AGKWC 15 - KRYS ABOMINATES INA
ZELO ANGELO
Pagkabigay na pagkabigay pa lang ni Divina ng email at password ay agad agad ko na itong binuksan.
Am I that excited? Lol.
Wala kayong pakialam.
Zaki Clint
Fictional Character at Wattpad
What's on your mind?
Woah. Lilima pa lang ang friends ko. At si Divina, Kyra, Clyde, Luigi at Mia pa lang.
Teka, let me open the messenger.
EWIH Official Group
EWIH Operators
Wow. May dalawang groupchats agad. Binuksan ko yung una at mukhang ito yung groupchat with the readers. And the second one is the groupchat of us operators and Ms. Author.
Mi-nute ko naman agad itong dalawang groupchat para hindi maghang phone ko.
At dahil nakagawa na ng groupchat for the readers, naging sunud-sunod na rin ang mga friend requests sa account na ito kaya naman nagsimula na rin akong mag-accept.
Habang nagscro-scroll ako sa newsfeed, nakita ko naman ang mga posts nila Divina, Mia, Clyde at Luigi.
Divina Mariel
So hello my lovely readers! Here's the official accounts of my characters in EWIH. And these are the ONLY ACCOUNTS. So as of tonight, pwede nyo na silang maka-chat at mailike ang mga posts etc. Haha! And also sa lahat ng mga gustong magpa-add sa groupchat with the characters, PM nyo lang ako. :) Again, have a good night everyone!
You and 2.4k reacts 542 comments 30 shares
Kaya naman pala nagsidamihan ang mga nag-aadd sakin eh. Tsk.
Mia Frost with Kyra Devon and 3 others
Public. 2mins ago
Hey everyone! It's me, Mia Frost!
20 reacts 10 comments
2 mins ago pa lang, 20 reacts na? Akalain mo nga naman. Tsk.
And nagsipost na rin sila Clyde at Luigi na naka-tag din kami at ni-like ko na lang din ito.
So, ako na lang ang hindi pa nagpopost? And also Kyra. Tss.
Okay then, let me post.
Zaki Clint with Kyra Devon and 3 others
Public. Just Now
Hey.
Pagka-click ko pa lang ng post ay sunud-sunod na ang mga reacts at comments sa post ko.
So this is what a famous person deals with everyday?
❤👍😮Clyde Spencer, Divina Mariel and 40 others
Clyde Spencer Hello Bro!
Luigi Parker Yow yow yow!
Grace Laurel Hi Zaki! I'm Yours hihi
At sunud-sunod na nga ang mga comments at reacts sa una kong post. Kaya pinabayaan ko na muna ito.
Bumalik ako sa messenger para makita ang mga messages sa akin. And as what I expect, andaming chats sa akin ng mga readers!
Damn! Nakakatamad silang reply-an. Pwede naman sigurong bukas ko na lang sila pagsireplyan diba?
Yeah. Di naman malalaman ni Divina. Tsk.
EWIH Operators
Divina: Hello everyone! So this is our groupchat. Dito tayo pwedeng mag-usap usap na tayong anim. So bawal kayong mag-add ng iba dito. Yun lang naman. Haha! Enjoy! :)
Clyde: Yes author! Haha! -L
Mia: Okay po. Hehe. -P
Clyde: Hi Mia. <3
Mia: Problema mo Clyde?
Clyde: Wala. ;)
Luigi: Oy tigilan mo nga Clyde, nilalandi mo nanaman si Mia. Haha!
Divina: Haha! Naku ha. Baka mamaya magkatuluyan kayo...... sa story ko. Hahaha!
Mia: Utang na loob, wag!
Clyde: Nako, chochoosy ka pa ba Mia, itong gwapo kong to?
Luigi: Ako ngay Ms Author? Wala ba akong lablayp? Hehehe. Sayang naman tong muscles kong batak.
Divina: Tatanda kang forever alone Luigi. Sorry.
Mia: Sa pangit mong yan? Oo! Chochoosy talaga ako!
Clyde: Haha! Kawawa ka naman bro!
Luigi: Daya naman! Huhu.
Clyde: Kunwari ka pa Mia. Tsk
Zaki: Hey.
Mia: Hi Zaki!
Luigi: Yow bro!
Clyde: Duuuuude.
Zaki: Bye.
Luigi: Tangna?
Mia: Hala, nag hi tapos magbbye din?
Clyde: Wala pa daw kasi si Kyra. Haha! Lungkot ang gago.
