AGKWC 12 - BALLPEN

DIVINA MARIEL

Napangiti naman ako ng nakita kong tapos ko na ang Chapter 11.

Ngunit nagtaka ako kung bakit may naramdaman akong mainit na nanggagaling sa pisngi ko

Hinawakan ko ang pisngi ko at basa ito.

Great! Lumuha pala ako.

Masyado akong naapektuhan sa ginawa ko.

Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan tapos malalaman mong may malubha pala itong karamdaman?

Kahit sa panandaliang sandali mo palang nakakasama, masasaktan at masasaktan ka.

Lalo na kung nagawa ka pa nitong paglihiman.

Kaya hindi nyo masisisi si Kyra kung bakit labis siyang nasaktan.

Crush niya kasi si Zaki. Sshhh lang kayo. Secret namin yun eh. Haha! Joke lang.

"Ina tapos ka na ba dyan?" Tanong ni Roxie sa akin.

At oo, nandito pa rin kami sa apartment ni Krystal.

Nginitian ko naman ito "Yup. I-pupublish ko na."

At pinindot ko na ang publish button.

Napangiti nanaman ako ng makita kong successfully ko itong na-publish.

Napatingin naman ako sa orasan ng laptop ko at nakita kong alas-sinko na pala ng hapon.

Kaya dali dali ko nang pinatay ang laptop ko at ng tignan ko naman ang tatlo, natutulog si Alexa na nakaubos na ng tatlong chichirya mag-isa. Anong klaseng tiyan ang meron sya?!

Si Roxie naman ay bumangon na rin sa pagkakahiga.

At si Krystal, nakatingin ito sa akin with her famous cold eyes.

"Nako Krystal. Di mo na ako kailangan titigan ng ganyan. Aalis na nga kami oh! Haha!" Pagsabi ko sa kanya dahil naiilang ako sa mga tingin na binibigay niya.

"About the deal." Agad naman akong napatingin muli sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita.

"Promise me that you would find someone who's fit for the role. Wag mo akong dayain." Sabi nito sa akin na hindi manlang kumukurap.

Ngumiti naman ako sa kanya "Trust me." Yan lang ang nasabi ko sa kanya

At sinimulan ng gisingin si Alexa.

"Alex tara na." Paggising ko sa kanya habang niyuyugyog siya pero hindi pa rin siya nagigising.

Nakita ko naman si Roxie na papunta na rin dito kay Alexa at....

"ALEXA BABANGON KA BA DYAN O IPAPADALA KO SI WAFU SA BAHAY NYO!!!"

At parang magic namang bumangon talaga si Alexa.

Haha! Galing mo talaga Roxie.

Si Wafu ay ang pusang alaga ni Roxie at takot si Alexa sa pusa kaya naman ganun nalang ang reaksyon niya.

"Yah! Subukan mo at ipapakain ko siya kay Maki!" Bawing sagot naman ni Alexa.

Si Maki naman ay ang malaking aso na alaga ni Alexa. Galit na galit ito sa mga pusa kaya naman hindi na ako magtataka kung talagang kakainin nito ng buhay si Wafu.

"Tumigil na nga kayo. Tara na kung ayaw nyong si Krystal ang papatay sa mga alaga nyo pag di pa tayo umalis" sabi ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa poker face na Krystal at dalidaling lumabas na ng apartment.

"Bye Krystal!" Sabay nilang sigaw.

Napatawa nalang ako at tinignan muli si Krystal

"Thank you Krys. Thank you." Sabi ko at umalis na rin ng apartment niya.

-----

Nakarating na ako dito sa bahay at papasok pa lang ako ng bahay ng marinig ko nanaman sila Mama at Papa na nagsasagutan.

"Matilda! Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na ang anak natin?! Hayaan mo siya sa kung anong gusto niya! Bakit ba sarili mo nalang ang iniintindi mo!" Rinig kong pagsigaw ni Papa kay Mama

"I'm only doing what's best for her! Para sa kanya din naman ang desisyon kong ito! And don't you dare tell me na sarili ko lang iniintindi ko dahil hindi yan totoo!" Sigaw din ni Mama kay Papa

Bakit nanaman ba sila nag-aaway?

