AGKWC 30 - THE ARRIVAL

DIVINA MARIEL

Mag-aalas dose na ng tanghali  pero wala pa ring Zelo Angelo na dumarating.

Akala ko ba susunod sya?

Tss. Paasa naman huhu.

Binitawan ko muna ang reviewer ko at sinilip ang mga kasama ko.

Si Roxie ay nakita kong tutok na tutok sa kanyang pagcocompute ng kung ano. Grabe ah. Gigil na gigil sa calculator? Haha.

"Chill Rox, baka maperfect mo na exam sa Monday. Haha" pagsabi ko kay Rox at napatingin lang ito sa akin ng saglitan at bumalik na sa pagcocompute.

Aba. Parang desidido talagang  maka-perfect. Haha.

Sunod ko namang tinignan ay si Alexa.

Wow. Ang bruha, since kaninang nag umpisa kami, di na sya nakaalis sa first page ng reviewer nya.

Yung totoo?!

"Lex, kanina ka pa dyan ah? Uso magmove on. Ay este mag move forward." Pagbibiro ko sa kanya pero nakatanggap lang ako ng kusilap mula sa mga mata nya.

Argh!

Si Vendric naman.

Gago lang?

Ubos na yung nasa mug na milo nya. And guess what?

Tulog ang walanghiya!

Nakahilata sya ngayon sa couch. Nakanganga pa! Lol. Sarap picture-an. Teka nga, kunin ko phone ko para may pangblackmail ako. Haha!

Agad ko itong pinicture-an at sa kasamaang palad, naka-on pala yung flashlight!

P-pero ang Vendric, di manlang nagising.

Tulog mantika ang walang hiya.

Palihim naman akong napatawa ng makitang maganda ang pagkakakuha ko ng litrato nya. Haha!

At ang huli kong tinignan ay si Krystal.

She's wearing her earphones while reading her notes.

Grabe talaga tong babaeng to. Sobrang introvert. Wala manlang ka social social life!

Bumalik na lang ako ng tingin sa cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Zelo kung online sya at nakita kong online sya. Sakto.

Divina Mariel

Uy Zelo, where na u? Sabi mo hahabol ka?

Divina Mariel

12 na. Wala ka pa din.

Divina Mariel

Pupunta ka pa ba?

Zelo Angelo

Hey.

Zelo Angelo

You're waiting for me?

Divina Mariel

Syempre naman. Sila din, iniintay ka.

Zelo Angelo

I don't care about the others. What I care about is you.

Zelo Angelo

Tss. Wag ka masyadong kiligin.

Divina Mariel

Luh? Sino bang may sabing kinilig ako? Haha baliw.

Zelo Angelo

Baliw sayo.

Divina Mariel

Hay ewan ko sayo Zelo. Ano nga kasi? Susunod ka pa ba? Dala ka foods!

Zelo Angelo

Sorry.

Zelo Angelo

I think, I can't come.

Divina Mariel

Hala? Eh bakit? :(

Zelo Angelo

May peste kasi akong kailangang patayin.

Zelo Angelo

Nagtitimpi na nga lang ako. Sarap manapak.

Zelo Angelo

Share ko lang.

Divina Mariel

Pfft. Haha. Bat ang cute mo.

Divina Mariel

At sino naman yang gusto mong patayin?

Zelo Angelo

Langit.

Divina Mariel

Ha? Anong langit?

Zelo Angelo

Nvm.

Zelo Angelo

Btw, kumusta naman kayo dyan? Did the group study went well?

Divina Mariel

Eto. Sarisariling review ang nangyari. Tsk. Yung group study naging individual study haha!

Divina Mariel

At yung bespren mo, tulog.

Zelo Angelo

Tsk. I knew it.

Zelo Angelo

Ano pa bang aasahan mo dyan sa ugok na yan.

Zelo Angelo

Tulog mantika yan btw.

Divina Mariel

Ikr! Haha.

Zelo Angelo

Okay then. Gtg. Sorry ulit. I'll be sending foods nalang dyan.

Zelo Angelo

Abangan nyo na. Ipapadeliver ko na lang dyan.

Divina Mariel

Hala seryoso? Omg. Joke lang kaya yon.

Zelo Angelo

Ayaw nyo? I can cancel it.

Divina Mariel

Hehehe. Tatanggi pa ba kami sa libre? Haha! Thank you Zelo!

Divina Mariel

Ingat ka.