Clyde: @Kyra Devon
Luigi: Ako nalang Bro. Wala man si Kyra, dito lang ako for you. Mwaps!
Clyde: Haha! Nabakla na!
Zaki: Damn you.
Luigi: Easy lang bro! Haha!
Mia: Teka, asan na ba kasi si Kyra?
Clyde: Kami pa talaga tinanong mo? Bestfriend mo diba? Edi dapat alam mo!
Mia: Kausap ba kita?
Luigi: Boom! Haha! Wala ka pala bro eh. Tumba ka kay Mia haha!
In-exit ko na muna ang groupchat namin dahil sila sila din lang ang nag-aasaran, and as Zaki's operator, la akong pake.
Pero, nasaan na kaya si Kyra?
Mula kanina, hindi ko pa sya nakitang nagpost or nagchat sa isa sa mga group chats.
Kusang loob naman ang kamay ko na hinanap ang pangalan ni Kyra.
Sakto! Online naman pala, eh bakit hindi manlang magchat or post? Sya pa naman bida ng story. Tsk.
Okay Zelo.... este Zaki, time to chat her!
----
KRYSTAL FORTALEJO
Fck it!
Naghahang na yung laptop ko sa sobrang dami ng notification netong account na to.
Kaya ayaw na ayaw kong nagfafacebook eh! Nakakairita!
Kaya nga I don't post pictures on my fb account para iwas sa ingay ng notifs. Tapos dito sa account na to, parang bomba kung makasabog sa notif?!
Nakita ko namang nagsipost-an na ang ibang mga rp accounts. Well, the hell I care?! Sa tingin ba nila magpopost rin ako? A BIG NO NO!
Nagsimula na rin mag-ingay ang messenger. Dahil sa mga groupchats na ginawa ni Divina. At sa mga pm's ng iba na pa-accept daw ng friend requests nila.
Argh! Nakakainis talaga!
Bakit ko ba ginagawa to?!
Wala sa loob kong pinag-aaccept lahat nang hindi manlang tinitignan ang profile nila.
Bahala sila. At least I'm doing my part. Tsk.
Busy ako sa pag-aaccept ng mga friend requests nang mag-pm naman sa akin ang account na Zaki Clint.
---
Zaki Clint
Hey.
Kyra Devon
Hey.
Zaki Clint
What's up?
Kyra Devon
Is not down.
Zaki Clint
What?
Kyra Devon
Where, When, How?
Zaki Clint
Ginagago mo ba ako?
Kyra Devon
Hindi.
Zaki Clint
Tss. Magchat ka na sa gc. They're waiting for you.
Kyra Devon
At bakit kita susundin?
Zaki Clint
Idiot. Hindi kita inuutusan. I'm just informing you what to do.
Kyra Devon
Edi utos pa din yon!
Zaki Clint
Bahala ka.
---
Oo alam ko. Hindi ko nagagawa ang character ni Kyra pero anong magagawa nila?
Ginusto ni Divina na ako ang maging operator so she should bear with me.
Wala ako sa mood maging maingay. But I'm in the mood mambara. Tsk.
Binuksan ko nalang ang groupchat naming operators
---
EWIH Operators
Kyra: @Divina Mariel Pm.
Mia: Hi Beshy!
Clyde: Oh andito na pala ang lovelife mo @Zaki Clint eh. Haha!
Zaki: Ayaw pala ha @Kyra Devon
Kyra: May sinabi ba akong ayaw ko?
Luigi: Hala, LQ agad? Haha!
Kyra: @Luigi Parker wala kang paki.
Mia: Ayt. Hindi ako pinansin. Huhuhu.
Clyde; Ako tawagin mo, papansinin kita. ;)
Luigi: Tigilan nyo nga! Nakakasuka kayo.
Mia: No thanks. @Clyde Spencer
Clyde: inggit ka lang bro! Haha!
Zaki: Tss. May dalaw ka ba ngayon?
Kyra: Wala. Wala naman akong sakit kaya bakit ako dadalawin.
Clyde: Hahaha! Lakas mo Kyra! LT ang pota!
Kyra: Share Mo Lang?
Mia: Haha! Wawa ka naman Clyde, basag!
Zaki: Tanga. Ibig kong sabihin, do you have your menstruation right now?
Luigi: Hala! Tinanga ka Kyra oh! Kung ako yan, sinapak ko yan!
Zaki: Gusto mong ako sumapak sayo Luigi?
Luigi: Hehe! Joke lang bro!
Kyra: Wala kang paki.
Zaki: Okay. Whatever Miss Iron.
Kyra: I'm not an iron.
