AGKWC 18 - MISUNDERSTANDING
ALEXA SUMERA
Oh my freakin' cheese!
Ang dumi dumi ko nang babae!
Literal! Huhuhu.
Peste kasi ng lalakeng 'yon!
This is the second time na nakabangga ko sya! Argh!
Hindi manlang ako tinulungang makatayo! Grabe! Super gentleman!
Tapos ano daw?! Panda? Pandak?! Oo maliit ako pero hindi naman ako pandak!
Tsaka close ba kami para tawagin nya akong pandak?!
Buti sana kung kasing gwapo ni Leon Caster ang bumunggo sa akin eh. Jusko! Baka di na ako tumayo. Hihihi
Pero kinilig ako slight nung inabot nya yung panyo ko. Hehehe. Slight lang naman. Pero bwisit pa rin sya!
Kumaripas na ako ng takbo pabalik sa Engineering building kung saan ay magkaklase kami ni Roxie.
"Hoy Lex! Anyare? Ba't ang dumi mo?" Roxie na papunta rin pala sa Women's CR.
"You won't believe it, Rox." Pagkusilap ko sa kanya at deretchong pumasok sa isang cubicle.
"Edi wag mo nalang sabihin. Di rin pala ako maniniwala. Tsk" Rinig kong sagot nya sa sinabi ko.
"The guy I mentioned na bumangga sakin last week? Well, nakabanggaan ko nanaman sya kanina!" Lumabas ako ng cubicle at dumeretcho sa may salamin
"Ahh. Yung sinasabi mong gentleman?" May halong pang-aasar na sabi sa akin ni Roxie habang nag-aayos sa harap ng salamin
"Oo. Yung gentleman!" Please note my sarcasm there.
"Psh. Baka meant to be kayo."
Tinitigan ko naman ng masama si Roxie habang nagpupulbo
"What?" Tanong niya sa akin na akala mo naman walang sinabing hindi maganda!
"Anong meant to be ka dyan? Gusto mo ba ibuhos ko tong buong pulbo sayo?!" At akmang ibubuhos ko na sa kanya
"Haha chill Lex! Kilig ka lang eh." Pang aasar nya pa rin sa akin.
"Kay Leon Caster na lang ako. Tsk" Sabi ko sabay kusilap kay Roxi
"Wow. As if naman may pag-asa ka dun." Pag-angal sa akin ni Roxie
"Bakit ba lagi mokong kinokontra?! Kainis to! Sana sila Krys or Ina nalang pinagsabihan ko ish!" Bulyaw ko sa kanya at lumabas na ng CR
"Huy teka lang naman!" Rinig kong sigaw ni Roxie at sinundan na ako pabalik ng classroom.
Si Leon Caster kasi yung kaklase namin sa isang subject na sobrang cutie huhuhu.
Malayong malayo sa unggoy na lagi akong binabangga tsk
Pabalik na kami sa classroom ni Roxie. Syempre nagpaganda muna kami. I mean, si Rox lang pala.
Kasi natural na akong maganda. Hehehe bleh.
Habang papasok na sana ng classroom, ay nakita ko si Leon Caster na nakangiting nakatingin sa akin.
Omg! Ang pogi nya talaga! Huhuhu.
Papalapit sya ng papalapit sa kinatatayuan namin ni Roxie.
Nakangiti pa rin ito sa akin kaya naman nakangiti rin ako ng wagas sa kanya at nagpacute pa. Hihi
Ayan na....
Malapit na....
Teka......
N-nilampasan niya ako?!
Sinundan ko kung saan siya pupunta at nalaman kong sa isang babae
At inakbayan pa nya ito!
AaaaaaAaAhhhhhh!!
Inakbayan nya ang babae at ang babae naman ay humawak sa bewang nya.
May g-girlfriend na si Leon?!
AaaAaahHhh!!
Masaket!!
Naramdaman ko namang may humagod sa likod ko at si Rox lang pala.
"Sabi sayo girl eh. La na. Finish na. May jowa eh." Sabi nito sakin at tinap pa ang balikat ko at tuluyang pumasok sa classroom
Naiwan naman akong tulaley at unti unting tumulo ang mga luha ko
"Eh kasi naman eh!!! Pogi na nga, nawala pa!" Sigaw ko na ikinagulat ng lahat ng nasa hallway at maging ako ay nagulat!
