AGKWC 14 - SEARCH FOR OPERATORS
ZELO ANGELO
Buong araw lang akong nasa apartment ko dahil sa sobrang katamaran.
Lintek na alak, lakas maka-sira ng plano.
May pupuntahan dapat ako ngayong linggo pero dahil masakit ang ulo ko, tinamad na akong umalis.
ZezeXx4u
0 works 0 followers
1 notification
Binuksan ko ang kaisa-isang notification ko sa wattpad.
May bagong update nanaman si Divina? Ang bilis naman?
[InaMaldita updated 'PORTRAYER/OPERATORS' in Even When It Hurts]
What? Operators??
[PORTRAYER/OPERATORS
Hello! So it's me again! :)
And obviously, this is not an update! Gaya ng sabi ko sainyo kanina, may pasabog ako na sasabihin sa inyo. And this is it!
Yes! Tama kayo ng nababasa. Gagawa ako ng account ng mga characters ko sa facebook para maka-chat nyo rin sila na parang in real life. Haha!
At syempre hindi naman pwedeng ako ang gumamit ng mga accounts na yun dahil napakasipag ko naman kung ganun. Haha!
Kaya starting tonight, magpapa-apply ako ng mga operators/portrayers nila Zaki Clint at Kyra Devon! At kung maraming may gusto, pati na rin siguro sila Mia Frost, Luigi Parker at Clyde Spencer! :))
Syempre, hindi magiging madali ang pagpili ko sa mga magiging operators. May prosesong dapat daanan. Hihi.
Unang una na diyan ay dapat magaya nyo ang character mismo ng inaapplyan nyo. For example, nag-aapply kayo bilang Zaki Clint, so dapat keri mo maging english speaking at dapat cold ka ganun haha!
So sa mga interesado, just PM me dito sa Wattpad or on my facebook account Divina Mariel. :)
So.... Yun lang! Hihi. Goodluck!
-inamaldita]
Ohhh.
I find it somehow exciting.
Kung mag-apply rin kaya ako?
Yeah.
Mag-aapply ako.
Maybe it can be a way to Divina's heart.
Mas mapapalapit ako sa kanya, since I'll be one of her operators.
Talino mo talaga Zelo Angelo. Tsk.
Tsaka hindi naman niya ako makikilala agad since my username is not my real name and my picture is only a black pic.
Pero paano kung makilala niya pa rin ako?
Cut that Zelo. Eh ano naman kung makilala ka niya? Tss.
Bahala na. Basta this is what I want. To be more closer to Divina.
And if it takes to be Zaki Clint, I'll do it!
----
DIVINA MARIEL
Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko.
Nagsisimula na itong maghang dahil sa ang dami ng nag-ppm sa akin!
Mukhang marami talagang interesado na maging operators ng characters ko ah.
Nakaka-overwhelm.
Nakakataba ng puso.
Ang una ko munang tinignan ay ang mga messages ko sa facebook.
20 unread messages
3 message requests
Hala. Andami na nila. Sino kaya uunahin ko?
Ah. Ito na lang.
---
Jose Mariano
Hi po Miss Ina! Mag-aapply po ako as operator for Kyra Devon! Hihi.
You accepted his request.
Divina Mariel
Hi! Sorry pero bawal ang boy to girl eh. Dapat babae ang kay Kyra at lalaki kay Zaki. Hehe. Pasensya na.
Jose Mariano
Aw. Sayang naman po. Huhu.
Divina Mariel
Sorry. ^^
Jose Mariano
Okay lang po.
----
Ramon Gonzalo
Hi Miss Ina. I'll be applying for Zaki Clint.
Woah, mukhang pwede ito ah.
Divina Mariel
Oh hi there! So bakit mo gustong maging operator?
Ramon Gonzalo
Kasi ang ganda mo. ;)
What the?!
Divina Mariel
Oh. Thank you. Pero hindi sapat yan na dahilan para kunin kita. :/ Sorry!
Ramon Gonzalo
Edi wag! Kala mo naman. Tss.
Wow! The nerve of this guy! Ugh!
