AGKWC 29 - TICKET

KRYSTAL FORTALEJO

Saturday nanaman. So obviously, magiging tambayan nanaman ang pamamahay ko.

6:00am palang ay gising na ako dahil maglilinis ako ng apartment.

Nakakahiya naman kasi sa mga BISITA ko na mag ggroup study dito kung marumi nilang makikita ang apartment ko diba?

Please note the sarcasm again. Tss.

Bakit ba kasi dito pa ulit.

Tapos magdadala pa ng mga lalaki.

Pag yun talaga binadtrip ako, makikita nila ang bagsik ng isang Krystal Fortalejo!

Time Check: 9:00am

Shit.

Isang oras na lang pala, nandito na ulit sila.

Katatapos ko lang magwalis at magmop ng buong floorings ng apartment ko.

Naayos ko na rin ang sa may sala.

Yung kwarto ko nalang talaga ang medyo magulo.

Haaaay!

Tapos na rin pala akong maglinis sa wakas.

Napahawak ako sa aking balakang dahil sa ngalay na nararamdaman ko.

Fck. Daig ko pa ata janitor ng school sa pagod ko ah.

Okay kidding.

Pumasok na ako sa kwarto ko upang kunin ang tuwalya ko para makaligo na.

Papasok na sana ako ng CR nang may nagdoorbell.

What the fck?!

Ang aga aga pa lang ah?

Nakabusangot akong pumunta sa may pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas.

Tangina?!

---

ALEXA SUMERA

Hihihihihi.

Dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko ngayon, 7:00am pa lang ay gumising na ako.

Aba! Syempre kailangan kong gumising ng maaga dahil matatagalan ako sa pagpili ng isusuot na damit at sa kung anong ayos ko mamaya.

At eto na nga!

Nilabas ko na ang mga bet kong pagpipilian na isusuot ko para mamaya.

Una kong kinuha ay ang black croptop at ang white fitted pants ko na isa sa mga paborito kong sinusuot kapag pumaparty. Hehehe.

Hmmm.

Parang ang laswa naman nito.

Baka mapatay ako ni Leon ay este ni Krystal pag nakita nyang ito suot ko. Haha!

Ekis ekis!

How about eto, red tube dress?

Ay wit! ekis ekis!

Hmmm.

Ahh! Eto na lang!

White offshoulder dress partnered with a denim jacket.

Odiba, simple lang. Pero ako yung magpapadagdag sa eleganteng aura ng damit na to. Hihi.

So sinuot ko na nga ang offshoulder dress ko at nag light make up lang ako with red lipstick.

Oo! Paki nyo nanaman ba ha?! Light make up lang naman talaga eh! Huhu. Yung lipstick lang yung dark. Huhu.

Tapos sinuot ko na rin ang white with black converse ko at tsaka ako nag messy bun ng buhok.

Pagkatapos kong maayos lahat ay kinuha ko na ang black sling bag ko at tsaka tumapat sa whole body mirror dito sa kwarto.

'Ganda mo talaga Lex!' Bulong ko sa babaeng nasa salamin.

Hihi ako pala yun.

Kinuha ko na rin yung folder na naglalaman ng mga reviewers ko.

At dahil mukhang ready na ready na talaga ang ayos ko ay lumabas na ako ng bahay at nagpaalam na sa mga magulang ko. Hehe.

"Mi! Di! Alis na po ako ha! May group study lang po kila Krys. Hehe. Opo mag iingat po ako." Sabi ko habang bumababa ng hagdan.

"Baby girl, sigurado ka bang group study yang pupuntahan mo? Tignan mo nga itchura mo, mukha kang makikipagdate eh. Yang labi mo ang pula pula. Burahin mo nga yan! " Sabi sa akin ni Di.

Haynako si Di talaga.

"Di. Group study po talaga. Hehe. Sadyang maganda lang talaga ang baby girl nyo kaya mukhang makikipag-date hihi. Tsaka ano ba di, uso to. Red and kissable lips. Hihi" Paninigurado ko naman kaya wala na silang nagawa.

Hehehe.

"Sige baby, ingat ka ha. Subukan mong umuwi ng may laman ang tiyan mo at itatakwil kita!" Sigaw ni Mi sa akin.