Napalakas pala ung pag-iinarte ko.
Hehehe pasensya na. Nabroken lang huhuhu
-----
DIVINA MARIEL
Nauna akong dumating sa canteen at mukhang parating na rin sila Alexa at Roxie.
Hanggang ngayon ay di pa rin ako mapalagay sa kung ano nang nangyayari kila Zelo at Vendric.
Ba't naman kasi nagkopyahan pa yung dalawa. Napahamak pa tuloy.
Maya maya'y dumating na rin yung dalawa at umupo.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagpapalit palit lang ng tingin sa amin ni Alexa si Roxie.
"So ganon? Yung isa hindi na maipinta ang mukha tapos yung isa naman kala mo pasan niya ang bigat ng mundo." Pag-sasalita ni Roxie na hindi namin pinansin ni Alexa.
Nakaupo lang si Alexa na nakabusangot at naka 500 peso pose sa lamesa. Habang ako naman ay nakatunganga lang at bakas ang pag-alala sa mukha.
"Aish! Bahala nga kayong dalawa dyan! Bibili nalang ako ng pagkain ko." May pagkairitang sabi ni Rox tsaka sya tumayo at pumunta sa may counter para umorder.
Nang makabalik na si Roxie dala ang kanyang pagkain ay nakita ko rin namang paparating na rin si Krystal sa pwesto namin.
"Oh Krys! Aga mo ata?" Tanong ni Roxie.
"Wala si panot. Absent" she coldly replied.
Napa-irap nalang din si Roxie kay Krystal.
"Ano ba to! Nakakaasar ha. Ba't di ko kayo makausap ng maayos ngayon?! Well, except for Krystal, kasi matagal nang hindi nakakausap ng maayos yan. But the two of you, problema nyo?" Pagkuha ng atensyon ni Roxie sa amin.
Nakita ko naman na nagbuntong hininga si Alexa bago nagsalita
"Para namang di mo alam ang nangyari kanina." Nakasimangot pa ring sabi ni Alexa.
"Ha? Ano ba nangyari kanina sayo?" Tanong ko naman kay Lex.
"Mygad Alex, about kay Leon pa rin ba kaya ka nagkakaganyan?" Di makapaniwalang tanong ni Rox kay Lex.
"Leon?" I asked sabay tingin sa kanilang dalawa.
"Yeah. Yung crush ni Alex sa klase namin. Pano ba naman, nakita namin kanina, may jowa na pala haha!" Turan ni Roxie na tinawanan pa si Alex.
"Wait lang ha" Kinuha ko ang wallet ko sa bag at bumili na rin ng kakainin ko.
Pagkabalik ko sa lamesa ay may dala dala na akong cheeseburger and iced tea.
"So ano na ulit? So kaya nagkakaganyan si Alexa ngayon dahil may jowa na yung crush nya?" Panimulang tanong ko uli kay Rox na ngayon ay paubos na ang inorder nyang budget meal.
"Exactly." Rox.
"Kasi naman. Akala ko talaga sa akin siya nakatingin kanina. Nagpacute pa ako sa harap nya! Tapos.... tapos.... yung jowa pala niya yung nasa likod ko na pinuntahan niya" at tuluyan na ngang umiyak si Alexa. Hindi pala iyak. Hagulgol pala pfft.
"Sabi naman kasi sayo girl, wag na si Leon. May jowa na eh. Hanap ka nalang ng iba. Si Mr. Gentleman nalang kaya? Pfft." Rox.
Nakita ko namang sumama lalo ang mukha ni Alexa at sa isang iglap ay nakita kong binatukan na niya si Roxie.
"Aray ko naman! Joke lang! Kailangang mambatok?" Hinimas pa ni Roxie ang binatukan ni Alexa.
"At sino naman si Mr. Gentleman? Kayo ha. Di kayo nagsasabi." Kunwaring may pagtatampo ko sa kanila.
"Yung laging nakakabanggaan ni Alexa na feeling ko eh meant to be nya. Haha!" Tawa nanaman ni Rox at akmang babatukan siya ulit ni Alexa pero nakaiwas naman siya agad.
"Hindi ko nga sabi type yon! Argh! Change topic! Ikaw naman Ina. Bakit mukha kang worried kanina?" Pag-iba ni Alexa sa usapan.