Divina Mariel

Sana mapatay mo si langit.

Divina Mariel

Hahaha joke hihi.

Zelo Angelo

Don't worry. I will.

Zelo Angelo

Ingat din kayo dyan. Lalo na ikaw.

Zelo Angelo

Papatayin ko talaga to. Tangina.

Divina Mariel

Haha! :))))

-----

Kawawang langit kung sino man sya. Haha! Patay ka kay Zelo!

Pinatay ko na ang cellphone ko at nagsalita

"Guys! Breaktime muna tayo! Tanghali na oh. Don't worry may nagpadala naman ng foods natin eh hihi. Libre!!"

Napalingon naman silang lahat sa akin. Well... except for Vendric.

"Aish! Ang sakit ng braincells ko huhuhu. Ang hirap magmemorize!" Pagrereklamo ni Alexa habang nag-uunat ng mga kamay.

"Wow. Talaga lang ah? Nahiya ako sa first page lang ang nareview." Panunutya ni Rox na binitawan na rin ang pudpod na calculator nya.

"Anyenyenye" pagme-make face ni Alexa kay Roxie.

"Stop fighting. Mukha kayong tanga. Yan lang, pag-aawayan nyo nanaman." And yeah, ayan na si Ms. Freezer. Again with her cold face and aura. Tinanggal na rin nya yung earphones na nakasaksak sa tenga nya at pumunta muna ng CR.

"Alexa. Gisingin mo na nga yang si Dric." Pag-uutos ko kay Alexa.

Agad namang akong pinanlakihan ng mata ni Alexa at hindi makapaniwala sa inuutos ko sa kanya. Pfft.

"Luh? Bat ako?! Hell no!" Pagrereklamo nito sa akin.

"Dali na Lex. Arte arte. Gigisingin mo lang naman." Pagsingit ni Roxie.

"Kaya nga girl. Gigisingin mo lang naman. Sige na. Kaya mo yan." Pag-papapayag kong muli kay alexa. Haha!

"A YAW KO. A YAW." at inikot ikot pa ang ulo. Jusme! Kala mo naman napakalaking kasalanan ang gisingin si Dric. Tss.

"Pag di mo nagising si Dric, ibig sabihin, crush mo sya at guilty ka don." Roxie.

Pfft! Apir tayo dyan Rox! Haha.

Ang mukha ni Alexa ngayon ay hindi maipinta. Mukha syang tigreng galit na galit dahil inagaw ang kanyang tanghalian. Pft.

"Pinagkakaisahan nyokong dalawa! Argh!" Nagkangitian naman kami ni Rox dahil mukhang nagkakaintindihan kami sa gusto naming mangyari.

Narinig ko nang may nagdoorbell kaya napalingon na kami sa pinto.

Tatayo na sana ako para pagbuksan ng pinto nang lumabas na si Krys mula sa CR at siya na ang dumeretcho sa pinto upang magbukas.

"Good Afternoon po Ma'am! Dito po ba nakatira si Ms. Divina Mariel?" Rinig ko na tanong ng delivery man.

"No. Ako ang nakatira dito. Not Divina. Sinong tatanga tanga ang magpapadeliver na nga lang, maling pangalan pa ang sinabi. Tsk" pagsusungit nanaman ni Krystal sa delivery man.

Kaya't tumayo na ako at pumunta sa may pinto upang hindi na humaba pa ang pagbabarahan nila.

"Ahh eh kuya hehe ako po si Divina. Kaibigan po ni Krystal. Ang nakatira dito. Sa amin po ba yan?" Tanong ko sa kanya.

Bumalik naman ang ngiti sa mukha ni kuyang delivery man.

"Ay hello po Ma'am Divina. Pasensya na po Ma'am Krystal. Yun po kasi ang nakasulat dito." Paghingi ng paumanhin ni Kuya.

"Tss. Whatever." Rinig kong bulong ni Krystal at lumayas na at bumalik na sa may sala.

"Pagpasensyahan nyo na sya kuya hehe. Masama lang ang gising. Hehe. Sino po pala nagpadala ng mga ito?" Pag iba ko na lang tanong kay kuya.

"From Your Ideal Man po ang nakalagay eh." Sabi ni kuya at pinakita pa sa akin ang papel na pipirmahan para mareceive.

Napangiti naman ako sa nakita. Baliw talaga si Zelo.

Pinirmahan ko na ang resibo at inabot na kay kuya.