Haha.

Lagi syang ganyan. Haaaaay.

"Hahaha nako Mi. Opo opo! Osige na late na ako Mi!"

"Bye na po!!" pahabol kong sigaw bago tuluyang maka alis ng bahay.

Tinignan ko ang suot kong relo at nakita kong magna9 palang pala.

Eh 10 am pa ang usapan.

Hehehehe. Wala namang masama kung mauna na ako dun ah.

Nakarating na ako sa apartment ni Krsytal kaya naman pumasok na ako at nagdoorbell.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang Krystal na nakabusangot at gulong gulo ang buhok at aish! Amoy pawis!

"Ay ano ba yan girl! Bat ganyan itchura mo? Para kang ni-rape ng sampung lalaki. Tapos amoy pawis ka pa yuck. Ligo ka kaya muna girl!" Pagkokomento ko sa kanya habang nandito parin sa labas.

Nanatili lang syang nakatingin ng walang kaemo emosyon sa akin tsaka sya nagsalita.

"Tangina ka."

Yan lang ang sinabi nya sa akin tsaka ako pinagsaraduhan ng pintuan.

Hala?!

Pinagsaraduhan ako?! Huhu.

Agad akong kumatok ulit sa pintuan

"Huy Krys! Papasukin moko huhu" sigaw ko habang paulit ulit na kumakatok sa pintuan nya.

Binuksan naman nya ulit ang pinto at nagsalita

"10am ang usapan diba? So 10am ka pa makakapasok dito." Sabi nya tsaka talagang sinara ang pintuan at narinig ko pang nilock nya ito.

Huhuhuhu!

Krystal naman eh!!!

----

KRYSTAL FORTALEJO

Gagang yon!

Talagang sinabihan pa ako na mukha akong ni-rape?!

Tapos ano daw amoy pawis? Excuse me. Kahit pawis ako, mabango ako. The nerve of that girl!

Tsaka gaga sya! Kung hindi ba naman nagdoorbell at agad agad pumunta dito, edi sana ongoing ang pagligo ko ngayon!

Argh!

Ang aga aga pinapainit na nila agad ang ulo ko!!

Pagod ako tapos binabadtrip ako ah!!

Sabi na nga ba at hindi magandang ideya ang pumayag na dito sila tumambay eh!

Nyeta.

Ay bahala sya dyan! Maghintay sya sa labas!

Intayin nya ako hanggang matapos maligo!

----

DIVINA MARIEL

7:30 am palang ay tinext ko na agad si Roxie.

To: Roxie

Girl! Later ha. Meet up sa tapat ng school. Intayin natin dun sila Zelo at Dric bago deretcho kila Krys. Hihi. See yah! ♡

Pinindot ko na ang send button.

Sila Zelo at Dric kaya? Hmm.

Agad ko silang hinanap sa chatbox ko at nakita ko naman na online na rin silang dalawa kaya naman chinat ko na rin sila.

Divina Mariel

Hey Zelo! Morning. Hehe. Remind ko lang yung sa groupstudy later! Hehe. 10am. :)

Zelo Angelo

Morning.

Zelo Angelo

No need to remind me.

Zelo Angelo

Hindi naman ako mabilis makalimot.

Divina Mariel

Woah, double meaning ba yan? Haha!

Zelo Angelo

Huh? Of course not.

Divina Mariel

Asus haha! Sige. So ano, alam mo na ba saan apartment ni Krys?

Zelo Angelo

Krys?

Divina Mariel

Hala di ko pa ba nasabi? Haha. Kila Krys tayo maggroup study. Hehe. Sabay sabay nalang tayong pumunta kung di mo alam saan. Hehe. Sa school nalang meeting place. Total malapit lang naman dun yung kila Krys.

Zelo Angelo

Okay.

Divina Mariel

9:30am ha. Hehe.


------

Divina Mariel

Dric!

Vendric Silva

Debena!

Divina Mariel

Morning!

Vendric Silva

Gwapong Morning para sayo Debena! Dahil binati ka ng isang poging tulad ko!

Vendric Silva

Hehehehehe

Vendric Silva

😂😊😍😜😎💪

Divina Mariel

Oo nalang. Haha!

