still here. Iuwi muna natin sya. May hotel naman siguro kayong nacheck-inan dito diba?" Sagot ko sa kanila.

"Pero kuya! I'm already 15. I can go to clubs na ya know" kontra sa akin ni Briana pero tinitigan ko lang sya pabalik.

"Kahit na. Minor ka pa din. And I'm your Kuya so ako ng masusunod. And my decision's final. Hindi ka sasama." Agad na sumimangot si Briana and she crossed her arms at kinusilapan ako.

Hay maypagkamatigas kasi talaga ng ulo tong kapatid ko.

Ibinaba muna namin si Bri sa hotel and after tsaka kami bumalik sa bar.

"Oh yeah damn! Naaamoy ko na ang amoy ng langit! Hahaha!" Sigaw ni Sky pagkalabas ng sasakyan.

"Calm your d*ck, Sky. Haha!" Patawang sabi ni Blue.

"Ingay nyo. Tara na" Sabi ko at nanguna nang pumasok sa bar.

Dito palang sa bungad ay amoy mo na agad ang iba't ibang klaseng amoy. Amoy sigarilyo,vape at alak.

At pagkapasok mo, maraming nagsisipag-halikan sa hallway pa lang. Ugh! What the?! Can't they get a room?!

Habang naglalakad ako ay may nakabunggo sa akin na isang lalaking mataba at kalbo na may dragon na tattoo sa kanyang kanang braso.

"Ano ba?! Gago ka ah!! Ano ba gusto mo, away?!" Mayabang na sigaw nya sa akin. And tangina, ambaho ng hininga nya. Amoy alak, sigarilyo at bulok na ngipin!

Tinulak tulak nya ako pero hindi ko lang sya pinapansin at hindi rin ako nakatingin sa kanya.

Naramdaman ko namang si Sky at Blue ay inaawat na ang matabang lalaking ito.

"Put your hands off me." Malamig ngunit madiin na sabi ko sa kanya.

Ngunit ang baboy ramong ito ay hindi nakinig at hinablot pa talaga ang kwelyo ng hood ko.

Napansin ko namang nagsisiramihan na ang mga taong nanonood sa pesteng eksena na ginagawa ng baboy na ito.

"Hindi mo ba ako kilala ha?! Mayabang ka bata! Hindi mo kilala kung sinong kinakalaban mo--"

"I said, put your hands off me." Hindi nya natuloy ang kanyang sinasabi dahil binara ko ito.

But still, di pa rin nya ako binibitawan.

Oh. Pinupuno nya ang pasensya ko ah.

"Alam mo bata, bilhan mo nalang ako ng yosi dun sa labas. Dali. Hahahaha" at tumawa pa sya ng napaka pangit.

Huminga ako ng malalim at tinitigan sya at binigyan sya ng makahulugang smirk.

"I guess, you want this." At pagkasabi ko nun, agad ko syang sinuntok sa panga na dahilan para mabitawan nya ako at mapadausdos sa sahig.

Akmang tatayo na sana sya ulit para makaganti pero sorry sya dahil mas mabilis ako sa kanya kaya naapakan ko agad sya sa may tiyan nya at agad ko syang tinadyakan

Rinig ko rin ang kanyang ungol dahil sa sakit.

But I'm not done yet. Umupo ako sa may tiyan nya at pinaulanan sya ng suntok sa mukha.

Naramdaman ko namang pinipigilan na ako ni Blue at Sky sa pamamagitan ng pag hawak sa magkabila kong kamay.

"Lesson learned asshole. Pag sinabi kong bumitaw ka. Bumitaw ka. I'm telling you, don't mess with me ever again." Huling sabi ko bago tumayo at umalis.

Kita naman sa mukha ng mga taong nasa paligid ang iba't ibang emosyon. May mga natakot, namangha at ang iba'y mukha pang naakit. Tss.

