AGKWC 3 - KRYSTAL FORTALEJO
KRYSTAL FORTALEJO
"The protagonist is the main character in a story while the antagonist is the villain in a story."
Blah blah blah. This is so boring! Ano ba 'yan!
Time Check: 1:40pm
Aba hayop tong panot na 'to ah! 12:30-1:30 lang ang klase namin tapos hanggang ngayon hindi pa din siya nagdidissmiss?!
Hindi na ako naka-tiis at nagtaas na ako ng kamay.
"Yes Ms.Fortalejo? Do you have any questions regarding our topic?"
Questions mong mukha mo! Ang dali dali kaya ng tinuturo mo!
"Your lesson for today is too easy that you don't even have to explain it to us and yet you are now 10 minutes overtime, Sir."
Agad naman niyang tinignan ang kaniyang relo at mukhang nagulat siya.
"Oh, Sorry Class. Thank you Ms. Fortalejo. Okay Class, you are now dismissed."
Tss. Palibhasa matanda na kasi.
Paalis na sana ako ng room ng biglang may nag-text.
From: Alexa
Hey girl! Diba hanggang 1:30 lang class mo? Where are you na? Hindi ka ba sasabay kumain sa'min?
Bwisit kasi yung panot na 'yun! Kung hindi lang siya instructor malamang ay minura ko na 'yun kanina sa sobrang gutom at inis ko.
Galitin na nila ang lahat! H'wag lang ang gutom na Krystal Fortalejo!!!
To: Alexa
Coming.
*Message Sent*
Binulsa ko na yung phone ko at tuluyan ng umalis ng classroom.
Pagkadating ko sa canteen ay nandun na si Alexa, Roxie at Divina.
"Oh ayan na pala si Ms. Freezer eh." Roxie
Tsaka ano daw? Ms. Freezer?
Tinitigan ko siya with a "what the heck was that" look kaya nagsalita na siya ulit.
"Ms. Freezer, kasi nga ang cold cold mo! Para kang lalaki! Hahaha"
"Kaya nga girl! Hindi masamang ngumiti. Hindi rin masamang magsalita. Try mo din minsan ah? Hehehe." Alexa
Bakit ako ngingiti kung wala namang dapat ngitian?
Bakit ako magsasalita kung wala namang dapat sabihin?
Magmumukha lang akong tanga.
At ayoko na ulit mangyari 'yun. Ang maging tanga.
"H'wag niyo na ngang paki-alaman iyang bestfriend ko! H'wag mo nalang silang pansinin Krystal, ayan inorderan ka na namin dahil alam naming gutom ka na." Divina
Bestfriend? Nah. Siya lang naman ang nagtatawag sa'kin nun. But me? Wala akong bestfriend. And I don't want to have any. It's the least of my needs.
But, I admit it, they're my... ugh... friends? Okay nevermind.
Carbonara with a slice of red velvet cake.
Ugh. Heaven!!
I was about to have my first bite nang magtanong nanaman si Roxie.
"Pero bakit ka nga late? Anong nangyari?"
Ang ayoko sa lahat, yung iniistorbo akong kumain. Gahd! Food is life!
"Can you let me eat first?" Walang gana kong sabi sa kanya.
Kinusilapan lang niya ako but I don't care. Basta masarap kumain!
Nag-usap usap lang sila about sa kung anu-ano hanggang sa pagiging famous writer ni Divina.
"Ina! Ikaw ha. Dami dami mo nang fans! Grabe! 29k followers ka na sa Wattpad oh! Mag30k na!" Roxie
"Wag mo kaming kakalimutan ah? Pag sobrang sikat ka na, ililibre mo kami palagi, tapos lagi mo kaming babanggitin sa mga fan gatherings mo! Hihi! Kasi ako yung pinaka-una mong friend dito noh." Alexa
"Gaga! Anong pag sobrang sikat? Eh sobrang sikat na nga niya eh! 29k followers na oh! Tatanga tanga din minsan Alexa eh." Roxie
Nope. Not minsan but lagi.
