AGKWC 26 - GROUP STUDY?

ZELO ANGELO

"Okay Class, listen. Preliminary Examination is fast approaching. And marami pa tayong hindi natatackle na lesson na nasa syllabus. So please bear with me kung kailangan kong bilisan ang paglelecture. And also help yourselves na mag advance reading since I already gave you the topics to be reviewed. So tomorrow, I'm expecting that everyone will participate in my discussion. Okay. Class dismissed."

That's Mrs. Montreal.

Oh sht.

Malapit nanaman pala ang examination week.

Geez. I'm so excited.

Others treat exam week as 'hell week' but me??

Hell no.

Saya kaya.

You are given the chance to prove to your instructors that you know well more than them.

That you can boast to everyone that you are intelligent and smart. Not verbally but by seeing your grades and scores.

And mapapakita mo pa sa lahat na hindi ka lang gwapo, matalino ka pa.

That you have everything a woman could long for.

Now tell me, how can that be treated as hell?

"HELL WEEK NANAMAN!!!! HELL WEEK NANAMAN!!!! HELL WEEK NANAMAN!!!!"

Ugh.

I think you already know who that is.

Kanina pa nya yan sinisigaw after lumabas ni Mrs. Montreal ng classroom.

Siguro mga 34 times na to be exact. Paulit ulit. Tangina.

Di na ako nakapagpigil at binatukan ko na.

"Aray naman Brader!! Bat nambabatok ka ha?! Inaano ba kita?!" Pasigaw nyang sabi sa akin.

"Ang ingay mo kasi tangina." Sagot ko naman sa kanya.

"Haha! Cute cute kaya ni Vendric. Nako ipapakilala talaga kita sa kaibigan ko." Nagulat naman ako nang narinig kong sumabat si Divina sa amin.

At ang gagong Vendric, ngumisi sa akin sabay nagtaas baba ang mga kilay.

"Hehehe. Cute daw ako brader oh. Selos ka? Hehehehe"

"Ulol. Naniwala ka naman."
Why do I feel uneasy? Di ako mapakali. Hayop ka talaga Dric.

Putangina. Mas cute ako kay Vendric, Divina!

"Hehehe ikaw Debena ha. Nacucute-an ka sa'kin? Hehehe tenkyu ah. Haw abawt mah brader rayt hir? Ano masasabi mo sa kanya?" Sabay hinila pa ni Dric ang armchair na kinauupuan ko papalapit sa kanila ni Divina.

Tangina ang panget nya mag-english! Di ko maintindihan kung anong accent gamit nya. Pota.

Narinig ko namang tumawa si Divina ng mahinhin at tsaka sumagot.

"Haha! Cute mo talaga Dric, swear. Hihi. Ah si Zelo? Uhm.. ano.." napatingin naman sya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Nagkatitigan kami for a second at sabay din kaming nag-alis ng tingin.

"Ano? Tagal ah. Pa-expire na mukha ni Zelo di mo pa nacocompliment. Hahaha!" Sabat nanaman ng Silva na to.

Ano daw? Mukha ko pa-expire na? Ano tawag nya sa mukha nya? Edi expired na? Tss.

"Haha. Uhm ano. Si Zelo, cute din. Hehe." Pagsabi ni Divina at hindi nanaman makita ang mata nya dahil sa pagngiti nya.

"Tss. The word 'cute' doesn't suit me. I'm handsome."

Nakita ko namang nag make face si Vendric kaya tinitigan ko ito ng masama.

"Handsome daw. Nako brader bilhan kita ng salamin para malinawan ka sa mga bagay bagay ha?"

I rolled my eyes at him.
Whatever Dric. Sarili mo nalang bilhan mo. Tsk.

"Haha stop na. Ano pala, anong balak nyo? Exam week na next week." Pagbago ng topic ni Divina.

Nakita ko namang bumusangot nanaman si Vendric at nag cross arms pa.

"Eh Debena naman pinaalala mo pa! Stressed na stressed na nga ako kakaisip kung pano ako mabubuhay pagkatapos ng hell week eh! Huhuhu" Parang batang nagtatatantrums nanaman.