"Salamat po Mam." At inabot na ang isang malaking box ng pizza at ang limang styrofoam na hindi ko alam kung ano ang laman, at ang limang iced tea.

"Dito na lang kuya. Hehe. Salamat din po!" Pinalagay ko sa may lamesa dito sa kusina at umalis na rin si kuya.

"Wow!! Libre mo tong lahat Ina?! Wow!! Ang dami!! Ang sasarap!" Sigaw ni Alexa na nandito na rin pala sa kusina.

"Haha. Tawagin mo na sila at kumain na muna tayo." Pagutos ko kay Alexa habang inaayos ang mga kakainin namin.

"Okay!!" At parang bula ay biglang nawala si Alexa.

Babaeng yun talaga. Tsk.

Naalala ko nanaman yung 'your ideal man' ni Zelo.

Shit. Bakit ako kinikilig?

No no no!

Infatuation lang ito Divina okay? Wag kang marupok!

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at tsaka ko chinat si Zelo

Divina Mariel

Nandito na yung foods. Thank you, Zelo. :)

Zelo Angelo

Good.

Zelo Angelo

Welcome. Enjoy.

Zelo Angelo

Hindi man natuloy date natin, isipin mo nalang, nandyan ako. Sinusubuan ka. Pft.

Divina Mariel

Baliw! Haha! Thank you talaga. :)

Divina Mariel

Btw, what's with 'Your Ideal Man'??

Divina Mariel

Nakakahalata na ako Zelo ah. Nilalandi mo ba ako?

Zelo Angelo

Tss. I don't like the term.

Zelo Angelo

Hindi kita nilalandi.

Zelo Angelo

I'm just expressing my feelings towards you.

Divina Mariel

Feelings? May gusto ka sakin?

Zelo Angelo

Ayoko nang ulitin pa sinabi ko.

Divina Mariel

Shit. I don't know how and what to react.

Zelo Angelo

Just love me. That's all you need to do.

Zelo Angelo

Kidding.

Zelo Angelo

Enjoy. Bye.

----

Shit! Totoo ba to?!

Did Zelo just expressed his feelings towards me?!

Hindi ko alam itong nararamdaman ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon?

----

ALEXA SUMERA

Gagu nyo naman eh!

Huhuhu.

Bakit ako pa talaga gigising sa tulog mantikang unggoy na to?!

Argh!

"Tara na sa kusina! Andun na yung mga foods. Hehe" pagsigaw ko at tumayo na si Roxie

"Ikaw nang bahalang gumising dyan ah" sabay pagngisi niya sa akin.

Anak ng cute kong asong si Maki! Mabubulok talaga mga kaluluwa nitong mga to!!

Tinignan ko naman si Krystal na ngayo'y nakaupo pa rin at hawak ang kanyang phone.

"What?" Tanong nito sa akin

"Hehehe pwedeng ikaw nalang gumising sa kanya? Tutal ikaw naman gusto ng unggoy nato eh." Pakiusap ko kay Krystal.

"No thanks." At pagkasabi nito ay tumayo na rin sya at pumunta na ng kusina.

Argh!!!

So ako talaga gigising dito?!

Tinignan ko naman ng masama itong Vendric na to na ngayo'y nakahilata pa rin nang hindi nababago ang posisyon nya kanina. Nakanganga pa rin!

Ang eww nya talaga ugh!

Lumapit ako ng konti sa kanya at tsaka sya tinapik sa kamay nya.

Palakas ng palakas ang pagtapik ko sa kamay nya pero hindi pa rin nagigising!

"Hoy unggoy! Gumising ka na nga!" Pagsigaw ko pero wala pa rin.

Hay! Anong gagawin ko?! Huhuhu.

Niyugyog ko ng niyugyog ang katawan nya para magising.

Sinigaw sigawan ko na rin, pero wala!

Sandali akong umupo at nag isip ng paraan kung paano ko sya magigising.

Nang may ideyang pumasok sa isip ko.

Hehehehe ewan ko lang kung hindi pa sya magising sa gagawin ko.

Pumunta ako ng kusina at binuksan ang ref.

"Oh Alexa, nasan si Dric? Tagal nyo naman. Nagugutom na kami." Pagsabi ni Roxie.

Nakaupo na sila ngayon sa lamesa at mukhang hinihintay na nga lang kami.