Ako nanaman ba ang dahilan?!

Sumisikip nanaman ang dibdib ko.

Nasasaktan akong makita ang dalawa kong magulang na nag-aaway ng dahil sa akin.

"Really?! Para kay Divina nga ba talaga? Hindi mo ba talaga alam na simula nang kontrolin mo ang buhay ng anak mo ay gabi gabi ko nalang siyang nakikitang umiiyak sa kwarto niya?! Hindi mo alam o wala kang pakialam?!" Pagsigaw ni papa

T-tama na....

T-tama na papa...

Unti unti na akong pumasok sa bahay at nakita kong nasa sala sila at patuloy na nagbabangayan

"Kontrolin?! Bakit?! Masama bang maghangad ng mabuting kinabukasan para sa anak natin?! Sabihin mo nga sa akin Eduardo! Masama ba ha! Masama ba?!" At narinig ko na ring umiyak si mama.

T-tumigil na kayo please...

"Hindi Matilda. Hindi masama ang maghangad ng mabuting kinabukasan sa anak natin. Pero alam mo ba kung ano ang masama? Yun ay ang hindi mo namamalayan na dahil sa kagustuhan mong mapabuti siya, ay lalo lang siyang nasasaktan. You are being selfish Matilda. Ni hindi mo manlang tinanong ang anak natin kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Ang mahalaga lang sayo ay ang kagustuhan mo!"

Tama si Papa.

Buong buhay ko ay never akong tinanong ni Mama sa kung anong gusto ko. Sa kung anong pangarap ko.

She always wants me to be on the top.

Pati ang pagkakaroon ko ng kaibigan ay pinapakialaman niya.

Ayaw niya akong makihalubilo sa iba kaya lumaki ako ng walang kaibigan

Lumaki ako ng lagi niyang dinidiktahan kung ano ang mga dapat kong gawin. Mga bagay na dapat at hindi dapat.

Pero ang nararamdaman kong kalungkutan at pag iisa ay napawi mula ng makilala ko siya. Si Koy-koy.

----

Flashback

Nasa children's park ako ngayon kung saan ay iniwan muna ako ni Papa dahil daw may bibilhin lang siya saglit.

Ito kasi ang nagiging bonding namin ni Papa. Ang pagpunta sa children's park. Si Mama kasi ay busy sa kanyang trabaho kaya naman si Papa nalang ang sumasama sa akin dito.

Nakaupo ako sa swing at pinagalaw galaw ito ng mahina habang tinititigan ang aking suot na sapatos.

Nang may isa pang pares ng sapatos akong nakita.

Sinundan ko ng tingin ang sapatos pataas sa nag mamay-ari nito at nakita ko ang isang batang lalaki na nakangiti akong tinitignan.

"Hi!" Masiglang bati nito sa akin.

Kinusilapan ko lang siya at lumipat sa kabilang swing.

Pero mukhang makulit ang isang ito at sinundan ako at tumapat ulit sa harap ko.

"Uy hi sabi ko." Sabi nito sa akin at nakita ko pa ang pagpout niya ng kanyang mga labi.

Argh! Nakakairita!

Pero... ang cute niya...

"My mom said don't talk to strangers." Pagsusungit ko sa kanya.

Nakita ko namang nilahad niya ang kamay niya sa tapat ko.

"Ako si Koykoy." Nakangiti niyang sabi saakin at hindi pa rin binababa ang kamay niya.

Tinitigan ko ang kamay niya at tsaka tinapik.

"Hindi ko manlang ba malalaman ang pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

Sasabihin ko ba?

Pano kung masamang tao siya?

At...hindi ako sanay ng may kumakausap sakin aside kay mama at papa...

Pero....

Bahala na!

"Ina." Sabi ko ng hindi siya tinitignan.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumiti ulit ito ng napaka-laki.

Bakit ba ang hilig hilig niyang ngumiti?!

Hindi ba niya alam na ang cute cute niya?!

Argh!

"Ayan! Alam mo na pangalan ko. Alam ko na rin ang iyo. So hindi na tayo strangers. At pwede na tayong mag-usap." Sabi naman niya at tsaka umupo sa swing na katabi ko.