"Spell stressed." Paghahamon ko kay Dric.

"Hehehe gagu ka ah. Huhu" pfft. Gago Dric. Pag stressed di mo pa alam spelling, itatakwil kita.

"What? Why? Di mo alam spelling?" Tanong ko uli.

"Hoy grabe ka naman! Alam ko ah! Tinatamad lang ako mag-spell dahil stressed nga ako diba hehe" Sus. Palusot mo bulok. Haha!

"Haha sorry naman Vendric. Ano kasi, yayayain ko sana kayo." Divina.

Napatingin naman kami ng sabay kay Divina.

"Yayayain? Na ano? At saan? Bakit? Paano? Sino? Hehehe joke." Vendric

"Stop Dric." Pagsaway ko sa kanya at kinusilapan lang nanaman nya ako.

"Yayain ko sana kayo mag group study tayo. Haha."

Group study?

Hmm.

"Ay bet ko yan! Haha! Sige group study tayo! Huhu. Ang hirap naman kasi mag-aral mag-isa. No man is an island nga diba? So I need a woman. Hehe. Tayong tatlo lang ba?" Napatayo pa si Dric sa kinauupuan nya kaya napatingin tuloy sa amin ang iba naming mga kaklase pero ang vendric ay parang walang pake.

"I need a woman? Hoy mag aaral tayo. Hindi ka mambababae sa group study tanga." Pag basag ko kay Vendric at hinila na sya ulit paupo dahil ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nya.

"Hahaha. Ang cute ng friendship nyo noh? Ung isa cold at gwapo, yung isa childish at cute." At tila natauhan si Divina sa sinabi nya at napatakip sya ng bibig.

I started to grin.

"Gwapo? Tss. I knew it. Nagagwapuhan ka sakin." And I smirked at her.

"Ahh. Eh. Hehe." She gave me an awkward smile.

"Teka lang! Andaya mo Debena. Bat sya cold at gwapo? Tapos ako cute lang tapos childish pa?! Huhuhu di ka makatarungan! Yor so anpeyr!" Walang kabuluhang sabi nanaman ni Dric.

"Would you please stop trying to speak in english? Muntanga ka."

"At bakit Zelo ha? Ikaw lang ba pwedeng mag-english dito?! Hmp!" Kinusilapan ko nalang ulit sya dahil nakakawalang kwenta talaga syang kausap minsan.

Nope. Not minsan but lagi.

"Haha. Osige na. Cute at gwapo ka rin Vendric." Divina.

"And regarding dun sa group study, pwede naman kung tayong tatlo lang. Pero balak ko kasi sana isama pati yung mga friends ko." At sabay napatingin sa akin si Divina.

"You already met them Zelo diba? Sila Alex." Tanong nito sa akin.

"Oh. Yes. I remember." Pagsagot ko.

"Daya nyo ah. Kanina nyo pa ako dinuduga huhu. Ba't si Zelo kilala na friends mo. Tas ako di pa." Nakabusangot na sabi ni Vendric

"Haha kaya nga niyaya ko kayo sa group study diba? Para makilala mo na rin sila Vendric. Di ba nga may ipapakilala ako sayo? Haha." Sagot naman ni Divina sa kanya.

"Pero yun ay kung gusto nyong isama ko sila. Pero kung gusto nyo namang tatlo lang tayo, okay lang din hehe." Dagdag pa ni Divina.

"The more the merrier! Kaya dapat isama mo din friends mo! Hehe. Pati yung ipapakilala mo. Hehe. Chix ba yan?" Binatukan ko nanaman si Vendric. Pota kasi. Kailangan talagang tanungin kung chix?

"Oo chix yun. Haha! How about you Zelo?"

Napatingin naman si Divina sa akin and waiting for my answer.

"Sorry. I'm not into group study. I prefer studying alone. Kayo na lang." I honestly said.

Yeah.

Mas nakaka-aral ako pag mag-isa.

Pag group study kasi, as we all know, hindi yan nagiging 'study'. Nagiging kwentuhan at chismisan lang yan.