"Uy tol! Galing mo kanina ah! Paturo naman ng mga moves dyan oh haha! Grabe, di manlang sya nakasuntok sayo haha!" Sambit ni Sky na papuntang VIPRoom. Oh so sa VIP room pala kami ah?

"I'm now literally afraid of you dude. Haha" sabi pa ni Blue. Tss mga sira.

Pagkapasok namin sa VIP room ay nakahanda na ang mga alak at pulutan.

Wow.

Umupo na ako sa sofa at ganun din si Sky at si Blue.

Dali daling tinungga ni Sky ang nakahain na tequila sa mesa.

"Wahhh! Ang sarap!" Sabi nito na ikinatawa nalang ni Blue.

Nagsi-inom na rin naman kami ni Blue.

Ilang minuto ang nakalipas ng magsalita si Sky.

"Oy pareng Blue, nasaan na yung mga nireserve nating chicks? Hehehe. Diba ito yung last surprise natin kay Zelo" sabi ni Sky na naglaklak ulit ng hindi ko na alam kung anong alak yon dahil mabilisan nyang nainom tsk

Pero teka? Surprise nanaman?

"Oh yeah I forgot! Wait, ipapatawag ko." Sabi ni Blue at lumabas saglit ng VIP Room.

Maya maya'y bumalik na sya at may nakasunod sa kanyang tatlong babae na sobrang konti ng tela na konti nalang ay mahuhubaran na sila.

I just don't get the point of wearing those garments. Like, nagdamit ka pa kung wala rin lang matatakpan. Sana naghubad ka nalang tss.

"Guys, here they are. Our ladies for this night. Haha! Ladies, have a seat." Pag-aalok ni Blue sa mga babae.

Umupo naman ang tatlong babae at ang isang sexy na maganda na may mahabang buhok ang tumabi sa akin at kinindatan ako.

"Woah, di nga ako nagkamali! Mukhang mas magaganda mas fresh at mas masarap ang mga putahe dito! Haha!" Sabi ni Sky habang kinandong na yung isang babae.

"Teka teka! Let them introduce themselves first!" Pag-awat ni Blue.

Ako ay nanatili lang tahimik at lumalagok lang ng alak.

Nauna nang nagsalita ang nasa tabi ni Blue "Hi, I'm Cresnie. But you can call me Honey" sabay kindat kay Blue.

At ang gago kumindat din pabalik! Landian?!

Sumunod naman ay ang babaeng kanina lang ay kandong ni Sky.

"Hi sweetie, I'm Alexandra." Kumindat din ito at may pahawak sa dibdib ni Sky. At ang gago, parang nagugustuhan pa!

"Alexandra. Kasing ganda mo ang pangalan na yan. Pero mas maganda ang pangalan ko. Dadalhin kita sa pangalan ko." Sabi ni sky na ikikunot ng noo nung babae.

"Dadalhin kita sa langit. I'm Sky." At naglip bite pa ang gago kaya naman si Alexandra ay narinig kong tumawa ng malandi. Tss.

And now the lady on my right's turn.

Hinawakan nya ako sa aking hita bago nagsalita

"Hi babe, I saw the scene earlier. I think, I like you. By the way, I'm Klaire." Sabi nito at malanding hinaplos ang dibdib ko.

Agad ko namang tinanggal ang kamay nya at kinusilapan sya. uminom nalang ako ulit.

Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng pagkahilo

"T-tol, bat parang nahihilo ako. Konti palang naman naiinom ko ah" narinig kong sabi ni Sky.

"Me too. Tsaka parang ang init. Ang init talaga." Sabi rin ni Blue na nagtanggal na ng jacket na suot nya kanina.

Unti unti nang lumabo ang mga mata ko at ang huli kong nakita ay ang mukha ni Klaire na naka ngiti.

"Sleep now babe, You'll enjoy me later."

Then everything went black.

----

A/N: Sky Lawrence on the media 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top