"So bakit ka mag-isa dito? Wala ka bang mga friends?" Tanong niya muli sa akin.

Napangiti naman ako ng mapait.

"Si Papa ang kasama ko. May binili lang siya. Friends? Wala ako nun. Ayaw ni mama." Malungkot kong sabi kay Koykoy.

"Ha? Bakit naman? Ang lungkot naman ng life mo at wala kang friends."

Oo. Malungkot nga.

Kaya hindi ko magawang ngumiti kagaya ng ngiti mo kanina.

Hindi ako umimik at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Ah alam ko na!" Nagulat akong napatingin kay Koykoy dahil sa pagsigaw niya.

Kailangan talagang sumigaw?!

Tinignan ko lang siya habang hinihintay siyang magsalita

"Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa. Kasi mula ngayon, ako na ang unang una mong friend!" Sabi nito sa akin ng nakangiti at may kinuha sa kanyang bulsa.

"At dahil ako ang unang una mong kaibigan, hayaan mong ibigay ko ito sayo." At nakangiti niyang inabot sa akin ang isang.....

Panulat???

Nagtataka ko naman siyang tinignan "Ballpen?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Ballpen." Ngiti nitong saad sa akin pero patuloy ko lang siyang tinignan ng may pagtataka

"Bakit ballpen?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba? Gusto mo flowers?" Tanong nito sa akin na may halong pang-aasar

Sinimangutan ko naman ito at kinusilapan.

"Haha joke lang to naman. Uhm, ballpen ang binigay ko sayo kasi gusto ko, isulat mo palagi yung mga nararamdaman mo. At dahil sabi mo nga na wala kang friends, edi bat di mo gawing friend ang ballpen na iyan. Isipin mo nalang, ako yang ballpen na yan. At ikwento mo sa pamamagitan ng pagsusulat ang buhay mo." Nakangiti pa rin ito sa akin habang hinihintay na kunin ko sa kanya ang ballpen.

Kinuha ko ito sa kanya at "Thank you" ang sinabi ko sa kanya.

"Ina! Sus andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Tara na at tinatawag na tayo ni mama mo." Nakita ko si Papa na papalapit at kinuha na ang kamay ko.

Lumingon naman ako kay Koykoy "Magkikita pa tayo ulit diba?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian naman ako ni Koykoy at sinabing "Oo naman. Itago mo ang ballpen na yan ah!" Medyo nakalayo na kasi kami kaya pasigaw na niya itong sinabi.

"I will! Thank you Koykoy!" Huling sabi ko at kumaway na sa kanya.

----

Umakyat na ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko at hindi na binati pa ang mga magulang ko.

Masyadong masama ang loob ko sa kanila dahil nag-aaway nanaman sila.

At ako nanaman ang dahilan.

Narinig ko pang tinawag ako ni Papa pero hindi ko na siya nilingon at dumeretcho sa kwarto ko.

Si Koykoy.

Siya ang dahilan kung bakit ako nahilig sa pagsusulat.

Siya ang nagpuno ng kulang sa aking pagkatao. Ang pagkakaroon ng kaibigan.

Pagkatapos ng pagtatagpo naming iyon sa park ay nasundan pa ang pagkikita namin.

Sinekreto ko ang pagiging magkaibigan namin ni Koykoy dahil sigurado ako na pag nalaman ni Mama na may kaibigan ako, ay ilalayo niya ako.

At ayoko mangyari yun.

Nagbago ang dating Malditang Divina.

Nagkaroon na ng sigla ang buhay ko at palagi na akong ngumingiti at dahil yun kay Koykoy.

Kinuha ko sa drawer ko ang ballpen na binigay niya sa akin.

'Koykoy'

Naramdaman ko nanaman ang mainit na likidong pumatak mula sa mata ko.

Miss ko na siya

Miss ko na ang Koykoy ko.

Ang una kong naging kaibigan

Ang nagpabago sa InaMalditang kilala ng lahat.

Pero isang araw, hindi ko na ito nakita pa.

Nasaan ka na ba?

Bakit hindi ka na nagpapakita?

Ayaw mo na ba akong kaibigan?

Ayaw mo na ba sa akin?

Kasi ako? Gusto pa kita.