At least pag mag-isa, you can concentrate at mas nakakapag-aral kasi tahimik. Focused ka lang sa pagrereview.

"Ay. Sayang naman." Nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni Divina.

Tinignan ko rin si Vendric na ngayo'y masama na ang tingin sa akin at sinesenyasan akong bawiin yung sinabi ko.

Argh!

Fine!

"Okay fine. I'll join you."

Nakita ko namang bumalik ang sigla sa mukha ni Divina.

"Talaga?" Tanong nito sa akin.

"Yeah. But promise me that this will be a group study at hindi puro chismisan ang mangyayari."

Nakita ko namang mabilis na tumango si Divina.

"Yun oh! Haha. Ayos! Excited na ako! So kelan???" Tanong ni Dric.

"Tara na later? Sa Library. Haha. Pero pag dito sa school, mukhang tayong tatlo lang. Kasi yung mga kaibigan ko, ibang course sila eh. So iba rin ang vacant time nila. Sa weekend nalang sila. Haha."
Wow. Okay.

"Ahh. Sige. So sa Sabado yung literal na group study with your friends?" Tanong muli ni Vendric.

At tinanguan naman ni Divina.

"Eh saan naman tayo sa weekend? Bahay nyo? Haha." Dric.

"Diko pa alam. Gawa nalang ako groupchat natin mamaya. Haha. Friends ko naman na ata kayo sa fb?" Divina.

"Yup! Ikaw pa nga nag-add sa'kin eh. Hehe." Vendric. Kapal talaga ng pagmumukha. Tsk.

"You added me too. So we're already friends too." Pagsisinungaling ko. Ako talaga nag-add sa kanya. Crush ko nga kasi diba? Malamang ako mag-add sa kanya.

"Ahh. Hehe. Okay sige. So sa group chat na lang natin mamaya pag usapan kung saan tayo sa Sabado."

"Wahhh! Excited na iz me talaga! Nako swerte ng mga kaibigan mo Debena. Marami akong babauning mga pagpapala! Hehehehe."
There we go again with his cursed 'pagpapala'. -___-

When can he realize that his jokes are just puns?!

"RIP in advance to your friends, Divina. For their minds are about to die once they hear Dric's puns." Walang kaemo emosyong sabi ko kay Divina.

"Wow wow wow! Para namang di ka natatawa, eh natatawa ka rin kaya! Sampolan kita ngayon ano??" Bulyaw sa akin ni Dric at tumalsik pa laway nya.

Kadugyot! Fck!

"SILVA!" Sigaw ko sa kanya.

"Hehe oh eto panyo, punasan mo yang laway ko." At may inaabot na panyo sa akin na kulay.....

White na may mga bulaklak na design?!

Wtf???

Kay Vendric ba ito?

Tangina kabakla talaga!

"Why the fck do you have this kind of handkerchief? Bakla ka ba talaga?" Deretchahang tanong ko sa kanya.

"Tanga. Kay Divina yan." Sagot neto sa akin at sakto namang naipunas ko na ito sa laway ni Dric.

TANGINA?!

Agad naman akong napatingin kay Divina na ngayon ay natauhan at sinimulang hanapin at kapain ang panyo nya sa bulsa nya at mukhang tama nga si Vendric na kanya nga itong panyong ito.

Gago ka talaga Vendric Silva!!!!

---
VENDRIC SILVA

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!

Oh diba?

Ang saya kaya pag ganyan ang bungad sa POV ko. Tawa ko palang, maiinlab ka na. Hehehe.

Pero sorry. Taken na ako.

:<

Hehe joke lang.

So ito nga at hindi ako pinapansin ni Zelo ngayon dahil sa nangyari kanina.

Hahahaha! Pano ba naman, yung panyo ng crush nya ang pinamunas nya sa laway ko HAHAHAHA!

And dahil pa yun sa kagagawan ng gwapo nyang bespren. Hehehe.

Ganito kasi nangyari. Teka lang kasi. Mag eexplain ako!!