Vendric Silva

Gusto mo ba ng pagpapala? Hehehe. 😎

Divina Mariel

Nako po. Ayan nanaman.

Vendric Silva

Sige na dali. Hehehe umoo ka na! 😢😢😢

Divina Mariel

Haha. Okay sige. Game.

Vendric Silva

Ano ang last name ni Cedie?

Vendric Silva

Dali Debena!!!

Vendric Silva

Sagot agad!!!

Divina Mariel

Parang nung kelan, first name lang ah? Ngayon, last name na? Hahaha!

Vendric Silva

Syempre naman!

Vendric Silva

Talino ko eh.

Divina Mariel

Ha? Anong konek?

Vendric Silva

Huhuhuhu

Vendric Silva

Di ko din alam. Huhuhu

Vendric Silva

Sumagot ka na kasi!! Hehe.

Divina Mariel

Sige. Ano?

Vendric Silva

HAHAHAHAHAHAHAGAGAAHAHAHAHAHA WAIT NATATAWA NA AKO

Vendric Silva

TEKA HAHAHAHAHAHAHA

Divina Mariel

Dalian mo na Dric! Hayjusko!

Vendric Silva

Edi Player! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Vendric Silva

Cedie Player! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Vendric Silva

Nakakatawa talaga huhuhu.

Divina Mariel

Hehe.

Vendric Silva

Kunwari ka pa, natawa ka din eh!

Vendric Silva

Oh ito pa. Last na. Hahaha!

Divina Mariel

Ang aga aga Dric ha. Nababaliw ka nanaman.

Vendric Silva

Ano ang last name ni Beast?

Divina Mariel

Last name nanaman? -_-

Vendric Silva

Hehehehe gwapo nga kasi ako.

Vendric Silva

Ano, siret na? Hehehe.

Divina Mariel

Ge. Siret na.

Vendric Silva

Edi Kwit!

Vendric Silva

As in Beast Kwit!

Vendric Silva

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Vendric Silva

Bat ang corny ko :(

Divina Mariel

Hahaha! Cute mo talaga Dric, gawin kitang anak dyan eh.

Vendric Silva

Natawa ka. So di ako corny bleh. Hehe.

Vendric Silva

Gagawin mo akong anak? Huhu. Sino didi ko? Si Brader? 😅

Divina Mariel

Ha? Bat sya? Hindi ba pwedeng nanay lang meron ka at walang tatay.

Vendric Silva

Sus Debena. Hehehe. Wag mo namang bastedin brader ko.

Divina Mariel

Bastedin? Hindi naman nanliligaw?

Vendric Silva

Uuuuuuy! Ineexpect nyang manliligaw si brader. Hehehe.

Divina Mariel

Di ah. Lol.

Vendric Silva

Namumula ka na ng parang kamatis. Nakikita ko. May third eye ako. Hehehehe.

Divina Mariel

Whatever Dric.

Divina Mariel

Tapat ng school mamaya meet up. 9:30am.

Vendric Silva

Sa school tayo maggroup study?! Yaw q! Huhuhuhu

Divina Mariel

Baliw. Meet up nga diba? So meet up lang dun.

Vendric Silva

Ay. Hehehe. Eh saan tayo?

Divina Mariel

Edi sa puso mo :>

Vendric Silva

Ew. Corny mo debena ah.

Divina Mariel

Wow. Coming from you pa yan ha?

Vendric Silva

Coming from the poging 'me'. 😎

Divina Mariel

Haha. Lol. Ge. Bye na. Later ah.

Vendric Silva

Aye aye captain!

----

Nandito na ako sa tapat ng school at kasama ko na rin si Roxie.

"Girl, nasan na ba yung dalawa? 9:30 na oh." Sambit sa akin ni Roxie na medyo naiinis na dahil sa init na rin. Tirik kasi yung araw kahit nandito kami sa may waiting shed.

"Teka. Ichat ko sila" sagot ko naman sa kanya.

Chinat ko si Vendric at nagreply lang sya ng 'on the way na debena. Atat ka makakita ng gwapo? Hehe'

Haynako. Bakit ba gwapong gwapo sa sarili yung Vendric na yon. Haha.