Zaki: yeah, but like an iron, you're flat.
Mia: Grabe ka Zaki! Hahaha! Beshy, pagtanggol mo mga flat!
Kyra: Sa pagkakaalam ko, hindi lang ako ang flat dito.
Mia: Malaki boobs ko Kyra anoba!
Kyra: Beshy, hindi ikaw. Tatanga tanga din eh.
Mia: Di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Tinawag mo akong beshy pero tinawag mo din akong tanga huhu.
Clyde: Tawagin kitang 'Babe'. <3
Mia: Tigilan mo nga ako Clyde! Nakakairita ka na ah!
Luigi: Magpm na nga lang kasi kayo kung maglalandian din lang kayo! Mas naaasar ako!
Divina: Ehem. May naiinggit.
Zaki: Hi there Ms. Author.
Mia: Author pwedeng pakipatay si Clyde sa story? Please lang.
Clyde: Harsh mo naman babe :<
Divina: Hi @Zaki Clint :)
@Mia Frost Sige we'll see. Haha!
Luigi: Kasi naman author! Lagyan mo din kasi ako ng partner! :( Gusto ko yung maganda tapos sexy!
Zaki: Dream on Luigi.
Kyra: I pm-ed you Divina.
Mia: Tapos gusto ko author, ako mismo papatay sa kanya.
Clyde: Eh kung ako kaya pumatay sayo? Patayin kita sa sarap. 😋
Luigi: Woahhhh! Ang ineeet!
Mia: Bastos!
Divina: Sige, @Kyra Devon.
Kyra: Kadiri kayo. Tss.
----
Kyra Devon
Divina, maghanap ka nalang ulit ng operator. I fckin hate this. Wala akong tyaga sa mga ganito alam mo yan.
Divina Mariel
Krys naman. Diba napag-usapan na natin to?
Kyra Devon
Oo nga. But as you can see, I can't be Kyra. Her character is opposite as mine.
Divina Mariel
Hindi naman eh. Actually you're doing well. Sinusungitan mo si Zaki, and ganun naman si Kyra eh. Sinusungitan talaga si Zaki. But medyo bungangaan mo pa sya ng konti kasi si Kyra ay bungangera. Haha!
Kyra Devon
Alam mong ayaw na ayaw kong mag-ingay.
Divina Mariel
Eh... Sa chat ka lang naman mag-iingay eh. Not in real life. Please?
Kyra Devon
Nakakabwisit ka.
Divina Mariel
Hehe! Love you too!
---
Mukhang wala na nga talaga akong choice but to be Kyra Devon starting tonight.
Tsk.
Great! Ang Krystal Fortalejo na tamad magsalita at cold sa lahat ay isa na ngayong operator ng isang character ng maingay na babae.
Great! Just great!
Freaking great! -_-
Sana kasi si Alexa na lang! -_-
Nireplyan ko muna ang iba pang nag-pm sa akin bago ko ni-log out ang account na ito.
At binuksan ang real account ko.
Krystal Fortalejo
1 friend request
Messages
2 notifications
Wow. Ano naman kaya itong 2 notifications na to?
At tignan nyo naman, ibang iba sa account ni Kyra. Dun eh sabog, ito naman ay napakatahimik. Tsk.
Cris Kris invited you to play Big Fish
Michael Isidro invited you to like the page May Forever Kay Michael <3
Hayop na invite yan. Akala ko kung anong notif. Isa naman palang kagaguhan. Tss.
Inaccept ko na lang din ang nag add sa akin total wala din naman silang mapapala sa account ko.
Nagbackread naman ako sa groupchat namin dahil nakita kong madami nang unread messages.
K.A.R.D.
Lex: Hoy Ina!!!
Lex: @Divina Mariel
Lex: Lumabas ka dyan!!
Lex: Nakakainis ka!
Lex: Hooooy!!
Lex: 😠
Rox: Hoy babae, anong problema mo?
Lex: Wag kang magulo Roxie! Aawayin ko pa si Divina! Kaya hoy Divina lumabas ka!
Rox: Bakit nga?! Paulit-ulit ah!
Lex: Wala ka na don!
Ina: Why Lex?
Lex: Wag mokong ma-why why! Naiinis ako sayo! 😠
Ina: Bakit ka nga naiinis? Did I do anything wrong?
Rox: Nabaliw lang yan Ina, wag mo na lang pansinin. Haha!
Lex: Wag ka ngang eksena dito Rox.