"Saglit lang! Maghintay kayo. Kasalanan nyo to eh. Bat kasi ako pang pinagigising nyo sa unggoy na yon." Eh kung sila nalang kasi sana ang gumising sa unggoy na yun.

Hinanap ko na sa ref ni Krystal ang hinahanap ko at mukhang nahanap ko na nga hehehe.

"Who told you to open my refrigerator?" Nako si Ms. Freezer nagsusungit nanaman huhu.

"Hehe pahingi lang ako nito. Hehe. Panggigising ko lang sa unggoy." Sabi ko tsaka naghanap ng kutsilyo at hiniwa ito.

Bumalik na ako sa sala nang may malademonyong ngiti.

Hahahaha!

Ayaw mong gumising ah? Tignan lang natin kung di ka pa magising.

At dahil nakanganga pa rin sya. Inumpisahan ko nang pigain yung kalamansi sa tapat ng bunganga nya. Piniga ko lahat! Pati buto nilagay ko. Bahala sya dyan!

Nung una ay wala syang reaksyon.

Pero kalaunan ay nagsimula nang makaramdam ng pangangasim ang buong mukha nya at....

HAHAHAHAHAHAHAHA!

My plan worked!

"Hahahahaha!" Nagsimula akong humagalpak ng tawa.

Yung mukha nyang di maipinta dahil sa sobrang pangangasim.

At ang unggoy ubo ng ubo ngayon hahaha!

Nang mahimasmasan sya ay agad syang tumingin sa akin ng masama.

Pffft.

"What?" Tanong ko sa kanya ng tumatawa pa din.

"Bakit mo ako pinigaan ng kalamansi?! Gago ka talagang pandak ka!!!" Sigaw naman nya sa akin.

"You left me with no choice!! Ginigising kita pero ayaw mong magising! Kaya nag isip ako kung pano kita magigising. At mukhang nagwork ang plano ko! So I think there's nothing to be sorry about." Pagtataray ko sa kanya.

"Humanda ka talaga sa aking babae ka! Pag ako gumanti, sisiguraduhin kong kasumpa sumpa!" Sigaw nya nanamang muli.

"Okay. Tapos ka na sa speech mo? Tara na. Kakain na." at tumayo na ako at dumeretcho na sa kusina.

---

ROXIE CASTRO

Nang tinawag na kami ni Lex para kumain ay dere deretso akong pumunta na ng kusina.

Pagkarating ko, ay nakita ko si Divina na nakaupo na at hawak hawak ang phone nya ngunit kung titignan mo ang kanyang mukha, bakas dito ang gulat at putla.

"Huy Ina. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko at tinabihan sya. Mukhang nagulat din sya sa akin kaya naman napangiti nalang din ito.

"O-oo naman. H-hehe." Pero pansin ko na parang hindi sya mapakali. Hmmm, ano kayang nangyayari sa babaeng to?

Di ko na lamang masyadong inisip kung anong meron at nakita ko na ring dumating si Krystal at umupo na sa pwesto nya at bagot na bagot na naglalaro sa kanyang cellphone.

Ilang sandali pa ay pumunta na si Alexa at binuksan na ang pintuan ng refrigerator.

Aba! Kanya yan kanya yan?!

Narinig ko nang nagsalita si Krys. Sabi ko na nga ba't di nya mapapalampas tong Lexa na to eh. Lol.

Nagtaka naman ako ng kumuha ng kalamansi si Alexa mula sa ref ni Krystal.

Haha! Mukhang alam ko na ang plano netong gagang to ah.

I can smell World War XX. Lol.

Nandito na kaming lahat ngayon sa lamesa ng kusina ni Krystal. Nakahain ang isang malaking box ng pizza at tig iisa kami ng styrofoam na naglalaman pala ng lasagna. Ang sarap naman, sino kaya nagpadeliver neto?

"Aaaahhh! Ang sharap naman neto. Pahingi pa nga ko ng picha" halos hindi na maintindihan ang pagsasalita niya dahil punungpuno pa ng laman ang bunganga nya.

Tangina. Bakit ba ganito tong kaibigan ni Zelo?

"Don't talk when your mouth is full!" Sigaw namang pabalik ni Alexa.

"Che! Di kita kaushap! Hindi tayo bati! Debenaaaa, paabot naman ng pichaaa" at pilit nyang inaabot ang pizza na malapit kay Divina.

Pucha. Pizza pala sinasabi nya. 'Pitza' kasi pagbasa dun. Hindi Picha. Jusmiyong Vendric.