----
Grace Laurel
Hi Ate Ina! Ako po kay Kyra! :)
Divina Mariel
Hi. :) So bakit mo gusto maging operator ni Kyra?
Grace Laurel
Kasi po gusto kong maging sikat. Ang boring po kasi ng life. Hehehe.
Another lame reason. Tss.
Divina Mariel
Sorry dear, pero I can't accept your reason. :/ But thank you for applying :)
----
Nabuksan ko na lahat ng mga messages pero wala pa rin akong nagugustuhan na maging operator. Aish!
Ang la-lame naman kasi ng reasons nila! Tapos yung iba parang napaka-plastic ng sagot. Yung iba naman, ang bagal magreply.
Yung mga questions na ginawa ko, hindi nila masagot ng maayos. Parang mema lang. Memasabe. And It's so annoying.
Pinuntahan ko na lang ulit ang wattpad account ko para tignan ang messages at ganun din! Marami ring messages dito.
But may isang profile that caught my attention.
ZezeXx4u
Bakit naman ganun yung username niya? Paano ba basahin yan?
Tsaka bakit walang picture? Plain black lang?
Katakot naman. Baka budol budol.
O baka hacker!!
In-open ko nalang yung kanyang message at ito ang tumambad sa akin.
----
ZezeXx4u
Hi there. Can I be Zaki Clint?
InaMaldita
Hello! :) Pwede naman. But, can you atleast, tell me your name and can you send me a picture of yours? Nakakatakot ka naman kasi. Napaka-mysterious. Haha!
ZezeXx4u
You can call me Ze. And sorry, but I won't show you my looks. Baka ma-inlove ka. Mahirap na. ;)
Ano ba to. Mala-Ramon din ba to?! -_-
InaMaldita
Okay Mr. Ze. Pero kung ayaw mong magsend ng picture, then you can't be Zaki Clint. Bye.
ZezeXx4u
Woah. Wait lang Miss Author. You're being unfair. Ni hindi mo pa nga ako naiinterview ng maayos, tapos hindi mo na agad ako kukunin?
InaMaldita
Excuse me Mr. Ze, I interviewed you already. And kasama sa requirements ko ang pag-alam sa profile ng magiging operator. So if you don't show me who you are, then you can't be Zaki.
ZezeXx4u
Okay fine. Let's have a deal then.
Wow. Sya ang nag-aapply, siya ang magpapa-deal?! Krystal ikaw ba to?!
ZezeXx4u
You'll ask me first your interview questions, then pag ako ang napusuan mong maging operator, then, I'll send you my picture.
InaMaldita
Okay then. Deal.
So here's the questions:
1. Why do you want to be the operator of (Zaki/Kyra/Mia/Luigi/Clyde)?
2. Kaya mo bang maging katulad nila? Their attitude, their expressions?
3. Ilang oras kang online everyday?
4. Pag ikaw ang nakuhang operator, ano ang mga ipopost mo?
5. Kaya mo rin bang makihalubilo sa mga readers ko as the character you operate?
6. Do you have other Rp Accounts?
ZezeXx4u
Tss. Too easy.
1. I want to be the operator of Zaki Clint because... He's me. His attitude is same as mine. The way he talks, the way he sees people, everything. And I think hindi ako mahihirapan sa pag-operate sa kanya.
2. Just as what I've said, He's totally me. So, yeah.
3. 2-3 hrs. But if you would pick me as his operator, I'll be more often.
4. Posts about Leukemia? Tss kidding. Of course I'll be posting as Zaki. About his love for Kyra. Ya know. Basta. It's for you to see.
5. Of course.
6. None.
InaMaldita
Okay. I'll be honest. I'm not convinced.
ZezeXx4u
You sure?
InaMaldita
Yes. I have one more question
ZezeXx4u
Spill it.
InaMaldita
Do I know you?
----
ZELO ANGELO
Oh sht! Anong sasabihin ko?
Nakahalata kaya siya?
----
ZezeXx4u
Yes. I'm Ze. I told you that.