" Tsaka porket ikaw una, ano ikaw lang? Isama mo naman kami ni Krys!" Dagdag ni Roxie.
"Hahaha! Kayo talaga, syempre naman. Kahit sikat na ako, hindi ko kayo kakalimutan. Kayo ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat. Kaya bakit ko kayo iiwan sa ere?" Divina said with a sweet smile.
Ang ganda niya. Kahit sino talaga ay magkakagusto sa kanya. No wonder at mas marami ang male fans/readers niya compared sa female.
"And speaking of inspiration, may nakilala akong lalaki kanina sa classroom. Grabe! Ang sungit! Ang cold! Pero gwapo infairness ha."
"So crush mo na?" Alexa
"Di ah. Haha! Nainspire lang akong ituloy lalo yung story ko na Even When It Hurts kasi nakikita ko si Zaki sa kanya. Cold, Masungit, Gwapo. Hihihi"
Tss. Ito ang mahirap pag ang mga kasama mo ay mga babae, always talking about boys....
And I hate it.
Mas okay pang mag-isa kesa ganito.
"Actually, naalala nga kita sa kanya Krystal eh." Divina
"Oh tapos?" Paki ko.
"Bagay kayo. Haha!" Divina.
Bagay your face!
"Eh asan siya? Gusto ko siyang makita! Hihi."
"Hoy Alexa! Landi mo talaga. Kay Krystal na 'yun. Haha!" Divina.
"Ayun oh! Naka-upo sya do--"
Tinignan namin ang tinuro ni Divina ngunit bakante naman na ang table na 'yun.
"Nasaan? Wala naman ah." Alexa
"Baka may klase na. Nandiyan siya kanina eh, diyan ko nga siya kinausap at nalaman pangalan niya. Hihi."
"Teka eh ano bang pangalan?" Roxie.
"Ano na nga ba yun. Ze-- Ze-- Zero? Oh tama! Zero!" Divina.
Seryoso? Pffft.
"Hahahaha! Seryoso ba yan girl? Zero? Haha! Kaya siguro laging cold eh. Laging Zero Balance ang ATM! Hahaha!" Alexa
At nag-apiran pa sila ni Roxie.
Langkwenta. Maka-alis na nga.
"Oy Krystal! San ka pupunta?" Divina.
"Sa 11th floor. Tatalon."
"Ha? Eh wala naman tayong 11th floor ah? Diba 10 floors lang meron sa building?" Alexa
Tangna -_-
----
Natapos na ang klase at umuwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko.
"Hay! Nakakapagod!"
Wala akong pakialam kung maingay akong sumigaw. Hello?! May sigaw bang mahina?! Tss.
Pagkahiga ko sa aking malambot na kama ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
----
Time Check: 8:34pm
Anak ng Carbonara!
Kasalanan 'to ng kama ko eh! Kung hindi ako inakit, edi sana hindi ako nakatulog at nakaluto sana ako para makakain!
Well, mukhang wala na akong choice but to eat noodles dahil ito ang pinakamabilis lutuin.
---
Ngayon tapos ko nang gawin lahat. Magluto, Kumain, Maghugas at Maghilamos.
So nasa malambot na kama na'ko ulit. Kinuha ko ang cellphone ko and I checked my facebook account.
Krystal Fortalejo
What's on your mind?
O friend requests
1 new message
0 notifications
Yeah. I don't post pictures on Social Media.
Para saan pa?
Para magpacute?
Para dumami likers?
Para dumami manliligaw?
Para ma-depress pag lilima lang ang nag-like ng picture mo at ang masaklap eh kamag-anak mo pa mga yun?
Hell no.
Kaya kung tatanungin niyo kung anong profile picture ko?
Hello Kitty.
Oo. May angal? Ang cute cute kaya. Siya lang ang katangi tanging cute sa mundo. Kaya lang hindi siya totoo. So walang cute sa mundo.
1 new message
K.A.R.D
Lex: Girls! Check niyo ito!
Alexa sent a photo
Rox: Ano iyan?