At maya maya pa ay nakita na rin namin ang anino ni Dric.

"Hey Debena! Wasap wasap!" Sigaw nito habang papalapit sa amin ni Roxie.

"Girl, yan yung Vendric?" Bulong sa akin ni Roxie na tumingin kay Dric from bottom to top.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Oh, who's the chick right here? Hehehe. Hi miss! I'm Vendric. The super gwapito" at kinindatan pa nya si Roxie habang inaalok na makipag shake hands.

"Sya ba yung sinasabi mong ipapakilala mo sa akin ha Debena? Hehehe. Ganda sya inpeyrnes" Dagdag pa niya.

"Roxie." Sagot lang ni Rox at hindi inabot ang kamay ni Vendric at kinusilapan lang ito.

At mukhang naramdaman naman ni Dric na hindi na aabutin ni Rox yung kamay nya kaya binaba na nya ito.

"Hindi sya yung tinutukoy ko, Dric. Haha" Sagot ko sa tanong kanina ni Dric.

"Sa kanya ka makipag-shake hands mamaya. Mukha namang magka-uri naman kayo." Sabat ni Rox.

"Ay ganun ba. Hehehe. Sige. Sana maganda ah." Bulong sa akin ni Dric kaya napatawa na lang ako.

"Teka, nasan na si brader??" Tanong naman sa akin ni Dric

"Kami pa talaga tinanong mo. Bestfriend mo diba?" Sagot sa kanya ni Rox.

Haha. Pansin ko lang ah. Itong si Rox, laging inaaway mga kauri ni Lex. Haha!

"Eh bespren ko lang naman eh! Di naman kami magkasama sa iisang bahay! Hmp! Sungit!" Sigaw nito kay Rox at pinagcross ang arms nya.

Habang nagbabangayan yung dalawa ay nakatanggap ako ng chat galing kay Zelo.

Divina, mauna na kayo. Just send me the address and I'll go right after. May gagawin lang ako.

Agad naman akong nagtipa ng irereply ko sa kanya

Ah. Okay sige. Ingat!

*insert address*

Sinend ko na yung address ng apartment ni Krys kay Zelo.

"Tara na guys. Susunod na lang daw si Zelo. May aasikasuhin ata eh." Singit ko sa bangayan ng dalawa.

"Tss. Ano ba yan" rinig kong reklamo ni Rox.

"Nako dapat may parusa ang late!" Sigaw ni Dric.

"Edi mauna ka nang maparusahan. Late ka din eh." Sabat muli ni Rox.

"Hindi ah! Si Brader pinakalate. So sya may parusa! Dapat dala sya kamo ng puds! Tell mo debena ah!" Sabi sa akin ni Dric.

"Haha. Mamaya nalang pag dating nya. Tara na."

Sabi ko tsaka nagsimula nang lakarin ang apartment ni Krys.

Nangunguna ako sa pag akyat ng hagdan patungo sa apartment ni Krys. Kasunod ko si Rox at nasa hulihan si Dric.

At habang umaakyat ay nakita ko naman si Alexa na nakaupo sa may unang baitang ng hagdan at nakabusangot.

"Oh Lex, anong ginagawa mo dito? Bat di ka pa pumapasok?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi naman! Si Krys eh! Huhuhu. Kanina pa kaya ako dito! Huhuhu" Maktol nya habang nakaupo pa rin sa may hagdan.

"Oh, bat para kang pulubi dyan Lex? Haha! At ano yang ayos mo? Wow! Talagang nag-ayos ka ha? red lips amp!" Sambit ni Rox na nakarating na rin pala dito sa taas.

"Lakampake Rox." Pagkusilap ni Lex kay Rox.

Teka, nasaan si Dric?

"Rox, nasan si Dric?" Tanong ko kay Rox.

"Ha? Eh kasunod ko lang dito kanina." Sagot naman niya sa akin.

Maya maya ay nakarinig kami ng yabag ng umaakyat

At nakita kong si Dric na pala yun

"San ka galing bat ang tagal mo?" Tanong ko sa kaniya habang umaakyat siya

"Nakakita kasi ako ng batang pulubi sa labas kaya nilapitan ko." Sagot nya sa akin

Wow. May puso din pala eh.