Inabot naman ni Divina kay Vendric ang isa pang slice ng pizza.

"Thank you! Debena! Hehehe. Krystal gusto mo? Hehehe" Yung inabot ni Divina na isang slice ng pizza, ibibigay din lang pala nya kay Krys. Aww. So sweet. And gross at the same time.

Nakita ko naman si Alexa na kumusilap lang at padabog na kumain nalang ulit ng lasagna. Pfft. Nangangamoy selos!

"No thanks, Silva." Pagsagot naman ni Krystal at tahimik lang na kumain ulit ng lasagna.

"Sino palang nanlibre nito?" Patanong ko kay Divina.

"Onga! Ang bait naman nya. Tsaka ang tsalap tsalap netong picha huhu"

"Tumigil ka nga sa pagsasalita pag may laman yang bibig mo! Ang eww mo! Tumatalsik yang urgh!" Iritadong suway ni Alexa kay Vendric.

"Wala kang pake! Edi lumayo ka! Bat kasi tatabi tabi ka pa saken!" Sigaw nanamang balik ni Dric kay Alexa.

"Where's that friend of yours, Dric?" Tanong ni Krystal kay Vendric.

"Ay oo nga, nasaan na si gwapong masungit? Diba sabi nya susunod sya?" Alexa

"Hindi na daw sya makakasunod eh. At dahil di sya makakasunod, ayan sya ang nagpadala nitong kinakain natin ngayon. Hehe." Sagot naman ni Divina.

"Bakit alam mo? Nagpaalam sayo?" Makahulugan kong tanong kay Divina. Tinitigan ko sya ng may meaning. Yung may halong pang aasar.

"C-chinat ko kasi. T-tinanong ko kung nasaan na sya. Tas yun, sabi nya di daw sya makakapunta kaya pinadeliveran nalang tayo ng foods." Sagot naman ni Ina sa akin pero ramdam ko pa rin na iniiwasan nya yung tingin ko.

"HA?! HINDI MAKAKASUNOD SI BRADER?!?!?!?!" Gulat naman kami sa biglaang sigaw ni Vendric.

Tangina gulat na gulat ako ah.

"LATE REACTION UNGGOY?? TSAKA KAILANGAN MONG SUMIGAW?!" Angil ni Alexa kay Vendric.

Haha totoo naman eh. Late reaction amp. Haha!

"Bakit ba kanina ka pa umeepal? Hindi nga kita kausap diba?!" Pagsusungit din ni Vendric kay Alexa.

"Whatever" pagkusilap ni alexa.

"Will you please shut up?! Ang ingay ingay nyong lahat. Putangina." Mahina ngunit malalim na pagkasabi ni Krystal. Tangina nakakakilabot talaga ang isang to.

"S-sorry na bibigurl. Hehehe. Pero kasi si brader iniwan nanaman ako huhu. San nanaman kaya sya nagpunta?!" Paawa effect ni Vendric.

Tss.

"What the fck? Bibigurl?" Uh-oh, mukhang magkakaroon na ng World War XX

"Hehehe yun na tawag ko sayo Krys. Hehe. Labyu" hindi tumalab yung masamang tingin ni Krystal kay Vendric. Hays. Lahat naman ata hindi tumatalab sa ugok na to. Tss.

"Eh ano nga kasing dahilan daw bat di sya makakapunta?" Pagtatanong kong muli kay Ina.

"May papatayin daw sya. Haha." Sagot sa akin ni Ina.

"Papatayin? Tangina mamamatay tao si Zelo?! Hala! Huhuhu. Lalayo na ako sa kanya mula ngayon!" Pagpapanic ni Alexa. Nako ang gaga, hindi nanaman gumana ang utak. Tatanga tanga nanaman.

"Tanga." Bulong ni Krystal.

"Ahaha! Tanga ka daw pandak. Ble ble ble!" At inasar asar pa ni Vendric si Alexa habang nagmamake face at nilalabas pa ang dila nya.

"Tanga ka din kaya!" Sigaw naman pabalik ni Alexa.

"Kaya nga. Edi bagay na tayo? Hehehe. Yak." Naks. Pumipick up line.

"Tao ako. Ikaw hayop." Bulong ni Alexa.

"Hayop sa sarap." Dugtong ni vendric. Tsk. Maglalandian pa. Tae.

"Haha! Hindi. Feeling ko idiomatic term lang yun. May binanggit sya na papatayin daw nya eh." Pangontra naman ni Ina.