Lex: Kaya nga i-check diba? Haynako Roxie.
Lex: Hi Krystal! Hehehe.
Krys: What?
Lex: Wala, sabi ko ang ganda mo. Hehehe.
Krys: I already know that.
Ina: Girls! May naiisip akong gawin. About sa story ko. Hihi.
Krys: What?
Lex: Hala Krys! Double sent?
Ina: Haha! Parang di ka naman nasanay kay Krys.
Lex: Pero teka, wala bang papansin sa sinend kong picture?
Lex: Tsaka nasaan na si Rox?
Rox: Andito ako dugang.
Ina: Ganito kasi. Dumadami na kasi yung reads ng EWIH ko.
Lex: EWIH? Ano yun? Ihi? Hehehe.
Krys: Even When It Hurts. Tanga.
Lex: Hala! Maka-tanga ka naman. Huhu.
Rox: Hahaha!
Lex: Anong nakakatawa, Rox?
Rox: Wala bes. Haha!
Ina: Since dumadami na yung reads ng EWIH ko, balak ko sanang gumawa ng Fb Accounts ng mga characters ko.
Lex: Ha? Eh sinong gagamit nun? Ikaw din lang? Tiyaga mo ah. Hihi.
Ina: Gaga! Siyempre hinde! Kukuha ako ng mga operators nila. Magpapa-apply ako.
Rox: Woah. Saya nyan. Haha!
---
Inexit ko na yung GC namin dahil wala rin naman akong kinalaman dun. Bahala sila.
Mi-nute ko na rin yung GC para hindi vibrate ng vibrate ang phone ko. Kaiingay ng mga madaldal na iyon.
Bakit K.A.R.D ang pangalan?
Stands for
Krystal Fortalejo
Alexa Sumera
Roxie Castro
Divina Mariel
Corny diba. Tss. Ano pa bang aasahan niyo sa isang Alexa Sumera.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko dahil wala naman na akong iba pang titignan nang magvibrate ito
*Mrs. Fortalejo calling*
Tumatawag nanaman siya. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi.
Pero sinagot ko pa din.
"What?"
"Hello anak! Kumusta ka na? Miss na miss ka na namin ni Papa mo. Sorry kung hindi kami nakakaluwas diyan sa Maynila ha. May inaasikaso pa kasi kami ni Papa mo dito sa negosyo natin sa probinsya. Pero it-try namin makapunta diyan next week. I love you anak"
It-try? Psh. Hindi na ako aasa. Ganyan naman lagi eh. Puro nalang kayo negosyo. Tss.
"Hindi na kailangan. I'm fine. As long as you're sending me allowances, it's fine."
"Talaga anak? Sure kang okay lang sa'yo?"
Bakit? Pag sinabi ko bang hindi okay, may magagawa ka? Tss
"Yes, it's fine."
"Sige anak. Pagbutihin mo pag-aaral mo ha. I love you anak!"
I didn't bother to reply and just ended the phone call.
Bastos na kung bastos, but I don't care.
They are my parents, just my parents.
Masabi lang na may magulang ako but hindi ko naman ramdam.
Nabuhay ako ng 17 years na hindi manlang nakaranas ng totoong pagmamahal galing sa magulang. Sinasabi nila lagi na mahal nila ako but those are just words!
Words that aren't enough. Words that aren't felt.
Kaya mas gusto ko ang mag-isa. Kesa sa makihalubilo sa mga tao at makipag-plastikan.
At least hindi ako mapag-panggap. I'm just being real.
Sila Divina, Roxie at Alexa lang ang naging kasama ko mula pa nung first year college kami.
We're now on our 3rd year in college. And hindi kami pare-parehas ng courses.
Divina took up Business Ad
Roxie and Alexa took up Chemical Engineering
And I took up Civil Engineering.
Kaya tuwing break ko lang sila nakakasama.
Sanay naman akong mag-isa.
Magmula nang iniwan niya ako.
---
Vote. Comment. Share. Hihi
-foreverbaaaabs❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top