"Awww, binigyan mo ng pagkain? Or ng barya?" Tanong ko muli

"Hindi."

"Ha? Eh anong ginawa mo?"

"Nagtanong lang ako kung saan yung malapit na tindahan. Nagugutom na kasi ako huhuhuhu. Kaya bumili ako neto!"

At nilabas nya mula sa kanyang bulsa ang 6 na pakete ng Milo.

Seryoso? Nagkasya sa bulsa nya yang anim?!

"Aba. Nanlibre si shunga." Rinig kong bulong ulit ni Rox.

"Psh. Akala ko pa naman tinulungan mo yung pulubi." Pahabol ni Rox

nagpatuloy na ulit paakyat si Dric hanggang sa nakaakyat na sya sa tinatayuan namin ni Rox at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kong nagtinginan si Lex at Dric.

At hindi ito basta bastang tinginan lang. Dahil makikita mo ang tensyon sa tinginan nila.

Teka, magkakilala na ba sila?

"Ikaw nanaman?!" Sabay nilang sigaw.

"Bakit nandito ka?!" Sabay nanaman nilang sigaw.

"Teka nga! Sigaw kayo ng sigaw na dalawa. Kumalma nga muna kayo." Pagsingit ni Rox sa sigawan nung dalawa.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo!!" Nagulat naman ako sa pagsigaw nilang dalawa habang sabay na tumingin s akin.

Hala huhu

"Teka, paano naman kayo nagkakilala?" Tanong muli ni Rox.

"Sya yung unggoy na stalker ko! Sya yung panget na laging bumubunggo sakin! At siya rin yung shunga na may crush sa akin!" Tuloy tuloy na sigaw ni Alexa habang dinuduro duro si Dric.

Woah. So sya pala si Mr. Gentleman na tinutukoy nila matagal na?

Pfft. Kita mo nga naman.

What a small world.

Mukhang itinadhana talaga silang magkakilala. Haha.

"Hoy hoy hoy panda as in pandak! Linawin ko lang ha. Una sa lahat at hindi pangalawa, hindi ako unggoy dahil gwapo ako. Pangalawa, hindi mo nga ako stalker! Bakit ba pinipilit mong stalker moko? Ikaw nga dyan eh! Lagi kang sumusulpot pag tumatakbo ako. At pangatlo, hindi kita crush! Wow. Hindi ka maganda para maging crush kitang panda ka! Hmp!" Sigaw nyang pabalik kay Lex.

Haaaay jusko sigawan everywhere!

"Argh!!! Aalis nalang ako! Ayokong makasama ang panget na yan dito! Bat ba sinama mo yan? Sino ba sya? At asan si Zelo?!" Tanong sa akin ni Alexa.

"Kumalma ka Lex. Sayang naman yang red lips mo kung aalis ka na agad. Pfft." Pang-aasar ni Roxie kay Alexa.

Pero kinusilapan lang nito si Roxie.

"Lex, siya si Vendric. Yung bestfriend ni Zelo. At oo, yung sinasabi mong may POGING pangalan." Diniin ko pa talaga ang pagsabi ng POGI hahaha!

Nakita ko naman na napalunok ng laway tong si Lex at namula. Pfft.

Ayan, pahiya tuloy. Totoo naman eh. Sabi nya kaya pogi ung pangalan. Tsk.

"Huh! Poging name pala ha? So sabik ka naman palang makilala ako Miss Panda eh. Hehehe." Pang-uuyaw ni Dric kay Alexa

"Pangalan mo lang. Nakakadismaya kasi panget ka naman pala! Anobayan Ina! Akala ko gwapo yung bestfriend ni Zelo!" Pagrereklamo ni alexa na tinawanan ko na lang.

"At Dric, ito naman si Alexa. Yung sinasabi kong friend kong ipapakilala ko sayo. At oo, yung sinasabi mong CHICKS." May diin ulit na pagsabi ko sa CHICKS.

At nakita ko naman na napa-ubo naman bigla si Dric kahit halatang pinipilit lang naman niya ang pag-ubo nya. Tss.

"Huh! Chicks pala ha? I knew it. Crush mo talaga ako." Pang-uuyaw pabalik ni Alexa kay Dric.