"Ano naman?" Tanong ko.

"Langit daw." Pagsagot ni Divina.

"HA?! SI SKY?! TANGINA NI SKY!!!! INAGAW NANAMAN ANG BRADER KO!!! AAAAAAHHH HUHUHU. SANA NGA MAPATAY NA NI BRADER YUNG LANGIT NA YON!" Parang batang nagwawala nanaman si Vendric at naputol pa ang plastic na tinidor na ginagamit nya sa lasagna dahil sa diin na paghawak.

-----

ZELO ANGELO

"Hay salamat nakaupo na rin sa wakas! Ahhhh. Ang sarap ng aircon!"

Lintek na langit.

"Shut the fck up. You fcking shit." Pagmumura ko sa kanya.

"Chill ka nga tol. Haha! Masyado ka namang highblood. Ano bang kinapuputok ng buchi mo ha?" Tanong nito sa akin na animo'y walang katarantaduhang ginawa.

Do you fckin know where we are?!

We are in a fcking bus right now. A bus going to Baguio for damn sake!

Yes.

Yung tanginang tickets na pinakita nya sa akin ay ang ticket na binili na nya papuntang Baguio.

I repeat. Binili na nya! So how am I supposed to ditch him right now?!

"Don't act like you don't know. Tangina mo talaga. Mapapatay kitang damuho ka." Nagpipigil ako ng emosyong ngayon dahil nasa loob kami ng bus at tahimik ang paligid dahil iniintay pang mapuno ng pasahero.

Pero anak ng asong gala! Bwisit na bwisit ako ngayon!

"Alam mo tol. Easy ka lang kasi. Yang puso mo baka mamaya atakihin ka dito, malalagot ako kay Tito at Tita." Pagpapakalma sa akin ni Sky.

"Oh eto tol. Magjudge ka muna" sabay abot sa akin ng judge na chewing gum.

Tss.

I really need this. To calm myself.

Maya maya pa'y umandar na ang aming sinasakyang bus.

"Lawrence. Tell me what the fuck is this." Tanong ko kay Sky na ngayon ay nakasuot ang kanyang headphones at feel na feel pa ang tugtog at pagnguya ng kanyang chewing gum.

Mukhang hindi nya ako narinig kaya tinanggal ko mula sa pagkakasaksak yung headphones nya sa cellphone nya.

"Tropa naman! Ang ganda na nung tugtog eh! Birthday sex na nga yung tugtog!" Pag angil nito.

Napatingin naman sa amin yung ibang pasahero ng bus dahil napalakas yung pagkasabi nya ng birthday sex. Taena talagang kalibog!

"Tinatanong ko kung bakit tayo pupunta ng Baguio." Deretsahang tanong ko kay Sky.

Napaayos naman ng upo si Sky at ngumiti ng kakaiba.

"Ano pa ba? Edi magpaparty!" Balik na sagot naman nya sa akin.

Tangina?!

Magpaparty?!

kailangan sa Baguio pa?!

"Alam mo bang exam namin sa Lunes tapos we have our group study dapat ngayon na hindi ako nakapunta dahil lang pala sa tanginang party?!" Pigilan nyo ako at makakasapak ako.

Tangina!

Anong kalokohan nanaman ba to, Sky?!

"Hehe. Sorry na tol. Pero di mo naman na kailangan pang magreview diba? Matalino ka na tol! Haha! Piece of cake nalang sayo yan!" Pamumuri pa ng damuhong ito.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Sky. I know I'm smart enough. But the heck?! Why do we need to travel all the way to Baguio just to have a fckin party?! Ang dami daming bar sa Manila gago!" Medyo napapalakas na rin ata ang boses ko dahil yung katabi naming matanda dito sa bus ay masama na ang tingin sa amin. Pero di nalang ako nagpahalata at di na ako lumingon sa kanya.

"Haha! Nakakasawa na kasi mga bar sa Manila tol. Halos natikman ko na mga girls dun. I want to taste a new delicacy." At pumikit pa ang gago na animo'y he's wet dreaming again.

"Pakyu Lawrence. Humanda ka pagkababa natin. Uupakan kita." Bulong ko sa kanya tsaka sinuot na rin ang earphones ko at natulog.

Hindi ka lang sa akin lagot, Sky. Pati na rin kay Vendric. Lalo na't naiwan sya ngayon.

----

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid.