Naalala ko nanaman si Zelo at Vendric. Hays. Yung dalawang yun talaga. Tsk.
"Wala. Sila Zelo kasi, na-SAO kanina." Walang buhay na sagot ko sa kanila.
Ubos ko na pala yung burger na kinakain ko kanina. Hehe. Skl.
"Ha? Bakit sila na-SAO?" Tanong ni Alexa.
"Nahuli kasi ni Mam Montreal kanina na nagkokopyahan." Sagot ko naman.
"Nagkokopyahan? Eh diba matalino yung Zelo? Tsaka, Zelo ba at hindi Zero?" Dagdag na tanong ni Roxie
"Yeah. Matalino nga siya. Pero nagpakopya kasi siya kaya nadamay. At oo, Zelo yun hindi Zero." Pagtatama ko sa kanila.
"Ahh. Eh bat ka affected?" Roxie.
"Oo nga. Uuuuy, gusto mo na ba si Zelo ha?" Alexa.
"Hindi ah. W-worried lang, gusto agad? Syempre kaibigan ko na din naman sila kahit papano." Pag-eexplain ko.
"Kanina ka pa sila ng sila, sino ba kasama?" Alexa
"Si Vendric. Yung bestfriend ni Zelo." Sagot ko.
"Huy ang pogi ng name. Hehehe." Alexa.
"Ayan ka nanaman sa pagiging malandi mo hoy. Kala ko ba broken ka kay Leon?" Ito nanaman si Roxie. Nagkokontrahan nanaman sila ni Alexa.
"Oo nga. Broken ako. Tsaka hindi ako malandi ah! Maganda lang hehehe." Aish kung hindi shunga shungahan, naghahangin hangin tong Alexa na to. Psh.
"Pakilala mo naman ako dun sa Vendric. Hihi" hinawakan pa niya yung kamay ko ah.
"Sige." Nakangiting sabi ko kay Alexa sabay alis ng kamay nya sa kamay ko.
"Wow. From Leon to Gentleman to Vendric real quick ah?" Roxie.
"Gusto mo bang sakalin kita ha?" Ops. Mukhang mag-aawat nanaman ako ng away nilang dalawa.
Natatawang kinusilapan ko nalang silang dalawa at pinabayaang magsaksakan. Haha joke.
Napatingin naman ako bigla kay Krystal.
Ay,andito pala tong babaeng to?
Di manlang naramdaman presensya nya pfft.
At teka....
Tama ba itong nakikita ko???
Kinusot ko pa ang mata ko at muli siyang tinignan para makasigurado kung totoo ba ang nakikita ko at mukhang totoo nga!
Agad kong kinalabit si Roxie at Alexa nang hindi inaalis ang tingin ko kay Krystal.
Sinenyasan ko namang manahimik si Roxie at Alexa sabay turo kay Krystal.
Mukhang nagets naman nung dalawa yung pinahihiwatig ko kaya naman nagsimulang tumikhim si Alexa.
Ngunit hindi pa rin kami pinapansin ni Krystal kaya mas nilakasan ni Alexa ang pagtikhim.
Pero wala talaga.
Kaya si Roxie naman ang gumawa ng paraan.
Pumunta siya sa likuran ni Krystal at bigla itong ginulat
"Huy!" Rox
At mukhang naging effective dahil nakatingin na samin ngayon si Krystal na gulat na eventually turned into her cold aura again.
"Bakit nyo kailangang manggulat." Walang kaemo emosyong sabi ni Krystal.
"Girl, kung di ka pa namin ginulat, malamang hanggang ngayon ay di mo pa rin kami pinapansin." Alexa.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo dyan sa cellphone mo? Kanina pa kami nagdadaldalan dito tapos ikaw nandyan nakamukmok sa cellphone mo." Roxie
"And why are you smiling at your phone?" Makahulugang tanong ko kay Krystal at binigyan din sya ng pang-aasar na ngiti.
Oo. Kanina pa siya nakatingin lang sa cellphone niya na animo'y may katext at pangiti-ngiti pa!
And take note!
She's not the usual Krystal right now!
Never pa naming nakitang ngumiti si Krystal.
Tapos ngayon, magugulat nalang kami she's smiling at nothing?
Nothing nga ba? Or umeeffect na ang plano ko para sa kanya?