"Wag kang feeler dyan Aleksa. Di kita crush. Yang liit mong yan? Di kita type. Tsaka bat ka naka-ayos na parang makikipag-date? Balak mo bang akitin ako? Hehehe" Sagot pabalik ni Dric.

"Bakit? Naaakit ka ba ha?"

"Pano pag oo?"

"Ehem ehem ehem. Tama na landian. Mga dugang." Roxie na biglang sumingit.

"Teka, nasaan si gwapong masungit?" Tanong ni Lex

"Susunod nalang daw eh." Sagot ko naman sa kanya.

"ANO MAGSISIGAWAN NA LANG BA KAYO DYAN?! SIGE. DYAN NA LANG KAYO MAG GROUP STUDY. LOCK KO NA TO."

Agad naman kaming nagmadaling pumasok sa loob ng apartment ni Krys nang marinig namin ang sigaw nya galing sa loob.

Nako, mahirap na pag nabadtrip nanaman yun. Pahirapang suyuan nanaman. Haaay.

Pagkabukas namin ko ng pintuan ay bumungad sa amin ang napakakinang na floorings ng apartment niya.

Tapos ang ayos talaga ng lahat. Halatang naglinis.

Halos walang nagtatangkang maunang pumasok sa amin dahil sa hiya na baka madumihan namin yung floor--

"Oh bat di pa kayo pumapasok? Pasok na nga daw diba" at binangga kami ni Alexa at tuluyan nang nangunang pumasok.

Okay binabawi ko na yung sinabi ko. Kami lang pala ang may hiya. But that Lexa girl? Walang hiya na.

"Woah! Ang ganda naman dito! Apartment ba talaga to o hotel? Ang ganda eh. Ang linis! Hehehe" komento ni Dric habang nililibot ang tingin niya sa buong apartment.

Nauna na akong umupo sa may sala ni Krys at nakita kong sumunod naman si Roxie at Dric. Habang si Alexa ay dere-deretchong pumunta sa kwarto ni Krystal.

Nako talagang babae yan.

Sya lang talaga ang nakakapasok ng ora orada sa kwarto ni Krystal.

Ewan ko nga bakit nakakalabas pa yan ng buhay eh.

Knowing Krystal, dapat na-banned na si Alexa sa kwarto nya. Pfft.

----

KRYSTAL FORTALEJO

Habang nag-aayos ng kama ko ay narinig ko nang may nagbukas ng pintuan.

Tsk. Papasok din naman pala eh. Nagsisigawan pa sa labas. Tsk.

Pumunta na ako sa may salamin at nagsuklay na ng buhok ko.

Nang makarinig ako ng footsteps papunta ng kwarto ko.

At walang pasabing nilantad ng pintuan ko ang isang babaeng iritang irita ako kanina pang umaga.

"Hi Krysi girl!" Sigaw nya with highpitched voice. Kelan ba to mauubusan ng energy?!

"Don't call me that. I prefer Krystal or Krys. At bakit ang kapal ng pagmumukha mong pumasok nanaman ng kwarto ko?" Malumanay na tanong ko sa kanya ng hindi sya tinitignan at patuloy lang na nagsusuklay ng buhok ko.

Narinig ko namang sinara na nya ang pinto ng kwarto ko at deretchong umupo sa kama ko.

"Fck Lexa! Kaaayos ko lang nyan! Don't you dare mess it again or else I'll make your eyebrows a mess!" Sigaw ko sa kanya habang tinitignan sya sa repleksyon ng salamin.

"Hala! Wag naman ang kilay ko! Huhu. Kilay is life kaya pag ginulo mo kilay ko, magugulo na rin buhay ko huhu." Aniya at tuluyang umupo sa kama ko.

"That's exactly my point, Lex." Bulong ko.

"Well about sa tanong mong una, oo makapal talaga mukha kong pumasok dito sa kwarto mo kasi nga alam kong lab moko. Hehehe."

Inirapan ko lang siya.

"Says who." Sagot ko sa kanya.

"Dalian mo na kasi girl, naghihintay na sila sa labas." Pagmamadali niya sa akin.

"Bakit? Who said that I'll join you?" Pagtataray ko at tumayo na at kinuha na ang reviewer ko.