InaMaldita
Tss. What I mean is, do I know you in real life? I mean, kaibigan ba kita? Classmate? Or something? Well. You don't have to answer it. Sige. I choose you to be Zaki Clint.
I'll be sending you the guidelines and rules as the operator. Goodluck!
----
Damn! I knew it.
Oh yeah. I'm Zaki Clint!
Kahit na kamuntik na niya akong makilala. Psh, Divina talaga.
Don't worry my ina, hindi ka magsisisi na ako pinili mo.
----
DIVINA MARIEL
Yeah, siya na ang kinuha kong Zaki Clint. Hindi ko rin alam kung bakit.
Aaminin ko, hindi talaga ako na-convince sa kanya kanina sa mga sagot niya. But I don't know, there's just something in me na nagsasabing siya ang kunin ko.
Kasi aaminin ko, nakikita ko rin si Zaki sa kanya. His cold aura sa pagchat niya sa akin. Ugh bahala na! Edi kung hindi niya magawa, madali lang naman siyang mapalitan!
----
InaMaldita
Guidelines/Rules:
1. Bawal kayong makilala ng mga readers as your real identity. So hindi kayo pwedeng makipag-usap sa kanila as the operator but as the character mismo. Basta. BAWAL! Even pictures nyo di nila pwedeng makita.
2. As much as possible, lagi dapat kayong online. Dahil ang number one purpose ng rp account nyo ay para makihalubilo sa mga readers. So bawal ang tamad dito. So kung ngayon palang tinatamad ka na, then quit!
3. Ako lang ang pwedeng magpalit ng mga profile pictures ng character sa facebook. But sa posts, and other things pa, kayo na ang bahala. Maski sa myday or kahit na ano. Pero kailangan nyo pa rin hingin ang approval ko bago kayo magpost.
4. Bawal din makilala ang identity nyo sa kapwa nyo operators. So pag nagchat kayo ng kapwa nyo operators, as the character pa din and not as your real identity.
5. You will have your codenames. Para kung sakali na magpopost kayo, at least alam din ng readers kahit codename nyo lang. And AKO ang magdedecide ng codename ninyo.
6. Bawal kayong magpost sa inyong REAL ACCOUNT regarding dito sa Rp account nyo. Dahil bawal lang talaga. Baka mamaya may maka-alam pa na kayo pala yung operator. And hindi pwede!
7. Ang ililike nyo lang na posts ay ang posts ko, at ng account ng iba ko pang characters. Pati comments.
8. Ang i-aaccept nyo lang na friend requests ay yung mga sa tingin nyo ay readers talaga ng EWIH. Bawal mag-accept ng mga bumbay, basta mga ibang lahi na alam nyo namang hindi nagbabasa. Basta maging maingat.
9. MAGING ALERTO SA PAG-OOPEN NG ACCOUNT. Siguraduhin nyo na mailolog out nyo agad pag sa comp shop kayo nag log-in. Para iwas hack.
10. Pinaka importante sa lahat, I-enjoy nyo lang! :) Oo. Isipin nyo lang na ikaw talaga si Zaki or si Kyra. :) At be friendly. :) pero pag may nang-aaway sa inyo. Sabihin nyo sa akin at ako ang kakausap.
So yun. Goodluck again!
ZezeXx4u
Ang dami ah. Thanks btw.
What's my codename then?
InaMaldita
Z. You will be Z.
ZezeXx4u
Wow. Pinag-isipan ah. Tsk.
InaMaldita
Ayaw mo?
ZezeXx4u
Tss. K. Thanks Ina. When will you make the account?
InaMaldita
Excited?! Mamaya. Gagawa na ako ng mga accounts and i-pm nalang ulit kita for the email and the password.
ZezeXx4u
Okay.
---
Hay. Nakakapagod naman to!
Bat ko ba kasi naisipang magpa-operators! Aish.
By the way, nakapili na ako ng mga operators.
Sa wakas!
Patricia Suarez as Mia Frost
Harry Domingo as Luigi Parker
Lorenzo Reyes as Clyde Spencer
Ze as Zaki Clint
Yes, Si Ze lang talaga ang hindi ko alam ang itchura at maging ang pangalan nito. Lakas maka-mysterious.
