AGKWC 13 - NECKLACE
KRYSTAL FORTALEJO
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko dahil di ako makahinga sa sobrang kulob.
Pinatay ko na kasi ang aircon ko kanina dahil kailangan kong magtipid.
Hindi pa kasi ako pinapadalhan nila Mrs. Fortalejo.
Bwisit. Nakalimutan na ata ako ng matandang yun.
Sunday na ngayon at wala akong balak umalis ng apartment ko dahil tinatamad ako.
Tsaka wala naman akong dapat puntahan.
Mamayang konti nalang ako magsisimba. Maaga pa naman.
Pumunta ako sa may drawer para kunin ang tuwalya ko para ako'y makaligo na pero narinig ko na merong nahulog galing dito.
Isang box?
Agad kong kinuha ito at tinignan ang laman.
Biglang nanlambot ang katawan ko dahilan para mapaupo ulit ako sa kama.
Tinitigan ko itong mabuti. Napatawa naman ako ng mahina.
Akalain mo nga naman, nandito pa pala ito?
Psh. Tinago ko pa pala ang kaisa isang ala-ala ng nakaraan ko.
Ala-alang unti unti ko nang gustong kalimutan.
Ang kwintas na ito. Ang natitirang ala ala ko sa kanya.
Siya ang naging una kong kaibigan.
Siya ang kaisa-isang taong dahilan kung bakit naging maganda ang nakaraan ko.
Nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
Nagparamdam sa akin na may nagmamahal pa rin pala sa akin.
Pagmamahal na hindi ko kailanman naramdaman sa mga magulang ko.
Kundi sa kanya lang
Pero lahat ng iyon ay nawala ng parang bula.
Dahil iiwan din pala niya ako
Katulad ng mga magulang ko, iiwan din pala niya ako.
Simula pagkabata ay namulat na ako sa katotohanang mas mahalaga ang kayamanan kesa sa sariling anak.
Well, Tried at tested ko na yan. Living proof ang mga magulang ko. Specially Mr. Fortalejo.
He never speaks to me. He never shows interest to me. Ni tumingin sa mga mata ko ay hindi niya magawa.
Naalala ko pa nung elementary ako. I've been the top 1 sa klase. Excited na excited ako nun ibalita sa kanila sa pag-aakalang, mamahalin na nila ako.
But I was wrong.
Ni pagpunta sa graduation ko ay hindi nila nagawa. Reason? Kasi may urgent meeting daw sila sa negosyo.
That's bullsh*t!
Maging ang nanay ko na tanging pag-asa ko na darating ay wala maski anino nila.
Bakit?!
Bakit hindi nila ako magawang mahalin?!
Naiinggit ako.
Naiinggit ako sa mga batang mahal na mahal ng magulang nila.
Sabi nila, walang magulang ang makakatiis sa kanilang anak.
Ang masasabi ko? Meron!
At ang mga magulang ko ang makakapagpatunay.
Galit na galit ako sa mga magulang ko to the point na nagawa kong magrebelde sa pagbabakasakaling, this time... mapansin na nila ako.
But still, wala. Si Mrs. Fortalejo lang ang nagbigay ng atensyon sa akin.
Pero hindi yun sapat para tumigil ako sa pagrerebelde ko. I was only 10 years old ng lumayas ako sa tinitirhan namin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta that time pero wala akong pakialam. Basta ang nasa isip ko ay gusto ko nang makalayas sa impyernong yun.
Nagpagala-gala lang ako sa kalye. Sa isang Children's park ako napunta at dun ko na napagdesisyunang manatili.
Sa kada gising ko sa umaga ay nakakapagtakang meron ako laging nakikitang papel.
Papel na may sulat.
Ang unang bagay na bigay niya sa akin.
Ang unang bagay na nagpalabas ng ngiti mula sa aking mga labi
----
Flashback
I hate you Daddy!
I hate you I hate you I hate you!!!