"Ha? What do you mean?" Tanong nito sakin ng may pagtataka.

"Pumayag ako na maging place nyo itong apartment ko. Pero hindi ko sinabing I'll join your group study. Dito ako mag-aaral sa kwarto ko." Sabi ko tsaka pumwesto sa study table ko at sinaksak na ang earphones ko at nagpatugtog.

I don't know but mas nakakapag-aral ako when I have my music on.

Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Alexa at hinugot ang isa sa earphone na nakasaksak sa tenga ko.

"What the heck?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Tara na sa labas Krys. Huhuhu. Daya mo naman eh. Group Study nga eh. So dapat kasama ka. Kasi F4 nga diba. F4 plus 2." Pamimilit sa akin ni Alexa.

"Plus 2? Dalawang lalaki ang sinama nyo sa apartment ko?!" Sigaw ko

Mga hayop talaga!

"Yesh girl! Pero sa kasamaang palad, yung isang unggoy lang ang nandito. Wala si gwapo. Tsk." Aniya sabay pagkusilap

"You like him." Out of the blue na sabi ko sa kanya while smirking.

"Freakin' Cheese?! Ako?? Like ang unggoy na yun?! Duh?! Mamamatay muna ang mga kuko ko sa paa bago ako magkagusto sa kanya! Loyal ako kay Leon." Balik sigaw nito sakin.

"No need to shout. You sound so defensive. Psh." Pagkusilap ko rin sa kanya at tsaka tumayo na at akmang lalabas na ng kwarto.

"And by the way, you look annoying with that get up, Lex"

----
VENDRIC SILVA

Pagkaupo namin sa may sala nitong hotel ay este apartment, ay agad kong kinalabit si Debena.

"Psst. Debena, pwede na ba tayo magpainit ng tubig? Gusto ko na mag milo huhuhuhu" pagmamakaawa ko kay Debena.

Huhuhu gutom na kasi talaga ako. Di kaya ako nagbreakfast huhu.

"Mamaya Dric. Hintayin nating lumabas si Krys tapos tsaka ka magpaalam sa kanya." Balik na sagot neto sa akin.

Anobayan!

Huhuhu

Bakit kasi ang tagal naman lumabas ng Krys na yon!

Baka naman nagpapaganda pa?!

Baka katulad nung Aleksa na nagpa-red lips pa! Tsk!

Habang naghihintay ay nakita ko si Debena at si Crocs na nilalabas na ang mga reviewers nila.

Kaya no choice at nilabas ko na lang din muna yung akin.

Maya maya pa'y narinig na namin na nagtwist yung doorknob ng kwarto

Sabay sabay naman kaming lumingon ni Debena at Crocs.

At lumabas na nga ang may ari ng apartment.

Oh shit!

Napako ang tingin ko sa babaeng kalalabas lang ng kwarto.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at shetebels! Hindi ako makagalaw!

Hindi rin ako makahinga!

Huhuhuhu.

Totoo ba tong nakikita ko?!

Siya ba talaga yan?!

Si destiny of my life, ang may ari ng apartment na to?!

Huhuhu ang ganda nyaaaa!

Panira nga lang yung nasa likod nyang pandak.

"Hoy Vendric, anyare sayo? Natulala ka ata? Haha" panggugulat sa akin ni Crocs.

Napatingin naman ako sa kanya at tsaka napalunok at nagsalita

"W-wala. A-ang ganda eh. Hehe" huhuhu bat ako nauutal

"So it's you." Rinig kong sabi ng may ari ng apartment. Ang destiny ko. Ang tinatawag nilang Krys.

"Don't tell me, magkakilala rin kayo?" Tanong ni Debena sa amin.

"Nah. I don't know him. But I think he knows me." Sagot naman ni Krys lalabs.

Kaya napatingin silang lahat sa akin.

"H-hindi ah. Ngayon ko nga lang nalaman pangalan nya eh" pagdedepensa ko ng sarili

"But you are stalking me. Tsk." Panumbat muli ni Krys lalabs.

"See?! Stalker talaga yang unggoy na yan! Di lang pala ako ang iniistalk, pati si Krysi girl!" Pagsingit nanaman ng Panda Pandak na yun.