Hihihi
Nakita ko namang tinago agad ni Krystal ang phone niya at tsaka inayos ang upo niya.
"W-wala. Masama bang ngumiti?" Tanong nito sa amin.
"Hindi naman. Just so you know, never ka pang nagpakita samin na nakangiti. So we are wondering ba't ka kaya ngumingiti?" Alexa with her intigruing smile.
Tinignan ko naman si Krystal at tinaas baba ang kilay ko sa kanya.
I think I know why.
Pffft.
----
KRYSTAL FORTALEJO
Shit!
What am I supposed to say?
Anong idadahilan ko?
At bakit ba naman kasi ako ngumiti?!
Shit! Eh bat ba?! I can't help but to smile!
Matagal tagal na rin simula ng huli akong ngumiti.
That was when I was still with him. With my man. Or should I say boy? Wtf.
Tapos itong Divina pa na ito, maka ngiti sa'kin parang alam na niya ang dahilan ng pag-ngiti ko. Tsk.
Tinignan ko ang orasan at nakita kong 20 minutes nalang before magring ang bell
"I gotta go. The bell's about to ring" pagpapalusot ko para lang makaalis sa nakakapaso nilang tingin.
Akmang aalis na ako ng hawakan ako ni Divina sa braso ko
"Krys, samahan mo muna ako sa CR, please?" At minulagatan pa nya ako.
Oh, I think I know why.
Hinila na niya ako papuntang CR at naiwan si Alex at Rox na nagtataka.
Nang makarating kami sa CR ng canteen ay agad nya akong binitawan at hinarap sa kanya.
"So tell me, is it because of Zaki?" And now she's looking straight into my eyes. Nang nakangiti. Ngiting may ibig sabihin.
"Cmon, sabihin mo na Krys. Nag-eenjoy ka na sa pagiging Kyra Devon noh? Yieeeeee. Kinikilig ka na ba kay Zaki ha?" Sinusundot sundot pa niya yung tagiliran ko. Tangna.
Hindi ah!
I'm not smiling because of Zaki Clint.
He's just a character. He's not real.
"Duh? Why would I be smiling just because of your stupid character?" Uh-oh. I think I should carefully choose what word/term I'm going to use.
Yung ngiti kanina ni Divina ay nawala at napalitan ng galit.
"Stupid? Really? Ay. Sorry naman. Stupid characters from their stupid writer." That's all she said and went out of the CR.
Shete naman! Bobo mo din Krystal eh.
Shit. Naguguilty talaga ako. I need to say sorry. But I can't!
Ugh. My fckin' pride is stopping me from doing so.
Pero hindi ko naman sinasadyang masabihan ng stupid yung character nya eh!
I'm just left with no choice. Nasabi ko yun dahil para makaiwas na sa mga tanong niya na totoo naman.
Yeah, I'm smiling because of Zaki.
Kachat ko kasi siya kanina as Kyra Devon.
But shit, nahihiya akong sabihin kay Ina na naeenjoy ko na.
Aish! Napasabunot nalang ako sa buhok ko at iritadong lumabas ng CR.
Pagkarating ko sa lamesa namin ay wala na dun si Divina at si Roxie at Alexa nalang ang natitira.
"Uy girl, what happened? Bakit parang badtrip si Divina? Nag-boogsters kayo?" Tanong sa akin ni Alexa.
"Boogsters?" Sabay naming tanong ni Roxie
"Yah. Boogsters. As in nagbugbugan ganon. Nagboogsters. Hehehe" alexa at nag peace sign sa amin.
Kinusilapan nalang namin siya ni Roxie.
"So ano nga nangyari? Nag-away kayo ni Divina?" Tanong muli ni Roxie.
"No. We just got a misunderstanding." Tanging sagot ko sa kanila at umalis nalang din para walan ng follow-up question.
Oh fck.
Alright then.
I'm gonna lay down my pride since it's my fault.
Magsosorry ako kay Divina.
After all, she's a friend.
Right?
----
A/N: aaAaAAaaaAhHhhhH!! Ang bilis! 600+ reads and 154votes na tayo huhu. Thank youuuu! Omg.
Pasensya na if this is a lame update. Galing kasi ako sa pagkakadepress lol. Hehe.
Don't forget to comment, vote and share! Lovelots bbgirls! ❤
-foreverbaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top