Malamang pangit siguro kaya di makapag-pakita ng picture. Haha!
Kung napapansin nyo, wala pang Kyra Devon.
It's because wala pa talaga akong nagugustuhan sa mga nag-aapply. Maging si Alexa, diko maintindihan kung anong balak ng babaeng yun.
Well, I am left with no choice. Sorry Krystal, you will be Kyra Devon. And I don't take no for an answer. Hihi
Agad ko namang binuksan ang Messaging at sinimulan nang i-text si Krystal.
To: Krys
Beshy! About sa deal, wala talaga akong mapili sa mga nag-aapply eh. So mukhang ikaw na talaga ang itinadhana maging Kyra Devon! Hihi. I don't take no as an answer! Remember may deal tayo! Hehe. I'll be sending the rules and guidelines sa fb account mo. Check mo na lang later. :)
*message sent*
Napangiti ko namang binitawan ang cellphone ko.
Don't worry Krystal, I didn't choose you for nothing.
Alam kong babalik rin ang dating ikaw. Just be Kyra Devon.
---
Omg! Natapos ko din! Nagawa ko na ang mga accounts nila! Yay!
Napalitan ko na rin ang profile picture nilang lahat.
Si Usui ng Kaichou Wa Maid Sama ang napili ko kay Zaki Clint
Si Sawako naman ng Kimi Ni Todoke ang napili ko kay Kyra Devon
And the rest is history...
Hehe joke!
Agad ko nang pini-em isa isa ang mga operators para ibigay sa kanila ang email account at password ng character na napunta sa kanila.
---
Divina Mariel
Clyde Spencer
Email: [email protected]
Password: reyeslorenzo05
Lorenzo Reyes
Ayun oh! Thanks Ms. Author!
Divina Mariel
Welcome L. :)
---
Divina Mariel
Luigi Parker
Email: [email protected]
Password: domingoharry04
Harry Domingo
Nice! Thank you Ms. Ina! Open ko na to ngayon. Haha!
Divina Mariel
Haha! Sige open mo na. Welcome H. :)
---
Divina Mariel
Mia Frost
Email: [email protected]
Password: suarezpatricia03
Patricia Suarez
Omg!! Thank you Ate Ina! Gagawin ko po talaga best ko! Salamat po ate! <3
Divina Mariel
Welcome P. Sige pagbutihin mo :)
---
Divina Mariel
Hi Krys! Hehehe.
Krystal Fortalejo
DO I KNOW YOU?!
Divina Mariel
Huy bessy naman. Sige na. Tanggapin mo na kasi. Please?? :(
Krystal Fortalejo
Sarap magmura. Pinipigilan ko lang.
Divina Mariel
Di mo ko matitiis kaya alam kong payag ka na! Hihi. Sending na yung email at password! :)
Krystal Fortalejo
Nam.
Divina Mariel
Haha! Love you!
Kyra Devon
Email: [email protected]
Password: fortalejokrystal02
Krystal Fortalejo
Pagkatapos talaga neto papatayin kita.
Divina Mariel
Go lang girl! Haha!
Thank you K! :)
Krystal Fortalejo
K???
Divina Mariel
Nakalimutan mo ba? Codename mo. Hehe.
Krystal Fortalejo
Ah. K.
---
InaMaldita
Zaki Clint
Email: [email protected]
Password: zezexx4u
ZezeXx4u
Wow. You even used my username. Silly.
Woah! Parang si Zaki nga kung magchat!
InaMaldita
Mukha kasing pangpassword yang username mo.
ZezeXx4u
Whatever. Thanks though. I'll open it now.
InaMaldita
Thank you too Z. Okay then.
---
Woah! Natapos din sa wakas.
Nakagawa na din naman ako ng groupchat for my characters na kasama ako at isa pang groupchat para naman sa mga readers na gusto ring makahalubilo ang characters ko.
So..... pwede na matulog?
Makakatulog na ko! Yay!
Zzzzzz.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top