Gusto kita Koykoy.

Para sayo lahat ng mga sinusulat ko.

Sinunod ko ang sinabi mo na magsulat lang ako ng magsulat at isiping ikaw ang pinagkwekwentuhan ko.

Pero ang daya mo naman.

Iniwan mo ako.

Iniwan mo ako dahil sa pangarap mo.

Pangarap mong maging successful.

Pero hadlang nga ba talaga ako para makamit mo yun?

----

ZELO ANGELO

"Shit!" Putang-- ang sakit ng ulo ko.

Ito ang ayaw ko kaya tinigil ko ang pag-iinom eh.

Fcking hangovers!

Pinilit kong bumangon kahit pa masakit ang ulo ko dahil I'm fcking thirsty!

Tinignan ko ang orasan and it's already 9am!

Mabuti nalang at Sunday ngayon at walang pasok.

Pumunta muna ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos.

Pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina para uminom ng tubig.

Argh! Ang sakit talaga ng ulo ko.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang Iphone X ko.

Nakita kong nag text si Sky kaya binasa ko ito.

From: Sky

Tol! Gising ka na ba? Salamat pala kahapon ah. Paggising ko, iba na damit ko ah. Tapos nasa kwarto ko na rin ako. Pero hindi mo naman siguro nilapastangan ang hot kong katawan? Exclusive for girls lang ito ah. Kaya wag na wag kang magkakamaling galawin ako kahit lasing!

Tsk.

To: Sky

Fck you! It's not me. It's Vendric. Siya ang nagbihis sayo kagabi bago kami umuwi. And..... you got a cute brief huh. Super Mario."

*message sent*

Napasmirk na lang ako at humiga ulit sa kama.

Ang lalaking playboy at fckboy ay may brief na Super Mario. Wtf!

Sinabi lang sa akin ni Vendric yun kagabi. Ayaw niya ngang bihisan si Sky nung una dahil nandidiri daw siya pero dahil umariba ang kabaklaan niya ay sinunod niya ako.

Alangang ako ang magbihis kay Sky?! Hell no! I won't do such gayish things.

And hindi naman namin pwedeng pabayaan nalang si Sky na suot suot pa rin ang nasukahan niya, kaya walang choice si Vendric kundi bihisan ito.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako tuluyang bumangon para maligo.

Pagkatapos maligo at magbihis ay binuksan kong muli ang IphoneX ko.

Tumambad sa akin na may bagong update si InaMaldita.

Woah. Makapagbasa nga muna.

-----

Shit!

May Leukemia si Zaki?!

Wait.. Masyado na akong naaapektuhan sa storyang to ah.

Binitawan ko muna saglit ang aking IphoneX para mag-inat inat dahil kanina pa ako nakahiga.

Ganito ba talaga pag may hangover? Tamad na tamad kumilos?! Ugh.

Mayamaya pa ay tumunog nanaman ang Iphone ko na nangangahulugang may notification nanaman ako.

'InaMaldita wrote on your message board'

Woah. Ano naman kaya ang announcement niya?

Wait let me check it

Hi InaMalditas! Kumusta kayo? :) I just want to thank all of you na nagbabasa ng Even When It Hurts. Grabe! 11 Chapters pa lang, 100k reads na tayo! Yay! <3

At bilang pasasalamat, meron akong pasabog sa inyo na siguradong ikatutuwa niyo. :)))

At dahil sa gusto kong maging excited kayo for it, mamayang gabi ko na ipopost kung ano yung malaking pasabog ko sa inyo. Hihi :)))

Ps. I-get well soon nyo naman si Zaki Clint. Hehe. Nagpapalakas siya para sainyong lahat. Haha.

Alright. Bye na! xoxo

-InaMaldita

Nakita ko naman ang kabi-kabilang comments ng mga readers nya

'Wahhh ate Ina, your welcome!'

'Get well soon my Zaki'

'excited na ako sa pasabog mo miss ina!'

'Galing mopo Ms Author!'

Die hard fans. Karamihan sa mga nagcomment eh puros lalaki pa! Nakng!

Pero sige, aabangan ko yang pasabog mo na yan. I'll always be updated.

Basta ikaw.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top