Nandito ako ngayon sa isang children's park at dala dala ang mga gamit ko.
Naglayas ako sa amin dahil hindi ko na kaya pang mamuhay na parang hangin lang ako sa pamilya nila!
Bakit hindi nila ako magawang mahalin?!
Bakit?! Bakit si Mommy lang ang pumapansin sakin?
O baka naman, napipilitan lang siya? Baka hindi naman pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin kundi awa! Awang hindi ko kailangan!
Patuloy lang akong umiyak habang nakaupo sa isang bench dito sa park. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay madami ng tao dito sa park.
May mga batang nagtatakbuhan
May mga batang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila
At.....
May mga batang humahalakhak kasama ang kanilang mga magulang.
Nakaramdam nanaman ako ng sakit sa puso ko
Nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko
Pinunasan ko nalang ito at humingang malalim.
Napalingon ako sa inuupuan kong bench ng may makita akong papel.
Nakadikit ito sa bench kaya naman kinuha ko ito.
'Wag ka ng umiyak. Papangit ka lalo pag umiyak ka. Smile lang! :)'
P-para sakin kaya ito?
Pero kanino naman galing?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid sa pagbabaka sakaling mahanap ko kung sino man ang naglagay nito dito. Pero nabigo ako
'Aish. Baka matagal na ito nandito. Wag kang tanga Krystal, hindi sayo yan'
Bulong ko sa sarili ko.
Pero nagkamali ako. Dahil araw araw kada gigising ako ay lagi akong may natatanggap na sulat.
'Sino ka ba? Lumabas ka nga! Alam kong nandito ka pa kaya magpakita ka na sa akin kesa lagi mo akong binibigyan ng papel!' Sigaw ko kahit na mukha akong tanga dahil wala naman akong kausap.
At maya maya pa ay may nakita akong isang lalaking mukhang kasing edad ko rin na papalapit sa akin.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyang makalapit sa akin
"Wish granted." Sabi nito sa akin sabay pagngiti niya na ikinatibok ng puso ko.
A-anong nangyayari sa akin?!
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?!
Mamamatay na ba ako?!
"Huy?" Pag-alog niya sa akin. Hindi ko namalayan na ang tagal ko palang nakatulala sa kanya!
Nakakahiya!
"A-uh uhmm ah eh" shit ka krystal! Bakit ka nauutal?!
"I-ikaw ba ang may g-gawa nito?" Tanong ko sa lalaki habang inaabot sa kanya ang papel
"Yup."
P-pero bakit?
"B-bakit?" Muli kong tanong sa kanya.
Umupo naman ito sa tabi ko at tsaka nagsalita.
"Kasi gusto ko. Palagi kasi kitang nakikita ditong malungkot at umiiyak. Naaawa ako sayo kaya sinusubukan kitang pasayahin. Nasaan ba ang mga magulang mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Awa?
Psh. Hindi ko kailangan ng awa mo.
"Hindi ko kailangan ng awa mo. Umalis ka na. At isama mo na rin yan." Malamig kong sagot sa kanya at kinusilapan ito.
"Hindi. Hindi ako aalis hangga't hindi ka nagkwekwento." Bakit ba ang kulit nito?!
"Umalis ka na sabi eh! Baka hinahanap ka na ng magulang mo." Tinulak tulak ko siya para umalis.
"Hindi ako hahanapin ng mga yun. Pero kung ayaw mo talaga magkwento...." at may kinuha siyang kung ano mula sa bulsa niya.
At inabot ito sa akin.....
Kwintas?
"Tanggapin mo nalang ito." Nakangiti nyang lahad sa akin.
Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba ito o hindi at tila kusang inabot na ng kamay ko ang kwintas
"Bigay sakin yan ng lola ko. Ang sabi niya, pag nalulungkot ako at pakiramdam ko na nag iisa ako, tignan ko lang daw yan. At isipin ko daw na ang kwintas na yan ay ang taong pinapahalagahan ko ng lubos. At yun, mawawala na yung lungkot mo." Nakangiting pagpapaliwanag niya sa akin.