Jinujudge nyo ako agad huhuhu.

Nakita ko kasi na nalaglag ni Divina kanina yung panyo nya habang nag-uusap usap kami.

Tapos ang gwapo kong utak, ay nakaisip ng kalokohan para kay Zelo hehehe.

So imbes na ibalik kay Divina yung panyo, binalak ko talagang ibigay kay Zelo as remembrance. Haha!

Ganun naman talaga diba?

Pag nagkacrush ka, gusto mong magkaroon ng gamit nya.

At dahil mabait ako, edi naisip ko na ibigay yung panyo kay Zelo para naman may aamuy-amoyin sya bago matulog.

Tsaka pwede ring pampunas nya after mag-ano.

Mag-ano. Hehehehe.

Ikaw ha, anuano iniisip mo.

Pamunas after nyang pagpawisan! Kasi syempre diba mainit ngayon here in da pilipins. Diperent pram baguio.

Hehehe.

Eh kaya lang, ayun nga. Natyempuhan pang tumalsik yung laway ko sa kamay nya.

Edi yun na naisip kong way para mabigay sa kanya yung panyo.

Sige ganto nalang.

Author, inuutusan kitang ipakita sa kanila yung flashback ng nangyari.

(A/N: hoy. Inuutusan mo talaga ako? Gusto mo bang gawin kitang baog?)

Hala! Huhu wag ganyan! Joke lang eh. Huhuhu.

----
Flashback

"Tanga. Kay Divina yan." Sabi ko kay Zelo at tangina nakakatawa yung itchura nya ngayon kung makita nyo lang. Hahahaha!

Para syang tarsier na lumaki yung mata tapos tuod dahil di makagalaw dahil nagulat HAHAHAHAHA!

Si Divina naman ay sinimulang hanapin yung panyo nya at narealize nyang wala na nga sa kanya yung panyo nya at kanya pala talaga yung hawak ngayon ni Zelo.

"I'll kill you Silva. I swear I'd kill you!" Bulong sa akin ni Zelo pero imbes na matakot ay natatawa talaga ako. Hahahaha!

Naisahan ko nanaman sya. Lololol!

"P-pano mo nakuha yan?" Tanong sa akin ni Divina.

"Ninakaw ko sayo. Hehe. Magaling kasi ako magnakaw. Tignan mo, mamaya, halik na manakaw ko sayo." Sabay kinindatan ko pa sya.

Woooooh! Lakas mo talaga Vendric pag dating sa Chicks! Lodi talaga kita!

Ay wait, ako ba si Vendric?

Hala! Lodi ko sarili ko! Hahaha!

Napalunok naman agad si Divina na hindi makatingin sa akin.

At nararamdaman ko na ang katapusan ko. Dahil nakatingin na sa akin si Zelo ng masama.

Hindi yung usual na cold stare nya. But the colder one. Basta di maexplain! Mas nakakatakot! Huhuhu. Joke lang naman kasi eh :(

"Ehehehe. Joke lang! Di ko aagawan bespren ko ng chicks." At naramdaman kong siniko ako ni Zelo sa may tiyan.

Aray masakit yun ha!

"Ano yun??" Tanong ni Divina

"Nothing. He said nothing. He said something nonsense." At si Zelo na nga ang sumagot sa kanya.

Hmp! Nagtatampo na talaga ako. Huhu.

"So yun nga. Nakuha ko yang panyo kasi nalaglag mo. Pinulot ko para sayo. O diba. Aym sats a konsernd sitizen" may papunas pa ako ng mata na kunwari may luha. Hehe.

Kinuha ko mula kay Zelo yung panyo at akmang ibabalik kay Divina pero..

"W-wag na. Keep it. It's yours na." May pag-aalinlangang sagot ni Divina sa akin.

At dahil dun ay lalo akong napangiti na abot hanggang tenga

---

Kita nyo na kita nyo na!!!

Umepek ang plano ko!

Ang galing ko diba?! Haha!

Edi ngayon kay Zelo na yung panyo ng crush nya.

YiEEEE nakatulong pa ako sa kaibigan ko.