Lex: Bakit di mo manlang sinabi sa amin na nakakuha ka na pala ng operators mo?! Huhuhu
Lex: Tsaka diba ako dapat operator ni Kyra?!
Lex: Bakit ka ganyan huhu
Lex: We used to be friends :(
Rox: Ang drama mo gaga.
Lex: Sabing wag kang eksena eh!
Rox: Okay! Okay! Chill. Haha.
Ina: Wag ka nang magtampo sakin Alexa :(
Lex: At bakit hindi?!
Lex: Umasa ako eh. :(
Lex: Masakit Ina. :(
Rox: Kung maka-drama, kala mo naman jowa nya kausap nya. Tsk.
Lex: Roxie Castro!!!!!!!
Ina: Sorry na Alexa, I waited for your message, pero hindi ka naman nagmessage eh. Madami ring nag-apply pero wala rin akong nagustuhan :(
Lex: Nagmessage ako :(
Ina: Ha?
Rox: Hakdog.
Lex: Isa pang singit mo Rox ireremove kita dito!
Rox: Hehe sige hindi na. ✌
Lex: Nagmessage ako.
Ina: Chineck ko, wala talaga. Baka naman hindi mo naisend?
Lex: Sige wait check ko.
Lex: Hehehe oo nga. Failed to send daw.
Ina: See.
Lex: Sorry na. Hehe. Di na ako galit.
Lex: Kasalanan ko din naman pala eh. Haha.
Lex: Pero tanong ko lang.
Lex: Sino naman nakuha mong operators?
Ina: Edi yung mga nag-apply rin lang.
Rox: Hahaha!
Rox: Burn.
Lex: Sunugin ko mukha mo.
Lex: Sino nga kasi Ina?
Ina: Di nyo rin lang kilala. At bawal sabihin. Hihi.
Lex: Ay. Sayang naman :(
Ina: Hehe.
Krys: Hindi mo ba sasabihin sa kanila.
Lex: Oh hi Krys!
Rox: Sino ang may sasabihin?
Ina: Gusto mo bang sabihin ko, Krys?
Lex: Ay wow. So may sikreto kayo na di sinasabi sa amin :(
Rox: Oo nga. Akala ko ba F4 tayo. Solid tayo dapat.
Lex: Tara na Rox, tayo na lang magleave dito. :(
Krys: Drama nyo. Tss.
Ina: Haha! Ngayon lang kayo nagkasundong dalawa ah?
Lex: Heh! Ano na kasi yung sasabihin nyo??
Ina: Sabihin ko ba @Krystal Fortalejo
Krys: Bahala ka.
Rox: Sige na. Sabihin mo na.
Ina: Si Krystal kasi.....
Lex: Lakas mambitin ah!
Rox: Ano na.
Ina: Siya kasi ang.....
Rox: Ge pabitin pa.
Lex: Nang-aasar ka ba Ina.
Ina: Haha! Siya ang nanalo sa laro natin noon! Oo tama. Yun nga!
Lex: eh?
Rox: laro?
Ina: Oo! Naalala nyo ba yung laro natin nung first year? Yung sinikreto ng instructor natin kung sino yung nanalo, si Krys yun. Hehehe.
Lex: Ay siya pala yun! Kaasar! Tagal na nun ah, bakit ba kasi sinekreto ni Sir nun.
Rox: Akala ko naman kung ano. Tss. Kailan mo pa nalaman?
Ina: Netong third year ko lang nalaman, inamin ni Krys haha. Nahiya daw kasi siyang sabihin sa inyo. Diba @Krys?
Krys: Tss. Whatever.
Ina: Hehehe.
Krys: Night.
Lex: Sige, pretty night na! :>
Rox: Gnight!
Ina: Nightyy!
----
Krystal Fortalejo
Bakit di mo sinabi.
Divina Mariel
Sasabihin ko naman eh. Kaya lang di pa ngayon. Isurprise natin sila haha!
Krystal Fortalejo
Anong kasurprise surprise sa pagiging Kyra Devon? -_-
Divina Mariel
Basta! Ayokong malaman muna nila na ikaw ang operator. Bawal ngang malaman ng iba kung sino ang operators diba haha.
Krystal Fortalejo
K.
Divina Mariel
Thank you. :)
Krystal Fortalejo
Tss.
Divina Mariel
Basta i-enjoy mo lang. :) Saya kaya nyan. Haha.
Krystal Fortalejo
There's nothing to enjoy, tbh.
Divina Mariel
Haha! Sa una lang yan. Pag tumagal, maeenjoy mo din. :)
Krystal Fortalejo
Whatever.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top