"I said stop calling me Krysi." At masamang tingin ang pinukaw nya kay Aleksa.

Nakalapit na rin sila dito sa sala at umupo na rin.

"Hindi kita inistalk, K-krys." Huhuhu bakit ba kanina pa ako nauutal.

"But I saw you staring at me nung nasa Junior's Park ako. Lalapitan mo pa nga dapat ako diba?" Tanong nito sa akin at tumingin sa mga mata ko.

Gosh! Bakit ganun?!

Ang ganda niya talaga!

Kahit na may sungit aura sya, ang ganda niya pa rin! Huhu.

Kahit hindi siya ngumiti. Pano pa kaya pag ngumiti ito. Huhu.

"A-ang ganda mo k-kasi" ay syet! Nasabi ko ba ng malakas?!

"Ehem. May magseselos. May magseselos." Sabi nung Crocs.

Sino naman magseselos?

Nakita ko naman na tinitigan nya si Panda.

Ohhhh.

Hehehehe.

Crush nga pala ako ni Aleksa. Malamang, magseselos. Hehee.

"Tigilan moko Rox ha. Hindi ko nga crush yang unggoy na yan, so bat ako magseselos?!" Aleksa the pandak

"Oh, may sinabi ba akong ikaw yung nagseselos? Defensive ka girl. Haha" pang aasar naman ni Crocs

Hehehe

Defensive kasi totoo. Bleh

"Krystal, this is Vendric. Bestfriend ni Zelo. And Vendric, this is Krystal, ang bestfriend namin." Biglang bungad ni Debena.

Ahhh. Krystal pala buo nyang pangalan.

Hehehe.

Krystal lalabs.

Yieeeee

Krystal Silva

Oh em ji! Bagay! Huhuhu

Pakakasalan ko talaga to hehehe.

"Hi Krystal hehehe." At inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands pero tinitigan nya lang ito at kinusilapan ito.

"Hi." Tanging sabi nya lang sa akin.

Huhu aray naman.

Kailan kaya may babait na babae sakin?!

Lahat nalang masungit eh huhu.

"So, introduction's done. Can we now proceed to the real purpose? Can we now study?" Pagsabi ni Krystal lalabs.

Hay. Kahit masungit, okay lang. Hehehe.

Basta, crush ko to! Hihi

----

ZELO ANGELO

Tangina naman kasi nitong langit na to!

Mukhang hindi pa ata ako makakahabol sa group study.

Damnit.

"Yow tropa! Kanina ka pa ba naghihintay?" At nandito na pala ang gago.

"Tangina mo." Pagmumura ko sa kanya.

"Aray ko naman tropa! You're hurting my feelings! Huhu. Minumura moko agad. Mahalin mo nalang kaya ako? Hehehe." Sabi nito habang nakikipagfist bump sa akin.

Nagpapalit palit lang ang tingin ko sa kamao nya at sa mukha nya pagkatapos ay iniripan ko lang ito.

"Tropa naman. Sungit mo ah. Red days? Haha!" Tangina kaingay ingay! Parang si Dric!

"You shittyhead! Tumahimik ka nga! Badtrip." Pagsigaw ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa isang bus terminal.

Hindi ko alam kung bakit kami nandito. Basta nagtext lang si Sky sa akin kanina na sa isang bus terminal daw kami magkita.

"Oh eto Zelo, binilhan kita ng softdrinks at chichirya para di ka mabadtrip" sabay abot sa akin ng nakabottle na softdrinks at chichirya

"I don't eat junkfoods." Pagsusungit ko sa kanya.

"Can you just tell me why did you want us to meet?! At dito pa talaga sa bus terminal? Wtf? Meeting place na ba ang bus terminal ngayon?" Sunudsunod na tanong ko sa kanya.

Nakaupo kami sa may upuan kung saan nakaupo rin ang mga babyahe na sa kanikanilang probinsya.

At itong si Sky ay naglabas ng kung ano sa kanyang bulsa at gulat akong napatingin sa kanya ng mapag-alaman kung ano ang nasa bulsa nya.

T-tickets?!

Wtf?!

----
A/N: BITIN BA?

Mesh mesherep keshe peg nebebeten. HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top