Hehehe I feel so good. Bait bata talaga ako hehe.

Pero bakit di yun makita ni Zelo? Huhuhu

I was trying to do him a favor kaya. Tapos di nya naappreciate. Nagalit pa sya huhu.

Nandito na kami ngayon sa library.

Ahhhhh! Ang panget naman dito huhuhu!

Bawal mag-ingay! Eh sa gusto ko mag-ingay! Ang hirap di magsalita. Huhu.

5 mins palang kaming nandito pero feeling ko kalahating araw na akong nandito aaaaaaahhhhh!

Si Zelo at Divina naman ngayon ay tahimik at nagbabasa lang silang dalawa ng libro. Walang mga imik.

Di rin nagpapansinan.

Akala ko ba group study?

Bakit hindi kami nagpapansinan? Huhu.

Di na ako nakatiis at kinalabit ko na silang pareho.

Nasa long table kasi kami nakapwesto. Nasa tapat ko silang dalawa.

Oo. Magkatabi ang mga walanghiya.

Ginawa pa akong thirdwheel huhu

Babe wer na u? Samahan mo naman ako dito oh. Hehehe.

"Huy! Akala ko ba group study? Bakit di kayo namamamsin?!" Bulong ko sa abot ng makakaya ko.

Di naman kasi ako marunong bumulong!

Malakas talaga bunganga ko. And that's one of my asset noh wag ka nga!

"Can't you read the sign? It says KEEP QUIET" Masungit na sabi sa akin ni Zelo

Wahhhh! Galit pa rin talaga sya sa akin!

"Hmp. Sorry na Zelo huhuhu. Sorry din Divina." At naka famous pout nanaman ako sa kanilang dalawa.

Pero tinitigan lang nila ako. Si Zelo ay kinusilapan ako at si Divina naman ay nagbigay lang ng thumbs up sa akin.

Wahh buti pa si Divina bati na kami huhu.

PERO DI KO NA TALAGA KAYA!

AYOKO DITO!

Tumayo na ako at akmang aalis ng mapatigil ako.

"Where are you going?" Tanong ni Zelo.

"Aalis na. Di nyo naman ako pinapansin eh." Ginamit ko pa yung paawa effect voice ko hehe.

"Tsaka di ko na kaya dito. Masyadong tahimik nakakabingi! Para akong tinotorture!"

At nakarinig ako ng malakas na hampas ng lamesa.

Sa sobrang gulat ay napasigaw ako.

Tinignan ko naman kung sino ang naghampas ng lamesa at yung librarian pala ito!

"The sign says "KEEP QUIET" now if you can't do that, better leave!!" Sigaw pa niya.

Ang sungit sungit! Eh sya nga tong sumisigaw at nag-iingay! Hmp!

Wala pa siguro itong asawa kaya sobrang sungit. Tss.

Pano magkakaasawa eh ang sungit sungit! Kala mo kagandahan! Hays!

Tuluyan na akong umalis ng library at naiwan pa rin sila Zelo at Divina

Mga hangal! Huhuhu. Di manlang ako pinigilan o sinundan.

Di na ba nila ako lab. Huhu.

Pero teka,

Saan naman ako pupunta nyan?

Ah alam ko na!

Dun nalang sa gym! Tinignan ko ang oras sa relo ko at tamang tama!

Malamang andun pa yung mga nagpapractice ng cheerdance para sa intrams next next month!

Hehehe siguradong gaganahan silang magpractice lalo pag makita nila ang gwapo kong mukha.

Hehehe. Oo tama. Dahil concerned citizen ako, nais ko lamang makatulong kaya dun ako pupunta!

Papunta na ako sa loob ng gym ng may madaanan akong isang babae na maputi at maganda na nag-iisang nakaupo sa Junior's Park.

Ang ganda nya ah. Hehe chicks. Pero ba't mag-isa nya lang?

Lalapitan ko na sana sya nang tumayo na sya sa kinauupuan nya at umalis.

Ay.

Sayang naman.

Di ko manlang natanong pangalan nya. Hmp.