Pagkamulat ko ng mata ko ay nakatigil na pala itong bus at nang ilibot ko ang paningin ko, kami nalang pala ni Sky ang natitirang nasa loob ng bus. At tulog pa pala sya.

Nandito na pala kami sa bus terminal.

So....

Are we here in Baguio?

Tanginang katangahan Zelo. Malamang!

"Tumayo ka na dyan. We're here." Paggising ko kay Sky. Nagising naman ito agad at nang tignan din nya ang paligid, dalidali nyang tinignan ang oras sa cellphone nya.

"Yeah. It's already 4pm." Sabi ko at bumaba na ng bus.

Argh! Ang lamig puta.

Hindi manlang ako nakakuha ng jacket.

Tangina talagang Sky to!

"Ahhh! Ang sarap ng lamig tol! Mukhang masarap sarap talaga pumarty dito!" Sigaw ng malibog kong kaibigan pagkababa rin nya ng bus.

"Just shut up. Gutom na ako. Let's eat. And wait, give me your jacket."

"Huh? Itong suot ko?" Tanong nito sa akin.

"Bakit may dala ka pa bang ibang jacket?"

"Wala na."

"Naman pala. Edi malamang that jacket you are wearing. Tss. Remove that and give that to me." Pag uutos ko sa kanya.

"P-pero"

"No buts. Wala akong jacket. I should be wearing that." Sabi ko sa kanya.

"Hala? Eh akin to eh. Bili ka ng iyo!" Sigaw nito sa akin.

Tinitigan ko naman sya ng walang ka emoemosyon at mukhang nagets nya yung ibig kong sabihin dahil agad na rin nyang hinubad yung suot nyang jacket.

"Oh ayan na." Sabay abot sa akin ng jacket.

"Tss. May Baguio Baguio pa kasing nalalaman. Kung sinabi mo, edi sana nakakuha ako ng jacket diba." Pagsabi ko sa kanya.

Nasuot ko na yung jacket nya na may hoodie.

At ang kawawang Sky ngayon ay naka-tshirt nalang ngayon psh.

Bahala sya. Kasalanan naman nya.

"Tara na. I'm effin hungry." At nagsimula nang maglakad para maghanap ng makakain.

----

It's already 7pm at hindi ko alam kung saan kami pupunta nitong langit na to pero parang may inaabangan kami

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya dahil parang hindi talaga sya mapakali.

"Sabi nya kasi dito natin sya hintayin. Eh ang tagal naman nya. 7pm na eh." Sky na balisang balisa.

Sino bang inaabangan namin?

Kinuha ko muna yung IphoneX ko to see if I have messages.

At nakita kong marami akong texts at galing ito sa nag iisang selosong..... aish

Fr: Vendric

Brader!!!! 

Kasama mo si Sky?!?!?!?!

Brader naman!!!!

BAKIT NYOKO INIWAN?!?! HUHUHUHU

WAG NA WAG LANG TALAGANG MAGPAPAKITA SA AKIN YANG LANGIT NA YAN AT UUPAKAN KO YAN!!!!

SAN KAYO NGAYON?!?!?!

SEND PICS!! 💔💔😭

I FEEL SO BETRAYED 😭

SABIHIN NYO KUNG NASAN KAYO SUSUNOD AKO!! HUHU

DAYA NYO TALAGA!!

AKO NAGREREVIEW DITO TAPOS KAYO NAG EENJOY KUNG SAAN?!

I'M SO HURT TALAGA 😭😭😭

TAMPO NA AKO SA INYO. SERYOSO.

ZELO!!!!

MAGREPLY KAAAAA!

WALA KANG KARAPATANG MAG-ENJOY!!!

HUHUHU

Talagang he flooded me texts? Psh. That punk. Para talagang timang.

To: Vendric

I'm with Sky. We're here in Baguio. And guess what? To fcking party. I'll kill this punk.

Sent

Pagkasend ko ng text ko... ay may dumating na isang itim na sasakyan at tumapat sa amin.

Nagtaka naman ako na tinignan si Sky dahil abot tenga ang ngiti nya ng makita ang itim na sasakyan.

"Mukhang sila na yan." Sabi nito at nang makatapat na ang sasakyan ay bumukas ang pintuan at....

Shit!

Nandito siya?!!!

Kailan pa?!

-----

Bitin ulit. Hahahahahahahahahaha sorry sa late update. Mwehehe. Lablats.

-foreverbaaaabs 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top