Bakit ba ngiti siya ng ngiti?
At bakit....
Hindi ko yun magawa sa talambuhay ko?
"Pero bakit mo binibigay sa akin ito?" Tanong ko sa kanya
At isa nanamang ngiti ang natanggap ko mula sa kanya
"Kasi sa tingin ko..... mas kailangan mo yan." Masayang sabi niya sa akin.
Tinitigan ko naman muli ang kwintas.
May pendant ito na hugis rosas na may gintong kulay.
Ang ganda
"Salamat." Tanging nasabi ko nalang.
Tinanguan naman niya ako at akmang aalis na ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"T-teka lang. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ako si ....."
-----
Ay anak ng carbonara!
Bwisit naman ng cellphone na ito! Bigla bigla nalang mag riring! Bakit ba naka on ringtone nito?! Eh lagi ko itong sinasilent ah?
Ah. Baka si Alexa nanaman nagpalit nito. Bwisit na babae.
Nawala tuloy yung pag-alala ko sa kanya. Sayang.
Teka?! Hoy Krystal! Bakit ka nanghihinayang?! Dapat nga kalimutan mo na! Dahil matagal na siyang wala! At di ka na niya babalikan pa.
Padabog kong binalik ang kwintas sa loob ng box at binalik nalang ulit sa drawer.
Maliligo na ako! Aish nakakainis!
-----
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako para makapunta na sa simbahan.
Mukha man akong walang paki sa mundo at hindi naniniwala sa diyos, ay nagsisimba pa rin ako. Dahil sa ngayon, Siya lang ang kasama ko. At alam kong mahal Niya ako.
Pero bago umalis ng bahay, tinignan ko muna ang cellphone ko at tinignan kung anong dahilan ng pagtunog nito kanina.
'InaMaldita wrote on your message board'
Ugh. Do I have to read it?!
Pero di rin ako nakatiis at binuksan ko ito.
Ah. So mukhang ipopost na niya mamaya ang tungkol sa operators.
Tss. Nothing to be happy about Krystal.
Nirolyo ko nalang ang mata ko at binalik na ang cellphone sa dala kong sling bag at tuluyan ng umalis ng apartment.
----
DIVINA MARIEL
Ayan. Napost ko na ang tungkol sa operators.
Nakangiti kong pinagmasdan muli ang ballpen na bigay niya sa akin.
Salamat Koykoy
Salamat dahil kahit sa sandaling panahon lang ay pinadama mo sa akin ang pagiging masaya.
Sana nga lang ay mas nakasama kita ng matagal.
Sana hindi ka nalang nawala.
Sana hindi mo nalang ako iniwan.
Sana magkita tayo ulit.
Dahil magpahanggang ngayon..... gusto pa din kita
Gusto kita Koykoy.
Higit pa sa pagkakaibigan.
Dahil habang tumatagal
Mas lalo ko lang naiintindihan itong nararamdaman ko
Mahal kita, Koykoy.
Mahal na mahal.
Binalik ko na sa lalagyan ang ballpen ko at umalis na rin ng bahay.
Sana makita na kita ulit.
Sana naabot mo na ang pangarap mo
Dahil ako? Maaabot ko lang ang pangarap ko pag nandito ka na
Kasi....
Ikaw ang pangarap ko.
----
A/N: Kumusta naman kayo?! Hahaha! Nakakalito ba? Hahaha! Sige. Enough na muna sa mga nakaraan nila. Sa next chapter, start na ng pagiging operators nila! Yay! And ibig sabihin, START NA NG TOTOONG LOVE STORY! WAAAHHHHHH! Eggzoited iz meh. Hehehehe.
Okeh okeh. Masyado na akong nagdadaldal. Next Chapter na! :))))))
VOTE.COMMENT.SHARE
-foreverbaaaabs❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top