Ganda pa naman. Kaya lang mukhang masungit.

Parang Zelo lang. Girl version.

Hehe. Pero na love at first sight na ata ako?

Sana malaman ko name nya. Hehe.

Ganda nya talaga.

----

ZELO ANGELO

Mula ng umalis si Dric dito sa library ay hindi pa rin kami nagkikibuan ni Divina.

Argh! Why can't this awkward feeling just go?!

I feel so suffocated right now. And it's bullsh*t!

Diko na kaya.

"Divi---"

"Zel--"

Fck. Okay. So nagsabay lang naman kaming magsalita.

"You go first." Sabi ko sa kanya.

"Hindi sige. Mauna ka na." Sabi naman niya sa akin.

Ugh.

"No. I said you first." Pagmamatigas ko.

"Ikaw na nga mauna" pamimilit nya pa din.

"Okay fine." I gave up.

"Sorry. Ako na magsosorry sa ginawa ni Vendric. Labhan ko na lang itong panyo mo then I'll give it back to you." Sabi ko sa kanya while looking at her.

Haaaay. She's really beautiful.

Lalo na sa malapitan.

Tae. Nag-iinit nanaman ako.

"Naglalaba ka?" Di makapaniwalang tanong ni Divina sa akin.

"Was that an insult?" Tanong ko pabalik sa kanya.

At tumawa naman siya ng mahina. Malamang bawal nga kasing mag-ingay sa library diba?

"Haha! Sorry naman. Nakakatuwa lang na isang Zelo Angelo, a cold and handsome guy, naglalaba. Pfftt." At tumawa nanaman sya.

Big deal ba kung marunong akong maglaba? -__-

Di ako marunong magluto pero marunong naman ako maglaba!

"For the 2nd time, you called me handsome." I smirked.

Kita ko naman na namula sya sa sinabi ko. Pfft.

Cute.

"Anyways, your turn. Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko muli sa kanya.

Nakita ko naman na tinuck nya yung ibang hibla ng buhok nya sa likod ng kanyang tainga.

"Wala. Sasabihin ko lang sana na it's okay with me if you keep that." Sabi niya sa akin sabay tinuro ang panyo na hanggang ngayon ay hawak ko pa din.

"No. I will not keep this. Ibabalik ko to sayo. Iba ang gusto kong i-keep." Sagot ko naman sa kanya.

Nakita ko naman na inaabangan nya kung ano yung sasabihin ko.

"Ang gusto ko, ikaw." I paused and I looked her straight into her eyes.

Nakita ko naman na namutla syang nakatitig sa akin at napalunok nanaman.

"Kidding." Agad kong sinabi at iniwas ang tingin sa kanya.

Narinig ko naman na tumikhin sya at humingang malalim.

Ramdam ko ang init sa loob ng katawan ko. Ugh

"Ha ha ha, muntik na akong maniwala dun ah. Haha!" She awkwardly said.

"Sa akin ka maniwala. Ipapa-SAO ko na kayo pag di pa kayo tumahimik! This is a library and not a park para pag-date-an nyo!"

Pareho kaming nagulat ni Divina dahil nandito na pala sa tabi namin ang masungit na librarian.

Pota. Eh sya nga tong maingay. Sigaw ng sigaw.

Tss. Sa sobrang inis ko, tumayo na ako at kinuha ang bag ko tsaka ko hinawakan ang kamay ni Divina tsaka ko sya hinila palabas ng library.

Ramdam ko ang pagkagulat at pagtataka ni Divina sa ginawa ko pero di ko na lang pinansin.

Pero....

Shit!

Hawak ko kamay ni Divina ngayon.

Fck!

Ang lambot ng kamay nya. Ugh.

Kinikilig ako. Pota! Help!

---

A/N: HAPPY 1K READS!! YIEEEEEEEE ❤ Abangan nyo, gagawa ako ng account ng mga characters ko. Hihi.

Comment nyo dito kung sino sa mga characters ko ang gusto nyong magka-account.

VOTE.COMMENT.SHARE

-foreverbaaaabs ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top